Thursday, November 24, 2011

MY HEART'S GUARDIAN - (SAMVON FF)

MY HEART’S GUARDIAN
By: Acheena (Athena Manzano – Tan)


BOOK COVER BY: CHAZ GAMAO


Chapter One:

            "What the..."

            "Hi Kuya Devin.  Sabi ni Ninang Girlie sama ako sa lakad mo!" Nakangiting sambit ng labing-isang gulang na si Samuelle sa kinakapatid.

            "Mom!"

            Hindi maipinta ang mukha ni Devin habang mabilis na naglalakad at pinuntahan sa kusina ang ina.

            "Mom, please naman. Lakad namin ng kabarkada ko tapos isasama ko ang brat na yan!"

            "Devin, watch your mouth. Gustong pumunta ni Sam sa mall at dun din naman ang punta mo and me and your Ninang Rachel have something to do so hindi niya masasamahan si Sam so sayo na lang siya sasama.  Besides, baby Sam will be bored here. Right Sam-sam?”

            Nginitian pa nito si Samuelle habang hinagod ang nakatirintas na buhok na may pink na malalaking ribbon.  Ngumiti din si Samuelle dito ng matamis at yumakap sa beywang ng ninang.

            Mas lalong nangit-ngit si Devin sa nangyari at namumula na siya sa galit.  Lagi na lang kasing umeeksana ang kinakapatid sa tuwinang may lakad siya.  At masyado itong spoiled sa Mommy Girlie niya.  Palibhasa ay gustong-gusto ng ina na magkaroon ng anak na babae eh kaso hindi na muli ito na biyayaan pa ng isa pang-anghel bago pa sinabihan ito ng doktor na hindi na ito magkakaroon man ng anak muli. 

            “Anong nangyari Mare?” tanong ng mommy Rachel ni Samuelle na kakarating lang pala galing sa labas.

            Magkapit-bahay, magkababata, magkaklase at magbestfriend ang mga ina nina Samuelle at Devin.  Naunang kinasal si Girlie at biniyayaan ito ng anak na lalaki.  Makalipas ng tatlong taon saka naman kinasal at nagkaanak si Rachel.  Laking tuwa ng dalawang babae nung naging lalaki’t babae ang mga anak.  Di maiwasang nanaginip ng gising ang dalawa na sana sa hinaharap ay magkakatuluyan ang dalawang bata.

            “Wala Mare, itong binata ko kasi ayaw na namang isama si Baby Sam ko sa pupuntahan niya.  Pero syempre hindi papayag ang Ninang Girlie na hindi isasama ang baby ko di ba?”

            “Nako Mare, dito na lang si Sam.  Binata na ang anak mo at baka panggulo lang si Samuelle duon.  Nak, dito ka na lang kasama ni Mommy ha.”

            Nagliwanag ang mukha ni Devin sa sinabi ng ninang niya pero muling nagsalita ang ina na mas ikinawalk-out ng binata.

            “No Mare.  Kung hindi isasama si Samuelle then he might as well stay home.”


            “Kuya, hintay naman!”

            Pero tuloy-tuloy pa rin sa paglakad ng mabilis si Devin pero napahinto ito nung makarinig ng animo’y may bumagsak na bagay sa likod kaya dali-dali itong lumingon at nakita nitong nakahandusay na si Samuelle at nagkalat ang mga abubut na dala dahil nakabukas pala ang bag na bitbit kanina. 

            Bumuntunghininga si Devin at binalikan ang kinakapatid at itinayo.  Umiiyak si Samuelle dahil nagalusan ang tuhod niya dahil sa pagkakadapa.

            “Ayan kasi, ang bata-bata pa at ang hilig hilig magsuot ng de-takong na sapatos.”

            “Bakit kasi ang bilis bilis mong maglakad Kuya eh!” she said in between sobs.

            Kumuha ng panyo si Devin at pinahiran ang dumudugong tuhok ni Samuelle.  Pagkadapo ng panyo sa balat niya ay mas lalo siyang napabulahaw sa pag-iyak.

            “Ano ba?  Pwedeng bang tumigil ka na sa pag-iyak.  Ang dami ng tumitingin o.” Saway ni Devin sa kanya at nahihiya na ito sa nangyayari lalo na’t pinagtitinginan na sila ng mga tao sa mall.

            “Iho, anong nangyari sa kapatid mo at bakit umiiyak yan?  Nako Iho, ito o baby wipes.  Ipahid mo sa sugat niya at ito lagyan mo ng band-aide.”

            “Salamat po.”

            “Iha, ang bata bata mo pa kasi at bakit ka nakatakong ka na?  It’s not right for your age.” Hindi maiwasang magkomento ng babaeng tumulong sa kanila.

            Napangiti si Devin sa sinabi ng babae at nakita iyon ni Samuelle kaya muli siyang umiyak at halatang nag-iinarte lang na malimit niyang gawin kaya muling nagpang-abot ang kilay ni Devin.

            “Pwede ba tumahimik ka na nga.  Hindi naman masakit yang sugat mo eh.”

            Pero mas lalong bumalahaw ng pag-iyak si Samuelle at mas nakaka-agaw pansin na tuloy sila sa ibang dumadaan.

            “Hoy tumahimik ka nga!  Pag ikaw hindi tumigil sa kakaiyak, iiwanan talaga kita!”

            Galit na si Devin at akmang iiyak pa ulit si Samuelle pero nung makita niyang seryoso si Devin sa sinasabi nito ay napahikbi na lang siya.

            “O Iha, tama na.  Huwag ka ng umiyak.  Ginamot na ng kuya mo ang sugat di ba kaya tahan na.” At niyakap pa si Samuelle ng babae na parang bata talaga.

            Si Devin na nakasaksi sa ginawa ng babae ay napabuntunghininga’t napailing sabay inikot ang mata sa nakitang kaartehan ni Samuelle.

            “Mam, maraming salamat po.  Tutuloy na po kami.”

            “Sige Iho.  Tiyak kikirot yung sugat ng kapatid mo mamaya kaya ipahot compress mo na lang yan para hindi rin magpapasa.  Tsaka sabihan mo din yung mommy niyo na pagnaghilum na ang mga sugat niya, pahiran kamo ng mantika de cacao.  Sayang naman yung legs niya.  Ang ganda pa man din.  Sige ha aalis na ako.  Iha, don’t cry na ha.” At hinawakan pa nito ang pisngi ni Samuelle bago tuluyang umalis.

           

            “Makakalakad ka naman di ba?”

            Sinubukan ni Samuelle na tumayo pero tila nahihirapan siyang maglakad kaya inis na inihilamus ni Devin ang mga kamay sa mukha.  Wala itong nagawa kundi tawagan ang ina at Ninang Rachel para ipaalam ang nangyayari at para na rin masundo si Samuelle.

            Maya-maya lang ay nagsidatingan na rin ang mga kaibigan ni Devin at napangiti lang ang mga ito nung makitang kasama na naman niya si Samuelle na sa pagkakataong iyon ay isa ng casualty at di makalakad.

            “Bro, ayan na naman pala ang gwardia sibil mo pero teka anong nangyari at parang umiiyak ito?  Ang cute pa man din dahil naka pink lahat.  Sam, ilang taon ka na nga ulit?” tanong ng isa sa mga mapang-asar na bestfriend ni Devin na si Robert.

            Lumabi lang si Samuelle at binelatan pa si Robert na mas ikinalakas ng tawa ng huli.

            Nagtatalak na naman si Devin tungkol sa pagkabadtrip nito kay Samuelle at sa kakulitan nito habang ang huli naman tahimik lang at naghihintay ng sundo.

            Makalipas lang ilang sandali ay may isang magandang babaeng dumating at humawak sa braso ni Devin at nung makita ito ng binata ay lumaki ang ngiti nito inistima agad ang babae at tila nakalimutan na siya na naka-upo lang sa isang sulok.

            Nagagandahan talaga siya sa babae.  Hula niya ay kaedad lang ito ni Devin.  She dressed so elegantly.  Naka puting Capri pants lang ito at slim fit na poloshirt na kulay fushia pink na may tatak na isang buwaya sa kanang bahagi ng damit.  Wala din itong suot na medyas sa sneakers nitong puti.

            Bigla na lang napatingin si Samuelle sa sariling repleksyon sa salaming nasa harap.  Isang realisasyon ang bumungad sa kanya.  Para pala siyang isang Barbie doll na puno ng abubut sa katawan.  She’s turning 12 next month yet para pa rin siyang bata kung manamit.  Napakahilig niya kasi sa pink at purple kaya halos lahat ng kanyang gamit ay nasa ganung kulay.  Simula sa headband hanggang sa sapatos at pati ang mga pulselas niya’t hikaw maging ang kanyang bag ay ganun pa din ang kulay.  Hindi pala siya isang Barbie doll kundi para siyang isang matamis na kending naglalakad.

            Muli niyang tinitigan ang kaibigan ni Devin at nakita niya ang kaligayahan nito habang kinakausap ang magandang babae.  Gusto niyang magwala sabi ng murang puso pero dikta ng isip niya’y tumahimik at umupo na lang sa isang tabi.

            This is the first time that the bratinella Samuelle kept quite at nag-obserba lang sa mga nangyayari.  This is the first time that she did not seek and create a scene to get everyone’s attention.  She just stayed there and kept quite.

            Habang tinititigan niya ang babaeng kausap ni Devin ay biglang nagpang-abot ang tingin nila ni Devin at sa hindi iniiwasang pagkakataon ay bigla siyang nagbawi ng tingin.  Kung dati iyon ay binelatan na niya si Devin.

            Hindi man ngumiti si Devin pero nilapitan naman siya nito.

            “Masakit pa ba ang ba ang binti mo?”

            Iling lang ang isinagot niya.

            “Ok ka pa?”

            Tahimik pa rin siya at tumango lang.

            “May gusto kang kainin?”

            Iling pa rin ang isinagot niya.  Huminga ng malalim si Devin bago akmang aalis nung nagsalita naman si Samuelle.

            “Kuya, pwede pong pahinging water?”

            Tumango si Devin at pumunta ito sa isang kiosk at bumili ng dalawang tubig.  Muli itong lumapit sa kanya at ibinigay ang isang tubig at muli siyang iniwanan.  Ang buong akala ni Samuelle ay tig-iisa sila ng tubig pero nanlumo siya nung makitang ibinigay ang biniling tubig dun sa babaeng hinahangaan ni Samuelle.  Ang masaklap pa ay ipinagbukas ito ni Devin samantala ang kanya ay di man lang nito binuksan.

            Ang bratinellang Samuelle sana ay sisigaw at eeksena pero ang biglang nagmature na si Samuelle ay nanatiling tahimik pilit na binubuksan ang hawak na tubig.  Medyo malamya si Samuelle sa mga ganung bagay kaya nakailang ikot na siya pero di pa rin mabuksan ang takip. 

            Nasa ganung ayos siya nung mapansin ni Robert kaya umalis ito sa umpukang kasama si Devin at yung magandang babaeng tila kinakahumalingan ni Devin.

            “You want me to open it for you Princess?”

            Mahinang tango lang ang isinagot ni Samuelle at ibinigay ang tubig kay Robert na mabilis naman nitong nabuksan.

            “Thank you.”

            Ngumiti lang ito at sa halip na umalis ay umupo pa ito sa tabi niya.

            “Masakit pa ba ang tuhod mo?”

            “Konti.”

            “Sasakit pa yan mamaya pero ilang araw lang ay ok na yan.  Huwag ka munang gumamit ng sapatos na may takong ha kasi baka madapa ka ulit.  You want to eat ice cream?”

            Mahinang tango lang ginawa ni Samuelle.  Kahit hindi naman siya gutom pero nababagot na siya sa pwesto at masakit na ang puwet niya sa kakaupo at kakahintay na kausapin siya muli ni Devin kaya sumama siya kay Robert na ilalayan muna siyang tumayo.

            Napansin pala ni Devin ang nangyayari kaya mabilis itong lumapit sa kanya.

            “Ok ka na?  Pwede ka na maglakad?  Hindi na ba masakit ang tuhod mo?” sunod-sunod na tanong nito.

            “Ok na ako Kuya.  Sasama lang ako kay Kuya Robert para bumili ng ice cream kasi malayo pa naman siguro si Mommy.”

            “Ouch! Kuya Robert!!!” maarteng sambit ni Robert sabay hawak sa likod nito na animo’y kumikirot iyon.

            “Kuya, are you ok?” pag-aalala ni Samuelle.

            “My back hurts!”

            “Ha?  Why po?”

            “Ouch!!! It’s hurting some more...” pero di na nito naipagpatuloy ang acting nung bigla itong batukan ni Devin.

            “Ang OA mo bro.  Umayos ka nga.  Parating na daw sina Ninang Rachel?”

            Pero wala sa tanong ni Devin ang atensyon ni Samuelle kundi kay Robert na akala talaga niya ay nasaktan kaya muli niya itong tinanong kung alin ang masakit.  Hindi maipinta ang mukha ni Samuelle dahil sa pag-alala.

            Pero nagtaka si Samuelle dahil humalakhak lang si Robert at ginulo ang tirintas ng kanyang buhok at hinawakan ang kanyang pisngi.

            “Bata ka pa nga talaga pero please don’t call me Kuya.  You’re making my back ache.”

            “Why?”

            “I was just kidding about having back pains.  Ganito kasi yan, if someone calls you Kuya or Ate, you’ll feel old and old people usually have back aches right?  Does it make sense?”

            “Oh!  Ok!  Sige won’t call you Kuya so that you won’t have anymore back pains.  So sorry po.”

            “No po as well.  Pili ka na anong flavor gusto mo na ice cream.  Treat ko.” Ngumiti ito ng ubod ng tamis sa kanya na sinuklian din naman niya at ibinaling ang atensyon sa nakahilerang mga ice cream.
                             
            “Bro, bata pa yan ha.  Spare her.”

            “Relax Bro.  Ibinili ko lang naman ng ice cream ang kinakapatid mo and nothing else ok.  Chillax!  Here have some ice cream too.  Geez!  Praning!” Sinabayan ni Robert tawa ang sinasabi sa kaibigan.

            Sasagot pa sana si Devin pero dumating na pala ang mommy niya at Ninang Rachel para sunduin si Samuelle.

            Muling napa-iyak si Samuelle pagkakita ng ina at mabilis na yumakap dito.

            “Devin, bakit di mo binantayan si Samuelle?” galit na sambit ng Mommy Girlie niya.

            “What?  Mom!”

            “Don’t what Mom me!  Say goodbye to your friends and we are going home.”

            “No!  Mommy naman!  I’m with my friends at hindi ko kasalanan kung lampa ang batang yan.  In the first place, bakit kasi naka heels yan eh ang bata bata pa!”

            Nangagalaiti na sa galit si Devin dahil alam niyang pipilitin na naman siyang pauwiin ng ina dahil kay Samuelle.  Hindi kasi ito ang unang pagkakataong napapauwi siya ng maaga dahil kay Samuelle.  Mahilig itong sumama sa kanya pero sa tuwina’y isang karaniwang brat na nagwawala pag di nasusunod ang gusto.

            “Ninang, please let Kuya Devin stay.  Hindi pa sila nakaalis kanina dahil nahihirapan akong maglakad.  Kuya, sorry kanina ha.” Sinserong paghingi ng paumanhin ni Samuelle sa kinakapatid.

            Hindi inaasahan ni Devin ang ganung approach ni Samuelle.  Kelan pa naging considerate ang bratinellang ito sabi ni loob ni Devin.

            “Mom, let’s go home please.  I just want to rest.” Paki-usap ni Samuelle sa ina at muling pinaki-usapan ang pangalawang ina para huwag pauwiin si Devin.

            “Ok Devin you can stay but I want you to be home by 10 pm.  Non-negotiable!”

            “Fine!  Can I go now?” di pa rin nawawala ang inis nito.

            “Ayus-ayusin mo ang pagsagot mo Devin at baka gusto mong isama na kita pauwi!”

            “Sorry po.” Mahinang sambit ni Devin.

            “Mare, tara na.  I think nilalagnat na si Samuelle.  Dahil siguro sa sugat niya.  Devin, pasensya ka na iho ha.  Go and have fun with you friends.  Like what your mom said, please be home before 10 pm para di kayo mag-away ng Mommy mo.”

            Umalis na din si Devin matapos halikan ang nag-abot kilay pa ring ina at ang Ninang Rachel niya.  Tiningnan lang niya si Samuelle na nakayakap sa ina at di man lang siya tinitingnan.

            Bumalik si Devin sa mga kasama pero di pa rin nito maiwasang mag-alala sa kalagayan ni Samuelle.

            “Are you alright Devin?”

            “Yeah I’m ok Ashley.  Guys, o ano tuloy ba tayo sa movie?”

            Masayang nagkuro-kuro ang magkaibigan at umalis sa tinambayang lugar at pumunta na sa sinehan.


Chapter Two:

            Masusi niyang tinitingnan ang sarili sa salamin.  Tinanggal ang pagkakatirintas ng buhok at sinuklay ito.  Lumugay ang kanyang mahaba at tuwid na tuwid na buhok.  Bagama’t may bakas ito ng pagkakatirintas ay maganda pa rin ang quality ng kanyang buhok.  Tinanggal din niya ang mga abubut sa katawan at dun niya natantong dalaga na pala siya pag nasa ganung ayos.  Hinubad ang isinuot na mala-candy sa tamis na kulay ng damit at kumuha ng isang puting shorts at isang baby pink na tank top at muling humarap sa salamin.  Muling sinipat ang hubog ng katawan at muling kinumpirma na isa na nga siyang ganap na dalaga.

            Kaninang umaga lang ay nagulantang ang kasambahay at ang Mommy Rachel niya nung nagsisigaw siya’t umiiyak na tinatawag ang ina.  Dalawang linggo na lang at mag bibirthday na siya at magiging isa ng ganap na teenager sa gulang pero the confirmation of being a certified teenager came two weeks earlier.

            Nadatnan siya ng mommy niya na nag-iiyak sa loob ng banyo at napangiti ito nung makumpirma na isa na siyang ganap na dalaga.  Dali-daling tinawagan nito ang Ninang Girlie niya na wala pa atang limang minuto ay nandun na sa kanyang kwarto at tinulungan ang Mommy niya sa mga ritwales na gagawin.

            Gustong magprotesta ng kalooban ni Samuelle sa gustong ipagawa ng Ninang Girlie niya.  Sukat ba namang ipapahid daw ang binanlawang panloob sa pisngi niya para di daw siya titigyawatin.

            “Ninang!  I don’t like to do that!  That’s so yucky!”

            “Sige na baby, do it na lang.  This is for your own good naman.  Your mom and me did it when we had it the first time and see ang kinis naming dalawa.” Explains her Ninang Girlie.

            Ayaw pa ring gawin ni Samuelle pero napasunod na rin siya nung sinabihan ng Mommy niya na gawin ang utos ng ninang.  Matapos iyon ay pina-ipit sa kanya ang dalawang gumamela at pinatalon siya ng tatlong baitang sa kanilang hagdanan tapos pina-ikot sa buong bahay at pinapasok sa kabilang pintuan.

            Ang partikular na ritwales na iyon ay nasaksihan ng nagtatakang si Devin.  Hindi nito naiwasang kalabitin ang nakamasid na magugulating kasambahay nina Samuelle na si Angie.

            “Ate, ano ang nangyayari?”

            “Ang puke ni Pedro!  Ano ba naman yan Devin.  Kung makapangulat kasi eh!”

            “Te, ano bang nangyari sa bratinella mong amo?  Ano ba yung mga pinagagawa nina Mommy at Ninang Rachel?  Bakit tumalon at may bulaklak pa na inipit sa kilikili?  Tiyak lanta na ang mga iyon dahil sa baho ng kilikili ni Samuelle!” at napahalakhak pa ito.

            “Loko-loko ka talaga.  Dalaga na si Samuelle kaya ginagawa ng mommy at Ninang Rachel mo yan.”

            “Huh? Bakit may ganun pa?” naguguluhang tanong ni Devin.

            “Ganito kasi yan.  Di ba nakita mong pinatalon si Samuelle ng tatlong baitang?  Para tatlong araw lang ang kanyang regla.  Pero yung bulaklak, aba’y di ko alam yun.  Siguro para huwag mamaho ang kili-kili.” Bungisngis na tawa din ni Ate Angie.

