Wednesday, October 19, 2011

My Own Good Vibes: THE REUNION



My Own Good Vibes: The Reunion
By: ACHEENA


This is my way of reminiscing and continuing the GoodVibes Series.  Some scenes from the original series might be used and credit goes to ABS-CBN’s GOOD VIBES the Dance-serye and to the writers of the show.  Kung ano mang pagkakahalintulad sa ginawa ko ngayon sa possibleng Season 2 ng Good Vibes ay pawang galing lang sa kathang-isip ng may-akda at sa mga nababasa kong tweets na pinapaskel sa Twitter dati nung magkaroon ng tanong kung anong mangyayari sa GoodVibes Crew in the future.

Lahat ng ito ay alay ko sa mga nagmamahal sa mga artista, director, manunulat at produksyon ng Good Vibes.  Sana magustuhan niyo ang munting handog ko para sa inyong lahat.  Kung may gusto kayong mangyari, ay pwedeng ipagbigay alam o kung may ayaw man kayo, huwag niyo na akong awayin at magsuggest na lang kung anong gusto niyong mangyari.  PEACE!



Chapter One:
Hello Philippines and Hello GoodVibes Crew


            “And the Pilipinas Dance Challenge winner is… GOOD VIBES CREW!”

            Hindi magkandahumayaw ang lahat ng nandun dahil sa tagumpay na nakamit patimpalak na iyon.  Everyone was hugging each other at hawak kamay na nagpasalamat sa lahat ng nandun sa pamamagitan ng pagbow.

            10 years has passed. 

            Napangiti si Marc habang inaayos ang suot na itim na salamin at isinara ang nakabukas na laptop.  Sandali siyang natigilan at nag-iisip.  Maya-maya lang ay dinukot ang cellphone sa bulsa at nagsimulang magdial.

            “Hello??? Marc?  Marcccc!!!!!” sigaw ng kabilang linya at kinakailangan pang ilayo ni Marc sa tenga ang telepono dahil sa lakas ng pagsigaw nito.

            “Hi Ara.  Kumusta?” 

            He can’t help but smile while hearing her voice.  Hindi pa rin nagbabago ang hyper na si Ara. 

            “Marc, teka lang ha.  Ssssshhhhhh baby stop crying na please.  Mommy is here na.”

            “Did I caught you in a bad time?”

            “No Marc.  Ok lang.  Yung inaanak mo lang kasi nag-aalburuto dahil gutom na.  Pero ok na.  Whats up?  Ikaw ha, hindi mo na ako binibisita sa shop.”  May halong tampo ang boses nito.

            “I know.  I’m so sorry.  Busy lang with work and the pet shop.  But I will visit you guys one of these days.”

            “Promise mo yan ha.  So, anong atin?”

            “Wala lang.  What do you think of Good Vibes Crew having a reunion?”

            Muling inilayo ni Marc sa tenga ang telepono kasi tumili na naman si Ara.

            “Marc, I love the idea.  Oh my God, natawagan mo na ba ang iba?  Ako na bahala sa logistic.  Just tell me when and where.  I’m so excited!”

            “Thanks Ara.  Ikaw pa lang naisipan kong tawagan kasi I know na you can take care of the logistics.  I’ll call you again soon or I’ll visit you and little Ivy sa shop na lang next weekend.”

            “Hay nako aasahan ko yan ah.  Sige better nga ganun so that we can talk na about the reunion.  I’m so excited na!!!  Ate Gracia!!! May reunion ang Good Vibes Crew!!!” Muling sigaw ni Ara dahil nakita nito ang kakarating lang na pinsan.

            Ang sunod na naririnig ni Marc ay tili mula sa dalawang babae at iyak ng isang sanggol kaya natatawang napa-iling na lang si Marc at nagpaalam na kay Ara.

            Bumuntunghininga si Marc pero di pa rin nawawala ang ngiti sa kanyang labi.  Sunod niyang tinawagan ay Franco pero maya-maya lang ay bigla siyang napa-isip sa gagawin at biglang napalitan ng lungkot ang mukha. 

            Ang bestfriend Franco niya naging bayaw na rin niya matapos itong ikasal kay Ate Carmi pero ang dalawa ngayon ay dumadaan sa matinding pagsubok sa kanilang pagsasama.  Ayaw niyang panghimasukan ang dalawa dahil nasa gitna siya.  Muling siyang bumuntunghininga at naghanap ng panibagong tatawagan.  Saka na lang niya kakausapin si Franco.  Dahil hindi lang naman ang reunion ang pakay niya rito kundi ang kapakanan ng kanyang kapatid at pamangkin.

            “Hello!  Sino ito?”  Bulyaw ng kabilang linya na ikinakunot ng noo ni Marc dahil kung hindi siya nagkakamali ay telepono ni Wowie ang kanyang dinayal.

            “May I speak with Wowie?”

            “Sino ito?”

            “Pakisabi si Marc.”

            “Sinong Marc?  Ikaw meron ka na namang bagong lalaki ano?”  Maya-maya lang ay narinig ni Marc ang babae sa kabilang linya sa sinasabi nito at nakarinig pa siya ng tila paghambalos ng kung anong gamit sa kausap na kanina pa tumatangi.

            “Saicy???”

            “Oo ako nga.  Bakit mo ako kilala?”

            “Saicy, si Marc Pedroza ito.  High blood ka masyado ah.”

            “Marc!!!!!  Hay salamat ikaw lang pala Marc.  Akala ko kasi kung sino na namang kachuchuwariwap nitong si Wowie.  Honey, si Marc ito.”

            Biglang nagpalit ang mood ng boses ni Saicy at bigla itong naging masayahin at tila nakahinga ng maluwag at ibinigay ang telepono kay Wowie.

            “Marc!  Whatzup?”

            “Ano ba kasi ang pinagagawa mo’t naghuhurementado na naman si Saicy?”

            “Ewan ko sa baliw na babaeng ito.  Ayaw akong tantanan pero selos naman ng selos.  Nakakaloka!”

            Tumawa ng malakas si Marc.  Nakikita niya ang nangyayari sa mga oras na iyon. 

            “Nakadikit ang tenga ni Saicy sa tenga mo ano?  Can you put us on speaker phone na lang para marinig din ni Saicy at hindi na kayo mahihirapan.  Tutal para sa inyong dalawa itong sasabihin ko.”

            “Teka lang Marc ha…” At muling naririnig ni Marc ang makulit na pagtatalo ng dalawa bago na set to speaker phone ang telepono ni Wowie.

            “Marc?  Marc naririnig mo ba kami?”

            “Yup.  Kasi ganito, 10 years na since nanalo tayo sa Pilipinas Dance Challenge and I was thinking, what if mag reunion ang Good Vibes Crew.  Naka-usap ko na si Ara…” pero hindi maipatuloy ni Marc ang sasabihin dahil sabay na tumili sina Wowie at Saicy.

            “Marc!!! I love the idea.  Gow!  Kelan ito?” ani Wowie

            At nilahad na ni Marc na magtatawag ito ng meeting sa mga darating na araw para sa una nilang pagtitipon at pag-uusap tungkol sa reunion.  Makalipas ng ilang palitan ng kuro-kuro ay nagpaalam na rin si Marc sa dalawa para matawagan ang ibang myembro.

            Si Gab at Geleen ay nasa Amerika sa kasalukuyan dahil sa wakas ay nakikipag-usap na sa kanila ang ama.  Napabuntunghininga si Marc nung naalala ang kalagayan ng kapatid sa ama at si Geleen.  Pero sandali lang iyon at muling naghanap ng matatawagan si Marc.

            “Hello Marc.” Masayang bati ni Jaimie.

            “Hi Jaimie.  How are you?  Are you busy?”

            “Hindi naman.  Kakatapos lang ng rehearsals namin.  Whatzup Bro?”

            “It’s been 10 years Jaim, and I’m planning to organize the GoodVibes Crew reunion.  Are you in?”

            “Wow Marc, that’s an awesome idea.  Just let me know when and what I can help.  Please do inform me earlier para I can arrange my schedule alright?”

            “Yeah yeah I understand and that is noted.  Thanks Jaimie and hope to see you soon.”

            “Thanks for calling Marc.  See you soon.  Take care.  Bye.”

            “Sino yun Babe?” Tanong ng lalaking humalik sa pisgi ni Jaimie.

            “Si Marc.”

            “Marc???”

            “Pedroza.”

            “Bakit daw?”

            “May reunion ang GoodVibes Crew.  And Babe, I want you to go with me.” Hinawakan ni Jaimie ang kamay ng kausap.

