Tuesday, October 11, 2011

If The Price Is Right

IF THE PRICE IS RIGHT
By: ACHEENA (Athena Manzano - Tan)


Chapter 1:

“Pi, kailangan ko ng tulong sa thesis ko.  Next week na ang deadline.  Kaya mo ba?”

            “Next week na?  Medyo mahal ang singilan kasi rush yan eh.”

            “Kahit magkano Pi basta makapagsubmit lang ako.  Kund di ako makakapasa ay baka di ako makagraduate.”

            “Pwede yan if the price is right!” nakangiting sambit ni Pia. 

Lumaki bigla ang mata ng kausap ni Pia nung sabihin niya ang presyo para sa thesis nito pero pumayag na rin ito gawa ng kawalan ng pag-asa. 

Tiba-tiba na naman ang aabutin niya dito.  Panis sa kanya ang pagawa ng thesis kasi marami siyang materyales at kontak para sa ganun.  Isang tawag lang niya sa kontak niya sa Recto ay singbilis lang ng kidlat ay meron na agad siyang thesis.

“Ibibigay ko sayo bago mag byernes ok?  Pero kailangan ko muna ng down payment.”

“Hay nako Pi kahit kailan negosyante ka talaga!  Ito na ang bayad.  Basta sa Friday ha.  Aasahan ko yan.”

“Consider it done!  Thank you ha.  Sabihan mo din yung iba mong mga kaibigan kung gusto rin nila.  Kahit ano meron ako.  Pia is the name, negosyo is my game!” nakangiting sambit ni Pia na kumikindat kindat pa habang isinilid na ang pera sa bulsa.

 

            Likas na negosyante si Sophia “Pia” Beltran.  Para sa kanya, lahat ng bagay ay pwedeng lagyan ng presyo.  Lahat ng bagay ay kayang mabili sa tamang usapan at tamang tawaran.  Hindi man siya pinanganak na inchik pero nasa dugo pa rin niya ang pagiging negosyante.

            Nag-umpisa ang lahat nung gusto niyang magkaroon ng extra na baon sa eskwela.  Hindi naman mayaman ang pamilya ni Pia pero hindi rin naman maituturing na mahirap.  Yung tama lang na nakakain ng tatlong beses sa isang araw at natutustusan ang pag-aaral pero kung ano man ang higit pa roon ay kailangang pag-ipunan o di kaya ay didilehensyahan muna ng mga magulang bago maibigay sa kanya.

            Natural lang sa mga bata ang maingit kung anong mga materyal na bagay ang meron ang mga kaklase at hindi naiiba si Pia dun.  Nung nasa elementarya siya at nauso ang chitchiryang may sticker sa loob ay nagbebenta siya nito.  Yung isa niyang kaklase na may tindahan sa palengke na nagbebenta ng ganun ay nagbebenta sa school ng tig pipiso kada piraso pero mataktika si Pia dahil binebenta niya ito ng nubenta sentimo kada isa.

            “Pi, ibenta na natin ng tig one peso ang para hindi mo na kailangang magsukli pa.” suhestiyon ng kaklase sa kanya.

            “Hindi na bale.  Ok lang ako magsukli.  Basta benta ko pa rin ng ganung presyo.” Ito ang laging sagot ni Pia sa tuwing kukumbinsihin siya nito na mag-iba ng presyo.

            Ano ako bale.  Mas maganda ka at mas sikat sa akin sa school so natural lang na sa’yo bibili silang lahat.” Sigaw ng isip ni Pia. 

            Talagang tinyaga niyang magpabarya sa tindahan ng lola niya ng tig sampung sentimo para merong panukli.  Kasihodang napunit na ang kanyang kaisa-isang pulang pitaka.  Ang lagayan ng barya ng kanyang pitaka ay may scotch tape na para pwede pang gamitin.

            Tama nga yata ang taktika ni Pia dahil sampung sentimo dati ay malaki na yun para sa mga mag-aaral na kokonti lang ang baon.  At patok pa rin talaga pag may binibigay kang sukli lagi.

            “Pi, tawag ka ni Mrs. Toress.  Punta ka daw sa library at dun ka na niya hihintayin.”

            “Salamat.  Sige mga friends, aalis na ako ha.  Basta sabihin niyo lang sa akin kung ano ang gusto niyo at pwedeng pwede ang lahat basta tamang presyo ang pinag-uusapan.”

           

Nagmamadali ng nagliligpit si Pie sa mga daladalang gamit na binebenta.  May transaksyon siya kay Mrs. Toress.  May pinapahanap ito sa kanya na laruan para sa anak.  Bawal man sa school ang magbebenta pero dahil sa likas na palakaibigan si Pia ay di na ito pinapansin ng mga tagaroon.

            Sa pagmamadali niya sa paglalakad ay di niya napansin ang lalaking nakasalubong at sa isang iglap ay bumungo siya sa dibdib nito at napasalampak ng upo sa sahig kasama ng mga panindang nagkalat dahil sa lakas ng pagbagsak niya.

            “Ano ka ba bulag?  Bakit di ka tumitingin kasi sa dinadaanan….mo…. Ang gwapo!!!!” napanganga bigla si Pia nung masilayan ang mukha ng lalaking nakabungo at kasalukuyang tumutulong sa pagpulot ng kanyang mga paninda.

            Tipid na ngumiti ang lalaki sa tinuran niya at simpleng nagsabi ng thank you para dun sa pagpuri niya sa kagwapuhan nito.

            “Anong thank you?” biglang naguguluhang sambit ni Pia.

            “Sabi ko thank you dahil sabi mo gwapo ako.” At nagsmile ito ng pagkasimpatiko at lumitaw ang biloy nito sa kaliwang pisngi.

            “Sinong may sabing gwapo ka?” kunot noong tanong ni Pia.

            “You just said it that why I said thank you.” Di pa rin nawala ang ngiti sa labi ng lalaking kaharap.

            “Aba’y napakaconceited mo pala.  Akin na nga yan.” Hinablot niya ang hawak nitong paninda niya at biglang binirahan ito ng alis.

            “Hey miss, you forgot this!” sigaw ng lalaki sa kanya at iwinagayway ang naiwan niyang notebook pero di na muling lumingon si Pia bagkus ay tumakbo pa ito palayo sa lugar.

            Tinangnan ng lalaki ang notebook at nakita niya na ang mga nakasulat doon ay pawang mga pangalan at tila talaan ng mga utang.  Naghanap ng identification ito sa notebook at nakita nga nito ang pangalan ni Pia.  May nakaipit na picture ni Pia na isang studio shot na kuha nung minsang nagkayayaan silang magbarkada na magpakuha para na rin isubmit ang picture na iyon sa isang advertising agency na naghahanap ng mga extra sa isang commercial ng sabong panlaba.

            Napangiti ang lalaki at nagpatuloy sa paglalakad.


            “Pi, ano ba ang hinahanap mo?  Nailabas mo na ata ang lahat ng laman ng bag mo ah.” Puna ni Mrs. Toress sa kanya.

            “Eh Mam Lei, nawala po yung notebook ko na listahan ng mga pa-utang ko.  Paano na yan eh yung lang ang tanging meron akong listahan.”

Malalaking butil ng pawis na ang nasa noo ni Pia.  Nagpapanic na ang kanyang kalooban dahil sa possibleng pagkawala ng listahan.

            “Ganun ba?  Saan ka ba galing bago ka pumunta dito?”

            “Sa may canteen po tapos ayun may isang walang modong lalaking bumungo sa akin.. na ang bango bango at ang cute.” Pero yung huling tinuran ay di na niya nasambit.  Hanggang utak na lang niya ang mga iyon.

            “Walang modong lalaki?  Bakit anong ginawa niya sayo?” medyo nababahala din si Mrs. Toress sa sinabi niya at nag-alala ito kung paano siya binastos.

            “Ay wala po.  Nabungo niya ako kanina.”

            “Tinakbuhan ka ba?”

            “Ha?  Hindi naman din po.  Tinulungan akong pulutin yung mga gamit ko.”

            “Eh paano mo naman nasabing walang modo aber?”

            “Eh kasi thank you daw kasi sinabihan ko siyang ang gwapo.” Nangagalaiti na si Pia sa inis dahil dun.

            “Ang tanong… di mo nga ba sinabi ha Pia?” nagdududa din si Mrs. Toress sa ginawa niya.  May hula ito na ang bagong lipat na estudyante ang tinutukoy ni Pia.

            “Ano?  Mam naman bakit ko naman sasabihin yun.  Ofourse not!” pero di makatingin ng tuwid si Pia dito kasi guilty siya.

            Tumaas ang isang kilay ni Mrs. Toress hanggang fifth floor ata at nginitian siya nito na may kasamang pagdududa.  “Sabi mo nga.  Pero gwapo nga ba?”

            Biglang sumimangot si Pia pero halatang nagpipigil tumawa at nung magkatinginan sila ni Mrs. Toress ay napahagikhik silang dalawa at biglang natigilan nung may sumutsut para patahimikin sila.

            “O cya sige na.  Balikan mo muna kung saan ka nangaling at e trace mo yung notebook mo baka sakaling makita mo pa iyon.”

           
            Nagmamadaling umalis si Pia matapos magpasalamat sa paboritong guro.  Paglabas na paglabas niya sa library ay laging gulat niya nung nandun ang lalaking nakabungu-an kanina.  Nakangiti ito sa kanya at ipinakita sa kanya ang nalaglag na notebook kanina.

            “I think this is yours.”

            Mabilis na hinablot ni Pia ang hawak na notebook pero hindi ito binitawan ng lalaki.

            “You’re welcome Miss…..”

            Walang balak si Pia na sabihin ang pangalan pero nagpasalamat siya dito pero hindi pa rin binitawan ng lalaki ang notebook niya kaya napilitan siyang sabihin ang pangalan.

            “Pia.” Tipid na sambit niya pero di pa rin makatingin ng maayos sa lalaki.  Paano ba naman kasi, masyadong gwapo ito sa paningin niya.

            “I’m Nathan Sanchez.” Sabay lahad nito ng kamay na kahit na hihiya man na makadaupang palad ito ay napilitan pa rin si Pia dala ng kagandahang asal.  May biglang parang nagspark nung magpang-abot na ang kanilang mga palad.  Nagkatiningnan silang dalawa at kapwa napabulaghit ng tawa.

            “Pi, kanina pa kita hinahanap baki…. Ay sino siya?” di mapigilan ng kaibigan ni Pia na si Charmaine na magpacute kay Nathan.

            “Ako nga pala si Charmaine.  Kaibigan ni Pi and you are?” sabay lahad ng kamay nito.

            “I’m Nathan.  Nice to meet you Charmaine.”

Pero kung may kuryente kanina sa pagdaupang palad nina Nathan at Pia ay kabaliktaran naman ang kay Charmaine pero may ibang nahalata si Nathan dito.

            “Ang lamig naman ng kamay mo samantalang si Pia kanina kinuryente ako.” Sabi ni Nathan na di maiwasang ngumiti na muling nagpalitaw ng beloy nito sa pisngi.

            “Eh kasi kakahugas ko lang ng kamay.  Nako kinuryente ka ni Pi?  Magkano ang charge mo nun Pi?”

            “Sira!” sabay kurot ni Pia sa kaibigan.  “Sige Nathan, salamat dito ha.  Alis na kami.” ang tinukoy ni Pia ay ang pagbalik ni Nathan ng notebook niya.

            “Bye Nathan.  Nice meeting you too.” At hindi maawat si Charmaine sa kakawave kay Nathan habang hinila ito ni Pia palayo.  Gumanti naman din si Nathan ng kaway bago ito pumasok sa library.

            “Friend nakakainis ka naman.  Umalis ka kaagad eh.  Nagpapacute pa ako kay Nathan kasi! Hmmmmpppp!” pagmamaktol nito sa kaibigan.

            “Kahit kelan talaga ang kati mo!”

            “Di bale ng makati eh kung si Nathan ba ang mamanyakin ko go ako dyan!  Aminin mo, nacutetan ka rin sa kanya.  Aminin mo!”

            Pero nanatiling tikom ang bibig ni Pia ukol dun kaya kumuha ng piso si Charmaine at nilagay sa palad ni Pia.

            “O ayan ang piso, iyo na yan pag-umamin ka!”

            “Sira ka talaga.  Oo na pogi siya.  Happy ka na!  At saka iyo na ulit ang piso mo.  Baka sabihin mo swapang ako sa makating kaibigan.”

At patuloy ang kulitan ng magkaibigan tungkol kay Nathan habang sabay silang tumungo sa gate para makauwi na.



Chapter 2:
           
            Napangiti si Pia nung maalala ang buhay nung nag-aaral pa lang siya.  Binansagan siyang “Racket Queen” noon.  Ang simpleng racket queen dati ay nagkatotoo. 

Pagkagraduate niya ng college ay sinubukan din naman ni Pia na magtrabaho sa isang kumpanya bilang isa sa mga marketing personnel.  Nung una ay nag-eenjoy naman din siya lalo na pagnakapagbenta pero sa kalaunan ay inayawan din niya ang 8 to 5 job at nagfull time na sa pagtitinda ng kung ano-ano.  Muli niyang binalikan ang pag-aalala ng ina nung umuwi siya at inanunsiyo sa pamilya na nagresign siya sa trabaho.

            “Anak, bakit naman nagresign ka?”

            “Ma, gusto ko pong magfulltime sa mga racket ko.  Mas malaki po kasi ang kikitain ko tsaka hawak ko pa ang oras ko kesa sa magpapakahirap ako sa kumpanya ng iba at ang yumayaman lang ay ang mga may-ari.”

            “Pero anak, paano na kung matumal ang benta o walang may nangangailangan?”

            “Ma naman!  Wala ka bang bilib sa anak mo?  Eh pati hangin nga ata pwedeng ibenta niyan.  Sige na Pia, ok na yan.  Saan mo ba balak maglagay ng tindahan o maglalako ka pa rin?” pag-aabugado ng papa niya sa kanya.

            Napangiti si Pia sa ginawa ng ama. 

“Pa, balak ko sana na gamitin yung bakanteng pwesto natin sa baba.  Yung dating ginawang tindahan ni Lola.  Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa.  Ok lang po ba?” sambit niya habang nagsign of the cross.

            “Yun din ang iniisip ko Nak.  Sige, bukas na bukas din aayusin natin yan.  O Ma, huwag ka ng malungkot.  Suportahan na lang natin si Pi.”

            “Ay ewan ko sa inyong dalawa.  Basta pag yang racket racket mo ay di magtagumpay ha, bumalik ka na sa paghahanap ng trabaho.  Ok ba iyon?”

            “Aprub Ma.  Sige po, alis na muna ako.  May pupuntahan lang po ako.”


            “Pi, may available ka bang plantsa?” naputol ang kanyang pagmuni-muni nung may nagtanong.

            “Ay Ate meron po.  Marami po.  Gusto niyo ba ng magaan o mabigat?” tinigil na muna niya ang pagbalik-tanaw at nagnegosyo na muna.


           
            Muli niyang tiningnan ang hawak na papel.  Di siya nagkakamali at ito talaga ang address na nakasulat sa papel.  Pinatay ang makina ng kotse at matapos ilock ay pumunta na sa lugar na nakasaad sa papel.

            Mas nakumbinsi pa siya nung makita ang karatula at mga nakapaskel na mga services at mga binebenta sa labas ng gusali.  Merong loading station to all networks pa na nakalagay.  Napangiti siya sa nakitang pangalan ng “tindahan”.  Pi General Merchandise. 

            Mas lalong napangiti si Nathan nung makumpirma niyang nasa tamang lugar nga siya kasi nakikita niya si Pia na abalang abala sa pag eestima ng mga customer na nandun sa tindahan.

            “Nako misis, kung ako po tatanungin niyo, mas maganda po ang mabigat na plantsa kasi isang pasadahan lang pwede na samantala yung magaan, baka tubuan na ng ugat yung kilikili niyo eh ayaw pa rin mawala ang gusot ng damit.”

            “O kuya, nakapagpasya na po ba kayo kung kukunin niyo yung motor o hindi?  Pero kung yung presyo na gusto niyo ay sorry po pero di ko kayang ibigay yan.”

            At di lang dalawa ang customer ni Pia na sabay sabay nitong inientertain.  Iba pa yung mga customer ng papa niya at may nakapila pa dahil magpapaload.

           
            “Nako Nate paano yan, si Pi ang nakuha mong kapartner sa prom.  Baka di mo maisayaw yan dahil nakikipagtransaksyon pa.  Baka bentahan ka pa ng corsage.”

            “Hoy kumag ka, naririnig ko yung sinasabi mo.  Asarin mo pa ako at sisingilin ko na agad ang utang mo sa akin.” Pagbabanta ni Pi sa kaklase.

            “Pi naman, di ka na mabiro.  Joke joke joke lang yun.  Pero ang swerte nitong si Nathan at ikaw ang magiging partner niya.  Bukod na sa maganda na, negosyante pa.  Tiyak di kayo magugutom niyan Nate.”

            “Pi, susunduin na lang kita sa inyo ha.  Anong oras mo gusto?”

            Pero bago pa makasagot si Pia ay si Charmaine na ang sumagot kay Nathan.  “Sundo mo kami Nate ng mga 5 siguro para may time pa tayong magpapicture.”

            “Ay bakit ikaw ang sumagot?  Ikaw ba ang niyayaya ha?” pang-asar ng kaibigan ni Nathan na nang-asar din kay Pia kanina na si Sammy.

            “May tao?  May tao?  Parang wala naman.  Ay meron pala…pero puting uniform lang na lumulutang.  Pi, may binebenta ka bang ulo?  Pabili nga at ilagay ko sa lumulatang na uniform.” Ganting asar ni Charmaine sa kaklase na medyo may kaitiman dahil isa itong atleta at laging naarawan dahil sa training.

            “Pi, may binebenta ka ring kausap?  Pabili naman ako at ibibigay ko sa isa dyan.” Nagsukatan ng tingin ang dalawa na parehong asar talo.

            “Tama na yan.  Sige Nathan, mga ganung oras mo na lang kami sunduin.  Thanks ha.  Alis na kami.  May dadaanan pa akong sisigngilin eh.  Hoy Sammy, bukas ha yung utang mo.”

            “Ito naman si Pi di talaga nakakalimutan pagsingilan na.” napakamot na lang si Sammy.

            Napailing na lang si Nathan sa kulitan ng mga kaklase.

           
            Napasinghap si Nathan nung makita niyang bumaba si Pia sa hagdanan ng bahay na kung saan niya sinundo ang magkaibigan.  Nakasuot lang ito ng isang simple pero eleganteng prom dress.  Simple lang din ang make-up nito.  Gusto niya ang kasimplehan ni Pia at bilib siya sa pagkanegosyante nito.  Nagkatotoo nga ang biro ni Sammy sa kanya dahil kay Pia nga niya nabili ang corsage.

            “Nate, sa akin ka na lang kumuha ng corsage.  Huwag mo na akong ibili nung mga mamahalin kasi sayang lang yan at malalanta lang.  Bibigyan kita ng discount kasi magkapartner naman tayo pero huwag mong sabihin kay Sammy ha.”

            Ang plano sana ni Nathan ay sa isang kilalang flowershop niya ibibili ng bulaklak si Pia pero gusto niya ring pagbigyan ito sa gusto nito kaya nagpatianod na lang siya sa suhistiyon nito.

            Tama na naman ulit si Sammy kasi nga nung prom ay nakikipagtransaksyon pa rin si Pia sa ilang mga kaklase.  Pero gayun pa man ay naisayaw naman din ito ni Nathan.
           
            “Sir, ano pong hinahanap niyo?’ naputol ang balik tanaw ni Nathan nung may lumapit sa kanya at nagtanong.

            “Ah wala po.  I’m looking sana for Pia.”

            “Ah si Pi ba.  Teka lang po.  Ano po ang sadya nila?”

            “May itatanong lang po ako sa kanya.  Kaklase po niya ako nung high school.  Pakisabi po si Nathan.  Salamat po.”


           
            “O ano Ate kukunin mo na ba?  Dagdagan mo na rin nitong sapin.  Maganda ito pampalit dun sa luma mong nasa bahay.  Pagbibilhin mo yan, bibigyan kita ng discount.”

            “Pi, may naghahanap sayo.” Ani ng papa niya.

            “Ho?  Sino daw po?”

            “Ewan ko.  Di ko matandaan yung pangalan.  Parang Tan ata.  Kaklase mo daw sa high school.” Sabi ng tatay niya sabay kamot sa ulo dahil di matandaan ang pangalan ng kausap kanina.

            “Sino kaya itong si Tan na kaklase ko nung high scho… Nathan?” namilog ang mata ni Pia sa nakita na si Nathan nga talaga ang nasa harap niya.

            Matagal na silang di nagkita.  Pagkagraduate nila sa high school ay umalis ito ng bansa para mag-aral ng kolehiyo.  Nabalitaan niya minsan na umuwi daw ito ng bansa at niyaya ang mga kaklase sa high school na magkita kita kaso di siya nakasama dahil may mga bagong stocks na dumating sa kinukuhanan niya kaya kailangan niyang puntahan iyon.  Kaso nasa Subic yun kaya di siya nakabalik agad.

            “Pia!  Long time no see ah.”  Sabay lahad nito ng kamay na malugod naman niyang tinanggap.  Gaya ng una nilang pagkikita ay nandun na naman ang pamilyar na kuryente.

            “Hindi ka pa rin nagbabago ah.  Namimigay ka pa rin pala ng libreng kuryente sa mga customer mo.” Natatawang sambit nito.

            “Pasensya na.  Static talaga ako.” Ngiti na sambit ni Pia habang inilayo nito ang kamay.  “Ano pala sadya mo?  May gusto ka bang bilhin?  Pero parang imposible namang dito ka mamimili.”

            “Busy ka ba?  May proposition sana ako sayo.  Kikita ka nito promise.  Pwede ba kitang maimbitahang kumain sa labas?  Anong oras pala nagsasara ang tindahan mo?”

            “Ano ka ba pwede naman.  Teka lang ha, ibibilin ko lang sandali kay Papa ang mga gagawin tapos sasama na ako sayo.  Parang maganda sa pandinig ko yang sinasabi mo na pwedeng pagkakitaan.  Kailangan ko ng maraming racket ngayon para mapatapos ko na yung pinapagawa kong bahay.  Sandali lang ha.”

Umalis si Pia para ibilin sa ama ang mga gagawin at pagkatapos ng ilang sandali ay lulan na sila sa kotseng dala ni Nathan papunta sa isang restaurant.


Chapter 3:

            “Paki-ulit nga ng sinabi mo?  Teka bakit ako?” nagmamadaling inom ni Pia ng tubig matapos masamid dahil sa sinabi ni Nathan sa kanya.

            Napangiti si Nathan sa reaksyon ni Pia sa sinabi niya o sa proposition niya dito.  Inabot na muna niya ang tissue kay Pia bago muling nagsalita.

            “Ang sabi ko kung pwede kang tumayong kunyari fiancee ko.  Isang buwan lang naman o baka dalawa.  Depende kung hanggang kailan nandito ang Lola ko.  Huwag kang mag-alala Pi, business deal ito kaya may bayad.”

            “Pero bakit ako?  Tsaka bakit kailangan mong magbayad para may magpangap na fiancee mo?  Nasaan ba ang totoo mong fiancée?  Tsaka bakit ako?  Sure naman ako na kung may sasabihan ka sa mga babaeng kakilala mo ay papayag agad ang mga iyun at libre pa.  Eh samantalang ako ay kailangan mo pang magbayad.  At hindi ako mura sumingil ha.” May bahid pa na pagbibirong sambit ni Pia sa huli niyang sinabi pero seryoso siyang nagtatanong talaga at nagtataka kung bakit kailangang gawin ni Nathan iyon.

            “I don’t want any complications that’s why I want you for the job.” Seryosong sambit nito.
           
            “Anong kumplikasyon?  Teka lang Nathan ha, mas mabuti siguro kung ipaliwanag mo sa akin ang gusto mong mangyari.”

            “Ganito kasi yan Pi, naipangako ko sa lola ko na ipapakilala ko na siya sa fiancée ko nitong pag-uwi niya.  In three days time ay nandito na siya.  Kaso medyo nagkakalabuan kami ni Fiona, yung fiancée ko at hindi siya uuwi dito para makipagkita sa lola ko.  Ang kagandahan ay di pa siya kilala nino man sa pamilya ko o nakita ang picture niya kasi nga gusto ko sana isurpresa silang lahat pero yun nga lang ay di matutuloy.  I just can’t break the old woman’s heart to know na nagkakalabuan kami ni Fiona kaya I need you to play the part na lang.  The eventually ay aaminin ko rin sa kanila ang totoo.  Don’t worry Pi, hindi tayo sasabit dito.  You just have to be the best actress and give the best performance of your life.  This is a business deal.  You’ll be my employee and I am your employer.  No more, no less.”
           
            Napanganga si Pi habang nakikinig kay Nathan.  Magpapanggap silang magkasintahan at gagawin nila ang mga karaniwang ginagawa ng magkasintahan.  Kasama kaya ang halik nun?  Biglang kinikilig si Pia sa isipin na iyon na mabilis din naman niyang sinaway ang sarili at sinabihang negosyo ito.

            “Ano ang magiging arrangement natin?” Ang ibig sabihin dapat ni Pia ay kung paano nila gagawin ang pagpapanggap pero iba ang pagkakainterpret ni Nathan sa sinabi niya.

            “Like any employer-employee transaction, I will be paying you for your service Pi.  How much are you going to charge me for this?”

            Natameme si Pia sa tinanong ni Nathan.  Kaya ba niyang presyuhan ang ganito?  Kahit na ang paniniwala niya na lahat ng bagay sa mundo ay kayang presyuhan if the price is right pero alanganin siya dahil natatakot siya sa maaring kahinatnan nito.

            “Nate, honored ako na ako ang naisipan mo para gumawa nito pero hindi ko yata kayang gawin ang gusto mo.  Nakakahiya naman kasi sa lola mo pag nalaman niya ang totoo.  Sa iba mo na lang siguro ipagawa ang gusto mo.”

            “Pi, this will not be so hard.  Isang buwan o sabihin na natin dalawang buwan na ang pinakamatagal nating pagpapanggap.  All I want is to make my lola happy on her stay here.  It wouldn’t be so hard kasi alam ko na kayang kaya mong pakitunguhan ang pamilya ko.  We will also pretend sa family ko.  Ayoko lang kasi na kinukulit nila ako lagi na mag-asawa na.”

            Nanatiling tahimik pa rin si Pia.  Hindi niya alam kung kakayanin niya ang gustong ipagawa ni Nathan.  Kaya naman siguro sa kaya kung acting lang pero di kaya panloloko ang gagawin nila.  Ang matinong isip ni Pia ay sumisigaw na huwag pero ang negosyanteng utak naman niya ay taliwas ang sinasabi.  Parang biglang pinaalalahan si Pia sa maaring itulong ng bayad ni Nathan sa kanya para matapos na ang pinagawa niyang bahay para sa pamilya.

            Napansin ni Nathan ang alinlangan ni Pia kay ginagap nito ang kanyang kamay at muling pinakiusapan.

            “Pi, alam ko kinakabahan ka pero huwag kang mag-aalala di tayo sasaabit nito.  Pagpalagay na lang natin na pareho nating tutulungan ang isa’t isa.  Ok Pi?”

            “Hindi ko alam Nate.”



            “Kailangan pa ba talaga ito?  Hindi ba ok ang mga damit ko?  Bakit kailangan mo pa akong ibili ng mga damit at sapatos?  Tsaka ang mamahal pa ng mga pinipili mo.  Huwag na.  Tara lumabas na tayo rito.  Hindi ako makahinga sa mga presyo ng bilihin dito.  Sa divisoria na lang ako mamimili.  Tara na.” sabay hila ni Pia sa kasamang nagshopping.