            Dahil sa hagikhikan nilang dalawa ay natawag ang pansin ni Samuelle sa kanila at nagpang-abot agad ang kilay nito pagkakita sa kinakapatid.  Lalo naman itong inaasar ni Devin at kinantahan si Samuelle ng isa sa mga sikat na commercial ng isang sanitary pad dati.

            “Dalaga ka na hindi na bata.  Kay daming pagbabago, nakakapanibago.”

            Animo sinasayawan siya nito na pahinhin kaya uminit ang bunbunan ni Samuelle at namula sa galit.

            “Ninang!!!! Si Kuya Devin o!!!”

            “Devin! Umayos ka nga!” saway naman ni Ninang Girlie agad dito pero ang Mommy Rachel niya ay napangiti lang na naiiling.

            “Kelan ba talaga kayo magkakasundo ha?  Para kayong aso’t pusa!  Sige na Nak tapusin na natin ito para makaligo ka na.” ani ng mommy niya.

            Masama pa rin niyang tiningnan si Devin na di pa rin maawat sa pang-aasar sa kanya.   Nung matapos ang ritwales ay inirapan niya ito at binirahan ng talikod at muling lumingon at binelatan ang kinakapatid.


           
            “Abah may bagong boarder sa bahay niyo Ninang?  Nasaan na ang bratinellang si Samuelle na parang candy dahil suot ay laging pink?” pang-aasar na naman ni Devin kay Samuelle.

            Pero sa totoo lang ay napanganga siya kanina nung makita ang bihis nito na hindi na pangkaraniwan sa dati.  Dalagang-dalaga na itong tingnan sa suot na putting shorts at kahit pink man na tank top ay hindi na parang candy kung tingnan.  Nakalugay na rin ang mahaba at itim na itim na buhok nito na maayos na nakasuklay at may maliit lang na headband na kulay puti naman.  Nilakipan na lang nito ng pang-iinis para matakpan ang reaksyon nito pagkakita sa dalaga kanina.

            “Devin, bakit mo ba laging inaasar ang kinakapatid mo ha?  Ano bang problema mo?” galit na sambit ng Mommy Girlie niya.

            Himala at hindi na nagsumbong si Samuelle o nagpapansin man.  Kabaliktaran nga ang ginawa nito dahil nanatili lang siyang tahimik.

            “Lost your tongue brat?”

            Tumayo si Samuelle at may dinukot sa bulsa at lumapit kay Devin na naka-upo sa isa sa mga sofa nila sa bahay.

            “Here Kuya, bumili ka ng kausap mo!” sabay lagay ng isang piso sa palad ng binata at binirahan ng talikod ang kinakapatid at umakyat siya sa kwarto.

            Namula sa inis si Devin at nung makita nito ang ina ay mas lalo di maipinta ang mukha dahil namumula din ito sa pagpipigil na matawa sa di inaasahang ginawa ni Samuelle kanina lang.

            “Buti nga sayo.  Sobra ka kung mang-asar eh.  Maiba ako Nak, gusto kong ipaalam sayo na responsibilidad mo ang kinakapatid mo lalo na ngayong dalaga na yan.  Gusto kong bantayan mo yan ha at mahirap na’t at baka she might fall for the wrong guy.  Worst is baka mabuntis agad kasi I’m sure di pa masyadong maalam yan sa alam mo na.”

            “Ako na naman.  Mom, ano ba talaga ang role ko sa mundong ito?  Baby sitter ni Samuelle?  Geeezzz this is really crazy.  I have a life too remember?”

            Ginagap ni Mommy Girlie ang kamay ni Devin bago muling nagsalita.

            “Devin makinig ka Nak…. Samuelle is no ordinary girl.  She’s like a daughter to me kaya I’ll be very sad if something bad will happen to her.  Hindi ko naman sinasabi na bantayan mo siya 24/7.  Ang sa akin lang eh be like a big brother to her.  Be her protector.  Medyo brat nga ang batang yan pero she’s really is a nice girl.  Can I count on you on this?”

            Hindi sumagot si Devin at nanatiling tahimik lang kaya tumayo ang ina at hinawakan siya sa balikat bago umalis.

            Naiwan si Devin na nag-iisip.


            “Bro, is that Samuelle?  Wow!  She’s no longer a Barbie doll clad in candy clothes!” masayang puna ng bestfriend ni Devin na si Robert.

            Hindi ngumiti si Devin at sinundan lang ng tingin si Samuelle na naglalakad na kasama ng mga kaibigan nito.  Nagtataka ito dahil papalapit ang dalaga sa kanila.

            “Hey Princess, whatzup?”

            “Hi Kuya Robert, birthday ko sa Saturday.  Punta ka ha.” Nakangiting sambit ni Samuelle sa bestfriend ni Devin pero ito ay di man lang kinausap niya o mas tamang sabihing ni pansinin ito ay di niya ginawa.

            “Ouch my back hurts again.” Pabirong sambit ni Robert dahil sa muling pagtawag niya ng kuya dito at ipinaypay pa ang imbitasyong binigay niya kanina lang na tila ba nahihirapan daw ito.

            Napahagikhik si Samuelle at lumitaw ang beloy nito sa kaliwang pisngi.

            “Basta punta ka ha.”

            “Sure Princess basta no more kuya ok?  Deal?” sabay abot nito ng kamay sa kanya na malugod din naman niyang tinggap.

            Hindi nakaligtas sa paningin ni Devin ang pagpisil ng bestfriend sa kamay ng kinakapatid kaya biglang nagpang-abot ang kilay nito.  Nagpaalam si Samuelle na di man lang nito kinausap si Devin.

            “Hindi kayo in speaking terms?” Di na napigilang punahin ni Robert silang dalawa.

            “Ewan ko dun.  May topak yan eh.  Simula ng nawala yung malalaking pink na ribbon sa ulo niya ay naging ganun na yan.”

            Inakbayan siya ni Robert at muling nagsalita ito.  “Ikaw kasi Pare, lagi mong inaasar eh.  Pero papayag ka naman sigurong pumunta ako sa birthday niya di ba?  Don’t worry Bro, your godsister is in good hands.” Sabay kindat pa nito.

            “Eh kung papalitan ko kaya ng mukha ng aso ang mukha mo?” pikon na sambit ni Devin.

            “Easy!!!! Ang puso mo Bro.  Masyado kang high blood.  Tara na nga.”


            “Happy birthday Princess.” Sabay abot ni Robert kay Samuelle ng gift at hinalikan pa nito ang pisngi ng dalaga bilang pagbati na ikinapamula nito.

            “Thank you Kuy… Robert.”

            “There!  Akala ko my back’s gonna hurt again.”

            “I think Kuya Devin is just around or baka nasa bahay pa nila.”

            “Sige puntahan ko na lang.  Kwentuhan tayo mamaya ha.”

           
            Marami-rami ring bisita si Samuelle dahil bukod sa birthday niya ay ginawa pang welcome to teen world ang party niya courtesy of her Mommy Rachel and Ninang Girlie.

            Hindi magkanda-ugaga sa pag-estima ng mga bisita si Samuelle nung mapadako ang tingin niya sa mga bagong dating na isang grupo.  Kasama ni Devin ang kanyang mga katropa at ang yung babaeng nakita niya sa mall na kasama nito ay nandun din.

            Biglang naconscious si Samuelle sa pink na mini-dress na sinuot.  Hindi niya maiwasang ikumpara ang sarili na naman sa babaeng kasama ni Devin na naka simple mini-dress lang din na puti.  Nagagandahan talaga siya sa tisay na babae at lalo pang tumingkad ang ganda nito dahil malimit itong ngumingiti.

            Nung makita siya ni Devin ay tinanguan siya at sinuklian din naman niya ng ngiti.  Iiwasan na sana niya ito pero nakita niyang papalapit ang mga ito sa kanya kaya wala na siyang pagpipilian kundi pumirmi sa kinauupuan.

            “Happy birthday Brat.” Sabay tapik sa kanyang braso.

            “Ouch!” she was back to her old self na inaasar si Devin na kunyari nasaktan siya sa pagtapik nito sa kanya.

            “Ang arte nito talaga.  Nga pala, I think nagkita na kayo before but di ko kayo napakilala.  This is Ashley at yung ibang nandyan ay kilala mo na di ba?”

            “Hi Samuelle, happy birthday.  You look so grown-up in your outfit tonight.” Sabay beso nito sa kanya at inabot sa kanya ang regalo.

            “Thank you.  Kuya, pakainin mo na sila.  I’ll just go to Mom.  Kain na kayo ha.”

            Iginaya ni Devin ang mga kaibigan sa mesa kung saan sila uupo at habang nakapila ang mga kasama sa buffet table kasama si Ashley ay pumuslit muna sandali si Devin para lapitan siya.

            “Hey Brat.”

            “Kuya?  Bakit po?”

            Naka-upo si Samuelle sa garden bench malayo sa party.  Nandun lang siya dahil napapagod siya and she needs a breath of fresh air dahil ang daming tao iniestima kanina.

            “Here.”

            “Ano ito?”

            “Ano pa ba eh di gift ko sayo.  Open it later na lang.”

            “Ok.  Thank you.”

            Inakbayan siya ni Devin.  Karaniwang ginagawa na ni Devin sa kanya iyon pero hindi niya maintindihan kung bakit parang naiilang siya sa pagkakataong iyon at napaigtad siya na ikinagulat din ng huli.

            “Bakit?”

            “Huh?  Wala Kuya nagulat lang ako.  Bakit ka ba nandito?  Nandun sa loob ang mga bisita mo.”

            “Kasi hinanap kita.  Baka kasi makalimutan kong ibigay sayo yung gift ko.”

            “Ah ok.  Maganda si Ashley Kuya.  Girlfriend mo?”

            Ngumiti lang si Devin kaya natanto ni Samuelle na girlfriend nga ng huli ang babae.  Gustong tumulo ng luha niya sa di malamang dahilan.  Dahil ba sanay siyang ang atensyon ni Devin ay laging nasa kanya or dahil may kakaiba na siyang naramdaman sa kinakapatid.

            “Are you alright?” napuna ni Devin ang pananhimik niya.

            “Ha?  Yeah I’m ok.  Sige balik na ako sa loob.  Malamig na dito eh.” Sabay singhot niya para pigilan ang luha at tumayo siya at akmang lalayo kay Devin pero nahawakan nito ang kanyang kamay at iniharap siya.

            “Dalaga na ang bratinellang kinakapatid ko.  Sumbong mo sa akin pag merong mananakit sayo ha.” Seryosong sambit ng kinse-anyos na si Devin sa kanya.

            Tumango lang si Samuelle at bigla na lang siyang kinabig ni Devin at niyakap.  Hanggang akbay lang ang ginagawa ni Devin sa kanya dati at iyon ang unang pagkakataong niyakap siya nito.

            It felt so right to be in his arms.  She felt so tiny in his big embrace.  Hindi napigilan ni Samuelle na yumakap na din kay Devin.  Nanatili sila sa ganung ayos ng ilang sandali bago nagpagpasayahang bumalik sa party at sa kanya-kanyang pwesto.

            Simula sa araw na iyon ay hindi na sila laging nagbangayan pero nandun pa rin ang paminsan minsang asaran.



Chapter Three

            “Ano na naman ba ang isinumbong mo kay Mommy ha?”

            Nangagalaiti sa galit si Devin na sinugod si Samuelle na tahimik nagbabasa ng libro.  Sa tindi ng galit nito ay sadyang kinuha nito ang librong hawak ng dalaga at binalibag.

            “What are you talking about Kuya?”

            “Huwag ka ng mag maang-maangan pa.  What did you tell Mom?” pulang-pula na sa galit si Devin.

            Nag-umpisa ng tumulo ang mga luha ni Samuelle dahil sa takot na rin sa kinakapatid.  Hindi niya maintindihan kung ano ang ibinibintang nito sa kanya.

            “Kuya, hindi talaga kita maintindihan.  Ano ba kasi ang problema?”

            “Ikaw ang nagsumbong kay Mommy tungkol sa paninigarilyo ko di ba?  Ikaw di ba?  Kahit kailan talaga asungot ka sa buhay ko!”

            “No Kuya!  I never said anything to Ninang Girlie.”

            “Spare me with your lies Samuelle.  Sino pa ba ang magsusumbong eh ikaw lang ang nakakita sa akin!”

            “Pero hindi nga ako ang nagsumbong sabi eh!  Hindi ako nagsabi kay Ninang.  But I told my Mom but I told her na huwag isumbong kay Ninang!”

            Nasabunutan ni Devin ang sariling buhok.  Bata pa nga talaga itong kausap nito kasi natural na pagbinanggit ni Samuelle sa ina ang nakita nito ay tiyak sasabihin nito ang nalaman sa Mommy niya.

            “What were you thinking?  Bakit mo sinabi kay Ninang Rachel?  Right!!! As if hindi sasabihin ni Ninang kay Mommy!  Gusto kitang sakalin kung pwede nga lang!” nangigigil na sambit ni Devin at halata ang pagpipigil nito sa sariling gawin ang sinabi kanina.

            “I’m sorry Kuya Devin.  Natatakot lang kasi ako sa ginawa mo.  Di ba bad ang smoking...” hindi na natuloy ni Samuelle ang sasabihin dahil biglang umalis si Devin kaya humabol siya dito at sige pa rin sa paghingi ng paumanhin.

            “Kuya, sorry na po.  I won’t do it again.  Kuya please.”

            Pero sige pa rin sa paglayo si Devin kahit na kumakapit na si Samuelle dito.

            “Kuya!!!!!”

            Iwinaksi ni Devin ang braso para bitawan ito ni Samuelle at dahil sa mabilis nitong ginawa ay nabalibag si Samuelle at napa-upo sa damuhan.

                Tiningnan nito si Samuelle pero dahil sa sobrang galit ay hindi nito nagawang tulungang tumayo ang kinakapatid.  Pero hindi nawawalan ng pag-asa si Samuelle dahil muli itong tumayo at kumapit kay Devin at sige pa rin sa paghiningi ng paumanhin sa nagawa.

            “Kuya, sorry na po talaga.  I’ll talk to Ninang Girlie.  Please Kuya, don’t be mad at me.”

            “Alam mo ikaw, para kang aninong sunod ng sunod sa akin and most of the time lagi akong napapahamak ng dahil sayo.  Daig mo pa ang aso dahil hindi ka lang mahilig bumuntot ay mahilig ka pang kumahol!  I want you out of my life completely!”

            “Kuya, please sorry na po talaga.  I promise na hindi na ako susunod sayo.  Please Kuya don’t be mad at me.

            Nakayakap na si Samuelle sa nagwawalang si Devin.  Hinawakan ni Devin sa magkabilang braso si Samuelle at iniharap.

            “Utang na loob, tigilan mo na ako.  Can’t you get it in your thick head?  I don’t want you in my life!” at marahas siyang binitiwan nito at basta na lang iniwanan.

            Naubos ang lahat ng pagtitimpi at nagsawa na si Samuelle sa pagmamakaawa at paghingi ng paumanhin kay Devin kay sumigaw ito at may sinabi na nagpalingon muli sa galit na galit na binata.

            "Paglaki ko at ikaw naman ang gustong bumuntot sa akin, mark my word Kuya Devin, hinding-hindi kita papansinin!"

            The bratinella is back to her old self.  Nung lingunin ito ni Devin ay nakita nitong nakapameywang siya at pulang-pula ang di maipintang mukha.

            “What did you just said?”

            Rumaragasang pabalik ni Devin kung saan nakatayo si Samuelle.

            “I said paglaki ko kahit magmamakaawa ka sa akin ay hinding-hindi kita papansinin!”

            Humahalakhak si Devin sa sinabi ni Samuelle pero halatang mapang-uyam ang halakhak na iyon.

            “Dream on Brat!  Huwag kang mag-alala at tatandaan ko yan at gagawin ko yan!” at iniwan nito ng tuluyan ang galit na ring si Samuelle.

            Pagkaalis ni Devin ay muling mapasalampak ng upo sa damuhan si Samuelle at tinakpan ang mukha at ipinagpatuloy ang pag-iyak.

            She knew she screwed this time around pero maganda naman ang intension niya dahil dikta ng murang isip niya na masama ang ginawa ng kinakapatid.

            “Good-bye Kuya Devin.” Mahinang sambit ng isip niya bago tumayo at tumakbong papunta sa kanyang silid.

            Bumungad sa kanya ang regalong malaking violet monkey stuff toy na binigay ni Devin sa kanya dati na lagi niyang kasakasama sa pagtulog gabi-gabi. 

            Kinuha niya iyon at niyakap ng mahigpit bago isinilid sa isang malaking plastic at sinelyuhan.  Binitbit iyon at dinala sa attic ng kanilang bahay.

            “Good-bye SAMVIN.  I will miss you too.” Mahinang sambit ni Samuelle na para bang kinakausap ang stuff toy na pinangalanan niyang samvin bilang kumbinasyon ng pangalan nilang dalawa ni Devin.  Muli niya itong niyakap bago nilapag at tuluyang iniwanan sa attic.


            Simula nun ay talagang nag-iiwasan na sina Samuelle at Devin.  Graduation na ni Samuelle sa elementarya pero hindi dumalo si Devin dahil meron itong out-of-town na dance competition na sinalihan.  Hindi na rin siya pumupunta sa bahay ng Ninang Girlie niya at lagi niyang dinadahilan ay busy na siya sa school works.

            Pagkalipas ng isang linggo matapos ang graduation ni Samuelle ay nagkaroon muli ng isang salo-salo dahil aalis na sina Samuelle at Mommy Rachel papuntang Canada para manirahan dun kasama ng asawa at ayusin yung immigrant status nila.

            Naka-upo si Samuelle sa kanyang paboritong bench sa may garden.  Mamimiss niya ang paboritong lugar na iyon dahil ibebenta na ng pamilya ang bahay dahil sa tuluyan na silang maninirahan sa Canada kasama ng buong mag-anak.

            May tumikhim sa likod ni Samuelle na ikinagulantang nya.  Mabilis siyang lumingon at nanlaki ang mga mata nung matantong si Devin pala ang nakatayo dun.

            Sandaling natigilan si Samuelle sa nakita.  Tahimik lang na nakamasid sa kanya si Devin at di niya mabasa ang mood nito kaya dali-dali niyang isinuot ang sapatos at akmang tatayo at iiwan ito.

            “Please stay.”

            Biglang nagfreeze si Samuelle sa kina-uupuan.  Tumabi si Devin sa kanya at pareho silang tahimik ng ilang saglit at maya lang ay naramdaman ni Samuelle ang mahinang pagsuwag ni Devin sa braso niya.

            “Hey…”

            Di pa rin kumikibo si Samuelle dahil hindi niya alam kung paano pakiharapan si Devin.

            “Sorry sa nasabi ko dati.”

            Nanatiling di pa ring hindi kumikibo si Samuelle.  Ginagap ni Devin ang kamay niya at hinawakan lang pero maging ito ay di na rin kumikibo.

            “Believe it or not pero I’m going to miss you Brat.”

            Dahil sa sinabi ni Devin ay tahimik na napangiti si Samuelle at di pala nakalagpas iyon sa paningin ni Devin kaya muli siyang sinuwag nito.

            “Bati na tayo.” Sabi ni Devin.

            Pinipigilan ni Samuelle na mapahagikhik pero lumabas pa rin iyon kaya tinakpan niya ang bibig.  Nakita ni Devin iyon kaya kiniliti siya nito.

            “Kuya ano ba!  Stop it!” she said in between laugh pero sa halip na tigilan iyon ni Devin ay mas lalo pa siya nitong kiniliti. 

            Tumayo si Samuelle at naghabulan sila ni Devin.  Nung mapagod ay muli silang umupo sa bench at tahimik lang na nakaakbay si Devin sa kanya samantala nakahilig naman sa balikat ng huli si Samuelle.

            “I’m really going to miss you Brat.  Kahit pa makulit ka masyado.”

            Maya-maya ay ang pagsinghot na ni Samuelle ang narinig ni Devin.  Hindi siya inasar o sinita nito.  Hinayaan lang siya nitong lumuha dahil maging ito ay naluluha na din.

            Nasa ganun lang silang ayos nung tinawag sila ni Ate Angie dahil pareho silang hinanap ng kanilang mga mommy.  Bago pumasok ng bahay ay niyakap na muna ni Devin si Samuelle at muling ginulo ang buhok bago mabilis na tumakbo sa loob ng bahay at sumunod naman si Samuelle para makaganti sa kinakapatid. 