            Tinaasan lang siya ng kilay nito at pauyam na nginitian.

            “I think that’s a very bad idea Babe.  Just enjoy it with them ok.  Let’s go?”  Sabay lahad nito ng kamay.

            “When will this stop?  It’s been 10 years at bakit di pa rin kayo makapagmove-on?”

            Kibit-balikat lang si Ralion at sinabihan si Jaimie na huwag na pag-usapan ang topic para matahimik na.


            “Hello!” Bulyaw ng kausap sa kabilang linya.

            Napai-iling si Marc, parang lagi na lang siyang nabubulyawan ng mga kausap sa telepono sa mga sandaling iyon.

            “Hello, good afternoon po.  Pwede pong maka-usap si Maribeth?” Magalang niyang sambit.

            “Sino to?”

            “Si Marc po.”

            “Marc Po?”

            “Ay hindi po.  Ako po si Marc, kaibigan ni Maribeth.  Pwede po ba siyang maka-usap?”

            “Marc?  Marc ba na ng kapatid ng inaanak kong si Troy ito?”

            “Tita Ana?  Ako nga po.  Si Maribeth po ba nandyan?”

            “Ay nako Marc, kakaalis lang.  Sumama kay Papa niya at diniliver yung order ng Jollibee na leche flan.  Sa awa ng Diyos ay isa na kami sa supplier nila ng leche flan.” Masayang balita ni Tita Ana sa kanya.

            “Wow ang galing naman niyan Tita.  Kaya pala masarap yung halo-halo ng Jollibee ngayon dahil kayo pala ang may gawa ng leche flan.”

            “Ay salamat naman Marc.  O bakit di mo na lang tawagan si Maribeth sa cellphone?”

            “Tinatawagan ko po pero siguro walang baterya dahil unreachable po eh.”

            “Ay sus Ginoo!  Nagbago ng number yun kasi naiwan sa taxi ang telepono.  Hay kadangag gyud na bata.  Pero ito na bago niyang number.  091…” at mabilis na nilista ni Marc ang number ni Maribeth bago nagpaalam sa ina nito.

            Pero nung tinawagan ito ni Marc ay hindi nito sinasagot ang telepono.  Marahil ay busy ito kaya ipinagpaliban na muna niya ang pagtawag rito at naghanap ng bagong tatawagan.

            “Hello, Atty. Carlos speaking.  Who’s this please?”

            “Hi Atty. Carlos, this is Professor Pedroza speaking.”

            “Oh my God!  Marc!!! It’s been ages since I last talked to you.  Kumusta na?”

            “I’m good!  I’m good!  Hey, are you busy?”

            “No it’s ok.  Whatzup?” Pero sumisenyas na ang sekretarya ni Lea na nasa kabilang linya sa appointment nito.  Tumango lang si Lea at sinenyasan din ang sekretarya na pupunta na.

            “10 years na ang Good Vibes Crew.  And I’m planning of organizing a reunion.” Ipinagpatuloy ni Marc ang paglalahad kay Lea sa plano nito.

            “That’s awesome Marc.  Just keep me posted on it ha.  I’ll be there for sure.”  Nakangiting sambit ni Lea.

            “Thanks Lea.  Talk to you soon ok.  Take care.”

            “Thanks Marc.  See you around.” 

            Ang dating ngiti ay muling napalis pagkatapos ang usapan nila ni Marc.  Bumalik ang seryosong mukha ni Lea at inabot ang folder na nasa mesa at dinayal ang numero ng sekretarya.

            “Jean, papasukin mo na yung cliente.”

            “Yes Attorney.  Sir pasok na daw po kayo.”

            Nakatungo si Lea at binabasa ang kaso ng cliente.  Pro-bono ito o libre.  Ayaw man niyang gawin pero sinabihan siya ng kanyang boss na dapat tumanggap din siya ng kawang gawa para makatulong sa mahihirap.  Napakunot ang noo ni Lea habang binabasa ang kaso at tila pamilyar sa kanya ang kliyente.

            “Good afternoon Atty. Carlos.” Magalang na bati ng may edad na lalaking pumasok.

            Nag-angat ng tingin si Lea nung biglang natigilan at nakilala ang bagong kliyenteng nirereklamo ng rape.

            “Aba’y si Baby pala ito ah!” Manghang sambit ni Jhong na dating kaibigan ni Troy na nangulo sa Northbridge nung high school pa sila.

            “Ikaw?”  Hindi naiwasan ni Lea na tarayan ang kaharap.

            “Ako nga Baby.  It’s nice to see you again my Baby!” Nakangising sambit ni Jhong.

            Ikot-mata at taas ng kilay na lang ang naging tugon ni Lea at bumuntunghininga pa muna bago sinabihan ang mga bisitang umupo.

            “This is going to be a long day Lea.” Paalala ni Lea sa sarili.


            “Bro!!!! Napatawag ka?  Musta si Daddy at Tita Amanda?” Masayang bati ni Troy sa kabilang linya nung marinig ang boses ng kapatid.

            “Bro, kelan ba ang uwi mo?  Parang hindi mo na ata kami naalala ah.”

            “Gustong-gusto ko ng umuwi pero di pa pwede eh.  Pero patapos na ang concert tour kaya magbabakasyon talaga ako ng matagal bago bumalik sa trabaho.  Kumusta na?”

            “Bro, 10 years na ang Good Vibes Crew, I’m planning for a reunion and better arrange your schedule para maka-uwi ka.”

            “Reunion!  Astig!  Gusto ko yan!  Kelan yan?  Ah basta bahala na, pupunta talaga ako.”

            “Basta tawagan na lang kita ulit ha pag planado na ang lahat.”

            “Bro, kumusta pala si Franco at Ate Carmi?  Ganun pa rin ba?”

            “Sad to say Bro, ganun pa din.  Pero I just hope that they’ll be able to patch things up.  Kawawa naman kasi yung pamangkin natin pag maghihiwalay sila.”

            “Oo nga.  Kausapin mo na lang ang bestfriend mo Bro.  Basta kung kailangan mo yung tulong ko, tawagan mo lang ako at kasihodang ikansel ko lahat ng shows dahil family comes first di ba.”

            “Yup.  Tawagan na lang ulit ha tsaka tawagan mo din si Mommy minsan dahil lagi kang tinatanong sa akin kung kelan ka daw uuwi.”

            “Ok.  Tawagan ko sila mamayang gabi.  I’m sure malungkot si Tita Amanda dahil sa nangyari kay Franco at Ate Carmi pero pasan ba’t mamayos din ang lahat ng ito bro.”

            At tinapos na nila ang pag-uusap nung marinig ni Marc na tinatawag na Troy para sa rehearsal nito.

            Nagbilang si Marc kung sino na lang ang di niya natawagan.  Si Spencer ay nasa Australia pa kaya napagpasyahan ni Marc na e-email na lang ito kasama nina Geleen at Gab.  Nung muling na-isip si Maribeth.


            “Anong atin Sir?”

            “Miss, pwede bang maka-usap si Maribeth at isang halo-halo na rin.”

            “Teka lang Sir ha, tawagin ko lang po si Mam Maribeth.”

            “Ate, may naghahap pong pogi sa’yo.”

            “Umayos ka nga dyan Kurdapya.  Kinsa man nangita nako?”

            “Ambot oi.  Basta gwapo lagi.  Kung di ka niya, ako na lang siya ha.”

            “Amaw man ka oi.  Hala balik na didto para sa mga customers.”

            “Basta Te ha, kung di ka niya, ako na lang siya!!!”

            Napa-iling na lang si Maribeth sa kinikilig na trabahante at lumabas ng office para puntahan ang sinasabi nitong naghahanap sa kanya.

            “Marc?”

            “Betchay!”  Nakangiting sambit ni Marc at niyakap ito at bineso.

            “Anong atin?  Huy, anong gusto mong kainin.  Order ka lang ng order ha.  Libre para sa’yo.  Nag-order ka na ba?”

            “Tapos na.  Halo-halo.”

            “Kurdaps, triplehin mo yung leche flan sa halo-halo ng crush mo.”

            “Ano yun?”

            “Wala, may crush lang sa’yo yan eh.”

            Napatawa si Marc sa sinasabi ni Maribeth at kinawayan pa ang waitress na mas lalong namula sa kilig.

            “Betchay, 10 years na ang Good Vibes Crew, magreunion tayo.  Tulungan mo ako sa pag-organize ha.”

            “Oo ba.  Sabihin mo lang kung kelan at saan.  Nako Marc, masaya yan at excited na ako!”