            Pero pinigilan siya nito at tinawag ang attendant at pinadala na sa counter ang lahat ng sinukat niya kanina.
           
            “Nate, alam kong mayaman ka pero hindi mo na ako kailangang ibili ng mga iyan.  Promise, lahat ng gagamitin kong damit ay maganda naman.”

            “Hayaan mo na ako sa ginagawa ko Pi.  Consider this as the signing bonus.  Ito yung bonus ng pagpayag mo sa proposal ko.” Nakangiting sambit ni Nathan.

            “Pero ang mamahal naman kasi ng mga binibili mo.  Sayang yung pera.” Reklamo pa rin niya.

            “Hayaan mo na ako Pi.  This is just to show my gratitude to you.  Ok na tayo ha?  End of discussion.  Tara may dadaanan pa tayo.” Sabay hila nito sa kanya palabas na ng mamahaling tindahan na iyon.  Si Nathan ang nagbitbit lahat ng kanilang pinamili.

            Mas lalong ikinagulantang ni Pia ang sunod na tindahang pinagdalhan sa kanya ni Nathan.  Dinala siya nito sa isang tindahan ng mga alahas at bago pa siya makaangal ay isinuot na nito sa kanya ang isang mamahaling relos at may binigay pa itong isang set ng diamond na hindi naman gaano kalalaki ang mga bato pero makalidad pa rin.

            Naiinis na talaga si Pia pero di niya nagawang magwala dun sa tindahan dahil nahihiya siyang mapahiya si Nathan pero nung nasa kotse na sila ay hindi na niya ito kinibo.

            “Pagod ka na ba?  Gusto mo manuod muna tayo ng sine bago umuwi?”

            Pero di niya sinagot si Nathan kaya tiningnan siya nito. 

“May problema ba Pi?”

            Hindi pa rin niya kinibo si Nathan pero napapansin ng huli ng tinatangal niya ang mga bigay nito kaninang mga alahas at relos.

            “What are you doing?”

            “Nate, pasensya na pero kalabisan na talaga ito.  Di ko matatanggap ang mga ito.” Sabay lahad nito sa mga alahas na binili ni Nathan kanina.

            “Keep it Pia.  Ok ganito na lang, ipapahiram ko lang yan sayo para sa durasyon lang pagpapanggap natin.  You can return it to me once this whole activity is done.  Deal?”

            Pero hindi pa rin kumibo si Pia.  Hindi niya alam kung ano ang gagawin.
           
“Pi, sige na.  You have to play the part as my fiancée at si Fiona ay di pangkaraniwang babae.  I have described her to my family and alam nilang may pagkaglamorousa ito.  Oo nga pala, sa isang rented condo ka na rin pala titira ha.  Kasama yun sa package mo sa pagtatrabaho sa akin.  Kalimutan mo muna sandali ang buhay ni Pia at maging si Fiona ka muna.  Ok Pi?” Pangungumbinsi pa rin ni Nathan dito.

            Bumuntunghininga si Pia bago umoo kay Nathan.  Napangiti ang huli nung pumayag na siya sa gusto nitong mangyari kagaya ng pagpayag niya sa business proposal nito.  Babayaran siya ni Nathan ng isang daang libong piso sa isang buwan niyang pagpapanggap at madadagdagan pa ito kapag lumagpas pa sila ng isang buwan.

            May isang pinuproblema lang si Pia at nahihiya siyang itanong ito kay Nathan.  Hanggang saan kaya ang lebel ng kanilang pagpapanggap?  Kasama ba ang halikan?  Kinakabahan si Pia sa maaring mangyari dahil hindi pa siya nagkaroon ng boyfriend sa tanang buhay niya.  Not by faith but by choice kasi masyado siyang naging abala sa pagnenegosyo.


Chapter 4:

            “That must be Nathan.” Nagliwanag bigla ang mukha ni Lola Beatrice pagkarinig ng busina galing sa labas.  Maya-maya lang ay iniluwa na si Nathan sa pintuan at hawak nito sa kamay si Pia na kanina pa kinakabog ang dibdib sa nerbiyos.

            “Nate, huwag na lang kaya akong sumama.  Nininerbyos ako eh.”

            “Huwag kang kabahan.  They will love you.  Trust me.  Ang lamig naman ng kamay mo.” Natatawang sambit ni Nathan nung hawakan nito ang kamay niya habang inaalalayan siyang bumaba sa kotse.

            Huminga muna ng malalim si Pia bago bumaba ng sasakyan at di na napigilan ang sarili at napasign of the cross pa para mawala ang nerbyos kahit papaano.  Nung makita iyon ni Nathan ay mas lalo itong napingiti.

            Simple lang ang suot ni Pia.  Nakajeans lang siya at white long sleeve na nakatupi ang mga manggas hanggang sikoat ballet flats.  Lahat ng sinuot niya ay kasama sa mga binili ni Nathan.  Isinuot na rin niya ang alahas na pinapahiram nito pati ang mamahaling relos.  Binigyan pa siya nito ng isang designer bag to complete the ensembles at pinakaimprtante sa lahat ay bago sila pumasok sa bahay ay isinilid ni Nathan ang isang singsing na may malaking bato bilang engagement ring daw nila.  Nanlaki lalo ang mata ni Pia nung makita ito.  Hindi man siya mahilig bumili ng alahas pero alam niyang tumingin ng kilatis nito.

            Wala ng silbi ang lahat ng pagtutol ni Pia kaya nagpatianod na lang siya sa kanilang drama.       
           
            “Lola!!!!!” sigaw ni Nathan na parang bata at kumalas ito sa pagkakahawak sa kanya para puntahan ang abuela.  Nakita ni Pia na sobrang mahal ni Nathan ang abuela.

            “La, I want you to meet my fiancee.  This is Fiona.  Honey, meet my gorgeous Lola Beatrice.”

Nagulat si Pia sa pagtawag ni Nathan sa kanya ng Honey at mas lalo siyang di sanay na Fiona na pala ang bago niyang pangalan sa halip na Pia na nakagawian na niya.  Pero sandali lang iyon dahil pinaalalahan niya ulit ang sarili sa purpose niya dito. Gaya ng nakagawian ay nagmano si Pia sa matanda sa halip na humalik.

“My oh my… makaluma ang batang ito.  Beso-beso!” masayang sambit ni Lola Beatrice at halatang mas gusto nito ang beso kesa sa magmano siya sa kamay nito. 

“You’re indeed very pretty kagaya ng ibinida ni Nathan sa telefono.  My grandson has good taste as always.”

Namula si Pia sa tinuran ni Lola Beatrice.  Kahit nga ba hindi naman sila totoong magkasintahan ni Nathan ay flattered pa rin siya sa sinabi nito.

“Thank you po.” Kiming sagot ni Pia.

“Halina kayong dalawa at kumain na tayo.” Tawag pansin ng mommy ni Nathan na di rin matatawaran ang angking kagandahan.

Pinakilala na rin ni Nathan si Pia sa mga magulang.  Feeling ni Pia ay para talaga siyang totoong kasintahan ni Nathan dahil asikasong asikaso siya ng mga ito. 

Mababait ang miyembro ng pamilya Sanchez lalo na ang mommy ni Nathan.  Napahanga si Pia nung makilala na niya ito kasi she’s an epitome of a regal woman.  Very classy at simple man ito manamit pero halata ang class nito pero gayun pa man ay down to earth pa rin ito kung kausapin siya.

“So Fiona, ano ang work mo pala?” tanong ng daddy ni Nathan.

Bago pa makasagot si Pia ay si Nathan na ang sumagot at sinabi nitong businesswoman si “Fiona”. 

“Actually Mom, Fiona is a very good businesswoman.  She can practically sell anything that you want her to sell.  Right Honey?   When we were still in high school, everyone would go to her and ask if she has this and that.” Natatawang kwento ni Nathan.  Kung hindi lang sila nagpapanggap ay baka napatalon pa siya sa tuwa sa atensyong pinapakita nito sa kanya.

“You mean you know each other since high school?  Nathaniel, what took you so long to ask her out?  My goodness!” at nagsimulang magbilang si Lola Beatrice sa mga kamay. 

“If you married her right after college eh di sana I have an apo na from you.  Hay nako!” at di na napigilan ni Lola Beatrice na tampalin ang braso ng apo na parang bata naman itong napakamot ng batok at tiningnan si Pia at nginitian.  She returned his smile na para bang sinasabing lagot ka.

Hindi kasama sa plano nila ang pag-amin na dati na silang magkakilala at halatang na carried-away si Nathan kanina.

“Ma, hayaan niyo na muna si Nathan.  Pasaan ba’t mabibigyan ka rin ng apo niyan.  Right son?” sabi ng daddy nito.

“Soon Lola soon!” at kinidatan pa siya nito at nakikitawa na lang siya sa mga ito. 

Hindi mawari ni Pia pero ang gaan ng pakiramdam niya pagkasama ang pamilya ni Nathan.  She could only wish na hindi sana acting ang lahat ng ito.



Nung matapos na ang dinner ay nagkape silang lahat sa den.  Sige pa rin ang pagbibida ni Lola Beatrice tungkol sa apo at lagi nitong pinapahiwatig na gusto na nga talaga nitong magkaroon ng apo sa tuhod kay Nathan.

Narinig niya ng di sinasadya kanina nung bago sila nagpaalam na palihim na binulungan ni Lola Beatrice si Nathan na gusto daw siya nito para sa apo at pakasalan na daw siya agad.

Kung gaano siya kasaya kanina sa bahay ng mga Sanchez ay siyang ikinatahimik naman niya nung nasa sasakyan na sila.

“Are you ok?”

Buntunghininga lang ang isinagot niya kay Nathan.  Huminto ang sasakyan nila dahil naka pula ang ilaw ng traffic light kaya tingnan siya ni Nathan at hinawakan ang kanyang braso.

“Hey, ok ka lang?”

“Nate, parang gusto ko na atang magback-out.” Hindi siya makatingin dito nung sabihin niya iyon.

“Bakit?”

Muling siyang huminga ng malalim bago nagsalitang muli.  “Eh kasi nahihiya ako sa pamilya mo.  Nagpapanggap tayo at nagsisinungaling sa kanila.  Nakakahiya kasi ang baitbait nila sa akin.”

“Ok lang yun.  Huwag mo ng alalahin iyon.  My family loves…I mean they like you a lot lalo na si Lola.  Thank you ha for making her happy.”

“Paano na kung malaman nila ang pagpapangap natin?  Paano kung malaman nila na binabayaran mo lang ako para gawin ang lahat ng ito?”

“Trust me on this Pi ok?  Akong bahala.  Basta just play your part ok?”

Muli siyang nanahimik pero halatang balisa pa rin kaya kinuha ni Nathan ang kamay niya at mahigpit na hinawakan.  Tumingin siya dito at nginitian siya as if telling her that everything will be alright at hindi siya nito nilubayan hangga’t umuo siya.  Kiming ngumiti si Pia kay Nathan bilang pagsang-ayon.

“That’s my girl.” Sabi nito habang pinalandas ang mga daliri sa pisngi ni Pia.  Hindi maiwasan ni Pia na mamula sa ginawa ni Nathan.  Ngumiti siya para madismula ang pamumula.

Muling tinutok ni Nathan ang konsentrasyon sa daan habang si Pia naman ay tahimik lang na nag-iisip.

Paano kaya kung di sila nagkaroon ng business arrangement ni Nathan, may posibilidad kayang liligawan siya nito?

“Pia, umayos ka.  Isipin mo na kailangan mo lang yung perang ibabayad ni Nathan sayo para sa bagong bahay.” Biglang pagsulpot ng parang kunsensya niyang nagsasabi na mataray din sinagot ng isip ni Pia. “Oo nga.  Ang kulit mo.  Ito na nga eh ginagawa na nga ang pagpapangap eh.  Kulet!” At dahil dun ay napabutunghinga ulit siya na ikinatingin ulit ni Nathan.

“Ok lang ako.  Busog na busog lang ako sa kinain natin kanina at di ako makahinga.” Pagdadahilan niya.



Chapter 5:

            “Pi, gusto mong sumama sa akin sa Bangkok?  May business conference ako dun and I was just wondering kung gusto mong sumama para makapamili ka rin ng pwede mong ibenta.”

            Biglang nagliwanag ang mukha ni Pia sa sinabi ni Nathan.  Unang-una ay di pa siya nakasakay ng eroplano at nung sinabi nito na pupunta ng Bangkok na ibig sabihin ay marami siyang pwedeng bilhin dun para sa kanyang tindahan ay mas lalong nagpa-excite sa kanya.  Pero bigla niyang naisip ang posibleng gastos ay inayawan niya agad yung suhistiyon ni Nathan.

            “Huwag na Nate.  Gastos lang yan.”

            “Ako na bahala sa gastos Hon.. este Pi.”

Makailang beses na ring nagkakamali sa pagtawag ng Hon nito sa kanya.  Nakasanayan na ata ni Nathan dahil sa tuwinang kasama nila ang pamilya nito ay lagi siya nitong tinatawag na ganun. 

Si Pia naman ay ni minsan ay di niya tinawag ng ganun si Nathan kaya wala siyang problema.

            As expected ay nag-extend talaga ang abuela ni Nathan sa Pilipinas.  Nag-enjoy ito kasama ng pamilya at lalo na kay Pia.  Nagpakatotoo na rin si Pia sa pakikiharap nito sa pamilya ni Nathan.  She was back to her bubbly self at natutuwa si Lola Beatrice dahil lagi siyang masolusyon sa problema nito at laging meron siyang nabibili sa mga pinapahanap nito sa hindi makapaniwala sa baba ng presyo.

            “Naniniwala na talaga ako sa apo ko na magaling kang negosyante Pi.  Lahat yata ay mura ang bili mo eh.” Sabi ni Lola Beatrice minsang nagshopping sila at may gusto itong bilhin pero sinabihan niyang huwag at kinabukasan ay bitbit na na niya ang parehong item na ang presyo ay kalahati dun sa binebenta sa mall.

            Pi na rin ang tawag ni Lola Beatrice sa kanya.  Minsan kasi nagkamali si Nathan sa pagtawag sa kanya ng Pi at napansin ito ni Lola Beatrice at di nito napigilang punahin ang apo.

            “Actually La, Pi talaga ang nickname ng honey ko.  Fi sana kaso yung lola daw niya ay Pi ang tawag sa kanya kaya nakasanayan na nila.” Paghahabi ni Nathan ng white lies dito na mukhang pumatok naman sa lola nito.  Kinindatan pa nito si Pia para sabihang sumang-ayon na lang dito.

            “Ganyan kagaling Honey ko La di ba?  Madiskarte.” Proud na sambit ni Nathan sa kanya at sa hindi alam na dahilan ni Pia kung bakit kinakailangan pang nakapulupot ang mga bisig nito sa beywang niya at kung di siya nagkamali ay hinalikan pa siya nito sa pisngi.

            “Nakakarami na ang unggoy na ito sa akin ah.  Kiss sabay hug ang ginagawa.  Sabagay, sarap naman ng feeling.” Sambit ng kinikilig na isip ni Pia pero salungat naman ang sigaw ng negosyante niyang isip.  “Pia umayos ka.  Wala sa usapan yan.  Maningil ka.  Isipin mo pwedeng gas range ang katapat ng mga halik na  an.”

            Nung umalis si Lola Beatrice ay di pa rin bumitiw si Nathan sa kanya kaya tumikhim na si Pia pero parang nanatiling bingi ito.

            “Ehem… Nate, wala na po si Lola Beatrice.  Pwede mo na akong bitawan.”

            Pero sadyang nagbingi-bingihan si Nathan bagkus ay nagpapabigat pa ito sa kanya nung itukod nito ang baba sa shoulder blades niya at mas lalo pang hinigpitan ang yakap sa kanya mula sa likod.

            “Nate, ano ba!” mahina pero may diing sambit ni Pia.

            “Sandali lang Pi.  Let me just enjoy this moment.  Don’t worry may bonus ka sa akin.”

            Parang nagising si Pia sa sinasabi ni Nathan sa kanya.  Kanina ay kinikilig siya sa ginawa nito pero nung sabihin nitong may bonus siya ay dun niya na naisip na business transaction pala ang arrangement nila kaya pinilit niyang kumawala sa yakap nito.  It took her all her might to let go of him dahil kung anong struggle niyang makawala dito ay siya namang higpit ng yakap nito.

            “Nate ano ba!” napalakas na ang boses niya at hinihingal nung makawala na talaga siya dito.

            Natigilan si Nathan at naisuklay ang mga daliri sa buhok.  Muling sumeryoso ang mukha nito.

            “Sorry Pi.  I think I just got carried anyway.  Pasensya na.” at iniwanan na siya nito sa garden.

            Palaisipan lagi ni Pia ang aksyon ni Nathan sa kanya.  Di kaya nadadala na rin ito sa drama nila?  Muling siyang bumuntung-hiningan.

            “Sana hindi tayo sa ganitong paraan nagkita Nate.”


            “O ano, sama ka na?  Ako na bahala sa pamasahe at pagtira mo dun.” Pukaw ni Nathan sa kanyang pagbalik tanaw.

            “Nate, huwag na.  Nakakahiya na sa’yo.” Tangi pa rin niya.

            Hinawakan ni Nathan ang kamay ni Pia.  Ayaw pa rin nitong sumuko sa pagkumbinse sa kanya na samahan siya nito sa Bangkok.

            “Pi, sige na.  Sumama ka na.  I want you to be there.” Hindi na napigilan na sabihin ni Nathan ang totoong nadarama.

            “Ano?”

            “Ha, wala.  I mean..basta end of the story.  Sasama ka sa akin sa ayaw at sa gusto mo.  Sabi mo naman dati may passport ka na kasi di nga ba dati mo pa balak umalis ng bansa.”

            “Nate, huwag na sabi eh.  Nate hoy!!!! Nate!” pero minewestrahan lang siya ni Nathan ng talk to the hand at umalis na ito.



            Bangkok, Thailand.

            “Whew!  Ang init!” reklamo ni Nathan.

            “Ito o.” sabay abot niya rito ng tissue. Sobrang init nung makalabas na sila sa Bangkok Airport.  “Nate, ang basa basa ng likod mo.  Sandali lang ha.”

Kinuha ni Pia ang dalang bimpo sa bag at pinahiran ang likod ni Nathan.  Inilagay na rin niya ang bimpo sa likod nito para hindi tatama ang basang tshirt sa likod nito.

            Hindi inaasahan ni Nathan ang gagawin ni Pia pero lihim siyang napangiti sa ginagawa nito.

            “It’s so hot!  Nandyan na ba ang sundo natin apo?” reklamo ni Lola Beatrice na kakalabas lang ng airport dahil nag cr pa ito kanina kasama ng kanyang yaya.

            Nung malaman ni Lola Beatrice na magbabangkok silang dalawa ni Nathan ay inimbita na rin nito ang sarili na sumama sa kanila.  Ang dating plano na si Nathan ang gagastos sa lakad nila ay pati iyon nalibre na rin dahil sinagot na ni Lola Beatrice ang pamasahe’t tirahan nila.  Halatang sobrang naliligayahan ang abuela sa pagpapakilala ni Nathan sa fiancee kuno.

            “Ayan na La.  Let’s go.  Hon, tara.” Kinuha agad ni Nathan ang kamay niya at inakay papuntang sasakyan.

            Magkatabi pa rin silang dalawa sa loob ng sasakyan at medyo malayo-layo ng konti ang airport sa titirahan nila kaya mahaba habang byahe ang tinahak bago makarating sa paroroonan. 

Habang nasa sasakyan ay nakaakbay si Nathan sa kanya at siya naman ay nakahilig sa balikat nito.  Nitong mga nagdaang araw ay tila natural na lang ang pag-akbay at paghawak ni Nathan sa kanyang kamay.   Hindi na rin nagrereklamo si Pia o mas tamang sabihing hinahayaan na niya dahil gusto rin niya ang mga pangyayari.  Nagulantang sila biglang dalawa nung biglang may kumislap.

            “Oh this is so lovely.” Sabi ni Lola Beatrice matapos nitong kunan sila ng litrato sabay pinakita sa kanila ang kuha. 

            Maganda nga talaga ang pagkakakuha nito sa kanila.  Pareho silang nakashades at nakatanaw sa labas ng bintana si Nathan habang si Pia ay nakahilig pa rin sa balikat nito.  Magkahinang pa ang kanilang mga kamay sa pagkakataong iyon.

            “Mga apo, huwag niyo ng patagalin at lumagay na kayo sa tahimik.  Gusto ko ng makita ang mga apo ko sa tuhod kaya magpakasal na kayo agad sa lalong madaling panahon.” Seryosong suhestiyon ni Lola Beatrice sa kanila.

            Muling pinamulahan ng mukha si Pia sa sinabi Lola Beatrice.  Dahil sa naramdamang hiya ay tinago ni Pia ang mukha sa braso ni Nathan.  Si Nathan naman ay sinagot ang abuela ng soon pa rin.  Pasimpleng kinurot ni Pia si Nathan dahil sa sinabi nito kaya na pa-aray ito.

            “Lola, itong mahal ko oh, di pa nga kami kinakasal ay sinasaktan na ako.” Sumbong kunyari nito sa abuela. 

            Sadyang malambing si Nathan sa lola nito.  Nagkatawanan silang lahat sa sasakyan.  Lagi pa ring ginigiit ni Lola Beatrice ang topic tungkol sa pag-iisang dibdib nila habang nasa biyahe sila at pinisil ni Nathan ang kamay para bang sinasabihan siyang maki-ayon lang para maligayan ang abuela.



            “I’m really very sorry Mr. Sanchez, but we can only provide you two rooms and we don’t have an available extra room.  It seems that your request for an additional room was not forwarded to us by your agent in the Philippines.” Paghingi ng paumanhin ng receptionist kay Nathan. 

Last minute na kasi nagdecide si Lola Beatrice na sumama sa kanila kaya nagkakagulo ang booking.  Nagkataon na sa mismong hotel na iyon gaganapin ang conference na inattendan ni Nathan kaya fully booked ang hotel.

“We have a problem.  Dalawa lang ang available room dito.  Strict sila na dapat dalawahan lang daw talaga sa isang room at fully booked sila ngayon.  Ganito na lang La, you can have one room and the other one kay Pi na lang.  I’ll look for another hotel na lang at doon na ako titira”

“Ha?  Di ba kami pwedeng magshare na lang tatlo sa isang room tapos we will pay na lang for the extra bed.” Suhestiyon ni Lola Beatrice kay Nathan.

“Di daw pwede ang ganun La.  Don’t worry, I’m sure I can find another hotel naman.  Kayo na lang dito.”

“Why don’t you and Pia share the same room?  You are both adults and responsible already and you’re getting married soon.  Don’t worry, I won’t tell your Mam and Dad iho.” Nakangiting sambit ni Lola Beatrice.  Pero halatang ayaw nitong mapawalay sa apo.  “Is that ok with you Pia?”

Parang nagpanic ang kalooban ni Pia pero at the same time naman ay naeexcite siya ng di niya mawari.  Silang dalawa lang ni Nathan sa iisang kwarto.

“No huwag na La.” Tangi din ni Nathan.

“Ok lang Nate.  Share na lang tayo sa isang room kesa maghanap ka pa sa iba.  Parang puno nga ata ang mga hotel ngayon dahil sa conference na ito.”

“Sigurado ka?  Ok lang sayo?” may alinlangan pa rin Nathan dahil alam niyang maging hindi kumportable si Pia sa ganung set-up.

“Ok lang.  Pag maging bad boy, sumbong kita agad kay Lola.  Di ba Lola?” biro ni Pia para kahit papaano ay maibsan ang nerbiyos na nadarama.

“Ay maganda nga na mabigyan niyo na ako ng apo sa tuhod eh.” Ganting biro ni Lola Beatrice sa kanila.

“Lola!” nagchorus silang dalawa ni Nathan na kapwa nanlalaki ang mga mata dahil sa sinabi ni Lola Beatrice na bigla namang nagmwestra ng peace sign at sabi pa joke joke lang daw.


“Pi, pasensya na ha.  Alam kong di ka kumportable sa ganitong set-up.” Muling paghingi ng paumanhin ni Nathan sa kanya nung nasa kwarto na sila at mas nagulantang siya nung mapansing isang king size bed pala ang higaan nila.  “Sa couch na lang ako matutulog at ikaw na diyan sa kama.”

“Nako Nate, ako na lang diyan at ikaw dito ka sa kama.  Di ka kakasya diyan.”

“No, ako na dito.  Sige magfreshen up ka na para makakain na tayo ng pananghalian.” Sabi ni Nathan sa kanya habang nag-aayos nito ang mga gamit at nilagay sa closet ang mga ito.

Pagkatapos niyang magbanyo ay si Nathan naman ang sumunod.  Siya naman ang nag-ayos ngayon ng gamit niya.  Nilipat din niya sa closet ang mga gamit niya katabi nung kay Nathan.  Napangiti siya nung marealized na parang ang cute tingnan ng mga gamit nilang na nakaayos na magkatabi pero muli siyang napabuntung-hininga nung maaalala ang tunay na estado ng relasyon nila ni Nathan.  Dali-dali niyang sinara ang aparador at nagmamadaling sinagot ang telepono na tumutunog.

Si Lola Beatrice pala ang tumawag at nagpahatid na lang daw ng room service na pagkain dahil napapagod daw ito.  Di daw muna ito sasama sa kanila at gusto daw muna magpahinga at mamayang gabi na lang sasama kaya silang dalawa na lang ang umalis.

Bago sila umalis ay dumaan muna sila sa kwarto ni Lola Beatrice para tingnan ang kalagayan nito.  Napanatag naman ang loob nila nung makitang ok naman pala ito at gusto lang munang matulog.  Matapos bigyan ng instruction ang yaya nito ay umalis na rin silang dalawa para mananghalian.


Chapter 6:

            “Ano ba Nate, you can do better than that.” Saway ni Lola Beatrice dito nung pipicturan na sila ng abuela at tila magkaibigang posing lang ang ginawa nila.  Nag-iikot sila sa mga temple ng Bangkok. 

            “Ganito ba dapat La?” sabi ni Nathan habang niyakap siya nito sa likod at hinalikan sa pisngi.

            “Ayan! Ayan!  One more.  Ikaw naman Pia ang magkiss kay Nathan.”

            Nahihiya man si Pia pero nung makitang nag-eenjoy si Lola Beatrice ay nagpatianod na lang siya sa sitwasyon. 

Sabado sila dumating sa Bangkok at sa Lunes pa ang umpisa ng conference ni Nathan hanggang Myerkules kaya pinasyal na muna sila ni Nathan sa nalalabing dalawang araw nitong walang trabaho.

Pumunta din sila sa isang park na merong elephant show.  Nagpapicture sila ni Nathan na kunyari tatapakan sila ng dambuhalang elepante.  Sadyang malokong tao si Nathan kasi panay pagpapatawa nito sa mga pictures.  May dala din itong sariling high-tech na camera at karamihan ng kuha nito ay kay Pia.

Hawak kamay pa rin sila lagi.  Parang naging natural na sa kanila ang lahat.  Nandun pa rin na lagi siyang ninanakawan ng halik ni Nathan.

Kinagabihan ay nagdinner muna sila bago nagpahinga.  Di pa muna namimili si Pia ng mga dadalhing paninda dahil puro pagpasyal sa mga magagandang tanawin na muna ang ginawa nila.

Hapong-hapo si Pia nung umuwi sila sa hotel at napasalampak agad siya sa kama dahil sa nadamang pagod.  Hindi na niya alintala na may kasama pala siya sa kwarto na naiiling lang nung makita ang ginawa niya.

