Wednesday, June 29, 2011

USO PA PALA ANG HARANA

Uso Pa Pala Ang Harana
(A JAEVON moment inspired fanfic)

By: Athena Manzano – Tan - Acheena




(Disclaimer:
Ang lahat ng pangyayari sa kwentong ito at pawang kathang-isip lamang ng may-akda at walang basehan sa mga totoong pangyayari.  Ang mga pangalan na gagamitin ko ay ang mga pangalan nina James at Devon sa Good Vibes pero walang koneksyon ang FF na ito sa show.  May mga eksena din na nangyari sa goodvibes at nung panahong nasa PBB house pa ang dalawa at binigyan ko lang ng bagong bihis para maging masaya. 
The fiction may  contain matured scenarios kaya patnubay sa magulang ang kinakailangan para sa mga readers na under 18.  Minors, please be responsible in reading this fanfic. )


Chapter 1:

            “Class, let’s welcome our newest student.  He is an exchange student from Australia and will be staying with us for one school year.  He is expected to learn our culture and ofcourse our language so please help him in any way you can.  Please welcome Spencer Ziff.” Pagpapakilala ng homeroom advise nila sa bagong saltang banyaga.

            “Hi everyone, I’m Spencer Ziff and I look forward knowing each one of you.  Thank you so much for the warm welcome.” Pagpapakilala ni Spencer Ziff in an Australian accent.

            Biglang umingay ang klase at kanya-kanyang welcome kay Spencer.  Ang mga kababaihan ay kinikilig nung magpakilala sa kanya at lalo na nung maka-upang palad nito ang dalagang kaklase.  Nasa ganung estado sila nung may isang parang isang bagay na nagkalat.

            “Oh Maribeth nandito ka na pala.  As usual late ka na naman.  I’m warning you.” Taas kilay na sambit ni Ms. Torress sa bagong dating na morenang babae na nagmamadaling pinulot ang mga gamit na nagkalat.  Sa pagmamadali kasi nito kanina ay natisod ito kaya natapon ang lahat ng hinawakang mga gamit.

            Dahil sa nakatayo sa harapan si Spencer na malapit sa pintuan kung saan nanggagaling si Maribeth ay dali-dali nitong tinulungan sa pagpupulot ng gamit ang huli.

            “Salamat….” Napanga-nga bigla si Maribeth sa nakita.  Napakaamo ng mukha ng lalaking kaharap at ang ganda ng mga mata nito pagnagsmile.

            “Hi, I’m Spencer Ziff.  I’m an exchange student from Australia and I’ll be your classmate for this year.” Saad ni Spencer na inabot sa kanya ang kanang kamay.

            “Ha… Maribeth Tamayo…” nakanganga pa rin si Maribeth at hindi hiniwalayan ang tingin ang bagong kaklase habang inabot dito ang kamay.

            “Hoy Betchay, yung langaw papasok na sa bibig mo kaya itikom mo na yan!”  Sigaw ni Jhong dito na kilalang mapang-asar na kaklase nila.

            Pinandilatan ni Maribeth o mas kilala sa tawag na Betchay sa kanyang mga kaibigan si Jhong pero mas lalo siyang inasar nito.  Pati si Danilo na kabarkada din nito ay di siya pinatawad kay hindi naiwasan na hampasin nito ang dalawa nung nakapwesto na siya sa upuan at nadaanan ang mga ito.  Napangiting napa-iling lang si Spencer sa nasaksihan pero di nito napigilan ang sarili na sundan ng tingin kung saan naka-upo si Maribeth.  Napagawi naman ang tingin ni Maribeth kay Spencer nung matapos itong mag-ayos ng gamit at nginitian ito ng binata.  Isang simpleng ngiti rin naman ang isinukli ni Maribeth dito.

