Thursday, April 7, 2011

My Own Good Vibes

My Own Good Vibes
(Wishful Thinking ng Sambayanang Bula)

Disclaimer:
Ang lahat ng pangyayari sa fan fiction na ito ay pawang kathang-isip lang ng may-akda.  Hindi rin ito galing sa script ng orihinal na Good Vibes Dance Serye but just a wishful scenarios of Sambayanang Bula.  Hindi rin kontrolado ng may-akda kung may mga pagkakahawig ang mga sitwasyon sa mga darating na episodes ng Good Vibes. 


Chapter 1:

Northbridge High.

Huminga siya ng malalim habang tinititigan ang malaking school seal na nakapaskel sa harap ng main building.

“This is it!  Kaya mo ito Maribeth!” sigaw ng isip ni Maribeth Tamayo para mawala ang kaba niya sa dibdib.

Muli niyang inayos ang kanyang kurbata at polo bago pinagpatuloy ang paglalakad papuntang admin office.

Ilang beses na rin siyang nakapunta sa school na iyon dahil siya ang naatasang magdala ng mga take-out na pagkaing inorder sa Chikboy.

“Best!” sigaw ng isang pamilyar na tinig sa kanya na ikinangiti ni Maribeth.  Paglingon niya ay nandun na ang matalik na kaibigang si Troy .  Tumakbo si Troy palapit sa kanya at bigla siya nitong niyakap at kinarga at inikot kagaya ng nakagawian nila.

Maraming nakasaksi sa pangyayari at kasama na duon ang tropa ni Marc na hindi pala nalalayo sa kanilang kinaroroonan.

“Who’s that girl?” Di mapigilang tanong ni Ara.

“Yan yata ang bestfriend ni Troy .” Sagot naman ni Franco.

“Hey, isn’t she the girl in Chikboy Spens?” remembered Gab.

“Yeah, she’s that girl in Chikboy.” Hindi mapigilan ni Spencer ang mapangiti.  Ilang beses na din kasi siyang nagagawi duon at lagi niyang inaasar si Maribeth to get her attention.

“Hey Dude, I heard magaling daw sumayaw yan.  Maybe she can be a good addition to team.” Franco is directing his thoughts to Marc na nanatiling tahimik lang na inoobserbahan ang masayang tagpo nina Troy at Maribeth.

Kasalukuyang ginugulo ni Troy ang mahabang buhok ni Maribeth at mayamaya lang ay hawak kamay na silang pumasok sa admin office.

“Bakit Franco, aren’t we enough for our team to win?” di nakatiis na sambit ni Geleen. Hindi maikakaila ang panibughong nadarama niya sa attentionsyong pinapakita ni Troy sa di umano’y bestfriend nito.

“Hindi naman sa ganun Geleen.  What I’m saying is, if magaling siyang sumayaw and she’s enrolled in our school then bakit hindi natin siya isama sa team.  Wala namang mawawala di ba?  Di ba Marc?  Hoy Marc, are you even listening to us?” agaw ni Franco sa attention ng kaibigan na kanina pa tahimik na nakamasid.

Naalala ni Marc ang narinig na pag-uusap ng daddy niya at ni Troy tungkol sa kaibigan ng huli.

“May hihingin po sana akong pabor kung ok lang po.”

“Ano yun anak?”

“Kasi yung bestfriend ko pong si Maribeth gusto ko sanang e apply ng scholarship sa Northridge kung meron pong bakante.  Working student po siya ngayon.  Naisip ko lang na kung may pagkakataon din naman na maibibigay sa kanya ay maganda sana .  Kung meron lang po ganung programa sa school sana .  Matalino po ang kaibigan ko.”

“Ito yung kaibigan mong nakilala ko nung sinundo kita di ba?  Mukhang mabait nga ang batang iyon.  Hayaan mo anak, itatanong ko bukas kung pwede pa siyang isama dun sa list of scholars natin for this year.” Nakangiting sambit ni Nestor Pedroza sa anak na kelan lang nakasama.

Kunot noo si Marc na nakikinig sa usapan ng ama at kapatid na di pa rin nito kinikilala.  Galit nitong nilisan ang lugar at padabog na umakyat sa taas.  Nung paakyat ito ay nakasalubong nito ang ina.

“Marc anak, slow down.  Are you alright?” nag-aalala si Mrs. Amanda Pedroza nung makita ang expression ng anak. 

Tumigil si Marc pero kunot pa rin ang noo at galit ang expression ng mga mata at taas-baba ang pagtihip ng dibdib tanda.

“Anak, what’s wrong?” muling tanong ng ina.

“Nakakainis talaga ang sampid na yan Mom.” May kalakasan na pagkakasabi ni Marc.

“Marc, watch your language and lower your voice.  Halika dun tayo mag-usap sa taas.” At binitbit na ito ng ina papasok sa kwarto nilang mag-asawa.

“Ok speak up.  Ano na naman ang problema mo?”

“Eh kasi Mom, ang kapal naman ng mukha ng sampid na iyan.  Pinaaral na nga ng Dad sa Northbridge ngayon gusto pa pati yung kaibigan niya isama.  Namimihasa na yan ah.” Reklamo ni Marc sa ina.

“Teka, paano mo naman nalaman ito?  Have you been eavesdropping your father and Troy ha Marc?”

Hindi nakaimik si Marc.

Inakbayan ng ina si Marc.  “Anak, hayaan mo na si Daddy mo at si Troy .  They’re trying to catch up with the lost time.  Kung nasasaktan ka, you should understand also na mas nasasaktan ako pero nakita mo ba akong nagdadabog o nagagalit ha?”

“Oo nga Mom, bakit di ka man lang nagalit kay Dad?  Bakit pinayagan mong dito titira sa atin ang sampid na yan?” may bahid pa rin na galit na sambit ni Marc.

“Marc, binabalaan kita.  Watch your language.  Hindi kita pinalaking bastos kaya umayos ka.  Like I said you respect kung anong pinag-uusapan ng Daddy mo’t ni Troy . Ok?  Ok Marc?” hindi nito tinantanan ang anak hangga’t hindi mapasagot ng oo.

“O sige, bumaba ka na mamaya at kakain na tayo.  Get hold of yourself Marc.  Bumaba ka na later ok.”

Tumango lang si Marc at itinutuk na ang konsentrasyon sa laptop.

“Marc!  Marc! Hey Marc, are you with us?” pag-pupukaw ni Ara sa attention ni Marc.

“Huh?”

“Are you alright?” di mapigilang mag-alala ni Ara dito.

“Yeah.  What were you saying kanina Dude?” baling nito kay Franco.

“Hay nako.  Ang sabi ko, balita ko na magaling daw sumayaw yang bestfriend ni Troy at kako baka gusto mo siyang isama sa team natin.” Pagpapasensyang salaysay muli ni Franco sa kaibigan.

“Why don’t you invite her?  Tingnan natin kung kakayanin ba niya.”

“What? Duh!” sabay walk-out ni Geleen.


“Tingnan mo ang isang to.  Hey Gab, what’s wrong with your sister man?” naiiling na tanong ni Franco.

“Drama queen?” sagot naman ni Gab dito na nakangiti at nakipaghigh-five pa kay Franco.

“And you, you’ve been smiling the whole time!  Are you ok?” baling naman ni Gab kay Spencer na kanina pa nakangiti.

“Who me?  Am I not allowed to smile?” painosenteng tanong ni Spencer.

“Am I not allowed to smile?” ulit ni Gab sa sinabi ni Spencer. “Eh you’ve been smiling kanina pa when you saw that ChikBoy girl you’ve been visiting!”

“Shut-up Dude!” namumula si Spencer pero di pa rin maitago ang ngiti nito.

Bibiruin pa sana nila si Spencer pero narinig na nila ang bell hudyat na tapos na ang recess.


Chapter 2:

“Best, thank you ha.”

“Thank you saan?”

“Sa scholarship.”

“Ano ka ba, ikaw naman ang pumasa sa exam at sa interview.  Bakit sa akin ka nagpapasalamat?”

“Thank you pa rin kasi kung di dahil sayo di ako mabibigyan ng pagkakataong makapasok dito sa school niyo.”

Ginangap ni Troy ang kamay ng kaibigan bago nagsalita.

“Best, basta para sa’yo lahat gagawin ko.” Seryosong sambit nito.

“Talaga?”

“Yup.  Talagang talaga!” proud pa si Troy nung sabihin iyon.

“Talaga pala ha, pwes ilibre mo ako mamaya ha.” nakangiting sambit ni Maribeth sa kaibigan.

“Ay ang kapal!” paubong sabi naman ni Troy .

“Ano?  Anong sinabi mo?”

“Ha? Ang khapal! Wala.  Wala akong sinabi.”

Akmang papaluin sana ni Maribeth si Troy nung bumukas ang principal’s office at iniluwa si Mr. Nestor Pedroza.

“Troy nandito ka pala.  O Iha Welcome to Northridge!” sabay lahad ng kamay nito kay Maribeht.

“Good morning po.  Maraming salamat po sa pagtanggap niyo sa akin dito.  At maraming salamat din po sa scholarship na binigay nyo” Kiming sambit ni Maribeth.

“Walang anuman Iha.  Troy , samahan mo na si Maribeth sa klase niyo.  Ikaw na muna bahala sa kanya ok.  Tsaka remind mo din pala si Marc mamaya sa dinner natin.  At isama mo na din si Maribeth mamaya ok?”

Ngumiti si Troy nung malamang isasama ang matalik na kaibigan sa dinner nilang mag-anak.  Inakbayan nito si Maribeth at muling ginulo ang buhok.

“Sige po.  Alis na po kami.” Pagpapaalam ni Troy sa ama.

“Maraming salamat po ulit Mr. Pedroza.  Tutuloy na po kami.”