Nauna ng gumamit ng banyo si Nathan at nung lumabas siya ay nakita niyang payapa ng nakatulog si Pia.  Dahan dahan siya nitong nilapitan.  Naririnig niya ang mahinang paghihilik nito.  Napangiti si Nathan at inayos ang pagkakahiga ni Pia.  Tinanggal nito ang medyas ng dalaga at iniusod para makapwesto ito ng maayos sa malaking kama at kinumutan. 

Hinawi ni Nathan ang mga mumunting hibla ng buhok na nakatabing sa mukha ni Pia.  Masusing pinagmasdan ni Nathan ang bawat detalye ng mukha ng dalaga.  Malayong malayo ang hitsura ni Pia sa mga naging girlfriend niya at lalo na kay Fiona.  Simple lang itong manamit at mag-ayos pero gayun pa man ay di matatawaran ang anking nitong ganda.  Mahaba ang tuwid na tuwid nitong buhok na hindi naman purong itim ang kulay.  Mahaba din ang mga pilik mata nito at may katamtamang laki at tangos ng ilong.  Hindi rin ito maputing-maputi pero gayun pa man ay sigurado siyang walang ni isa man sa katawan nito ang pinaretoke di kagaya ng mga babaeng dinedate niya na masyadong banidosa.

Si Fiona naman ay kabaliktaran ni Pia.  Banidosa ito at mahilig mag-ayos at lalo sa lahat ay mahilig gumastos.  Hindi nga rin niya din maintindihan kung ano ang Pero nung makasama niya si Pia ay narealized niya bigla ang mga kapintasan nito.

Tila nagustuhan ni Pia ang paghaplos niya sa pisngi nito and she curled like a cat at niyakap ang unan na nasa kanan.  Muling tumabig sa mukha nito ang mga buhok kaya muli niya itong inayos para muling masilayan ang maganda nitong mukha.  Bumuntung-hininga si Nathan at tumayo na para pumunta sa sofa. 

Nitong mga nagdaang araw ay kakaiba na ang nadarama niya para kay Pia.  Hindi niya alam pero sabik na sabik siyang makita ito lagi.  Minsang hindi ito makaalis sa tindahan nito dahil may mga dumating na stocks ay namalayan na lang niya ang sarili na nandun kina Pia at tumutulong dito.

“Nate!  Anong ginagawa mo dito?”

“Tutulungan kita.  Wala naman akong ginagawa sa bahay.”

“Ha?  Ano ka ba!  Huwag na.  Kaya na namin ito tsaka ang init-init kaya.  Dun ka na lang sa taas.  Dun mo na lang ako hintayin.  Nuod ka lang ng tv muna.” Saway ni Pia sa kanya pero gayun pa man ay di pa rin nagpaawat si Nathan at tumulong pa rin ito sa kanila.

Gaya nga ng inaasahan ay pawis na pawis ito pagkatapos at mabuti na lang at tinanggal nito ang suot na pang-itaas dahil wala naman itong dalang pampalit.  Hindi maintindihan ni Nathan ang ligayang nadarama tuwing kasama niya si Pia at ang pamilya nito.

Bilib si Nathan sa klase ng pamumuhay meron sina Pia.  Kahit simple lang ay masaya ang mga ito.  Di kagaya ng mga nadate niya at naging kasintahang mga babae na walang ginagawa kundi mamrublema sa wrinkles at excess fat nila at naliligayahan lang sa tuwing makabili ng mga mamahaling gamit.  At sa tuwing kasama niya ang mga ito ay parang mabubutas ang bulsa niya sa pagbayad ng mga itinuturo nito.

           
            Napangiti si Nate sa mga naisip.  Nakaupo na si Nate sa sofa at halatang nahihirapang pumusisyon sa maliit na sofa.  Sa laki at tangkad kasi niya ay talagang di siya kasya sa sofa.  Gustong gusto na niyang tumabi kay Pia sa kama kaso nahihiya siyang gawin iyon kaya pinagtyagaan na lang niya ang pagtulog sa maliit na sofa.  Mahigit isang oras pa ata bago siya nakatulog pero halatang hirap na hirap siya sa posisyon.

           

            Kalagitnaan ng gabi ay nagising si Pia dahil sa tawag kalikasan.  Parang nadisorient kung nasaan siya sandali pero biglang bumalik sa isip niya na nasa Bangkok pala at kasama niya si Nathan.  Si Nathan.. nasaan si Nathan? at nung mapadako ang tingin niya sa sofa ay naawa siyang tingnan itong nakatalukbong sa di kalakihang sofa.

            May nabuong pasya kay Pia.  Bahala na si Batman sa kahinantnan ng lahat ng ito.

            “Nate… Nate…” mahinang yugyug niya rito.

            Unti-unti bumukas ang mata nito at kunot noong tiningnan siya at tinanong kung bakit.

            “Nate, share na lang tayo sa kama.  Malaki naman yun kesa diyan ka matutulog.  Nahihirapan ka diyan eh.”

            “Ha?  Ok lang ako dito Pi.  Sige matulog ka na lang ulit.” At muli nitong pinikit ang mga mata.

            “Nate, sige na.  Lipat ka na sa kama.  Basta mag behave ka lang ha.” Nilakipan pa ni niya ng konting pagpapatawa ang sinabi.

            Napa-upo si Nathan at halatang antok na antok talaga ito at walang sabing binitbit ang unan at tumayo.  Ibinagsak ang pagod na katawan sa malaking kama.  Hindi na nga ito nakapagkumot at basta na lang muling umidlip.

            Napangiti si Pia.  Nakapangtulog si Nathan.  Naka boxer shorts ito at puting plain round neck shirt.  Para itong batang payapang natutulog.  Nilapitan niya ito at inayos ang comforter para makumutan ito at saka pa lang siya pumasok sa banyo para magbihis ng pantulog.

            Kinakabahan man ay muli siyang nahiga sa tabi ni Nathan.  Dahil king size naman ang kama nila ay may pagitan pa ring espasyo sa kanilang dalawa.  Sadya niyang nilagyan ng unan sa gitna nila para malaman kung hanggang saan lang pwedeng pumwesto ang isa’t-isa.

            Humarap siya dito na nagkataong nakaharap din si Nathan sa kanya.  Masusi niyang tiningan ang mukha nito.  Gwapo talaga si Nathan.  Matangos ang ilong nito dahil parehong mistiso ang mga magulang nito.  Hindi ito maputi at di rin naman maitim.  Lalaking lalaki itong tingnan.  Walang panama ang ibang local na actor at model sa kagwapuhan nito.

            Natutukso siyang hawakan ang tungki ng ilong nito at biglan niyang binawi ang daliri nung gumalaw ito na animo’y may lamok na dumapo sa ilong.  Pero di pa rin nakuntento si Pia dahil muli niyang idadampi sana ang daliri sa ilong ni Nathan pero bigla nitong hinalikan ang kanyang daliri na ikinabigla ni Pia.

            Nagbukas ito ng isang mata… “Matulog ka na.  Mahaba habang lakaran pa tayo bukas.” Nakangiting sambit nito.

            Mas nahihiya si Pia sa ginawa kesa sa nabigla kaya dali dali niyang tinalikura ito na nakangiti.  Pero mayamaya lang ay naramdaman na niya ang pagbalibag ni Nathan ng unan na nakapagitan sa kanila at biglang pumulupot ang kanang kamay nito sa kanyang beywang pulling her closer to him.

            “Nate ano ba!” natatarantang sambit niya.

            “Sssshhhh huwag kang maingay.  Payakap na lang.  Tinapon mo kasi yung unan ko.”

            “At sa akin mo pa talaga binintang yung pagtapon ng unan ano?” natatawang sambit niya.

            “Ah ako ba nagtapon nun?  O di ako na nga.  Gayung wala na akong unan so ikaw na lang.  Matulog na tayo Honey.” At muling ipinikit nito ang mga mata.

            Nararamdaman ni Pia ang hininga ni Nathan sa likod ng leeg niya na nagdudulot ng konting pagkakiliti.  Nung una ay pinipilit niyang kontrolin ang pagkakaliti pero kalaunan ay di na rin niya napigilan ang mapahagihik paano kasi e di pa naman pala tulog si Nathan at binubugahan pala nito ng hangin ang kanyang leeg para lalo siyang kilitiin.

            Biglang hinampas ni Pia ang brasong nakapulupot sa beywang niya para patigilin si Nathan sa ginagawa pero ang dating pagbuga lang ng hangin ay napalitan ng labi nito na mas lalo siyang kinikilit.  Nagpupumilit ng makawala Pia sa yakap ni Nathan pero mas lalo siyang nakulong dahil dumantay na ang mabigat na hita nito sa buo niyang katawan.

            Hagikhikan silang dalawa sandali nung bigla siyang kinumbabawan ni Nathan at hawak nito ang dalawa niyang kamay gamit niya kanina para makaganti ng kiliti kay Nathan.  Kapwa sila natigilan nung mabisita ang kanilang posisyon.

            “Nate, pakawalan mo ako please.” Mahina niyang paki-usap pero hindi siya binitawan ni Nathan at masusing tiningnan.  Binitiwan nito ang kanyang mga kamay pero di pa rin ito umalis sa pagkadagan sa kanya.

            Pinalandas ni Nathan ang kanang kamay sa kanyang mukha ng di man lang binibitiwan ang pagtitig nito sa kanya.

            “Nate… please…”

            “Magkano kaya ang pwede kong ibayad sa bawat pagtugon mo sa mga halik ko Pia?” seryosong tanong nito.

            Parang natauhan si Pia sa tanong ni Nathan so she tried to struggle to break free from him.

            “At magkano naman kaya ang sisingilin ko sa bawat nakaw na tingin mo sa akin?” nakangiting sambit ni Nathan sa kanya na kinidatan pa siya.  Dahil dun ay namula si Pia at nahiya pero para makabawi ay sinagot niya si Nathana.

            “Oo nga pala, may bayad ang lahat di ba kaya humahaba na ang listahan ng utang mo sa akin.  Umalis ka na diyan at baka di mo na mabayaran ang mga utang mo sa akin.  Tsaka ibawas mo na din yung sinabi mong lihim kitang tinitigan na may katuwang ding bayad yung lihim mong pagsulyap sa akin.” Litanya niya na pilit pinatatag ang sarili.

            Natigilan man si Nathan sa banat niya pero sandali lang iyon dahil mabilis na hinawakan nito ang kanyang makabilang pisngi at muli itong nagsalita.

            “Kung gayun, mag-umpisa ka ng maglista ngayon pa lang.” At bago pa makapagsalita si Pia ay nabihag na ng mga labi ni Nathan ang labi niya.



Chapter 7:
           
            Sa tanang buhay ni Pia ay ngayon pa lang siya nahalikan ng isang lalaki kaya di maiwasang manlaki ang kanyang mata sa nangyayari.  Gusto sana niyang magprotesta pero hindi siya binibigyan ni Nathan ng pagkakataon.

            “You have a marshmallow soft lips Honey.” Nathan said in between kisses.

            Nanatiling nakabuka lang ang bibig ni Pia but she doesn’t know what to do at nahahalata na iyon ni Nathan kaya di nito mapigilang humirit ulit.

            “Magkano ba ang ibabayad mo sa akin ngayon Pia para turuan kitang humalik?” nakangiting sambit nito pero di pa rin binibitiwan ang kanyang bibig.

            Dahil sa sinabi nito ay biglang parang binuhusan ng malamig na tubig si Pia at iniwas bigla ang mukha kay Nathan.

            “What’s wrong Honey?  You don’t know how to kiss?  You want me to teach you how?” malambing na sabi nito habang pilit na pinapaharap si Pia pero nagmamatigas pa rin ito at iniiwas pa rin ang mukha sa lalaki.

            “Honey!  Hon, look at me!” he commanded.

            Dahan dahang ibinalik ni Pia pagitna ang kanyang mukha at tinitigan nito si Nathan.

            Hindi pa rin umalis sa pagkakadagan sa kanya ito.  Dahan dahang hinaplos nito ang kanyang pisngi at muli ay unti-unting bumaba ang mga labi nito sa labi niya.

            “Open your mouth Honey.”

            And she did as instructed.  Naging banayad muli ang paghalik ni Nathan.  He is guiding her how to do it right at mabilis na natutu si Pia.  Matagal ding naghinang ang kanilang mga labi.  Maya-maya lang ay tumigil ang lalaki at masusi siya muling tinitigan.

            “I think I’m starting to fall for you Pi.” Walang pakundangang pag-amin nito sa naramdaman sa dalaga.

            Natameme si Pia sa sinabi nito at akmang sasagot sana kaso muling nagsalita si Nathan.  “Pero alam kong business deal lang ang lahat ng ito.  I’m sorry if I crossed the line ha.  Sige matulog na tayo.” At umalis na ito sa pagdagan sa kanya and rolled to his side.  Nakatingin lang ito sa kisame.

            Biglang nakaramdam ng pagkapahiya si Pia kaya lumayo siya kay Nathan at tinalikuran niya ito.  Pero hindi mawala-wala ang mga ngiti sa labi habang nakapikit ang mga mata.

            Hindi alam ni Pia kung nanaginip lang ba siya o totoo pero may naramdaman siyang muling yumakap sa kanya but she was too tired to find it out kaya pikit man ang mata ay nagsusumiksik din siya sa nakayakap sa kanya para makiamot sa init ng katawan nito.  If she is not mistaken ay parang naramdaman din niya ang paghalik nito sa kanyang pisngi.          
           


            Nag-unat si Pia pero nahihirapan siyang gumalaw.  Parang may isang mabigat na bagay kasing nakadagan sa kanyang beywang pababa.  Unti-unting idinilat nito ang mga mata at muntik na itong mapasigaw nung namalayang gahibla na lang ang pagitan ng mukha nila ni Nathan na payapang natutulog kasabay ng mahinang paghilik nito.  Natakpan ni Pia ang bibig para di lumabas ang sigaw niya.  Binisita din niya kung ano ang posisyon nilang dalawa.

            Magkaharap silang natutulog.  Nakaunan si Nathan sa sarili nitong braso habang ang isang braso naman nito ay nakapulupot sa katawan ni Pia.  Ang mga binti nito ay nakasampay sa ibabang parte ng katawan ni Pia.  Pero hindi lang si Nathan ang nakaganun.  Si Pia man ay nakatanday din pala sa isa sa mga binti ni Nathan.  Makadikit ang ibabang parte ng kanilang katawan.

            Namula si Pia sa nasaksihan at dahan dahan niyang kinalas ang binti at braso ni Nathan pero mas lalong hinigpitan nito ang hawak sa kanya nung siyay gumalaw.  Muntik ulit mapasigaw si Pia.  Pinalipas muna niya ang ilang sandali bago muling ginawa ang pagkalas.  Dahan-dahan ang kanyang ginawa hanggang tuluyan na siyang makawala dito.

            Nag-iba din ng posisyon si Nathan at dumapa at ipinagpatuloy ang pagtulog habang si Pia ay nahulog sa kama dahil sa kakausog niya.  Biglang tumayo ang dalaga at takbong tumungo sa banyo.

            Impit na sigaw ang pinakawalan niya habang nakaupo sa trono at alam niyang namumula ang kanyang mga pisngi basi na rin sa naramdamang init.  Nung tingnan niya ang sarili sa salamin ay bigla siyang napangiti.  Kahit ayaw niyang maramdaman pero sa totoo lang ay kinikilig siya sa bawat dantay ng parte ng katawan ni Nathan sa kanya.

            “Hoy Sophia, umayos ka.  Acting lang ang lahat ng ito at huwag kang madala!” sigaw ng isip niya.

            Umikot na lang ang mata ni Pia na para bang kinakausap niya ang sarili at sinabihang “whatever!”.  Nagsimula na siyang magtalop ng damit at pumasok sa shower room at nagsimulang maligo.

            Habang nasa ilalim siya ng dutsa ay tukso namang bumabalik sa isip niya  ang gwapong mukha ni Nathan at ang paghalik nito sa kanya kagabi.  Wala sa isip ay nadama niya ang mga labing hinalikan nito kagabi.  Muli siyang napangiti pero napawi din iyon nung maalalang hindi naman totoo ang relasyon nilang dalawa at matapos ang kontrata ay balik na sila sa dati.  Bumuntunghininga si Pia at muling ipinagpapatuloy ang kanyang pagligo.

            Masyadong naging abala si Pia sa paglilinis ng mahaba niyang buhok at di niya namalayang pumasok pala ang nakapikit na si Nathan sa banyo.  Tuloy tuloy ito sa inidoro, inangat ang takip at upuan at nagsimulang umihi.

            Nanlaki ang mga mata ni Pia nung marinig iyon at hindi na niya napigilang tumili nung makitang si Nathan ay nasa loob din ng banyo.  She is totally naked at nagkataong see through ang kabuan ng shower room at ang tuwalya niya ay nasa labas nakasampay.

            Nagulantang ang nakapikit na si Nathan sa pagtili ni Pia at bigla itong humarap sa kanya.  Hindi magkandaugaga si Pia sa pagtakip sa sarili.

            “Nate, huwag kang tumingin.   Tumalikod ka!  Bakit ka kasi pumasok eh naliligo ako!” nangagalaiti na si Pia at natataranta kung aling parte ng katawan ang tatakpan.

            “Oh my God.  I’m so sorry Pi!  Teka lang, tatapusin ko lang ang pag-ihi.  I’m really sorry.” At nagmamadali nitong tinapos ang pag-ihi at hindi na nakapaghugas ng kamay sa pagmamadaling lumabas ng banyo.

            Kapwa habol ng hininga nung makalabas na si Nathan ng banyo.  Hiyang-hiya si Pia sa nangyari pero di niya maiwasang mapangiti dahil sa reaksyon ni Nathan kanina.  Muntik na niyang makita ang manoy ni Nathan kung di pa niya natakpan ang mga mata.  Pero hindi niya tiyak kung di ba nakita ni Nathan ang kahubaran niya. 

            “Pi, kailangan ka niyang pakasalan kasi nakita na niya ang kabuohan mo.” Sigaw ng konserbatibong isip ni Pia.

            “O eh ano kung nakita niya ang kabuohan mo, marami siyang nakitang ganun kaya wala lang yun.  Umayos ka!” sigaw naman ng liberated na isip niya.

            “Tantanan niyo na ako ano ba!” galit na sambit ni Pia.

            “Pi, are you alright?” tanong ni Nathan sa kanya nung marinig ang pagsigaw niyang muli.

            “Ha?  Ok lang ako Nate.  Malapit na ako matapos.”

            “Ok.  Take your time.  Sorry kanina ha.” At muli itong bumalik sa kama at napaisip.

            Marami ng hubad na katawan ng babaeng nakikita si Nathan at hindi lang hanggang pagkita ang ginawa niya sa mga ito sa totoo lang pero di nito maintindihan ang kakaibang reaksyon ng katawan nung masilayan ang hubad na katawan ni Pia.  Something down there became alive at nahihirapan siya ngayong patahanin ito.  Naka salute ito at tayong-tayo.  Kung sa ibang pagkakataon siguro ay pinasok na nito si Pia at isakatuparan ang tawag ng laman pero hindi nito magawa iyon sa dalaga.  Hindi rin nito maintindihan kung anong meron ang babaeng ito ay kaya nitong pigilan ang sariling kantihin ang huli.

            Pi, everyday is getting harder and harder for me to resist you.  Hindi ko alam kung hanggang saan ko kayang pigilan ang sarili ko.” Piping sambit ng isip ni Nathan.  At tinginan niya ang sundalo sabay sabi ng “Down Boy!”

            Nasa ganun siyang tagpo nung maabutan ni Pia na naka bathrobe at nakabalot ng tuwalya ang buhok.

            “Nate, ikaw na.” patay-malisya nitong sabi sa lalaki na kunyari hindi nito alintana ang nangyari kanina.

            “Pi, sorry kanina ha.” Muling paghiningi ni Nathan ng paumanhin.  Pero gayun pa man ay di pa rin nagrelax ang sundalo nito kaya pasimple nitong kinuha ang unan at itinakip sa sarili.

            Napansin ni Pia ang ginagawa ni Nathan kaya muli siyang namula.  Tinalikuran niya ito at pumunta sa aparador para kumuha ng damit.  Si Nathan ay tumayo na bitbit pa rin ang unan kaya di na napigilan ni Pia na mapahagikhik.  Tuluyan ng pumasok si Nathan sa banyo at nagsimulang maligo.  Hindi iilang beses na narinig ni Pia ang tila pagsigaw ni Nathan.  Iniisip ng dalaga na baka mali lang ang timpla nito sa tubig pero ang totoo ay nahihirapan si Nathan na pakalmahin ng buhay na buhay na si manoy.

Chapter 8:

            “Why don’t you guys get married before I’ll go back to America?”

            Parehong nasamid sa iniinum na kape sina Nathan at Pia dahil sa sinabi ni Lola Beatrice.  Kasalukuyan silang kumakain ng agahan sa restaurant ng tinutuluyang hotel.

            “O bakit?  Anong nakakagulat sa sinasabi ko?  You guys are engaged already so ano pa ang hinihintay niyo para magpakasal?  Mga apo, before I’ll leave this world, gusto ko sana makita ang apo ko sa tuhod.” Seryoso ang abuela sa hinihiling nito sa kanila.

            Nagpapanic ang kalooban ni Pia at tinitingnan niya si Nathan na kalmadong hinawakan lang ang kamay ng abuela bago nagsalita.

            “La, darating din kami diyan.  Hayaan niyo munang enjoyin namin ni Pia este... ni Fiona pala ang isa’t-isa.  Huwag kayong mag-aalala, mangyayari din yan soon.”

            “Mangyayari ang ano?  Ano ba itong si Nathan, dinagdagan na naman ang kasalan namin kay Lola Beatrice.” Lihim na sambit ng isip ni Pia. 

            Gusto na niyang sawayi ang lalaki pero natatakot din siyang malaman ni Lola Beatrice ang pagpapangap nila at baka merong mangyari dito.  Napa-isip si Pia, nagpapangap na rin lang sila eh gagawin na niya ito ng bonggang-bongga.

            “La, huwag po kayong mag-alala, pag-uwi natin, pag-uusapan na namin ni Nathan ang lahat.  Ok po?  Huwag na po kayong malungkot.” Nakangiting sabi niya na hinawakan din ang kabilang kamay ng matanda.

            “Ok.  Yaman ring lang may plano na pala kayo, pumunta tayo ngayon dun sa suki kong alahera and I’m gonna buy you guys your wedding ring.  Now eat faster kids.  I’m so excited!” at masayang ipinagpatuloy ni Lola Beatrice ang pagkain.

            Lihim na pinasalamatan ni Nathan si Pia at tumango sabay ngiti naman ang isinukli ng dalaga dito.  Alam niya na gagawin ni Nathan ang lahat para sa kaligayahan ng abuela.  Naikwento ni Nathan sa kanya minsan kung bakit ganun na lang ang pag-iingat at pagbibigay nito sa abuela.

            “Muntik ng mawala sa amin si Lola Beatrice nung minsang nagkaroon ito ng matinding atake sa puso.  Nasa college ako nun nung tumawag si Papa sa akin para sabihing nasa ICU si Lola and she’s fighting her life to survive.  Awang-awa ako sa kalagayan ng lola ko.  Nagkaganun kasi siya partly dahil na rin sa kagagawan ko.” Huminga ng malalim si Nathan nung maalala ang nangyaring sigalot na iyon ng buhay nila.  Hinawakan ni Pia ang kamay nito comfort him.

            “I was a pain in the ass of my parents when I was in college Pi.  Napabarkada ako sa mga masasama at nakakahiya mang aminin ay sumubok din ako sa halos lahat ng bawal.  Araw-araw kaming nag-aaway ni Papa at nung minsang nagkasagutan kami at di ko pala alam na nandun si Lola at nung sawayin ako ni Lola ay sinagot ko rin siya.  Nanikip ang dibdib niya at and suffered a heart attack.” Tuluyan ng tumulo ang luha ni Nathan habang nagkukwento ito kay Pia.

            “The last 24 hours was so criticial at ang sabi ng doctor na kung hindi daw nagising si Lola nung panahon na iyon ay tuluyan na itong magpapaalam sa amin.  God Pi, hindi ko alam kung ilang santo ang tinawag ko sa panahong iyon para lang mabuhay si Lola.  I almost sold myself to the devil just to give me back her life.”

            “Nung magising si Lola, ay kami agad ni Papa ang hinanap niya at pinagbati.  She was having a hard time breathing and talking that time pero pinilit pa rin niya.  Pinangko ko sa sarili ko na pag mabuhay si Lola Beatrice ay aayusin ko na ang buhay ko at iyon nga ang nangyari.  Kaya I can’t thank you enough sa pagpayag mo sa proposal kong ito.” Nginitian siya ni Nathan sabay pisil sa kanyang kamay.

            “Everything was set para isurpresa ko ang pamilya sa engagement namin ni Fiona until one day ay di ko na siya mahagilap.  Hindi ko alam kung saan siya ngayon at di ko kayang sabihin iyon kay Lola at baka ikakasama na naman niya iyon lalo na’t atat na atat na siyang makilala ito.  I was in panic mode that time.  Natutukso na akong aminin sa kanila ang lahat until one day I came across our old prom picture and dun kita naalala.  At maraming maraming salamat Pi sa pagpayag mo.”

            “Pero hindi ba mas malaking problema ang nangyayari ngayon na niloloko natin ang pamilya mo?  Nagpapanggap tayo…ako…”

            Humarap si Nathan kay Pia at ginagap na ang dalawang kamay nito.  “Pi, don’t worry.  Pagkatapos ng palabas na ito ay uunti-untiin kong ipagtatapat sa kanila ang totoo.  Huwag kang mag-alala at di ka naman sasabit dito.  Trust me on this ok?  Basta ang importante ngayon ay ang kaligayahang nakikita ko sa lola ko.”

            “Bakit hindi na lang natin totoohanin ang lahat Nathan?” mga katagang muntik ng itanong ni Pia kay Nathan.

            “Hon… Hon….” Pukaw ni Nathan sa kanyang pagbalik-tanaw.

            “Huh?”

            “Are you alright Iha?” tanong ni Lola Beatrice nung mapansing tulala siya.

            “Ha?  Wala La.  May naalala lang ako kanina.  Ano nga ba pinag-uusapan natin?” patay-malisya niyang tanong.

            “As I was saying eh pag-uwi natin, gusto ko sanang ayusin na natin ang kasal niyo ni Nathan.  Kahit sa huwes lang muna then next year na ang grand wedding sa church.” Paglalahad ni Lola Beatrice sa napag-usapan nung nagmuni-muni ni Pia.

            Po?” nanlalaki ang mga mata ni Pia sa gulat na ganun na pala ang tinakbo ng usapan nila nung nawala sa huwisyo ang pag-iisip niya kanina.  Magsasalita pa sana si Pia pero napansin niyang hinawakan ni Nathan ang kamay niya sa ilalim na mesa na para bang sinasabi nito na sumang-ayon na lang siya sa gusto ng abuela at pag-uusapan na lang nila ang tungkol dun.



            “Nate, ano na ba ang nangyayari?” di na nakatiis si Pia na itanong iyon kay Nathan.  Natatakot na siya sa itinakbo ng mga pangyayari

            “Hon, maki-ayon ka na lang.  Kunyari magpapakasal tayo pero hindi ko ipaparehistro ang kasal natin para hindi ito magiging authetic.  Ako na bahala sa mga iyon.  Pagbigyan lang natin si Lola please.” Paki-usap nito sa kanya.

            “Nate, ayoko na talaga.  Nahihiya na ako kay Lola.  Umamin na lang tayo sa kanila.  Ibabalik ko yung pera mo.  Please ayoko na.” nagsimula ng tumulo ang mga luha ni Pia.