            Hindi makailang beses na nagpang-abot ang titig nilang dalawa habang ipinagpapaptuloy ang klase at sa tuwina ay nginitian lang siya ni Spencer habang si Maribeth naman ay pasimple din gumiti pero alam niyang namumula siya sa tuwina.


            “Marybeth right?” habol ni Spencer sa kanya.

            “Marybeth daw… Spencer it is Mari…Maribeth or you can call her Betchay!  Di ba Betchay! Di ba Betchay!” kwelang sambit ni Saicy na kasamahan ni Maribeth sa trabaho at matalik na kaibigan.  “Ouch naman Marybeth!” nung maramdamang hampasin siya nito.

            Napangiti na lang si Spencer sa nasaksihan kaya kahit nakasimangot kanina si Maribeth ay napangiti na rin ito sa kakulitan ng kaibigan.

            “Hey Maribeth, can I invite you for a snacks?”

            Kinikilig si Saicy at kulang na lang ito na ang tatango para kay Maribeth.

            “Sorry pero kailangan ko ng umalis kasi meron akong trabaho.” Balik seryoso na naman si Maribeth.  Kailangan niyang dumoble kayod dahil napuputulan na naman sila ng kuryente.  “Tara na Saicy.” Yaya nito sa kaibigan at iniwan ang naguguluhang si Spencer.

            “Betchay naman.  Nakakainis ka naman eh.  Kahit sandali lang naman.  Mano bang pinagbigyan mo yung tao.  Ayan tuloy parang napahiya.” Reklamo ni Saicy.

            “Uunahin ko pa ba yan kesa sa problema ng pamilya ko.  Ano ka ba naman Saicy.  Kung gusto mo ikaw na lang ang sumama sa kanya at kailangan ko ng umalis.” Nagmamadali na siyang naglakad paalis ng skwela para makatawid sa kabilang kanto kung saan siya nagduduty bilang isa sa mga waitress bilang part time job niya.

            “Betchay naman.  Hintayin mo ako.  Hintay Betchay!!! Bye Spens!!!” nagmamadaling humabol ito sa kaibigan ng singbilis ng hangin kung maglakad.  Nahihirapan pa man din humabol si Saicy dahil mataas ang takong ng sapatos nito.

            Kumaway na lang din si Spencer kay Saicy at nginitian ito at sinundan pa rin ng tingin kung saan ang punta nina Maribeth at Saicy.

            “Hey Brahw!  How are you enjoying your class so far?” pukaw ng pinsan ni Spencer na si Franco.

            “It was good actually.  Everyone was so nice.”

            “Great!  I’m hungry.  Let’s have some snacks before we head home.” Yaya ni Franco kay Spencer.

            “Alright.  Hey Cuz, can we eat there?” turo niya kung saan nagtatrabaho si Maribeth.

            “Huh?  Why there?  Oh nevermind.  Let’s go.”


            “Ikaw Betchay ha, ang sama ng pakikitungo mo kanina kay Spencer.  Cute pa man din ang australianong iyon.” Nakasimangot na sabi ni Saicy.

            “Cute bay un?  Hay nako kahit kailan talaga malandi ka!”

            “Talaga!  Pero aminin mo Betchay na ang cute cute niya at hala ayeeeee andyan na si Cutie Pie.  Sinundan tayo tsaka kasama pa si Franco.” Di na mapigilan ni Saicy na kiligin.

            Napalingon si Maribeth sa pintuan at nandun na nga sina Spencer at Franco.  Nginitian siya ni Spencer bago ito umupo na inirapan lang niya.

            “Aray ko!” galit na sambit ni Maribeth.

            “Kasi ang taray ng mukha mo!  Huwag mo kasing irapan.  Magsmile ka at baka pagalitan ka na naman ni Sir dahil nakasimangot ka.  O cya kunin mo na ang order nila.” Sabay bigay nito sa kanya ng menu.  Bumuntunghininga na lang si Betchay na lumapit sa dalawa.