            That night ay muling bumalik ang kulitan nilang dalawa at kinabukasan pagising ni Devin ay nabalitaan niya sa ina na nakaalis na pala sina Samuelle.


Chapter Four

12 years later….

            Sa isang bar ay masayang nagcelebrate ang isang grupo ng mga yuppies.  Bumabaha ang inumin dahil bukod sa birthday ni Devin ay napromote pa siya sa trabaho kaya double celebration ang nangyayari.
           
            “Cheers to the birthday boy!!!!”

            Nagsipagtaas ng baso ang mga kabarkada nito at naghiyawan at maging ito ay ganun din ang ginawa.  Si Robert ang nagpasimuno sa pagcheer at sumigaw pa na e bottom’s up na nila ang hawak na inumin.

            May nagprotesta at may mga sumunod na.  It was a boys’ night out at walang ni isa sa kanila ang nagdala ng partner.  Although most of them are still single pero ika nga hindi naman nababakante.  Nasa boys will be boys stage pa sila ng kanilang mga buhay.

            “Guys, dahil birthday ko ngayon, order anything you like at sagot ko!” sigaw ni Devin.

            “Pare, tumanda ka na naman ng isang taon.  Paano yan eh malapit ka ng mawala sa calendaryo.  Paano na ang ultimatum ni Tita Girlie sayo na bibigyan mo siya ng apo?” paalala ni Robert sa kanya.

            “Darating din tayo dyan Pre.  May ilang taon pa ako bago tuluyang itali ang sarili ko sa pagpapakasal and say goodbye to this wonderful life!”

            Matagal na siyang kinukulit ng ina na mag-asawa na at bigyan ng apo.  Twenty-seven na si Devin at ipinangako nito sa ina na bago lumagpas sa kalendaryo ang kanyang gulang ay ipapakilala na nito ang babaeng magiging ina ng kanyang mga anak.

            “Pare, sa susunod na mga taon na natin problemahin yan.  Sa ngayon ay enjoy the party!!!!”

            Muling nag cheers ang magbarkada.  At sige pa rin sa pagbibiruan at tawanan.  Pero natigilan ang mga ito nung maagaw ang pansin dun sa isang umpok din ng mga magagandang babae sa kabilang dulo ng bar na iyon.  Hula nila kung di man mga model ang mga ito ay mga flight stewardess base sa tindig at mga pangangatawan ng mga ito.  The girls were mixed of different nationality pero marami ding Filipina.

            Nag-umpukan agad ang mga single na mga kaibigan ni Devin samantala ang mga commited ay nakuntento na lang sa pagtingin at pagkomento.

            “Pare, ang gaganda nila!  Today is our lucky day!  Ilan tayo?  Isa, dalawa….” At nagpatuloy sa pagkwenta si Robert at kinwenta din ang mga babaeng nasa dulong mesa at napangiti.

            “Abah, 8 lovely ladies at pito tayo.  Pwede na rin yun, dalawa na akin!” natatawang sigaw ng isa nilang kabarkadang si Mari.

            “Kahit kailan talaga gahaman ka.” Sagot naman ni Robert.

            “Pare, dahil birthday mo ngayon, ikaw na mauna.  Ayan na o umalis yung hot chick at pupunta yan tiyak sa bar.  Puntahan mo na.” dagdag ni Robert at inincourage ang matalik na kaibigan na maunang dumiskarte.

            Maganda nga ang babaeng naka tight fitting black mini-dress in stilletos at papunta ito sa bar para umorder ng drinks.  Hindi masyadong naaninag ni Devin ang mukha ng babae pero alam nitong maganda ang babae base sa silhouette nito habang naglalakad. 

            Hinintay na muna niyang makapwesto ang babae sa bar pero medyo nagpanic ang kalooban ni Devin nung may nakitang lalaking palapit kung saan naroon ang babae kaya mabilis pa sa alas kwatro itong naglakad patungo sa babae.

            “We’d like to order the same as what we had a while ago.  Can you bring it to our table?” nakangiting sambit ng magandang babae sa halatang nagkacrush dito na bartender.

            Akmang aalis ang babae sa bar nung masagi nito ang sumiksik sa pwestong si Devin.  Dahil dun ay napadako ang mga kamay ni Devin sa beywang ng babae para hawakan ito at muntik ng mabuwal.

            “Are you alright?” tanong ni Devin sa babae habang hawak pa rin ang kamay habang inaayos ng babae ang sarili.

            “Yeah.  Thanks for the hel… Kuya Devin??? Oh my God!” nanlalaking mata ng babae at walang pakundangang yumakap sa kanya.

            Sigawan ang mga kabarkada ni Devin habang nagsilabasan ng pera at inilagay sa mesa tanda ng pustahan.

            “Samuelle!” nanlalaking mata ding sambit ni Devin bago yakapin ni Samuelle.

            Hindi napigilan ni Devin na yakapin ang babaeng matagal na nitong di nakikita. 

            “Wow!!!! Kelan ka pa dumating?  Can you still understand tagalog?”

            “Oo naman Kuya!  It’s so nice to see you after ilang years…. 10?  No!!! 12 long years!” nakangiting sambit ni Samuelle at lumabas ang beloy nito sa pisngi.

            “So kelan ka pa dumating?  Are you here for a vacation?”

            “I arrived this morning.  I’m with my friends.” Sabay turo sa mga kaibigan nito at nagwave naman din ang mga ito.  “Come, I’ll introduce you to them.” At hindi na binigyan ni Samuelle ng pagkakataon si Devin na tumangi dahil hinatak na niya ito sa mesa nila.

            Nagsigawan ang mga kabarkada ni Devin at si Mari ay di naiwasang sumigaw ng greedy! Dahil sinolo ni Devin ang walong magaganda at sexy na mga babae.  Walang humpay sa pagtawag ng mga kabarkada ni Devin sa kanya pero hindi na ito napapansin ng huli.

            Dalagang-dalaga na si Samuelle at parang nahiya pa si Devin sa sarili dahil he was hitting on his godsister for crying out loud.  That was really close!

            “Kuya, I’d like you to meet my friends.  This is Cathy, Kazel, Janine, Grace, Ivy, Valerie Mae and Arianne.  Ladies, this is my Kuya Devin.”

            “Huwag mo naman akong tawaging kuya infront of your friends.  I felt so old.” Mahinang bulong ni Devin sa kanya habang nakangiti.

            Napahagikhik si Samuelle sa sinabi ni Devin at muling sinabing Devin lang ang pangalan niya.  Isa-isang nagshake hands ang mga magagandang babae kay Devin habang pinakilala ito ni Samuelle.

            Maya-maya lang ay isang buong tropa na ni Devin ang biglang sumulpot sa tabi nito.  Makulit ang mga itong nakikipagngitian sa mga magagandang dilag sa harapan.  Napailing na lang si Devin sa mga kabarkada at walang nagawa kudi ipakilala ang mga ito isa-isa sa mga kaibigan ni Samuelle.

            “Pretty ladies, these are my friends.  This is Mari, Robbie, Frank, Troy, Arron, James and Robert.”

            “Oh my God, Kuya Robert!!!!” excited na napasigaw muli si Samuelle nung makitang muli si Robert.

            “Ouch Samuelle!  My back still hurts then and now!  How are you Princess?” nakangiting sambit ni Robert sabay beso sa kanya.

            “I’m good!  I’m good!!!!  This is indeed a nice day!  Imagine nakita ko kayo ulit lahat!  Hey, why don’t we join our tables? The more the merrier right?”

            Hindi na nagdalawang-isip sa imbitasyon ang mga barako dahil dali-dali itong tumawag ng waiter para ilipat ang mga inorder nila at inixtend pa ang mesa para magkasya silang lahat.

            “I heard you guys singing a birthday song a while ago.  Who’s celebrating his birthday today?” nakangiting sambit ni Arianne.

            “This guys is celebrating his birthday and at the same time, he got promoted in his job.” Mabilis na sagot ni Robbie na halatang namesmerized sa ganda ng kausap.

            “Oh it’s your birthday!!! Happy birthday!!!!” ani Cathy na mabilis lumapit kay Devin and gave him a peck in the cheek.

            Nagsisunod na rin ang iba pang girls na nandun at kiniss si Devin.  Huling humalik si Samuelle at yumakap dito.  Hindi na maawat ang lapad ng ngiti ni Devin sa mga oras na iyon.

            “Hey ladies, it’s my birthday on Tuesday.  Maybe you can give me an advance gift?” hirit ni Troy.

            Nagsipagsabi na rin ang iba pang mga lalaking nandun na may kakatapos lang magbirthday at yung iba gustong e advance pa ang ilang taong birthday daw para mas maraming halik.

            Naging sobrang saya ng grupo.  Walang na out of place at kahit yung mga may mga sabit na ay nakikipagkwentuhan na lang pero yung mga single ay hindi maiwasang makipaglandian at maya-maya lang ay nagkayayaan ng sumayaw sa dancefloor.

            Kanya-kanyang hatak ng partners.  Hatak agad ni Robbie si Arianne.  Di naman maawat si Mari at niyaya agad si Kazel.  Kasayaw ni James si Ivy habang si Valerie Mae naman at si Troy.  Grace is dancing with Aaron while Janine is with Frank.  And that leaves Samuelle with either Devin or Robert.’

            “Paano yan Pare, ikaw ang unang hinalikan kanina so I think you have to be nice to concede this time.  Come Princess let’s dance.”

            Nakangiting sambit ni Robert habang kinuha nito ang kamay ni Samuelle at dinala sa dancefloor.  Naiiling na lang tumatawa si Devin at nakikipag-inuman sa mga may mga sabit na kasama nila sa mesa.

            Habang sumasayaw sina Samuelle at Robert ay hindi naiwasang sundan ng tingin ni Devin ang bawat galaw ng dalaga. 

            “Hoy Devin umayos ka!” sigaw ng isip nito bigla.
           
            He was in the state of oblivion and continued surveying Samuelle until reality knocked him that she is his godsister!

            Sunod na napansin ni Devin ay ang closeness sa pagsasayaw nina Samuelle at Robert at hindi nito nagustuhan.  Mabilis itong tumayo at lumapit sa dalawa.

            “Hey Pare, can I cut it?  Pahiram naman kay Samuelle.”

            Tumaas na lang ang isang kilay ni Robert at nakangiting umalis.  Naintindihan nito kung anong ibig sabihin ng kaibigan.  Besides, may sabit din si Robert kaya he had to step back.

            “We have a lot of catching up to do Brat and I’m glad to see you again.”

            “Kuya, stop calling me that.  I’m not a brat!  But you are still Mr. Sungit!” at kapwa humalakhak habang nagsasayaw.

            Inumaga ang buong tropa nung lumabas ng bar.  Inabot sila ng pagsasara ng establisyemento dahil hindi na namalayan ng mga ito ang oras dahil sa sobrang nag-enjoy sa company ng isa’t-isa.  Maging sina Devin at Samuelle ay parang pinupunan ang mga panahong nagkalayo sila at walang humpay ang kwentuhan at asaran sa isa’t-isa gaya ng dati.  Maging si Robert ay nakikisawsaw sa usapan nilang dalawa kaya silang tatlo talaga ang nagsasayaw sa dancefloor dahil ayaw na pumayag ni Robert na umupo na lang sa isang tabi at mabadtrip sa girlfriend na kanina pa siya tinatalakan at tinetext.

            Napagpasyahan ng mga ito na mag midnight snack con early breakfast sa isang 24 hours na kainan at maging dun sa lugar na iyon ay para pa rin silang nasa loob ng bar sa ingay.  Napailing na lang ang mga attendant na nandun at ibang parokyanong taga call center na kumakain din.

            “Aminin mo na Pare that you were hitting on Samuelle kanina.” Tudyo ni Robert sa kaibigan na pinamulahan tuloy ng mukha.

            “Shut-up Bro!”

            “Really Kuya??? You were hitting on me?  Hmmmnnnn interesting!  Aminin!!!” bungisngis na rin ni Samuelle na sinakyan ang kakulitan ni Robert dahil na-enjoy niya ang pagkabalisa ng kinakapatid.

            “Brat, stop calling me Kuya!” Paalala muli ni Devin sa kanya.

            “Eh I wanna call you both Kuya eh!” turo sa kanilang dalawa ni Robert kaya biglang minamasahe ni Robert ang likod.  Napahalakhak muli si Samuelle na bigla lang ding sininok sa sobrang kakatawa.

            “Ayan nakarma ka kaagad!” ani Robert na tinaasan lang ng kilay ni Samuelle.

            “Pare, you should see the look on your face kanina.  You were like this o… as in sobrang nakakatawa ang mukha mo nung makilala mong si Samuelle pala sana ang didiskartehan mo!  Panalo yun Pre!  Epic talaga!”

            “Eh kung papalitan ko kaya ng mukha ng aso ang mukha mo Bro.  Game?”

            “Woooaaahhhh kahit kailan pikon ka!”

            Napailing na lang si Devin at nginitian silang lahat.

            “Kuya Robert, share ko lang sayo about Kuya Devin dati ha.”

            “Stop calling us Kuya!” sabay na sigaw ng dalawang lalaki sa kanya kaya napapikit na lang si Samuelle at tinankpan ang tenga.

            “Alright! Alright! Alright mga lolo!”

            “As you were sayin….” Muling ungkat ni Robert sa naudlot niyang sasabihin sana.

            “Be careful Brat!  Baka bigla kitang ipapackage pabalik ng Canada!”

            Pero tila hindi naantig si Samuelle sa banta ng kinakapatid at ipinagpatuloy pa rin nito ang pagkukwento kay Robert tungkol kay Devin.

            “Kasi di ba ang sungit-sungit niyan nung bata pa kami at lagi akong inaaway.  One time, naisumbong k okay Mommy that he was smoking and well bata pa ako that time to realized that if I’ll tell my mom, my mom’s gonna tell Ninang Girlie.  Anyway, to cut the story short, hala sobrang nagalit yan at inaway ako.”

            “Kasi masyado kang maingay at sumbongera.”

            “It was for your own good naman eh.  Anyways, tapos sabi ba naman sa akin na get lost daw or something para daw akong dog na sunod ng sunod sa kanya tapos ano nga yun… na mahilig pang kumahol.  Ang OA di ba.”

            “Brat, stop it!”

            “Pre, ang drama mo pala.  Go on Princess.”

            “At ayun sabi pa I don’t want you in my life!  Sama sama talaga.  Sorry ako ng sorry ayaw naman pumayag kaya sabi ko sa kanya na pag-ako lumaki at kung siya na ang nagpapansin ay di ko rin siya papansinin!”

            “I did not say that!” tangi ni Devin.

            “Wow Pare, ang drama mo nga talaga!”

            “Enough Brat!”

            “Sayang nga kasi I should have snub you kanina to get even with you!  Di ba?” At dahil sumang-ayon si Robert sa sinabi ni Samuelle ay nag high-five pa ang dalawa at si Devin naman ay ikot mata lang ang sinagot.

            Magsasalita pa sana si Samuelle pero dumating na ang waiter na may bitbit ng inorder nilang pagkain.  Nagsimula na silang kumain pero sige pa rin ang asaran sa mga nangyari sa kanila dati at pati ang hitsura ni Samuelle na mala-candy sa pagkapink ay di nakaligtas na asarin.

            Si Devin na ang naghatid kay Samuelle at sa kaibigan nitong si Arianne pauwi dahil nagkanya-kanyang uwian na ang mga kasama nila sa bar kanina kasama ng mga naging kapartner nito.

            “Hey Brat, visit mom soon ok.” Paala ni Devin sa kanya.

            Nginitian lang ni Samuelle ito bago pumasok sa loob ng condo kasama si Arianne.

            “Friend, Devin is so cute.  No wonder…”

            “No wonder what?”

            “Wala!  Tara, tulog na tayo.  I’m so sleepy na.  Gusto kong mapanaginipan si Robbie!”

            “Kati!” Natatawang sambit niya sa kaibigan at hindi na binigyang pansin ang nakakabiting sinabi nito kanina.



Chapter Five:

            “Mom!”

            “Devin, ano ba naman yan anak ang ingay mo.  Ano ba ang prob… Samuelle?”

            Nanlaki ang mga mata ni Ninang Girlie pagkakita sa nakangiting si Samuel na nasa bulwagan ng kanilang sala.  Hindi tuloy alam nito kung ano ang gagawin.  Kung ilalapag ba ang hawak na basahan o babalik sa kusina para dun iwan at maghugas ng kamay.

            Natatawa naman sina Devin at Samuelle sa katarantahan ni Ninang Girlie at mabilis na tumakbo si Samuelle para salubungin ng yakap ang ninang.

            “Teka, teka baka madumihan ang damit mo anak!”

            “Ninang!!!! I missed you so much!!!” sabi ni Samuelle habang mahigpit na niyayakap ito.

            Binitawan ni Ninang Girlie ang basahan at kahit OC man ito ay ipinahid pa rin angkamay sa suot na pantalon para tuluyang mayakap ang matagal ng hindi nakikitang inaanak.

            Nakangiting nakatunghay lang si Devin sa dalawa.  Ni bahid ng pagseselos ay walang nakikita dito na kabaliktaran nung mga bata pa sila.  Malimit kasing kinakampihan ng ina ang kinakapatid kaya gayun na lang ang himutok ni Devin sa ina dati.

            “Ito pala ang sabing sorpresa ni Devin sa akin.  Kinukulit ko yan pero ayaw talaga sabihin sa akin ang sorpresa daw niya.  I’m so glad to see you again baby ko.  Oh my God, the pictures that your mom sent me didn’t gave justice to what I am seeing right now.  You’re more beautiful in person.”

            “Ay nako bolahan na ito.” Pabirong sambit ni Devin kaya pinandilatan ito ng ina.

            Humahagikhik naman si Samuelle pero hindi pa rin bumibitaw sa pagyakap sa ninang niya.  Just like old times.

            “Devin, tara kumain tayo sa resto at gusto kong makasama ng matagal ang baby ko.  Iha, where are you staying pala?  Yung mommy mo naman di rin sinabi sa akin na pupunta ka dito.  Sabi lang meron daw siyang sorpresa sa akin.  Kayo ha pinagkakaisahan niyo ako.”

            “And you are really surprised Ninang right?”

            “Sobra.  O cya, magbibihis lang muna ako para makakain na tayo.  Nak, humingi ka ng juice kay Ate Angie para sa kinakapatid mo.”

            “May paa at bibig ang brat na yan kaya she’s can do it herself.” Pabirong sambit ni Devin kagaya ng laging nitong sinasabi nung bata pa sila kung uutusan ito ng ina para kay Samuelle.

            “Devin!”

            “It’s alright Ninang.  It seems that nothing much has changed of Kuya.  He’s still sobrang masungit!”

            “Ah ganun ha.  Come here Brat!” sabay akbay ni Devin sa kanya at sinimulan siyang kilitiin habang naglalakad sila papuntang kusina.

            Naghaharutan ang dalawa at napailing na nakangiti na lang si Ninang Girlie habang pumapanhik papuntang kwarto para magbihis.  Muli itong napalingon nung makarining ng isang malakas na pagtili sabay iko’t mata dahil ang tiling iyon ay galing sa kasambahay na si Ate Angie na malamang sobrang nagalak din nang makita si Samuelle.  Nung umalis ang pamilya ni Samuelle ay kinuha na rin ni Ninang Girlie si Ate Angie para sa kanila na maninilbihan.

           

            “Hoy!”

            “Kuya talaga kahit kailan.” Nakangiting sambit ni Samuelle pero bumuntunghininga ito at nakatinging diretso sa isang direksyon.

            “Brat, pwede ba huwag mo na akong tawaging Kuya.    Seriously!  Pahiram ng linya ni Robert ha pero sumasakit ang likod ko everytime you call me that.  Aray ko!”

            Napahalakhak si Devin dahil bigla itong pinalo ni Samuelle sa braso na nakagawian na rin niyang gawin nung mga bata pa sila.  Pero sandali lang ang ngiting iyon ni Samuelle dahil muling nitong tinititigan ang isang direksyon at bumuntunghininga at tumingala na tila ba nagpipigil umiyak.

            “Hey, are you alright?”

            Pinahiran ni Samuelle ang namumuong mga luha at napangiti habang ginagawa iyon pero di pa rin nakalampas kay Devin ang daloy ng mga luha ng dalaga kaya inakbayan siya nito at inalo.

            “What’s wrong?”

            Suminghot muna si Samuelle bago sumagot kay Devin.