            Tiningnan ni Nathan ang abuela at buti na lang ay abalang-abala ito sa pakikipag-usap sa suki nitong alahero kay di sila napapansin.  Niyakap ni Nathan si Pia at pilit na pinapatahan.

            “Pi, please wala namang ganyanan.  Huwag mo akong iwanan sa ere ngayon.  I need your help terribly.  Please.”

            Pero sige pa rin sa pagtulo ang mga luha ni Pia.  Hindi na niya makontrol ang sarili.  Takot na siya sa maaring kinahinatnan ng sitwasyon nila ngayon pero mas natatakot na siya na nararamdamang kakaiba kay Nathan kaya gusto na niyang kumalas bago pa siya tuluyang mahulog dito pero wala rin naman palang patutunguhan.

            “Iho, is Pi alright?  Is she crying?” pag-aalalang tanong ni Lola Beatrice nung mapansin sila.

            “Please Pi, ayusin mo ang sarili mo.  Saka na natin pag-usapan ito ok.  Please for Lola Beatrice lang.” pagsusumamo ng binata sa kanya. 

            Suminghot si Pia at pinahiran ang mga luha at ngumiti.  Nayakap siya ni Nathan nung makitang ngumiti na siya.  Inayos ni Pia ang sarili bago hawak kamay silang lumapit kay Lola Beatrice na pinasusukat sa kanila ang mga nakikita nitong wedding ring.  Hindi pa nakuntento ito at ibinili pa ng isang set ng alahas si Pia kahit todo tangi ang dalaga.

           

            Parehong bagsak sina Pia at Nathan nung umuwi sila kinagabihan.  Pareho silang nakatulog agad pero kinaumagahan ay ganun pa rin ang naging set-up nilang dalawa gaya nung unang araw silang nagtabi sa kama… Magkayakap!
           
            Naging abala si Nathan sa mga sumunod na araw dahil sa conference.  Sina Pia naman at si Lola Beatrice kasama ng yaya nito ay nag-iikot sa mga shopping mall at mga tiyangge ng Bangkok.  Minsan si Pia lang naglalakad pag pagod na si Lola Beatrice at nagpapahinga ito sa hotel.

            Kada hapon pagkatapos ng convention ni Nathan ay sinusundo nito si Pia kung saan man ito mapadpad at tinutulungang dalhin ang mga pinamili nitong ititinda sa Pilipinas. 


            Huling araw nila sa Bangkok, di sumama si Lola Beatrice sa kanila kasi katwiran nito ay gusto naman ng huli na makapagdate silang dalawa ng sila lang.  Dinala siya ni Nathan sa isang magarang restaurant at dun sila kumain.  Nakabihis sila ng maayos dahil fine dining restaurant ang pinuntahan nila. 

            “Nate, thank you ha.”

            “For what?”

            “Sa pagdala mo sa akin sa Bangkok.”

            “Walang anuman yun Pi.  In fact kulang pa nga yan sa lahat ng abalang binigay ko sayo.  Ako ang dapat magpasalamat sayo.” Ngiting sambit ni Nathan na sinuklian lang din ni Pia ng ngiti.

            “Let’s dance.” Yaya ni Nathan sa kanya.

            Napatingin si Pia sa bahagi ng restaurant na iyon na may iilang pares na mga banyagang gaya nila.  Kimi siyang ngumiti at tumango at inabot ang kamay sa nakalahad na palad ni Nathan.

            Tahimik lang silang sumasayaw.  Nakahapit sa kanyang katawan ang mga braso ni Nathan habang siya naman ay nakahilig sa dibdib nito at ang mga kamay nasa mga braso nito.  Maya-maya lang ay inilipat ni Nathan ang kanyang mga braso sa leeg nito.  Naghinang ang kanilang mga mata at unti-unti ay bumaba ang mga labi ni Nathan para sakupin ang sa kanya.

            Hindi na napigilan ni Pia na tugunin ang halik ni Nathan.  Matagal din naghinang ang kanilang mga labi bago siya yayain ni Nathan na lisanin nila ang lugar.   Hawak kamay silang umalis sa restaurant na iyon at tumungo sa tinutuluyang hotel.

            Sa elevator pa lang ay di na napigilan si Nathan sa ginagawa.  Sakop pa rin nito ang mga labi ni Pia.  Tumigil lang ito sandali nung nagbukas ang elevator at lumabas sila para pumasok sa kanilang kwarto pero pagkasara pa lang ng pintuan ay muli siyang kinuyumus ng halik ni Nathan na walang kimi niyang tinugun.

            Naging mapangahas at mapaghanap na ang mga kamay ni Nathan.  Pinangko siya nito at dinala sa kama pero hindi nito binitiwan ang kanyang mga labi.  Lasing na lasing na rin si Pia sa naramdamang sensasyon sa mga sandaling iyon at nawala na rin ang mga inihibisyon niya sa katawan at palaban na rin siyang tumugon sa mga halik ni Nathan.

            Ang mga labi ni Nathan ay unti-unting bumaba sa leeg ni Pia hanggang humantong na ito sa kanyang balikat.  Kasabay ng mga halik nito ay ang pagkalas rin nito ng kanyang damit.  Unti-unti na nitong binababa ang zipper sa likod ng damit niya hanggang tumambad sa paningin nito ang may katamtamang laki lang na kambal.

            “Beautiful…” ang sinambit nito at bago pa matakpan ni Pia ang mga iyon ay napigilan na nito ang mga kamay ni Pia at sinakop ang isa sa mga kambal ng bibig nito habang ang isa naman dinadama ng malalaking kamay. 

            Napaliyad si Pia kumbinasyong kiliti at sensasyong nadarama.  Hindi na nito napigilang umungol na tila naging musika sa pandinig ni Nathan at muli nitong inakangkin ang kanyang mga bibig pero ang mga kamay nito ay lumipat sa hita ni Pia.  Dahan-dahang naglalakbay paitas ang mga kamay nito hanggang madama nito ang kanyang pinakaiingatang parte ng katawan. 

            “Nate…”

            “Let go Honey….” Sabi nito habang hindi tinantanan ang kanyang bibig at ang mga kamay nito ay dinadama ang kanyang kaselanan.

            Gusto sanang magprotesta ni Pia nung pansamantalang lumayo si Nathan sa kanya pero muling napanatag ang loob nung makitang nagtalop lang pala ito ng mga saplot at muling bumalik sa kanyang tabi para ipagpatuloy kung saan ito huminto.           

            Alam ni Pia na talo siya sa labang ito pero hindi na niya malabanan ang naramdaman para kay Nathan kaya pikit-mata niyang tinanggap ang maaring mangyari sa gabing iyon.

            “Hon, I can’t wait any longer.”

            Hindi sumagot si Pia at halip ay siya na mismo ang kumabig sa bibig ni Nathan at hinalikan ito ng mariin.

            Slowly he entered her portal and she let out a small cry when the thin sheet got broken.  Napatigil si Nathan sa ginagawa at nanlaki ang mata sa natuklasan.  Siya ang naka-una kay Pia at nasasaktan ito. 

            “Stop… please stop…” pagsusumamo ni Pia nung maramdaman ang sakit.

            “Honey, I’m so sorry…. But I just can’t stop…” at muli nitong pinagpatuloy ang nasimulan. 

            Unti-unti na ring nakapag-adjust ang katawan ni Pia sa sayaw nila ni Nathan and in one final thrust ay pinakawalan ni Nathan ang mga sundalong kanina pa nag-uunahan sa paglabas.  Nakagat ni Pia ang balikat ni Nathan para mapigilan ang pagsigaw.  He collapsed on top of her at pareho silang habol ang mga hininga.

            “I love you Nate…” sigaw ng isip ni Pia habang walang ampat ng pagtulo ng kanyang mga luha.

            “I love you Pi and let’s get married for real pag-uwi natin ng Pilipinas.” Sabi ni Nathan kay Pia habang hinahalikan nito ang mga pisnging dinadaluyan ng mga luha.  Pagkarining ni Pia sa mga sinabi ni Nathan ay di nito naiwasang yakapin ang lalaki.  Nakatulog silang magkayakap ng gabing iyon.

           

Chapter 9:
           
            Pag-gising ni Nathan ay agad nitong kinapa ang katabi pero wala itong mahagilap kaya dali-dali itong umupo at hinanap si Pia.

            “Hon…” tawag nito kay Pia na naka-upo pala sa labas ng balkonahe ng inuokopahang silid.

            Inabot ni Nathan ang boxer shorts at dali-daling sinuot at pinuntahan si Pia sa labas.

            “Hon…why are you crying?” pag-aalalang tanong ni Nathan nung makita nitong tumutulo pala ang mga luha ni Pia.  Medyo madilim pa sa labas kaya masyadong tahimik pa ang paligid.

            Huminga na muna ng malalim si Pia bago nagsalita at dahandahang pinahiran ang mga luha.

            “Naguguluhan lang ako Nate.”

            Hindi sumagot si Nathan kasi alam nito ang tinutukoy ni Pia.

            “Hindi ito dapat nangyari.” At muling humikbi si Pia at niyakap ni Nathan para tumahan.

            “Hon, please stop crying.  Everything will be alright.  I promise you.  Tahan na.”

            “Paano ako tatahan Nate huh?  May nangyari sa atin ng di man lang alam ng pamilya mo ang totoo kong pagkatao.  Nakakahiya sa kanila lalo na kay Lola Beatrice dahil nagpapanggap tayo.  Hindi kasali sa usapan natin ito.”

            “Hon, ako na bahalang magtapat sa pamilya ko at kay Lola Beatrice ok.  Trust me on this please.  Hindi kita papabayaan.  Like I said kagabi, pagdating natin sa Manila ay magpapakasal na tayo.  Ok?” sabi ni Nathan habang pinapahiran ang mga luha ni Pia.  “I love you Pi.  It might be too soon to be saying this pero maging ako man ay hindi ko maintindihan ang sarili ko sa nararamdaman ko sayo.  Basta iisa lang ang alam ko at tiyak sa sarili ko… na mahal na mahal kita and I want to spend the rest of my life with you.”

            At muling napa-iyak si Pia sa sinabi ni Nathan at sa pagbibigay kasiguraduhan nito tungkol sa kanilang dalawa.  Biglang yumakap si Pia kay Nathan at na tinugun naman din ng huli ng ubod ng higpit.

            Ang mga yakap ni Nathan ay lumuwag at hinawakan nito ang mukha ni Pia at nagsimula na namang halikan.  Banayad ito nung una pero sa muli ay naging mapaghanap ito.  Kusa na rin tumugun si Pia sa mga halik ni Nathan at makalipas lang ng isang saglit ay nilover’s carry na si Pia ni Nathan papasok ng kwarto at dahan dahang nilapag siya muli sa kama ng hindi hinihiwalayan ang mga labi.  Muli nilang pinagsaluhan ang sayaw ng buhay.

           
           
            Masaya nilang binalita kay Lola Beatrice kinabukasan ang plano nilang pagpapakasal pagkabalik nila sa Manila.  Hindi matatawaran ang galak na nadarama ng abuela sa ibinalita nilang dalawa.  Hanggang sa pagsakay nila ng eroplano ay bukambibig pa rin nito ang plano sa nalalapit na kasal nilang dalawa.

            “Your parents would be delighted pag nalaman na nila ang nalalapit niyong pagpapakasal niyong dalawa mga apo.  Pagdating natin, we have to go to your house Pi para pormal kaming makapamanhikan sa pamilya mo.  And let’s schedule the wedding in a month’s time ok.” at walang kapagurang nagpaplano si Lola Beatrice habang silang dalawa ay nakangiting nakikinig lang dito na para bang wala na silang pinoproblema.

            Kahit nung nasa eroplano na sila ay bukambibig pa rin lagi ni Lola Beatrice ang nalalapit nilang pag-iisang dibdib.  Ang dami nitong sinuggest kung saan gaganapin at ang mga detalyeng gusto nitong mangyari sa kasal nila.  Mas mukhang excited pa ito kesa sa kanilang dalawa.

            Napagpasyahan nilang dalawa na ipagtatapat sa parehong pamily ang totoo pagdating nila agad sa Pilipinas.

            Nung marinig ni Pia ang paganunsyo ng flight stewardess na ilang sandali na lang ay lalapag na sila sa paliparan ng Manila International Airport ay bigla itong kinabahan at nanlalamig ang mga kamay.

            “Hon, are you alright?”

            “Kinakabahan ako.”

            Kinabig agad ni Nathan si Pia nung sabihin niya iyon.  “Hon, don’t worry.  Everything will be alright.  Trust me ok?”

            Kahit kinakabahan ay napatango na rin si Pia at nginitian si Nathan.


           
            Kung gaano kasaya sina Pia at Nathan kanina ay siyang kabaliktaran naman nung dumating sila sa mansion ng mga Sanchez.

            Pagpasok pa lang nila sa sala ay nagulantang sila lalo na si Nathan nung mapasino ang bisitang naka-upo sa isa sa mga sofa sa malaking salang iyon.

            Parehong seryoso ang mga mukha ng magulang ni Nathan nung harapin sila.

            “Hello my love, did you miss me?” nakangiting sambit ng babaeng naka-upo.

            “Fiona!  What are you doing here?”

            Fiona!  Oh my God!” sigaw ng isip ni Pia at lalong lumakas ang tambol ng kanyang puso.  Mas lalo siyang nanlumo nung tumayo ang babae at napansin niya ang umbok sa puson nito tanda ng pagdadalang-tao.  Tantya niya ay nasa ika-apat na buwang pagdadalantao ito.  At nasa mahigit dalawang buwan na din silang nagpapanggap ni Nathan.  Sa makatuwid ay buntis na si Fiona nung naghanap ng ipapalit dito si Nathan.

            “Buntis ka?” naguguluhang sambit ni Nathan pero hindi pa rin nito binitiwan ang kamay ni Pia kahit na kanina pa ito pinipilit tanggalin ng huli.

            “Yes my love.  I’m pregnant with our baby and early signs shows that it’s going to be a baby boy!  Aren’t you happy about it?  Di ba matagal mo ng gustong magkaroon ng baby boy?” nakangiting sambit nito pero biglang napawi ang ngiti nito nung mapansing nakahawak si Nathan sa kamay ni Pia.  “At sino naman ang babaeng kasama mo?”

            “Iho, what’s the meaning of this? She is Fiona?  What about Pi, I though you said siya si Fiona?  And she’s pregnant?” pero bago pa makasagot si Nathan sa tanong ni Lola Beatrice ay sumabat na si Fiona.

            “You must be Lola Beatrice.  I am the real Fiona and the real fiancée of Nathan.  Nice meeting you Lola.” May diing pagkakasabi nito sa salitang “real” at nagbeso pa ito sa matanda sabay himas sa malaking tiyan. 

            Napatungo si Pia sa sinabi ni Fiona dahil nahihiya siya mga magulang ni Nathan lalo na kay Lola Beatrice dahil sa pagpapanggap nila.

            “What’s this all about?  Ano ba talaga ang totoo?” medyo napalakas ang boses ni Lola Beatrice at matapos nitong magsalita ay taas-baba ang hininga nito at mayamaya lang ay sapo na nito ang dibdib at nahihirapang huminga. 

            Dahil dun ay nabitawan ni Nathan ang kamay ni Pia para saklolohan ang natutumbang abuela.  Nagkakagulo na silang lahat na nandun maliban kay Fiona na nakangiti sa nangyayari.



            “She’s perfectly fine.  Dala lang nang pagod kaya siya nagpass-out but her vitals are stable now.  Pagpahingahin na muna natin siya dito sa ospital para mabantayang maigi.” Ani ng doctor na tumitingin kay Lola Beatrice.
           
            “What were you thinking Nathan?  Bakit kailangan mong magsinungaling sa amin.” Tanong ng ama ni Nathan sa kanya pagkalabas ng doctor sa kwarto ng abuela.

            “I’m sorry Dad.”

            “Anak, anong nangyari ba talaga?  Bakit you ended up introducing Pi to us as Fiona?  What’s her real name Iho to start with?” malumanay na tanong ng Mommy niya.

            “Her real name is Sophia Mom.  She’s my classmate way back in high school.”

            “Bakit kinakailangan mo siyang pagpanggapin na fiancée mo Nathaniel?” halata pa ring galit ang ama ni Nathan at nagtitimpi lang ito habang tinatanong ang anak.

            Huminga muna ng malalim si Nathan bago sinabi ang totoo sa magulang.

            “Again, I’m so sorry for what I did Dad.  Naipaalam ko na kasi sa inyo that I was bringing my fiancée home but biglang nawalang parang bula si Fiona two months before I went back in the Philippines.  Hindi ko siya makontak at kahit mga kaibigan namin ay walang makakapagsabi kung nasaan siya.  I promised Lola Beatrice that I’ll bring my wife-to-be and I don’t have the heart to tell her that I can’t find her.  She’s been bugging me about it every single day na nakaka-usap ko siya.”

            “I was desperate so to speak and then I remembered Pia.  She’s one of my nicest classmates and well siya ang kinumisyon kong tumulong sa akin sa problema.  I paid her to do the act.” Pag-amin ni Nathan sa set-up nila ni Pia.

            “What!” sabay na sambit ng magulang nito.

            “But until this recent trip that I’v realized that I’m falling for her already.  Infact kanina ay ipagtatapat na talaga namin ang totoo at we were supposed to announce our engagement.”

            “Pero how could that be possible?  Paano ngayon ang totoong Fiona?  She’s pregnant for crying outloud!  Anong plano mo sa kanya?”

            “Dad, hindi ko alam na buntis pala si Fiona when she left me.  Pananagutan ko pa rin ang bata but I am not marrying her.  I am marrying Pia.”

            “At hahayaan mong lumabas na bastardo ang bata?” mataas pa rin ang boses ng ama ni Nathan pero nanatiling walang ekspresyon ang mukha ni Nathan.

            “Oo Dad.  I don’t love her anymore.  Nung iniwanan niya ako ay nawala lahat ng naramdaman ko sa kanya.  And I love Pia and I want to marry her.”

            “My God Nathan, hindi kita pinalaking bastos!  Kailangang panagutan mo ang pinagbubuntis ni Fiona!” nangagalaiti na si Mr. Sanchez sa inis sa anak.

            “I never said na hindi ko papanagutan ang bata Papa but I also said that I am not marrying her.  Kikilalanin ko ang anak ko and he will have the priveledge of being my son pero gayun pa man ay hindi kasali ang nanay dito.” Pagmamatigas ni Nathan at nagsukatan ng tingin ang mag-ama.

            “This time around, hindi ang desisyon mo ang masusunod kundi ang akin and you are marrying Fiona whether you like it or not.  Like you said, binayaran mo naman pala si Pia para magpanggap so ano ba ang problema dun.  It’s just business deal ika nga.” Parang haring nag-utos ang ama nito.

            Sasagot pa sana si Nathan pero naputol ang lahat ng iyon nung umungol si Lola Beatrice at nagising ng tuluyan.  Mabilis na dumalo ang mag-anak sa tabi ng matanda.



            Hilam na sa luha si Pia dahil lingid sa kaalaman ng pamilya Sanchez ay narinig pala niya lahat ang pinagtatalunan ng mga ito.  Maingat niyang isinara ang nakaawang na pintuan at nagsimulang umalis sa lugar na iyon. 

            Dahil sa pagkataranta nila kanina sa pagkabuwal ni Lola Beatrice ay nakasama pa rin siya sa mga ito sa pagpunta sa hospital at ang naiwan ay si Fiona.  Nagboluntaryo din namang sumama si Pia dahil nag-alala din siya sa kalagayan ng matanda na walang dudang mahal na mahal na rin niya.  Nung nalipat na si Lola Beatrice sa isang private room ay nagpaalam saglit si Pia para magbanyo at akma siyang papasok nung marinig niya ang usapan ng mag-ama.

            “Masarap bang magpanggap na ako?”

            Biglang napapikit si Pia kasabay ng pagtahip ng kanyang dibdib nung marinig ang boses ng nagsasalita.  Pilit niyang kinakalma ang sarili bago harapin ito.  Pero bago pa tuluyang makaharap si Pia ay sinalubong siya ni Fiona ng sampal.

            “Ang kapal ng mukha mo rin ano!”

            Sapo ni Pia ang mukha at pinipigilan niya talaga ang sarili para patulan ito kahit na gustong gusto niya rin itong sampalin.  Pero naubos ang pasensya ni Pia nung muli siyang sampalin nito at nagbitaw pa ito ng masasakit na salita.

            Dala marahil ng instinct ng pagprotekta sa sarili ay naitulak niya ito dahil sa pananakit nito sa kanya at nabuwal ito.  Iyon ang tagpong nadatnan ni Nathan na ikinagulantang nilang dalawa nung malakas na tawagin nito ang pangalan niya.

            Pagkakita ni Fiona kay Nathan ay nag-iinarte agad itong nasaktan sa pagtulak na iyon ni Pia.

            “Love, sinaktan akong ng babaeng yan.  Buntis ako pero di niya isinalang-alang iyon.  At nagsimula na itong umiyak.  Ayaw mang daluhan ni Nathan si Fiona ay di rin nito natiis dahil na rin sa kagandahang asal kaya dahan dahan niya itong tinayo.

            Pagkahawak pa lang ni Nathan kay Fiona ay agad itong yumakap sa lalaki at parang batang nagsusumbong na kesyo sinasaktan daw siya ni Pia.  Syempre she skipped the part that she provoked and slapped Pia.  Tiningnan din nito ng nakakaloko si Pia na para bang sinasabing sino ngayon ang kawawa.

            Hindi na natagalan ni Pia ang eksenang iyon kaya walang sabi niyang nilisan ang lugar na iyon.  Pilit humabol si Nathan pero biglang napasigaw si Pia na kesyo sumakit daw ang puson nito kaya agad agad itong dinaluhan ni Nathan at dinala sa loob.

            Lalong bumalon ang mga luha ni Pia at dali-dali siyang pumara ng taxi at nagpahatid sa condong tinitirhan.
           
            Habang nasa daan ay nakabuo ng isang pasya si Pia at pagdating niya sa tinitirhan ay agad siyang nag-empake ng gamit habang may kinakausap sa telepono.



Chapter 10:

            “Pi, umiiyak ka na naman.  Ano ba, makasasama sa kalagayan mo ang laging pag-iyak.”

            Nilingon ni Pia ang kausap habang pinupunasan ang mga luhang tumutulo.

            “Dumating ka na pala.  Sorry di ko man lang namalayan.  Kumusta ang biyahe mo?”

            “Nakakapagod as usual pero ok lang.  Ikaw kumusta ka naman habang wala ako rito?”

            Sasagot pa sana si Pia pero nagsimula na namang bumalon ang mga luha niya. 

            “Friend, stop crying na kasi.  Ayan tuloy naiiyak na rin ako.” At tuluyan ng humagulgul si Pia habang niyayakap ng kaibigang si Charmaine.

            Kay Charmaine tumuloy si Pia matapos niyang mag-impake at nilisan ang tinitirahang condo unit ni Nathan.  Sa isa sa mga isla ng Cebu na nakatira si Charmaine kasama ng napangasawa nitong si Sammy.  Nagkatuluyan din ang dalawa kahit laging nag-nagbabarahan ang mga ito nung nasa high school pa lang sila.  Duon nagtayo ng negosyo si Sammy at katuwang nito ang asawa sa pagpapalago nito.

            “Ano ba yan Friend, tama na ha.  Sige ka pag-iiyak ka pa rin ay di ko na ibibigay sayo ang pinapabili mo.” Nakangiting pagbabanta nito.

            Dali-daling pinahiran ni Pia ang sariling mga luha at nginitian ang kaibigan.

            “Nasaan na ang pasalubong ko?” ang tinutukoy ni Pia ay mga dried green mangos na pinabili niya sa kaibigan sa syudad. 

            “Hay nako sinadya ko pa talaga ang brand na iyan ha kasi sabi mo yan ang gusto mo.  Nako nako, kung di ka lang buntis ay di ko talaga gagawin iyon.” Litanya ni Charmaine.

            Nakangiting pinapak agad ni Pia ang binigay ng kaibigan at kinikindatan pa niya ito sabay sabi ng thank you.

            “Hoy hinayhinay naman sa pagkain mo niyan.  Takam na takam ka ah.  Ano bang lasa niyan?  Patikim nga.  Eeewwww ang asim!” reklamo ni Charmaine matapos nitong matikman ang kinakain ni Pia.  Napahagikhik si Pia sa reaction ng kaibigan pero sige pa rin sa pagpapak ng dried green mango.


            Habang nag-eempake si Pia ay tinawagan niya ang kaibigang si Charmaine.  Kailangang makaalis siya sa lugar na iyon.  Kailangang makalayo siya sa gulong hinaharap.  Alam niyang siya ang talo sa labang iyon dahil unang-una ay siya ang impostora at pangalawa ay buntis na ang totoong Fiona at tama nga naman ang mga magulang ni Nathan na dapat panagutan ng huli ang pagbubuntis nito.

            Iniwan niya ang lahat ng binigay sa kanya ni Nathan pati ang cheke nitong ibinayad sa kanya sa pagpapangap na iyon.  Wala siyang iniwang kahit ano mang sulat para dito at basta na lang niyang nilisan ang lugar.  Hindi na niya iniwan sa guard ang susi ng condo dahil tiyak hindi nito iyun tatanggapin at magtataka din yun kung bakit niya gagawin iyon.  Alam niyang may duplicate na susi si Nathan dahil minsan ay nagpabukas siya dito dahil naiwanan niya ang susi sa loob ng condo.

            Pagka-alis sa condo ay dumiretso siya sa airport at duon na kumuha ng ticket patungong Cebu.  Ang kanyang pamilya naman ay kanyang tinawagan at muli siyang naghabi ng kasinungalingang na meron siyang bagong trabaho sa malayong lugar.  Hindi nab ago sa pamilya niya ang ganun kasi sanay na ang mga ito na sadyang “Racket Queen” talaga si Pia.

            Bitbit ang address ng kaibigan sa probinsya ay matapang na tinungo ito ni Pia kahit hindi siya pamilyar sa patutunguhan.  Nagkataong hindi maiwanan ni Charmaine ang resort nung mga oras na iyon dahil may mga parokyano itong nagkacheck-in para sa isang company activity.

            Medyo matagal na rin silang di nagkita ng kaibigan.  Paminsan-minsan lang kasi itong lumuluwas sa Maynila.  Pero sa tuwinang nasa Manila naman ito ay kay Pia ito tumutuloy.  Pero si Pia ay unang pagkakataon pa lang makakapunta sa resort ng mag-asawa dahil masyado siyang abala sa pagnenegosyo at nakakalimutan ng maliliwaliw.  Ang katwiran niya ay sayang lang ang gagastusin niya sa mga iyon.

            “Cha…” tawag niya sa babaeng abalang nagbibigay ng instruksyon sa isang tauhan nito.  Lumingon naman agad ito nung tawagin niya at namangha ito sa itsura niya kaya walang sabing niyakap agad siya nito.

            Napahagulgul si Pia sa balikat ng kaibigan.  Medyo nagtaka ang mga parokyanong nandun sa nangyari kaya inakay agad ni Charmaine ang kaibigan papasok sa pribadong opisina nito at dun sila nag-usap.

            “Friend, ano ba naman yan.  Kung di ka pa nagkaproblema ay di mo ako bibisitahin dito.”  Kunyari nagtatampong sabi nito sa kanya.

            Pero sa halip na ngumiti si Pia ay mas lalo pa itong napahugulgul kaya muli itong niyakap ni Charmaine.  Hinayaan na muna nito si Pia na umiyak ng umiyak bago ito nagpakwento sa nangyari.

