Monday, April 18, 2011

STATUS: It's Complicated! II

STATUS: IT'S COMPLICATED (continuation)
BY: Acheena - Athena Manzano - Tan


Chapter 22:

Isang araw na umuwi si Miguel ng maaga because he was not feeling well at nagkataon na umalis si Willow kasama si Nana Patring para pumunta sa grocery.

Laging gulat nila nung dumating at matantong nasa garahe na ang kotse ni Miguel.

“Dado, bakit ang aga niyo ata ni Sir Miguel?” nagtatakang tanong ni Nana Patring.

“Eh Nana Patring, may sakit po.  May lagnat po ata kaya umuwi kami.  Dadalhin ko na sana sa doctor eh pero ayaw.  Iuwi ko na lang daw siya.”

Pagkarinig ni Willow sa kalagayan ni Miguel ay dali-dali itong tumakbo papunta sa kwarto nila.

“Willow anak, dahan-dahan ka naman.” Sigaw ni Nana Patring.

Pagpasok ni Willow ay nakita niyang nakatalukbong sa kumot si Miguel.  Nilapitan niya ito at dinama ang noo at leeg at tama nga ang hinala niya, nilalagnat ito.  Nag-intercom siya kay Nana Patring para ikuha ng maligamgam na tubig si Miguel at e sponge bath niya ito.

“Miguel, punasan lang kita ha para bumaba yang lagnat mo.” Sabi ni Willow .

Umungol lang si Miguel pero di pa rin dumidilat.  Si Willow mismo ang nag-alaga kay Miguel pati sa pagkain nito ay sinusubuan pa niya ito.  Kinakabihan ay minasahe ni Willow si Miguel para mapawi ang sakit ng katawan na nadarama.

Nakatulog si Miguel na yakap yakap ang braso ni Willow kaya ang huli ay umupo na lang sa tabi ni Miguel.

Nagising si Willow nung maramdaman ang panginginig ng katabi at kahit anong kumot ang ilagay niya ay sige pa rin ito sa pagnginig.

Willow had to do what she thought would help Miguel’s condition.  Body heat and it seems to work.  Nakatulugan nila ang ganung posisyon.

***********************************

Loud music and blinking lights…

Hiyawan, tawanan, inuman….

May papalapit sa kanya na lalaking naka itim and he grabbed her…

At biglang nagising si Willow na humihingal.  Napabalikwas siya ng bangon na ikinabigla din na nakayakap sa kanya na si Miguel.

“Hon, are you alright?” half awake pa si Miguel pero halata pa rin dito ang pag-aalala.

“I’m having vague thoughts kasi.” Humihingal pa rin si Willow na tila haponghapo sa napanaginipan.

Tuluyan ng nagising si Miguel and he sat down close to her.

“Ano ang nakikita mo?”

“There were blinking lights.  Loud music.  Maraming tao na parang nasa isang party or something.  Then may humila sa akin and I can’t seem to recall what happened next.  Ewan ko but parang may nangyaring mabilis na mabilis.” Nahilot ni Willow ang sentido kasi kumikirot ito.

Inakbayan siya ni Miguel at niyakap.  “It’s ok Hon.  That could happen in your past life.  Don’t worry, little by little yung memory will be back to normal.  So for now, tara matulog na muna tayo.” And he kissed her temple at muling inihiga sa kama and hugged her tightly.

Willow reciprocated Miguel’s hug.  She’s afraid of the memories.  She afraid that she might remember something terrible.  She cannot afford to lose Miguel.  She’s starting to really love him once again.

Miguel’s mind is wondering.  Payapang natutulog si Willow na nakayakap sa kanya pero siya ay hindi na dinalaw ng antok.  He is worried like hell.  He’s afraid that when she gain back her memories, things might be as pleasant as now.  Nagsisisi siya on how he treated Willow before and he’s trying his best to correct everything.  He’s just hopeful that sa sandaling bumalik na ang memorya ni Willow ay matatabunan na ng mga bago niyang ginagawa dito ang pambabalewa niya dito dati.

Hindi lang din minsan na nag-usisa si Willow sa dati niyang buhay.  Gusto ni Willow na ikwento niya dito kung paano sila nagkakilala.  He only told her the good things and never those unpleasant ones.  And that includes the phase where Mariel was still in his life.  He thought that baka hindi pa kakayanin ni Willow ang ganung klaseng kaalaman.  And he only wants her to have happy thoughts.

Tiningnan ni Miguel ang babaeng dating parang baliw na humahabol sa kanya na kulang na lang na dumikit sa kanya.  He can remember the hurt in her eyes when he kissed Mariel before.  He can still remember how she cries when she professed her love to him and that was the day he was getting married.  He can still remember how she smiled with glee nung sabihin niyang di natuloy ang kasal.  Pero hindi niya maiwasang balikan ang araw na tuluyan silang naghiwalay.  Nung araw na umalis ito sa party dahil nauntog na ito sa katotohanang wala palang patutunguhan ang relasyon nilang dalawa.

When she left that night, Celine talked to him.

“Kuya, why are doing this to Willow ?  Clearly she doesn’t know that Philip and I got married and you lied to me na may trabaho siya that time.”

Hindi nakakibo si Miguel sa sinabi ng kapatid.

“What’s wrong with you Kuya?  Don’t you even love her at all?”

Di pa rin kumikibo si Miguel.  Nanatili siyang tahimik.

“My God Kuya.  How could you be so heartless!  Kung hindi mo siya kayang panindigan then you better let her go.  You are being unfair to her Kuya.  Willow is such a nice girl for you to treat her that way.”

Nagpatuloy sa pagsalita si Celine.  “Yung gabi ng party mo, hinahanap ni Justin sa akin si Willow .  And then the next thing he saw daw was hinihila mo si Willow palabas ng venue.  What happened that night Kuya?

“I have to go Sis.” Iwas ni Miguel sa kapatid at akma siyang tatayo pero hinawakan siya Celine at pina-upong muli.

“Answer me Kuya!” medyo tumaas na ang boses ni Celine.

“Yes!  Something happened to us that night ok?  Satisfied?  And I don’t like her chasing me!  And yes I lied to you.  I purposely didn’t bring her to your wedding kasi ayoko ng maraming tanong.  We are ok until tonight!” bulyaw din ni Miguel.

“You better fix this Kuya before everything will be too late.” At tumayo si Celine at iniwan ang kapatid na naghihimutok pa rin.

And surely he did try to win her back that night but nung kinaumagahan ay nagulantang na lang siyang iniwanan na pala siya nito ng tuluyan.  At tuluyan na siyang pinalaya nito.

Dapat masaya siya kasi ito yung matagal na niyang hinihintay na sana tantanan siya ni Willow pero those days that she was not with him was hell.  Hinahanap hanap niya ang pagising nito sa kanya sa umaga with breakfast in bed at ang mga pag-asikaso nito ng kanyang mga susuotin.  Yung mga gabing pagmamasahe nito pagnatantong pagod siya sa office.  Kahit yung mga pangungilit nitong pagtawag sa kanya ay namimiss na rin niya.  Minsan namamalayan na lang niya ang sarili na tumitingin sa cellphone kung may message ba or missed call galing kay Willow .  At higit sa lahat ay hinahanaphanap niya ang init ng katawan ni Willow.

Muling niyang yinakap si Willow and whispered to her ears.  “I love you Willow .  I’m so sorry if I didn’t realized it sooner.” And he kissed her cheeks and he closed his eyes.

Lingid sa kaalaman ni Miguel ay narinig pala ni Willow ang kanyang huling kataga.  Those statements made her more confused.  What was that sorry for?