            “Welcome to Jaevon Café.  May I take your orders Sirs?” pilit man ay ngumiti na rin si Maribeth sa mga ito.

            Tumitingin si Franco sa menu habang si Spencer naman ay sige pa rin sa pagngiti kay Maribeth.  Medyo nabanas na si Maribeth sa kakangiti nito kaya muli niya itong tinarayan.  Tyempo namang napadaan ang boss niya at pinandilatan siya nito kaya balik siya sa pagngiti sa dalawa.

            “Maribeth, I’ll have a cheeseburger and chocolate shake.” Nakangiting sambit ni Spencer habang inabot sa kanya ang menu.  Simpleng nginitian na rin ito ng dalaga.

            “Ako, I’ll have you!” sabay turo kay Maribeth na ikinapang-abot ng kilay ng dalaga.

            “Biro lang.  Smile naman diyan.  Magsmile ka muna bago ako mag-order.” Ani Franco pero nanatiling nakasimangot si Maribeth.

            “I want to talk to your Manager.” Palinga-lingang tingin ni Franco at hinahanap ang manager.  Napansin ng manager ang ginagawa ni Maribeth kaya dali-dali itong lumapit at muli siyang tiningnan ng masama.

            Sasagot pa sana si Maribeth pero nasa likod na pala niya ang Manager.

            “Yes Sir?  May problem po ba?” nagpapacute na sambit ng manager.

            “Ah wala naman.  Gusto lang sana naming makita itong maganda niyong empleyado.” Kumikindat-kindat pa si Franco na mas lalong ikinaiinis ni Maribeth.

            “Hoy Maribeth, ngumiti ka.  Umayos ka kung hindi ay sisantehin kita!” bagama’t hindi naman malakas ang pagkakasabi ng boss ni Maribeth pero madiin itong sinabi.

            Pero di pa rin natinag si Maribeth kaya inulit muli nito ang sinabi at sa pagkakataong ito ay halata na ang galit kaya napilitan si Maribeth na ngumiti at nagsabi ng “Welcome to Jaevon Café.  May I take your orders Sir?”

            “Ayan!  Ganun na rin ang sa akin.  Cheeseburger at Coke Ms. Maganda.  Thank you Sir.” At umalis na muli ang manager.

            Plastic ang pagkakangiti ni Maribeth at muling tinanong si Franco ng “Anything else Sir?”

            “Wala na.  Thank you.”

            “Ok fine.  Isang kang echuserong pakialamerong ewan…” mabilis at mahinang pagsasalita ni Maribeth habang lumalayo.

            “May sinasabi ka Maribeth?” pang-aasar pa rin ni Franco ditto.

            Muling bumaling si Maribeth dito at nginitian sina Franco at Spencer sabay sabi “Wala po.  Sandali lang po ang order niyo.  Thank you.” Sabay bilis na irap at dumiretso sa kusina.

            Ang lakas ng halakhak ni Franco at nag-enjoy ito sa ginagawa.

            “Hey Dude, stop it.  Nakhakhahiya khay Marybeth.”

            “Brahw!  What’s with you?  Jesus!  O ayan na pala ulit si Marybeth.” Binibigkas din ni Franco kung paano sinasabi ni Spencer ang pangalan nito.

            “Ito na ang order niyo.  Wala na bang iba?”

            “Meron pa.  Isang smile mo ulit Marybeth.” Muling biro ni Franco dito.

            Muling ngumiti si Maribeth ng kunyari happing-happy siya tapos muling sumimangot at inirapan ang dalawa at umalis.

            “Pikon!” sigaw pa muli ni Franco sabay tumawa.

            “Dude, stop bothering her.” Saway ni Spencer sa pinsan.

            “What??? Whatever!” ikot-mata n Franco at nagsimula ng kumagat ng cheeseburger.

            Muling tiningnan ni Spencer si Maribeth at nung magpang-abot ang kanilang mga mata ay nagsorry ito sa dalaga na muling ikinataas lang ng kilay ni Maribeth at nagkibit-balikat.