            Pagkaraan ng ilang sandali ay nahimasmasan si Pia ay nagsimula itong magkwento sa kaibigan sa nangyari.  Nanlaki ang mga mata ni Charmaine sa nalaman at napailing na lang ito.

            “Alam mo friend, siguro naman ay mahal ka rin ni Nathan.”

            Hindi umimik si Pia.  Maging siya ay naramdaman din naman niyang mahal siya ni Nathan pero yun nga lang ay di na sila pwede.

            “Friend, bakit hindi ka nagpaalam kay Nathan ng maayos o nag-usap na muna sana kayo bago ka umalis.  Malay mo mahal ka niya at ikaw ang kanyang papakasalan.” Alam din ni Charmaine na may nangyari sa kanila ni Nathan sa Bangkok.

            “Cha, hindi ko na hinintay ang paliwanag niya.  May kailangan siyang panagutan at dapat niyang gawin ang tama.”

            “Tinanong mo ba kung yan ang gusto niyang gawin?”

            Hindi naka-imik si Pia sa tanong ng kaibigan.

            “It’s never too late to get in touch with him Friend.  Mas mabuti yung magkaliwanagan kayo para klaro ang lahat.” Suhestiyon nito.

            “Huwag na.  Hayaan ko na siya sa buhay niya.  Nahihiya din kasi ako sa pamilya niya eh.  Lalo na kay Lola Beatrice.”

            “So ano ang plano mo ngayon?”

            “Bahala na.  Pwede bang dito muna ako sayo?  Tutulong ako sa inyo ni Sammy.  Magaling akong magsales talk kaya yun ang gawin ko.  Ok lang ba sayo friend?  Kahit walang sweldo basta libre tira at pagkain lang.”

            “Ano ka ba?  Oo naman.  Anong walang sweldo… syempre meron noh.  Tamang-tama kasi umalis yung PR namin at kailangan din naming mas maraming parokyano kasi patapos na ang extension na pinapagawa ni Sammy.  Hay nako friend, hindi ko akalain na ang kabangayan ko at nilaitlait ko dati ay siyang nakatuluyan ko.  Infairness ha, ang bait pala ng asawa ko kahit medyo may pagkanegro lang.” humagikhik na sambit ni Charmaine.  Hindi na rin napigilan ni Pia tumawa.  At muli silang nagyakapan at nagpatuloy sa pagkukwentuhan.


            Sa Bantayan Island siya napadpad kung saan nagtayo ng resort sina Charmaine at Sammy.  Maganda sa mata ang tanawin kung saan nakatayo ang resort.  May mala-asukal sa putting mga buhangin at malinis at asul na asul ang dagat at luntian naman ang kapaligiran.  Ang kapayapaang dulot ng isla ay tila nakakatulong sa pagkamit ni Pia ng peace of mind kahit papaano.

            Naging abala si Pia sa ginagawa para sa resort kaya kahit papaano ay pansamantala niyang nakakalimutan ang pinagdaanan.  Pero minsan sa gabi at nag-iisa siya sa inuukopang cottage na itinalaga ni Charmaine sa kanya na nasa loob lang din ng resort ay di niya maiwasang mapa-iyak pagnaiisip nito si Nathan.  Gayun pa man ay pinipilit pa rin niyang maging matatag at pilit ding iwinawaglit ang alaala ni Nathan. 

            Pero kung kelan naman unti-unting nakakabawi si Pia ay siyang pagdating ng panibagong dakok sa kanyang buhay.  Muling nagkaroon ng dagok ang buhay ni Pia nung pagkaraan ng dalawang buwan ay nakumpirma niyang nagdadalang-tao pala siya.


            “Hoy, tama na sabi ang pag-iyak.  Pag may sakit na lalabas ang inaanak ko, nako lagot ka sa akin talaga!” pukaw ni Charmaine sa kanya nung mapansing nakatulala siya muli at wala sa loob na tumutulo ang luha.

            “Ha?” sabay pahid ng mga luha.

            “Ewan ko sayo.  Pero friend seryoso ako.  Bawal ang laging umiiyak kasi apektado ang bata niyan.  Huwag kang mag-alala, kami ang magiging katuwang mo sa pagpapalaki sa baby mo ok.  Kaya huwag ka ng malungkot ok?”

            Nginitian niya ang kaibigan bilang pagsang-ayon sa sinasabi nito. 

            “Today is a new day for you Sophia.  Get hold of yourself and stop being a fool.  Mahalin ang batang nasa sinapupunan mo.” Tahimik na pangaral ni Pia sa sarili.

            Tara friend, kain na tayo.  Gutom na kami ni baby.” Yaya niya sa kaibigan.

            “Mabuti pa nga.  Halika na.  May dala akong lechong Cebu.” At masaya silang pumunta sa komedor para kumain.



Chapter 11:


            “The subscriber cannot be reached.  Please try your call later.” Bumuntung-hininga si Nathan matapos marinig ang katagang iyon.  Hindi na niya mabilang kung ilang ulit na niyang narinig iyon. 

            Laglag balikat na si Nathan tanda ng panlulumo dahil ilang buwan na ang nakakalipas pero wala pa rin siyang balita kay Pia.  Ilang beses na siyang bumalik sa tinitirahan nito pero sa tuwina’y laging sinasabi ng mga magulang nito na may racket daw ito sa ibang lugar di rin pinapaalam sa mga ito kung saan ito naroroon dahil daw lagi itong nagbibyahe.  Mukhang totoo naman na wala talagang mga alam ang mga ito sa kinaroroonan ng huli.

            Binalikan ni Nathan muli ang araw nung nawala sa buhay niya si Pia.

            Matapos maka-usap ang abuela ay makahingi ng patawad rito ay lumabas siya at ang nadatnan niya ay naka-upo sa sahig si Fiona habang sapo naman ni Pia ang pisngi.  Dahil na rin sa kalagayan ni Fiona ay nilapitan niya ito na bigla namang yumakap ito sa kanya.  Gusto niyang daluhan din si Pia pero bigla na lang itong nawala na parang bula.  Gusto niyang habulin ito pero dumaing si Fiona sa pagsakit di umano ng puson nito kaya dinala na muna niya ito sa kwarto ng abuela para makapagpahinga.

            Alam niyang uuwi si Pia sa tinitirahang condo kaya pagkatapos niyang mahatid sa tinutuluyan nito si Fiona ay dumiretso siya sa condo pero nagulantang siya nung makitang wala ng ni isa man sa mga gamit ni Pia ang nandun.  Naiwan din lahat ng binigay niya ritong alahas at mga gamit.  Pati ang dalawang chekeng nagkakahalaga ng tig-isang daang libo ay iniwan din nito.  Ni kapirasong sulat ay wala din itong iniwan.

            Sinubukan niyang tawagan ito pero hindi ito sumasagot hanggang tuluyan ng hindi na niya ito makontak.  Kinabukasan ay sinadya niya ang mga magulang ng babae pero ang sinabi lang daw ni Pia sa kanila ay matatagalan itong bumalik ulit dahil meron daw itong aasikasuhing bagong mapagkikitaan.

            Halos linggo-linggo siyang bumabalik kina Pia para kumustahin ito pero gayun pa man ay wala pa rin siyang balitang nasagap sa mga ito.  Hanggang dumating ang mga pinamiling gamit ni Pia sa Bangkok at naihatid na niya ito sa bahay ng mga ito pero wala pa ring balita dito.

            “Iho, are you alright?” tanong ng mommy niya nung minsang makita siyang umiinom mag-isa sa bandang swimming pool ng kanilang bahay.

            Naputol ang pagmuni-muni ni Nathan sa pagdating ng ina.  Tiningnan niya ito at di na niya napigilan ang mga luha sa pagtulo.  Mabilis siyang dinaluhan ng ina at para siyang batang yumakap sa beywang nito habang niyayakap din siya nito.

            Naipagtapat na niya sa mga magulang ang totoong nangyari sa kanila ni Pia kasama na rin sa pag-amin niya sa mga ito sa kanyang totoong naramdaman para sa dalaga.

            “Don’t worry anak, pasan ba’t makikita mo rin siya.  Don’t loss hope.  Just keep the faith ok?.” Pag-aalo ng ina sa kanya.

            Lahat ng iyon ay nasaksihan ni Fiona at nagpang-abot bigla ang kilay nito sa nasaksihan.  Alam niyang si Pia ang pinag-uusapan ng mga ito. 

            Simula ng bumalik siya ay naging malamig na ang pakikitungo ni Nathan sa kanya na taliwas sa pakikitungo nito sa kanya nung magkasama pa sila dati.  Ni pagtatakda ng kasal nila ay hindi pa nito magawa.  Ang laging rason nito ay saka na lang daw pagnakapanganak siya.  Hindi naman daw lalabas na bastardo ang bata dahil pipirma naman daw ito sa ospital bilang ama ng bata.
           
            Nagulantang si Fiona sa pagtunog ng kanyang telepono.  Muling mapakunot ang noo nito nung matunugan ang pamilyar na ringing tone.  Alam na niya kung sino ang tatawag at bumuntunghininga muna ito bago sinagot ang telepono.

            “Hello!  Oo sabi.  Basta ako bahala… oo na!” sabay tapon ng telepono sa kama.  Kailangang makagawa siya ng paraan na makasal sila ni Nathan sa lalong madaling panahon bago pa nito matuklasan ang lahat ng kanyang lihim.



            Full house ika nga ang resort ng araw na iyon sa dami ng parokyanong nagcheck-in.  Simula ng dumating si Pia sa resort nina Charmaine at Sammy ay para siyang naging lucky charm ng mga ito dahil malimit puno ang bookings nila kada linggo.  Lagi siyang sinasabihan ng mag-asawa na ang baby niya ang lucky charm ng mga ito.  At mas excited pa ata sa kanya ang kaibigan si Charmaine sa pagdating ng kanyang munting anghel dahil kung lumuluwas ito sa syudad ay lagi itong may bitbit na kung ano-anong gamit pambata.  Palibhasa ay di pa rin kasi na biyayaan ang mga ito ng sanggol kahit tatlong taon na itong kasal.

            “Pi, punong-puno ulit tayo ah.  Nako nako… si Baby talaga ang lucky charm ng resort na ito kasi simula ng nalaman nating buntis ka ay lagi na tayong maraming customer.  Kaya baby, paglabas mo, may balato ka agad sa pretty ninang mo.” Gigil na sabi nito habang hinihimas nito ang may umbok na tiyan na ni Pia pero hindi pa naman masyadong halata ang pinagbubuntis niya.  Para lang siyang tumaba sa karaniwang balingkinitang katawan..

            “Nako pretty ninang, kahit na di pa lumalabas si Baby ay tiba-tiba na siya sa pasalubong sayo kaya ok na yun.” Natatawang sambit ni Pia sa kaibigan.

            “Ay hindi ah.  Iba pa yun.  Iba pa din ang balato mo kay Ninong Gwapo.  Di ba Sweetheart?” boluntaryo ni Pia sa asawa na ikina-iling na lang nito pero nakangiti naman tapos nagbigay pa ng thumbs up tanda ng pagsang-ayon.

            “O cya cya sige back to work na tayo.  May bonfire mamayang gabi ha.  Dumating na din ang mga fire dancers na galing Boracay.  Mare, kailangang maging regular ang mga fire dancers dito sa resort kasi tiyak papatok yan tapos mag offer na rin tayo ng lessons sa mga guests.  I’m sure maraming may gusto niyan.  Ano sa tingin mo?” suhestiyon niya sa pwede nilang extra pagkakitaan.

            “Oo nga ano.  Ang galing mo talaga Pi pagracket na ang pag-uusapan.  Hay nako salamat sa Diyos talaga at iniwanan mo ang Nathan na iyon dahil malaking tulong ka sa resort ko.  Remind mo ako ha pagnagkita kami ay pasasalamatan ko siya.” Natatawang sambit ni Charmaine pero bigla naman itong natigilan nung mapansin ang pananahimik niya.

            “Friend, sorry naman.  Ito kasing bibig ko eh walang preno.  Pasensya na.  Sorry di na po mauulit.” Sabay tampal nito sa sariling bibig na nagpapabulaghit ng tawa kay Pia.

            “Ok lang Friend.  Siguro di pa ako sanay masyado pero pasan ba’t magiging tuluyan na rin akong magiging ok.” Nakangiting sambit niya dito.  Tara na, it’s time to say Maayo Pag-abot sa ating mga bisita.”  At nagchorus na silang magkaibigan sa pagsabi ng “Maayong pag-abot sa Sunset Resort ug hina-ut malingaw mo sa inyong pagpuyo diri.” Na ang ibig sabihin ay masayang pagdating sa Sunset Resot at sana maliligayahan kayo sa pagtira niyo dito.


           
            “Aray naman Friend.  Kung makahila naman ito…” pero din a natapos ni Charmaine ang sasabihin dahil bigla siyang hinila ni Pia palayo sa lugar na iyon.  Mabilis itong naglalakad at si Charmaine ay parang mabubuwal na sa paghabol dito.  “Friend, ano ba… tigil!” hinihingal na sambit nito.  Napatigil na rin si Pia pero nanghahaba ang leeg nito sa kakatingin sa pinangalingan nila kanina.

            “Ano bang nangyari sayo?  Mabilis mo akong hinila para lumayo tayo dun tapos nanghahaba naman yang leeg mo sa kakatingin dun.” Reklamo ni Charmaine na hinihingal pa rin.

            “Friend, parang si Fiona yung nakita ko dun.”

            “Fiona as in yung fiancée ni Nathan na possibleng asawa na niya ngayon?  Teka, kung nandito si Fiona eh di nandito rin si Shrek este si Nathan pala?

            “Friend, alamin mo please.  Ayokong makita niya ako.” Pag-aalala ni Pia.

            “At baket?  Abah dapat lang niyang malaman na binuntis ka niya ano!” mataray na sagot ni Charmaine.

            “Ah basta Friend, confirm mo muna kung siya nga ba please.” Pangungulit niya rito.


           
            Pagkalipas ng ilang minuto ay bumalik si Charmaine.

            “O ano?  Si Fiona ano?  Kasama ba niya si Nathan?” sunod-sunod na tanong ni Pia sa huli.

            “Hinay-hinay naman.  Oo at hindi.  Oo si Fiona nga.  Hindi dahil hindi si Nathan ang kasama niya.  Iba naman ang kasama ng hitad.  Sure akong hindi si Nathan.  Tsaka ang kati ha, kandong ng kandong dun sa lalaki.  Pero teka, akala ko ba buntis yun eh naka two-piece kaya tsaka ang flat ng tiyan?” nagtatakang puna ni Charmaine. 

            Nakatalikod lang kasi ito kay Pia kanina at ulo lang nito ang nakita niya kanina dahil naka-upo ito sa isa sa mga lounge chair sa pool area.

            “Hindi siya buntis?  Kung di ako nagkakamali ay nasa 6th month na siya dapat ngayon at di ba pag-ganun ay bawal na magbiyahe sa aeroplano?  Sigurado ka friend na di talaga siya buntis at di si Nathan ang kasama?”

            “Friend kung gusto mo siyang tingnan, umakyat ka sa 2nd floor ng bahay at magkubli ka lang sa kurtina para makumpirma mo ang sinasabi ko.” Suhestiyon sa kanya ng kaibigan.

            Mabilis pa sa alas-kwartong umalis agad silang dalawa para tumungo sa bahay ni Charmaine at ginawa yung sinuhestiyon nito kamakailan lang.  Sa bandang likod sila dumaan para di sila makita ng pinagtataguang si Fiona.

            “Yung babaeng nakadapa at nilalagyan ng suntan lotion nung lalaki ang sinasabi mong si Fiona right?” paniniguro ni Charmaine sa kanya.

            Masusing sinundan ng tingin ni Pia ang dalawang nilalang.  Parang nagdududa siya kung si Fiona nga ba talaga kasi nakadapa ito at impossibleng magagawa pa iyon ng isang buntis na nasa last trimester na.  Yung lalaking kasama naman nito ay kasing katawan ni Nathan pero mas moreno lang ito kaysa huli.  Napasinghap si Pia nung humiga paharap ang babae at nakumpirma ng niyang si Fiona nga.  Mas lalong nanlaki ang kanilang mga mata nung makitang naghahalikan ang dalawa na animo silang dalawa lang ang tao sa mundo.  Maya-maya lang ay tumayo ang mga ito at tinungo ang daan papunta sa cottage ng mga ito.

            “Oh my God.  Hindi siya buntis?  At sino yung kasama niya?”

            “Friend, baka naman naghiwalay sila ni Nathan.  Or baka nakunan siya kaya nag-away sila ni Nathan at naghiwalay.” Wala sa loob na nasabi ni Charmaine.

            Natingnan niya bigla ang kaibigan sa sinabi nito na nanlalaki ang mga mata sa pagkamangha.  Pero nung maisip na possibleng mangyari yun ay bigla siyang nagkibit-balikat at pilit inaalis sa isip ang pag-aalala kay Nathan.

            “Whatever!  Tara na nga.  Back to work na tayo.  Ano nga ba pakialam ko sa kanila.  Basta huwag lang nila akong makita dito.  Basta itago mo ako friend.  Baka magandang uuwi muna ako sa amin kasi para mawala ang pag-aalala nila Papa.  Tutal pwede pang maitago tong tiyan ko.”

            “Hay salamat naisip mo ring magpakita na sa pamilya mo.  Pero eventually ay kailangan mo rin aminin sa kanila ang totoo mong kalagayan.  Pero for now ok na muna yan.  Kelan mo balak umuwi?”

            “Sa makalawa kung ok lang sayo friend.”

            “Ipapaayos ko na yung ticket mo.  Basta tawag ka lang ok.”

            Nginitian niya ang kaibigan.  Kailangan na niyang harapin kung ano man ang sinusuungan niyang problema.  Namimiss na rin niya ang pamilya.



Chapter 12:

            Manila.

            “Pia anak!!!!!” sigaw ng nakingiti ama nung makita ang pagpasok niya.  Mabilis nitong iniwanan ang iniistimang customer at nilapitan siya.  “Ma, nandito na si Pia!” excited na sigaw nito sa asawa na nasa ikalawang palapag ng bahay.

            Napangiti si Pia at napatakbo siyang yumakap sa ama at naririnig din niya ang nagmamadaling yabag ng ina na pababa sa hagdanan.  Naiiyak siyang niyakap ng ina at si Pia man ay nahawa na rin.

            “Anak, ang tagal kitang di nakita.  Kumusta ka na?” sabi ng mama niya.

            Nakangiti lang si Pia.

            “Lumulusog ka ata Pi pero bagay sayo.  Siguro mas nakakabuti sayo ang pagbabakasyon at di ka masyadong nagtatrabaho.” Puna ng nanay niya.

            Napaghandaan na ni Pia ang pagpupuna ng pamilya niya sa kalagayan niya kaya nginitian pa rin niya ang mga ito at sinang-ayunan ang opinion nito.  Hindi pa tamang panahon para sabihin niya sa mga ito ang totoo.

            Hindi magkandahumayaw sa pagkukwento at pagtatanong ang pamilya sa kanya at inakay na siya ng mga ito sa taas para ituloy ang kwentuhan.

            Naghahabi na lang ng kwento si Pia na nakahanap siya ng ibang trabaho at kinakailangan agad na pumunta siya dun.  Natuwa naman ang kanyang pamilya na malamang kay Charmaine pala siya nagtatrabaho.

            “Pero Nak, akala ko ba ayaw mo ng may amo?  At mas gusto mong magnegosyo kesa mang-empleyado?” hirit ng ama niya.

            “Oo nga Pa pero tinutulungan ko lang si Cha sa negosyo nila.  Kailangan nila ng aking magic touch para lumago ang negosyo.” Mayabang na sambit niya pero sa likod ng isip ay humihingi siya ng tawad sa kaibigan dahil sa paghahabi niya ng kasinungalingan.

            “Sabagay.  Tama din yan.  Nak, ilang beses ding tumatawag si Nathan dito.  Teka text ko muna siya para ipaalam na nandito ka na.”

            “Pa, huwag!” napalakas ang boses niya na ikinagulat ng ama.

            “Kung makasigaw naman ito para ewan.  Bakit ayaw mong ipaalam ko sa kanya?” nagtatakang tanong ng ama.

            “Eh kasi hindi ko pa sinabi sa kanya na nandito.  Eh kasi…ah kasi Pa sosorpresahin ko siya.  Tama!  Huwag niyo ipaalam na nandito ako.  Ako na magtetext sa kanya.”

            “Ah ganun ba.  Ok sige.  Kasi sabi niya sa akin pag may balita na sayo ay tawagan ko daw siya.”

            “Ako na bahala dun Pa.  Kumusta naman ang negosyo?” pag-iiba ni Pia sa usapan nila.

            Hindi naman nakakahalata ang Papa niya kaya nagkwento lang din ito.  Siya namang pagbalik ng Mama niya na dala ang paborito niyang pagkain.

            Pero iba ang epekto ni Pia sa pansit na bitbit ng ina.  Parang ang baho-baho nito sa kanyang pang-amoy.  Gusto niyang maduwal.

            “Ma, bakit iba ang amoy ng pansit?” di nakatiis na tanong niya sa ina.

            “Ha?  Eh pareho naman ang amoy nito sa dati ah.  Teka tingnan ko nga ang pakete kung hindi pa ba expire ito.  Ay baka nga dahil pa expire na ito anak kaya nag-iba ang amoy.” At inaamoy nito ang hawak na pansit kanton at inaamoy pero halatang nagtataka ito at di mawari kung bakit may sinasabi siyang mabaho pero ito wala namang naamoy.

            “Igagawa na lang kita ng bago Nak.  Sandali lang.”

            “Ma, huwag na po.  Busog pa po ako.  Penge na lang ng juice.  Pasok muna ako sa kwarto ha.  Magpapahinga lang ako.  Nahilo ako sa biyahe kanina eh.”

            “Sige Nak.  Hatid ko na lang sa kwarto mo yung juice.”

            Nagmamadaling pumasok si Pia sa kanyang silid at dumiretso sa banyo at nagduduwal.  Muntik na niyang maibuga lahat ng kinain sa harap ng mga magulang kanina.  Buti nakayanan niyang pigilan.  Pagkatapos maduwal ay hapong-hapo siyang tumungo sa kama at humiga.  Hindi na niya namalayang ipinasok ng ina ang juice na hinanda dahil nakakatulog na siya.



            “Boss, nandito na siya.  Kakarating lang.” Saad ng text na natanggap ni Nathan na ikinakunot ng noo niya.

            Bumuntunghininga si Nathan bago sinagot ang text na natanggap.  Napa-isip siya sa mga sunod na gagawin.  He has to play his card right.  Nakasalalay sa tamang desisyon ang buhay niya.

            “Honey, I’m home!” muling napakunot ang noo ni Nathan pagkarinig ng isang pamilyar na tinig.  Lumabas siya sa kwarto para salubungin ang nag-iingay sa baba.

            “Where have you been?”

            “Why my love, did you miss me while I was gone?” malambing na tanong nito sa kanya pero hindi niya ito sinagot pero nandun pa rin ang walang ekspresyon sa kanyang mukha.

            “Well as expected.  You don’t seem to care anyway kung mawala man ako so I took some time off and well ganun pa rin naman pala pagbalik ko.  You’re still as cold as an ice so what’s the big deal.” Sambit ni Fiona habang kumukuha ng tubig sa ref.

            “Sayo oo wala akong pakialam pero sa anak ko na dinadala mo meron.”

            Natigilan si Fiona sa pag-inom ng tubig at tiningnan siya matapos ilapag ang baso sa mesa at muling nagsalita.

            “It’s all about the baby!  Bullshit ka Nathan!  Sana hindi na ako bumalik.  Ni pakasalan ako ay hindi mo magawa.  Mas mabuti pa siguro lalayasan na kitang tuluyan para di mo makita ang anak mo.”

            At pagkatapos magsabi nito ay tumatakbong umakyat si Fiona papunta sa kwarto na labis na ikinababahala ni Nathan dahil baka mapaano ito lalo na’t nasa ikapitong buwan na ito sa pagbubuntis.  Dinalawang hakbang pa man din nito ang baiting ng mga hagdanan.  Hindi niya ito naabutan para pigilan dahil nakapasok na ito sa kwarto at naglock.

            “Fiona, open the door please.” Mahinang katok ni Nathan.  Alam niyang mali yung pakikitungo niya dito.  Dapat hindi niya tratuhin o pagsalitaan ng ganun ang babae lalo na’t buntis ito.

            “Please open the door and let’s talk.” Pagsusumamo ni Nathan.

            “Go away!” bulyaw ni Fiona rito at tila umiiyak ito base sa tono ng boses nito na mas lalong ikinabahala ni Nathan.

            Magsasalita pa sana si Nathan nung muling tumunog ang kanyang cellphone.

            “Aalis lang ako sandali at pagbalik ko mag-usap tayo.  Pag-usapan na rin natin ang nalalapit nating pagpapakasal.  Ok Fiona?  Fiona…” mahinang katok pa rin niya dito at pagkalipas ng ilang sandali ay wala pa rin siyang narinig na pagkilos ay bumuntunghininga na lang si Nathan at umalis.

            Samantala sa loob ng kwarto ay di mapawi ang ngiti ni Fiona.  Hawak na niya sa kamay si Nathan.  Alam niyang mahalaga dito ang kanyang pinagbubuntis kaya kailagan na niyang kumilos ng mabilis para masolusyunan ang kanyang problema.

            Humarap si Fiona sa salamin at tinanggal ang damit na suot at isinunod na kalasin ang foam na naka-umbok sa kanyang tiyan.  Hindi siya totoong buntis.  Nagkukunyari lang siyang buntis para pakasalan siya ni Nathan at hahanapan niya ito ng kasalanan para maghiwalay sila at sa ganung paraan ay may makukuha siyang pera mula sa lalaki.

            Hindi naman talaga totoong minahan niya si Nathan kahit pa di matatawaran ang kagwapuhan at estado nito sa buhay.  Nagkakilala sila sa isang bar o mas tamang sabihing sinundan niya ang lalaki duon at sinadyang magpakilala dito at nagtagumpay siya at napaibig ito.  Pero gayun pa man ay di naman sila naghiwalay ng lalaking kanyang kinakasama.

            Para siyang prinsesa sa piling ni Nathan dahil galante ito.  Nagkamali lang siya nung iniwanan niya ang lalaki dalawang linggo bago sila umuwi ng Pilipinas para ipaalam sa mga magulang nito ang kanilang pagpapakasal.  Iniwanan niya ito matapos siyang bigyan nito ng pang-gastos para sa kanilang pagpapakasal sana.  Hindi niya maatim magpakasal dito dahil iba ang itinatangi ng puso niya
            Pero nung nagipit siya ay si Nathan ulit ang binalikan pero naging kumplikado lang ang lahat nung nalaman niya sa isang common friend na meron na nga daw ibang babaeng laging kasama si Nathan kaya naisipan niyang magpanggap na buntis.  Parang umayon naman ang tadhana sa plano niya dahil ayaw din nitong magkasama sila sa iisang kwarto.  Pero di naman siya lugi sa setup nila dahil sinusustentuhan siya ni Nathan matapos nitong sabihing natanggal siya sa trabaho dahil sa kanyang pagbubuntis.

            Isang plano lang ang hindi pa natutupad sa gusto ni Fiona.  Hindi pa rin naitatakda ang kasal nila kahit anong pilit ng mga magulang ni Nathan.  Alam niyang isang lang ang dahilan ng lahat ng ito.  Yung babaeng nagpapanggap na siya.  Makakatikim ng parusa sa kanya ang babaeng iyon pagnakita niya.  Yun ang pinangako ni Fiona sa sarili.  Napangiti siya at may dinayal na number at masayang kinausap ang tinawagan.