            “Oo nga ako din sobrang excited na.  Naisip ko lang bigla nung pinanuod ko muli ang video natin nung dance compen.  Ang saya-saya ng araw na yun.” 

            “Asus!  Nagday dreaming ka Sir.  Ito na ang halo-halo mo with ube ice cream at additional leche flan.”  Nakangiting sambit ni Maribeth.

            “Ube ice cream.  My favorite!  Pero teka leche flan… hmmmnnnn namimiss mo ang Australianong imported ano?  Aminin!”

            Biglang nag-iba ang timpla ng mukha ni Maribeth sa sinabi ni Marc.  Biglang nanulis ang nguso nito.

            “Nako po!  Parang may hindi ako alam!”

            “Hmmmp!”

            “Saan man siya ngayon, I’m sure mahal ka nun.”

            “Mahal?  Mahalin niya ang lelang niyang panot!  Ay basta poot ako sa Australianong Kangaroong yun.  Huwag na huwag siyang magpakita sa akin at titirisin ko talaga siya!” Pangigigil na sambit ni Maribeth.

            Umusog si Marc sa tabi ni Maribeth at inakbayan ito.

            “Betchay, hayaan mo na muna.  Pasan ba’t magkakaayos din kayong dalawa.  Kaya ngayon, halika saluhan mo na lang ako dito sa masarap na halo-halo.”

            Nagpakuha ng isa pang kutsara si Maribeth at sinaluhan si Marc sa halo-halo.

            “Maiba pala ako Maribeth, napag-isipan mo na ba yung inalok namin sa’yo?”

            “Kinakabahan ako Marc eh.  Ibang-iba kasi ang mga bata dun kesa sa mga tinuturuan ko.”

            “Ikaw pa rin ang teacher kaya ikaw pa rin ang may authority.  Tsaka mga estudyante pa compare to you na isa ng professional.  Pansamantala lang naman itong pagiging substitute teacher mo dahil manganganak si Mrs. Santos.  At ang ituturo mo ay PE which will specialize in dancing so wala kang ikakabahala.  Ano, papayag ka na?”

            Bumuntunghininga si Maribeth bago nakangiting tumango kay Marc.  Nakipag high-five si Marc sa kanya at masaya nilang pinatuloy ang pagkain ng halo-halo.  Dumating din sina Ninong Mel at Ninang Ana kaya hindi nakaalis agad si Marc.


            “Hi Ma.  How’s the prettiest lola in the whole world?”  Yakap ni Marc sa inang si Amanda habang nagluluto ito. 

            “Ito tumatandang maganda pa rin.”

            Hinalikan ni Marc ang pisngi ng ina at umikot para makaharap ito.

            “Saan ka galing Nak?”

            “Kina Maribeth.  Napasubo ako ng kainan at kwentuhan dun.  Gawa muna ako ng tea ma ha.”

            “Ako na.  Upo ka na lang.”

            “Thank Ma.  Anong balita kina Ate Carmi?”

            “Hay nako Marc.  Kausapin mo nga yang dalawa.  Para silang mga bata kung mag-away.  Ewan ko talaga kung bakit hindi sila magka-intindihan.”

            “Hayaan mo na muna yang dalawa Ma.  Pagnagkakagulo na, saka na tayo maki-alam.  Mahal na mahal naman nila ang isa’t-isa kaya I’m positive that they will be able to patch things up.”

            “Sana nga Anak.  So, what’s new with you?  Sana huwag mong pabayaan ang sarili mo ha.  Buti nga paminsan minsan umuuwi ka pa dito pero kung pwede sana dalas-dalas mo ang bisita sa akin dito ha.  Atleast kayo ng Daddy mo ay laging nagkikita sa school.” May bahid na lungkot sa boses ni Mrs. Amanda Pedroza.

            “Ma, opo.  Susubukan ko po.  Medyo busy lang po lagi eh.  Ay Ma guess what, 10 years na pala ang Good Vibes Crew and I’m planning to organize a reunion for the group.”

            “Wow Anak, that is nice!  Nakakamiss din yung mga friends mo.  Were you able to contact all of them?”

            “Most of them Ma pero yung iba kasi I have to email them because they’re out of the country.”

            “Nako Marc, maganda yan.  Basta just like old time ha, kung meron kayong kailangang tulong sa akin, don’t hesitate to ask me.”

            “Sure Ma.  Sana nga lang maging maayos na sina Franco at Ate Carmi.”

            Muling bumuntunghininga si Mrs. Pedroza.

            “Nga pala Marc, will you be inviting Monique for the reunion?”

            Natigilan si Marc sa tanong ng ina.  Hinawakan ni Amanda ang kamay ng anak bago nagsalitang muli.

            “Marc, kahit papaano ay parte din siya ng buhay mo.  I think it’s high time that you get in touch with her.  O cya, akyat na muna ako ha.  Antayin na lang natin ang Daddy mo bago tayo kumain.”

            “Sige Ma.

            Tinititigan ni Marc ang cellphone ng matagal.  Nagsimula siyang tumipa sa keypads pero maka-ilang beses din pinipindot ang iisang keypad na delete.  Maya-maya lang ay nagsimula uling pumindot pero bago mapindot ang send button ay makailang beses muna bumuntunghininga.

            Muling binasa sa huling pagkakataon ang text bago tuluyang pinindot ang send na button.

            “Hi Niqs, can we talk?”

            Lumipas ang ilang sandali at parang nabibingi si Marc sa katahimikan nung biglang tumunog ang cellphone niya na ikinagulat niya.

            “1 message received”

            Muling bumuntunghininga bago tiningnan kung ano ang laman ng text.

            “Ok.”

            Ang ninenerbyos na mukha ni Marc ay napalitan ng isang ngiti.



CHAPTER  TWO:
Good Morning Mam Maribeth
           

            “Welcome to Northbridge Ms. Tamayo.  We’re glad that you accepted the job even if it’s just temporary.”  Nakangitng sambit ni Mr. Nestor Pedroza na siya pa ring principal ng paaralang iyon.

            “Thank you Tito Nestor.  Magaling lang mangumbinsi si Professor Pedroza.”

            Mayabang namang ngumiti si Marc at kinindatan ang ama.

            “Oh, if it isn’t my teacher Maribeth!  It’s nice to see you here.  I’m sure your students will love your class!”  Excited na sambit ni Ms. Torres nung makita si Maribeth. 

            Dahil dun sa pagtuturo nina Maribeth at Troy ng sayaw sa grupo ni Ms. Torres ay naging regular na yung ginagawa nilang klase at tulong-tulong silang magkaibigan sa pagmamalakad ng pagtuturong iyon.  Iyon ang naging part time job nila habang nag-aaral sa kolehiyo.

            “Bakit hindi mo gawing regular ang pagtuturo dito sa Northbridge Iha?  Alam mo maganda dito at magiging masaya ka rin dito.  Medyo may mag students ka lang na maarte pero hay nako knowing you, kayang-kaya mo yan.  Kumusta na kaya si Troy?  Namimiss ko ng kasayaw yun.”

            “Sikat na po eh.”  Di napigilang sabihin ni Maribeth.

            Hindi nakalagpas sa lahat ang proud na ngiti ng isang ama sa narating ng anak.  Maging si Marc ay hindi nababahiran ng pagka-ingit sa narating na kapatid.

            “Oo nga.  O ayan bell na pala.  Nestor, ikaw na ba ang magpapakilala kay Maribeth sa klase ni Ms. Santos?”

            “Yes Ms. Torres.  Maribeth, let’s go.”

            “Dad, I’ll get going.  Betchay, sabay tayong maglunch mamaya ha.”

            Tumango’t nginitian ni Betchay si Marc at sumunod na ito sa principal.


            “Kumusta ang klase mo kanina?” ani Marc habang nakapila sila sa cafeteria.

            “Ok naman.  Tama nga Si Ms. Torres, may mga estudyante ngang medyo maarte pero keri naman.  Ako pa!”

            “Oo naman.  Pero mapapasubo ata ako sa klaseng ito.  Maraming magaling na dancers.  Sama ka nga minsan dun Marc.”

            “Oo ba.  Minsan pupuntahan kita sa class mo and let’s show them our Good Vibes Crew moves.” 

            Hindi alintana ni Marc ang pagiging propesor sa ginawa nitong aksyon na paborito nilang sayawin dati ang “Teach Me How to Dougie”.  Maging ang Maribeth ay nahawa na rin at gyun din ang ginawa.  Nanlaki ang mata nilang pareho nung biglang may nagpatugtug niyon.