Tumango lang si Mr. Pedroza at muling nginitian ang dalawa.  He excused himself na kasi nag ring ang telepono nito sa opisina.

“Welcome to Northbridge High Best!  Masaya na ako ngayon kasi may kasama na ako dito sa school!” nakangiting sambit ni Troy .

Ngumiti lang si Maribeth na sumusunod lang kung saan siya hilain ni Troy .

Wala pa ang professor nila nung dumating sila sa classroom.  Bakante ang upuan sa tabi ni Troy kaya dun na niya pina-upo ang kaibigan.  Paparating ang isang grupo ng kabataan na maingay na pumasok sa silid alaran na iyon.  Ito yung grupo ni Marc Pedroza.

“Oi meron tayong bagong classmate.” Nakangiting sambit ni Franco.  “Hi I’m Franco and you are?” sabay lahad ng kamay nito kay Maribeth.

“Maribeth” nakangiting sagot ni Maribeth.

“Hi, I’m Ara.”  Lahad naman ni Ara ng kamay niya kay Maribeth.  “Pero I have to go na guys.  Di ko na kasi kayo kaklase eh.  Sad.  Alis na ako.  Nice meeting you Maribeth.  Sama ka na rin sa grupo namin like Troy ha.  Bye guys.”

“I’m Gab.  And this is my twin sister Geleen.” Sabay lahad ng kamay pero si Geleen hindi nagshake-hand kay Maribeth.  Nagsmile lang ito ng payak.
“And this guys over here needs no further introduction right?  I think you know him well. Right Bro?”

“Shut-up Dude!  Hi, welcome to Northridge High.  I hope you will have fun here.” Naglahad din ito ng kamay na ngiming tinanggap ni Maribeth.  He squeezed her hand tightly sabay kindat dito.

“Dude, shake hands lang.  You’re squeezing her had too tight!” di mapigilan ni Gab na sambitin iyon.

Nagkatawanan ang tropa pero si Troy ay masusing tiningnan lang mga ginagawa ng mga ito.

At nung ipakilala na sana ni Franco si Marc kay Maribeth ay biglang dumating ang kanilang professor.

Tumayo silang lahat at nagbigay galang.  Pagkaupo ni Maribeth ay tinanong niya agad si Troy kung ito ba si Marc na kapatid ng niya.  Tango lang ang isinagot ni Troy .  Pasimple namang lumingon si Marc kay Maribeth at tyempo naman nakatingin si Maribeth kaya walang kawala si Marc kaya sinuklian na rin nito ang ngiting binigay ni Maribeth sa kanya.

“Oh we have a new student again.  This is an interesting school year kasi dalawa na ang bagong students natin.  Can Ms. Maribeth Tamayo introduce herself to the class”

Tumayo si Maribeth and introduced herself to rest of the class.  Matapos ang introduction ay nag-umpisa na ang kanilang klase.


Chapter 3:

“ Troy , huwag na lang kaya akong sumama sa inyo.”

“Bakit naman?  Di ba sabi niya sumama ka kaya sama ka na.” hindi pa rin matawag tawag na Dad ang ama.

“Bakit di mo pa rin tinatawag na Daddy or Papa ang tatay mo Troy ?”

Hindi sumagot si Troy .  Mapahanggang sa sandaling iyon ay nahihirapan pa rin siyang tawagan ang ama sa ganung paraan.

“Alam mo Troy , parang mabait naman si Mr. Pedroza.  Bigyan mo naman siya ng chance na maging ama sayo.”

“Halika na nga.  Kung ano ano yang sinasabi mo eh.  Tara na.” sabay hila nito sa kanya.

Pagdating nina Troy at Maribeth ay nandun na sina Mr. and Mrs. Pedroza kasama ng anak na panganay na babae.

“Troy!” tawag ni Mr. Pedroza nung makita silang dalawa.

Lumingon din si Mrs. Pedroza at ngumiti kay Troy .

“ Troy , dito na kayo umupo.” Sabay turo sa kanila kung saan sila uupo.

“Good evening po Tita.” Sabay halik ni Troy kay Mrs. Pedroza.  “Si Maribeth po pala.  Bestfriend ko po.” Pagpapakilala nito sa kaibigan.

“Good evening po Mam.” At humalik na rin siya sa pisngi ni Mrs. Pedroza.

“Good evening din iha.  Please have a seat.”

“Happy birthday Ate.” Bati ni Troy sa half sister na may birthday.

Isang simpleng ngiti at tango lang isinukli nito kay Troy at nginitian din Maribeth.

“Si Marc ba di niyo kasama?” tanong ni Mrs. Pedroza.

“May dinaanan pa po siya Tita.”

“Eto na pala si Marc Mommy.” Sabi ni Mr. Pedroza nung mapansing dumating na si Marc at may bitbit itong balloons na nakaarrange.

Humalik muna ito kay Mrs. Pedroza at Mr. Pedroza tapos pinuntahan ang ate at ibinigay ang balloons at nagkiss na rin dito.

“Para sa pinakamagandang Ate.  Happy Birthday!”

“Asus nambola ka pa.  Upo ka na nga.”

Tahimik lang si Troy at naramdaman ni Maribeth ang tension kaya hinawakan nito ang kamay ng kaibigan sa ilalim ng mesa to assure him na nandito siya para dito.  Troy held Maribeth’s hand tightly as well.

“Marc anak, maupo ka na.” sabay turo nito sa upuang nasa tabi ni Mrs. Pedroza.

Napakunot ang noo ni Marc nung matantyang sa mommy siya niya tatabi sa halip na sa daddy niya na lagi niyang ginagawa.  Si Troy na ang nasa tabi nito.

“Have a seat na Marc.” Sabi ni Mr. Pedroza.

Padabog na hinila ni Marc ang upuan at tiningnan ng masama si Troy.  Naramdaman ni Maribeth ang tension at muli nitong pinisil ang kamay ng kaibigan para ito pakalmahin.

“Marc anak, nakilala mo na ba ang bestfriend ni Troy na si Maribeth?” ani ni Mr. Pedroza.

Tumango lang si Marc at binigyan ng tipid na ngiti si Maribeth.

“Maribeth is one of the scholars in Northbridge and apart from maintaining good grades ay kasama sa usapan namin ang pagsali niya sa dance troupe.”

“What?  Are you sure about this Dad?” di makapaniwala na sambit ni Marc.  Muling nagpangp-abot ang mga kilay nito.  Una ay pamilya niya, tapos ang school niya ngayon pati ang grupo niya ay dodominahin na rin ni Troy at ng kaibigan niya.  He can’t believe it.

“Oo sure ako.  And besides, maybe you need new addition to your team para manalo na rin kayo.  Di ba you are given a last chance by the school na ayusin ang dance troupe.  So this might be the answer to your problem.”

Ngitngit na ngitngit na si Marc sa sinabi ng ama.  He’s pissed off big time.  Para kasing pinapahiwatig ng ama na ang katropa ni Troy ang sasalba sa kanyang grupo.

May sasabihin pa sana si Marc pero dumating na ang food nila at nagyaya na ang kanyang mommy na kumain sila so kinalimutan na muna niya ang naramdamang inis.  Para sa kanya ay lumiliit na talaga ang mundo nila ni Troy.



Chapter 4:

“Thank you po Tito, Tita and Ate Happy Birthday po ulit.” Humalik na si Maribeth sa mga ito para magpaalam na uuwi.

“Hatid ko lang po si Maribeth.” Pagpapaalam din ni Troy .

“Hatid na natin si Maribeth.  Sumabay na kayo sa akin.  Gabi na at delikado na sa daan.” Pag-ooffer ni Mr. Pedroza.

“Ay nako huwag na po.  Kaya ko na pong umuwi.  Sanay na po ako.  Troy, huwag mo na rin akong ihatid.” Tangi ni Maribeth sa offer nila.

“Nako iha hindi pwede.  Ihahatid ka na namin.  Tara na.” sabad naman ni Mrs. Pedroza.

Nahihiya si Maribeth dahil kanina pa hindi maipinta ang mukha ni Marc.

“Ganun ba talaga yang kapatid mo?  Parang laging galit?” di maiwasang tanong ni Maribeth kay Troy kanina habang kumakain sila.  Kanina pa kasi siya tinititigan ni Marc at nakakulubot pa rin ang noo nito.

“Huwag mo ng pansinin yan.  Hindi sayo yan galit kundi dahil sa akin.  Lagi kasing iniisip niyan na inaagaw ko ang lahat sa kanya.”

“Pagpasensyahan mo rin ha.  Huwag na kayong mag-away.  Intindihin mo na lang.  Nag-aadjust pa din yan kagaya mo.”

Kibit-balikat lang ang sinagot ni Troy at pinagpatuloy pa rin ang pagkain.  Binalik naman ni Maribeth ang konsentrasyon sa pagkain at nung inaangat niya ang mukha ay nagpang-abot ang titig nilang dalawa ni Marc.  Muli niya itong binigyan ng simpleng ngiti na sinuklian muli nito ng tango kahit na di ito ngumiti.

“Sungit!  Sayang ang cute mo pa man din sana Marc Pedroza!” sigaw ng isip ni Maribeth.

“Cute ka din sana Maribeth Tamayo kaso sorry ka na lang dahil kaibigan ka ng mortal kong kaaway.” Parang sumagot din ang utak ni Marc sa iniisip ni Maribeth.

Hinatid ng buong mag-anak ng Pedroza si Maribeth sa tinitirhan nito.  Nung dumating na sila ay sinamahan pa ni Troy si Maribeth hanggang makarating ito sa paanan ng bahay nito.  Muling niyakap at ginulo ni Troy ang buhok ni Maribeth bago ito umalis.  At lahat ng iyun ay nakita ni Marc.

Nung makabalik si Troy sa sasakyan ay di maiwasang magtanong si Mrs. Pedroza dito.