Chapter 13:

            “Ano ba…. Nathan!” nanlaki ang mga mata ni Pia nung mapasino ang humawak sa kanyang braso.  Nag-aabang siya ng masasakyan dahil pupunta siya dapat sa doctor dahil kagabi pa siya duwal ng duwal.

            “Yeah it’s me Pia.  Let’s talk.” Hindi na siya binigyan nito ng pagkakataong tumangi dahil mahigpit nitong hinawakan ang kanyang braso at para siyang binitbit nito papunta sa kung saan nakaparada ang kotseng dala.

            Ayaw naman ni Pia na matawag ang pansin ng mga kapitbahay nilang nakamasid kaya nagpatianod na lang siya sa ginagawa ni Nathan.

            Pagka-upo nito sa sasakyan ay nilock nito agad ang pintuan at pinaharurut ang sasakyan.

            “Fasten your seatbelt.” Parang haring nag-utos ito sa kanya pero hindi natinag si Pia kaya nung tumigil sila dahil pula ang traffic light ay si Nathan na mismo ang nagkabit ng sinturong pangkaligtasan sa babae.

            “Ako na.” pigil ni Pia kay Nathan nung hatakin na nito ang seatbelt pero di rin nakinig ito at itinuloy pa rin ang pagkabit.

            Matinding katahimikan ang sumunod na nangyayari.  Muling pina-usad ni Nathan ang kotse nung makarinig ito ng busina sa likod tanda ng pagberde ng traffic light.

            “Itigil mo ang kotse diyan sa kanto at baba ako please.”

            “No.  We need to talk.”

            “Please Nate, kahit sandali lang.  Itigil mo na muna ang kotse…” muling paki-usap ni Pia dito pero mas lalong binilisan ni Nathan ang takbo nila pero bigla din itong nagulantang nung bumuga si Pia sa dashboard ng bagong-bagong kotse ng huli.  Hindi napigilan ni Nathan na mapamura.

            “Sorry.  Ang kulit mo kasi.  Sabing itigil mo ang sasakyan dahil nasusuka ako.” Hiyang-hiya si Pia sa nangyari kaya dinadaan na lang niya sa kunyaring pagka-inis ang pagkapahiya habang pinapahiran ng dalang tissue ang dashboard ni Nathan.

            Bumubusina ang mga sasakayang nasa likod dahil sa biglang pagtigil ni Nathan.  Buti na lang at nakaseatbelt silang pareho kundi masusubsub si Pia sa dashboard na punong-puno ng suka.

            Natalsikan ng suka ang damit ni Pia kaya hindi na siya makakapunta sa doktor sa kalagayan niya kaya kinausap na lang niya si Nathan na ibaba siya para maka-uwi pero tila bingi pa rin ang kausap at bagkus ay sa isang pamilyar na lugar tumatahak ang kanilang landas.

            Kinakabahan si Pia nung papasok na sila sa basement parking ng gusali.  Dinala siya ni Nathan sa condong kanyang tinitirahan dati.

            “Ito yung pinakamalapit na lugar at yung mga damit mo ay nasa taas pa naman so dito na tayo mag-ayos.”

            Bumuntunghininga na lang si Pia at nagpatianod sa gusto ni Nathan.


            Tahimik pa rin silang pareho habang sakay ng elevator.  Di na nakatiis si Pia at muling nagsalita.

            “Sorry.” Ani Pia.

            “For what?”

            “Sa pagsuka ko sa kotse mo.  Idaan na lang natin mamaya sa carwash para malinisan.”

            “Don’t bother.  Someone’s coming over to pick it up.  Di tayo makakaalis dito hangga’t di pa dumarating yung isang kotse.”

            Akmang magsasalita sana si Pia nung tumunog ang bell at nasa palapag na sila kung saan nandun ang unit ni Nathan.  Malapit lang sa elevator ang unit nito kaya ito na rin mismo ang nagbukas ng pintuan.

            Malinis pa rin ang loob at ganun pa rin iyon nung huli niyang masilayan.

            “Help yourself or baka gusto mong ako ang maglinis sayo?” patuyang sambit ni Nathan.

            Inirapan niya ito at mabilis na pumasok sa kwarto para kumuha ng damit.

            Si Nathan naman ay tinanggal ang suot na puting polo at nilinis yung mga parteng natalsikan ng suka ni Pia.  Hubad baro itong nakatunghay sa lababo ng kusina nung muling bumukas ang pintuan ng kwarto at iniluwa ang nakatapis lang ng tuwalyang si Pia at nagmartsa ito papunta ng banyo. 

            Mabilis itong pumasok sa banyo at narinig ni Nathan ang pagclick ng lock ng pintuan tanda ng pagkandado nito.  Napangiti si Nathan sa ginawa ni Pia.  Takot na takot itong masilipan niya samantalang kahit ilang buwan na silang di nagkikita ay namemorya pa rin niya ang bawat parte ng katawan nito.  Biglang nag-iba ang pakiramdam ni Nathan sa isiping iyon pero bigla siyang nagulantang nung muling narinig ang pagduduwal ni Pia.

            “Pi… are you alright?” katok nito sa pintuan ng banyo at pilit na pinipihit ang nakasaradong pintuan.

            Hindi magawang sumagot ni Pia at sige pa rin ito sa pagduwal.  Naramdaman na ni Nathan ang pagkataranta base sa pilit nitong pagbukas sa siradura ng pinto kaso nakalock pa rin ito.

            “Open the door Pia!” sigaw nito sa dalaga habang malakas na kumakatok at sige pa rin sa pagpihit sa trankahan ng pinto. 

            Pagkalipas lang ng ilang sandali ay nagawa ring buksan ni Nathan ang pinto at namangha siya sa nasaksihang kalagayan ni Pia.  Nakatakip lang ang malaking puting tuwalya sa katawan nito habang hapong-hapong nakaupo sa sahig ng banyo.  Basa ang buhok nito sa pawis at hilam ang mukha sa luha.

            Muli itong napadual at mabilis na inilapit ang mukha sa inidoro at muling bumuga.  Puro tubig ang lumabas at tuluyan ng namumutla si Pia.  Nag-angat ito ng ulo sandali at tiningnan si Nathan ng bigla na lang pumikit ang mga mata nito at kung hindi pa nasalo ni Nathan ay babagsak na itong tuluyan sa sahig.

            “Pia!!!!” malakas na sigaw ni Nathan at iyon ang huling narinig ni Pia bago siya tuluyang ginupo ng kadiliman.



            “Tubig….” Ang unang namutawi sa bibig ni Pia nung muling bumalik ang kanyang ulirat.  Naningkit ang mga mata niya dahil sa sobrang liwanag na nakikita.  Parang ang puti-puti ng buong paligid.

            “Honey, here drink this.”

            May umangat sa ulo niya at inalalayan siyang uminum sa basong inilapit nito sa kanyang bibig.  Gusto man niyang alamin kung sino tumulong sa kanya pero para siyang nasisilaw pa rin sa kaliwanagan ng paligid.

            “How are you feeling?”

            Pumikit si Pia kasi sumasakit ang mata niya dulot ng liwanag pero biglang dumilat nung matunugan ang pamilyar na boses.

            “Anong ginagawa mo dito?  Nasaan ako?” sunod-sunod na tanong niya sa lalaki.

            “Nawalan ka ng malay kahapon at ngayon ka lang nagising.  Ako ang naghatid sayo dito sa ospital.” Pormal na sagot ni Nathan.

            “Ospital?  Ospital!” sigaw ng isip ni Pia at bigla siyang napabalikwas ng bangon pero pinigilan siya ni Nathan.

            “Huwag ka munang gumalaw.  Magpahinga ka na muna.  Yun ang bilin ng doktor na tumitingin sayo.  Kailangan mo munang magbed rest dahil maselan ang dinadala mo.”

            Lalong nanlamig si Pia sa isiping alam na pala ni Nathan ang kanyang pagbubuntis.

            “Nate…”

            “It’s ok Hon.  Alam kong akin ang dinadala mo.  Pananagutan ko ang baby natin.  Pag pwede ka ng lumabas ng ospital ay kakausapin ko ang mga magulang mo at ako na muna ang mag-aalaga sayo.”

            “Pero paano si Fiona?”

            “I’ll take care of that problem.  Basta ang importante sa akin ay maging ok ka.  Na ligtas kayo ng baby natin.” Nakangiting sambit ni Nathan at di na nito napigilan ang sarili at niyakap siya.

            Napa-iyak na ring gumanti ng yakap si Pia sa lalaking tinatangi.  God knows how she missed him.

            “God knows how I missed this!” sambit ni Nathan na parehong pareho ang sinabi nito sa kanyang iniisip.  Muli siyang tinitigan ni Nathan at nagsalita, “I love you so much Honey.  Don’t ever runaway again from me ok? Ok?” humihingi ito ng assurance sa kanya at di siya nito tinantanan hanggang tumango siya. 

            Nakangiting tumango si Pia at muling siyang niyakap ng mahigpit ni Nathan.

            “I love you….” Sambit ni Nathan.

            “I love you too…” sagot naman ni Pia.

            Dahan-dahang bumaba ang mga labi ni Nathan sa mga labi ni Pia at buong sabik na hinalikan ang babaeng mahal.

            Nasa ganon silang tagpo nung bumukas ang pinto at iniluwa ang nagulat na si Lola Beatrice pero sandali lang at nakabawi agad ito at nginitian sila.

            “Aba’y dyaskeng mga bata ire… Ano ba naman Nathaniel, may sakit pa si Pia at nilalambutching mo na agad.”

            Biglang napabulaghit ng tawa sina Pia at Nathan sa term na ginamit ng abuela.



Chapter 14:

            Naalimpungatan si Pia dahil sa naririnig na malalakas na boses ng babae na pilit pinapakalma ng tinig ng isang lalaki.  Dahan-dahan niyang minulat ang mga mata at nagulantang nung makita na Fiona pala ang kausap ni Nathan.  Nangagalaiti ang babae tanda ng sobrang galit nito.

            Nanlaki ang kanyang mata nung mapadako ito sa puson ng babae.  Namilikmata siya pero ganoon pa rin ang kanyang nakita.  Buntis ito!  Ang laki na ng tiyan nito pero paano nangyari na nakita niya ito sa Sunset Resort na naka two-piece at hindi buntis.

            Gusto niyang magsalita at sabihan si Nathan tungkol sa kanyang nasaksihan dati pero bago pa siya maibuka ang bibig ay sumugod na si Fiona sa kanya.

            “Walang hiya kang babae ka!  Nagpanggap ka na ako tapos ngayon aagawin mo pa si Nathan sa akin ulit.” Pero bago pa siya masaktan ni Fiona ay naiharang na ni Nathan ang katawan sa kanya at nahawakan nito ang mga kamay ng huli.

            “Tama na Fiona!  Respetuhin mo naman yung taong may sakit!  Tama na!” at dahil sa malakas na pag-awat ni Nathan ay naitulak nito si Fiona at nawalan ng balanse at malakas na bumagsak sa sahig.

            Mas lalong nakumpirma ni Pia ang pagsisinungaling ni Fiona dahil kung totoong malaki ang tiyan nito at sa tindi ng bagsak kanina ay malamang namimilipit na ito sa sakit pero tila wala lang nangyari sa huli.

            Pero si Nathan ay namangha sa nagawa at nung maisip na buntis ang dalaga ay nag-alala siya sa pwedeng mangyari dito kaya mabilis itong inalalayan.

            Nung ginawa ni Nathan iyon ay saka pa lang maarte na nagkunwari si Fiona na sumakit ang tiyan nito na lalong ikinataranta ni Nathan.  Nung akma niyang bubuhatin ang babae at sinabihang dadalhin sa emergency room ay nagpupumiglas ito at tumayo at nagmamadaling tinungo ang pintuan na hawak hawak ang tiyan.

            “Huwag mo akong tulungan.  Mas mabuti pa ngang malaglag ang batang dinadala ko dahil hindi mo naman ito mahal!  At ikaw babae, hindi pa tayo tapos.  Babalikan kita!” at mabilis itong naglahong parang bula sa kwarto ni Pia.

            “Hon, is it ok if…” hindi alam ni Nathan kung paanong magpaalam sa kanya pero bago pa nito matapos ang sasabihin ay nginitian ito ni Pia at sinabihang sundan si Fiona at baka anong mangyari sa huli.

            Nagmamadaling umalis si Nathan at hinalikan muna siya nito bago tuluyang nilisan ang kwarto.

            Nung makaalis na si Nathan ay inabot ni Pia ang cellphone na nasa ilalim ng kanyang unan at idinayal ang telepono ng kaibigan.

            “Hellow! Hoy bruha ka bakit ngayon ka lang tumawag?” sigaw ng kausap sa kabilang linya tuloy tuloy itong nagsalita kaya nahirapan si Pia na sumingit.

            “Cha…. Cha!  Teka lang may sasabihin akong importante sayo.”

            “Sorry.  Ano pala yun?”

            “Cha, sure ka ba na si Fiona yung nagcheck-in sa resort?  Alam mo, nandito siya kanina pero ang laki pa rin ng tiyan niya.  Buntis na buntis.  Baka naman hindi siya yun.”

            “Weeeehhhh di nga?  Yun ang pakilala niya sa akin at di nga ba nakita mo din at sabi mo siya yun.”

            “Sure ako na siya pero what if hindi siya.” Medyo nalungkot siya sa isiping iyon dhail ibig sabihin nun ay wala na silang pag-asa ni Nathan.

            “Kumusta ka na?”

            “Nasa hospital ako ngayon.  Ilang araw na kasi akong suka ng suka eh.  Ewan ko ba, ok naman ako nung nasa Cebu ako.” Malungkot na salaysay ni Pia.

            “Hala!  Ganun ba.  You need help?  Luwas ako diyan ngayon?  Nga pala friend, may good news ako sayo… nakabuo na rin kami ni Sammy sa wakas!  I’m 4 weeks pregnant na.” masayang balita sa kanya ng kaibigan.

            “Talaga!!! Wow! I’m so happy for you friend.  Huwag ka ng lumuwas.  Nandito naman sila Mama.  Ok lang ako dito.  Nagkataon lang ito pero pasaan ba’t magiging ok na din ako.” At patuloy silang nag-uusap na magkaibigan tungkol sa pagbubuntis ni Charmaine.

            “Friend, ano na ang plano niyo ni Nathan?” di mapigilang muling ungkatin iyon ni Charmaine.

            Huminga ng malalim si Pia bago muling nagsalita.  Halatang pinipigilan niyang umiyak at natunugan ni Charmaine iyon kaya bago pa siya sumagot ay sinabihan na siya nito na magpahinga na muna at saka na lang nila muling pag-usapan ang tungkol dun at nagpaalam na rin ito.

            Tuluyan ng tumulo ang luha ni Pia matapos kausapin ang kaibigan at nasa ganung tagpo siya nung muling bumukas ang pintuan at iniluwal ang pawis na pawis na si Nathan na halatang balisa ang mukha.

            “Hon, papunta na dito ang isa sa mga kasambahay ni Mommy and siya ang magbabantay sayo.  May aayusin lang ako.  Will you be alri… hey…. Please stop crying. Makakasama sa baby natin yan.” Pag-alala nito sa kanya.  Mabilis siyang nilapitan at inalo. 

            Mas lalong bumalon ang mga luha ni Pia dahil sa pagyakap ni Nathan sa kanya.  Maging ang huli ay di na rin naiwasang maluha kasabay ng mahinang sambit ng paghiningi ng paumanhin.

            Sandali silang nanatili sa ganung posisyun hanggang nagsalita na si Pia habang pinapahiran ang mga luha.

            “Nate, I think may kailangan kang ayusin.  Sundan mo si Fiona at ayusin mo ang gusot niyong dalawa.”

            “Paano ka?”

            “Ok lang ako.  Babalik na rin ako sa Cebu at gusto ko pa rin sanang ilihim ang lahat ng ito kina Papa at Mama.”

            “No! I want to marry you.  Please Honey, let’s get married.  I love you.”

            “No Nate.  Hindi ako ang dapat mong pakasalan.  Si Fiona ang dapat mong pakasalan kasi siya ang nauna.”

            “Pero ikaw ang mahal ko at hindi siya.”

            “Minahal mo rin siya dati di ba kaya hindi ka mahihirapang muli siyang mahalin.” At dahil sa isiping iyon ay muling tumulo na naman ang mga luha ni Pia na mabilis din niyang pinahiran.

            Biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Nathan.  Naging seryoso ito. 

            “Pinagduduldulan mo ba ako kay Fiona dahil iyon ang nararapat o may presyo pa rin ang paghingi ko ng kamay mo?” makahulugang sambit nito.

            Natigilan si Pia sa sinabi ni Nathan at ang kalungkutan niya ay napalitan ng galit at insulto sa sinabi ni Nathan.

            “Magkano?”

            “Ano?”

            “Ang sabi ko magkano ang presyo ng pagpapakasal mo sa akin ha Pia?”

            Hindi na napigilan ni Pia na bigyang ng mag-asawang sampal si Nathan dahil sa sinabi nito pero di natinag ang lalaki at naghihintay pa rin ng sagot niya.

            “You can never afford me Nathan!  Get out of my room!”

            “Pi, I’m so sorry!  Please forgive me.  Nadala lang ako sa emosyon.  Please forgive me Honey” Nahimasmasang sambit ni Nathan.

            “No Nate, kailangang ayusin natin ang dapat ayusin.  Puntahan mo si Fiona at makipag-ayus ka sa kanya.” At tinalikuran na niya ito.

            Narinig niya ang paghinga ng malalim ni Nathan at narinig na lang niya ang pagclick ng pintuan tanda ng pag-alis nito.

            Saka pa niya tuluyang pinakawalan ang mga luhang kanina pa pinipigil.

            “Mas mabuti na ang ganito Nathan kesa sa ipagpapatuloy natin ang maling relasyon.  May kunswelo naman ako sayo, gwapo o maganda tiyak ang magiging supling natin.”



Chapter 15:

            “Friend, umiiyak ka na naman.  Di ba sabi ko sayo makakasama kay baby yan.” Pag-papaala sa kanya ng kaibigan.

            Pagkaraan ng ilang araw ay walang pasabing bumalik sa Cebu si Pia.  Hindi niya sinasagot ang mga tawag ni Nathan sa kanya.  Nagsinungaling din siya sa pamilya niya may nakain lang siyang masama kaya siya naospital.

            Pinahiran niya ang mga luha at nginitian ang kaibigan.  Halatang-halata na ang tiyan ni Pia habang si Charmaine naman ay parang tumataba lang kasi hindi pa klaro ang umbok ng puson nito.

            Tara na.  Punta na tayo sa Cebu Doc para makapagpacheck-up na.  Mag-overnight na din daw tayo sabi ni Sammy para makapagpahinga ng maayos.” Yaya nito sa kanya.

            Nginitian niya ang kaibigan at tumayo at sumunod na rin dito.


            Matapos nilang magpacheck-up ay napagpasyahan niyang magpaiwan sa SM City Cebu at hindi sumama sa mag-asawa.  Mamimili ito ng mga tiles para sa resort at siya naman ay titingin na ng mga gamit ng bata.

            Sige pa rin sa pagtawag si Nathan sa kanya pero muli niyang pinalitan ang cellphone number para di siya makontak nito.

            Habang abala si Pia sa pagpili ng mga feeding bottles ay di niya napansin ang paglapit sa kanya ng isang bulto kaya nung biglang tumayo si Pia galing sa pagyuko ay nagkalat ang lahat ng bitbit niya dahil sa pagharang ng isang lalaki.

            “Oh my God, I’m so sorry.” Sambit nito habang tinutulungan siyang pulutin ang mga nagkalat na gamit.

            Nung mai-angat ni Pia ang tingin ay isang nakangiting gwapong mukha ng lalaki ang tumambad sa kanya.

            Parang pamilyar ang mukha ng lalaking ito pero hindi niya matandaan kung saan niya ito nakilala.

            “It’s ok.  Hindi rin kasi ako nakatingin eh.” Sambit niya habang pinupulot ang mga gamit.

            Ikinuha siya ng basket nito na nakitang nasa tabi at isinilid nito ang mga bitbit niyang gamit ng bata at ito na rin ang nagbitbit ng basket.

            “Hi, I’m Jake and you are?” sabay lahat nito ng kamay.

            “Pia.”

            “Pia, nice name.  Pasensya ka na ha, hindi rin kita nakita kanina.  May hinahanap kasi akong feeding bottle na pinapabili ng sister ko but what the heck, I don’t have any idea on this.” Natatawang sambit nito at tumambad ang pantay at mapuputing ngipin nito.  Gwapo ang lalaki at matipuno ang katawan.

            “Doctor Brown.  Ayun o.” sabay turo niya kung saan naroon ang mga gamit pambata na may ganung tatak.

            “Thank you Pia.  Sige I’ll go ahead.  Nice meeting you.”

            “Nice meeting you too Jake.” At di niya naiwasang sundan ito ng tingin.  Hindi dahil sa gwapo ito pero parang nakita na niya ito somewhere.

            “Ah baka model.  Oo tama model nga.”

            Naputol ang pag-iisip ni Pia nung marinig ang pagtunog ng telepono.  Si Charmaine ang tumawag at humingi ng paumanhin na mamaya pa siya masusundo dahil hindi pa ito tapos sa kanilang transaksyon.

            “Ok lang yun Friend.  Marami pa rin naman akong gagawin.  Basta tawagan mo lang ulit ako mamaya ha.  Bye.”

            “Do you think this is the one she’s asking me to buy?” muling tanong ni Jake sa kanya na di niya namalayang muling nakalapit na pala sa kanya.

            “Huh?  Teka, yeah iyan na nga.” Nakangiting sambit niya muli.

            “Hay salamat.  Ewan ko ba kung bakit ako pa ang naisipang utusan ng kapatid ko.  Are you done?”

            Tango lang ang isinagot niya rito at niyaya na siya nitong tumungo sa counter para bayaran ang mga pinamili.

            “Are you waiting for anyone?” maya lang ay tanong nito sa kanya.

            “Huh?  Yeah.  Bakit?”

            “I’m kinda hungry.  Can I invite you for a snack?  Oh I hope your husband won’t mind.” Nasambit nito nung maalalang buntis pala siya at baka hinihintay nito ang asawa.

            Nginitian naman niya ito at sinabihang ok lang.  May ibang pakay si Pia, nakakakita siya ng oportunindad na baka pwede itong maging kliyente nila sa resort kaya sumama siya dito.



            “Mam Pia, may naghahanap po sa inyo.” Sabi ng isang staff nila sa resort.

            “Ok.  Pakidala siya sa restaurant at bigyan ng juice.  Matatapos na kami sa pagkain.” Pagbibigay niya ng instruksyon sa tauhan nung isinalarawan nito kung ano ang itsura ng naghahanap sa kanya.

            “Si Jake yan.  Yung nakilala ko sa SM.  Inimbita ko siya sa resort.  New client!” nakangiti sambit ni Pia sa nakakunot na noong si Charmaine.

            “Ah yung sinamahan mong kumain kahit di mo naman kilala para lang talaga magkaroon tayo ng bagong kliyente.  At ngayon ay ka text mo na.  Ewan ko ba sayo Sophia, pero sa usaping pagkakakitaan talaga para kang amazona kahit na buntis ka pa.” naiiling na lang na sagot ng kaibigan.

            Nagmamadali nilang tinapos ang pagkain para mapuntahan na ni Pia ang bisita con kliyente.  Habang binabaybay ni Pia ang daan papunta sa restaurant ay bigla siyang nakaramdam ng di mawaring kaba.  Napahawak siya sa kanyang dibdib ng di oras.

            “Bakit kaya ako kinakabahan?  Whew!  Siguro dahil lang ito sa event mamayang gabi.  Kaya namin ito. Aja! Aja!” pagbibigay lakas ng loob sa sarili.

            Pagpasok pa lang ni Pia sa loob ng restaurant ay magalang siyang binati ng mga tauhan.

            “Full house kayo ngayon ah.  Hindi ba kayo nagkakaproblema sa mga orders ng guests?” tanong niya sa manager ng restaurant.

            “Medyo atrasado ng konti ang paghahatid ng order Mam Pi.  Pero naiintindihan din naman ng mga guests.  Rumadyo na rin ako personnel na pagdagdag na lang muna ng tao.” 

            Tumango-tango si Pia at iniisa isang pinuntahan ang mga guests para makumusta.  Karaniwan niyang ginagawa ito dahil malimit ay dito siya nakakasalestalk para sa mga promo ng resort.

            Naka-ilang mesa na rin si Pia bago makarating sa isang parokyanong nakatalikod sa kanya at abala sa pagtipa ng bitbit nitong cellphone.

            “Good afternoon Sir.  Maayong pag-abot sa Sunset Resort.”

            Lumingon ang binati niyang lalaki at biglang nanlaki ang mga mata ni Pia nung matantong si Nathan pala ang lalaking iyon.

            “Nate!”

            “What are you doing here?” nanlalaking matang sambit niya.  Kaya pala siya biglang kinabahan kanina dahil muling niyang makikita si Nathan. 

            “Is that how you welcome your guests in this resort Pia?  I’m so disappointed.” Sarkastikong sambit ni Nathan.

            Akmang aalis si Pia pero hiwakan ni Nathan ang kanyang braso.

            “Please let’s talk.”

            “Wala tayong pag-uusapan kaya bitiwan mo ako!” bagama’t hindi malakas ang pagkakasabi niya ay may diin pa rin ito pero hindi siya binitiwan ni Nathan at mas lalo pang humigpit ang hawak nito sa kanyang braso.

            “Huwag mo ng gawing kumplikado ang sitwasyon Pia.  Let’s talk like two civilized adults or gusto mong dito tayo mangbangayan?” may pagbabantang sabi ni Nathan.

            Akma sanang magsasalita siya muli pero di na niya naituloy dahil lumapit ang receptionist nila sa resort para ipaalam kay Nathan na ready na ang tutuluyan nito.

            “Take me there Pia and let’s talk.” Parang hari itong nagbibigay ng utos sa kanya.  Bagama’t binitiwan nito ang kanyang braso pero mabilis din itong umiba ng posisyon at nakaakbay na sa kanya.  Pilit niyang iwisaksi ang pag-akbay nito pero mas lalo naman dumiin ang mga braso nito sa kanyang balikat.

            Pagkadaiti ng balat ni Nathan sa kanya ay nandun na naman ang pamilyar na kuryente kaya napaigtad si Pia.

            “May mga bagay talagang di nagbabago ano?  Nangunguryente ka pa rin.  Kanina pa.” may himig na biro ang sinabi ni Nathan na nagpapangiti sana kay Pia kung hindi niya nakita ang seryosong mukha nito sa repleksyon sa salamin na nadaan nila.

            Bumuntunghinga lang si Pia at nanatiling tahimik.  Nakasalubong naman nila ang nanlalaking mata ring si Charmaine pagkakita nito kay Nathan.

            “Nate!” napasinghap pa ito sa kabiglaan.

            “Hi Charmaine.  Long time no see.” nakangiting sambit ni Nathan.

            “Oo.  Ikaw yung guest namin pala?  Nakakain ka na ng lunch?” pero hindi na halos narinig ni Charmaine ang sinagot ni Nathan dahil sa lakas ng tambol ng dibdib nito.  Tinitingnan din nito ang kaibigan at mata sa matang kinakausap kung kumusta ito. 

            “Huwag kang mag-alala Cha, hindi ko kakaining buhay ang kaibigan mo.  Kailangan lang naming mag-usap to settle some unfinished business.”

            “Ha?  Oo naman.  Ok sige mag-usap na nga muna kayo para maging ok na ang lahat.  Sige kailangan ko lang puntahan yung ibang guests.”