            “Wala Kuy… Devin… nakakailang naman ang tawag ko sayo.  Nasasanay na ako ng Kuya eh.  Ah basta pag kasama ang mga friends ko promise di kita tatawaging kuya.  Wala… namimiss ko lang ang dating bahay namin.  I wonder kung sino kaya ang nakatira diyan ngayon at kung inaalagaan pa rin ba.”

            “Don’t worry Brat, it is well taken cared of.”

            “Mukha nga Kuya kasi maganda pa rin.  Sino pala nakabili ng bahay namin?”

            Hinawakan siya ni Devin at hinila papunta sa dating bahay.

            “Ano ba Kuya, saan mo ako dadalhin?” nagpapanic si Samuelle dahil nahuhulaan niyang dadalhin siya ni Devin sa kabilang bahay.

            “Gusto mong malaman kung sino ang nakatira sa dating niyong bahay di ba?  Halika ipapakilala kita sa may-ari.”

            “Kuya! No!!! Ano ba!  Nakakahiya!”

            Pero bago pa mapigilan ni Samuelle si Devin ay nakapasok na sila sa bahay at laglag panga si Samuelle dahil kung anong ayos meron nung nilisan nila ang Pilipinas ay ganun pa rin except that the furnitures are re-upholtered.

            “Welcome to my humble abode!”

            “What?  You mean sa’yo na ang bahay namin dati?”

            “Yup!”

            “Wow!  Awesome!”

            Parang batang napapalakpak sa galak si Samuelle at akmang aakyat sa hagdanan nila nung marinig na nila ang pagtawag ni Ninang Girlie sa kanilang dalawa.

            “Nasaan na ba kasi ang mga bata Angie?”

            “Si Ate talaga.  Bata pa ba ang mga iyan eh pwede na ngang gumawa ng bata ang mga yan eh.” Pilosopong pabirong sagot naman ni Ate Angie kay Ninang Girlie.

            “Angie ha! Mababatukan kita diyan eh.  O ano, tara na mga anak?”

            Parehong napangiti sina Devin at Samuelle sa hiritan ng dalawa at sabay sabay na silang lahat na sumakay sa kotse ni Devin.


           
            “Bakit hindi ka sa amin tumuloy Sam?  You are always welcome to stay with us Iha.”

            “I know Ninang.  I’m staying with my friend Arianne po.  She’s my schoolmate and friend.”

            Nakilala ni Samuelle si Arianne sa Canada dahil pumapasok sila sa iisang paaralan.  Bagama’t di sila magkaklase ay naging magkaibigan sila nung minsang pareho silang sumali sa isang fashion show ng school.  Mas lalo silang naging close nung malamang pareho pala silang pinay.  Simula nung event na iyon ay lagi na silang magkasama at nakatuwaang sumali sa mga local fashion show sa lugar nila.

            May pinsan si Arianne na isang designer at magkakaroon ng fashion show sa susunod na buwan kaya hinikayat siya agad ng kaibigan na sumali sila at para na rin masubukan ang modeling industry ng Pinas total ay magbabakasyon na rin naman daw sila sa Pilipinas.

            “Are you really serious of this modeling thing Sam?  I mean don’t you want to find a more stable job?” Di napigilang itanong sa kanya ni Ninang Girlie.

            Tahimik lang si Devin na nakikinig sa pag-uusap nilang dalawa ng pangalawang ina.

            “Ninang, gusto ko lang munang subukan mag model.  I’ve been doing this in Canada already.  Sayang din kasi ang opportunity lalo na’t personal na kilala ni Arianne ang designer so we don’t have to go thru casting.”

            “Iho, di ba si Robert ay nasa advertising?  Maybe pwede mong erecommend si Samuelle sa kanila at baka kailangan nila ng model eh di si Samuelle na lang.  Maganda na at mabait pa.”

            “Sure Mom.”

            “Pero Iha, mas kampante pa rin ako kung sa amin ka titira.  Saan ba kayo nakatira ngayon ng friend mo?”

            “We are staying with her cousin na gay Ninang.  Siya din yung designer kung saan kami magmomodel.”

            “Ganun ba?  Can you tell your friend na sa amin ka na titira?  Mamili ka lang where you want to stay.  You can stay with me or stay in your old room.  Nung pinarenovate namin ang old house niyo ay di ko pinagalaw ang room mo.  Lahat nandun pa din pati kama mo kaya please anak, dito ka na lang sa amin.  Mas kampante kasi ako eh.” Hinawakan pa ni Ninang Girlie ang kamay niya to convince her.

            Nagkatinginan silang dalawa ni Devin at kinikindat-kindatan pa siya ng huli na para bang sinasabi nitong “I told you so”.  Nung nagkita kasi sila ay sinabihan na din siya ni Devin na sa kanila na tumuloy pero ayaw niya.

            Ngumiti si Samuelle sa ninang niya at mahinang tumango.  Sa sobrang ligaya ni Ninang Girlie ay niyakap nito ang inaanak at nagsimulang magdial sa telepono at maya lang ng konti ay kausap na nito ang ina ni Samuelle na si Rachel at ibinalita ditong sa kanila na titira si Samuelle sa durasyon ng bakasyon nito sa Pilipinas.

            “And may I add pala, Devin, Samuelle will still be your responsibility ok?”

            “Not again Mom!” exaggerated na sambit ni Devin na nanlaki pa ang mata na tila nagulat at parang may yamot pa na tunog ang boses.

            Maging si Samuelle ay nanlaki din bigla ang mata at naalala ang lagi niyang pagbuntot sa kinakapatid dati na nagdudulot ng kanilang mga hidwaan.

            “I can take care of myself Ninang.  Huwag niyo na po abalahin si Kuya Devin on this.  He’s a busy guy.” Todo-tangi talaga ni Samuelle sa sinabi ni Ninang Girlie.

            “Brat, paano yan, seems that you’ll be stuck with me.” At kinikindat-kindatan pa siya nito.

            Biglang nahimasmasan si Samuelle nung matantong nagbibiro lang pala si Devin kanina sa reaction nito dahil nakikita niyang nakangiti na ito sa kanya.

            “It’s ok Kuya.  Really.  I’m old enough to take care of myself.”

            “Let’s see about that.” At tinaasan siya ng kilay nito at iminuwestra pang ala Robert de Niro na sa Meet the Fockers na parang sinasabing “I’m watching you”.

            Ikot-mata lang din ang sinagot ni Samuelle sa kinakapatid.


Chapter Six:

            Napagpasyahan ni Samuelle na sa dating bahay nila siya tutuloy kaya silang dalawa lang ni Devin sa bahay na iyon.  Okupado ni Devin ang master’s bedroom samantala siya naman ay nasa dati niyang silid. 

            Laging gulat niya nung pagbungad niya dating kwarto at nandun ang purple na unggoy na stuff toy na pinangalanan niyang si SamVin.  Bigay ito sa kanya ni Devin nung nag 10 years old siya at lagi niya iyong kasama sa pagtulog.

            “SamVin!” Tili ni Samuelle sabay takbo at niyakap ang malaking ubeng unggoy.

            “Nakita ko yan sa attic na nakabalot sa plastic.  Kawawa nga eh kaya nung sinabi mong dito ka na titira ulit eh binaba ko na at baka kako namimiss mo.”

            “Hay nako miss na miss ko na ito.  Too bad that hindi ako pinayagan ni Mommy na dalhin ito sa Canada but starting today, katabi ko na ulit ito matulog.”

            Masaya nilang binalikan ang mga hindi makakalimutang pangyayari nung binigay ni Devin ang stuff toy sa kanya ilang taon ng nakalipas.

            “Brat, close your eyes!”

            “Why?”

            “Ang dami pang tanong eh.  Sabing pikit-mata na!”

            “Why nga eh?”

            “Ta mo to.  Kung ayaw mong pumikit eh di ko na ibibigay ito sayo.” At akmang magwawalk-out na si Devin pero pinigilan ito ni Samuelle.

            “Pipikit na Kuya.  Sige na po.” At mabilis na ipinikit ni Samuelle ang mga mata pero sumilip-silip ito.

            “Ang daya mo.  Pikit!”

            “Oo na!  Sungit nito.” At para makumbinsi si Devin ay hindi lang ipinikit ni Samulle ang mga mata kundi tinakpan pa nito ng kamay.

            “Nandyan na?”

            “Teka lang!  Huwag kang mandaya.  Pikit sabi.  Ang kulit mo!”

            At dahil sa kakulitan ni Samuelle ay ginamit na ni Devin ang isang kamay para takpan ang mata ng batang Samuelle.

            “Aray Kuya.  It’s ouchy naman eh!!!!” Hindi napigilan ng bratinellang Samuelle ang magcomplain dahil talagang sinadya ni Devin na diinan ang pagtakip ng mata ng huli para asarin ito.

            “Huwag ka kasing makulit eh.  At the count of 3 buksan mo yun mata mo ha.”

            “1… 2… 3!” sabay tanggal ng kamay sa mata ni Samuelle.

            Malakas na tumili si Samuelle dahil sa gulat at hinabol pa ng sampal si Devin.  Nagulat kasi ito dahil pagkabukas ng mata ay isang malaking mukha ng unggoy ang nakatunghay sa kanya. 

            Tawa ng tawa si Devin habang hinahabol ni Samuelle na as usual ay di na naman makatakbo ng maayos dahil sa sapatos na suot.  Isang bejeweled pink shoes na may takong pa.  Sa kakatakbo nila ay nadapa na naman ang Samuelle na malimit mangyari.

            “Hay nako kahit kelan talaga.  Kasi naman gamit ng gamit ng may takong na sapatos eh.” Sambit ni Devin habang tinutulungang tumayo ang nadapang si Samuelle.  Buti na lang nasa kwarto sila ng huli at duon sa carpet nadapa si Samuelle dahil pagnagkataon ay galus na naman ang aabutin nito.

            “Ito na o.  Gift ko para sa birthday mo next week.” Sabay abot ni Devin ng stuff toy na kulay purple na unggoy kay Samuelle.

            Tahimik na tinggap ni Samuelle ang unggoy at niyakap.  Naka-upo si Samuelle sa may kama at tinabihan siya ni Devin.

            “You like it?”

            Tumango si Samuelle at masususing tiningnan ang bagong regalo bago niyakap na muli.

            “Ano pala name niya Kuya?”

            “Ikaw na ang bahala.  Ano ba gusto mong ipangalan?”

            Nag-iisip sandali si Samuelle tapos bigla itong napangiti tanda ng may naisip na ipapangalan sa stuff toy.

            “I’m gonna name him SAMVIN!”

            “What! Anong klaseng name yan!”

            “Kuya, SamVin… it’s a combination of our names.” Nakangiting sambit ni Samuelle.

            “Eeeewwww baduy!!!!”

            “Eeeeewwww arte mo!” tumulis na ang nguso ni Samuelle dahil sineryoso niya ang pagsabi ng baduy ng kinakapatid at nasaktan siya dahil dun.

            Napansin ni Devin kaya sinimulan nitong kilitiin si Samuelle habang sinasabihang baduy.  Ang nanunulis na nguso ng huli ay unti-unting napalitan ng halakhak.  Maya-maya lang ay naging seryoso si Devin.

            “Brat, sige na nga, SamVin it is.  Simula ngayon, itong unggoy na alaga mo ang magiging bantay mo pagwala ako.  Alagaan mo ito ha.”

            “Yes Kuya!”

            Lagi silang ganun ni Devin, meron silang ceasefire moment pero malimit ang asaran kesa sa ceasefire dahil na rin sa kakulitan ni Samuelle at pagkabratinella niya at si Devin naman ay masyadong maiksi ang pasensya. Palibhasa ay solong anak pareho.

           
           
            “Where do you think you’re going?”

            “Obvious ba?”

            “Wearing that?” sabay hagod nito ng tingin kay Samuelle na naka miniskirt at backless blouse

            “What’s wrong with what I’m wearing ba?  Kuya, bar po ang pupuntahan namin, alangan namang naka-abito ako dun!  Geez!!!” 

            “Sino ang kasama mo at saan kayo pupunta?”

            “Hala OA ka na masyado ha.  Teka, is this some kinda payback for pestering you when we were younger ha?”

            Natigilan si Devin sa sinabi ni Samuelle pero dahil din sa sinabi nito ay nagka ideya siya sa rason ng pagbuntot niya rito.

            “Exactly!  And yes this is payback time Brat.  Remember kung ano ang ibinilin ni Mommy… ako ang guardia sibil mo!”

            “You’re crazy Kuya.  Ceasefire na tayo dun sa nangyari dati.  Kaya I go my way, you go yours ok?”

            “No way!  It’s either you stay or we’ll go!” matigas na sambit ni Devin bagama’t nakangiti naman ito.

            “Hinahamon mo ako?”

            “Yes!”

            “Fine eh di huwag ng umalis!”

            Devin is starting to get into her nerves.  Nung una ay nagugustuhan ni Samuelle ang pagkaprotective ng kinakapatid pero nitong huli ay para na siyang nasasakal.  Kasi parang gusto nitong laging nakadikit sa kanya.


            “Mom, you wouldn’t let go to Boracay alone aren’t you?”

            “Kuya!” pinandidilatan niya ito pero kung dati ay inaasar lang siya nito pero sa pagkakataong ito ay tila seryoso talaga sa pagtatanong sa ina nung magpaalam si Samuelle na sasama sa mga kaibigan sa Boracay.

            “Sam anak, tama ang Kuya Devin mo.  It might be dangerous for you to go to Boracay alone.”

            “Ninang, I will not be alone.  Kasama ko ang mga friends ko and my fellow models.  And besides, matanda na po.  I’m turning 23 this year remember?  Kuya, OA ka na!”

            Yung huling tinuran ni Samuelle ay may himig na pagbibiro pero napawi ang ngiti niya nung mapansing di pa rin ngumingiti ang kinakapatid.

            “Seriously Ninang, I’ll be fine.  Kasama ko naman po si Arianne.”

            Pero hinawakan lang ni Ninang Girlie ang kanyang kamay at sinabihan pa din siyang di papayagang umalis.


            “Seriously girl, may bantay ka na naman?  Eh parang sa lahat ng lakad natin kasama mo lagi yan ah.” Sabay nguso ni Arianne kay Devin na tahimik lang na nakamasid sa kanilang magkaibigan.

            Kibit-balikat lang ang isinagot ni Samuelle sa kaibigan.  Wala siyang pagpipilian, it’s either she will let Devin go with her or she’ll stay home and sulk.  Mas pinili niya ang unang option dahil kahit ba parang gwardyang laging nakabantay sa kanya si Devin eh hinahayaan din naman siya nitong mag-enjoy.  She just doesn’t feel comfortable on it na may laging naghihintay at namamasid sa bawat galaw niya.

            “Nakakahalata na ako friend ah, parang iba na ang ginagawang pagguguard ng Kuya Devin mo sayo ah.” May diin ang pagkakabigkas ni Arianne ng Kuya Devin at may gusto itong ipapahiwatig sa kanya.

            “Ano ka ba, natural lang yun kasi iniwan kasi ako ni Mommy sa kanya.  He’s just an overprotective “big brother”.”

            “Are you trying to convince me or you’re trying to convince yourself of that logic?”

            Biglang natameme si Samuelle sa tanong ng kaibigan.

            “See!  Pati ikaw ay natameme.  Or maybe you’re enjoying his attention too.”

            “What?”

            “Asus… pero sige na nga whatever!” ikot-mata na lang ang naging reaksyon ni Arianne sa kaibigan.

           
            Nung unang sumama si Devin sa lakad nina Samuelle ay buong akala niya ay meron itong nagugustuhan sa isa sa mga kaibigan niya.

            “Kuya, do you like any of my friends?”

            Ngumiti lang si Devin at di sumagot.

            “Is it Arianne?  Kazel?  Valeriemae?” Lahat na ata ng pangalan ng kaibigan niya ay nabigkas na pero ni isa ay walang kinumpirma si Devin.

            “Kuya naman eh!”

            “What?”

            “Sino ba sa mga friends ko ang gusto mo?”

            “Secret!”

            “Kuya!”

            “Akin na lang iyon Brat but what’s more important is ikaw.  Gusto kitang bantayan.”

            “Me?  Why me?”

            “Payback time!” And he grinned to her while saying it.

            “Yeah right!” Taas kilay niyang sambit.

            Pero sa halip na sumagot ay nag-astang Robert de Niro na naman si Devin at binigyan siya ng “I am watching you” look.

           
            May isa pang pagkakataong sumama pa din si Devin sa kanya sa lakad pa rin nila ng kaibigan at dun niya unang nakilala si Josef.  Medyo dumidiskarte si Josef sa kanya pero nung matununugan ito ni Devin ay hindi na ito humiwalay sa kanya kahit ilang beses niya itong sinabihang dumistansya ng kaunti dahil type din naman niya si Josef sana pero isang taas kilay lang ang isinasagot nito sa tuwina.

            Nung gabing iyon ay napakamot na lang si Joseph dahil hindi na ito nakaporma sa kanya.  Muli lang itong nakaporma ng kaunti nung kausapin niya ang bestfriend ni Devin na si Robert na edistruct sandal ang atensyon nito para naman makakapag-usap sila ni Josef kahit papaano.

            Pero nung pauwi na sila ay di siya kinibo nito kahit ilang beses niya itong pilit kinakausap.  Nagsorry na siya’t lahat pero hindi pa rin siya kinibo nito.  Ilang araw din siyang hindi nito kinakausap hanggang wala na siyang pagpipilian kundi isumbong ito sa kanyang Ninang Girlie.

            Gaya ng inaasahan ay kinausap ng ina ang anak pero sa halip na sermunan ito ng ina at papanigan siya ay siya pa ang nasermunan nito at sa unang pagkakataon ay kay Devin kumampi si Ninang Girlie.

            “Anak, tama naman din ang Kuya Devin mo.  Bagong kakilala mo pa lang yang si Josef di ba?  Kung pwede sa Canada ang ligawan sa ibang lugar pero dito sa atin, ang panliligaw ay dapat ginagawa dito sa bahay.  Sabihan mo na lang si Josef na pormal na umakyat ng ligaw para wala ng gulo ok?” Suhestiyon ni Ninang Girlie sa kanya.

            Ginawa nag ni Samuelle ang suhestiyong ng pangalawang ina at inimbita si Josef sa bahay pero gayun pa rin ang pakikitungo ni Devin dito.  Mas masaklap pa ay nakatambay din ito kung saan sila naroroon at nung nagpaalam siya na sa garden na lang sila ay hindi siya pinayagan nito at sinabihang ipagpatuloy ang pag-uusap at kung ayaw man ay mas mabuti pang pauwiin na lang nito ang bisita.

            Ngitngit na ngit na si Samuelle sa ginawa ni Devin nung mga oras na iyon at mas lalo siyang napikon nung matulog ito sa salas at naghihilik pa.

            “Josef, pasensya ka na ha.  May gwardia sibil kasi ako na daig pa yung guard ni Rizal sa Luneta.  I’ll text you na lang later ha.  Pasensyan na talaga.” Paghingi ni Samuelle ng paumanhin sa bisita nung ihatid niya ito sa gate.  Medyo tumagal ang usapan nila sa gate at bigla na lang nanlaki ang mga mata ni Samuelle nung makitang papalapit na sa kanila si Devin.

            “Kuya, what are you doing?” Pigil at nasa mababang tono ang pananalita ni Samuelle.

            “Aalis na siya di ba kaya ikakandado ko na ang pintuan.  Pare, it’s kinda late at maaga pa ang call time nitong si Samuelle bukas so ok lang ba kung umalis ka na?”

            Nagsukatan ng tingin ang dalawang lalaki at si Samuelle ay kinakabahan na sa maaring mangyari kaya sinang-ayunan na lang niya ang sinabi ni Devin kaya magalang na nagpaalam na rin si Josef.

            Pagkaalis ng bisita ay nanlilisik sa galit ang mga mata ni Samuelle at matapos ikandado ni Devin ang pinto ay hindi na nakapagpigil si Samuelle at pinalo ang braso ng kinakapatid sa gigil.

            “You ruined my night!”

            “Stop it!  Ouch!  I said stop it!”

            Natigilan si Samuelle dahil hinawakan ni Devin ang pareho niyang kamay.  Sa inis ay hinablot niya ito at biglang tinalikuran ang binata at nagmartsa pabalik ng bahay at mabigat ang mga yabag na pumanhik sa kwarto at binalibag ang pintuan at malakas na isinara.