Chapter 23:

“Congratulations!” sigaw ng mga tao sa loob ng function room na iyon.  And there were party poppers pa!

Nakangiti pareho sina Miguel at Willow although halata pa rin kay Willow ang alinlangan.

“Ano ba yan.  Akala ko we’ll be the one to surprise you pero kami pala ang sorpresa!” ngiting sambit ni Miguel.

Lumapit si Justin sa kanilang dalawa.  “Pare, walang usok na pwedeng itago.  Bago mo pa maannouce sa amin ay may nagbalita na agad!  Congratulations and best wishes sa inyong dalawa!” at kinamayan na nito si Miguel at binalingan si Willow .  “Ikaw ha, kaya pala di mo pala ako binasted dati kasi si Miguel pala ang gusto mo.  Di hamak naman na mas magandang lalaki ako sa kanya ah!” pagbibiro ni Justin kay Willow at nagbeso ito sa babae.

Medyo nailing si Willow pero hinayaan na rin niya kasi ayaw niyang mapahiya si Miguel.  Itong kausap niya ay may connection ba sa buhay niya?

“Pare, hinayhinay naman sa paghalik sa Misis ko.  Baka sa halip na party ang mangyayari eh ramble ang mangyayari.” Pagbibirong tudyo ni Miguel sa kaibigan.

“Ito naman, masyado kang seloso Pare.  Close naman kami dati ni Willow ah.  Kahit papaano ay may pinagsamahan din kami nito.” Nakangiting sambit ni Justin.

“Nuon yun pare.  Ngayon dumistansya ka na!” kahit nakangiti si Miguel pero may bahid pa ring katotohanan ang sinasabi niya sa kaibigan.

Justin raised his hand na tila ba para siyang napaso.  “Alright! Alright!  Ang seloso ng mister mo Willow .  Sira na party life mo niyan.  Pero seriously guys, congrats.”

Parehong ngumiti sina Miguel at Willow and they proceeded to their table.  Ang get together na iyon ay isang simple salosalo ng magbatchmate para sa kanilang upcoming reunion.

Pero how did they end up getting married in the first place.

Binabagtas nila ang kahabaan ng EDSA.  Nagkataon na di pumasok si Miguel nung araw na yun dahil schedule iyon ng check-up ni Willow sa doctor.  Kahit nag insist si Willow na huwag na samahan ni Miguel but he insisted.

Matapos nilang magpacheck up at nalaman ang kalagayan ng bata ay binabagtas na nila ang kahabaan ng EDSA at natraffic sila.  Ewan nila kung bakit sa pagkakataon iyon ay pareho silang tahimik nung biglang tumugtug ang kanta ng Train na Marry Me.

Mataman lang na nakikinig si Miguel at si Willow ay inaabala ang sarili sa pagtingin ng mga billboard na dinadaanan.  Siguro it comes naturally with her na hinahanaphanap ng katawan niya ang dating ginagawa.

Hindi namalayan ni Miguel na sinasabayan na pala niya ang tugtug.

Marry Me
Today and every day
Marry Me
If I ever get the nerve to say hello in this café

Say you will
Say you will

Together can never be close enough for me
To feel like I am close enough to you
You wear white and I’ll wear out the words I love you
And you’re beautiful

Now that the wait is over
And love and has finally showed her my way

Marry Me
Today and every day
Marry Me
If I ever get the nerve to say hello in this café

Say you will
Say you will

Hinawakan ni Miguel ang kamay ni Willow at ipinagpatuloy ang pagkanta

Promise me you’ll always be
Happy by my side
I promise to sing to you
When all the music dies

And marry me
Today and every day
Marry me
If I ever get the nerve rto say hello in this café

Say you will
Say you will
Marry me

“Marry me Hon.  Let’s get married today.” Dugtong ni Miguel nung matapos ang kanta.

“Ha? Nadadala ka lang sa kanta tsaka gutom lang yan.” Napangiting si Willow nung sabihin ang mga katagang iyon.  Somehow she is not sure if gusto nga ba niyang magpakasal dahil hindi pa bumabalik ang kanyang memorya.

“And ano ka ba, we are not prepared.  Kahit nakaputi pa ako ngayon but documents and other things are not prepared.  Gutom lang yan Hon.  Tara kumain na muna tayo.”

Ngumiti si Miguel sa sinabi ni Willow at somehow nag agree ito na gutom nga lang.  Pagdating nila sa Shangri-la Mall ay naghanap na sila agad ng restaurant.  Dahil sa buntis ay punta agad si Willow sa CR.

While she was away, Miguel some phone calls.

“Yes Zen, ipapadala ko sayo yung picture with the details.  Make sure na mapadala ito dun sa lugar na sinasabi ko now ha.  Please make sure that all the instructions in the email will be followed accordingly.  Thanks.”

“Akala ko ba wala kang work today.” Nakabalik na pala si Willow at narinig nitong nagbibigay ng instruction si Miguel sa secretary nito.

“Yeah, di maiwasan.  What do you like to eat?”

Pauwi na sila nung nagtaka si Willow kung bakit ibang daan ang kanilang tinahak.

“Hon, where are we going?”

“May dadaanan lang akong document.  I need it in the office tomorrow.”

“Ay ganun ba?  Bakit di mo na lang inutos?”

“It’s very confidential.”

“Ah ok.  Sige idlip lang ako ha.  I’m so sleepy kanina pa.”

Ngumit lang si Miguel at hinayaan siyang matulog.

*******************************

“Hon, samahan mo muna ako sa loob.  Baka it will take a while bago ko makuha ang documents.  Tara .” Yaya nito sa kanya.

Naalimpungatan si Willow at tila nawala sa huwisyo.  Pero bumaba na rin ito at sumama kay Miguel.

When they reached the room where Miguel is getting his documents, nagtataka si Willow dahil pawang nakangiti ang mga tao.  Miguel approached the old guy who seemed to be a good friend of him base on how the two shake their hands.

“Iho, it’s about time.  This time dapat tuloy na talaga ito ha.”

“Opo Ninong.  This is Willow pala.”

“Good afternoon po.” Bati naman niya.

“O bueno, umpisahan na natin.”

Nagtataka si Willow sa sinasabi ng judge.

“What’s happening?” di na rin siya nakatiis na tanungin si Miguel.

“Didn’t I tell you kanina that we are getting married today?”

“Seryoso ba yun?  Akala ko dala lang ng gutom yun ah.” Di makapaniwalang sambit ni Willow.

“Well apparently ay hindi kasi busog na tayo today.  We’re getting married!” excited na sambit ni Miguel.

At mga sumusunod na pangyayari ay lubhang napakabilis.  In less than 30 minutes ay na pronounced na ng judge that they’re married.  And not only that, meron pa silang singsing.  It was from Tiffany’s and Co.

“Congratulations iho and iha.  Welcome to the married life.” 

“Thank you po Ninong.” Sagot ni Miguel na muling nakipagshake hands sa judge.

Nagbeso naman si Willow dito at muling nagpasalamat.

“Ninong na rin Iha.  Pero mukhang kinidnap ka lang nitong inaanak ko base sa reaction mo.”

“Oo nga po Ninong.  Akala ko po nung nagyaya yan kanina ay dala lang gutom at tinawanan nga lang naming dalawa.  The last thing I remembered is natutulog ako sa sasakyan and now I’m a married woman.” Hindi maiwasang mapangiti ni Willow.