“ Troy , totoo bang bestfriend mo lang talaga si Maribeth?” nakangiti ito na nagtatanong.

“Bestfriend ko po talaga si Maribeth Tita.” Nakangiti na ring sambit ni Troy .

“Talaga Troy ha?  Pero she seems to be a nice girl.  I like her.” Sulsul naman ng Ate nila.

Napangiti lang si Troy sa sinabi ng Tita Amanda at Ate niya.

“How about you Marc, what do you think of Maribeth?” si Mr. Pedroza naman ang nagtanong.

Hindi agad nakasagot si Marc.  Naghihintay ang lahat sa sagot niya.

“Ha?  Bakit ako ang tinanong niyo.  She’s a plain Jane.  Yun lang.”

Alam ni Troy na iniinis lang siya ng half-brother pero gaya ng suhestyon ng bestfriend ay pinalampas niya ito at nagpasyang manahimik na lang at di na sumagot para wala ng gulo.

“Plain Jane ha.  That’s so arrogant of you Marc.  Baka kakainin mo rin yan sinasabi mo in the future ha.  Plain Jane…” ani ng Ate nila.

Napangiti si Troy sa sinabi nito pero nanatiling tahimik lang.  Mas lalong nainis si Marc dahil pati ate niya ay parang kumakampi na rin kay Troy .

Pagdating ng bahay ay tuloy tuloy si Marc sa pag-akyat ng kwarto at humiga sa kama at tinakpan ang mukha ng unan.  Nadatnan ni Troy si Marc sa ganung ayus pero gayun pa man ay pinapapabayaan lang niya ito.  Bumuntunghininga na lang si Troy habang nagliligpit ng gamit at siya na rin ay naghahanda ng matulog.

Kalagitnaan ng gabi ay muling bumangon si Marc at pumunta sa labas at muling idinaan sa sayaw ang naramdamang inis.

Hapong-hapo na ang katawan ni Marc sa kakasayaw at napaluhod na siya sa pagod kasabay ng pagtaas-baba ng kanyang hininga.  Sa ganung akto siya nadatnan ng ina na lumabas at may bitbit na isang basong mainit na gatas.  Nakatayo ito sa tabi ng nakaluhod na si Marc.

Tumingala si Marc sa ina at tinanggap ang hawak nitong gatas.  Inalalayan ni Mrs. Pedroza ang anak na tumayo at pinaupo sa garden chair.

“What is wrong with you anak?”

Hindi sumagot si Marc at di makatingin ng maayos sa ina.

“Since when did you become arrogant?  Nasaan na ang dating Marc na kilala ko na mabait?  Bakit ka nagkakaganito anak?”

Hindi pa rin makasagot si Marc at nag-umpisa ng tumulo ang mga luha ng kanyang mata na mabilis nitong pinahiran.

Inabot ng ina ang kamay ng anak at ginagap.  “I know this is hard for you Marc.  Lahat naman tayo ay nahihirapan at kailangang mag-adjust.  Nandito na kasi ito at wala na tayong magagawa kundi tanggapin ang lahat ng ito.  Makisama ka naman anak.”

“Mom, bakit kasi dumating pa siya sa buhay natin.  Ok naman tayo dati ah.  Ngayon kasi feeling ko inaagaw niya ang lahat sa akin.  Si Daddy, ikaw, pati si Ate.  Tapos ngayon gusto na rin siya ng mga kaibigan ko.  Bakit ganun Mommy?” naiiyak pa ring sambit ni Marc.

“Anak, walang namang inaagaw si Troy sayo eh.  Di naman niya ako inaagaw sayo.  Ako pa rin ang Mommy mo ay iyon ang hindi niya kayang makuha sayo.  Pero gayun pa man, ayoko rin yung nangyayari sayo ngayon.  Open your heart to accept the changes in our lives now Marc.  Alam ko na mahirap sayo ito anak pero hiling ko sana subukan mo.  Subukan mo para sa Daddy mo.  Subukan mo for me at para sa ikakatahimik na rin ng family natin.  Please anak.” Pagsusumamo ng ina kay Marc.

Hindi sumagot si Marc bagkus ay yumakap ito sa ina at umiyak sa bisig nito.  Nagyakapan ang mag-ina.

Lingid sa kaalam ng dalawa ay may mga matang lihim na nakamasid sa kanilang dalawa sa itaas na nakakubli sa kurtina.

Pinahiran ni Troy ang mga luhang lumalandas sa kanyang pisngi.  Dali-dali itong bumalik sa kama at niyakap ang unan and ipinikit ang mga mata.

“Miss na miss na kita Nay.  Miss na miss na kita.” At nakatulugan niya ang pag-iyak at binabalikan ang alaala ng namayapang ina.”



Chapter 5:

“Hon, bakit?”

Nakita ni Mr. Pedroza na tahimik na umiiyak ang may-bahay na naka-upo sa kanilang kama .  Umupo na rin si Mr. Pedroza at inakbayan ang asawa.

“Hon, what’s wrong?”

“Wala Hon, matulog ka na ulit.  May iniisip lang ako.”

“Hon, pag-usapan natin ito please.”

Muling tumulo ang luha ni Mrs. Pedroza.

“Naawa lang kasi sa anak natin Hon.”

“Kay Marc?  Bakit?”

Humarap si Mrs. Pedroza sa asawa at hinawakan ang kamay nito.

“Hon, please be more visible kay Marc.  Iniisip kasi niya na inaagaw ka sa kanya ni Troy kaya lagi na lang galit ang anak natin.”

“That’s crazy.  I care for Troy like I cared for him.  Siguro nga binibigyan ko ng oras si Troy dahil marami pa siyang kailangan but that does not mean to say na wala na akong oras sa anak natin.”

“I know Hon pero hindi naintindihan ni Marc yan.  Nasanay kasi siya na siya lagi di ba?  Tsaka have you talked to him about it na ba?”

Natahimik si Mr. Pedrosa sa sinabi ng asawa.  Oo nga naman, dahil sa pag-aasikaso niya kay Troy ay hindi na niya nabibigyan ng attention si Marc kagaya ng dati.  He knows his son.  He knows that he’s strong enough to handle pressure.

“Sorry Hon.  I think nakakalimut lang ako.  Pasensya na ha.” matamang tinititigan ni Mr. Pedroza ang asawa habang hinawakan ang pisngi nito.

Kinuha ni Mrs. Pedroza ang kamay ng asawa at mas lalong idiniin ang pagkakalapat ng kamay nito sa pisngi at muling napaiyak.  Kinabig ni Mr. Pedroza ang asawa at niyakap ng mahigpit at pareho silang nag-iyakan.  Kung meron mang nasasaktan sa sitwasyon nila ngayon ay si Mrs. Pedroza iyon.

“I’m so sorry Hon.  Please forgive me.  I’m sorry.” Paulit-ulit na sambit ni Mr. Pedroza sa asawa.

Maingat na sinara ni Marc ang pintuan ng kwarto ng mga magulang at pinunasan ang mga luhang tumutulo.  Tahimik din siyang bumalik sa kwarto nila ni Troy .  Mataman niyang tiningnan ang kapatid na natutulog na yakap-yakap ang unan.

“Anong gulo ba ang dinala mo sa pamilya ko Troy ?  Tahimik ang pamilya ko dati at ngayon ay nabulabog dahil sa pagdating mo.  Pero sige pagbibigyan ko si Mommy.  Pakikitunguhan kita ng maayos.  Pero huwag na huwag ka lang gagawa ng ikakasama ng loob ni Mommy at ako ang makakalaban mo.”


*******************************

“Bakit ang lamig ng kamay mo Best?” nag-aalalang tanong ni Troy sa kaibigan.  Humawak kasi ito sa braso niya habang papasok sila kung saan ang meeting ng Sinag Diwa.

“Ninerbyos ako Best.”

“Bakit?”

“Baka kasi di nila ako magustuhan eh.  Lalo na yung kapatid mo.”

“Ano ka ba, ok lang yan.  Nandito naman ako lagi eh.  Akong bahala sayo.  Kaya huwag ka ng nerbyusin ok?” pag-aassure ni Troy sa kaibigan.

Tumango at ngumiti si Maribeth sabay huminga ng malalim bago pumasok sa venue.

Marc is presiding the meeting at tahimik na umupo sa bandang likod ang bagong dating na magkaibigan.

“Guys, may konting pagbabago pala tayo sa ating group.  I would like to welcome the newest member of our team, Ms. Maribeth Tamayo.” At inilahad ni Marc ang kamay para ituro si Maribeth na parang ipinako sa kanyang kinauupuan at di magawang tumayo.

Palakpakan ang mga myembro ng Sinag Diwa and everybody welcomed Maribeth to the team.

Nakatayo lang si Marc habang nagkakagulo kay Maribeth ang mga kasama and finally he smiled at her.  Isang tipid na ngiti din ang isinukli ni Maribeth kay Marc.


Chapter 6:

Naging regular ang takbo ng buhay ng mga estudyante sa Northbridge.  Bagama’t hindi pa rin masyadong magkasundo sina Marc at Troy ay hindi na rin naman naulit ang sapakan nila at pareho na silang civil sa isa’t-isa.

Lagi silang magkasama dahil meron papalapit na presentation ang Sinag Diwa group.  Araw-araw silang may practice ng sayaw.  Dahil sa pagsali ni Maribeth sa dance troupe ay nag-iba na rin ang schedule niya sa ChikBoy hanggang sa tuluyan na rin siyang tumigil sa pagtatarabaho dun at nag-apply bilang student assistant sa Northridge.  Natanggap naman siya sa library.

“Best, halika na.  Mag-out ka na.  Samahan mo na ako.” Pangungulit ni Troy sa kanya.

“Best naman hindi nga pwede.  May isang oras pa ang trabaho ko.  Mauna ka na dun.  Pupunta na lang ako mamaya ok.”