            Pagka-alis ni Samuelle at napangiti naman si Devin at nagmuwestra pa ito sabay malakas na sabing “YES!” na hudyat ng pagtatagumpay. 

            Mabilis na pumasok si Devin sa loob ng bahay at inaakala nito na nasa loob pa ng sala si Samuelle pero nagulat siya nung mabisitang wala na ito.  Narinig na lang niya ang padabog na pagsara ng pintuan kaya hula nito ay nasa kwarto na si Samuelle.

            Inaamin din naman niya sa sarili that he went overboard kanina but ang rason niya ay ginampanan lang niya ang pangako sa ina na babantayan si Samuelle.

            Pumasok si Devin sa kusina at kumuha ng dalawang mangkok at inilabas ang ice cream na nasa ref.  Sumandok ng ilang scoop ng ice cream at binitbit ang mangkok at pumanhik patungo sa kwarto ni Samuelle at kumatok.

            “Go away you jerk!” Sigaw ni Samuelle pagkarinig ng katok.

            Pero sige pa rin sa pagkatok si Devin at kinukulit ang kinakapatid hanggang mapilitan itong magbukas ng pintuan.

            Naririnig ni ang gigil na pag-ungol ni Samuelle at mga padabog na yabag nito kaya hula ni Devin ay patayo na ito para buksan ang pintuan.

            “  What do you want?” Sigaw ni Samuelle nung buksan na nito ang pintuan.

            Sa halip na sumagot ay inabot lang nito ang hawak na mangkok na may ice cream sa kanya at nginitian pa siya ng ubod ng tamis.

            Pero dahil galit na galit si Samuelle ay di nito tinanggap ang inalok na ice cream bagkus ay nakapameywang ito at abot ang kilay na hinarap lang si Devin.

            “Brat, com’mon… I was just doing what I promised Mom.  Don’t feel bad about it.  Tanggapin mo na ang ice cream para lumamig ang ulo mo.  Here…”

            Pero ayaw pa rin tanggapin ni Samuelle at nanulis na ang mga nguso nito dahil pa rin sa galit.

            “Ok.  So patigasan na pala tayo ngayon ha.  Pwes, until the time that you are ready to leave my house then that’s the time I’ll be out of your life for good.” At mabilis siya nitong tinalikuran matapos ilapag ang hawak na mangkok sa sahig at iniwan.

            Natigilan si Samuelle sa sinabi at naging reaksyon ni Devin.  Can she really afford na tuluyang magalit sa kanya ang lalaki?  Mabilis na pinulot ang mangkok at nagmamadaling bumaba ng hagdanan at tumungo sa kusina.

            Nakikita niyang kumakain ng ice cream mag-isa si Devin kaya umupo siya sa kabisera nito at nagsimula na ring kumain.

            Tamihik silang dalawa at tanging mga kalansi lang ng kubyertos ang naririnig. Ilang sandal pa ang nakakalipas at di na talaga kayang tiisin ni Samuelle ang katahimikan kaya siya na mismo ang nagpakumbaba at kinausap ang kinakapatid.

            “Kuys, sorry na.  Huy, bati na tayo.”  Inabot niya ang kamay para hawakan si Devin pero inilayo nito ang braso sa kanya.

            “Kuya naman eh!  Sorry na nga sabi eh!” Bumalik yung pagkabratinella niya at sinigawan ito.

            “O ngayon ikaw na ang nagososorry.  Para sa kabutihan mo naman ang ginagawa ko tapos ako pa tawagin mong jerk.”  May bahid na pagtatampo ang boses ni Devin.

            “Sorry na nga po eh.”

            “Sincere ka ba?”

            “Kuya!  You’re enjoying this so much ano???” gigil na sambit ni Samuelle nung mapansin ang pagpipigil ng tawa ni Devin kaya pinalo na naman niya ito ng pinalo.

            Tuluyan ng napabahakhak ng tawa si Devin habang umiiwas sa mga palo ni Samuelle at masaya nilang inubos ang kinakaing ice cream habang wala pa ring humpay ang kulitan sa isa’t-isa.

           
            Naputol ang pag-balik tanaw ni Samuelle nung marinig ang pagtunog ng cellphone.  Mabilis niya itong sinagot nung makitang si Josef ang tumatawag.        

            “I’m so sorry Josef, I’ll meet you in the bar na lang.  Devin is taking me there.  I’ll see you in a while.”
           
            Malapad ang ngiti ni Devin habang nagdidrive at nakikitang nitong nahihirapang mag-explain sa kausap si Samuelle na huwag na itong sunduin.  She was supposed to have a date with Josef at susunduin sa bahay pero hindi siya pinapaalis ni Devin hangga’t hindi ito kasama.  Ang rason nito ay kargo daw siya nito gaya ng sabi ng ina.

            “Are you happy now?” sarkastikong sambit niya nung makita ang malapad na ngiti ng kinakapatid.

            “Better.”

            “Grrrrr!!!! Nakakaloka ka na Kuya Devin talaga!”

            “Now you know how I felt before Brat.  This is payback time.”

            “Whatever!”


            Pagdating nila sa bar ay nandun na ang date niyang si Josef.  Hindi maipinta ang mukha nito nung mapasino ang kasama niya.

            “You have a guard dog?” pabulong na tanong nito sa kanya.

            Natawa si Samuelle at pinalo si Josef at niyaya na ito sa table nila kasama ng mga kaibigan.  Si Devin naman ay sinusundan lang sila ng tingin pero hindi ito nakangiti.  Seryoso ang mukha habang umiinom ng beer sa bar.  Hindi ito sumama sa grupo nina Samuelle at mag-isang umiinum na may bar pero gayun pa man ay hindi hinihiwalay ang tingin sa binabantayan.

            Maging si Samuelle ay tila nakoconscious na din na binabantayan siya ni Devin kaya lumapit ito sa kinakapatid.

            “Are you alright?”

            “Why are you asking?”

            “Bakit suplado ka?”

            “Why are you asking if I’m alright?” ulit ni Devin sa tanong nito kanina.

            Bumuntunghininga si Samuelle bago sumagot.

            “Magpapaalam lang ako sa kanila.  Uwi na tayo.”

            Hindi kinontra ni Devin ang sinasabi ni Samuelle at binayaran nito ang ininum at hinintay si Samuelle na nagpapaalam sa mga kaibigan.

            Natanto ni Devin na puro pagprotesta ang sinasabi ng mga kaibigan ni Samuelle basi sa expresyon ng mga ito sa mukha.  Si Josef man ay tila kinukumbinsi din si Samuelle na huwag munang umalis pero makikita din ang pag-iling ni Samuelle.  Medyo tipsy na ata si Josef kaya pilit nitong pinapirmi si Samuelle na ang huli naman ay nagpipilit kumawala sa hawak nito.

            Iba ang naging interpretasyon ni Devin sa nakikitang aksyon nina Samuelle at Josef kaya dali-dali itong lumapit sa mesa nina Samuelle.

            “May problema ba?”

            “Bro, I’m just asking Sam to stay.”

            “Kuya, ok lang.  Sige Josef, I’ll go ahead.”

            “No, please stay Sam.  I’ll take you home.”

            “Let go!” matigas na sambit ni Devin kay Josef para bitawan nito ang dalaga.

            Pero hindi pinapansin ni Josef ang sinabi ni Devin at sige pa rin ito sa pangungulit kay Samuelle at mas humigpit pa ang hawak nito sa braso ng dalaga kaya tinulak ito ni Devin at nawalan ng balanse at napasalumpak sa sahig kasabay ng pagkabasag ng ilang bote na nasa mesa na nahawakan naman nito at kasambang natumba.

            Hinawakan ni Devin si Samuelle sa kamay at hinila palabas ng bar pero bago pa sila makalayo ay nakatayo si Josef at sinungaban nito si Devin mula sa likod kaya nadapa din ito.  Nakabawi si Devin kaya nagpangbuno ang dalawang lalaki habang si Samuelle at mga kaibigan nito ay pilit silang pinaghihiwalay.

            Sa wakas ay nahawakan na pareho sina Devin at Josef at parehong may dugo ang mga labi at nagsukatan ng tingin. 

            “We’re going na.  I’m really sorry guys for what happened.” Paghingi ng paumanhin ni Samuelle sa mga kasamahan at mabilis na hinila si Devin palayo sa lugar.

            Paglabas nila sa pintuan ng bar ay taas baba ang paghinga ni Samuelle tanda ng pagpipigil ng galit sa kasama.

            Pinahiran ni Devin ang dugo sa labi nito at dumura para mailabas pa ang ibang dugo na nasa bibig.  Parang nahimasmasan ng konti si Samuelle at dali-daling kumuha ng tissue sa loob ng bag para pahiran ang sugat ni Devin pero umiwas si Devin at ayaw pahawakan ang sugat.

            “Ano ka ba!  Dumudugo ang labi mo kaya pwede pahiran ko?” pagtataray ni Samuelle.

            Natameme si Devin kaya hinayaang pahiran ni Samuelle ang putok na labi.  Pagkadampi ng tissue ay napa-igtad at napa-aray pa ito at napamura dahil sa nadamang sakit.

            “Aray!  Dahan-dahan naman.  Galit ka ata at ang sugat ko ang pinagdiskitahan mo.”

            “Good for you!  Napakawar freak mo kasi!” may diin pa ding sambit ni Samuelle.

            Naglalakad sila papunta kung saan naka park si Devin pero hawak hawak pa rin ni Samuelle ang tissue na lagi niyang dinadampi sa putok na bibig ni Devin.

            Matapos buksan ni Devin ang kotse ay mabilis sila parehong pumasok.  Pagkapasok ni Samuelle ay agad agad itong kumuha ng tissue at binuksan ang compartment ni Devin at kumuha ng alchohol at binuhusan nito ang hawak na tissue.

            “Aray!” sigaw ni Devin nung walang sabing dinampi ni Samuelle ang tissue na binuhusan ng alchohol.

            “Magsabi naman para makahanda yung tao!” pulang pula si Devin at nanggagalaiti dahil sa inis.

            Hindi sumagot si Samuelle pero hindi rin nakalagpas kay Devin ang pagngiti niya ng palihim.

            Sa inis ni Devin ay hinawi nito ang kamay ni Samuelle.  Pero pinandidilatan lang ito ni Samuelle at muling ibinalik ang tissue sa bibig niya at muling napaigtad si Devin dahil sa hapdi.

            “Yan ang napala sa taong war freak!”

            Muling hinawi ni Devin ang kamay ni Samuelle at namumula pa rin ito sa galit.

            “Ikaw na nga ang pinagtanggol ako pa ang war freak.  You’re welcome ha.” Sarkastikong sambit ni Devin.

            “Bakit, sinabi ko bang ipagtanggol mo ako?  Tsaka wala naman ginagawa si Josef sa akin ah.”

            “Walang ginawa eh sinasaktan ka nung tao.  You were struggling and he is not letting you go.”

            “Pero mali pa rin na tinulak mo siya.”

            “At sa lagay na yan ay ako pa ang mali ha.” Inabot ni Devin ang knob ng pinto sa passenger side at binuksan ito.  “Kung ako pala ang mali, ayan bumaba ka at bumalik dun at wala na akong pakialam kung mapapahamak ka man.  Baba!”


           
Chapter Seven:

            Diretsong pumasok sa kusina si Devin at binuksan ang ref at kumuha ng isang malamig na San Mig Light at binuksan iyon at tumungga.  Isang malaking lagok ang ginawa nito at biglang nangalahati ang beer na hawak.  Maya lang ay idinampi nito ang malamig na beer sa bibig na namamaga.

            “Hindi ka talaga nag-iisip.  Baka ma-infect yang sugat mo dahil madumi yang beer na hawak mo.  Here use this.” Litanya ni Samuelle habang inaabot sa kanya ang ice bag na may lamang ice.

            Hindi siya kinibo ni Devin at muling lumagok ng beer at muling dinampi ang beer sa bibig.

            Bumuntunghininga si Samuelle at inilapag ang bitbit na ice bag sa mesa at mabilis na tinalikuran sa Devin.  Nagdadabog itong umakyat ng hagdanan papunta sa kwarto niya at pabalibag na isinara ang pintuan.

            Sinundan lang ni Devin ng tingin ang dalaga at nung matantong nakapasok na ng kwarto si Samuelle ay saka nito kinuha ang ice bag at idinampi sa bibig.  Muling nagbukas ng isa pa ng beer at dinala ito sa sala at tahimik na umiinum habang nanunuod ng basketball.  Dinampi dampi pa rin nito ang hawak na icebag sa bibig.

            Muling bumukas ang pintuan ng kwarto ni Samuelle at bumaba ang babae na nakashorts na ng maiksi at nakasandong puti.  Hindi naiwasang sundan ng tingin ni Devin ang babae unconsciously.

            Meron itong mahaba at magandang hubog na mga binti at maliliit at firm na mga braso.  Nakataas na ang mahabang buhok nito kaya na-aninag niya ang makinis nitong batok.  Muling bumaba ang tingin ni Devin at napadako ang tingin niya sa sakto lang na hubog ng hinaharap ni Samuelle.

            May biglang nabuhay sa katawan ni Devin at dali-dali nitong kinuha ang isa sa mga throw pillows at ipinatong iyon sa bahaging nagsalute na parte ng katawan para dismulado dahil papalapit si Samuelle sa kanya na may bitbit na mga gamot.

            Walang imik na tumabi si Samuelle kay Devin at sinimulang gamutin ang mga sugat nito.  Napa-igtad ulit si Devin nung dumampi ang bulak na may betadine sa sugat nito.  Pareho silang nagulat sa pag-igtad na iyon ni Devin.

            Pero ni isa sa kanila ay wala pa ring kumibo.  Tahimik lang na ginagamot ni Samuelle ang sugat ni Devin habang si Devin naman ay masusing tinititigan si Samuelle. 

            Dahil sa pagkokonsentrate sa pagamot kay Devin ay di napapansin ni Samuelle ang titig nito sa kanya.  Wala pa rin silang kibuan ang dalawa hanggang matapos gamutin ng dalaga si Devin.

            Akmang tatayo na si Samuelle nung hawakan ni Devin ang kanyang kamay kaya muli siyang napaupo.

            “Thank you.” Mahinang sambit nito.

            Tumango lang si Samuelle at muling tumayo para pumunta sa kusina para itapon ang mga bulak na ginamit at para na rin maghugas ng kamay.

            Umayos ng upo si Devin na kanina ay nakasalampak na nakaupo sa sofa at tila nag-iisip.  Maya-maya lang ay mabilis itong tumayo at sinundan ang direksyon ni Samuelle.

            Kasalukuyang naghuhugas ng kamay si Samuelle sa may lababo at dahan-dahang lumapit si Devin dito hanggang wala pang isang metro na lang ang nalalabing pagitan nilang dalawa.

            Pagkaharap ni Samuelle ay nagulat ito sa bulto na nakaharang sa kanyang daanan.

            “Ano ba, bakit ka nang gugu…”

            Pero hindi na natapos ni Samuelle ang sasabihin dahil sinelyuhan na ni Devin ang bibig nitong nakaawang.

            Devin’s kiss was sweet and passionate at first pero nung mapansin ang hindi pagtugun ni Samuelle ay mas lalo nitong nilaliman ang halik sa dalaga.

            Hindi alintana ni Devin ang sugat sa bibig dahil hilong-hilong na ito sa paghalik sa kanya.  Mas lalo pa itong nabaliw nung mapansin ang pagtugun ni Samuelle sa mga halik nito. 

            Kung kanina ay may isang metro pa ang kanilang pagitan ay ngayon ay parang gahibla na lang ng buhok ang espasyong naghihiwalay sa kanilang dalawa.  Hindi namalayan ni Samuelle na pumapapaikot na pala ang braso niya sa batok ni Devin habang ang mga kamay ng huli pumupulupot na din sa katawan niya.

            Mas lalong nilaliman ni Devin ang halik kay Samuelle and she has the sweetest lips ever.  Maraming naging girlfriend at flings si Devin pero this is the first time that he tasted the sweetest lips ever.  Parang marshmallow sa lambot ang bibig ni Samuelle at kahit na may bahid na amoy ng alak ang bibig ng dalaga ay batid ni Devin na mabango pa rin ang hininga ni Samuelle.

            Ang bibig ni Devin ay unti-unting bumababa.  Trailing kisses on Samuelle’s neck down to her bosom.  Hindi lang ang bibig nito ang naging abala kundi pati ang mga kamay nito sa pagdama ng katawan ni Samuelle.  Liyong-liyo din si Samuelle dahil sa sensasyong nadarama sa mga oras na iyon.

            Muling bumabaybay ang mga labi ni Devin pataas sa leeg hanggang muli nitong sinakop ang mga labi ni Samuelle.  He pressed his hard body towards hers to let her know the effects of her kisses on him.

            Nanlaki ang mga mata ni Samuelle nung maramdaman ang isang matigas na bagay na nakadiin sa bandang harapan niya.  Bigla siyang natigilan sa ginagawa.  Ang naging reaksyon ni Samuelle na iyon ay tila isang malamig na tubig na bumuhos kay Devin at naging realisasyon para dito sa nagawa sa kinakapatid.

            “Stop!” malakas na naitulak ni Devin ang gulat na gulat na si Samuelle.

            Kapwa habol nila ang mga hininga at wala pa ring imikan.  Mabilis na lumihis si Samuelle at tumakbo paakyat sa kanyang kwarto at mabilis na nilock ang pintuan.

            Samantala ay naiwang nakatayo lang si Devin sa kusina.  Pinalandas nito ang kamay sa buhok at lumapit sa lababo at naghilamus.  Bigla itong napangiwi nung muling maramdaman ang hapdi ng sugat sa bibig.  Muling kumuha ng isa pang bote ng beer at mabilis na tinungga iyon bottoms up kaya napadighay ito ng malakas pagkatapos simutin ang iniinom. 

            Nagsimula na itong pumanhik sa ikalawang palapag ng bahay at huminto sa tapat ng saradong pinto ng kwarto ni Samuelle.  Nakatayo lang ito ng ilang saglit at akmang kakatok pero nagbago ang isip at tumuloy sa sariling kwarto na nasa kabisera lang ng kwarto ni Samuelle.

           

            Habol ang hininga ni Samuelle matapos niyang mabilis na akyatin ang hagdanan at nagpapadaling ikinandado ang pintuan ng silid.  Taas-baba ang kanyang hininga habang nakasandal sa pintuan.

            Hindi niya alam kung paano magreact kanina dahil nabigla siya.  Muling niyang dinama ang bibig na hinalikan kanina ni Devin.  Nabigla siya pero pinagkanulo din siya ng sariling katawan dahil tumugon siya sa mga halik ni Devin.

            “Oh my God, he kissed me!” Paulit-ulit na sigaw ng kanyang isip habang taas-baba pa rin ang kanyang paghinga.

            Makailang beses ding naitanong ni Samuelle sa sarili sa napansing intensidad ng pagbabantay ni Devin sa kanya na tila mas matinik pa ata sa mga guardia sa monomento ni Rizal sa Luneta.  Dati iniisip niya na dahil nakapangako lang ito sa ina na babantayan siya kaya ganun ito.  Pero minsan naman ay sumagi sa isip niya na baka naghihiganti ito sa ginawa niyang pangungulit nito nung sila’y bata pa.  Pero gayun pa man ay hindi naiwasan ding isipin ni Samuel na baka ganun na lang ang pagbabantay ni Devin sa kanya dahil may gusto ito sa kanya.

            Pero ang nangyari kanina ay nagpapatibay ng kanyang hinala na ang panghuling iniisip ang siyang totoong rason kung bakit gayun na lang ito kung magbantay sa kanya.  May gusto sa kanya si Devin.  May gusto rin sa kanya si Devin!

            Dahil sa tinurang iyon ay napangiti si Samuelle at mabilis na lumapit sa kanyang dresser para tingnan ang sarili at napabulaghit bigla ng tawa nung makita ang sarili sa salamin.

            Ang kanyang puting-puting sando ay tila nagkaroon ng desenyong parang mga yellow na check marks.  Mga bakas iyon ng halik ni Devin kanina na kakalagay lang niya ng Betadine sa sugat nito sa bibig.

            Biglang namula si Samuelle nung muling maisip ang nangyari kanina lang.  Mabilis niyang hinubad ang suot na tank top at kumuha ng panibagong pampalit.  Matapos ang ritwales sa katawan ay pumailalim na siya sa comforter na sinubukang matulog.  Nakailang baling na siya pero di pa rin dalawin ng antok.  Paulit-ulit na bumabalik ang nangyari kanina at sa tuwina’y napapangiti siya.