“Don’t worry Iha, I can vouch you that you will be in good hands with your husband.  Otherwise, magsumbong ka sa akin ok at ako mismo ang papalo diyan.” Sagot naman ng Ninong nila.

“Ninong naman, ako po yung inaanak niyo at kelan niyo lang nakilala ang asawa ko pero siya na kinakampihan niyo.” Kunyari naghihimutok na sambit ni Miguel.

Nagkatawanan silang lahat at tamang taman naman at dumating ang pagkaing inorder ni Miguel para sa lahat ng nandun.


Chapter 24:

Matuling lumipas ang mga araw at lumalaki na rin ang tiyan ni Willow.  Maligaya silang nagsasama ni Miguel at nalaman nilang they’re gonna have a baby boy.  Naging abala na si Willow sa pagdedecorate ng kanilang nursery.

They both agree to have their church wedding pagnakapanganak na si Willow .  Kahit gusto ni Miguel na magpakasal na sila sa simbahan pero ayaw ni Willow.  Pangit daw tingnan na malaki tiyan niya at di daw siya maganda kasi pangit daw siyang buntis.

The grandparents are getting excited every single day and anxiously waiting kung kelan manganak si Willow pero kahit sa paghihintay ay napupuno na ng mga laruan ang kwarto ng bata dahil maya’t maya lang ay nagpapadala ang mga ito ng mga gamit.

“Para ng toy kingdom ang nursery ni Baby Troy ah.  Wala na akong madadaanan” kunyari nagkocomplain si Willow sa mga elders.

“Hayaan mo iha, magpagawa tayo ng isa pang extension room para we can put all the toys of my apo.” Nakangiting sambit ni Lolo Enrique.

“Oo nga kumpadre.  Marami pa akong inorder online for our apo.  It will arrive anytime soon.” Sambit naman ng daddy niya.

Napailing at ikot mata na lang si Willow sa sinabi ng dalawang lolo.

“Hayaan mo na ang dalawang lolo Hon.  Grandparents are really spoilers remember.  It is now a big challenge to both us to discipline Troy .  Right Grandpas?”

Kahit hindi pa bumabalik ang memorya ni Willow ay balewala na sa kanya dahil sa ligayang nadarama niya sa piling ni Miguel.

“Hon, kahit huwag na siguro bumalik ang alaala ko ay ok na.  As long as you’re here with me now.” Minsang sinabi niya iyon kay Miguel bago sila matulog.

“Promise me Hon that if ever you’ll gain back your memory that you will always still be with me no matter what.  Promise me.”

“Oo naman.”

“No, promise me. ” Giit ni Miguel.

“Ano ba yan.  Bakit parang you sound so worried.  Ano ba ang pwedeng kong gawin ha?” natatawa si Willow sa sinasabi ng asawa.

“Promise me. ” May diin ng pagsambit ni Miguel this time.

“Oo na!  I promise!  Ang kulit ha!”

At niyakap ni Miguel si Willow ng mahigpit upon hearing what she promised.

***********************************

Isang text ang natanggap ni Miguel na ikinagulat niya.  It was an unregistered number pero alam na alam niya kung kanino at sino ang sender.  Di nagtagal ay nagring ang kanyang telepono at yung sender ng text na iyon ang tumawag.

“Hi!  It’s nice of you to call.  What’s up?” matamang nakikinig naman si Miguel sa sinasabi ng nasa kabilang linya at pumunta siya sa computer at tingnan ang schedule.

“I’m free by twelve till three in the afternoon.  Same place?” muling tanong ni Miguel.

“Ok.  See you in a while.  Bye.” Pagpapaalam ni Miguel sa kausap.

“Zen, I’m having a lunch out later and be back by three pm ok?” pagpapapaalam niya ng schedule sa secretary.

“Yes Boss.”

11:30 ay umalis na si Miguel at nagpahatid sa driver sa restaurant kung saan niya kikitain ang kausap sa telepono kamakailan lang.

***************************************

“Mang Pedring, hatid niyo po ako sa address na ito.  Kukunin natin yung inorder kong cake para kay Miguel.” Sabay abot nito sa kapirasong papel kung saan nakasulat ang address sa driver.

Kanina pa tinatawagan ni Willow si Miguel sa cellphone pero di ito sumasagot.  Baka nasa meeting.  Tinawagan na lang niya ang sekretarya nito.

“Hello Zen, ang boss mo?”

“Ay Mam Willow, umalis po.  Nag lunch out.”

“Ay ganun ba.  Would you know saan siya pumunta?  Kanina ko pa tinatawagan sa cellphone pero di sumasagot eh.  May itatanong sana ako.”

“Ganun ba Mam.  Hayaan niyo po kung makabalik or pagtumawag po babangitin ko po na tumawag kayo.”

“Ok thanks.  Ay sino pala kalunch niya?”

“Nako Mam, di ko rin po alam.  Wala naman po sa appointment niya itong lakad niyang ito.”

“Ok thanks ulit Zen.  Bukas may ipapadala akong dessert sayo.”

“Nako si Mam talaga sobrang thoughtful.  Thank in advance Mam.  Bye po.”


“Mang Pedring, magpark na lang po muna kayo tapos puntahan niyo ako sa restaurant ha kasi di ko ata kayang bitbitin ang dalawang cake na kukunin ko.”  She decided to buy the two cakes that are Miguel’s favorite kasi di niya ito macontact.  May good news siya kay Miguel.  Di pa man lumabas ang baby nila pero meron na siyang endorsement pala kay Baby Troy.

Nagpababa lang si Willow sa eskenita at nagsimulang maglakad papunta sa restaurant.  Pagpasok niya sa restaurant ay nakangiting sinalubong ang mga personnel na nandun.  Suki sila ni Miguel sa resting iyon kaya kilala siya ng mga ito.

“Mam, ihahanda lang po namin ang inorder niyo.  Gusto niyo po ng juice?” tanong ng cashier sa kanya.

“Water na lang.  Thanks.”  At tumingin tingin siya sa iba pang binibenta na nakadisplay sa estante.  She gazed her eyes on the surrounding at medyo may nakita siyang pamilyar na bulto na nasa dakong tagong lugar.  Na curious siya at gustong kumpiramahin kung si Miguel nga ba ang nandun at may kausap itong babae. 

Di niya makitang masyado ang mukhan ng kausap nito dahil natakpan ni Miguel kaya umiba siya ng pwesto to get a better view at di siya nagkamali.  The lady Miguel is talking to looks so familiar.  And suddenly flashes came running in her mind.  At bumalik sa kanya ang alaala nung hinalikan ni Miguel si Mariel sa party hanggang sa araw ng kasal ng mga ito.

Mas lalong nanlumo si Willow nung nakitang hinahawakan ni Mariel ang kamay ni Miguel at ang huli ay nakangiting tumititig dito.

“She’s back and he still loves her.” Biglang kinain si Mariel ng insikyuridad.  Nanginginig na ang kanyang tuhod at nakakaramdam na siya ng panlalamig ng pawis.

“Mam, ok lang po kayo?” pagpupuna ng isang waitress sa kanya.

“Ha?  Ang order ko ready na?”

“Yes Mam.  Ito po.” Sabay abot nito sa kanya ng dalawang cake.

Mabilis na kinuha ni willow ang cake at nagmamadaling umalis sa restaurant.  Nanginginig ang tuhod pero pinipilit pa rin niyang maglakad. 

“Not now please.” Naiiyak na si Willow pero gaya ng dati, umeksena na naman ang kanyang binti at nasubsub si Willow kaya napaluhod siya.

“Mam, nako po.  Ok lang kayo?” pag-alala ni Mang Pedring.