Chapter 2:


            “Maribeth, are you alright?”

            “Ano ba ang problema mo?  Bakit ka ba sunod ng sunod sa akin?” Dali-daling pinahiran ni Maribeth ang mga luha sa mata.

            “I’m so sorry.  I came looking for you because we’re leaving and I just want to say goodbye.  Your friend Saicy told me to find you here.  I’m really sorry.  I didn’t mean to catch you in a bad time.”

            Parang nahiya si Maribeth sa inasta kaya humingi siya ng paumanhin.

            “Are you alright?  Is there anything I can help you with?”

            “I’m ok Spencer.  I’m sorry but just leave me alone.”

            Pero sa halip na umalis si Spencer ay tahimik na umupo ito sa tabi ni Maribeth.  At inabot dito ang puting panyo na dinukot nito sa bulsa.

            Tiningnan ni Maribeth ang hawak ni Spencer at muling tumulo ang kanyang mga luha kaya dali-dali nitong kinuha ang panyo ng binata at pinunas sa mga luha.  Dinala sa ilong ang panyo at malakas na suminga.

            Napangiti si Spencer sa ginawa ni Maribeth at napansin iyon ng huli na dun lang na natantong nakakahiya pala ginawa niya lalo na sa harap ng isang lalaki.

            “Hexchuse mhe.” Parang ngongo sambit ni Maribeth na hindi pa inaalis ang panyo sa ilong niya.

            “It’s ok.”

            “Ibabalik ko sayo bukas ha.  Lalabhan ko lang muna.”

            “No problem.”

            “Is there anything I can help you with?”

            “Wala.  Ok lang.”

            “If your problem is about…”

            “Ang sabi ko ok lang.” medyo tumaas ang boses ni Maribeth dahil sa kakulitan ni Spencer at tiyempo naman sa pagdating ng bestfriend nito na Troy.

            “May problema ba Bes?  Ginugulo ka ba nito?” matalim na tingin ni Troy sa katabi ni Maribeth.

            “Bes!  Ha?  Wala… Hindi ah.  Sige Spens, maiwanan na kita at aalis na ako.  Bukas ko na ibabalik ang panyo mo ha.”

            Tumayo bigla si Maribeth at walang sabing iniwanan si Spencer at hinila ang kaibigan si Troy para pumasok muli sila sa loob para kunin ang mga gamit bago umuwi.  Naiwan si Spencer na sinundan lang ng tingin si Maribeth at si Troy at bumuntunghininga bago umalis na rin.


            “Sino ba yun Bes?”

            “Sino?”

            “Yung imported na kausap mo kanina.”

            “Bago kong kaklase.  Exchange student daw.  Bakit?”

            “Ginugulo ka ba ng imported na yun ha?”

            “Ay Bes OA ka magreact ha!”  Huminto si Maribeth sa paglalakad nila at hinarap ang kaibigan.  “Dinamayan lang ako nung tao.  Nagmamagandang loob lang.”

            “Ah ganun ba.  Akala ko kasi ginugulo ka eh.”

            “Echos!”

            “May problema ba ulit Bes?” hinawakan ni Troy ang siko ni Betchay at iminuwestro nito na umupo sila sa upuang nasa ilalim ng isang malaking puno.

            Bumuntunghininga muna si Betchay bago nagsalitang muli.

            “Ano ba ang bago Bes?  Ayun may notice of disconnection na naman kami galing sa Meralco.  Tapos si Tatay wala pang makuhang trabaho at ang dami pa naming utang.” At nagsimula na namang tumulo ang luha ni Maribeth kaya kinabig ito ni Troy para humilig sa kanyang balikat at inakbayan.

            “Bes, tahan na.  Magagawan din natin ng paraan ang lahat ng ito.  Magtulungan tayo ok?” sabi ni Troy habang pinapahiran ang mga luha sa mata ni Betchay at muling inakbayan.