            Sa kakabaling niya ay napansin niya ang cute na tila nakangiting ubeng unggoy na naka-upo sa may sulok ng kanyang kama.  Umupo si Samuelle at inabot ang unggoy at gigil na niyakap iyon at di pa nakuntento ay inginuso ang bibig sa gawing bibig na rin ng stuff toy. 

            “SamVin, ang yummy humalik ng daddy mo ha.  May sugat pa yan pero yum yum talaga.  I think your daddy loves me!  Do you think he loves me?”

            Parang batang kunyari pinatango ang stuff toy at parang sirang napangiti si Samuelle at biglang nag-aastang parang si Toni Gonzaga nung sabihin nitong I love you Piolo sa isang sikat na softdrinks commercial.

            “I love you Devin!” at muling mahigpit na niyakap ang walang kamalay-malay na laruan at makalipas lang ilang saglit ay mahimbing ng nakatulog si Samuelle na may ngiti sa labi.


            Samantala, dalawin-hindi ng antok si Devin at nanatiling nakatitig lang sa kisame ng kwarto.  Hindi ito makapaniwala sa nagawa kanina lang.  Sobrang laki ng epekto sa kanya ni Samuelle at bigla siyang nakalimut at nagawa ang di inaasahan.  Pinagsisihan ba niya ang nagawa kamakailan lang?  HINDI!

            She’s got the sweetest lips at gabundok na ang pagpigil ni Devin sa sarili kaninang katukin si Samuelle at muling kuyumusin ng halik ang malambot nitong mga labi. 

            Dahil sa isiping iyon ay muling nabuhay ang sundalo ni Devin at kung sa ibang pagkakataon siguro ay kumatok na siya sa kabilang kwarto at gawin ang magpapahupa sa init na nadarama sa mga sandaling iyon.

            Bumuntunghininga si Devin at pilit pinapakalma ang sarili at pinilit na rin ang sarili na makatulog.  Muling bumalik sa kanyang alaala ang paghalik kanina kay Samuelle at dahil dun ay nakatulog siyang may ngiti sa mga labi.



            Mahinang katok ng kanyang pinto ang nagpagising kay Samuelle.  Naalimpungatan siyang tumayo at kahit medyo nakapikit pa ang mga mata ay dahan-dahang binuksan ang pinto.

            Napasinghap siya nung mapasino ang kumakatok.  Si Devin at hubad baro ito at nakapajama lang at nakayapak na nakangiting nakatingin sa kanya.

            Akmang magsasalita si Samuelle pero bago pa mangyari iyon ay sinelyuhan ni Devin ang kanyang mga labi ng mga labi din nito.  Banayad ang halik nito sa kanya pero maya-maya lang ay naging magpaghanap na.  Hindi na napigilang muli ni Samuelle na tugunin iyon at dahil dun ay mabilis na nakapasok ng kwarto si Devin at isinara nito ang pintuan at pinangko siya nito at binitbit patungo sa kama na hindi man lang hinihiwalayan ang kanyang labi.

            Pagkalapag nito sa kanya sa kama ay kumumbabaw ito agad sa kanya at ang mga labi nito ay lumalandas na kanyang leeg hanggang sa kanyang balikat.  Dahan dahan din nitong pinalandas ang mga kamay hanggang sa dulo ng kanyang suot na sando at ito’y dahan-dahan inangat without letting go of her lips.

            Liyong-liyo na si Samuelle sa sensasyong nadarama sa sandaling iyon at di niya napigilan ang sariling mapaliyad nang sakupin ni Devin ang isa sa kanyang kambal.  Ang kanyang mga kamay na kanina ay nakapulupot lang sa leeg Devin ay nasa buhok na nito at mahinang sumasabunot dahil sa kiliting nadarama. 

            Hindi alintana ni Devin ang ginagawa ni Samuelle dahil abala ito sa ginagawa.  Binibigyan nito ng atensyon ang hinaharap ni Samuelle gamit ang mga labi habang ang dalawang kamay ay abala din sa pagdama sa iba pang kaselanan ni Samuelle.

            He can’t prolong the agony anymore at dahan dahan nitong ibinaba ang suot na short ni Samuelle kasama ng panloob nito at tumambad sa kanya ang pinakaingat-ingatang kayamanan ng dalaga at dun na nalipat ang atensyon ng kanyang mga labi.

            Nung mabatid ni Devin ang kahandaan ni Samuelle ay hindi na ito nagdalawang isip para pag-isahin ang kanilang katawan.  Tumayo ito na muntik ng ikaprotesta ni Samuelle pero panandalian lang pala yun nagtalop lang ito ng suot at muling bumalik sa pagkumbabaw sa kanya. 

            Samuelle let out a small cry when he first entered her.  Napangiti si Devin nung matuklasang ito pala ang naka-una kay Samuelle kahit na nanirahan pa siya sa ibang bansa ng labing-dalawang taon.  Gustong patigilin ni Samuelle si Devin dahil sa nadaramang sakit pero temporary lang pala yun dahil ang sakit ay napalitan na ng ibayong sarap habang kapwa sila sumasayaw sa makamundong tugtug.

            Makalipas ng ilang sandali ay abot na nilang dalawa ang ruruk ng kaligayahan na ang tanging saksi ay ang kulay ubeng unggoy na nakangiting nakatunghay sa kanila sa isang tabi.  He collapsed on top of her without even spilling any single drop of his soldiers at nananatili sila sa ganung ayos nung biglang bumukas ang pintuan at iniluwa ang Ninang Girlie niya na kagaya nila ay gulat na gulat sa nangyari.

            “What is the meaning of this?” dumadagungdung tanong nito.

            Dahil dun ang biglang napadilat sina Samuelle at Devin at parehong napabalikwas ng bangon at habol ang hininga.  Kapwa habol ang hininga at dali-daling pumasok sa banyo at pumailalim sa dutsa para matanggal ang nadaramang init ng katawan.

            Panaginip lang pala ang lahat ng iyon.  Magkahiwalay sila ngayong naliligo para mapawi ang init na dulot ng parang totoong napanaginipan kanina lang.   


Chapter Eight:

            Bata pa si Samuelle ay may lihim na siyang gusto sa kinakapatid na si Devin kaya para siyang aninong buntot ng buntot ditto.  At dahil alam niyang malakas siya sa kanyang Ninang Girlie that’s why she took it to her advantage para laging makasama si Devin. 

            She was only 8 years old nung simula siyang magkacrush dito.  Kahit para silang aso’t pusa ay hindi naman din matatawaran ang pag-aalala ni Devin sa kanya sa tuwing siya’y nasa alanganing sitwasyon.

            Ilang balde ding luha ang kanyang naubos sa tuwinang may kasamang babae si Devin.  Wala siyang naging kasundo ni isa man sa mga iyon dahil lumalabas ang kanyang pagkabratinella pagkasama ang mga ito.  Tanging yung pinakahuli niyang nakilalang si Ashley ang di niya sinungitan bagkus ay tila pa naging batayan niya para maging isang ganap na dalaga.

            Kahit nasa Canada na ay di pa rin nawala sa isip niya si Devin.  Nakakausap niya ito minsan sa telepono at nakikita niya ang pictures nito sa mga padala ng Ninang Girlie niya pero hanggang ganun lang pero nanatili pa rin ito lagi sa kanyang puso’t alaala.

            Nung minsang ibalita ng Mommy niya na magbabakasyon ang Ninang Girlie niya at baka sasama din si Devin ay di magkahumayaw ang excitement niya sa pagdating nito.  Pero hindi natuloy ang mga ito dahil nagkaroon na ng trabaho si Devin at hindi ito pwedeng mawala sa trabaho ng ganun katagal.

            Iniyakan ni Samuelle ang kabiguang iyon at ilang araw din siyang matamlay.  Pero yun naman ang pagkakataong nakilala niya ang bagong kaibigang si Arianne.  Pansamantala niyang naisantabi ang pangungulila kay Devin.  Nung minsang yayain siya ni Arianne kung gusto ba daw niyang sumama sa Pilipinas para sa isang modeling project para sa pinsan nito ay walang pangimi siyang nagpaalam sa ina na swerte naman at pinayagan siya bilang premyo niya sa paggraduate sa kolehiyo.

            Ang balak niya ay sorpresahin ang Ninang Girlie at si Devin kaya sinabihan niya ang mommy niya na huwag ipaalam sa mga ito ang kanyang padating pero bago pa pala niya masorpresa ang dalawa ay parang pinag-abot sila ng tadhanang dalawa ni Devin at nagkita sila sa bar nung gabing iyon.

            At unang kita pa lang niya muli kay Devin ay natanto niyang nandun pa rin pala ang pamilyar na damdamin na dala-dala simula pa nung nagkamalay siya sa tinatawag na “crush”.


            Dahil sa di inaasahang maagang pagligo dulot ng napanaginipan ay maaga ding bumaba si Samuelle at napagpasyahan niyang ipagluto ng breakfast si Devin.  Karaniwan kasing si Ate Angie pa ang nagluluto ng kanilang agahan pero sa pagkakataong ito ay tinext niya ito at sinabihang siya na ang magluluto ng breakfast nila na laking tuwa naman nito dahil pupunta pa daw ito sa palengke.

            Magaan ang loob na bumaba at pakanta-kanta pa siya habang nag-aayos ng agahan nila.  Ang nasa menu niya ay sinangag, bacon at red beans.  Tapos gumawa siya ng omelette kagaya ng laging request ni Devin nung bata pa sila.  Ang omelette nito ay may halong shredded cheese na pareho nilang gusto.  Kung dati ay hot choco ang gusto ni Devin, ngayon naman ay nagbrewed siya ng barakong kape na nakagawian na nitong inumin kada umaga.

            Niluluto niya ang omelette nung marinig ang pamilyar na yabag ni Devin kaya bigla siyang kinabahan.  Hindi niya alam kung haharap ba siya dito o ano.  Para tuloy siyang nagkastiff neck sa kinatatayuan.

            “Ate Angie, cheese omelette ba ang nilulu….” Natigilan si Devin nung makitang siya ang nagluluto at hindi si Ate Angie.

            There was an awkward silence at that moment.  Parehong napako sila sa  kinatatayuan.

            “Ouch!”

            Natalsikan ng mantika sa nilulutong bacon si Samuelle at tumama ito sa kanyang braso kaya mabilis na dumulong si Devin sa kanya para tingnan kung ok lang ba siya.

            “Are you alright?  Bakit kasi ikaw ang nagluluto?” sambit nito na hindi man lang ngumingiti.

            “Namalengke si Ate Angie at naisipan ko lang siyang tulungan.” Pagsisinungaling niya rito although it was partly true.

            Umupo na sa hapag-kainan si Devin at nagsimulang magbasa ng dyaryo at ininum ang kapeng hinain niya.  Pasimpleng sinulyapan ni Samuelle ang reaction ni Devin sa tinimpla niyang kape para dito.  Kinabahan siya dahil tumingin ito sa hawak na tasa pero nakahinga lang muli ng maluwag nung may nakita lang pala itong langgam sa mug at muling uminom.

            Inihain na niya ang mga niluluto at inilapag iyon sa harapan ni Devin.  Umupo na rin siya sa kabisera nito at sumimsim ng kape.  Itiniklop ni Devin ang hawak na dyaryo at kinuha ang kubyertos para kumuha na ng pagkain.

            Sumandok ito ng kanin at ng omelette.  Parang kritiko itong tumikim ng luto niyang omelette at nakahinga muli ng maluwag si Samuelle nung makita niyang magana itong kumakain.  Lihim siyang napangiti na hindi pala nakalampas sa paningin ni Devin.

            “You can smile and you don’t have to hide it.  At masarap ang gawa mong omelette.” Nakangiting sambit nito.

            Exaggerated siyang bumuntunghininga na animo parang nahimasmasan.  “Hay salamat!”

            Napahalakhak si Devin na muling napawi nung biglang kumirot ang bibig kaya mabilis na tumayo si Samuelle para tingnan ito pero simbilis din siyang sinabihan ni Devin na umupo muli kasi ok lang daw ito.

            Nahahalata ni Samuelle na tila iniiwasan ni Devin na mapalapit sa kanya dahil ata sa nangyari kagabi.

            “Kain ka na rin.” Yaya ni Devin sa kanya at binigyan pa siya nito ng kanin at omelette.

            Muling silang ginupo ng matinding katahimikan at tanging tunog ng mga kubyertos lang ang naririnig at halatang pareho lang silang nagpakiramdaman.  Halatang parehong may gustong ipahiwatig sa isa’t-isa pero naghahanap lang tamang tyempo bago magsalita.

            “About last night…” sabay na sambit nilang dalawa.

            “Go ahead.” Sabi niya.

            “No ikaw na mauna.” Sagot naman nito.

            Pareho silang hindi makapagsalita kaya nagpasya si Devin na siya na ang maunang magsabi.

            “About last night… I’m sorry for what happened in the bar and what happened after that.”

            Natameme si Samuelle.  Disappointed siya sa sinabi Devin.  Kung ano ang sinabi nito ay kabaliktaran naman sa gusto din niyang sabihin.  Gusto na sanang ipaalam ditto ang totoong nadarama.  Ang matagal na niyang tinatagong pagtingin dito.

            “Hindi ko na masyadong matandaan kung anong nangyari pagka-uwi natin kasi lasing na ata ako nung mga oras na iyon.”

            “Yeah no problem.  I understand Kuya.” May diing pagkabigkas niya sa pagtawag dito ng Kuya.

            “As you were saying kanina?”

            “Ha?  Wala.  Ganun din sasabihin ko na sorry din kung nagkagulo kagabi.  Kain ka pa.” payak na ngiting sambit niya at pinipigilan ang mga luhang nagbabadyang dumaloy.

            “Pasensya ha if I crossed the line.  Maybe I have completely forgotten na malaki ka na ang you can very well take care of yourself.  Asahan mo na hindi na ulit mangyayari iyon.”  Yung huling tinuran ni Devin ay tila double meaning iyon at nagpapatungkol sa halik nila kagabi.

            “I appreciate the concern Kuya.  And thank you for that.  But you are right, I am old and I can very well take care of myself so back-off a bit ok.” Ganting ratsada niya.

            Hindi na mapigilan ni Samuelle na mabahiran ng inis at sarcasm ang boses because she’s very disappointed that Devin apologized for what happened last night. 
            “Excuse me.” Mabilis niyang tinapos ang pagkain at hindi na hinintay na pigilan nito at mabilis na umakyat sa kwarto dahil nagbabadya na talagang tumulo ang kanyang luha.

            Naiwan si Devin na nahulaan ang pag-iba ng mood ni Samuelle at bumuntunghininga na lang ito.

            Iyon ang simula ng araw na nag-iiwasan na muli sina Samuelle at Devin.

++++++++++

Chapter 8:

            “Anong ibig sabihin ng mga maletang yan?”

            “I told Ninang Girlie that I’m moving back with Arianne.”

            “Why?”

            “It’s better this way.  Lagi kaming may rehearsal at malayo masyado ang bahay pag-uuwi ako dito kada gabi. Anyway, magkasama naman kami ni Arianne sa runway kaya dalawa kaming magkasamang uuwi.”

            “Are you sure that’s the reason Samuelle?”

            “Ofcourse.  Ano pa ba ang ibang pwedeng maging rason ng pag-alis ko?  Meron ba?”

            “Ha?  No ofcourse not!” mabilis na sagot ni Devin.  Ito ngayon ang naging alanganin sa isasagot.

            “Yun naman pala eh.  So sige alis na ako.”

            “Teka teka, anong sasakyan mo papunta dun?”

            Sasagot pa sana si Samuelle pero hindi natuloy yun nung makarinig sila ng busina galing sa labas.

            “Oh that must be my sundo.  I have to go.  See you around.”

            Tumango lang si Devin pero hindi siya nito tinulungang bitbitin man lang ang mga maleta kaya ikot matang si Samuelle na mismo ang nagtulak nun sa palabas.  Tyempo namang dumating si Ate Angie kaya ito na mismo ang naglabas ng mga maleta ni Samuelle.

            “Devin, tulungan mo naman ako dito.” Paki-usap ni Ate Angie habang tinutulak nito ang may kabigatang maleta ni Samuelle.

            “May mga kamay at paa ang may-ari niyan kaya hayaan mong siya ang magtulak o di kaya ay pababain niya yung sumundo sa kanya para siya ang magbuhat.” At walang sabi nito tinalikuran ang dalawa.

            “Sungit talaga ng isang to.  Hay nako anak, mag-ingat ka duon ha at bisitahin mo pa rin kami dito ha.” Pag-aalala ni Ate Angie sa pag-alis niya.

            “Opo Ate Angie.  Pakisabi na lang po kay Ninang na dalasan ko ang pagbibisita sa kanya pag walang trabaho ha.  Ingat din po kayo.”  Niyakap ni Samuelle ang butihing kasambahay at naglakad na papunta sa kotse.

            Lumabas si Josef at hinalikan siya sa pisngi at pinagbuksan ng pintuan.  Bago tuluyang pumasok ng kotse si Samuelle ay tumingala muna siya at tiningnan muli ang bahay. 

            Lingid sa kanyang kaalaman ay nasa ikalawang palapag pala ng bahay si Devin at lihim silang tinitingnan sa baba.  Nagpang-abot ang kilay nito nung makitang hinalikan ni Josef si Samuelle.  Nung tumingala ang huli ay bigla itong nagkubli para hindi makita ni Samuelle ang pagmamasid nito.   Bumuntunghininga si Devin nung tuluyang humarurut ang sasakyan palayo ng bahay. 



            “Pre, nasaan ka?” sigaw ni Robert sa kabilang linya.

            “Pre, di kita marinig.  Anong sabi mo?”

            “Nasaan ka?  Punta ka dito.  I’ve close a big commercial deal and we’re celebrating.”

            Hula ni Devin ay nasa isang bar si Robert.  Hindi bago yun dahil lagi naman nilang ginagawa iyong magkaibigan lalo na pag meron silang dapat e celebrate.

            “Pre, pass na lang ako.”

            “Anong pass ka diyan.  Lagi ka na lang pass.  Ano bang balak mo?  Maging ermitanyo?  Sige na Pre.  Ah basta antayin ka namin ha.” At biglang nawala na lang ito sa linya.

            Napailing na lang si Devin habang nakangiti.  Simula ng umalis si Samuelle ay iniiwasan na ni Devin na mapagawi sa mga lugar na posibleng magkrus ang kanilang landas.  Natatakot ito sa sarili na baka sa susunod na makita si Samuelle ay di na nito mapigilan ang sarili.

            Simula kasi nung mahalikan nito ang dalaga ay lagi na lang itong laman ng isip ng huli.  Lagi nitong binabalik-balikan ang tagpong iyon sa kusina pero sa tuwina’y naiinis naman din siya sa sarili dahil sa nasabi nito kinabukasan.  Yung pagsisinungaling nitong kunyari di natandaan ang nangyari nung gabing iyon.

            Sa tuwinang pupunta si Samuelle para bisitahin ang ina ay itinataon nito laging may lakad para hindi sila magpang-abot.  Kahit nagtatalak ang ina dahil sa no show ito lagi ay di pa rin ito natinag.



            “Pare!!!! Long time no see!  Finally, hindi ka na now show sa barkada.  Ang tagal mong nawala ah!  Salamat naman at di ka na nagpapaka ermitanyo ngayon!” sabi ng isa niyang kabarkadang si Troy.

            Nagkakagulo ang mga kabarkada dahil sa pagdating ni Devin.  Matagal din nitong tiniis ang mga kaibigan.

            “Ano bang nangyari sa’yo?  Man, you’re missing a lot!” ani James.

            “Well, it was your lost and our gain!  Di ba mga bro?” sabi naman ni Mari. 

            Sa magbarkada ay si Devin ang naturingang pinakamatinik pagdating sa chicks ika nga at kasunod lang si Robert.

            Nginitian lang nito ang mga kabarkada at tinanggap ang inuming inalok at nakipagtoast pa.

            “Pare, thanks for coming.” Nakangiting sambit ni Robert.

            Ngumiti lang si Devin at muling uminum.

            Full house ang bar na iyon dahil may special event ng gabing iyon.  Laging naiimbitahan si Robert sa ganitong pagtitipon dahil sa linya ng trabaho nito na nasa adverstising.

            Habang nagkakagulo ang mga kabarkada ay tahimik pa ring umiinum si Devin at nilapitan ito ni Robert at tinapik ang balikat.