Nagyayaya kasi si Troy na pumunta sila sa isang mall para magliwaliw at gusto nitong isama si Maribeth.

“Paghindi ka papayag, sisigaw ako dito.” Pagbabanta ni Troy .

“Weeehhhh!”

“Ay ayaw mo maniwala ha.  Teka lang…. Maribeth alis na tayo….” Sigaw ni Troy pero mabilis na natakpan ni Maribeth ang bibig nito pero gayun pa man ay narinig pa rin sila ng head librarian at nanlilisik ang mga mata nitong sinita sila.

Pinalo ni Maribeth ng malakas dahil sa inis dito.

“Aray ko naman!” reklamo ni Troy .

“Ikaw kasi.  Ipapahamak mo pa ako eh.” Paghihimutok ni Maribeth.

Natigilan si Maribeth dahil paparating na ang head librarian na may kasungitan.

“Miss Tamayo, oras pa ng trabaho kaya pwede ba mamaya na kayo maglambutchingan!” sabay walk-out nito.

“Ayan! Napagalitan tuloy ako.  Umalis ka na nga dito.” Nanunulis na ang nguso ni Maribeth sa inis.

“O sige na nga pero pumunta ka mamaya ha.  Aantayin kita sa dating tambayan.”

Tumango si Maribeth at muling bumalik sa ginagawa.

Sa wakas ay natapos na rin si Maribeth sa trabaho niya sa library at binabagtas na niya ang kahabaan ng hall papunta sa exit para mapuntahan na ang kaibigang naghihintay sa tambayan nila.

Habang naglalakad siya ay may narinig siyang may kumakanta.  Galing ata sa music room ang tinig na iyon.  Kahit nagmamadali ay di pa rin napigilan ni Maribeth na sundan kung saan nangagaling ang tinig na iyon.

Dahan dahang sumilip si Maribeth sa music room at nakita niyang si Marc pala ang kumakanta habang nakatipa sa guitarang hawak.  Kumakanta ito ng kanta ni Bruno Mars na Just The Way You Are.

Nakapikit itong kumakanta kaya hindi siya nito nakikita.  Parang napako si Maribeth sa kanyang kinatatayuan at amused na pinapakinggan si Marc na kumakanta.

“Ang galing naman ni Marc.  Di lang magaling sumayaw, ang galing pang kumanta.  Bakit kaya hindi ito nag-aartista.  Ang gwapo pa man din.” Nasabi ni Maribeth sa sarili.

She can’t help but smile habang pinapanuod ito.  Muntik na siyang mapapalakpak nung matapos nito ang kanta pero naagaw ang pansin niya nung may pumalakpak.  She moved a little bit para makita kung kanino nanggaling ang palakpak na iyon. 

Kay Ara!

Dali-daling ikinubli muli ni Maribeth ang sarili at baka kako makita siya ng dalawa.  Mabilis niyang nilisan ang lugar na sobra ang kabog ng dibdib kasi may nasagi siyang upuan pag-alis niya at di niya alam kung napansin ba iyon nina Marc at Ara.

“Hay nako Maribeth, kahit kailan talaga lampa ka.  Aalis ka na nga lang eh nakasagi ka pa.  Ayan tuloy baka nakita ka nilang dalawa.” Sigaw ng isip niya.

Natampal tuloy ni Maribeth ang noo dahil sa inis.

Pagdating ni Maribeth sa tambayan ay tinalakan siya agad ni Troy dahil ang tagal daw niyang dumating.

“Nagmamadali na nga para makarating dito eh tapos ganun ka pa!” nagtatampo na sambit ni Maribeth.

Nung mahalata ni Troy na nagtatampo ang kaibigan ay inakbayan niya ito at ginulo ang buhok na mas lalo kinaiinis ng huli.

“Asus, tampo naman ang Best ko eh.  Di ka na mabiro.  Para naglalambing lang eh.” Paglalambing ni Troy sa kaibigan.

“Naglalambing.  Lambingin mo ang lelong mong panot.” Tapos nagpatiuna na si Maribeth sa paglalakad na hinahabol naman ni Troy at kinikiliti kaya naghabulan na ang magkaibigan sa kahabaan ng mall kung nasaan sila tumambay.

Humantong sa isang sikat na pizza house sina Troy at Maribeth at kalagitnaan ng kanilang pag-oorder ay may isang grupong dumating.

Ang buong tropa ni Marc.

Nakita agad sila ni Ara kay masaya nitong binalita sa mga kagrupo na nandun sila.

“Guys, nandito din pala sina Troy and Maribeth.  Com’mon dun na tayo.” Sabay turo sa pwesto na malapit sa magkaibigan.

“ Troy and Maribeth combine na natin ang tables ha para masaya.” Masayang sabi ni Ara.

Walang choice ang dalawa at tumango.  Biglang lumapad ang ngiti ni Spencer pagkakita nito kay Maribeth.  Tumabi pa ito sa dalaga na ikinaconscious naman ng huli.

“You’re fast Dude!” Puna naman ni Gab sa ginawa ni Spencer.

“Shut-up Dude!  Hi Maribeth, nice to see you here.” Nakangiting sambit ni Spencer.

Isang tipid na ngiti lang ang sinagot ni Maribeth.  Si Troy naman ay nginitian si Geleen na tumabi rin dito.  Si Marc ay sa bandang dulo ng mesa umupo na katabi si Ara at sa kabisera naman nito si Franco na siyang nakikipag-usap sa waiter para sa kanilang order.

Naging maingay na ang lahat na nandun at samu’t sari ang mga pinagkukwentuhan.  Si Maribeth ay kausap ni Spencer habang si Troy at Geleen naman ang nag-uusap. 

Makailang beses din nag pang-abot ang tingin nina Marc at Maribeth pero sa tuwina ay laging iniiwas ni Maribeth ang tingin dito.

“Maribeth, ikaw ba yung dumaan kanina sa music room?” tanong ni Marc kay Maribeth.

“Ha?” laglag pangang sambit ni Maribeth.

“Patay!  Nahuli ako!” sigaw ng isip niya!


Chapter 7:


“Ah oo napadaan ako sa music room.  Ang galing mo palang kumanta Marc.”

“Sabi ko na nga ba ikaw yung nakita ko although di rin ako sure kung ikaw nga yun and since you confirmed it na ikaw yun then ikaw nga yun.” Nakangiting sambit ni Marc.

Ngumiti din si Maribeth pero sa loob loob niya ay gusto niyang kastiguhin ang sarili.  Bakit kasi umamin siya agad.  Di naman pala sure si Marc na siya yung kanina. 

“Best, busy sa work ha.  Nagliliwaliw ka lang pala eh.  At yung ngiti mo halatang halata ka na.” May diing pagkakasabi ni Troy.

“Halatang ano?” inosenteng tanong ni Maribeth

“Asus kunyari ka pa.  May gusto ka kay Marc ano?”

Hindi na sumagot si Maribeth pero tadtad na sa suntok at hampas si Troy pagkatapos na hindi na matapostapos ang pag-aray.

“Best naman!  Aray ko!  Tama na! Tama na!” at hinihimas na nito ang braso.

“Yan ang napapala mo!” totoong nainis si Maribeth sa pang-aasar ng kaibigan.

“Di ka na mabiro.  Peace na Best!” at inakbayan ang kaibigan pero di pa rin nakaligtas ang panggugulo ni Troy sa buhok niya.

Muli na naman sanang hahampasin ni Maribeth si Troy pero dumating na ang kanilang order.

Kahit papaano ay nag-enjoy din ang magkaibigan sa mga kaibigan ni Marc.  Kahit papaano ay nawawala ang tension nina Marc at Troy.  At kahit ang baguhang si Maribeth ay nakihalubilo na rin sa mga bagong kakilala.  Laging si Spencer at Gab ang nangungulit sa kanya.  Si Marc naman ay naging friendlier na rin kay Maribeth.

Si Spencer ang nagbayad sa kinain nila dahil birthday pala nito ng hindi man lang alam nina Troy at Maribeth.

“Hala birthday mo pala.  Happy Birthday Spencer.” Nahihiyang sambit ni Maribeth.  Nakikihappy birthday din si Troy.

“Does he deserve a kiss?” tudyo ni Gab kay Maribeth.  Nakikichant na rin ang ibang nandun ng “Kiss! Kiss! Kiss!” Tanging sina Troy at Marc lang ang hindi pero nakangiti si Marc at naghihintay pero si Troy ay hindi.

Si Spencer naman ay nakangiting naghihintay sa kiss ni Maribeth.  Naramdaman ni Maribeth ang paghawak ni Troy sa kanyang kamay signalling her not to do it.  Pero di na napansin ni Maribeth yun dahil sa sobrang lakas ng pambubuyo ng mga bagong kaibigan.  She kissed him on the cheeks shyly na ikinapamula ni Spencer at di na matatawaran ang pagngisi nito.  Napailing na nakangiti si Marc habang nakipalakpak matapos ang kiss.  Pero di maipinta ang mukha ni Tory.

Nung uwian ay nag-offer si Spencer na ihatid si Maribeth pero tumanggi ang dalaga dahil napapansin na niya ang pananahimik ng kaibigan.  Kibuin’t hindi siya nito.  Isang tanong isang sagot lang kung baga.

“Huwag na Spens.  Thank you na lang.  Mapapalayo pa kayo pag ihahatid mo ako.  Ihahatid naman ako ni Troy.  Thank you na lang.”

“Are you sure?  I mean, it will be more convenient if I can drop you off.” Pag-iinsist ulit ni Spencer.


“Hindi na.  Thank you na lang and thank you sa blow-out.  Thank you din sa inyong lahat.”

Nagpaaalam na rin ang iba.  At naghiwahiwalay na rin silang lahat.

Habang naglalakad pauwi ang magkaibigan ay tahimik pa rin si Troy.  Naiinis na si Maribeth dito kay isang ubod na lakas na hampas ang ginawa ni Maribeth dito.