            “Sasayaw na yan!  Sasayaw na yan!”  Paulit-ulit na pagsigaw ng mga estudyante sa kanilang dalawa at mas nilakasan pa ang tugtug.

            May nagclear ng mga mesa’t upuan para bigyan sila ng pwedeng dancefloor.  May ilang grupo ng estudyante ang lumapit sa kanilang dalawa at pinatayo sila para akayin papunta sa gitna.  Nagkatinginan silang dalawa ni Marc at tumango sa isa’t-isa at nagsimulang gumiling.  May mga estudyante din naging back-up dancers nila.

            Ang simpleng lunchbreak na iyon ay naging ubod ng saya para sa bagong guro ng PE at sa pinakapaboritong professor nila ng Science.  Papasok din sina Principal Pedroza kasama sina Ms. Torres na hindi rin mawala ang ngiti sa mga labi sa nasaksihan.  It was the breaktime of the students kaya hinahayaan nila ang mga ito.  Sa isang sulok ay biglang inilapag ni Ms. Torres ang kanyang bitbit na bag at sinundan sina Marc at Maribeth sa pagsasayaw.

            Si Mr. Pedroza ay napangiti sa nasaksihan.  Alam niyang paborito talaga ng anak ang pagsasayaw pero sa halip na sundan ang yapak ng kapatid na si Troy ay pinili nitong maging isang guro dahil sobra nitong mahal ang Northbridge.  He is grooming Marc to be the future principal of the school.

            Patapos na ang tugtug nung namataan ni Maribeth na nandun pala ang mga senior teachers kaya namula itong tinakpan ang bibig pero nag thumb up sign naman si Ms. Torres na hindi pa rin maawat sa pagsasayaw with the big flower on her hair.

            Lumapit si Principal Pedroza kina Marc at Maribeth nung matapos ang tugtug at nagsalita.

            “You must have enjoyed the show students.  May I formally introduced your subsititute PE – Dance class teacher.  Ms. Maribeth Tamayo!”

            Mas dumadagung-dung ang palakpakan sa loob ng canteen at tiyak na nina Principal Nestor na tanggap na tanggap ng mga estudyante si Maribeth at tuluyan na niya itong kumbinsihing maging regular member na ng kanilang faculty and staff.

            “I told you they will love you!” Bulong ni Marc kay Maribeth nung yakapin siya nito matapos pormal na pinakilala ito ng ama.

            “Thanks to you!  I love it!!!! Galing! Wooohhhh!!!!”

            Nagkatawanan ang dalawa at muling nagyakapan at bumalik sa mesa at ipinagpatuloy ang naudlot na pananghalian.


            “Ma??? Ma!!!”

            Lumabas si Amanda at may karga-kargang batang babae na nasa apat na taong gulang.  Biglang lumapad ang ngiti ni Marc at mabilis na nilapitan ang dalawa at matapos halikan ang ina ay kinuha ang bata at mahigpit na niyakap at pinangigilan.

            “Buti naman dumalaw ang little princess natin.”

            “Hindi dumalaw yan.  Dito na muna yan.”

            “Ha?  Bakit?”

            Bumuntunghininga si Amanda at halatang malungkot ito.

            “Nag-alsa balutan ang kapatid mo.”

            “Ha!!!  Bakit daw?”

            “Princess, you go to yaya muna ha.  Lala and Tito Marc will just talk ok.  Love you baby ko!” at pinugpug muna ng halik ang apo bago binigay ito sa yaya at inakay si Marc na sa may garden sila mag-uusap.

            “Dumating dito ang kapatid mo kaninang umiiyak.  Gusto na daw nitong hiwalayan si Franco.”

            “Bakit daw po?”

            “Ayaw ngang sabihin eh.  Hinahayaan ko muna dahil mainit pa ang ulo.”

            “Alam na ba ni Dad?”

            “Sinabi ko nandito ang Ate Carmi mo but di ko pa sinabi ang totoong nangyari dahil baka maging balisa yun eh.  Marc, kausapin mo na si Franco.  I think kailangan na nating makialam kung ano talaga ang puno’t dulo ng problema nilang mag-asawa.”

            “Kausapin ko muna si Ate Carmi Ma.”

            “Sige anak, akyatin mo yun sa kwarto niya.  Nandun nag-eemote.”

            Hinalikan ni Marc ang noo ng ina bago muling pumasok sa loob ng bahay.


            “Sabi ko ayaw kong magpaistorbo.” Halatang galit ang boses at umiiyak si Ate Carmi nung makarinig ito ng katok sa pintuan.

            “Kahit ba ako ayaw mo ring maka-usap?” Nakangiting sambit ni Marc sa kapatid.

            Paglingon nito ay bigla na naman nag-uunahang tumulo ang mga luha nito at patakbong yumakap sa kapatid at humagulgul.

            Niyakap ni Marc si Ate Carmi at hinayaang umiyak sa kanyang balikat.  Pagkaraan ng ilang saglit ay medyo nahimasmasan na ito ay napangiti itong nagpahid ng luha.

            “Sorry Marc ha, nabasa tuloy ang polo mo.” Sabi nito sabay singhot.

            “Oo nga napansin ko nga.  Labhan mo ito ha.  Paboritong polo ko ito he.”

            “Ang sama mo talaga.  Umalis ka na nga.”

            Muling niyakap ni Marc ang kapatid at sinabihang nagbibiro lang siya.  Umupo muli si Ate Carmi sa kama at muling bumalik sa lungkot ang mukha nito.

            Tumabi si Marc at inakbayan ang kapatid.

            “Ate, gusto mong pag-usapan natin ang problema nyo?”

            Huminga ng malalim si Ate Carmi at umiling.

            “Huwag na muna Marc.  Masakit na kasi mata ko sa kaka-iyak.  Gusto ko munang mag-isip kaya umuwi ako dito sa bahay.  Si Princess pala nasaan?”  Biglang naalala ni Carmi ang anak.

            “Na kay Yaya pero malamang na kaya Mommy na yun.  Sige saka na tayo mag-usap tungkol diyan.  Pero sa ngayon, ito na muna.”

            Tumayo si Marc at may kinuha sa labas.

            “Tadaah!”

            Napangiti si Ate Carmi at muling tumulo ang mga luha kahit nakangiti.

            “Ate naman eh.  Nakangiti ka na nga pero umiiyak ka naman.  Ice cream?”

            Muling yumakap at humagulgul si Carmi sa kapatid.

            “Namimiss ko kayong lahat.  Hay nako ano ba yan!  Ikaw kasi eh.  Pengeng teaspoon.”

            Nakangiting binigay ni Marc sa kapatid ang bitbit na isa sa mga kutsaritang dala at binuksan ang ice cream at sabay na silang kumain.  Paborito nilang bonding na magkapatid iyon at kung sino man ang may problema ay malaki ang ikakagaan ng kalooban pag may ganitong eksena.

            Biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang 4 years old na si Princess at yumakap sa ina.

            “You want ice cream Princess?”

            “Marc, huwag muna.  Mamaya na lang pagkatapos kumain.  Baka mawalan ng gana yan eh.”

            “Eh milk din naman ang ice cream Ate.  Hayaan mo na, paminsan minsan lang naman di ba Princess?” pero sinubuan na ito ni Marc kaya ikot-mata na lang si Ate Carmi.

            “Eh Mam, nasa baba po si Sir Franco.  Gusto daw po kayong maka-usap.” Ani ng yaya ni Princess.

            “Ok lang Ate.  Ako na muna kakausap kay Franco?”

            Kibit-balikat lang si Ate Carmi pero halatang ayaw pa kausapin ang asawa kaya si Marc na lang ang bumaba at karga nito si Princess.

            Pagkakita ng bata sa ama ay bigla itong sumigaw ng “DaDa!” at nagpupumiglas para pumunta sa ama.  Halatang problemado din si Franco at hitsura nitong lalag-balikat at nanlalalim ang mga mata.  Pagkahawak sa anak ay niyakap agad ito ng mahigpit ni Franco.  Si Princess naman ay naglalambing sa ama ay yumakap na rin ito ng mahigpit sa huli.

            Kahit ba may problema ang kapatid niya at bayaw ay hindi pa rin naman nag-iiba ang pakikitungo ni Marc sa matalik na kaibigan.  Nagkamay at brotherly ritual pa rin sila gaya ng nakagawian.

            “Brawh, tara dinner tayo sa labas.”  Yaya ni Marc dito.

            “Nakakahiya kay Mommy.”