            “You seemed to be a little odd these days Bro.  Spill it out.”

            Ngumiti lang si Devin pero di pa rin nagsalita at sumimsim lang sa hawak na inumin.

            “Ok… hey man, if something’s bothering you, you can always tell me.  Pera?  Trabaho?  Oh don’t tell me… babae?”

            “Pre, I’ll tell you in due time.”

            “WTF!  Ang drama mo and nahulaan ko nga!  Babae!!! Geez!!!”

            “It’s kinda complicated and well ok I’m having prob…”

            “Ladies and Gentlemen, may we have your attention please!”

            Hindi na naipatuloy ni Devin ang sasabihin dahil pumunta na sa make-shift stage ang host ng gabing iyon na hudyat na uumpisahan na ang special na palabas.

            “Let’s talk later but for now… let’s enjoy the show Bro!!!! You’ll love it and you’ll be proud of it!”  Pero yung huling tinuran ni Robert ay di na narinig ni Devin dahil naghiyawan na ang mga tao sa loob ng bar lalo na ang mga kalalakihan.

            “Guys and Gals, let me present to you… a teaser of what you will see on Fashion Week!  From the summer collections of House of Yelhsa!”

            Biglang nawala ang ilaw at nung nagbukas ulit iyon ay isa-isa ng rumpampa ang mga lalaki’t babaeng models in their summer wears.  May mga naka shorts, cover-ups or caftan, may naka one piece at meron ding naka two piece.  Hiyawaan ang naririnig sa mga lalaki at pati na rin mga babae.

            Playful ang theme ng mga models at lahat sila naka smile.  Nagkatingingan ang magkaibigang sina Devin at Robert at nagtoast pagkakita ng mga magagandang babae.

            Nagchange ng tempo ang music.  Kung kanina ay parang sweet ang dating ay ngayon naging parang tribal at merong lumabas na mga fire dancers.  Mas lumakas ang hiyawan ng lahat dahil sa pinakitang galing ng sumayaw na mga fire dancers.

            Dahil sa VIP sa bar na iyon ang grupo nila ay bandang harapan sila nakapwesto at malapit sa stage kaya kitang kita nila ang lahat ng galaw ng mga tao sa stage na iyon.  Hindi magkandahumayaw sa pagsipol at pagngiti ang mga kabarkada ni Devin dahil busog na busog ang mga mata sa magagandang tanawing nakikita.

            Tapos na ang performance ng fire dancers at isa-isa na naman lumabas ang mga models and this time around ay seryoso ang mga mukha nito at lahat ay naka puting two piece bikinis habang merong headdress na tribal din.  Sadyang nilagyan ng fake tan ang balat ng mga babae para bumagay sa konsepto ng fashion show.

            Ang malapad na ngiti ni Devin ay biglang napawi nung mamukhaan ang pamilyar na bulto na parang diyosang naglalakad sa rampa.  Titig na titig siya rito at lahat ng galaw ay kanyang sinundan.  Nagpang-abot ang kanilang mata pero biglang bumawi ito ng tingin sa kanya habang siya ay di inalis ang pagkatitig rito.

            “Bro, she’s like a goddess!  I told you that you’ll love the show and you’ll be proud of her!” bulong ni Robert sa kanya kaya napatingin siya bigla rito.

            “You knew that she’ll be here?”

            “Yup.  Don’t tell me hindi mo alam.  Wait!  I get it!  Back to square one na naman kayo ano just like old time?  Is she the one bothering you these days?” Pero bago pa matapos ni Robert ang sasabihin ay bigla na lang umalis si Devin at di na tinapos ang pagrampa ni Samuelle.

           

            Habang nasa backstage ay walang kaalam-alam si Samuelle na nandun pala ang grupo ni Devin at nandun si Devin.  Matagal na din kasi siyang di naka paggimmick sa bar na iyon dahil bukod sa ramp modeling ay pinasok na rin ni Samuelle ang print-ads at tv commercial.  Nakipagdeal na siya sa mommy niya na bigyan siya ng isang taon para mapursue ang career na pinili at saka siya babalik ng Canada to find a real job.

            Dumadalaw pa din siya sa Ninang Girlie niya pero ni minsan ay hindi na sila nagpang-abot ni Devin duon.  Honestly ay dismaydo siya dahil gusto na niyang makipagbati dito pero she’s just too shy to make the first move lalo na’t napapansin niyang iniiwasan siya nito.

            Nung paakyat na siya sa stage kanina para maghanda sa kanyang pagrampa ay napasinghap siya nung namataan si Devin na nasa harap mismo ng stage.  Muntik na siyang mabuwal kanina nung makita ito pero she maintained her composure and get on with the show.

            Hudyat na ni Samuelle na mag-umpisang maglakad ay talagang sinadya niyang huwag tumingin sa gawi nito dahil baka mawala siya sa konsentrasyon.  Pero mahirap diktahan ang sarili dahil sinulyapan pa rin niya ito nung dumaan siya malapit na sa kinatatayuan ng binata at nagpang-abot nga ang kanilang tingin pero mabilis din niyang binawi nung makitang naka kunot ang noo nito at mataman siyang tinititigan.  Muntik na siyang mabuwal dahil biglang nanginig ang kanyang tuhod dahil sa presensya ni Devin. 

            Kapansin pansin ang pag “walk-out” ni Devin nung rumampa siya at di iyon nakaligtas din sa paningin ni Samuelle.  Bumalik ang poot niya rito kaya para lalong inisin ito ay biglang nag-iba ang lakad ni Samuelle base sa napag-usapan nila.  Nilakipan niya ng kalandian pero hindi naman lumalabas na bastos ang pagrampa.  Teasing mode siya sa mga manunuod na mas lalong nagpahiyaw sa mga kalalakihang nandun.

            Dahil sa biglang paglakas ng sigawan ay napatigil sa paglalakad si Devin at muling napalingon at tyempong nakita niya ang “teaser pose” ni Samuelle kaya muling niya itong tiningnan sa mas lalong hindi maipintang mukha.  Muling nagpang-abot ang kanilang tingin at nakita niyang tinaasan siya ng kilay at nginitian ng pauyam ni Samuelle na tila naghahamon.

            Nagsukatan sila ng tingin at pulang-pula na si Devin sa inis kaya tuluyan na itong nagwalk-out.  Biglang nag flying kiss si Samuelle sa mga kalalakihang nandun kaya mas lumakas ang mga hiyawan ng mga iyon bago siya bumalik sa back stage.


Chapter Nine:

            “What was that all about?” taas kilay na tanong ng bading na designer sa kanya.

            “Nothing.  Masagwa ba?” kinakabahang tanong niya.

            “Masagwa?  Ofcourse not!  You nailed it dharlin!  I love it!  Ang landi mo!” Bungisngis na sambit ng Elmer sa kanya.

            Kinindatan lang niya ito at pumunta na sa isang dressing room para magbihis at makiparty sa mga kasamahan.

            Habang nag-aayos siya ng make-up ay nilapitan siya ni Arianne.

            “Hey, what was that all about?”

            “Nothing.”

            “Nothing?  Hmmmnnnn Nothing or Devin?”

            Hindi siya umimik.  Alam kasi ni Arianne ang tungkol sa kanila ni Devin dahil wala siyang ibang sumbungan kundi ito.  Ito rin ang nagsuggest sa kanyang umalis sa bahay ni Devin.

            “I saw him at nakita mo ba ang reaction ng mokong na iyon?  Siya pa ang galit! Geeez!!!”

            “Hey, calm down!  Ano ba ang napag-usapan natin?  Settle it with him once for all para makamove on ka.  Find the right time to ask him what’s the kiss all about and his reaction.”

            Huminga ng malalim si Samuelle at pilit kinakalma ang sarili.

            “Tara na and let’s paint the town red.  Hinihintay na ako ni Robbie.” Sabi nito habang kinikindat-kindatan pa siya.

            Nakangiting napailing na lang si Samuelle sa reaction ng kaibigan.  Lagi nitong katext kasi si Robbie at ilang beses na ding lumabas ang dalawa pero misteryoso pa rin sa kanya ang score ng dalawa dahil sabi ng kaibigan niya eh no commitment daw silang dalawa.  Magkaibigan nga talaga sila dahil pareho malabo ang mga relasyon nila.  At meron nga ba siyang ka-relasyon?

           
            Naunang lumabas si Arianne dahil hindi pa siya tapos sa pagliligpit ng gamit.  Dahil natatakot siya na baka may mawala sa mga gamit ay binitbit niya iyon at dadalhin sa sasakyan ni Elmer para dun na iwanan.

            Paglabas niya ng dressing room ay nakita niyang ang daming tao sa dancefloor at nandun na ang kaibigan sa bisig ni Robbie.  Napangiti na lang siya kasi alam niyang gusto naman ng dalawa ang isa’t-isa pero it will just be a matter of time para magkaaminan at magkaliwanagan ang dalawa.

            Dahil siksikan ay hindi na masyadong nakikita ni Samuelle ang mga nakakasalubong.  Nagsisi siya kung bakit hindi pa siya dumaan sa backdoor pero mapapalayo kasi siya sa kung saan naka park ang sasakyan ni Elmer.

            Biglang napaatras si Samuelle dahil sa pagharang ng isang bulto sa kanyang harap at nanlaki ang mata niya nung makitang si Devin iyon.  It was the most awkward moment dahil pareho silang natigilan at nagkatinginan.  Palabas si Samuelle at papasok naman si Devin.  Nanatili sila sa ganung ayos at bumalik lang sa huwisyo nung makaranig ng sigaw na MOVE!

            “Excuse me.” Sambit ni Samuelle at akmang aalis na pero hinawakan ni Devin ang kanyang braso.

            “Sam, can we talk?”

            Tumango siya at sumunod ito sa kanya palabas.  Kinuha nito ang hawak niyang travelling bag at sinamahan siya papunta sa kung saan nakaparada ang kotse ni Elmer.

            Kinuha din nito ang hawak niyang susi at ito na mismo ang nagbukas ng trunk ng kotse ni Elmer para dun ipasok ang kanyang bag at muling binigay sa kanya ang susi pagkasara nito ng trunk.

            “Thanks.”

            Tinititigan lang siya nito at di pa rin nagsalita.

            “1, 2, 3….” She started counting para kumalma ang sarili dahil naiinis na siya sa kotorpehan ng mokong na kaharap.

            Pero wala pa rin.  Di pa rin ito nagsasalita kaya ikot-mata na si Samuelle sabay iling.  Malakas siyang bumuntunghininga at itinaas ang mga kamay na animo’y sumuko at tinalikuran si Devin pero bago pa siya makagalaw ay nayakap na siya nito at sakop na ang kanyang bibig.

            Sandaling nanlaki ang mga mata ni Samuelle sa pagkabigla pero sandali lang iyon dahil napalitan ito ng mga ngiti at di na rin siya nangiming tugunin ang halik ni Devin.

            Hinawakan ni Devin ang kanyang mukha at maging ito ay nakangiti na rin habang padampi dampi ang labi nito sa kanya.

            “Torpe!” mahinang sambit niya rito.

            “Tease!” ganting sambit naman nito.

            Pareho silang napahalakhak sa nangyari at muli siyang hinalikan ni Devin and this time around ay mas lumalim pa ang halik nito sa kanya.

            “People are watching…” paalala niya rito pero di pa rin niya ito pinigilan.

            “Let’s get out of here.” Suhestiyon naman nito.

            Hindi na nagdalawang isip si Samuelle at sumang-ayon na agad siya sa sinasabi ni Devin.  Hawak kamay nilang nilisan ang lugar pero hindi naman din nila nakalimutang iwan ang susi ni Elmer sa gwardiya.


            Pagdating nila sa kotse ni Devin at pagka-upong pagka-upo nito sa driver’s seat ay agad nitong binalingan si Samuelle at muling kinuyumus ng halik.  Humahagikhik naman si Samuelle pero nakikipagsabayan din ito kay Devin.

            Hindi nila alintana na nasa parking lot pala sila.  Hindi nila alintana na ang dalang kotse pala ni Devin ay hindi heavily tinted kaya biglang namilog ang mga mata ni Samuelle nung makitang may papalapit na guard sa kanila.

            “Stop!  Stop!”  Nagmamadaling awat nito kay Devin na ayaw namang bitawan ang kanyang bibig.

            “Devin, stop it!  May guard na papalapit.”

            Nanlaki din ang mata ni Devin tapos mabilis na pinaandar ang kotse at humahagikhik na pinaharurut ang kotse at natanaw nila na napakamot na lang sa ulo ang guard.

            “That was close!” ang tanging nasambit na lang ni Devin habang nagmamaneho ito palayo ng bar.

            “Sarap!”

            “Ang takaw mo talaga kahit kailan.”

            “Eh kanina pa akong gutom eh.  Penge pa rice please.”

            Napailing na lang na binigay ang rice sa kanya.  Biglang napadighay ng malakas si Samuelle at namula ito at tinakpan ang mukha dahil namumula siya sa hiya.

            “Ayan!  Ang takaw kasi eh.”

            “Eh kasi naman kanina pa ako gutom na gutom eh.  Bawal kumain kanina dahil baka lalaki ang tiyan ko at ang sagwa naman pag ganun sa suot ko di ba?”

            Napangiti na lang si Devin at binigyan siya nito ng tubig.  Pagka-alis nila kanina sa bar ay napagpasyahan ni Devin na dumiretso na lang sila sa bahay nito at dun na kakain.  Dahil alam ni Devin na pagod ang dalaga ay pina-upo na lang niya ito at ito na ang nag-init ng pagkaing nasa ref na niluto kanina ni Ate Angie na dapat sana’y hapunan ni Devin kaso tinawagan ito ni Robert.  Hinayaan naman ni Samuelle ang binata dahil talagang pagod na pagod siya.

            Matapos silang kumain ay si Devin na din mismo ang naghugas ng mga pinagkainan nila.  Masyado kasi itong OC kaya ayaw nitong may mga gamit na di malinis kaya hindi na nito pinagpabukas pa ang pag-aayos ng mga iyon.  Si Samuelle naman ay di pa rin nito pinatulong at sinabihang umakyat na lang sa dating kwarto nito at dun na mamahinga dahil alam niyang pagod ito na hindi naman sinuway ng dalaga.

            Paglabas ni Devin sa kusina ay nakita niyang payapang natutulog si Samuelle sa sofa na parang bata.  Napangiti siya at dahan-dahang nilapitan ang dalaga at masusing tinititigan.

            Kanina talaga ay balak na niyang makipag-ayos dito.  Napapagod na rin kasi siya sa kakaiwas dito.  Ang balak din ni Devin kanina ay kausapin si Samuelle at sisimulang suyuin.  Nagsisi siya dati na hindi pa siya umamin sa totoong nadarama sa dalaga.  Natatakot siya kasi mismong siya ay di niya tiyak ang nadarama kung totoong pag-ibig ba ang nadarama niya sa kinakapatid o tawag lang ng kalamnan.  Pero dahil sa pag-layo nito ay dun niya natanyang mahal pala talaga niya ito at ito na ang babaeng magpapatino sa kanya.

            Simula ng bumalik si Samuelle ay wala ng nadate na ni isang babae man lang si Devin.  Hindi niya maintindihan kung noon ay naalibadbaran siya sa presensya nito pero nung makitang muli ay gusto niyang nakikita ito palagi.  Hindi ilang beses na gusto niyang burahin ang pagmumukha ng mga lalaking nagnanasa rito.  Kahit pa ang matalik na kaibigang si Robert ay hindi niya binibigyan ng pagkakataong makaporma dito kahit na ilang beses itong nagpapalipad hangin sa kanya na may interes ito sa dalaga.

            Tahimik na lumapit si Devin sa payapang natutulog na si Samuelle.  Halata mang pagod ito pero di pa rin matatawaran ang angking kagandahan.  Pagdating na pagdating nito kanina ay umakyat agad ito sa dating kwarto at naligo at nagpalit ng damit.  Meron pa rin kasi itong mga gamit na naiwan sa bahay.

            Masusing tinititigan ni Devin si Samuelle.  Bumaba ang kamay nito at hinaplos ang makinis na mukha ni Samuelle.  Naramdaman ng dalaga ang haplos na iyon kaya unti-unti itong dumilat.

            “Hey Baby…”

            “Hmmmmmmnnnn….”

            “I’ll take you upstairs so that you can sleep better.”

            Pero muling umungol si Samuelle tanda ng ayaw nito at ipinikit muli ang mata.  Alam na alam niya pag ganun ang ginagawa ni Samuelle.  She’s too lazy to stand up and she’s rather sleep in sofa than transfer to her bed.  Malimit itong ginagaw ni Samuelle nung bata pa sila at hindi lang isang beses na siya ang naatasang magdala nito sa taas at sa tuwina’y lagi silang nag-aaway dahil sa katigasan ng ulo ni Samuelle.

            Ngumiti si Devin at tumayo sa pagkaka-upo.  Iniligay ang kanang braso sa ilalim ng binti ni Samuelle habang ang kaliwa naman ay isinilid sa ilalim ng leeg ng huli.  Dahan-dahan nitong binuhat ang dalaga na sa halip na magwala ay para pa itong sawang pumulupot sa kanya.

            Kahit matangkad si Samuelle pero magaan naman ito kaya para lang itong papel na kinarga ni Devin na may malaking bulas paakyat ng hagdanan.  Pagkabukas ng pintuan ay dahan-dahang inilapag ni Devin ang dalaga sa kama.  Antok na antok talaga si Samuelle dahil payapa pa rin itong natutulog kaya nagpasya si Devin na iwanan na muli ito matapos bigyan ng halik sa noo.

            Muling nilingon ni Devin si Samuelle bago ito tuluyang umalis.

            “Devin….”

            “Yes Baby?”

            “Where are you going?” inaantok na sambit ni Samuelle at nginitian pa nito ng ubod ng tamis si Devin.

            Nilapitan ito ni Devin at umupo pa ito sa tabi ng dalaga ang masusi siyang tinititigan tapos hinaplos ang pisngi.

            “Go back to sleep Baby.  You need to rest.”

            “Dito ka lang.  Huwag mo ako iwan.”

            Ngumiti si Devin at hinalikan ang kanyang pisngi.

            “No.  You will not be able to sleep if I’ll stay.  Sige na, go back to sleep.  I’ll just take a quick shower then I’ll go to sleep na din.”

            Parang gustong magprotesta ni Samuelle kaya umungot ito pero hinalikan lang ito muli sa noo ni Devin at pinatay ang ilaw sa kwarto at hinayaang nakabukas ang lampshade sa tabi ng kama.


Chapter Ten:

            Dahan-dahang dumilat si Samuelle.  Tila hindi pamilyar sa kanya ang kapaligiran at gusto na sanang magprotesta ang kanyang kalooban pero nung makita ang nakangiting ubeng unggoy sa tabi ay dun napalagay ang loob niya at natantong nasa dating kwarto pala siya.

            Akmang aabutin sana ang unggoy na nasa tabi nung makarinig ng mahinang katok sa pintuan.

            Napabalikwas ng bangon si Samuelle at mabilis na tinungo ang nakapinid na pintuan at binuksan.  Tumambad sa kanyang harapan ang seryosong mukha ni Devin na hubad baro ang pang-itaas at tanging pajama lang ang suot sa pang-ibaba.

            Matagal silang nagkatinginan at akmang aatras si Samuelle pero mabilis pa sa alas kwatro na hinawakan ni Devin ang kanyang beywang and pressed himself on her as he devaor her luscious lips.  She never resisted as well at nakikipagsabayan pa sa intensidad na binibigay ni Devin.  Dahil dun ay mas lalong lumalim ang halik ng lalaki sa kanya.

            Pinangko agad ni Devin si Samuelle at binitbit papuntang kama na hindi pa rin nito binibitiwan ang kanyang mga labi.  At unti-unti ay nangyayari ang sabay nilang napanaginipan dati. 

            Pero may nadagdag sa panaginip na iyon dahil may nangyari bago sila dumating sa ruruk ng walang hanggang kaligayahan.

            “I love you Samuelle and will you be my wife?”

            Devin can’t contain his emotion and he proposed to her in an instanst.

            “YES!!!!!” sigaw na sambit ni Samuelle habang kumakapit kay Devin as if holding on to her dear life.

            At mas lalong bumilis ang sayaw nila ng pagmamahal at sabay na narating ang hindi maipaliwanag na kaligayahan.