“Aray ko!  Kahit kalian ay para ka talagang maton kung makahampas!  Ang sakit nun ah!” reklamo ni Troy.

“Buti nga sayo!  Kanina pa kita kinakausap pero para akong nakikipag-usap sa isang puno.  Ano ba ang problema mo!” galit na rin si Maribeth.

“Wala!” iwas ni Troy dito pero hinihimas pa rin ang brasong nasaktan. 

Napansin nitong huminto sa paglalakad si Maribeth kaya nilingon nito ang kaibigan at sinabihang bilisan ang paglalakad.  Pero hindi natinag sa kinatatayuan si Maribeth kay bumalik si Troy at hinila ito.

“Tara na.” Sabay hila nito pero tinabig ni Maribeth ang kamay ng kaibigan.

“Ano ba ang problema mo?” pagtitimping tanong ni Troy kay Maribeth.

“Anong problema ko?  Ikaw ano ba ang problema mo?” sigaw ni Maribeth dito.  Inis na inis na siya sa kaibigan.

“Wala!”

“Anong wala!  Kanina ka pa tahimik.  Galit ka ba?”

Tumahimik si Troy.

“Ano!”

“Ayoko yung ginawa mo kanina.”

“Ginawa kong ano?” nagtatakang sambit ni Maribeth.

“Inuuto ka nila at pumayag ka naman.”

“Inuutong paano... ah yung birthday kiss yun ba yun?  Ano ka ba naman Best, birthday nung tao kaya nararapat lang yun.”

“Nararapat?  Ano ka bale?  Kakakilala mo lang dun sa tao eh ganun ka na.  Bakit, crush mo rin siguro yung payatot na iyon ano?”

Natawa bigla si Maribeth.  Halagpak ito sa tawa at naluluha na dahil sa kakatawa.

Napakunot ang noo Troy sa ginagawa ng kaibigan.

“Ano ang nakakatawa?”

Tumatawa pa rin si Maribeth at hinahawakan ang tiyan.

“Ano ang nakakatawa?” inulit ni Maribeth ang pagkakasabi sa tanong ni Troy kanina.  “Ikaw, ikaw ang nakakatawa!  Para yun lang.  Kaya ka pala nagagalit.”

Hinawakan ni Maribeth ang braso ni Troy at nilalambing ang kaibigan.  “Best naman, birthday naman iyon tsaka alam mo Best, pakikisama yun.  Nagkatuwaan ang lahat kaya napaka OA ko naman kung di ako makisama di ba?  Tsaka Best, nadadala sa ligo at hilod yung kiss na yun so ok lang.  Huwag ka ng magalit Best, ngingiti na yan...”

Sinusuyo ni Maribeth ang kaibigan hanggang ngumiti na ito.  “Ayan, ngingiti na yan.  Ngiti na yan.” At kinikiliti na nito si Troy hanggang nauwi na sila sa kilitian. 

“Halika na nga.  Hatid na kita pauwi.  Kinikilig ka naman kanina.  Aminin mo.”

“Che!”



Chapter 8:


“Guys, ano ba?  Ganito lang yan!” frustrated na si Marc sa pagtuturo ng kanilang sayaw kasi di pa rin makuha kuha ng mga kasama ang steps.  Napahawak na ito sa noo dahil sa frustration.  “Ok break na muna.”

“Marc, you want water?” tanong ni Ara dito.

Umiling lang si Marc at nag-iisip pa rin.

Yung ibang mga kasamahan nila ay nakasalampak na rin sa sahig dahil sa pagod.

“Marc, I have to go.  May inuutos pa kasi ang Ate ko sa akin.” Pagpapaalam ni Ara.

“Paano yung practice?  Hindi pa natin makuha-kuha yung mga steps at sa isang araw na ang presentation natin.”

“I’m really sorry Marc.  Guys, mauna na ako sa inyo ha.” Nagmamadaling pag-alam ni Ara.

“Now this is great.  Si Franco ay hindi pa rin tapos sa kanyang make-up exam.  This is getting frustrating na talaga.”

Nagrerehearse sila na walang partner si Maribeth dahil wala pa si Franco na siyang nakatalagang kapartner niya.  Si Troy naman ay kay Geleen naka partner.  Lagi sila ang magkapartner simula nung nakita silang magkasayaw dun sa hallway.

“Best, ok ka lang?” tanong ni Troy habang inaabot ang tubig kay Maribeth.

Tumango lang si Maribeth pero halata sa mukha nito ang pagkabagabag dahil hindi pa ito nakapagrehearse na kasama ang kapartner.  May mga stunts kasi sila na kailangan ng mga lifting at natatakot siya dahil medyo mahirap ang stunt na iyon.  Kahit nga yung iba nakasama nila ay di makuhakuha ang steps how much more siya na nagsasayaw na walang kapartner.

Inakbayan ni Troy si Maribeth at sinabihan na “Hayaan mo Best, magpractice tayo mamaya.  Ok?”

Tumango si Maribeth at ipinagpapatuloy ang pag-inum ng tubig.

Lumapit si Marc kina Maribeth at Troy.

“Maribeth, umuwi na kasi si Ara at di pa tapos sa exam niya si Franco, tayo na lang muna ang magpartner sa sayaw.”

Tumango lang si Maribeth.

“Guys, let’s start from the start.  5, 6, 7, 8!” At muli silang nagpractice ng sayaw.  Nagkaroon na ng improvement ang movement nila kanina.

“Guys, ganito lang yan.  Isang ikot, tapos harap sa isa’t-isa then push sabay alis ng babae at hahawakan ng lalaki and lift!  Let’s try it.”

Makalipas ang isang oras ay napagpasyahan ng grupo na ituloy ang ensayo sa susunod na araw.

“Ang galing mo palang sumayaw Maribeth.  Ang gaan mong dalhin.” Komento ni Marc kay Maribeth.

“Thank you.  Magaling ka rin kasing magturo.” Ganting komento naman ni Maribeth dito.

“Sige, bukas ulit.” Paalam ni Marc dito.

“Ok.  Thanks.  Mauna na kami.” Pagpapaalam ni Maribeth kay Marc na tango lang ang isinagot pero hindi pa rin ito umalis.

“Best, di kita maiihatid ngayon.  May pupuntahan lang ako.” Ani ni Troy.

“Ok lang yun Best.”


“Mauna na ako ha.  Nagtext na kasi yung kausap ko.” Pagmamadaling paalam ni Troy.

Matapos pumunta ng restroom ni Maribeth ay naghahanda na siyang umuwi nung muli siyang napadaan sa lugar kung saan sila nagpractice.  Nagtataka siya dahil naririnig pa rin niya ang music na ginagamit nila para sa sayaw.

Dala ng kuryusidad ay sumilip siya at nakita niyang nagrerehearse pa rin si Marc.  Nagsasayaw itong mag-isa kaharap sa isang malaking salamin.

Hanga si Maribeth sa determinsyon ni Marc.  Nirerehearse kasi nito yung steps na di nila makuhakuha kanina.  At kahit wala itong kapartner ay tumutuloy pa rin ito.  Nakabuo ng pasya si Maribeth.

Napatigil si Marc sa pagsayaw saglit nung namalayang may tumanggap sa kanyang nilahad na kamay.  Pagtingin niya sa kabila ay napangiti siya nung nakitang sinasabayan na pala siya ni Maribeth sa pagsayaw.  Dahil dun ay mas ginanahan si Marc sa pagsayaw.  Makailang beses din nilang sinubukan yung mahirap na steps kanina hanggang maperfect nila.

Sa wakas ay nakahanap na rin silang dalawa ng tamang proseso sa pag-execute ng steps na iyon.  Nagkayakapan pa sila nung matapos ang tugtug at kuhang kuha na nila ang sayaw.

“We did it!” masayang sambit ni Marc.

Ngumiti lang si Maribeth at nakipaghigh-five kay Marc.  Kahit pagod na pagod sila ay di nila alintala dahil masayang-masaya sila sa natapos.

“Thank you Maribeth.”

“Walang anuman yun Marc.”

“Uuwi ka na ba?”

Tumango si Maribeth habang nagliligpit muli ang kanyang gamit.

“Hatid na kita pauwi.  Pero kain muna tayo.  Gutom na gutom na ako.” Yaya ni Marc kay Maribeth.

“Nako huwag na Marc.” Tangi ni Maribeth.

“I insist.  Just give me a minute then alis na tayo.”

Wala ng nagawa si Maribeth kundi pumayag sa imbitasyon ni Marc. 

Umalis na rin makalipas ang ilang sandali.



Chapter 9:


“Dun tayo” turo ni Marc sa bakanteng upuan.

Bitbit nila pareho ang orange na tray ng Jollibee.

“Kain na.” Yaya ni Marc sa kanya.

Ngumiti si Maribeth at nagsimulang talupan yung burger na hawak.

“Matagal na ba kayong magkakilala ni Troy?”

“Oo.  Magkababata kami.”

“How was his life growing up?”

“Simple lang ang buhay ni Troy.  Mahal na mahal niya ang mama niya.  Nabubuhay naman silang matiwasay kahit pa walang padre de pamilya.” Inosenteng lahad ni Maribeth.

“Lagi mo bang nakikita ang daddy ko pumupunta sa kanila?”

“Hindi.  Isang beses ko lang nakita si Mr. Pedroza.  Nung sinundo lang niya si Troy para palipatin sa inyo.”

Natahimik si Marc sa sinabi ni Maribeth.  Nagpatuloy si Maribeth sa pagkwento tungkol sa buhay ni Troy kasama ang ina.  Lalo na nung nagkasakit na ang mama ni Troy.

“Kumusta kayong dalawa ni Troy Marc?  Bakit nga pala pinsan ang pakilala mo sa kanya?” di mapigilang itanong ni Maribeth.