Nakaramdam si Willow ng pagsakit ng tiyan at nung inalalalayan siya ni Mang Pedring sa pagtayo at may naramdaman siyang mainit na likidong dumaloy sa kanyang binti.

“Mang Pedring, dalhin niyo po ako sa ospital.” Paki-usap niya dito.

Dali-daling binuhat ni Mang Pedring si Willow at inupo tapos kinuha nito ang kotse na nakaparada lang sa tapat at mabilis na pinaharurut ang sasakyan.

“Miguel, kahit kailan ang bait mo pa rin. Maraming salamat sa pagtanggap mo  sa imbitasyon namin ni Simon sayo.” Nakangiting sabi ni Mariel at hinawakan ang kamay ni Miguel.

“No problem Mariel.  Everything is part of the past now and I am sincerely happy for you and Simon at I’m looking forward to see your little princess.”

Nasa ganung akto sila nung bumalik si Simon galing sa restroom.

“Pare, thank you so much for being so understanding.  Hayaan mo, makakabawi din kami sayo in the near future.”

“No problem Pare.  Huwag na nating pag-usapan yun.  Lahat naman tayo ngayon ay masaya na.”

“So Pare, kayo rin pala ni Willow ang nagkatuluyan.  Who would have thought!” natatawang sambit ni Simon.

Napailing lang si Miguel at nagsimulang magkwento tungkol sa kanila ni Willow.  He’s so proud and so in love with his wife na sa pagkakataong iyon ay bumabalik na ang memorya ng nakaraan at patungo na ng ospital dahil namimiligro ang pagbubuntis.

May waiter na lumapit kay Miguel.

“Sir, nandito po kanina si Mam Willow pala pero nagmamadali pong umalis.”

“Ha?  Bakit di ako nilapitan.  Nakita ba niya ako dito?”

“Oo yata Sir.  Nagmamadali pong umalis yun Sir.”

Magsasalita pa sana si Miguel nung matantong nag riring pala ang cellphone niya.  Mabilis niya itong sinagot at namangha sa ibinalita ni Mang Pedring.

“Guys, I’m really sorry but I have to go.  Willow was rushed to the hospital.  Dinudugo daw.  I have to go.  Ponso, but the bill on my tab please.” At nagmamadaling umalis si Miguel papuntang ospital.



Chapter 25:

Willow is having pre-term labor.  Her baby is already 7 months old at ayaw na talaga papipigil nitong lumabas kaya she was brought to the delivery room. 

Kasabay ng pagluwal niya sa bata ay ang pagbalik ng kanyang memorya completely.  At ngayon ay bumalik ang matinding galit niya kay Miguel lalo na sa nakita niya kanina.  It was all nothing but lies.  What he’s showing her are all lies.

Ginupo ng matinding pagod at antok si Willow pero iisa ang naglalaro sa isip niya, makikipaghiwalay siya kay Miguel sa lalong madaling panahon.

Mga pamilyar na boses ang naririnig ni Willow.  Palakas ng palakas ang mga ito.  Gusto niyang gumalaw, gusto niyang dumilat pero tila hapong hapo ang kanyang pakiramdam.  May makirot sa bahaging ibaba ng kanyang katawan at pati tuhod niya ay masakit din.

Dahan dahang dumilat si Willow at mukha agad ni Miguel ang kanyang nasilayan.  He’s smiling at her and planted a kiss in her forehead.  Kunot noo si Willow na tiningnan ang asawa.

“Hi Hon.  Baby Troy is placed in the incubator but he is fine.  He’s very healthy.  See!  He looks like me when I was a baby.” At pinakita ni Miguel sa kanya ang larawan ni Baby Troy na kuha from his cellphone.

Walang kibong tinanggap ni Willow ang iniabot na cellphone ni Miguel at tumulo ang kanyang luha nung masilayan ang larawan ng anak.  Napa-iyak siya dahil naawa siya sa bata na nasa loob ng incubator.

“Hon, please stop crying.  Baka mabinat ka.” At akmang yayakapin ni Miguel si Willow but she stopped him.

“I want to see my son.” May diing pagkakasabi ni Willow .

“I’ll ask the nurse to get you a wheelchair.” Pasensyosong sagot ni Miguel.

She did not say thank you.  She didn’t say anything.  She closed her eyes instead.

Bumuntunghininga si Miguel at umalis sa kwarto para pumunta sa nurse station.

“Sabi ng doctor ay bukas mo pa daw makikita si baby.  You have to rest first.  Do you want anything to eat?”

“No!  I want to see my son now!” galit na sambit ni Willow.  At dahil sa may pwersang pagkakasabi ni Willow ay bigla bumuswak ang dugo galing sa kanyang sinapupunan at kahit nakadiaper ay tumagos pa rin ito.

Napailing si Miguel sa nangyari sa asawa.  Pero sa halip na tumawag ito ng attendant or hintayin si Nana Patring ay ito na mismo ang naglinis kay Willow .  Kumuha ito ng maligamgam na tubig sa banyo at sinimulang linisin ang private part na yun ni Willow.  Nagprotesta si Willow nung una pero wala din itong nagawa dahil pagod na pagod din ito para makipag-away.

“Please take some rest and stop moving.  Baka mabinat ka lang at ikasasama pa ng katawan mo yan.  Sige ka, baka di mo agad masilayan ang baby natin.” Pagpapaalala ni Miguel sa kanya.

Parang natauhan si Willow sa sinabi ni Miguel at muli siyang nagpahinga hanggang makatulog muli.

Si Miguel ang nagkusang magbantay kay Willow at muli nitong pinauwi si Nana Patring.

Dalawang araw lang nanatili si Willow sa ospital at kibuin-hindi nito si Miguel.  Tinaasan lang ni Miguel ang pasensya nito sa asawa.  Wala pa rin itong kaalam-alam na bumalik na ang memorya nito.

Kahit nasa sasakyan ay hindi pa rin kumikibo si Willow .  Miguel asked help already from Willow’s doctor and the doctor told him that maybe Willow is in her post partum stage and often times, mahirap daw espellengin ang mga babae pagnasa ganung estado and he was advised na dapat habaan pa nito ang pasensya.

Pagdating nila sa bahay ay dumiretso agad si Willow sa kwarto at nagkulong.  Ilang beses kumatok si Miguel pero hindi ito pinakinggan ni Willow kaya he patiently waited for her to subside.  Pero laking gulat ni Miguel nung bumaba si Willow at bitbit ang isang maleta.

“Where do you think you are going?” nagpipigil ng galit na tanong ni Miguel.

“I’m going home!”

“Home?  You are home.  Pwede ba Willow , let’s stop all these nonesnese!” halata na ang galit ni Miguel.

“This is not home Miguel!  Bago ako maaksidente ay hiwalay na tayo and I don’t know what got into you at bigla mong sinabi at bigla mo akong pinaniwalang engage tayo.  Walang ng tayo Miguel.  Tapos na tayo!  You took advantage of my illness!  Bakit?  Dahil nakukunsensya ka?  I don’t need your pity Miguel.  I have moved on with my life without you!” At muli itong nagsimulang lumakad pero hinawakan ni Miguel ang braso nito at sa tindi ng galit ni Miguel ay nahablot nito ang asawa at sumubsub ito sa kanya.

“Why are you doing this Willow ?  Why are you making things complicated?  Nagsisi na ako sa pambabale wala ko sayo nuon and I thought ok na tayo?”