           
            Pagkabigay ng tip sa bellboy na nagbitbit ng mga gamit ni Nathan ay inilock na agad ng huli ang pintuan at mabilis na sinambilat si Pia at kinuyumus ng halik.  Bagama’t sabik na sabik si Nathan sa paghahalik kay Pia ay halata pa rin ang ibayong pag-iingat nito dahil alam nitong buntis siya.

            Pilit nanlalaban si Pia pero kahit yun ang isinisigaw ng kanyang isip pero pinagtataksilan siya ng kanyang puso dahil namalayan na lang niya ang pagtugon sa mga halik ni Nathan.

            Unti-unti siyang hiniga nito sa kama ng hindi pa rin binibitiwan ang kanyang mga labi.  Naka-tube smocking dress lang si Pia kaya mabilis na naibaba ni Nathan ang kanyang damit at nalantad dito ang kanyang may kalusugang dibdib dala na rin pagbubuntis nito.  Bumaba ang mga labi ni Nathan sa kanyang mga leeg hanggang sa puno na kanyang dibdib.

            “Bigger and beautiful…”

            Muli silang nakalimot at muling pinagsaluhan ang tamis ng tawag ng kalamnan.



Chapter 16:
           
            Nakatalikod si Pia kay Nathan habang ang huli ay nakatihiya at nakatitig lang sa kisame.  Tahimik na lumuluha si Pia dahil hiyang-hiya siya sa kanyang kahinaan at muling naibigay ang katawan sa lalaking mapahanggang sa mga sandaling iyon ay kanya pa ring tinatangi.  At mas lalo siyang nahiya sa isiping buntis na siya’y di pa rin niya napigilan ang sarili.

            Maya-maya lang ay naramdaman na ni Pia ang mga bisig ni Nathan na pumulupot sa kanyang hubad na katawan na nasa ilalim ng kumot.  Nakadikit na rin ang dibdib ng lalaki sa kanyang likod sa pagkakataong iyon.

            “Bakit ka umalis?  Bakit mo nanaman ako iniwan?” panimula ni Nathan.

            Hindi umimik si Pia pero sige pa rin sa pagtulo ang kanyang mga luha.

            “Nung umalis kang muli ay napa-isip ako sa sitwasyon natin.  Baka nga tama ka rin na dapat ayusin ko ang gusot namin ni Fiona.  I was willing to compromise for the sake of our child pero sa likod ng isip ko, paano naman ang baby natin.  Paano naman tayo.”

            “Kina-usap ko sina Lola Beatrice at mga magulang ko at ang suhestiyon nila sa akin ay alamin ko kung sino ba talaga sa inyo ni Fiona ang mas matimbang.  I know I have been unfair to Fiona pero wala na talaga ang naramdaman sa kanya.  So I decided to pick you instead and talk to Fiona about child support.”

            Nanatili pa ring tahimik na lumuluha si Pia at di pa rin siya natinag sa kanyang posisyon at mataimtim na nakikinig lang kay Nathan.

            “But things didn’t turn out the way I planned it.  Nung pinaalam ko na kay Fiona ang plano ko ay nagwala ito at muling nagbabanta.  Pero that was cut short dahil makalipas ng ilang araw ay natuklasan ko ang kanyang panloloko.”

            Dahil sa sinabi ni Nathan ay biglang bumaling paharap dito si Pia.

            “Paanong panloloko?” curious na tanong ni Pia.

            Bumuntunghininga muna si Nathan bago nagpatuloy.

            “She was really not pregnant.”

            “Sabi ko na nga ba!” malakas na pagkakasambit ni Pia at bigla itong napa-upo at dahil dun na expose ang hinaharap ni Pia na mabilis din niyang natakpan ng kumot at pinalo si Nathan dahil nakatitig ito sa gawing iyon.

            “Anong ibig mong sabihin?  Alam mo?” Napangiti si Nathan sa inasal ni Pia at ang huli naman ay talagang binalot ang sarili pero kinukulit naman ito lalo ni Nathan at pinalalandas ang mga daliri nito sa likod ng babae.

            Muling tinampal ni Pia ang kamay nito at pinandilatan.

            “Ano ba?  Umayos ka nga.  Sabi na nga ba eh at niloloko lang kayo ng babaeng iyon.  To think na sobrang nag-alala pa ako nung matulak ko siya.  Haaaayyyy susss!!!!” nangigigil na si Pia at na para bang gustong tisirin si Fiona at ang kamay ni Nathan pala ang nahawakan niya kay napa-aray ito.

            “Ay sorry.  Ikaw kasi eh.  Pero teka paano mo pala nalaman ang lahat?” pilit na di nagpapa-epekto si Pia sa mga ginagawang pagdampi ng mga labi ni Nathan sa kanyang balat.  Pinapalandas nito ang mga labi sa kanyang braso hanggang sa kanyang mga balikat.

            “Ano ba!  Tumigil ka nga.  Ikwento mo na ang nangyari.” Pero halata na rin ang pag-iba ng boses ni Pia.

            “It can’t wait but I can’t!” at muli siyang kinumbabawan ni Nathan at wala ng maririnig sa silid na iyon kundi mga munting hagikhik at tili ng dalawang masayang pinagsasaluhan ang tawag ng pag-ibig.


           
            “Actually it was Lola Beatrice who told me about it.  Siya ang nakatuklas sa ginagawa ni Fiona.”

            “Paano nangyari?” tanong ni Pia.  Kapwa sila nakahiga at nakatitig lang sa kisame.

            “Lingid sa kaalaman ni Fiona ay bumalik si Lola from the US and she decided to stay in my house.  I’m sure may binabalak talaga ang matanda kaya niya ginawa yun.  Nagkataong alam ni Fiona na wala ako sa bahay nung mga panahon iyon dahil nasa Hong Kong ako for a business trip kaya hindi na ginamit ni Fiona ang fake niyang umbok sa tiyan.  Baka nga dati pa ay nagdududa si Lola kay Fiona dahil ilang beses din niyang sinaway ito nung makitang naninigarilyo or di kaya nangangamoy sigarilyo.” Napangiti si Nathan kasi naalala nito ang pagsaway ni Lola sa dating kinakasama.

            “Hindi mo ba napansing hindi totoong buntis si Fiona?  I’m sure magkatabi naman kayong natutulog at alam mo na…” hindi masabi ni Pia ang gustong tukuyin pero halata ang selos ng boses nito sa isiping iyon.

            Tumagilid si Nathan at hinarap siya na nakangiti.  “Alam na ano?”

            “Yung…basta yun na… ay ewan ko sayo.” Iwas ni Pia lalo na nung makita niya ang nakakalokong tingin ni Nathan sa kanya.  “Pwede ba, huwag mo nga akong pinagloloko.” At akma niya itong talikuran pero kinabig siya nito at niyakap ng mahigpit.

            “Kung ang gusto mong sabihin ay kung may nangyayari pa rin ba sa amin ni Fiona, ang sagot ay wala.  At gusto ko ring ipaalam sayo na ni minsan ay hindi na kami nagtabi sa pagtulog ni Fiona.  Sa guest room siya natutulog at don’t worry future Mrs. Nathan Sanchez, simula ng makilala kita ay wala na akong nahahalikang ibang labi kundi ang sayo lang.” sabi nito sabay halik sa kanya.

            “Weeeh maniwala ako sayo.”

            “Abah gusto mong patunaya ko sayo ha?”

            “Umayos ka nga!  Tapusin mo ang kwento muna.” Humahagikhik na sagot ni Pia at pinipigilan si Nathan na kilitiin siya.

            Huminga ng malalim ang huli at muling mahigpit na niyakap si Pia.

            “Mahal na mahal kita Pi.  I will settle this mess with Fiona when I get back. Gusto ko rin sana na sumama ka na sa akin sa pagbalik ng Manila so that we can finally get married.  Pasenya ka na ha pero pinagtapat ko na sa mga magulang mo ang totoong sitwasyon natin.”

            Nanlaki ang mga mata ni Pia sa natuklasan.  Kaya pala nitong mga huling araw ay pawang puro pagbibilin na mag-ingat siya ang nilalaman ng text ng ina.

            “Pero hindi ba alam ni Fiona na alam niyo na?”

            “No.  Gusto ko sana siyang kumprontahin pero sabi ni Lola Beatrice huwag daw muna.  Hayaan ko daw muna siyang kumuha ng mga ebidensya.  Ano sasama ka na ba sa akin?”

            “Teka lang.  May gagawin pa kasi akong importante eh.  Siguro pagkatapos nito ay babalik na ako sayo.  Nakakahiya naman kasi kay Charmaine kung iiwanan ko siya ng basta basta di ba?  Sige na please.” Siya na mismo ang naglalambing sa lalaki para pumayag ito.

            Nakangiting tumango naman si Nathan at muli siyang kinantalan nito ng mabilis na halik.

            “Oo nga pala, paano mo nalamang si Fiona ay hindi buntis?” nagtatakang tanong ni Nathan.

            Bumuntunghininga muna si Pia bago sinimulang ikwento kay Nathan ang natuklasan nila ni Charmaine nung pumunta si Fiona sa Sunset Resort.




            “O ano, ayos na ba ang buto-buto?” bungisngis na sambit ni Charmaine sa kanila nung sumabay na silang dalawa sa hapunan.

            “Sira!” sagot ni Pia sabay kurot sa tagiliran ng kaibigan.

            “Asus!  Kunyari ayaw pero totoo’y gusto.  Nako Nate, ilang gabi kang iniiyakan niyan.  Pero sus sabi ko na nga ba eh.  Tama nga talagang hindi buntis si Fiona.  Buti na lang at mismong si Lola Beatrice na ang nakatuklas.  Gusto kong ma meet ang Lola Beatrice mo Nate at pagnakita ko siya, yayakapin ko siya ng mahigpit na mahigpit!”

            Nagkatawanan silang apat na kumakain.  Kung ano-ano ang napag-usapan nila ng gabing iyon at karamihan nun ay tungkol sa karanasan nila sa High School at kung gaano ka negosyante si Pia.

            Pagkalipas ng dalawang araw na pananatili ni Nathan sa Sunset Resort ay nagpaalam na muna itong umuwi ng Maynila para sunduin ang abuela na gustong-gustong puntahan si Pia.  Napagpasyahan na rin nila na dun na idaos ang civil wedding sa Sunset Resort kaya buong angkan nilang dalawa ang tutungo dun.  Kinakailangan ni Nathan na umuwi dahil kakausapin din nito si Fiona na hindi pa rin alam na alam na nila ang sekreto nito.

            “Mag-iingat ka lagi Honey ha.  Alagaan mo ang sarili mo at ang baby natin.  I’ll be back in three days.” Sabi ni Nathan and he planted a gentle kiss on her forehead at muli siyang niyakap nito ng mahigpit na sinuklian din naman niya.

            “Mag-ingat ka rin Nate.  I’ll wait for you.”

            “Promise?”

            “Promise!”

            “Daddy, ingit naman ako.  Kiss mo din ako!” sabay nguso ni Charmaine sa asawa na pinagbigyan naman siya nito.



Chapter 17:

           
            “The subscriber cannot be reached.  You may try your call later.”

            “Lola , subscriber cannot be reached pa rin po.” Nag-aalalang sambit ng nurse aide ni Lola Beatrice nito nung hindi pa rin macontact si Nathan.

            “Subukan mo yung number ni Pi.”

            “Ganun din po.”

            “Paano na?  Kailangang makausap ko si Nathan.  Teka, ano nga ba ulit ang pangalan nung resort ng kaibigan ni Pia?  Parang kanta lang yun ah.  Teka… ah Sunset Resort.  Hala sige, hanapin mo sa internet ang resort na iyan at tatawag tayo.  Dalian mo.”

            “Lola, ito na po.”

            “Ah hello, Sunset Resort ito.  Ako si Lola Beatrice.  Pwede ko bang maka-usap si Pia?”

            “Lola!  Ako po pala si Charmaine.  Kaibigan po ako ni Pia.  Umalis po siya ngayon eh.  May sinamahang kliyente.  Bakit po?  Dala naman po niya cellphone niya.  Sinubukan niyo po bang tawagan?”

            “Patay ata ang telepono niya kasi kanina pa ako tumatawag pero walang sumasagot.” Halata na ang pag-alala sa boses ni Lola Beatrice.

            “La, if you don’t mind po, bakit parang balisa kayo?” nag-aalala na rin si Charmaine sa tono ng kausap.

            “Eh kasi… kasi alam na ni Fiona na alam ko na hindi siya buntis!”

            Po!  So ano po sabi niya?”

            “Nagbabantang papatayin daw niya si Pia.”

            “What?  Aba’y lukaret pala talaga ang babaeng yan.  Sige Lola, pagdating ni Pia ay di ko na siya paalisin.  Si Nathan po kasalukuyang nasa eroplano po siguro sa mga sandaling ito kaya di niyo po makontak.  Tatawagan kita mamaya Lola pag may makontak ko na din po si Pia.”

           
            Pero ilang oras na ang nakakaraan mula ng nag-usap sina Charmaine at Lola Beatrice at naka-usap na rin ni Charmaine si Nathan pero wala pa rin silang balita kay Pia. 

            Sinamahan ni Pia ang bagong kaibigang si Jake sa bagong lugar na pwedeng tayuan ng office ng isang travel and tour.  Nasa ganung business si Jake at napag-usapan nila ni Pia na magsosyo.  Mabait at mapagkatiwalaan naman si Jake kaya sumama na rin si Pia.  Ilang beses na din kasi niyang naging panauhin ito simula ng magkakilala sila sa SM Cebu.

           

            Naalimpungatan si Pia sa pagkaka-idlip.  Tila ba may masangsang siyang naamoy.  Bakit parang mabigat din sa bandang binti niya.  Madilim ang lugar kung saan siya naroonon at tila hindi din pamilyar sa kanya.  Nung mabisita ang kinahihigaan at natantong hindi pamilyar sa kanya lahat ay tila nag-umpisa ng kabahan si Pia.  Pilit niyang inaalala kung ano ang ginawa niya bago siya nagkaganito.

            Umupo si Pia pero nung igalaw niya ang mga binti ay napansin niyang nakagapos pala ang isa niyang binti sa kamang hinihigaan.  Pilit niyang kinakalas ang nakaposas sa kanya pero nakakandado iyon.  Uhaw na uhaw na siya.

            “Tulungan niyo ako!” nanghihinang sambit niya.

            “Tulungan niyo ako!” mas lumakas na ang boses ni Pia hanggang mauwi na ito sa pagsigaw.

            Biglan bumukas ang pinto at nasilaw si Pia sa liwanag na nanggagaling sa labas at nung kapain ng bagong pasok na dalawang nilalang ang switch ng ilaw ay napapikit si Pia dahil sa sakit ng dulot ng biglang pagliwanag.

            “Gising na pala ang reyna!” sambit ng pamilyar na boses.

            Pilit na kinikilala ni Pia kung kanino ang boses na iyon at namangha siya sa natuklasan at napaawang ang kanyang bibig.

            “Surprise Pia?”  mala-demonyong nakangisi si Fiona sa kanya.

            “Fiona!”

            “Ako nga at wala ng iba!”

            “Anong ginawa mo sa akin?  Anong ibig sabi…Jake!” mas lalong nanlaki ang mata ni Pia nung mapasino ang katabi ni Fiona.

            Masusi lang siyang tiningnan ni Jake.  Blangko ang ekpresyon ng mukha nito.

            “Anong ibig sabihin nito Jake?  Oh my God!  Ikaw pala yung kasama ni Fiona sa resort.  Tama!  Kaya pala pamilyar ang mukha mo.  Napakawalang hiya mo talaga!” gusto mang sugurin ni Pia ang dalawa pero nahihirapan siya dahil sa tali ng kanyang kanang binti.

            Ngumiti lang ng pauyam si Jake pero di pa rin ito nagsasalita.

            “Fiona, ano ba ang kailangan mo?  Pakawalan mo ako!”

            “Huwag kang mag-alala, darating din tayo diyan but for the meantime ipapatubos muna kita kay Nathan.”

            “Napakawalang-hiya mo talaga.  Bakit mo ginagawa ito sa akin?”

            “At bakit hindi?  Inagaw mo ang identity ko di ba?  At dahil sayo ay lumayo si Nathan sa akin.”

            “Di nga ba iniwan mo siya kaya nga ako nagpanggap na ikaw?  At di ba dapat buntis ka pero niloko mo lang pala siya… sila.. ang pamilya ni Nathan!” galit na sambit ni Pia kay Fiona.

            “O e ano ngayon.  Pero panira ka kasi ng plano kaya ikaw ang dapat na managot.  Pero huwag kang mag-alala, pagkatapos kang tubusin ni Nathan ay papakawalan naman kita.  I’m sure hindi magdadalawang isip si Nathan na tubusin lalo na’t totoo na siyang maging ama.” Pauyam na sambit ni Fiona.

            “Sadyang masama ka Fiona.  Di ka na nakuntentong niloko at pinaasa ang pamilya ni Nathan sa pagbubuntis mo at ngayon ako pa ginagawa mong pain para makakuha ka ng pera sa kanila.  Wala kang kasing sama!  Yan siguro ang dahilan kung bakit ka inayawan ni Nathan kahit anong pagmamakaawa mong balikan ka niya” sigaw ni Pia.

            Sinugod ni Fiona si Pia at pinagsasampal dahil napikon siya sa sinabi nito.  Dahil hindi naman nakagapos ang mga kamay ni Pia ay nanlaban din ito.  Biglang napasigaw si Fiona at sinapo ang pisngi.  At sa muli ay isang malakas na sampal ang binigay nito kay Pia na nagpadugo sa bibig ng huli.

            “P*+@#~ \&@ mong babae ka!  Papatayin kita bago ka pa nila matubos!” sigaw ni Fiona pero inaawat na ito ni Jake sa pagsampal kay Pia.  May sugat ang mukha ni Fiona dahil sa panlalaban kanina ni Pia ay natamaan ito sa engagement ring na gamit ni Pia na muling binalik ni Nathan sa kanya nung natagpuan siya nito.

            “Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa mukha kong puta ka!  Bitiwan mo nga ako!  Talian mo ang nga ang babaeng yan.  Kanina ko pa sinasabi sayong gawin yan at di mo ginawa.  Bakit pati ba ikaw ay nabibighani na rin sa putang iyan?” galit na baling ni Fiona sa kasintahang si Jake.

            “Pwede ba, huwag mo nga akong isali dyan sa katarantaduhan mo.  Eh masyado kang maanghang magsalita at pinagsasampal mo yung tao eh natural na lalaban yun.  Gamitin mo nga ang kukute mo!” bulyaw din ni Jake sa babae.

            Natameme si Fiona sandali pero muling bumalasik ang galit nito nung matantong parang kinakampihan ni Jake si Pia kaya ito ang binalingan iya at pinagbabayo ng suntok ang dibdib nito.

            “Tama na!  Tama na!” galit na sambit ni Jake habang pinipigilan ang kamay ni Fiona.  At dahil ayaw magpaawat ni Fiona ay naitulak ito ni Jake kaya napa-upo ito sa sahig.

            “Ayusin mo ang sarili mo at huwag na huwag mo na ulit gawin sa akin yun kundi ay iiwanan din kita.” Pagbabanta ni Jake dito at walang lingong iniwan ito sa pagkakaupo at nilapitan si Pia.  May hinugot ito sa bulsa at hula ni Pia ay posas dahil sa tunog bakal na naririnig niya.

            Bago siya nito pinusasan ay muling dumukot ito sa bulsa at naglabas ng panyo at pinahiran ang dugong nasa bibig ni Pia.  Masusi ding tiningnan nito si Pia pero hindi mahulaan ng huli kung anong gustong sabihin nito dahil nanatiling blangko ang ekspresyon ng mukha nito. 

            Naging close sina Pia at Jake nitong mga huling araw at palagay ang loob ni Pia rito at ngayon ay di niya akalaing kasabwat pala ito ni Fiona.  Marahil ay mahal na mahal lang talaga ni Jake ang babae kaya napapayag ito sa gustong gawin ng huli at naiintindihan niya iyon.

            Napansin ni Fiona ang ginagawa ni Jake kaya mabilis itong tumayo at walang sabing inagaw dito ang posas at ito na mismo ang nagposas kay Pia.  Napa-aray si Pia dahil mahigpit ang pagkakaposas nito.  Inilabas ni Jake ang susi sa sa bulsa nito at niluwagan.  Nakatali na ang mga kamay ni Pia sa likod pero muling binuksan ni Jake ang posas at nilipat iyon sa harap.

            Galit na inagaw ni Fiona ang susi pero di ito binigay ni Jake.

            “What the hell are you doing?” galit na sambit nito.

            “Can’t you see she’s pregnant at gusto mong sa likod pa siya itali?”

            “Ano bang pakialam mo?  Syempre siya ang bihag kaya mararapat lang na pahirapan you moron!” sige pa rin ito sa pag-agaw sa susi na mas lalong nilalayo ni Jake.

            “Stop it Fiona.  I agreed to this arrangement because I love you kahit labag man sa loob ko itong pinagagawa mo.  Pero kung ganito rin lang, I quit!” at mabilis na umalis si Jake na sinusundan ni Fiona at sinusuyo.

            Pagkaalis ng dalawa sa silid ay dun pa tumulo ang mga luha ni Pia.  Medyo kumikirot ang kanyang puson kaya hinipo niya ito. 

            “Baby, please hang-on.  Huwag kang bibigay please.  Malalampasan din natin ito.”

            Tila narinig si Pia ng katawan at pansamantalang nawala ang hapdi nito.  Pilit pinapatatag ni Pia ang sarili at pinangko na rin na malalampasan niya ang lahat ng ito.  Nakatulugan ni Pia ang isiping iyon.



Chapter 18:

            “You heard me right Nate.  Limang milyong piso kada ulo!” mga katagang gumising kay Pia.  Dahan-dahan siyang bumangon at pinakikingan ang pagsasalita ni Fiona.  Tuso talaga si Fiona dahil sampung milyon ang sumatotal sa hiningi nitong ransom para sa kanilang dalawa ng anak niya.

            “Magsasabi ako kung saan mo dadalhin ang pera at subukan mo lang magsumbong sa pulis at bangkay na ni Pia ang makikita mo.” Nanlaki ang mga mata ni Pia pagkarinig ng sinabi ni Fiona. 

            Umusog siya ng pwesto para makita kung ano ang ginagawa ni Fiona.  Nakikita niyang hawak ni Fiona ang cellphone habang si Jake ay masusing nakikinig lang sa kabisera.  At dun din niya napansin ang mga armadong lalaki na nandun din sa silid.  Natatakot siya sa mga itsura nito dahil tiyak niyang halang ang mga bituka nito at hindi mangingimi ang mga ito na pumatay kung maisipan man niyang tumakas.

            “Sabi ko na nga ba eh at susunod ka rin.  Gusto kong mamayang gabi mo ipapadala ang pera dun sa tagpuan natin.” Napasinghap si Pia sa narinig.  Sampung milyon, napakalaking pera niyon at kahit alam niyang kayang-kayang magbigay ni Nathan nun pero gayun pa man ay nalalakihan pa rin siya sa halaga nun.  Siguro kahit magbanat siya ng buto sa buong buhay niya ay di niya kayang kitain iyon.

            “Anong hindi pwede?  Wala akong pakialam basta I need 10 million tonight or pugot na ulo na ni Pia ang dadatnan mo bukas!” sigaw ni Fiona.

            May paparating na lalaki na may dalang pagkain para sa kanya kaya mabilis na bumalik sa dulo ng higaan si Pia at kunyari ay natulog-tulugan.

            “Abah maganda pala ang bebot na ito Pare.  Isama na natin ito sa hingin nating balato kay Bossing.  Tikman muna natin ito bago natin ibalik.” Ani ng isa sa mga goons at lumapit ito sa kanya matapos ilapag ang hawak na tray sa isang mesa.

            “Ang kinis-kinis ng mga binti at braso Pare.” At nagsimula siya nitong hipuan.  Sa binti at sa braso at akmang sisigaw si Pia nung narinig niya ang boses ni Jake.

            “Get out!”

            Kahit nagtulog-tulugan si Pia ay di pa rin niya maiwasang sumilip kung ano ang nangyayari.  Nagsukatan ng tinging ang dalawang goons at si Jake kaya mas lalo siyang kinabahan kung anong pwedeng mangyari.  Pero naunang nagbawi ng tingin ang mga goons at umalis sa silid.

            “I know you are not asleep Pia.  Com’mon Spill it out.” Walang emosyong sambit ni Jake sa kanya.

            Dahan-dahang umupo si Pia at tiningnan ng masama si Jake na ikinabit-balikat lang ng huli.  Lumapit ito kung saan nilagay ng isa sa mga goons ang tray ng pagkain at dinala ito sa kama. Kinuha nito ang susi sa bulsa at kinalagan siya ng posas.  Nakakabingi ang katahimikan nilang dalawa na kapwa lang nagpapakiramdaman.  Maya-maya ay inusod ni Jake ang tray ng pagkain sa kanya na tila hudyat na gusto na siya nitong pakainin.  Pero di natinag si Pia at tiningnan pa rin ng masama si Jake.

            Bumuntunghininga si Jake at tumayo pero bago ito makarating sa pintuan ay nagsalita si Pia.

            “Napakawalang-hiya mo talaga!”

            Napatigil si Jake sa sinabi ni Pia at tila hinihintay kung ano pa ang sasabihin niya.

            “Nagtiwala ako sayo at yun pala may iba kang intension.  Pareho kayong dalawa ni Fiona.  Magsama kayong dalawa sa impyerno!” may diing pagkakasabi ni Pia sa kinakausap.
            “Napakawalang bayag mong pumayag sa gusto ni Fiona.  Uto-uto ka eh!  Hindi ka man lang nag-iisip sa possibleng mangyari sa inyo sa ginagawa niyo.” Hindi sukat akalain ni Pia na kaya niyang sabihan ng ganun si Jake pero masamang masama lang talaga ang loob niya dahil sa pagtitiwala niya rito.

            “Hindi ka na na kunsensyang gawin ito sa akin lalo na’t alam mong buntis ako!” dahil sa isiping iyong at isa-isa ng tumulo ang mga luha ni Pia.  Nalulungkot siya sa isiping nasa bingit ngayon ang kaligtasan ng anak nila ni Nathan.

            Hindi magawang tingnan ni Jake si Pia at mabilis itong umalis sa silid pero alam ni Pia na tinamaan si Jake sa sinabi niya.  Alam niyang hindi talaga ito masama.  Kahit umiiyak ay nagawa pa rin ni Pia na kumain.  Kailangan niyang kumain para magkaroon ng lakas sa anumang pwedeng mangyari sa sitwasyon niya.

            “Nate, tulungan mo ako at sana mag-ingat ka rin.  Panginoon, gabayan niyo po si Nate at ilayo niyo po siya sa kapahamakan.” Piping dalangin ni Pia.


           
            “Gising na ba ang Reyna?” tanong ni Fiona nung lumabas si Jake sa kwarto.  Pero nilagpasan lang ito ni Jake na tumungo sa kusina at kumuha ng beer sa ref at tinunga ito hanggang mangalahati.

            Sumunod si Fiona dito ay yumakap sa likod.  “What’s wrong Honey?” malambing na sagot nito habang nakapulupot ang mga kamay sa katawan ni Jake pero kinalas ni Jake ang kamay ni Fiona at lumayo dito.

            Nangpang-abot na ang kilay ni Fiona at muling bumangon ang galit nito at muling tinanong si Jake kung anong ba ang problema.

            “Ayoko na!  Nagkamali ako na nagpatianod ako sa gusto mo.”

            “What? Tang-ina naman Jake!  I am doing this for us.  Lahat ng ito para sa atin.  Ang dami nating utang dahil sa mga palpak mong negosyo at kailangan nating bayaran kundi ay papatayin tayo ni Mr. Cheng!”