            “Kasi Bes, pagod na pagod na ako at naawa na ako kina Tatay at Nanay.  Gusto kong kumita ng malaki para mabayaran din yung utang ni Tatay.” Suminghot muna si Maribeth bago nagpatuloy sa pagsasalita.

            “Ewan ko ba, parang pinagsukluban ata kami ng langit dahil abot-abot ang mga problema namin.” At muling tumulo ang mga luha ni Maribeth.

            “May awa ang Diyos Bes.  Kakayanin natin ito.  Basta tibay lang ng loob ang ating puhunan.  Kaya natin ito ha!  Kakayanin natin!  Tama Bes???” nakangiting sambit ni Troy sa kaibigan na pinatatag ang sarili nito.

            Ngumiti na rin si Maribeth sa kaibigan at tumango at yumakap na rin ng mahigpit sa beywang nito.  Nanatili sila sa ganung posisyon ng ilang minuto bago napagpasyahang umalis na sa lugar na iyon.

            Lingid sa kaalaman nilang dalawa ay kanina pa pala sinusundan ni Spencer at narinig nito ang problema ni Maribeth.

            Nanghihinayang din ito dahil sa nasaksikan.  Sigaw ng isip nito ay “Marybeth has a boyfriend.  Too bad for you Ziff, she’s taken already.

            Bumuntunghininga muna ito bago tumalikod para lisanin ang lugar.  Laglag balikat itong umalis at nagsimulang maglakad. 

            Habang naglalakad si Spencer ay wala ito sa isip at biglang nasagi ang nakasalubong na lalaki.

            “Hoy tisoy! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!”

            “Huh?  Oh I’m so sorry Man.  It was unintentional.  I’m really sorry.” Pahingi nito ng paumahin.

            Tila mas lalong nagalit ang maton na nasagi niya dahil sa pag-eenglish ni Spencer.

            “Aba’y nag-iinglis ka pa ha.  Don’t inglis me.  I am not understand!”

            “What?”

            “Ay gagu pala ito ah!” at bigla na lang binigwasan nito si Spencer at nasapol sa mukha.

            Napalasampak si Spencer at biglang tumili ang mga babaeng nandun at pilit inaawat ang maton.  Dahil sa kaguluhang iyon ay napalingon na rin sina Troy at Maribeth at nanlaki ang mata ng dalawa nung makitang bulagta na si Spencer at ang maton ay pilit inaawat ng mga nandun para hindi na muli itong masapak ang pobreng imported.

            Mabilis na tumakbo ang dalawa at dinaluhan si Spencer.  Si Maribeth ang lumapit kay Spencer samantala si Troy naman ay inawat at kinausap ang maton.

            “Ano po ba ang problema?  Ano ba ang ginawa nito sayo?”

            “Pareng Troy, he kasi di tumitingin sa dinadaanan eh at ang yabang at iniinglis ako!” halatang medyo lasing ang maton.

            “Mang Carding, natural lang pong inglisin niya kayo kasi dayo po iyan.  Baka naman kasi di sinasadyang nasagi kayo.  Bakit naman kasi ang bilis ng kamay niyo eh.”

            Napakamot sa batok ang maton at tila nahiya sa ginawa.

            “Oo nga naman Mang Carding.  Kaibigan ko po ito.  Makakarating kay Tatay ko ang ginawa niyo.” Galit na sambit ni Maribeth.  Kainuman ni Mang Mel si Mang Carding at lagi itong nasisita ni Mang Mel dahil sa hindi paging responsable nito sa tuwinang naka-inom.

            “Betchay, pasensya ka na ha.  Hindi ko talaga sinasadya.”