“Apparently we are not!  Let go of me!” at tuluyan ng lumisan si Willow sa bahay ni Miguel at ni magpahatid sa driver ay di nito ginawa.  She got herself a cab waiting outside na kanina pala niya tinawagan nung dumating siya.


Chapter 26:

Dahil premature si Baby Troy ay nanatili pa ito sa hospital.  Araw-araw ay nandun si Willow to nurse her little one.  Ilang beses din silang nagpang-abot ni Miguel who she’s still ignores.  Sa kanyang condo siya tumuloy.  Laking gulat ng kanyang helper nung dumating siyang bitbit ang mga gamit.  Kinagabihan nun ay inapoy siya ng lagnat dahil sa pagkabinat.  Muntik na siyang dalhin ng helper sa ospital at muntik na itong tumawag kay Miguel pero pinagbabawalan niya ito.

Willow is determined to work things out on her own.  Galit na galit pa rin siya kay Miguel and she finds it unfair to be living with him in a life na hindi pala totoo.  She believes that napipilitan lang siyang pakasalan ni Miguel dahil nabuntis siya nito.  Iniwanan niya ang singsing sa bahay ni Miguel at wala siyang dinala ni isang gamit na bigay nito.

Di miminsang tinatawagan siya ni Celine but she rejected her call.  Ayaw niyang magkaroon ng kaugnayan ka Miguel kahit pa ito ang tatay ng kanyang anak at kasal siya dito.  She’s finding it hard to believe him and ang nasa isip ni Willow ay mahal pa rin ni Miguel si Mariel base dun sa nakita niya.

“Pwede na ba tayong mag-usap?” mahinahong tanong ni Miguel sa kanya nung matyempuhan siya ni Miguel na bumisita kay Baby Troy.

“There’s nothing to talk about Miguel.  Just draft the annulment paper and I’ll sign it so that we can both move on with our lives.”

“What happened to you Willow ?”

“What happened to me Miguel?  Baka mas tamang itanong na ano ang ginawa mo sa akin nung may sakit ako Miguel?  Why did you let me believed all those lies?” galit sa sambit ni Willow .

“I was not lying to you Willow .  What I felt for you was real.  I even thought na magandang opportunity yun sa akin para makabawi sa lahat ng pagkukulang ko sayo dati.  I thought we we’re cool.  I thought we were alright.  We were happy then.  What’s wrong with you now?” frustrated na talaga si Miguel sa nangyayari sa kanila.

“Nauntog akong muli Miguel.  Nagising na ako and tama ka bumabawi ka pero para ano?  Para saan?  Let’s not make things complicated Miguel.  Palayain na natin ang isa’t isa and para maging masaya na tayong muli.”

“Is this what you really want Willow ?  Magiging masaya ka nga ba pag maghiwalay tayo?  Paano ang bata?  I cannot allow you to deprive me of my right to raise my child.” Nagpipigil na sumigaw ni Miguel.

“Don’t worry Miguel, I’ll give you visitation rights to my son.  Wala akong magagawa dahil ikaw ang ama.  Pero yun lang ang kaugnayan natin.  Apart from that ay wala na.”

Dahil sa nadaramang galit at sa takot na baka ano pa ang magawa at masabi niya sa asawa ay minabuti ni Miguel na walk-outan si Willow. 

“ Sana hindi ka nagkamali sa iniisip mo Willow .” Ang huling katagang sinabi ni Miguel.

Duon pa lang tumulo ang mga luha ni Willow na kanina pa niya pinigilan.  At siguro baka naramdaman din ng bata ang pagluha niya ay umiyak din ito.

Dali-daling pinasok ni Willow ang kamay sa loob ng incubator at hanaplos ang sanggol.

“Sorry anak.  Tahan na.  Mommy will never leave you.  Tahan na.”

Nung araw na inuwi ni Willow si Baby Troy ay pumunta din si Miguel.  After he has paid the bills, he asked Willow again for the nth time na sa bahay na nila ito tumuloy pero tumangi pa rin si Willow .

Isang araw ay nakatanggap si Willow ang sulat galing sa abogado ni Miguel inviting her to talk about their annulment.

Kahit si Willow ang nagsuggest ng ganun pero di pa rin niya naiwasang manlamig nung matangap ang sulat na iyon.  Huli na nung matanto niyang napaiyak na rin pala siya.

They were scheduled to see each other two days from the moment she read the letter.

Kinuha niya si Baby Troy sa kuna at niyakap ng mahigpit.

“Sorry anak ha.  You will not have a normal life pero one thing I’ll promise you is that you will still have a happy life.  I cannot let your father be tied up with me for the wrong reason.  He ought to be happy as well.”

“I still love you Miguel and I’m so sorry if I had to do this.  I guess this will be better for all of us.” Sigaw ng isip ni Willow habang pinaghehele ang inosenteng sanggol.

**************************************

She’s running late sa meeting nila ni Miguel at nag-iba pa ang venue nito.  Hinihingal si Willow sa pagtakbo at palinga-linga siya at hinahanap ang abogado ni Miguel na supposedly ay siyang makakausap niya.  Pero si Miguel ang nakita niyang nakaupo sa isang sulok at alam niyang hinihintay siya nito.  Ang ipinagtataka niya ay wala itong kasamang abogado.

Mas kampante siya sana kung nandyan ang abogado nito at gayun din ang abogado niya para lahat ng legalities ay mapag-uusapan.

Masusi lang siyang tiningnan ni Miguel nung dumating siya at inimwestro nito na umupo siya sa bakanteng upuan na nasa kabisera nito.  Bumalik ang dating seryosong Miguel at ni ngumiti ay di nito ginawa.

Matinding katahimikan ang pumapagitna sa kanilang dalawa.  Di nakatiis si Willow kaya siya na ang nag-umpisang magsalita.

“Nasaan si Atty. Cruz?”

“He’s not coming.”

“Ha?  Paano yung pag-uusapan natin?  Ah it’s ok, darating naman yung lawyer ko.” Pilit pinapakalma ni Willow ang sarili

“He’s not coming either.” Walang emosyon pa ring sambit ni Miguel.

“What?”


Chapter 27:

“You heard me right.  They’re not coming.  Its just gonna be you and me tonight.”

Natampal ni Willow ang noo out of frustration.  Alam niyang Miguel is into something and she hates surprises like this.

“Plinano mo ang lahat ng ito ano?  I better get going!” at akmang tatayo si Willow nung paupuin siya ni Miguel.

“Sit down.” He said sternly that startled Willow at napabalik ito sa pag-upo na parang maamong tuta.

“Let’s talk like two consenting adults Willow .  You’ve been acting so childish these days at pinapasensyahan kita.  Pero this time around, I want you to listen to my conditions before I’ll agree to what you’re suggesting.”

Natameme si Willow sa sinabi ni Miguel sandali.  Pero biglang uminit din ang ulo niya kaya makikipagbalitaktakan sana siya dito pero dumating naman ang waiter kaya nanatili siyang tahimik.

She gave her order right away at maging si Miguel para maipagpatuloy ang naudlot na usapan.  Pero dahil sa paglapit ng waiter na iyon ay huminahon ang pakiramdam niya.

“Ano ang mga kondisyones mo?”

“Patience Princess…. Have some patience… you wait till we’re done eating.”

“What?  Let’s talk and get things over done with.  May anak pa akong naghihintay sa akin sa bahay.” Galit na sambit ni Willow .

“Anak ko na dapat sana ay inaalagaan ko rin ngayon.  Anak ko na pinagkakait mo sa akin dahil sa katigasan ng ulo mo.  Anak na may karapatang magkaroon ng kumpletong pamilya.” May diing pagkakasabi ni Miguel na ikinatahimik ni Willow.