            “Ok lang Franco.  You can go with Marc.  Ako na muna bahala sa mag-ina mo.”

            “Thank you Ma.” At hinalikan ni Franco ito matapos ibigay dito ang anak at sumama na kay Marc palabas.

            Lihim pa lang nakamasid lang si Ate Carmi sa taas at bumaba lang ito nung umalis na ang asawa.




CHAPTER THREE:
Good Boy Na Ako, Dati Pa


            “Brawh, galit pa rin ba si Carmi?”

            “Malamang kasi kanina pa yun umiiyak at ayaw ka daw makita.  Franco, you are my bestfriend but if may gagawin kang ikasasakit ng pamilya ko ay mag-isip isip ka na.” Seryoso si Marc nung sambitin iyon sa matalik na kaibigan.

            “Brawh, naman ako pa.  Di ba nangako ako sayo nung bago kami ikasal ni Carmi na aalagaan ko siya.”

            “So kung nangako ka, bakit umiiyak si Ate Carmi at nag-alsa balutan?”

            “Hindi ko nga maintindihan eh.  Ewan ko dun kasi laging nagseselos.  Hindi lang ako makauwi sa tamang oras ay nagagalit na at kung ano-ano ang sinasabi.  Na kesyo may kasama daw akong babae.”

            “Baka naman meron talaga siyang basihan para maging ganun?”

            “Brawh naman!  Good boy na ako… dati pa… nung naging kami na ni Carmi.  Alam mo yun Marc.  Nakikita mo ang pagpapatino ko di ba?”

            Napa-isip si Marc.  Tama nga naman si Franco dahil simula nga nung naging magkasintahan na ito at ang kapatid ay umiiwas na din ito sa mga babae.

            Bumuntunghininga si Franco pero laglag pa rin ang balikat dahil sa hindi maintindihan kung anong nangyayari sa asawa.


            Nung matuklasan ng mga Pedroza ang lihim na relasyon nina Franco at Carmi ay gumulo ang lahat para sa magkaibigang Marc at Franco.  Pero naging maayos ito muli nung pumayag na ang mga Pedroza sa relasyong FranMi.

            Simula nung naging sila ay tinotoo naman ni Franco ang pangako sa matalik na kaibigan na magpapakatino na ito sa pag-aaral at higit sa lahat ay maging faithful kay Carmi.

            Napagpasyahan na rin Franco na sa pinapasukang unibersidad ni Carmi na rin ito pumasok para laging makasama ang dalaga.

            Dahil sa hilig ni Carmi sa pagluluto ay nag-aral na rin ito sa ng culinary para sa paghahanda nito sa gustong buksang maliit na catering service pagkatapos mag-aral.  Si Franco naman ay kumukuha ng Marketing.

            They were able to keep their relationship solid until nung ika-apat na taon nilang magkasintahan ay wala nagawa ang dalawa kundi ipagtapat sa mga magulang na nagdadalantao si Carmi.

            Gaya ng inaasahan ay nagsilakbo na naman sa galit si Daddy Nestor dahil gagraduate pa lang ni Franco nun nung mangyari iyon.

            “Carmi, ano ba ang iniisip niyo?  Gagraduate pa lang si Franco at ikaw nag-uumpisa pa lang sa itatayo mong negosyo.”

            “I’m so sorry Dad!” Hilam na sa luha ang mga mata ni Carmi sa kaka-iyak.

            “So anong plano niyong dalawa?  Ilang buwan pa ba bago matapos si Franco?”

            “Dad, pagkagraduate po sana ni Franco saka kami magpapakasal.”

            “What?  Nasaan ba ang lalaking iyon at bakit hindi siya humarap sa akin.  I’m so disappoint in you lalo ka na.”

            “Nestor, tama na.  Pwede naman itong pag-usapan ng maayos eh.”

            “Hindi Amanda, kaya namimihasa ang mga yan dahil sa pagngungunsinti mo.”

            “At bakit sa akin nabuntun ang sisi ha?” Di napigilan ni Amanda ang magalit din dahil sa sinabi ng asawa.

            Walang tigil sa pag-iyak si Carmi at lahat ng iyon ay nasaksihan ni Marc na kanina pa tahimik at nagtitimpi.

            “Dad, Mom tama na.  Can we all talk about this sensively?  Hindi natin kailangang mag-away-away.  Nandito na ito so panindigan na nila.  Dad, if you want them to get married right away, pag-usapan natin yan hindi yun pati kayo ni Mommy ay nag-aaway.  Can’t you see, Ate Carmi is pregnant and the last thing that she needs right now is stress.  Ate, tara akyat ka na muna para ka makapagpahinga.”

            Hindi na hinintay na magsalita pa muli ang mga magulang at hinatid na ang kapatid sa taas para ito’y makapagpahinga.

            “Marc, sorry ha.”

            “For what Ate?”

            “For disappointing you too.”

            “No Ate.  I am just shocked but I am not disappointed.  Pero kung ano man ang magiging desisyon niyo ni Franco ay sana econsider niyo rin yung kina Dad.”

            Muling umiyak si Ate Carmi na nakahiga na sa kama kaya niyakap ito ni Marc para tumahan.  Nasa ganun silang ayos nung may kumatok at sumungaw sa pintuan ng kwarto ni Carmi.

            Troy, pasok ka.”

            “Ate, kumusta ang pakiramdam mo.  Ito na pala yung Indian Mango na pinapabili mo.”

            Napatawa si Carmi sa itsura ni Troy na seryoso pero may bitbit na indian mango.  Maging si Marc at hindi na rin napigilang makitawa.  Pero gayun pa man ay parehong dinamayan ng magkapatid ang kanilang Ate Carmi.

           
            Samantala ay tahimik sina Nestor at Amanda na naka-upo sa may sala.  Bagama’t naka on naman ang tv pero wala dun ang konsentrasyon ng dalawa.  Akmang magsasalita sana si Nestor pero nakarinig sila ng nagdoorbell kaya tumayo si Amanda para malaman kung sino ang nasa pintuan.

            Si Franco pala kasama ng tita nito.  May mga bitbit ang mga ito na pagkain.  Tumayo si Nestor para tingnan kung sino ang nasa may pintuan at natigilan ito pagkakita kay Franco.

            “Good evening Tito Nestor, Tita Amanda.  Pumunta kami dito para hingin sana ang kamay ni Carmi.  Gusto ko pong panagutan ang nagawa naming dalawa.  Tinawagan ko na po sina Mommy at Daddy at sa makalawa po ang dating nila para pormal po kaming mamanhikan.

            “Tuloy kayo.” 

            Nakangiting sambit ni Amanda habang pinatuloy sina Franco at ang tiyahin nito.  Nanatiling tahimik at seryoso lang si Nestor habang naka-upo ito sa sofa at tila binabantayan si Franco.

            “Mag juice muna kayo.”

            Tyempong lumabas naman si Troy sa kwarto ni Carmi bitbit ang pinamiling mangga at bigla itong natigilan sa nasaksihan.  Nataranta tuloy ito kung babalik ba sa kwarto para ipaalam kay Ate Carmi ang pagdating ni Franco o bumaba.

            Troy, pakitawag naman si Ate Carmi at pababain dito sandali.”

            “Opo Tita Amanda.” At muli itong pumasok sa kwarto para ipagbigay alam sa kapatid ang sinabi ng madrasta.

            Pagkalipas ng ilang minuto ay maingat na bumaba si Carmi at tumabi kay Franco.

            “Mr. and Mrs. Pedroza, nandirito kami para pormal ng yayain ni Franco na magpakasal sila ni Carmi.  It might be untimely yet for Franco dahil nag-aaral pa ito pero nandito na ito eh.  Ang importante ngayon ay maging maayos ang lahat bago pa manganak si Carmi.” Ani ng tita ni Franco.

            “Ano ba ang desisyon niyong dalawa Franco at Carmi?” Sa wakas ay nagsalita na rin si Nestor.

            “Tito Nestor, magpapakasal kami ni Carmi ng civil na muna tapos pagkapanganak niya ay saka kami magpakasal sa simbahan.”

            Halatang ninerbyos si Franco habang kausap si Nestor.  Si Amanda ay tahimik lang nakikinig sa mga pinag-uusap ng dalawang lalaki.  Samantala, ang magkapatid na Marc at Troy ay bumaba din kasama ni Ate Carmi kanina at nanatili sa kusina.  Sa dalawa, si Troy talaga ang halatang ninerbyos dahil kanina pa ito nakakasagi ng mga upuan at mesa.