Nanatiling tahimik si Marc kaya inakala ni Maribeth na nagalit ito.

“Marc, sorry sa pagtanong ko ha.  Pasensya na.”

“No ok lang.  Ewan ko kung bakit yun ang nasabi ko nung pinakilala ko siya.  Not that I was sorry for what I did.”  Bumuntunghininga si Marc bago nagpatuloy sa pagsasalita.  “Siguro di ko pa matanggap ang nangyari.”

“Sorry ulit Marc ha kung natanong ko yun.  Pero siguro natural lang yung naging reaction mo.  Si Troy sa tingin ko ay naninibago din sa nangyayari.  Sana magkasundo rin kayo in the future.”

Ngumiti ng payak si Marc bago kumagat ng burger sabay inum ng pineapple juice.

“Close nga talaga ata kayo ni Troy ano?  Sure ka ba magbestfriend lang talaga kayo?” nakangiting sambit ni Marc.

“Ano ka ba!  Oo mag bestfriend lang kami ni Troy.”

“Wheee!” di kumbisidong sambit ni Marc.

“Totoo!  Peks man!”

“Sinabi mo eh!” sabay kindat ni Marc sa kausap.  “Aray ko!”  at di nakaligtas si Marc sa hampas ni Maribeth.  “Grabeh ang lakas mo ah!” sambit nito habang himas himas ang napalong parte ng katawan.

“Hala sorry.  Ikaw kasi eh binibiro mo ako eh.” Paghingi ng paumanhin ni Maribeth.

Nagkatawanan ang bagong magkaibigan at muling ipinagpatuloy ang pagkain.  Makalipas ang ilang sandali ay niyaya na ni Marc si Maribeth na umuwi.  Hinatid niya ito hanggang sa kina Maribeth at bago bumaba si Maribeth ay may sinabi si Marc.

“Maribeth, thank you.”

“Ay ako ang dapat mag thank you sa’yo Marc.  Sa libreng dinner tsaka sa paghatid.”

“No, thank you.  Salamat kanina sa practice at salamat din sa pagbibigay ng pagkakataon na makilala ko ang aking kapatid  kahit papaano.”

“Walang anuman yun Marc.  Sana magkaayos talaga kayo ni Troy.  Alam kong di agad mangyayari yun pero sana sa lalong madaling panahon ay magkaayos na kayo.”

Tumango lang si Marc at nginitian siya.  Umalis na rin ito matapos makitang nakarating na si Maribeth sa paanan ng bahay nito.

Muling kumaway si Marc bago umalis.

Hindi rin mapigil ni Maribeth ang mapangiti bago pumasok ng bahay.

“Hoy! Ngiti ka ng ngiti diyan ah!” sabay kalabit ng katropa niya sa kanya.

“Nakakagulat ka naman!  Sumusulpot ka ng di kita namalayan.”

“Pareng Maribeth, hanep ka sa ngiti ah?  Bakit? Bakit? Bakit?” tanong pa ng isa niyang katropa.

“Tantanan niyo nga ako.  Bawal na bang ngumiti ha?” defensive na sambit ni Maribeth at binirahan niya ito ng alis.

“Pareng Maribeth, nagdadalaga ka na!!!!” at kinantahan ito ng isang jingle ng napkin about pagdadalaga.



Chapter 10:


Mas naging intense na ang practice nila sa araw na iyon kasi isang araw na lang bago ang presentation.

“Guys!  Again!  Kailangang maperfect natin ang steps.” Frustrated na talaga si Marc dahil di pa rin makuha kuha ang prinactis nila.

“Ganito lang yan.” And he demonstrated it with Ara kasi di rin makuhakuha ni Ara.  Complicated talaga ang steps na iyon.

“Maribeth, halika muna.  Let’s show them what we’ve practiced yesterday.” Tawag ni Marc kay Maribeth.

Parang nashock si Troy sa sinabi ni Marc.  Hindi niya alam yun ah.  Masusi niyang sinundan ang bawat galaw ng kaibigan.

Lumapit si Maribeth kay Marc at naghintay na mag-umpisa ulit ang music.

“Hit it bro!” senyas ni Marc kay Franco.

At nag-umpisa na ang music and Marc and Maribeth executed it flawlessly.  Napapalakpak ang mga kasamahan nung matapos ang kanilang sayaw.

“Marc, si Maribeth na lang kaya partner mo sa sayaw.  Nasa harap kasi tayo and I don’t think I can really do it na malinis.  Natatakot ako baka mahuli ako sa bilis ng steps.  I’ll pair up with Franco na lang if it’s ok with you Maribeth?” suhestyon ni Ara.

Tumingin muna si Maribeth kay Franco at hinintay niya ang pagpayag nito.  Franco nod his head tanda ng pagsang-ayon kaya ngumiti na si Maribeth and nodded her head as well tanda ng pagsang-ayon.

“Ok from the top!” sigaw muli ni Marc.

Lingid sa kaalaman ni Maribeth ay nakakunot na ang noo ng kaibigang di niya nakwentuhan sa nangyari kahapon.

“That was great guys!  Sige pahinga na tayong lahat.  Take some good night sleep tonight para bukas ready na tayo!” nakangiting sambit ni Marc.

Palakpakan ang lahat ng nandun na nakangiti maliban kay Troy.

“Best, kain tayo ng halo-halo bago tayo umuwi ha.” Paglalambing na sabi ni Maribeth sa kaibigan pero nanatiling tahimik si Troy.

“Best, bakit ka tahimik.  Best....” nagsimula ng mangulit si Maribeth sa kaibigan pero hindi pa rin siya pinapansin nito.

Kinikiliti ni Maribeth ang kaibigan pero tinatabig lang lagi ni Troy ang kamay niya.  Dahil sa inis ni Maribeth ay hinampas niya ng malakas ang braso ni Troy.

“Aray ko ang sakit nun ha!” galit na sambit ni Troy.

“Buti nga sayo!” at binirahan ni Maribeth ng alis matapos sabihin yun.

Inis na inis si Maribeth sa kaibigan.  Hindi niya maintindihan kung bakit bigla itong nagkaganun.  Walang lingon na umalis siya sa lugar at dumiretso sa women’s restroom.

Bumuntunghininga si Troy at pilit kinalma ang sarili pero hinahagod ang nasaktang braso.  Ang lakas ng pagkakahampas ni Maribeth sa kanya at tila nangalay ang braso niya.

Pero biglan niyang naisip na may mali din siya sa ginawa sa kaibigan at bigla siyang nag-alala kung ano mangyayari dito kaya nagmamadali siyang umalis sa dance studio at hinanap ang kaibigan.

Nagkulong muna si Maribeth sa isa sa mga cubicle ng restroom.  Naiinis siya kay Troy.  Hindi niya alam kung ano ang nagawa niyang mali dito at binigyan siya ng cold shoulders.  Namalayan ni Maribeth na may mga bubutil na luha palang tumutulo sa pisngi niya.

Makalipas ang ilang sandali ay lumabas na siya sa cubicle at naghilamus at saka pa lang lumabas sa comfort room.

Nagulat si Maribeth nung paglabas niya ay may nag-abot sa kanya ng isang bottled water.  Kumunot ang noo niya nung matantong ang nakangiting Troy pala iyon.

It’s payback time kaya tinabig din niya ang binigay nitong tubig at tuloy tuloy sa paglakad.

“Best, sorry na!” habol ni Troy dito pero talagang binilisan ni Maribeth ang paglalakad.  Humahabol si Troy kaya tumakbo si Maribeth palayo dito.

Sa wakas ay naabutan ni Troy si Maribeth.

“Best!  Sorry na!”

Hindi umimik si Maribeth pero sige pa rin ito sa paglakad.

“Best please.  Hintay sandal.  Hinihingangal na ako sa kakatakbo.” Sabi ni Troy na taas baba na ang paghinga.

Hinarap ni Maribeth ang kaibigan at tiningnan ng masama.

“Sorry na Best.”

“Ano ba kasi nangyari sayo ha?”

Inakbayan ni Troy ang kaibigan at muling humingi ng paumanhin.

Muling tinabig ni Maribeth ang kamay ng kaibigan pero muli nitong ibinalik ang mga braso sa pagka-akbay dito at inilapit ang katawan dito.

“Sorry na talaga Best.”

“Bago kita patawarin, pwede bang sabihin mo muna sa akin bakit ka nagkaganun.”

“Halika, dun na natin pag-usapan sa halo-halohan.  Mahabang kwento.  Tara na.  Huwag na ikaw magalit please.” At nagpacute na si Troy dito para di na magalit si Maribeth at sa ganung paraan ay napatawa na nito ang kaibigan.

Nagkalinawagan na rin ang magkaibigan at nagkatawanan dahil sa inasta ni Troy nung kumakain na sila ng halo-halo.

“Ayun!  Yun pala ang drama mo!  Bakit kasi di muna magtanong bago magdrama eh!” patutsada ni Maribeth sa kaibigan.

“Kasi ikaw din naman bakit di ka rin nagkwento.” Sagot naman ni Troy.

“Bakit, lahat ba dapat e kwento ko?” pagtataray na sagot ni Maribeth.

Biglang natahimik si Troy at wala ng maisagot kaya ngumiti na lang ito.

“Kita mo na!  Hay nako Best mabubuwang ako sayo!” at inirapan nito ang kaibigan at nadoblehan pa ng ikot mata.

“Sorry na nga po.  Pero Best next time na may ganun, ibalita mo naman sa akin ha.  Lalo na kung patungkol kay Marc.” Maya ay seryoso na ang sambit ni Troy.

“Eh di lumabas din ang totoo.  Nagkakaganun ka dahil kay Marc.  Alam mo Best, dapat magkaayos na kayo ng kapatid mo.  Ok din naman siyang kausap.  Nagtanong din siya tungkol sayo.  Pareho lang kayong matataas ang pride. Promise!”