            Pareho silang hapong-hapo habang magkayakap na nakatulog muli.  Bago maipikit ni Samuelle ang mga mata ay muling sinambit ni Devin dito ang wagas na pagmamahal na gayun din ang sinagot ni Samuelle.

            Nakatulog silang pareho na may ngiti ang mga labi at mahigpit na magkayakap.


            “Angie, halika linisin natin ang kwarto ni Samuelle.  Yayain ko siyang dito matulog sa linggo.  Namimiss ko na ang bata…. WHAT IS THE MEANING OF THIS?” nanlalaking mata at dumadagungdung na tinig ni Ninang Girlie nung makitang parehong hubad na magkayap sina Devin at Samuelle.

            “Ate, sabi ko sayo hindi na bata ang dalawang yan at pwede ng gumawa ng bata!” nakangiting sambit ni Ate Angie habang kinikindatan pa nito si Ninang Girlie.

            “Mom!  Get out of the room!” sigaw naman ng namumulang si Devin habang si Samuelle ay kinakabahang nagtago sa ilalim ng comforter.

            Hindi magkandaugaga si Ninang Girlie sa pag-alis ng sa kwarto at malakas na sinara ang pintuan at sumadal dito habang hawak ang taas-babang dibdib.  Napukaw lang ang atensyon nito muli nung humirit na naman si Ate Angie.

            “Ate, mukhang malapit na kayong tawaging lola ah.  Ayus na ang boto-boto!” humahagikgik na sabi ni Ate Angie habang tinatakpan ang bibig.

            Biglang tiningnan ni Ninang Girlie ng masama si Ate Angie.

            “Angie, gawa mo ako ng kape.  Ngayon na!” at mabilis itong bumaba ng hagdanan at umupo sa sala at hinihintay ang dalawa may ginagawang milagro kanina.  Makailang beses itong huminga ng malalim para payapain ang sarili.  Makailang beses din nitong pinipindot ang cellphone pero bigla namang bibitiwan at hahawakan ang sentido.


           
            “Oh my God!!! Nakakahiya kay Ninang Girlie.  Why didn’t you lock the door?” namumulang sambit ni Samuelle.

            Napangiti lang si Devin.  Napansin iyon ni Samuelle kaya ibinatok niya dito si SamVin na nakangiting nakaupo lang sa kanilang tabi.

            “Ouch!  Stop it!”

            “Nakakainis ka kasi.  Nagawa mo pang tumawa sa nangyari.”

            “What do you want me to do?  Cry?  Huh Baby?  You want me to cry?” He’s trying to mock her especially sa nakikita niyang pagkakataranta nito.

            Nagtago pa rin si Samuelle sa ilalim ng comforter dahil hindi alam ang gagawin kaya sinamahan ito ni Devin at muling kiniliti.  Ayaw matinag ni Samuelle at sa tuwinang dumaiti ang kamay ni Devin sa kanya ay lagi niya itong tinatampal pero napahagikhik na rin ito sa kalaunan dahil kinikiliti na ito ni Devin.

            “Tama na!!!!” tili ni Samuelle habang pinipigilan ang mga kamay ni Devin.

            Hinawakan ni Devin ang kamay niya at inilagay sa dibdib nito at mataman isyang tinitititigan.

            “I love you Samuelle.  I must have loved you from way back at natatakot lang akong umamin agad dahil na confuse ako kung mahal ba kita bilang kinakapatid o iba pa.  And now I can say that I am in love with you not because of anything but I am simply in love with you.”

            Nangilid na ang mga luha ni Samuelle sa mga sinasabi ni Devin kaya hindi na niya mapigilang mapayakap dito. 

            “Do you love me?”

            “Yes!  I have loved you when I was still 8 years old!”

            Lumapad ang ngiti ni Devin sa sinabi ni Samuelle at unti-unting bumaba ang mukha nito patungo sa kanya at buong pagmamahal siya nitong hinalikan.

            “Thank you for accepting my proposal last night.  I unexpectedly proposed kaya utang na muna ang singsing ha.  Mamayang hapon ay ibibili kita agad.” At muli siyang hinalikan nito.

            “Tara Baby, magbihis na tayo at panahon na para harapin natin si Mommy at ibalita sa kanya na magpapakasal na tayo.”

            Pero hindi natinag si Samuelle kinahihigaan at nakatingin lang ito sa kisame.

            “Baby, what’s wrong?”

            “Nakakahiya talaga kay Ninang Girlie.  We should be doing this and she caught us pa.”

            “It’s ok Baby.  We’re getting married really soon.  Tsaka matagal ng humuhingi si Mommy sa akin ng anak so sana makabuo tayo agad.” Sambit nito na sinabayan pa ng kindat ang nakakalokong ngiti kaya muli ibinato ni Samuelle dito ang ubeng unggoy.



            “Ate, di ba matagal mo ng hinihingan ng apo si Devin?  O ayan na, malapit ka ng maging lola!” hirit na naman ni Ate Angie na may dalang kape.

            “Angie, mano bang tigilan mo nga ako.  Sumasakit ang ulo ko sa pinagsasabi mo!  Tumigil ka na kundi babatukan na talaga kita!”

            Umikot lang ang mata ni Ate Angie sa tawag niyang pag-iinarte ni Ninang Girlie kasi ilang beses din kasing sinabi nito sa kasambahay na kung pwede lang daw diktahan ang puso ng anak ay mas gusto daw niyang ang kinakapatid nito ang maging asawa dahil kilala na ng mga ito ng lubusan si Samuelle at gusto din niya na maging solido ang ugnayan ng kumare nitong si Rachel.

            “Ay nako Ate, awat ka na sa pagdadrama diyan.  Ang gawin mo eh kausapin mo ang dalawa at itakda na ang bonggang kasal.  Tawagan mo na din si Mam Rachel para pauwiin dito sa Pilipinas para sa nalalapit na kasal ng mga anak niyo.  O di ba bonga!” Bumungisngis pa ito sa amo.

            “Angie!”

            “Asus Ate.  Aminin mo na kasi na happy kayo pagsilang dalawa ang magkatuluyan.  Di nga ba lagi niyong sinasabi iyon.  At! Naalala ko dati na nag-usap kayo ni Mam Rachel at sabi niyo sa isa’t-isa na gagawa kayo ng paraan na magkatuluyan ang mga anak niyo.  O eh ano pa ang pinagdadrama mo, ayan na, magkakatuluyan na talaga yan kasi huli ka balbon silang dalawang gumagawa ng baby!  Aray ko naman po eh!”

            Hindi na napigilan ni Ninang Girlie na kurutin si Ate Angie dahil sa katabilan ng dila nito.

            Lingid sa dalawa ay matamang nakikinig pala sina Samuelle at Devin sa ikalawang palapag ng bahay.  Pinagbigyan ni Devin ang hiling ni Samuelle na pakinggan ang pag-uusap nina Ninang Girlie at Ate Angie.

            “O ayan, ayos na ang buto-buto.  Let’s go down and face Mom and get these things over done with.  Ok Baby?”

            Huminga na muna ng malalim si Samuelle bago tumayo at inabot ang kamay sa naghihintay na kamay ni Devin at sabay silang bumaba ng hagdanan.

            “Relax Baby.  Ang lamig ng kamay mo.”

            Para marelax ay nagsign of the cross pa muna si Samuelle bago lumpait sa Ninang Girlie niya na naka-upo sa sofa at kausap naman si Ate Angie na nung makita sila ay kinikindat-kindatan pa sila.

            “Ate, ayan na pala ang dalawang bata.” May diin pa ang pagkakabigkas nito sa salitang bata at muli itong bumalik sa kusina.

            Bumuntunghininga si Ninang Girlie at iminuwestra nitong umupo silang dalawa sa bakanteng sofa.

            Halatang kinakabahan pa rin si Samuelle kaya mas lalong nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ni Devin.  Napa-aray ang huli at kinuha ang kamay sa pagkakahawak ng dalaga at sa halip ay inakbayan na lang nito si Samuelle.

            Matinding katahimikan ang sumunod at tila pareho silang nagpakiramdamang lahat.

            “Mom, we’re getting married.” Hindi na katiis si Devin at binasag na nito ang katahimikan pero si Samuelle ay kinakabahan pa rin at naghihintay kung anong isasagot ng pangalawang ina.

            Muling bumuntunghininga si Ninang Girlie at tumayo sa kinauupuan para pumunta sa kusina pero muling bumalik sa sala.

            “Mom, you can sit down and let’s talk about this sensibly.”

            “How long has this been going on?”

            “Not so long but we love each other and we are getting married.”

            “Di naman ako tututol sa pagpapakasal niyo.  I’m sure Mareng Rachel would feel the same way.  Pero por diyos por santo, ano yung nasaksihan ko kanina?  Have you been doing this behind my back?  Gaano na katagal?”

            “Mom, I am… we are not comfortable discussing with you about this.  But just to set thing straight at para na rin ikapanatag ng kalooban niyo, we just did it last night.  Oh my goodness Mom, let’s cut this conversation because it’s really awkward!”

            “Whatever!” ikot-matang sagot ni Ninang Girlie at tumalikod ito sa kanila pero lingid sa kanilang kaalaman ay ngumiti ito.

            “Mom, we can see you.  You’re smiling.  So does that mean to say that we have your blessing?”  Natatawang sambit ni Devin dahil tumalikod nga ang ina eh nakaharap naman pala ito sa salamin kaya nakita nila ang reaksyon nito.

            Napangiti si Ninang Girlie at muling humarap sa kanila at nilapitan sila at niyakap ang lumuluhang si Samuelle.

            “So you’re finally going to become my real daughter.”

            “Ninang Girlie, sorry po.” Mas humagulgul na si Samuelle na nakayakap sa pangalawang ina.

            “Hush now anak.  Ang imporante ay magpakasal kayo ni Devin at sana magkaroon na agad kami ng mommy mo ng apo.  Come here son.”

            Lumapit si Devin sa ina at yumakap na rin dito.

            “Anak, you take care of Samuelle ok?  Hindi ako nagkamaling pinapabantayan ko siya sayo dahil natupad na ang pangarapt namin ni Mareng Girlie.  We’ve always wished and prayed na sana kayong dalawa ay magkatuluyan para mas lalong tumibay ang aming ugnayan.   Salamat sa Diyos at pinakinggan kami.”

            “You bet on that Mom.”

            “Dapat lang Ninang kasi kung hindi, e susumbong ko siya sa iyo!”

            “Here we go again.” Ikot-matang sambit ni Devin pero nakangiti naman.

            “Samuelle, you can start calling me Mom as well.  I love you mga anak.” At muli silang niyakap nito.

            Tumunog ang cellphone ni Ninang Girlie at nakita nitong call lang ang nakalagay kaya hula nito ay ang kumareng Rachel niya ang tumatawag.

            “Mare!!!! Schedule your trip na sa Pilipinas because we have a wedding to plan!” nakangiting sambit ni Ninang Girlie.

            “Sam, your Mom wants to talk to you.” Sabay abot nito sa kanya ng cellphone.
           
            Napangiti si Samuelle pero halatang kinakabahan na naman na kakausapin ang ina pero ang kaba ay nauwi na naman sa halakhakan.  Pagkatapos ni Samuelle ay si Devin naman ang kinausap ni Ninang Rachel at napakamot ito sa batok sa sangkaterbang bilin nito.

            Pagkalipas ng ilang sandali ay ang magkumare na ulit ang nag-uusap.  Sinignalan sila nito na sa labas na kakausapin si Ninang Rachel.

            “Nako Mare, sana nandito ka kanina and you should have seen what happened.  I caught this two in a you know…”

            “Mom!!!!  Ano ba!  Stop talking about it!” sigaw ni Devin at pinandidilatan ang may katabilang dila na ina na tinaasan lang siya ng kila nito.

            Muling napahalakhak si Samuelle pero namumula pa rin at halatang nahihiya sa pagkakahuli sa kanila.

            “So paano na Baby?  Parang wala na ata akong kawala sa’yo.” Hirit ni Devin kay Samuelle.

            “Ang kapal talaga ng apog mo.  Ang sabihin mo ako ang walang kawala sa’yo.”  Ganting sagot naman ng palabang si Samuelle.

            “And I accept that.  Huwag kang mag-alala, hahabaan ko ang aking lubid sa mga kabratinellahan mo.”

            “Ah ganun ha.  Bratinella pala ha, pwes una kong pagkabratinella ay saan na ang singsing kong pinangko mo?  I want it now!” nakangiting sambit ni Samuelle and she gave him the most mischievous smile.

            “The Ring!!!!” sabay kamot ulit sa batok nito.  “Pwede bang utang na muna yan at hulugan na lang.”

            “Ha?  Titipirin mo ako?  Hindi pwede!  No ring, no wedding!” Kunyari pagmamatigas ni Samuelle.

            “Nako po eh di sabihan natin ang mommy mong huwag munang umuwi kung ganun.”

            Biglang humaba ang nguso ni Samuelle dahil sa sagot ni Devin at akmang magwawalk out pero bigla itong hinawakan ni Devin at niyakap at kinuyumus muli ng halik.

            “Yan ang bagay sa nanunulis mong nguso.  Mamayang hapon ay bibili na tayo.  Sa ngayon, pwedeng bang kumain na muna tayo at gutom na gutom na ako.” Tila makahulugan ang sinasabi ni Devin ang pagkain.

            “Pilyo ka talaga!”

            “Pogi naman!”

            “Ewan!” ikot-matang sambit ni Samuelle pero muling kinabig ito ni Devin at hinalikan.

            “I love you.”

            “I love you too!”

            Biglang pumasok na naman si Ninang Girlie at nakita na naman silang naghahalikan.

            “Mom, you always come in a perfect timing!” maarteng sambit ni Devin.

            “Wala na akong magagawa niyan at magaling akong tumimeming.  And I guess this is the perfect timing to give this as well.” Sabay bigay kay Devin ng isang asul na kahita.

            Binuksan ito ni Devin at tumambad sa paningin nila ang malaking at puting bato na hula nila ay di matatawaran ang halaga.  Maging si Samuelle ay nakanganga sa nakita.

            “Heirloom yan.  Sa Lola Mye mo yan Devin at ibinilin niya na ibigay ko daw ito sayo pag dumating na ang tamang babae sa buhay mo at ikaw yun Samuelle.”

            “Oh my God!  It’s beautiful Ninang!”

            “Mom!  Call me Mom iha.”

            “Oh I’m sorry Nin…Mommy.  I love it!”

            Kinuha ni Devin sa kahita ang singsing at lumuhod ito sa harapan bigla ni Samuelle at ng ina.

            “Will you officially marry me Brat?”

            “Yes Mr. Sungit!” bungis-ngis na sagot ni Samuelle.

            Tumayo si Devin at isinilid sa nanginginig na daliri ni Samuelle ang singsing.  They sealed that proposal with a kiss at saksi muli ang inang si Girlie.           


EPILOGUE:

            “Ayoko na talaga!!! Huli na talaga ito!” sigaw ni Samuelle.

            “Ikaw ang may kasalanan nitong lahat eh.  Sabi ko sayo tama na pero sige ka pa rin ng sige!  Ayoko na!!!  Tama na!” dagdag pa niya.

            “Baby, sssshhhhh huwag kang masyadong maingay.  Nakakahiya sa mga katabi mo o.  Okay breath in, breath out…. Breath in, breath out.  Sige na sabayan mo na ako.” Pilit na pinahinahun ni Devin ang asawa.

            “Anong breath in breath out ka dyan!  Kung ikaw na lang kaya ang mag breath in breath out!  Araaaaaayyyyyy!!!!”

            Napakamot na lang ng batok si Devin pero pilit pa rin sinasabayan sa paghinga ang asawa gaya ng natutunan nila sa Lamaze class. 

            “Devin!!!!!!” muling sigaw ni Samuelle.

            “Aray! Aray! Aray!”

            Dahil sa naramdamang matinding sakit ni Samuelle ay di nito namalayang nahawakan pala nito ang kaliwang tenga ni Devin at duon naibuntun ang lahat ng nadaramang hapdi at di rin nito naririnig ang pag-aray ni Devin.

            “Ayan na!!!! Araaaaaayyyyyyyy!!!! Aaahhhhhhhh!!!!”

            Isang impit na iyak ng sanggol ang naririnig nila.

            “Finally, it’s a baby girl!!!!” masayang sigaw ng doktor matapos ipinakita sa kanila ang bata.

            Matapos tingnan ni Samuelle na kumpleto ang lahat ng parte ng anak ay nakatulog na ito samantala si Devin ay napasalampak sa sahig ng DR dahil na rin sa naramadamang hapo.  Pang-apat na supling na nila ni Samuelle ang bagong luwal na sanggol.  Meron na silang tatlong lalaki na may mga pangalang Marc, Peter at AJ.  Ayaw na sana ni Samuelle na dagdagan pa ang mga anak dahil tatlong lalaki pa lang ay hindi na siya magkanda-ugaga sa pag-alaga pero isang gabi ay nilasing siya ni Devin dahil humirit pa rin ito ng isa pang anak dahil gusto talaga nito magkaroon ng anak na babae para makumpleto ika nga.

            “What’s the name of your little princess Devin?” nakangiting tanong ng doktora habang tinatahi na ang sugat ng payapang natutulog na si Samuelle.

            “Jaimie.  Her name is Jaimie.”

            “That’s a nice name.  I have a runner friend who’s name is Jaimie.  She’s really nice.  Good choice.”

            “Thanks Doc.”


            Naalimpungatan si Samuelle sa naririnig na ingay sa kanyang kwarto.  Dahan-dahan niyan iminulat ang mga mata at napabuntunghininga sa dami ng taong nakikita.  Ganito lagi kada taong siya’y nanganganak.  Ang kanyang mga magulang ay isang linggo bago siya nanganak ay umuwi na.  Nag-usap-usap ang magbalae at nakatokang mag-aalaga ng mga apo habang hindi pa bumalik ang lakas ni Samuelle.

            Pagkalipas ng dalawang buwan nung mahuli sila ni Ninang Girlie ay idinaos ang kanilang kasal at gaya ng prediksyon ni Ate Angie ay nakabuo agad silang dalawa.  Bagama’t nasa early twenties pa lang si Samuelle at solong anak at bratinella nung kabataan ay siyang kabaliktaran naman nung nag-asawa dahil hindi matatawaran ang pagkaresponsableng may bahay nito.

            Kung nung kabataan nila ay para silang aso’t pusa ay nung mag-asawa naman ay parang kambal tuko naman dahil lagi na lang magkadikit.  Hindi na nagramp model si Samuelle nung mabuntis pero ipinagpatuloy pa rin nito ang pagiging print-ad model.  Suki ito ng kumapre nilang si Robert at maging ang mga cute nilang supling ay kundi man naging model ng gatas, ay diaper naman o di kaya ay pagkain.  Medyo artistahin din kasi ang mga anak nila. 

            “Baby, pahinging tubig.” Mahinang sambit ni Samuelle at kinalabit ang asawang nakikipag-usap sa mga bisita.

            Lumingon si Devin at binigyan siya ng halik sa noo at inabot ang tubig at binigay sa kanya.

            Napansin naman ng mga matatanda na gising na siya kaya dumulong agad ang mga ito at inulan siya ng tanong at papuri sa bagong luwal na prinsesa.

            Nagkatinginan at napangiti na lang sina Samuelle at Devin sa isa’t-isa.  They both can’t contain the happinest they are feeling since they got married.

            “Nasaan na ang aking bagong model ha????” nagulantang silang lahat sa pagbukas ng pintuan at pagsigaw ni Robert.

            Maging ang bagong prinsesa ng mag-anak na Concepcion ay may nakapilang mga commercials na.

            “Pareng Robert!  Here’s your new model!” sabay abot ni Devin sa bagong silang na anak sa director.

            “Ninong has a lot of commercial for you my princess.” Nakangiting sambit nito.

            “Dapat lang Kuya Robert!”

            “Things never change huh Samuelle?  You still make my back ache!” taas isang kilay na sambit ni Robert sa kanya na nagpabungisngis at nagpapatawa sa mga taong nandun sa silid na iyon.

            When destiny strikes, cupid will really find a way to fulfill it.  Even if it is in a not so conventional situation.  Ika nga, pagkayo ang itinakda ng tadhana, hahamakin nito ang lahat magkatagpo lang ang dalawang pusong nakatala sa aklat ng wagas na pagmamahalan.

1 comment:

  1. Gusto mo ba ng online work?
    Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
    Contact Number: 09465046302
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    ReplyDelete