            “Bro, ano bang nangyari sayo?”

            “Ninerbyos ako para kay Franco.” Tumawa pa ito ng payak.

            Kibit-balikat lang si Marc.

            “Bakit binili mo ng mangga si Ate Carmi?  Ibig sabihin ba ay alam mong buntis siya?”

            “Hindi.  Sabi niya gusto niya ng mangga eh pumunta ako kina Betchay kaya dumaan na lang ako.  Oo nga ano, hilaw na mangga pala para sa naglilihi.  Bakit di ko naisip yun!” Tampal ni Troy sa noo na ikinangiti ni Marc.


            Nakangiting naglalakad si Marc at ang gwapo nitong tingnan sa suot na itim na suit.  Siya ang bestman sa kasal nina Franco at Carmi.  Sunod namang naglakad si Franco na naka-abresyete sa lumuha bagama’t naka ngiti namang ina at ang nakangiting ama.  Hindi magkandahumayaw sa pag ngiti ang halatang kinakabahang si Franco.

            Pagdating ni Franco sa altar ay nagyakapan ang magbestfriend at matiyagang naghihintay sa pagdating ng bride.  Nagsisipag lakad na rin ang mga principal sponsors at kabilang dun si Ms. Torres na hindi pa rin mawala-wala ang isang malaking bulaklak sa buhok.

            Ang mga secondary sponsors ay ang mga kaibigan ni Carmi at kasamahan sa dance troupe.  Sumunod naman ang mga bridesmaids and groomsmen na walang iba kundi ang mga kasamahan ni Franco sa GoodVibes Crew.

            Naunang naglakad si Troy na kapartner si Geleen.  Bagama’t on-off ang relasyon ng dalawa pero nanatiling maganda pa rin ang pakikitungo nila sa isa’t-isa.

            Nagbow pa muna si Spencer bago kinuha ang kamay ni Maribeth at nagsimulang maglakad papuntang altar.  Kakarating lang ni Spencer nung isang araw galing sa Australia.  Long distance relationship ang sinusuong nina Maribeth at Spencer pero so far ok naman silang dalawa.

            Yung dalawang sumunod ay sina Jaimie at Lea na mga pinsang galing Australia ni Franco ang mga partners.  Ang pinakahuling naglakad ay sina Wowie at Saicy.  Parang kulang na lang magpakarga si Saicy kay Wowie sa sobra dikit nito sa huli.

            Sumunod na naglakad ang mga bearers at flower girls.  May isang flower girl na umagaw ng pansin ng lahat dahil sa lakas ng iyak nito.  Inaakay ito ng batang ina pero sige pa rin sa pag-iyak ang bata at ayaw maglakad.  Kinarga na lang ito ng ina na hindi mangkandahumayaw sa paghingi ng paumanhin sa mga nandun.

            Anak ni Ara ang cute na bata na malakas umiyak.

            “Sorry po.  Sorry po…”

            Uminit ang bunbunan ng isa sa mga ninang sa kasal dahil sa nangyari kaya pinandidilatan nito si Ara na hindi magkanda-ugaga sa pagpapatahan ng anak.  Sinenyasan nito na ilabas ang bata kaya nung makarating sina Ara sa altar ay mabilis din itong lumihis paalis.

            “Grabe makatingin yung biyanan mo Ara ah.  Para kang kakainin ng buhay.” Puna ni Ate Gracia sa kanya nung makalabas sila ng simbahan.

            “Kasi naman Ate itong si Inna eh iyak ng iyak.  Kulang kasi ito sa tulog eh.” Pilit na pinaghehehele ni Ara ang dalawang taong anak pero hindi pa rin ito tuluyang tumahan.  Tagaktak na ang pawis sa mukha ni Ara sa ginagawa.  Nahihirapan siya sa ginagawa dahil halatang hindi ito sanay sa pagka-ina.

            “Akin na nga muna ang inaanak ko.  Nasaan ba kasi ang tatay nito?”

            “May binalikan sa bahay Ate.  Naiwan kasi ang bag ni Inna sa pagmamadali.  Si Mommy kasi laging nagmamadali eh.”

            “Speaking of the devil.  Ayan na ang mahadera mong madir-in-law.  Humanda ka na sa bunganga nito.”

            “Ara, ano ba naman yang batang yan.  Ang ingay-ingay.  Bakit ka kasi pumayag na isama ang bata sa entourage eh ang liit-liit pa niyan.  Di ka talaga nag-iisip.”

            “Eh Ma, kasi gustong po nina Franco na isama si Inna.  Kulang lang po ito sa tulog kaya po…”

            “Hay nako.  Nasaan ba ang asawa mo… O ayan na pala si Gab.  Gab, where have you been?”

            “I went back home Ma to get this.” Pakita nito sa baby bag na binalikan.

            “Kasi naman next time pwede ba Ara paki-ayos lahat ng gamit para makakalimutan.  Patahanin mo na yung bata at nakakahiya sa mga Pedroza.  Gab, you go inside na rin.” At walang pasabi itong bumalik sa loob ng simbahan.

            “Gab, akin na yung gatas ni Inna para makatulog na ang bata.”

            Sumunod naman si Gab sa sinabi ng asawa.

            “Hay nako, dun na nga muna tayo sa kotse niyo para makatulog ng maayos ang bagets na ito.  Akin na yung bata Ara para makapagpahinga ka naman.”

            “Salamat Ate Gracia.”

            “Pagpasensyahan mo na lang si Mommy ha.”

            “Ano pa nga ba.”

            Pinunasan ni Gab ang mukha ni Ara na punong-puno ng pawis at nginitian nito.

            “Ang ganda-ganda pa rin talaga ng misis ko.”

            “Hay nako Gab, huwag mo na nga akong bolahin.” Pero namumula naman ito sa komplimento ng asawa at yumakap dito nung ibinuka nito ang mga braso.


            Tumayo ang lahat nung nagsimulang maglakad ang magandang bride na si Carmi papuntang altar.  Lumuluhang pareho sina Nestor at Amanda Pedroza.  Mas lalong bumalon ng luha nung makitang lumuluha din ang groom habang hinihintay ang mapapangasawa.

            Masayang nairaos ang kasal at sa reception ay nagkaroon ng special presentation ang Good Vibes Crew para sa mag-asawa.  Pero pinaka touching na intermission number nung gabing iyon ay ang pagkanta ni Marc ng sariling komposisyon na ginawa nito para sa kasal ng kapatid at matalik na kaibigan.  Si Gab ang nag-ayos ng arrangement at si Spencer ang tumugtug ng gitara bilang accompaniment.

            “Brawh, ok ka lang?”  Untag ni Marc sa bayaw na bigla na lang nag daydream.  Nakangiti ito habang nakatingin sa kawalan.

            “Ha?  Wala Brawh.  Binalikan ko lang panahong kinasal kami ni Carmi.  Ang saya-saya natin nun.”

            “Oo nga.  Si Saicy nalasing at naalala ko tuloy yung tanong niya kay Wowie…”

            “Bakla ka ba?” Nagchorus ang magbayaw sa pagbigkas ng tanong na iyon at naghigh-five!

            “Pulang-pula si Wowie nun sa galit and the next thing we know ay hinalikan nito ang gulat na gulat na si Saicy!”

            Nagpatuloy sa kwentuhan sina Marc at Franco.  Kahit papaano ay naibsan ang lungkot na nadarama ng dalawa.


            Masaya namang namumuhay sina Franco at Carmi pagkatapos ng kasal.  Bago pa makapanganak si Carmi ay nakagraduate na si Franco at dahil mayaman ang mga magulang ay binigyan sila nito ng bahay.  Pinagliban muna ni Carmi ang pagnenegosyo hanggang naging isang taon na ang kanilang baby na si Princess.

            Franco despite his young age became a very responsible husband and a father.  Although hindi maiiwasan na magdududa si Carmi lalo na’t nasa sales si Franco pero makailang beses naman itong inaassure ni Franco na ni tumingin sa mga babae ay di na nito ginawa.

            Kung dati ay nadadala ni Franco sa lambing ang asawa at mabilis na napapalis ang galit nito pero nagtataka siya sa pagkakataon iyon dahil ilang araw na siyang inaaway ni Carmi ng walang dahilan.  Palaging mainit ang ulo nito at sobrang selosa at ubod na matampuhin.

           
            Dahan-dahang pumasok si Franco sa kwarto.  Tulog na ang asawa at katabi nito ang natutulog ding anak.  Nagtanggal ng kurbata at nagpalit ng damit pantulog bago tumabi sa asawa.