“O ano, bakit natameme ka?  Lost your tongue honey?” may pag-uuyam na sabi ni Miguel sabay inom ng wine.

“Bullshit Miguel.  Saan patutungo ang usapang ito?”

“And the lady knows how to curse now.  Impressive but not that much Mrs. Enriquez.  You are still married to me and I will never give in to your request of an annulment unless ikaw ang magfile nito at ikaw ang aamin na psychologically incapacitated ka.  Maganda yun so that you will be unfit to become the mother of my son and I can have full custody of him.  Once I’ll have that, you will never see him for the rest of your life!” and he flashed her devilish smile.

Napasinghap si Willow sa sinabi ni Miguel.  Tama si Miguel.  Mahihirapan nga siyang makuha ang annulment lalo na paghindi si Miguel ang may gusto nito.  At kaya ba niyang akuin na siya ang may problema kaya siya magkikipaghiwalay?  Paano kung magkatotoo ang sinabi ni Miguel at sa huli ibigay ang full custody kay Baby Troy.  Makakaya kaya niyang mawala sa piling ng anak?  At what if totohanin ni Miguel na ilalayo nga ang bata sa kanya.  Hindi niya kakayin yun.

Huli na nung namalayan ni Willow ang pagtulo ng luha at napansin na lang niya ito nung tumulo ang mga ito sa kanyang kamay.  Pinahiran niya ang mga luha at suminghot bago nagsalita.

Bumuntunghininga si Willow at pinipilit huminahon bago nagsalita.

“Ano ang ngayon ang gusto mong mangyari?”

“Ayan, madali ka naman palang kausap eh, pinapahirapan mo pa ang sarili mo sa pagmamatigas.  Simple lang ang gusto ko.  Bumalik kayo sa bahay bukas na bukas din right where my son truly belongs.  Ipapasundo ko kayo sa driver tomorrow morning.  Magsasama tayo sa iisang bubong gaya dati.”

Tahimik lang nakikinig si Willow but something is already running on her head.  Balak niyang itakas mamayang gabi si Baby Troy at magpakalayo-layo kay Miguel.

“At huwag kang magkakamaling itakas ang anak ko Willow at mas lalo kang malilintikan sa akin.” Tila nahulaan ni Miguel ang nais niyang gawin.

Nanatili siyang tahimik at nakikinig kay Miguel.  At nung matapos itong magsalita ay muli siya nitong tinanong.

“Nagkakaintindihan ba tayo Willow ?”

“Opo kamahalan!” may pang-uuyam na sabi niya.

Ngumiti ng tipid si Miguel.  “Good!  Marunong ka naman pala umintindi.  Sige kumain ka na at marami ka pang liligpitin na gamit pag-uwi mo mamaya.” At muling pinagpatuloy ni Miguel ang pagkain at hindi inalintala na nagpupuyos na sa galit ang babaeng kaharap.


Chapter 28:

Alas otso pa lang ng umaga ay nasa baba na ng condo ang driver ni Miguel at sinusundo silang mag-ina.  Tinutoo na talaga ni Miguel ang sinabi nito sa kanya dahil napag-alaman niya sa guard kinaumagahan na nandun ang isa sa mga bodyguards ni Miguel at pinababantayan sila.  Napapailing na lang sa galit si Willow .  Mukha nga talagang wala na siyang kawala sa sitwasyon nila ni Miguel.

Tinawagan niya si Mommy Cha pagkatapos nilang magdinner ni Miguel kagabi at inilahad niya dito ang kundisyones ni Miguel.

“Alam mo girl, baka ito na rin ang daan na magkakaayos kayong dalawa.  Bigyan mo siya ng chance.  Lately naman kasi napapansin ko na nagbago na siya and he cared for you genuinely.  Inaway ko kaya yan nung nadisgrasya ka.  Mega sisi ako sa kanya dahil sa kapabayaan niya.” Explains Mommy Cha.

“Ewan ko Mommy Cha, naguguluhan talaga ako.  Siguro di rin naman ako manhid para hindi maramdaman yun pero what if ginawa lang niya yun for the baby and ayokong matali siya sa kasal na ito ng di niya ako mahal.”

“Hindi naman siguro Girl.  I know Miguel at pag may ginawa yan, sigurado siya lagi sa kanyang ginagawa otherwise siya ang unang aalis sa sitwasyong susuungin.  Sa ngayon subukan mo na lang ang gusto niyang mangyari.  Malay mo baka magwork-out naman.  I’m sure magwork-out din ang lahat ng ito.  Try to learn to trust him again girl.”

“Hindi ko pala na kwento sayo na nakita ko sila ni Mariel na hawak kamay sa isang restaurant.” And she tried to blink her tears.

“Kelan ito nangyari?”

“Nung araw na nanganak ako.” At inilahad niya dito ang nasaksihan.

“Ano ka ba.  Mariel is married to Simon na.  May baby girl na nga sila and they were here for a vacation.  Simon was with Mariel that time at isa sa sinadya nila is si Miguel dahil humingi ng tawad ang dalawa dito.  I was there nung lunch na yun but nauna lang akong umalis dahil may appointment pa ako.  Hay nako Willow , sana nilapitan mo sila at di ka sana nagdadrama.  Aminin mo kasi na nagseselos ka pa rin kay Mariel.”

Napanganga si Willow sa nalalaman galing kay Mommy Cha.

“At saka walang bukambibig ang asawa mo nung oras na nag-uusap kami kundi ikaw.  Ikaw na lang lahat.  Ikaw na isang magaling na asawa.  Nagsisi nga daw siya on how he treated you before and he was glad that he was given this opportunity to make up for everything.”

Tuluyang napahagulgul si Willow sa sinabi ni Mommy Cha.  Niyakap ng kaibigan ang umiiyak na si Willow at natatawa ito.

“Hay nako sayo Willow .  Yan, yan ang napapala sa maling akala.  Masyado kang reactive kasi eh.  Masyado kang drama queen tsaka nakakaloka ka ha, ang tagal mo bago sinabi sa akin ito.  Nagmamatigas ka eh.  Ilang beses ba kitang tinawagan kahit nasa abroad ako pero ayaw mo akong sagutin.  Nakakainis ka.” Kunyari nagtatampo ito.

“Sorry na friend.  Magulo lang talaga ang isip ko nung mga panahong iyon tsaka busy kasi ako sa pag-aasikaso ng inaanak mo.”

“Oks lang yun.  Basta promise me next time magsabi ka ha.  Baka sakaling makatulong lang naman.”

Ngumiti si Willow at nagthank you sa kausap sa telepono.

Tiningnan ang anak na payapang natutulog sa kuna at kinuha at niyakap ng mahigpit.

“Baby Troy , uwi na tayo sa daddy mo bukas.  I’ll give you a complete family na anak.  Sorry ha kung naging mapride si Mommy.  Biktima lang ubod ng pagmamahal kasi.” At hinalikan ang anak bago inilapag muli.

“Yaya, ihanda ma na lahat ng gamit.  Babalik na tayo sa bahay bukas ng umaga.”

*********************************

Nakatayo si Miguel sa may paanan ng pintuan nung dumating sina Willow .  Bagama’t hindi naman ito galit pero di rin ito ngumingiti.

Nakabuo ng desisyon si Willow nung gabi.  Lulunukin na niya ang pride at susubukang e work-out ang relasyon nila ni Miguel.  Hindi naman matatawaran ang kanyang nadarama kay Miguel.  Mahal na mahal pa rin niya ito.