Hindi na sumagot si Troy at ipinagpapatuloy na lang ang pagkain ng halo-halo.  Hinawakan ni Maribeth ang kamay ng kaibigan bago nagsalita muli.

“Best, bigyan niyo ng chance ang isa’t isa.  Hindi man agad agad pero alam ko darating din ang araw na magkakaayos kayong dalawa.  Mas matibang ang pamilya kahit sa ano pa man.”

Pero di pa rin sumagot si Troy kaya ipinagpatuloy na lang din ni Mariebeth ang pagkain.  Makalipas ang ilang sandal ay umuwi na rin sila.  Hindi na nagpahatid si Maribeth kay Troy. Pero umuwi naman sila na magkabati na.

Pagdating ni Maribeth sa bahay ay tumunog ang cellphone niya tanda ng text.  Kaya chineck niya ang cellphone.  Nagtext si Troy na nagsabing nakauwi na siya at tinanong kung nakarating na ba siya.  Nagreply siya dito na nasa bahay na siya.

Sunod na nakita ni Maribeth ay isang number lang na hindi nakaregister sa kanyang phone.

“Thank you partner.  See you tomorrow – Marc” text pala galing kay Marc.

Napangiti si Maribeth at mabilis na sinagot ang text ni Marc.

“NP.  Thanks din.  Gud nyte.”

Makalipas ang ilang minute ay sumagot muli ito ng “Gud nyte.  Sweet dreams. J



Chapter 11:

“Ladies and Gentleman please welcome SINAG DIWA!” nakangiting sigaw ni Mr. Pedroza sa school assembly.

The lights on stage shut-off.  May isang saglit na katahimikan pero nung nagsimula ng tumugtug ang kanta ni Usher na More ay hindi na makamayaw ang  hiyawan ang mga estudyante.  Naunang humarap ang mga lalaki sa pangunguna nina Marc at Troy at mas naghiyawan ang mga estudyante nung ang mga babae naman ang humarap.  Pinangungunahan nina Maribeth at Geleen ang grupo ng mga babae at tumabi na ito kina Marc at Troy respectively.

Ang taas ng energy ng buong tropa.  They all danced gracefully at snappily.  Nakikisabay sa pag-indak ang mga estudyanteng nasa gym. 

And when it was the time for the stunts, they were able to execute it perfectly even yung mga nahihirapan silang gawin nung practice ay nagawa nilang lahat with flying colors.

Nung matapos ang sayaw ang sinalubong sila muli ng hiyaw at masigabong palakpakan at may mga sumisigaw at tumili ng pangalan nina Marc, Troy at Franco.  May mga sumisigaw din ng MORE! MORE! MORE!

Nagkatinginan sina Marc at Maribeth at nakangiti sa isa’t-isa.  Habol man ang hininga ay di pa rin mawari ang ligayang nadarama nila sa mga sandaling iyon.  At instinct ay napayakap ang dalawa sa isa’t isa.

“We did it partner!  We did it!” sabi ni Marc kay Maribeth na tumango tango lang.  And once again Marc embraced her.

Bumaling si Maribeth kay Troy nung pakawalan na siya ni Marc at niyakap ang kaibigan.  Troy can’t contain his happiness kaya nung yakapin nito si Maribeth ay di pa ito nakuntento at nilover’s cary nito ang dalaga at inikot while Marc was watching them na nakangiti pa rin.

They continued embracing the rest of the team.  Si Ara ay tumakbo pa kay Marc at yumakap.  Maging si Spencer ay di napigilang yakapin si Maribeth.

The successful dance ended with Marc and Troy shaking hands at maging sila ay di mapigilang magyakap dahil sa nadaramang kaligayan.

May isang taong hindi mawari ang kaligayahan sa nakitang pagbabati ng magkapatid at pinahiran ang munting butil ng luhang tumulo sa pisngi nito bago sumigaw ng “Ladies and Gentleman, let’s give a big warm of applause again to our dance troupe, SINAG DIWA!” na sinuklian naman ng masigabong palakpakan ng mga estudyante’t guro at mga hiyaw galing sa mga babae at beckies’ na estudyante.

Nagwave at nagflying kiss ang Sinag Diwa sa mga audience nilang bilang pasasalamat habang naglalakad papuntang backstage.  Pagdating nila duon ay muling naghiyawan ang mga ito at muling nagkayapan.  They form one big circle and did one big hug after they said their thanksgiving prayer sa pangunguna pa rin ng lider ng grupo na si Marc.

Nakangiting lumapit si Mr. Pedroza sa grupo at may inannouce.

“Guys, guys!  I’m so proud of you!  Ang galing galing niyong lahat.  Everyone loves you.  Nako mukhang makukuha na talaga natin ang trophy sa dance contest for this year!  Tama ba ako?”

Nagchorus ang lahat sa pagsagot ng OO!

“Ok guys, I’m treating everyone for a nice dinner.  Nagluto ang Ate Carmi ni Marc ngayon sa bahay for everyone to celebrate your success.  The soonest that everyone is ready then aalis na tayo.  Ok ba sa inyo?”

Muling naghiyawan ang lahat at nagpalakpakan.  Si Troy ay simpleng ngiti lang ang ginawa.  Muling nagpang-abot ang titig nilang dalawa.  Pareho silang nakangiti.  Naunang tumango si Troy at tumango din Marc.  At kung kanina si Marc ang naunang nag-abot ng kamay sa kapatid, this time around Troy returned the favor.

Nag-abot ng kamay si Troy kay Marc that he gladly accepted.  They did the same hand routines when they first met and this time around, there’s no confusion in their faces but there’s happiness.

Hindi nakaligtas muli sa paningin ni Mr. Pedroza ang ginawa ng dalawang anak kay lumapit siya sa mga ito at niyakap ng sabay.

“I’m so proud of you my sons.  I’m so proud of you!”

“Thank you Dad!” nakangiting sambit ni Marc sabay halik sa pisngi ng ama.

“Salamat po Tay.” Mahinang sambit naman ni Troy sa ama.  Mahina man iyon pero hindi nakalampas sa pandinig ni Mr. Pedroza iyon.  Kauna-unahang pagtawag ni Troy sa kanya ng Tatay.  Nagpipigil itong muling mapaiyak kaya muling nitong niyakap ang dalawang anak ng mahigpit na mahigpit kasabay sa pagsinghut nito para mapigilang tumulo ng tuluyan ang luha.  Nagkatinginan sina Marc at Troy at sabay na napahalakhak.

“O ano kids, are you ready na?” tanong ni Mr. Pedroza makalipas ang ilang sandali at nakita nitong ready sila.

Everyone confirmed that they’re ready at sabay sabay na nilang nilisan ang lugar.


Chapter 12:

Kumpol kumpol silang lumabas ng auditorium at papuntang gate para umalis na sa lugar.  Nadaanan nila si Ms. Torres na hindi pa rin nakangiti.

“Ms. Torres, care to join us for dinner?  Nagluto ang anak kong si Carmi.” Imbita ni Mr. Pedroza dito.

“No thank you Mr. Pedroza.  I’m busy.” Tangi nito na ikinibitbalikat lang ni Mr. Pedroza.

“Oo nga pala Marc, that was an impressive performance kanina.  I just hope that it will give you the trophy of the dance contest.  Remember our agreement.” Taas kilay na sambit ni Ms. Torres.

“Yes Mam.  I remembered our agreement and mas pagbubutihan pa namin ang performance namin for the contest.  Right guys?” firm na sagot ni Marc dito.

Muling nagchorus sa pag-agree ang lahat.

Kibitbalikat si Ms. Torres sabay alis.

Magkatabi sina Troy at Maribeth na naglakad pero natanggal ang shoelace ni Troy kaya inayos na muna nito at di namalayan ni Maribeth na wala na pala ang kaibigan sa tabi kasi nagtetext ito. 

Naramdaman ni Maribeth na may umakbay sa kanya pero di niya inalintala kung sino dahil hula niya si Troy iyon pero nagulat siya nung matantong hindi pala ito si Troy nung magsalita.

“Partner, ang galing mo kanina.” Ani ni Marc.

“Huh!  Nakakagulat ka naman Marc.  Pero alam mo ang galing nating lahat.  Sana manalo tayo sa dance contest para hindi na magagalit sa atin si Ms. Torres.”

“Kaya natin yan.  Basta tulungan mo pa rin ako sa mga steps natin ha.” nakangiting sambit ni Marc.

“Oo naman!”

Bumuntunghininga si Troy sa nasaksihan.  Mukhang naging close na ata ang bestfriend niya’t kapatid.  Hindi niya alam kung magseselos ba siya sa closeness ng mga ito.  Tahimik siyang sumusunod sa dalawa sa likod.

“ Troy ”

“Geleen.” Humawak si Geleen sa braso ni Troy at sumasabay ito sa kanya sa paglalakad.

“Nakakatakot naman si Ms. Torres.  Why is it that she’s angry at us?  I mean sa Sinag Diwa.”

“Hindi ko rin alam.  Nung nagtransfer ako dito ganun na yan eh.  Adviser pa man din namin.”

“Oo nga.  Pero sana manalo tayo sa dance contest para hindi na siya magagalit.”

“ Sana nga.”

They continued walking hanggang makarating sila sa parking lot at tuluyang umalis sa school papunta sa bahay ng mga Pedroza.

Kahit sa sasakyan ay magkatabi pa rin sina Marc at Maribeth na di pa rin tapos sa pag-uusap tungkol sa sasayawin sa nalalapit na contest.  Franco joined the discussion kaya sa sasakyan sila ni Mr. Pedroza parehong sumakay.

Si Troy at Geleen naman ay sa sasakyan nina Geleen at Gab napasakay.

“Best, kanino ka sumakay?” hindi maiwasang itanong ni Maribeth sa kaibigan thru text iyon.