            Niyakap ni Franco si Carmi at hinahalik-halikan ang pisngi.  Naalimpungatan si Carmi at sandaling nagtaka kung nasaan siya.  At nagpang-abot ang kilay nung makitang katabi ang ayaw makitang asawa.

            “What do you think you’re doing?  Bakit nandito ka?” Mababa ang boses nito para hindi magising ang katabing anak.

            Pero hindi sumagot si Franco bagkus ay kinuyumus nito ng halik ang asawa hanggang matangay ito at rumisponde.  Nakatulog ang mag-asawa na magkayakap at mapayapa.

            “Franco… Hon, gising…”

            Unti-unting dumilat si Franco at tiningnan ang orasan na nasa tabi at napakunot ang noo nito nung makitang ala sais pa lang.

            “It’s still too early.  Go back to bed.”  At muli itong pumikit pero muli namang ginising ni Carmi.

            “Ano bang problema Hon?”

            “Hon, I think I’m pregnant.”

            “Ah ganun ba.  Ok.” At muli itong natulog pero biglang dumilat at mabilis na umupo.

            “You’re what?”

            “I’m pregnant!” Nakangiti na si Carmi sa mga oras na iyon habang ipinakita sa kanya ang resulta ng EPT nito.

            Biglang nagising si Franco at muling hinalikan ang asawa dahil sa nadaramang kaligayahan.  Naging maingay silang dalawa kaya nagising si Princess at palibhasa kulang pa sa tulog ay umiyak ito.

            Pinapatahan ni Carmi ang bata pero sige pa rin ito sa pag-iyak.  Maya-maya lang ay may mahinang katok na silang naririnig galing sa pintuan.

            “Carmi, bakit umiiyak si Princess?”

            “Ma, nagising po eh.  Ang ingay kasi ng isa rito eh.”  Natatawang sambit ni Carmi.

            Bumukas yung pintuan at karga ni Franco ang umiiyak na si Princess na pilit nitong pinapatahan.  Hindi nakatiis ang lola at kinuha ang bata kay Franco at ito na nagpatahan.

            “Dalhin ko muna ito sa kwarto namin ha.  Pahiram lang.”

            “Ma, baka madistorbo si Daddy.”

            “Ok lang yun.  Paminsan-minsan lang tsaka hindi yun magagalit dahil sabik kay Princess yun.  Teka, so ok na kayong dalawa?  Tapos na ang drama?”

            Sana tapos na Ma.” Ani Franco.

            “Ah Ma, I’m pregnant pala.”

            “Well that explains bakit temperamental ka these days.   Congratulations Iha.  I’m so happy for you.”

            “Thanks God yun lang pala yun Ma.  Para na akong mababaliw sa kakaisip kung ano ang nagawa ko.”

            “Sorry Hon.  Malay ko ba na ganun pala yun.” Nakalabing sambit ni Carmi kaya muli itong nilambing ng asawa.

            “O cya sige.  Pahiram na muna kay bagets ha.”

            Pakanta-kanta si Amanda na binitbit ang apo papunta ng kanilang kwarto.  Biglang iniluwa si Marc nahalatang bagong gising pa.

            “Good morning Ma.  Anyare?”

            “Ok na yung dalawa.  Ate Carmi is just pregnant kaya temperamental yun.  Hay nako buti na lang di ko sinabi sa Daddy mo.  Sabi ko lang kasi na inimbita ko silang dito matulog.”

            Humikab si Marc at kinakamot-kamot pa ang tiyan.  “Hay salamat at tapos na ang drama.  Good morning Princess.” At pinupog ng halik ang cute na pamangkin.

            Humakagikhik naman ang bata at dinala na ito ni Amanda sa kwarto nila at gaya ng inaasahan ay pinangigilan ito ni Nestor.


CHAPTER FOUR:
As Long As It Matters


            “Mom, we are getting married!”

            “What?  Are you crazy Gab?  You’re only 18 and she’s barely legal at gusto niyo ng magpakasal?  What is this all about?” nangagalaiti na sa galit si Mommy Charlene sa binalita ni Gab dito.

            Humagulgul na si Ara na natatakpan ng mahabang buhok nito ang magandang mukha.  Inakbayan ito ni Gab at muling sinagot ang ina.

            “We are getting married and that is final Mom.”

            “Gabriel, don’t you dare give me that attitude.  You are still under my custody.”

            “Mom, I’m 18 which makes me legal so I can do whatever I want and that includes getting married.”

            Tumutulo na ang luha ni Mommy Charlene sa galit at mabilis nitong pinahiram ang pisngi pero hindi pa rin ito lumambot.

            Tumabi si Geleen kay Ara at hinawakan ang kamay nito habang ang isang kamay ay hinihimas sa likod nito.

            “Give me one good reason why you are getting married this early Gab?”  Halatang kinakabahan na si Mommy Charlene sa alam niyang isasagot ni Gab sa kanya.

            “Because Ara is pregnant and I love her.”

            Parang may bombang sumabog sa harap ni Mommy Charlene dahil sa narinig nito.  Mas lalo itong napa-iyak at maging si Ara ay mas lumakas ang hagulgul.

            “My God Gab, I have been telling both of you to be careful!  Oh my God, you just repeated what happened to me before.”

            Napa-upo si Mommy Charlene sa isang bakanteng upuan dahil parang bibigay na ang mga tuhod nito sa natanggap na balita.

            Tumabi si Gab sa ina at hinawakan ang kamay bago nagsalita.

            “Mom, I’m sorry.  Please forgive me.”

            Gustong iwaksi ni Mommy Charlene ang kamay ni Gab pero ayaw iyon bitawan ni Gab at nung makita ang mukha ng anak na may mga luha na rin ay tuluyan ng natibag ang yelo sa puso nito at niyakap ang anak at muling umiyak.

            Matagal na nagyakapan ang mag-ina at si Geleen ay niyakap na din si Ara na sige pa rin sa pag-iyak.  Suminghot si Mommy Charlene at tumingala pagkabitaw kay Gab at pinahiran ang mukha na punong-puno ng luha.  Huminga muna ito ng malalim bago muling nagsalita.

            “Ara, alam na ba ng parents mo?”

            Umiling lang si Ara at muling napahagulgul.

            Napabuntunghininga si Mommy Charlene dahil alam niyang mapahanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin bumabalik ang mga magulang ni Ara.

            “If you want to get married then we might have to wait until Ara will turn 18 atleast.  Unless when can get her parents to sign the parents consent.  Ara, kelan mo sasabihin sa mga magulang mo ang nangyayari?” Bagama’t kalmado ang pagkakasabi ni Mommy Charlene pero halata pa rin itong nagtitimpi ng galit.

            “Hindi ko po alam Tita.  Magagalit sila Mommy at Daddy sa akin.”

            “You should have thought of that bago niyo ginawang dalawa ito.  My God!” muling sumiklab ang galit ni Mommy Charlene sa naging sagot ni Ara.

            “Mom, can we let Ate Gracia sign the consent?”

            “That is not possible.  It should be from her parents.  Ara, you have to talk to your parents the soonest.  Kelan ka ba mag 18?”

            “Five months from now po.”

            Muling huminga ng malalim si Mommy Charlene sa nalaman.  Kung hindi makontak ni Ara ang mga magulang ay hindi ito pwedeng ikasal kay Gab.

            “Kontakin mo ang parents mo Ara at ipagtapat mo na nangyari sayo.  If you want to get married then ask them to send you their parent’s consent.  For the meantime, you can stay with us.

           
            “Anong nangyari?  Is something burning?”

            Nagmamadaling bumaba si Mommy Charlene at namangha sa nasaksihan.

            “What are you doing?” Sigaw nito nung makitang umuusok ang buong kusina. 

            Bigla ding bumaba sina Gab at Geleen galing sa kani-kanilang kwarto pagkarinig ng sigaw ng ina at pagkaamoy din sa tila may nasusunog sa baba.

            “Mommy, sorry po.  Nasunog po yung niluluto kong itlog.” Natatakot na paghingi ng paumanhin ni Ara.

            “Bakit ka kasi nagluluto?  Hindi ka naman marunong sa kusina di ba?”

            “Sorry po Mommy.  Gusto ko lang po sana kayong tulungan.” Na-iiyak na si Ara dahil sa takot.

            “My God, instead of helping me, you’re giving me more problem.  Gab, pwede ba pagsabihan mo yung asawa mo.”  Nagdadabog si Mommy Charlene habang nilalagay ang mga nasunog na kalan sa lababo at pinadaanan ng tubig.