            “Kaya nating paki-usapan si Mr. Cheng.  Kung kinakailangang buhay ko ang ibabayad ko ay gagawin ko pero ayoko na.  Ibalik na natin si Pia.  Buntis si Pia at baka ano pang mangyari sa kanya.” Lumapit si Jake kay Fiona at hinawakan ang magkabilang braso nito pero tinabig ito ni Fiona at tinulak siya.

            “No!  Inumpisahan natin ito kaya tapusin natin.  Ano ka ba Honey, Nate is very much willing to give the ransom.  Hindi niya kayang pabayaan ang mag-ina niya.  Barya lang ang sampung milyon sa mga Sanchez!  Jake please, kailangan natin ito para sa ating pagbabagong buhay.  Ayoko ng magtago kay Mr. Cheng.  Pagnakuha na natin ang pera, lumayo tayo at magbagong buhay.  Let’s start a real family.  Please Honey, this is for us.” Pagsusumamo ni Fiona dito.

            “Ewan ko.  Naguguluhan ako.  I want to get out of here.”

            “No!  You’re not leaving this place!” pigil ni Fiona kay Jake pero di nagpapigil ang lalaki at umalis pa rin ito sa bahay.

            Humahabol na sumisigaw si Fiona pero tila bulang naglaho si Jake.

            “Jake!!!!!!”


           
            Kalagitnaan ng gabi nung may maramdaman si Pia na tila may humihipo sa kanyang binti kaya at instinct ay bumalikwas siya ng bangon at akmang sisigaw pero biglang tinakpan nito ang kanyang bibig.

            “Pia si Jake ito.  Tutulungan kitang makatakas.  Huwag kang sumigaw please at baka mahalata tayo ng mga bantay.  Kakaalis lang ni Fiona para katagpuin si Nathan.” Mahinang sambit ni Jake sa kanya habang dahan-dahan nitong kinalas ang pagkakagapos ng kanyang paa.  Hindi na nito kinakailangang kalasin ang posas sa kanyang kamay kasi di nito binalik kanina nung tangalin nito iyon.

            Tinulungan ni Pia si Jake sa ginagawa at dahan-dahan ang kilos nila para makalabas sa kwartong iyon.  Nasa harap na sila ng pintuan at pinakiramdaman ang mga bantay sa labas.

            Tahimik ang paligid at nagkataon na ang bantay na nakatoka kay Pia ay nakatulog sa inuupuan nito at ang kasamahan nito ay wala din sa pwesto.  Pinalo ni Jake ang bantay para makatulog ito ng tuluyan at mawalan ng ulirat at magkahawak kamay silang tahimik na naglalakad palabas ng bahay.  Pero bago pa tuluyang makaalis silang dalawa ay nakita sila ng isa pang gwardiya at nasita sila.

            “Takbo Pia!” tulak ni Jake sa kanya at mabilis siyang kumaripas ng takbo palayo kay Jake at bigla siyang napatigil nung makarinig siya ng pagputok ng baril.  Lumingon si Pia at nakita niyang si Jake ang natamaan.

            “Jake!!!!”

            “Takbo Pia!” kaya muli siyang tumakbo sa may talahiban.  Walang lingon siyang tumakbo ng tumakbo habang nanalaytay ang mga luha sa kanyang pisngi at hindi alintana ang mga talahib na sumusugat sa kanyang balat.  Ang importante sa kanya ay makalayo siya sa lugar na iyon.

            Walang tigil ang pagtakbo ni Pia at naririnig pa rin niya ang palitan ng putok kung saan siya nangaling.  Gustong gusto niyang balikan si Jake pero mas gusto niyang mabuhay sila ng anak niya kaya pinili niyang lumayo.  She could only wish that Jake will be alive for her to thank him.  Despite what happened ay si Jake pa rin pala ang tutulong sa kanya.
           
            Lakad takbo ang ginawa ni Pia pero hindi niya alam ang kanyang patutunguhan.  Habang tumatakbo ay humihingi siya ng saklolo sa Panginoon para maka-alis sa lugar na iyon at makahanap ng sasaklolo sa kanya.  Hapong-hapo na ang pakiramdam ni Pia at tila bibigay na ang kanyang mga paa at hawak niya ang puson para maalalayan ang anak na dinadala.

            “Anak, please kumapit ka!” naiiyak na sambit ni Pia habang tumatakbo. 

            Nasa gitna pa rin siya ng kawalan at sige pa rin sa pagtakbo nung biglang may humablot sa kanya at yun ang huli niyang natandaan.



Chapter 19:

            May hinahabol siyang batang lalaki na kahit hindi pa talaga masyadong marunong maglakad ay nagpupumilit itong humakbang at parang may pupuntahan.  Tinatawag niya ang pangalan ng bata pero di pa rin ito tumigil.  Nakangiti ang bata habang naglalakad habang siya naman humahabol pa rin dito.

            Nahawakan niya ang kamay ng bata pero nagpupumiglas ito at tuloy-tuloy pa rin ito sa paglalakad.

            Tila nag-iba ang setting na kanyang nakikita.  Biglang parang nasa sa isang kalsada sila at sige pa rin sa paglalakad si Baby at di niya talaga mahabol.  Tatawid ito sa daan at may paparating na sasakyan.

            “Baby huwag!!!!” pero di pa rin siya narinig.  Mas nanlaki ang kanyang mata nung makitang kay Fiona patutungo ang bata.  She’s smiling devilishly while her arms are wide open to receive Pia’s child in her arms.  Nung makarating ang bata ay binuhat ito ni Fiona at humalakhak ito at iniwanan siya ng dalawa.

            “Baby ko!!!!  Bumalik ka please!  Baby ko!!!!!!”

            “Pi, wake up!!! Nananaginip ka anak! Pi…” parang may yumugyug sa kanyang balikat pero ayaw niyang magising kasi gusto nyang makuha ang anak na na kay Fiona.

            Tila may humahawak at pumipigil sa kanyang puntahan ang mga ito pero nanlaban siya dahil determinado siyang makuha kay Fiona ang anak.

            “Pi wake up!”

            Nagtataka siya kung bakit sinasabihan siya nito ng ganun eh gising naman siya.

            “Pi!  Gumising ka Pi!  Anak gumising ka na!”

            “Baby ko!!!!!” at napabalikwas na siya ng bangon at habol ang hininga.

            May mga yumakap sa kanya at may mga boses siyang naririnig.

            “Lola Beatrice!  Ang baby ko!  Kinuha ni Fiona ang baby ko!” umiiyak siyang parang bata na nagsusumbong sa taong nakayakap sa kanyan.

            “Hush now my child.  You and your baby are safe.  It’s just a bad dream.  Please call down.  Makakasama sa inyo ng baby mo.”

            “Huh?” at dun lang natanto ni Pia na panaginip lang pala ang lahat at nasa isa kwarto siya na hula niya ay sa isang ospital.
           
            “Lola!  Anong nangyari?  Nasaan ako?  Nasaan si Nathan?  Si Jake??? Nabaril si Jake!  Kumusta si Jake Lola?” sunod-sunod na tanong ni Pia.

            “Sssshhhhh magpahinga ka muna anak.  Mamaya ay isasalaysay ko sayo ang lahat.”

            “Lola, kumusta ang baby ko?” di pa rin mapalagay si Pia kaya muli siyang pinahiga ni Lola Beatrice at katuwang nito ang private nurse at sinimulang magkwento sa kanya.

            “Swerte mo at malakas pa rin ang kapit ng baby mo kahit papaano.  Nakabed rest ka ngayon kasi muntik na malaglag ang dinadala mo dahil sa nangyari.”

            Wala sa loob na nahawakan ni Pia ang umbok ng kanyang puson at tumulo ang mga luha nung mapansing nandun pa rin pala ang umbok na iyon.

            “Bago pa makapagbayad si Nathan ay nakatanggap siya ng tawag sa isang lalaking nagpakilalang asa-asawa ni Fiona.  Sinabi niya kay Nate na gusto ka niyang tulungan para makatakas at kako hindi na itutuloy yung pagbabayad ng ransom mo.  Willing kaming magbayad para sa kaligtasan mo…nyong dalawa ng apo ko sa tuhod Pia at nakaready na ang pera pantubos sa iyo kahit kalahati pa lang iyon.  Hindi magkandaugaga si Nathan sa paghahanap ng cash para makuha ka niya.” Salaysay ni Lola Beatrice habang di napigilan ang pagtulo ng mga luha.

            “Lola, nasaan pala si Nathan?”

            “Ayaw man ni Nathan na dumulong sa mga awtoridad pero hindi pupwede lalo na’t maraming tauhan si Fiona.  Tyempo yung tawag ni Jake kay Nate kaya nag-iba ang lahat ng plano.  Suntok sa buwan man ang pagtitiwala kay Jake pero nagbuwis siya ng buhay para makatakas ka.”

            “Anong ibig mong sabihin Lola?  Namatay si Jake?”

            Hindi sumagot si Lola tanda ng pagsang-ayon nito sa sinabi niya kaya muling tumulo ang mga luha ni Pia.

            “Anong nangyari?  Nasaan si Nathan Lola?

            Suminghot si Lola Beatrice bago nagpatuloy sa pagkwento.  “Nagkaputukan dahil di pala tumuloy sina Fiona sa kung saan ang usapan nina Nate at bumalik ito.  Nasaksihan ni Fiona ang pagtangkang pagtakas ni Jake sayo at dahil sa bugso ng galit ay nakuha nito ang baril sa isa sa mga tauhan niya at nabaril si Jake.  May tama na si Jake galing sa isa sa mga tauhan ni Fiona kay di na rin ito makatakbo at yun nakalabit daw ni Fiona ang gatilyo at aksidenteng napuruhan si Jake sa ulo.”

            “Oh my God!”

            “Anong nangyari kay Fiona Lola?  At nasaan na si Nathan at sino ang nagdala sa akin dito sa ospital?”

            Bumuntunghininga si Lola Beatrice bago nagpatuloy.  Tila nahihirapan itong magsalita kaya pina-inom muna ito ng tubig ng kasamang nurse.

            “Lola, kailangan niyo pong magpahinga.  Baka kayo naman po ang magkasakit.” Paala ng nurse dito.

            “Ok lang ako.  Magulo daw ang sumunod na pangyayari apo.  Dahil sa tindi ng galit ni Fiona at sanay pala itong humawak ng baril ay ito na mismo ang naghanap sa’yo at balak talaga nito ay patayin ka.  At sa pagkakataong iyon ay natagpuan ka na ni Nate.”

            Kinakabahan na si Pia sa mga sumusunod na nangyayari.

            “Nasaan si Nate Lola?  Kanina ko pa po tinatanong sa iyo kung nasaan si Nate?” naghihisterya na si Pia sa isiping maaring nabaril din si Nathan.


Chapte 20:

            Hindi mapigilan ni Pia na tumulo ang luha nung makita ang kalagayan ng natutulog na si Nathan.  Balot ng benda ang dibdib nito at may mga swerong pang nakakabit sa kamay. 

            Kahit bawal siyang magagagalaw ay di nagpapigil si Pia na makita si Nathan.  Dinala siya sa ICU kung saan nakapwesto si Nathan na tulak tulak ng wheelchair matapos siyang maghisterya nung ayaw siyang payagan.

            “Honey, lumaban ka please.  Kailangan ka namin ng baby mo.”

            Napa-iyak na rin ang magulang ni Nathan sa nasaksihan.  Buong mag-anak ng Sanchez ang pumunta agad sa Cebu para daluhan silang dalawa.  Ang daddy na Nathan ang nagkwento kay Pia sa nangyari.

            “Pi, nung aksidenteng napuruhan ni Fiona si Jake ay nagwawala na ito na parang buwang at sinundan at determinadong patayin ka base sa salaysalay ng mga kasama ni Nathan.  Si Nathan nung mga panahong iyon ay hinahabol ka rin para saklolohan pero dahil nasa talahiban kayo ay matagal ka niyang natagpuan.  Nawala na rin sa grupo si Nathan na nandun at nakikipagbuno sa mga tauhan ni Fiona para hindi kayo maabutan.”

            “Ito ay pinagtagpi-tagpi na lang na kwento ni Sammy na nandun din at tumatakbo para habulin si Nathan pero nung makita niya ay nakatutuk na ang baril sayo na nakahiga sa damuhan na walang malay habang si Nathan ay may isang hakbang ang layo sayo.  Parang narinig ni Sammy na sinabihan daw ni Fiona si Nathan na lumayo sayo at papatayin ka.”

            “Pilit pinaki-usapan ni Nathan ni Fiona na ibaba ang baril at ibibigay pa rin ni Nathan ang sampung milyon sa kanya pero sabi ni Sammy ay bingi na ito sa lahat ng paki-usap dahil na rin sa nangyari kamakailan lang kay Jake.  Nung marinig ni Nathan na ikinasa ni Fiona ang baril at ipinaputok ay iniharang nito ang katawan sayo para huwag kang tamaan.”

            Humahagulgul na si Pia sa salaysay ng ama ni Nathan at kinailangan pa siyang painumin ng tubig dahil hindi na siya makahinga.

            “Kung hindi naitulak ni Sammy si Fiona ay direktang sa puso ni Nathan tatama ang bala.  Swerte pa rin tayo Pia dahil isang inch na lang ang distansya at masasapol sana sa puso si Nathan.” At dun na bumuhos ang luha ng ama ni Nathan.

            “Ano po ang nangyari kay Fiona?” kahit naman may ginawang masama si Fiona ay di pa rin naiwasang mag-alala ni Pia dito.

            Suminghot si Mr. Sanchez at pinunasan ang mga luha bago nagsalitang muli. 

            “Sammy pinned her down at dun na dumating ang mga kasamahan nilang awtoridad at hinuli si Fiona.  Paulit-ulit ang pagsambit ni Fiona ng sorry kay Nathan hanggang maisakay na ito sa mobile patrol.  She’s in an asylum now.  She needs psychiatric help at nagkusa na kaming gastusan iyon para siya gumaling.  I don’t think she that bad pero tawag lang siguro ng pangangailangan kaya nagawa niya iyon.”

            “Pagbumuti na ang kalagayan ni Nathan ay gusto kong umalis na kayo ng bansa at sa Amerika na kayo maninirahan.  If I have to hire a private jet to bring you both there then I would para lang mapalayo kayo sa lugar na ito and start a new life.”

            Tumatango-tango bilang pagsang-ayon si Pia pero sige pa rin sa pagtulo ang kanyang luha.  Nagkaroon ng konting katahimikan silang hilaw na magbalae nung biglang nakarinig sila ng ungol.  Mabilis silang pareho tumingin sa direksyon ni Nathan at nakumpirma ng nilang ito ang umungol.  Dali-dali silang lumapit dito.

            Yung ungol ni Nathan ay napalitan ng pagdaing pero hindi pa rin ito nagigising.  Mabilis na tinawag ni Mr. Sanchez ang mga attending physician at matapos suriin at bigyan ng pain reliever si Nathan ay muli itong nakatulog. 

            Pinayuhan ng mga doctor si Pia na magpahinga na rin para mapangalagaan ang kanyang pagbubuntis. Kahit anong pilit ni Pia na hindi umalis sa tabi ni Nathan ay di pa rin siya pinayagan ng mga doctor kaya wala itong nagawa kundi magpatianod na lang sa mga ito.


           
            “Pi… Pi… gising Pi.” Mahinang yugyug ni Charmaine sa kanya.

            Naalimpungutan si Pia dahil sa pagising ni Charmaine sa kanya at dahan-dahang dumilat.

            “Friend bakit?”

            “Friend, halika puntahan natin si Nathan.”

            Biglang napabalikwas ng bangon si Pia pagkarinig ng pangalan ni Nathan.

            “Bakit Friend, anong nangyari kay Nathan?”

            Napangiti si Charmaine sa reaksyon ng kaibigan at pilit itong pinahinahon.  Sinabihan itong magsuklay at isasakay niya ito sa wheelchair para puntahan si Nathan.

            Nung dumaan sila sa ICU at hindi sila pumasok duon ay biglang nagpanic si Pia pero sinabihan lang siya ni Charmaine na maghintay at may dadaan lang muna sila na siyang ipinagtataka ni Pia.
           
            Pinasok siya ni Charmaine sa isang private room at pagkabungad pa lang ni Pia ay bumalon na naman ang kanyang mga luha nung makita niyang nakangiting naghihintay si Nathan sa kanya na naka-upo at meron pa ring benda ang dibdib.

            “Hi Honey!  I’m back!”

            Hindi magkandaugaga sa pagtayo si Pia kahit nahirapan siya sa may kalakihan ng tiyan at tinakbo si Nathan at niyakap.

            Isang malutong na array ang pinakawalan ni Nathan dahil nasagi ni Pia ang sugat nito.

            “Oh my God!  I’m so sorry Hon.  Nasaktan ka ba?” at lumayo si Pia na parang napaso dahil sa takot na nasaktan niya si Nathan pero bago pa siya makalayo ay hinawakan ni Nathan ang kanyang kamay at muli siyang kinabig at niyakap at hinalikan.

            “I miss you so much Hon.  Akala ko di na tayo magkikitang muli.” At dahil sa sinabing iyon ni Nathan ay gumaragal na din ang boses nito at tuluyang napa-iyak na yakap-yakap siya.

            “Ako din.  Akala ko di pa man ay mabubyuda na ako!” hindi mapigilan ni Pia na magpatawa para gumaan ang tension sa kwarto at dun lang nila napansin na maging ang mga kasama sa kwartong iyon ay nagpapahid na rin ng mga luha at sumabay sa pag-iyak sa kanila.

            “Ano ba yan.  Tama na ito ha!  Baka lumabas na pangit ang baby namin dahil sa walang humpay nating pag-iyak.” Pabirong sambit ni Charmaine habang pinapahiran ang mga luha.

            Nagtawanan silang lahat at biglang bumukas ang pintuan at iniluwa ang asawa ni Charmaine na si Sammy na dala-dala ang mga gamit ni Pia galing sa kwarto nito at kasama ang mga magulang ni Pia kaya panibagong pagbalon na naman ng mga luha ang nangyari habang hindi nawawala ang mga ngiti sa kanilang mga labi.

            “Pare, thanks for saving our lives ha.  Ikaw na ang hero namin ni Pia.” Pagpapasalamat ni Nathan kay Sammy.

            “No problemo Pare!  It was my pleasure!” at nagbow pa si Sammy pero biglang napa-aray ito dahil binatukan ni Charmaine.

            “Hero hero ka diyan. Buti kamo hindi ikaw ang napuruhan at baka ako pa ang nabyuda!” kunyari galit si Charmaine pero nagpapansin lang ito sa asawa pero totoong natatakot din ito sa maaring kakahinatnan kung nagkataong di agad dumating ang mga awtoridad.

            Masayang nagkwentuhan ang mga nandun at si Pia ay pinahiga ni Nathan sa tabi nito at yakap-yakap nila ang isa’t-isa na para bang ayaw na nilang mawalay kahit isang saglit sa isa’t-isa.

            Kinagabihan ay silang dalawa lang naiwan sa kwarto dahil napagpasyahan ng mga kamag-anak at kaibigan nila na umuwi at bigyan sila ng pagkakataong magkasarilinan.

            “Apo magbehave kayong dalawa ha.  Buntis ang asawa mo at ikaw hindi pa ok ang sugat mo!” paalala ni Lola Beatrice sa kanila bago ito umalis kasama ng buong tropa.

           
            Muling sinakop silang dalawa ng katahimikan nung umalis na ang lahat.  Nagkatinginan silang dalawa at di na muling napigilan na tumulo ang luha at sa muli ay mahigpit silang nagyakapan.  They can only be thankful that they are alive and their baby is alive and kicking in her womb.

            Nung parehong nahimasmasan ay nagkatinginan silang muli at nagkatawanan habang pinupunsan ang mukha ng kapwa isa.

            “Hon, nung nakidnap ka, aaminin ko sayo na bumahag talaga ang buntot ko sa takot.  Napatanong ako sa Panginoon kung bakit sa tuwina’y laging ka nawawala sa akin.  Hindi ko alam kung ano ang kasalanan ko or ano man ang dapat kung pagbayaran dahil sa mga nangyayari sa akin.”

            “Sorry din Hon for getting you into this.  Sorry at nagtiwala ako sa maling tao.” Ang tinutukoy niya ay ang pagtitiwala niya kay Jake.

            “It’s ok Hon.  I think whether you trust him or not ay gagawin pa rin ni Fiona ng paraan ang pagkidnap sayo.”

            “Pero grabeh naman siya humingi ng ransom ha.  Narinig ko 5 million kada ulo so ibig sabihin dahil dalawa kami ni baby eh sampung milyon lahat yun.  Loka-loka talaga ang babaeng yun ah.” Yamot na sambit ni Pia dahil umiral na naman ang pagkanegosyante niya.

            “Hon, kahit pa sampung milyong kada ulo ang hihingin niya o maubos man ang kayamanan namin wala akong pakialam.  Ang importante sa akin ay mabawi ko kayo.”

            “Hala!  Over naman yun masyado.  Bakit di ka tumawad?”

            Natawa si Nathan sa reaksyon ni Pia.  Napailing ito at sinabihan siyang di talaga matatawaran ang pagkanegosyante niya.

            “Pero pasalamat pa rin ako kay Jake dahil tinulungan niya akong tumakas.  Nakakalungkot lang na binawian siya ng buhay.” May bahid na lungkot na sambit ni Pia. 

            Napansin niya ang biglang pananahimik ni Nathan kaya tinanong niya ito kung bakit.

            “Hindi mo ba alam na selos na selos ako kay Jake nung kinukwento mo siya sa akin.”

            “Weeeh di nga?”

            “Oo noh tapos siya pa ang tumulong sayo kaya mas lalo akong nagseselos.  Ngayon siya ulit ang hero mo.” Kunyari nagtatampo ito.

            “Hon naman!  Kaibigan ko lang yun.  Oo nandun na akong gwapo siya at macho at mabait… eh mabait ba?  Ah basta well basi sa pinapakita niya akala ko mabait pero mabait yun kasi di tinulungan niya akong tumakas.”

            “Tingnan mo to, sino ba ang di magseselos eh parang kulang na lang pahiran mo yun dahil sa pagsamba mo.  Mabuti na lang pala sana ako na lang ang nawala at siya na ang kayakap mo ngayon.”

            Tinalikuran siya ni Nathan at ayaw na siyang kausapin kahit anong tawag niya rito kaya iniharap niya ito at dahil ayaw matinag ay pinalo ang braso nito.

            “Kahit kailan talaga gerilya ka.  May sakit ako at di ka na naawa at pinalo mo pa ako.” Parang batang nagmamaktol si Nathan sa kanya.

            Bumuntunghininga muna si Pia bago sinimulang suyuin si Nathan.

            “Hon naman eh.  Wala akong ibang gusto kundi ikaw lang.  Noon, ngayon at magpakailan man.  Hon… huy… Hon naman eh.”  Muli siyang bumuntunghininga nung di pa rin siya kinakausap ni Nathan.

            “Hon naman kausapin mo na ako please.  Huwag ka na magpakipot please.”

            “Anong akala mo sa akin easy boy na mapapaamo mo ng ganun-ganun lang…. bayaran mo muna ako!”

            “Bayaran?  Eh ikaw itong mayaman at ako ang pagbabayarin mo!  Hon ano ba?  Ok magkano ba?” hindi na maipinta ang mukha ni Pia sa inis.

            Halatang nagpipigil si Nathan sa pagtawa pero pinigilan nito ang sarili para bumulaghit ng tawa sa nakikitang pagkapikon ni Pia.

            “Basta! May bayad.  Magiging sayo lang ako muli if the price is right.” Mayabang na sambit ni Nathan.

            “Ay feeling ka masyado Lolo.  Kung ayaw mo eh di huwag mo.  Masyado kang pakipot na frog.” Pikon na sambit ni Pia at akmang baba sa kama pero pinigilan ito ni Nathan.

            “Tamo to, ako na nga ang nagbuwis ng buhay ako pa ang inaway.  Isa lang naman ang gusto kong kabayaran eh.”

            “Ano yun?”

            Niyakap muna siya ni Nathan bago ito muling nagsalita.

            “Na hinding-hindi mo na ako iiwanan gaya ng laging mong ginagawa.  Mahal na mahal kita Hon.  Kayo ng baby natin.” Nakangiting sambit nito.

            “SOLD!” nakangiting sambit ni Pia.

            Nagkatawanan silang muling dalawa at kuntentong magkayap na natutulog.


            Makalipas ng isang buwan ay tumulak na sa America silang dalawa kasama si Lola Beatrice na hindi magkawalay ang excitement dahil nalaman nilang lalaki ang magiging anak nina Nathan at Pia.  Gaya ng pangako ni Mr. Sanchez ay inihatid sila ng private plane dahil sa kalagayan nilang dalawa ni Nathan.  Nung makarating sila sa US ay tahimik na silang namumuhay kasama si Lola Beatrice at hinihintay na lang ang pagdating ng kanilang munting anghel.

            Naidaos ang kanilang kasal na sibil sa loob mismo ng ospital at pinaghahandaan na nila ang kanilang kasal sa simbahan pagkapanganak naman ni Pia dahil ayaw nitong maglakad na malaki daw ang tiyan.

            Wala ng mahihiling pa si Pia sa buhay niya dahil nakamtan na niya ang katahimikan at kaligayahan sa piling ni Nathan at sa pamilya nito. 

            Pero iisang bagay lang ang hindi talaga mapigilang gawin ni Pia kahit wala na siya sa Pilipinas…. Ang pagiging negosyante!  Suki siya lagi sa mga bargain at outlet stores sa US para makapamili ng ipapadala sa Pilipinas para itinda ng mga magulang.

            Sinurpresa siya ni Nathan nung kinasal sa ospital at ipinakita nito ang litrato ng bahay na pinapagawa ni Pia sa mga magulang.  Dahil sa hindi pagtanggap ni Pia sa kabayaran ng usapan nila ni Nathan ay minabuti ng huli na gamitin ang perang iyon para matapos ang pinapagawa ni Pia na inuunti-unti lang nito depende sa budget.  Fully furnished na ito ngayon at hindi magkamayaw sa pagkwento ang kanyang mga magulang kung gaano kaganda ang bagong bahay.  Pati si Charmaine na dun tumutuloy nung nasa ospital siya ay hindi di rin mapigilang magkwento.  Natulog din sila ng ilang gabi sa bagong bahay bago tumulak papuntang Amerika.

            Bukod sa pagpapatapos ni Nathan sa bahay ni Pia ay binigyan pa nito ang mga magulang ng huli ng isa sa mga hindi ginagamit na building ng mga Sanchez na may sampung palapag para dun na ilipat ang munting tindahan ni Pia at para na rin mapaupahan nito ang natitirang siyam na palapag at magkaroon ng additional income.  Malapit sa eskwelahan ang lokasyon ng building kaya patok na patok ang kanyang tindahan na pinangalan nilang SOPHIA, name it and we have it.  At ang karinderya ng nanay niya dati ay isa ng ganap na restaurant na nasa ikalawang palapag ng gusali.

            Hindi na rin sila nag-alala sa kanilang kaligtasan dahil isang araw ay nakatangap sila ng balita na kinitil ni Fiona ang sariling buhay at natagpuan na lang ito ng mga attendant ng asylum na isa ng malamig na bangkay sa CR.

            Masayang naidaos ang garden wedding nina Nathan at Pia makalipas ng dalawang buwan matapos manganak ni Pia.  Si Lola Beatrice ang pinakamaligaya sa lahat dahil nakikita, nayayakap at nalalaro nito ang matagal ng hinahangad na apo sa tuhod.


******************* E N D ********************

No comments:

Post a Comment