            “Uli-uli po kasi huwag ilagay sa kamao ang kalasingan.  At ikaw naman, ano ba ang ginagawa mo dito?” baling naman ni Betchay ng galit kay Spencer habang tinutulungan itong tumayo.  Medyo dugo ang bibig ni Spencer kaya wala sa loob na pinahiran iyon ni Maribeth ng kamay matapos tingnan.

            “May sugat ka, halika ka dalhin ka naman sa ospital.”

            “It’s ok Marybeth.  I’m alright.  Mhalhiit lang itoh.” Pilit na pagtatagalog ni Spencer dahil natrauma marahil ito sa inabot kanina.

            “Boss, pasensya na po ha.  Medyo naka inom lang itong matandang ito.” Paghingi ni Mang Carding ng pasensya kay Spencer.  “Hayaan mo boss, di na po mauulit.  At kung sakaling babalik ka man dito ay pwede naman po.  Walang makakagalaw sa inyo.  Oy mga kabaranggay, ang sino mang gagalaw kay Boss ay mananagot sa akin!  Aray ko!”

            Binatukan ni Troy si Mang Carding kaya napa-aray ito.

            “O ngayon ka magpapakitino matapos mong upakan si Spencer.  Dyan…dyan ka magaling!”

            “Sorry na Troy.  Di na mauulit.”

            “Talagang huwag mo ng uulitin dahil ipapabaranggay ko na po talaga kayo.”

            “Opo Troy.  Pasensya na talaga Boss ha tsaka Betchay.”

            Pero matalim pa ring tiningnan ni Betchay ang maton.

            Troy halika na, dalhin na muna natin si Spenser sa bahay para magamot ko ang kanyang sugat.”

            “It’s ok Marybeth.  I think I’ll go ahead.”

            “No!  Hindi pwede.  Gagamutin ko sugat mo bago ka umuwi.  Nakakahiya kasi dahil sa ka ewanan ng kabaranggay ko eh.” At hindi na nito binigyan pa ng pagkakataong tumangi si Spencer dahil hinila na ito ni Maribeth at sinabihan pang ito na mismo ang bubugbug sa kanya pag di siya sumama dito.

            Napangiti na lang si Troy sa inasta ng kaibigan at tahimik na sumunod sa mga ito.

14 comments:

  1. I love it ate acheena :)
    Next chappie! :D

    ReplyDelete
  2. thnk u po...i love this fanfic

    ReplyDelete
  3. weeeeeee spencer ahh.. na love at first sight ka ata!!! ahahahah
    marybeth..ngiti ka naman diyan.. parang aabot na sa lupa ang nguso mo sa kaka sibangot eh..haha
    excited na sa next chapter!! wahhh!!

    yung scene na ito sa goodvibes eh yung pumunta sa chicboy si troy at franco.. pero dito naging si spencer yung kasama ni franco

    ReplyDelete
  4. john zchairon hir!
    hay te kakaloka nnmn 2ng FF mo bitin nnmn hehe sana my nxt na!

    ReplyDelete
  5. oo nga. bitin!!! next chap na please!!!!!!

    ReplyDelete
  6. WAH!!!! Natatawa ako dun sa part ng orders... Pasaway ka Franco bak masapak ka ni Marybeth... LOL!!! Hahaha.

    Next na po pwede?

    ReplyDelete
  7. kulet ni franco....taray ni marybeth....nmn c spencer..npk-cool...........hehehe....go...spencer...daan u s ngiti.....thumbs up ms acheena....

    ReplyDelete
  8. Asan na next chapter? Bitin eh......

    ReplyDelete
  9. axan na ang nxt chapter?
    ngiti ka aman dyan maribeth............

    ReplyDelete
  10. Asan n yung next chapter? antagal ko ng hinihintay yun. Please miss acheena!!!!!!!!!!!!!!

    ReplyDelete
  11. gonda!! next na plss!!

    ReplyDelete
  12. ayyy.. i wonder kung may HD din si betchay ke troy dito.. or vice versa! ahahah!

    super like!! next na! :DD

    ReplyDelete