Nakangiti si Willow habang binabagtas nila ang kahabaan ng EDSA.  Tila alam din ni Baby Troy na pauwi na sila kasi tulog na tulog lang ito sa sasakyan habang silay nagbibyahe.  Hindi mawari ni Willow ang naramdaman sa mga sandaling iyon.  Naeexcite siya at kinakabahan all at the same time.

Nung makita niya si Miguel who’s sporting a white shorts and black polo shirt na nakapamulsa sa may paanan ng pintuan ay napasinghap siya at lumakas ang pagtahip ng kanyang puso.  Kung wala ng lang siyang balat at buto ay baka kumawala na ng tuluyan ang kanyang puso sa lakas ng pagtibok nito.

Pagbaba niya ay sinalubong siya ni Nana Patring.

“Nako! Nako! Nakauwi na rin sa wakas ang prinsipe ng palasyong ito!” excited na sambit ni Nana Patring matapos siya nitong yakapin at masilayan ang natutulog na anak.  Nagpakitang gilas din ata si Baby Troy dahil nginitian nito si Nana Patring kahit nakapikit ang mga mata.

“Nako! Ke gwapo ng batang ire!  Kamukhang kamukha ng tatay!  Hoy Miguelito, bakit nakatayo ka pa diyan.” Tawag nit okay Miguel.

Lumapit si Miguel sa kanila at hinalikan nito ang anak at tinanguan lang siya.

Dismayado si Willow sa ginawa ni Miguel.  Pero ano ang iniiexpect niya eh di nga ba nagbabangayan pa sila nung nagdaang gabi.  Hindi naman alam ni Miguel ang nabuo niyang desisyon.



Chapter 29:

“Anong nangyari sayo?” nababahalang tanong ni Willow nung makitang paika-ikang naglalakad si Miguel at nakacast na ang isang binti nito.  Nagsabi lang ito sa kanya kanina na magbabasketball at ngayon umuwi na ito na nakacast na ang binti.

“I slipped.” Seryosong sagot ni Miguel.

Bagama’t nakatira na sila sa iisang bahay ay hindi pa rin sila nagsasama sa iisang kwarto.  Willow sleeps in Baby Troy’s nursery.  Tinanong siya ni Miguel nung pagdating nila kung saan niya gusto matulog.  Nahiya si Willow na sabihin na sa kwarto nila kaya nagkasubuan na at sa kwarto siya ng anak natutulog.  Miguel had her things moved to the baby’s room.

“Paanong nangyari?”

“I had a bad fall.  Pag lay-up ko, I landed on the wrong foot.  I just had a dislocated knee and sana no need for surgery kung maayos sa cast.”

“Can you manage?” di napigilang itanong ni Willow sa asawa.  Gustong gusto na niya itong alalalayan but her pride and shame is stopping her.

“I’ll be fine.  Sige, akyat na muna ako.”

Sinundan ng tingin ni Willow ang paika-ikang naglakad na si Miguel.  Alam niyang nahihirapan ito.  Paano kaya ito maliligo eh hindi dapat basain ang naka cast na binti.  She’s worried dahil alam niyang hindi nakakatulog si Miguel paghindi ito nakaligo at mas lalo na pagaling ito sa basketball.

Umakyat na rin siya at tumuloy na sa kwarto nila ni Baby Troy.  Pinapakiramdaman lang niya ang asawa na nasa kabilang kwarto lang.  Parang siyang isang detective na pilit pinapakinggan kung ano ang nangyayari sa kabilang kwarto.  Nung makarinig siya ng mura at pagbagsak ng kung ano sa kabilang kwarto ay sinabihan niya agad ang yaya ni Baby Troy na natutulog na bantayan na muna ang bata.

Kinakabahan man si Willow ay hindi rin siya mapapanatag kung di niya matingnan kung ano ang nangyayari sa asawa sa kabila.

Mahina siyang kumatok sa kabilang kwarto pero walang sumagot sa kanyang katok kay nangahas na siyang pumasok sa kwarto.  Tama nga ang hinala niya dahil wala sa kwarto si Miguel.  Nasa banyo ito base sa ingay na narinig mula doon.  Mas lalo siyang kinabahan dahil sa lugar kung saan naroon si Miguel.

“Miguel…” mahina niyang sambit pero wala pa ring sumagot kaya kumatok siya sa nakaawang na pintuan sa banyo.

Nakita niyang nahihirapan si Miguel na ipusisyon ang sarili kung paanong di mabasa ang binti nito habang naliligo.  Naabutan niyang nakatalikod si Miguel sa kanya.

“Miguel…”

Lumingon si Miguel sa kanya at halata ang pagtataka kung bakit nandun siya.  And that’s when she realized that Miguel is naked.

“Ah Miguel, I heard noises.  Do you need help?” hindi siya makatingin ditto habang nagtatanong.  Apektado siya sa kahubaran ni Miguel.

“No thank you I can manage.”

Pero alam niyang nahihirapan ito kaya kahit kinakabahaan ay lumapit pa rin siya sa asawa at kinuha mula dito shower head at pinaupo ito dulo ng bathtub.  Pumasok na rin siya sa shower room at tinimpla ang tubig ng shower according to his preference.  Binalot na rin niya ng towel ang apektadong binti ni Miguel.

Sinimulan niyang basain ang kanang parte ng katawan ni Miguel dahil ang kaliwang binti naman nito ang natamaan.  Unang dapo ng tubig sa katawan ng lalaki ay napaigtad ito kasabay ng pagkabuhay ng kalamnan nito.  Iniiwasang tingnan ni Willow ang parte ng katawan ni Miguel na iyon habang si Miguel naman ay titig na titig sa kanya.

“Please raise your right arm.”

And so he did.  Hindi naman din pupwedeng hindi mapadako sa kanyang iniiwasan ang pagbuhos ng tubig dito kaya kahit na nakokonsyus siya ay ginawa pa rin niya.  Kumuha siya ng sabon at inumpisahang sabunin ang asawa.  Siya mismo ay nahihirapan na rin sa ginagawa.  Ilang buwan na ba si Baby Troy?  Six months?  Ganun na rin sila katagal walang contact ni Miguel.

Dahil sa lumilipad ang isip ay nasagi niya buhay na buhay na pagkalalaki ni Miguel na ikinasinghap ng lalaki.

“Sorry”

Pero di nagsalita si Miguel bagkus ay hinapit nito ang beywang ni Willow palapit sa sariling katawan.

“Miguel…”

“It has been a while wife…”


Chapter 30:

“Miguel…”

Miguel stood up leaving his other leg still outside of the bathtub.  Nakahapit pa rin ang braso nito sa beywang ni Willow.  Dahil sa ginawa ng lalaki ay natapat na ang dutsa sa katawan ni Willow kaya nabasa ito at bumakat ang puting pantulog sa katawan nito.  Mas lalong nabuhay ang katawang lupa ni Miguel nung maaninag ang katawan ni Willow.

Dahan-dahang bumaba ang mga labi ni Miguel sa labi ng asawa ang without battling an eyelash, he finally claim her lips.

Naging banayad ang halik ni Miguel kay Willow pero pagkaraan ng ilang saglit ay naging mapusok na ito at mapaghanap.  Maging si Willow ay di na naiwasang tumugun sa mga halik ni Miguel.  Nadadala na rin siya sa kapusukan at nagsimulang tumugun sa mga halik nito.

“I miss you Honey.” Miguel said in between kisses.