            Inakbayan ni Gab ang umiiyak na si Ara at hindi sinasadyang napalandas nito ang kamay sa braso ni Ara kaya napa-aray ang huli.

             Mabilis na tiningnan ni Gab ang braso ni Ara at nakita nitong namula iyon marahil dahil sa mga talsik ng mantika.

            “What happend Baby?”

            “Ah wala.  Natalsikan lang kanina ng mantika.  Ok lang yan Gab.”

            Hinarap ni Gab si Ara at nginitian.  Hinaplos ang mukha nitong basang-basa sa pawis at luha.

            “You actually tried to cook for me Baby.  That’s so nice of you.  Halika, akyat na muna tayo and I’ll nurse your burns.”

            “Hay nako Gabriel.  Pagsabihan mo yang asawa mo ha.  Baka one of these days ay wala na tayong matirahan because she burned our house down.”

            “Pasensyahan mo na lang si Mom ok.  She’s really nice naman if she get to know you.” Bulong ni Gab sa asawa habang umaakyat sila.


            Matapos ipaalam ni Gab sa ina ang kalagayan ni Ara at habang hinihintay nilang maipagtapat ni Ara sa magulang ang nangyayari sa kanyan ay pumisan na si Ara bahay ng mga Weiss.  Dahil sa kailangan talaga ang personal appearance ng mga magulang ni Ara para maikasal silang dalawa ni Gab ay ipinagpaliban na muna ang kasal ng dalawa hanggang mag 18 si Ara dahil hindi pa rin makakauwi ang mga magulang ni Ara.

            Nagpatuloy pa rin sa pag-aaral sina Gab at Ara at bagama’t nahihirapan din si Ara sa kanyang paglilihi ay hindi naman ito nawawalan ng pag-asang tapusin ang pag-aaral.

            “Dayannara, nasaan ka?” Sambit ni Ate Gracia sa kabilang linya.

            “Nasa school pa Ate Gracia.  Pauwi na po ako.”

            “Birthday mo ngayon ah.  Asan ang asawa mo?”

            “Nasa school din po.  Busy kasi si Gab ngayon sa project niya.” Hindi maiikakaila sa boses ni Ara ang lungkot.

            “O bakit malungkot ka?”

            “Hindi naman Ate Gracia.”

            “Weeeehhhh.  Sige antayin mo ako diyan at tayo na lang magcelebrate ng debut mo.”

            Biglang nalungkot si Ara sa sinabi ng pinsan.  Matagal niyang pinagplanuhan ang magdebut pero hindi na nangyayari yun dahil sa kanyang pagbubuntis at dahil na rin sa estado ng buhay ng pamilya niya.

            “Hoy Dayannara, umiiyak ka ano?”

            “Hindi Ate.” Pero halata sa boses nito na gumaragal.

            “Asus!  Bistado ka na nagdeny ka pa!  Happy Birthday!!!!” nakangiting sambit ng nasa kabilang linya na nakatayo na pala sa kanyang harap.

            Biglang napa-iyak at tumakbo si Ara sa pinsan at yumakap ng mahigpit dito.  Six months pregnant na si Ara at maliit ang kanyang tiyan dahil panganay at maliit siyang babae.

            “Huwag ka ng umiyak.  Baka papangit ang baby.  Halika, magpaparlor muna tayo bago tayo rumampa.  Meron din akong dalang damit mo.”

            “Huwag na Ate.  Sa bahay na lang tayo.  Gastos lang yan.”

            “Ano ka ba.  Debut mo kaya ngayon kaya magcelebrate tayo.  Hayaan mo na, ako naman gagastos eh.”

            Napangiti na lang si Aras sa sinabi ng pinsan at sumama na rin dito. 

            Dinala siya ni Ate Gracia sa paborito nitong parlor at pina-ayusan kahit todo tanggi si Ara.  Ang katuwiran ni Ate Gracia ay dadalhin siya nito sa isang photo studio at papipicturan bilang remembrance naman para naman macelebrate nila kahit papaano ang debut nito.

            Gaya nga ng sabi ni Ate Gracia ay dinala nito si Ara sa isang photostudio at kahit papaano ay napangiti na rin ito.  Sunod itong dinala sa isang magandang restaurant pero biglang hinawakan ni Ara ang pinsan at pinigilan.

            “Ate, huwag na tayo dito.  Ang mahal dito eh.”

            “Ito naman eh.  Ako na nga sabi ang magbabayad di ba?  Hayaan mo na kasi paminsan-minsan lang naman ito eh.  Tsaka special ang araw na ito dahil birthday mo.  Halika na, pasok na tayo sa loob.”

            Muling napangiti si Ara at biglang namuong maliliit na butil ng luha sa mga mata nito na mabilis naman pinahiran ni Ate Gracia.

            “Dayannara, pwede bang umayos ka.  Masisira ang make-up mo ning sa kakaiyak mo.  Hay nako, nakakasira ng kagandahan yan iyak ka ng iyak eh.  Tama na kasi.  Halika na nga.”

            Nagtataka si Ara dahil sa halip na sa maraming tao siya dinala ni Ate Gracia ay inakay siya nito sa isang parang function room.

            “Ate, bakit dito tayo?”

            “Kasi puno ang restaurant kaya yung iba dito nila pina-upo.  Halika na, huwag ka na nga masyadong maraming tanong.”  At hinila na nito ang matanong na pinsan sa loob ng kwarto.

            “SURPRISE!!!!”

            May mga confetti at maiingay na torotot ang bumungad kay Ara at nandun ang lahat ang mga kaibigan niya sa school at ilang piling kaklase.  Maya-maya lang ay lumapit ang sobrang simpatikong si Gab bitbit ang isang bouquet ng flower at ibinigay sa kanya matapos siya nitong halikan sa labi.

            “Happy birthday Baby.”

            Nangilid na ang mga luha ni Ara habang inaakay siya ni Gab papuntang gitna at isinayaw.  Hindi magkandahumayaw ang ngiti nito habang tumutulo ang mga luha. 

            Ara has always planned to have a debut since she was 15 years old.  Excited siyang laging sinasabi ito sa mga kaibigan na sina Lea at Jaimie.  Ito din ang tumulong kay Gab sa pag-oorganiza sa birthday party ni Ara at kinunstaba pa nito nito si Ate Gracia para sa drama.

            Lihim na nagpaplano ang apat kaya laging wala late umuuwi si Gab kada gabi.  At si Ate Gracia naman ay laging kinukulit at kunyari pinupuna nito kung bakit wala si Gab pero yun pala ay magkasama silang apat.

            Hindi rin binati ni Gab si Ara nung umagang iyon at nagkataon namang wala si Mommy Charlene dahil sinamahan nito si Geleen sa isang audition.

            Naputol ang pagmuni-muni ni Ara nung mapansing may kumalabit kay Gab.

            “May I dance with the debutant?” Nakangiting sambit ni Marc na may hawak na isang tangkay na roses.

            Napangiti si Gab at muling hinalikan si Ara bago ibinigay kay Marc.  Niyakap muna ni Marc si Ara bago ito sinayaw.  Sumunod na rin ang iba pang kasamahan nila sa Good Vibes Crew. 
            Sumunod din ang 18 treasures na ang mga kaibigan naman niyang babae ang nagsalita.

            Natapos ang gabing iyon na nakatanggap si Ara ng isang video message galing sa kanyang mga magulang na nangangakong uuwi sa susunod na buwan para sa kasal nila ni Gab.

            Nakatulog si Ara ng gabing iyon na may ngiti sa labi dahil tatlo ang nakamtan niya nung gabing iyon: Nakapagdebut siya at ang lahat ng gusto niyang mangyari sa debut ay nagkatotoo.  Nakatanggap siya ng balita at nakikita niya ang mga magulang at ang higit sa lahat ay naramdamang pagmamahal galing kay Gab at sa mga kaibigan nila.


4 comments:

  1. nice 1.i miss this................next chap. plzzzzzzzzzzzzz.tnx poh at naalala nio ang goodvibes............

    ReplyDelete
  2. Thanks for the comment. I just added 3 chapters for you. You can also view it in Wattpad. Search me na lang. Athena Manzano-Tan or acheena

    ReplyDelete
  3. like it xna my part dn ang marcer...i love them both..........

    ReplyDelete
  4. wEw, supah lorve ko tlga ang mga FF mo ms.acheena
    nasaan na po ba next chap.?
    cp po kc gmit ko pagbabasa.Thank u po and more FF pa sana :)

    ReplyDelete