Mas lumalalim ang halik ni Miguel at muli itong umupo pero tangay tangay na siya nito.  Nabitawan na rin niya ang showerhead at ang kanyang mga braso ay nakapulupot na sa leeg ni Miguel habang ang kay Miguel ay sa beywang niya.  She sat astride him at walang ng espasyo ang nakapagitan sa kanila.

“Miguel…”

“Don’t you miss me Honey?”

“Miguel…”

“Say it!”

“I miss you too!” she said in between moans.

Pinapalandas ni Miguel ang mga kamay papunta sa bahaging pang-upo ni Willow.  He didn’t get contented to touch her with her clothes on kaya ipinasok ni Miguel ang kamay sa ilalim ng damit ni Willow without letting go of her lips.

He managed to let go of her clothes ng di man lang namalayan ni Willow.  Pareho na silang hubo’t-hubad habang sumasayaw sila sa tugtug ng kamundunduhan. 

Biglang napasigaw si Miguel kaya natigilan si Willow.

“Bakit?” natarantang tanong ni Willow.  She automatically let go of him and stood up.  Kahit nakahubad ay dali-dali niyang tiningnan ang binti ni Miguel.

“Alin ang masakit?”

Hindi maipinta ang mukha ni Miguel dahil sa nadaramang sakit.

Kumuha ng towel si Willow at itinapis sa kahubaran at masusing tiningnan ang binti ni Miguel.

“Saan dito ang masakit?”

Itinuro ni Miguel ang bahaging kumikirot.  Masusi itong tiningnan ni Willow at nakita niyang maga nga ito.  Mali yata ang pagkakatangay nila sa kapusukan kanina dahil napupwersa ang binti ni Miguel.

“Tapusin ko na ang pagpapaligo sayo.  Huwag mo muna masyado igalaw ang binti mo para hindi kikirot.”

Pagtalikod ni Willow para muling abutin ang shower head ay muli siyang niyakap ni Miguel and he buried his face on her back.

Natigilan si Willow sa ginawa ng asawa.

“I miss you so much Honey.”

Hindi makakilos si Willow.

“Please come back to me Honey.  Let’s make our marriage work.” Sambit ni Miguel and she swears na nahihimigan niya na parang umiiyak ang asawa.

Umikot si Willow para makita niya mukha ni Miguel at hindi nga siya nagkakamali dahil may mga luha ang mata ng asawa.

Willow wasted no time and she hugged Miguel.  Matagal na niyang hinintay ang pagkakataong ito.

“I miss you too Honey and yes I want our marriage to work.  Please forgive me…” hindi na pinatapos ni Miguel si Willow sa sasabihin.

“Nothing to ask forgiveness for Honey.  Let’s forget what happened and start anew.  I love you very much and like I said before, sorry if it took me a while to realized it.”

Tuluyan ng napaiyak si Willow sa sinabi ng asawa at mahigpit itong niyakap.  Matagal sila sa ganung posisyun hanggang maramdaman ni Willow ang lamig na nanunuot sa kanyang balat.

“Halika na, tapusin ko muna ang pagpapaligo sayo.  Ikaw kasi kung ano-ano ang ginagawa mo eh.” May himig na biro ang sabi niya sa asawa.

“Eh ma dyeta ka ba naman ng ilang buwan.  Ikaw kasi tinitiis mo ako.  At naudlot pa rin hanggang ngayon.  Pero this time around ay hindi na.” at mabilis siya nitong binitbit palabas ng shower room.

“Miguel ano ba!  Put me down.  Baka mapaano ang binti mo!”

Pero di alintala kay Miguel ang bigat niya at kahit paika-ika ito ay nabitbit pa rin siya nito papunta sa kanilang kama at di na nagpapigil si Miguel sa pagkakataong ito na isakatuparan ang kanina’y naudlot na pagpupulo’t gata.

Natulog silang magkayakap at kuntento.  Hindi matatawaran ang kaligayahan ni Willow dahil sa wakas ay nabuo na rin ang kanyang pamilya.

Pagkalipas ng tatlong buwan ay nagpakasal na rin sila sa simbahan at ang tumayong ring bearer na nasa stroller ay walang iba kundi ang kanilang baby na si Troy.  Maid-of-Honor naman si Mommy Cha sa ikalawang pagkakataon at gaya ng nakaraan ay siya pa rin ang gumawa ng gown ni Willow and the rest of the entourage.

Nag-attend din sa kasal sina Celine at Philip gayun din sina Simon at Mariel.  Let bygones be bygones ika nga.  Pareho naman silang maligaya lahat kaya kinalimutan na nila ang nakaraan.

Ang pinakamaligaya sa lahat ay ang parehong ama nina Willow at Miguel.  Natuloy na ang pagiging magkumpare ng dalawa at parehong hindi magkanda-ugaga sa pag-alaga ng apo.

“Ladies and Gentleman.  We would like to thank our family who have been very supportive and understanding.  To our relatives and friends especially those who came all the way home just to attend our wedding….” At nagpatuloy si Miguel sa pagpasalamat.

“And to my wife.  Hon, thank you for holding on.  Salamat sa pagiging makulit dahil iyan ang naging susi kung bakit tayo nandito ngayon.  I may have not realized sooner that I love you but I’m glad I did now.  I love you so much Honey and I want to spend the rest of my life loving you and our children.” And Miguel kissed his wife Willow.

“Napasalamatan na ng asawa ko kayong lahat at sa pangalawang pagkakataon ay maraming maraming salamat for coming.  Oo Hon, makulit nga ako pero sayo lang ako makulit.  Ang ilap mo kasi eh.” Pabirong sabi ni Willow.

“Pero seriously, akala ko talaga wala na tayong pag-asa… wala akong pag-asa sayo.  Masyado ka kasing manhid dati kaya ako na ang lumigaw sayo.  Pero masyado kang pakipot eh!” nagkatawanan ang lahat ng tao sa sinabi ni Willow.

“Until that accident happened.” Gumagaragal ang boses ni Willow nung maalala ang nangyari kaya Miguel put his arms around her.

“Pero dahil sa accidenteng iyon ay dun tayo nagkalapit ng tuluyan at along the way ay lumalaki na rin si Baby Troy sa aking sinapupunan at gusto ko ring sabihin sayo na magkakaroon na ng kapatid si Baby Troy soon.”

Napatingin si Miguel sa asawa at di na nito napigilan ang sarili at niyakap ng mahigpit ang asawa dahil sa nadamang kaligayahan.  Palakpakan ang lahat ng tao dahil sa sinabi ni Willow na magandang balita.

“Mantikin niyo, magkakaroon na ng kapatid si Baby Troy!  Yahoo!!!!!” at nagtatalon pa si Miguel dahil sa masayang balita at muling niyakap at hinalikan ang asawa.

“I love you Wife!” sambit ni Troy bago hinalikan ni Miguel ang asawa.

“And I love you more my husband.”


********************* END *************************

4 comments:

  1. NEXT THE PO ! ANG GANDA ! sana naman wag makunan si Willow.

    ReplyDelete
  2. ganda ng ending!

    celine and philip naman!.. hahah

    ReplyDelete
  3. ang ganda!! *hands down*

    ang dami din pinagdaanan ng 2 bago magkaroon ng happy endin... sabi nga... sa haba2 man ng prosesyon, sa simbahan pa din ang tuloy!! hehe...

    ReplyDelete
  4. super ganda po..i can't control my tears from falling..hindi ko alam bakit ako napapaiyak ng sobra sa ff na ito,maybe it's super nice kaya nasasaktan din ako when the character of willow ay sobrang hurt..i salute you po ms athena

    ReplyDelete