“Kina Geleen.” Simpleng sagot ni Troy .

“Ok”.

Sinalubong silang lahat ni Mrs. Pedroza sa may gate at iginiya papuntang likod bahay kung saan nakaset-up ang mga mesa’t upuan.  Busy si Ate Carmi sa pag-aayos ng mga pagkain sa buffet table.

Napa-WoW silang lahat pagkakita ng pineprepare na pagkain ni Ate Carmi.

“Oh my!  So much food!” hindi mapigilang mapangiti ni Spencer at nag-aagawan na ito at si Gab sa pagpunta sa buffet table.

Kanya-kanyang kuha na ang lahat ng plato at di na nagpaawat sa pagpunta sa buffet table.

“Hon, kumusta ang sayaw nila?  Gusto ko sanang manuod eh kasi I got tied up.” Sambit ni Mrs. Pedroza.

“Sayang Hon, sana nanuod ka.  Actually na video ko rin naman sa cellphone.  Here.” Sabay pakita sa asawa ng footage.

Nakangiti si Mrs. Pedroza sa nakita at nakailang wow din ito nung makita ang stunts nina Marc.  Yung pinakahuling scene na nagyakapan sina Marc at Troy ang nagpatahimik nito.
Tumingin ito sa nakangiting asawa at walang sabing niyakap ito tanda ng pagtanggap ng kahinaang nagawa ni Mr. Pedroza dati.

“Thank you Hon.” Ganting yakap din ni Mr. Pedroza sa asawa.

“Kids, let me propose a toast!” sigaw ni Mr. Pedroza na itinaas ang hawak na baso.  “Para sa darating na pagkapanalo ng Sinag Diwa for dance competition!  Cheers!”

“Cheers!” sigaw ng lahat at nagtoast na ang lahat at sabay sabay ininum ang laman ng basong hawak.

Tahimik na kumuha si Troy ng pagkain at nakita ito ni Maribeth kaya nilapitan nito ang kaibigan.  Bitbit ang plato at tumabi ito sa kaibigan and she bumped the side of her hips to his.  Medyo nagulat ito pero di pa rin siya nito pinapansin.

“Ay Best, kanina ka pa tahimik.  May nagawa na naman ba akong mali ?” puna ni Maribeth.

“Wala!” sarkastikong sagot nito.

“Ah wala… wala pa ha.” nilapag nito ang plato sa buffet table at kiniliti si Troy .

“Hoy!  Ano ba!  Matatapon tong hawak ko.  Ano ba!” nagkukunyaring galit si Troy pero nababahiran pa rin ng katuwaan yung boses nito.

“Awat na!  Awat na!  Maribeth ha!” pero di ito pinakinggan ni Maribeth kaya nilapag nito ang sariling plato at gumanti ng kiliti kay Maribeth.

Naghaharutan silang dalawa kaya nakakaagaw na sila ng pansin sa mga kasama dahil ang ingay nilang pareho.

“Hoy mamaya na yang harutan niyo’t kumain na muna.” Nakangiting saway ni Franco sa dalawa.

Nagkatinginan sila at inakbayan ni Troy ang kaibigan at ginulo ang buhok.

“Ang kulit mo!” sambit ni Troy .

“Ang drama mo rin!” ganting sambit naman ni Maribeth at saka pa lang nila pinagpatuloy ang pagkuha ng pagkain at muling bumalik sa mesa at this time around ay sila na muli ang magkatabi ni Troy .  Napagitnaan actually sila kina Geleen at Marc.



Chapter 13:


“Dad bakit parang galit sa amin si Ms. Torres?” di nakatiis si Marc sa pagtanong.

“Hindi ko rin alam Nak.  Pero alam niyo ba na si Ms. Torres is a very good dancer?”

“Really Dad?”

“Yup.  Actually isa siya sa pioneer sa Sinag Diwa.  Wait parang siya pa ata nagcreate ng grupong yan.”

“Wow!  And anong nangyari Tito?  Dapat pala siya ang kukunin namin adviser.” Ani ni Franco

“I don’t really know.  Bakit hindi niyo tuklasin and better yet bakit hindi niyo kausapin si Ms. Torres to be your coach.  Konting lambing lang yan at papayag din yan.”

“Ang tanong is sino kakausap.” Di naka tiis na sabat ni Ate Carmi.

Natahimik ang tropa at biglang bumulaghit ng tawa.

“Hay nako, kumain na nga kayo.” Ani ni Mrs. Pedroza.

Nung medyo lumalim na ang gabi at umuwi na rin ang mga kaibigan nina Marc. Naiwan sina Troy at Maribeth na nagkusang tumulong sa pagliligpit ng mga gamit.

“ Troy , Maribeth, hayaan niyo na yan.  Kami na bahala ni Carmi diyan.” Sabi ni Mrs. Pedroza.

“Ok lang po Tita.” Sagot naman ni Troy na sige pa rin sa pagtulong sa pagligpit.

“Maribeth, sandali lang.  Hahatid ka mamaya ni Tito Nestor mo pauwi ha.  Hatid lang niya yung iba.  Babalik din sila ni Marc para ihatid ka.  Maiwanan ko muna kayong dalawa, hahatid ko lang ito sa loob.  Magpahinga na kayong dalawa.” at pumasok na si Mrs. Pedroza sa loob.

Silang dalawa na lang naiwan sa labas at nagliligpit ng mga upuan at mesa.  Si Marc ay sumama sa paghatid ng ibang kasamahan.

“Naging close na kayo ng “kapatid” ko ah!” may diing pagkakasabi ni Troy sa kaibigan.

“Hay nako Best!  Ikaw talaga!”

“Totoo naman ah.  Sa kanya ka na nga dumikit kanina at iniwanan mo ako.” Kunyari malungkot si Troy na nagsasabi.

“Hindi naman Best.  Ikaw nga ang nawala kanina eh.”

“Saan ako nawala?  Nasa likod nyo lang ako.  Ni paglingon di mo nga ginawa eh.” Kunyari nagtatampo pa rin si Troy.

Tumigil sa pagtupi ng table cloth si Maribeth at tiningnan ang kaibigan at nginitian.  Nung biglang PAK!

“Aray ko naman!  Kung makasapak talaga ito daig pa ang maton!” reklamo ni Troy.

“Kasi naman po ang drama mo!  Kanina ka pa nagdadrama!  Arte mo talaga!” sagot naman ni Maribeth.

Himashimas pa rin ni Troy ang braso at pinaghila niya ng upuan si Maribeth at niyayang umupo.

“Pero seryoso Best, mabait naman pala ang kapatid mo.  Parang ikaw lang din, masarap kausap.” Seryosong sambit ni Maribeth.

Tumahimik si Troy at tumingin lang sa kawalan.

Hinawakan ni Maribeth ang braso ni Troy.  “Best, sana magkaayos kayong magkapatid.  Kahit balibaliktarin man ang mundo ay hindi na magbabago ang katotohanang magkapatid kayo.  Siguro umpisa itong kahiligan niyo pareho sa pagsasayaw.”

Bumuntunghininga si Troy pero di pa rin ito nagsalita.  Tinawid ni Maribeth ang espasyong nakapagitan sa kanila ni Troy at muli nitong hinawakan ang braso ng kaibigan.  Tiningnan ni Troy si Maribeth at inakbayan ito.  Si Maribeth naman ay humilig kay Troy.

“Best, salamat ha.” Maya-maya’y sambit ni Troy.

“Salamat saan?”

“Salamat sa lahat lahat.  Hindi ko alam kung paano ko malalampasan ang lahat ng ito kung wala ka.  Nung namatay si Nanay, akala ko talaga katapusan na ng mundo ko.” Seryosong sambit ni Troy.

“Ikaw yung lagi kong nakakausap.  Pati itong malaking pagbabago ng buhay ko, ikaw pa rin ang nagpapaintindi sa akin.  Napakaswerto ko na kaibigan kita.”  Napangiti si Troy nung sabihin iyon at hinarap nito ang kaibigan.

“Walang anuman yun Best.  Happy din ako na nagtitiwala ka sa akin.” Napangiti na rin si Maribeth sa kaibigan.

Troy opened his arms na tila isang hudyat na gusto nitong yakapin ang kaibigan.  Mabilis na naintindihan naman agad ni Maribeth ang gustong gawin ni Troy kaya mabilis din niyang niyakap ang kaibigan.

Nasa ganung tagpo sila naabutan ni Marc na papasok ng bahay para sunduin si Maribeth para ihatid.

“Maribeth, halika ka...” hindi natapos ni Marc ang sasabihin dahil sa nasaksihan.

“Marc!”



Chapter 14:

“Ready ka na ba?  Hatid ka na namin.” Tanong ni Marc kay Maribeth.  Bagama’t hindi ito ngumingiti ay dir in naman ito galit.

“Oo Marc.  Pwede mag CR muna?” tanong ni Maribeth na nagpangiti kay Marc.

“Sure.  Dito na kita hintayin.”

Nagmamadaling umalis si Maribeth para makapag CR at naiwanan sina Marc at Troy.

“Sasam...”

“Salamat...”

Sabay pa silang nagsalita.  Nagkangitian ang magkapatid at sinabihan ni Marc si Troy na mauna ng magsalita.

“Salamat para kay Maribeth.  Salamat sa pagtanggap niyo sa amin sa grupo.” At inilahad ni Troy ang kamay na malugod namanng tinanggap ni Marc. 

“Walang anuman yun.  Happy din kami na kasama na kayo sa team.  Malaking tulong kayo sa Sinag Diwa.”

At muli nilang ginawa ang handsign nung una silang nagkita pero pareho na silang nakangiti this time at ang yakap nila ay kusa at di na pilit.

Sa ganung tagpo sila nakita ni Maribeth na nakangiti na rin at di nito napigilang tumakbo at niyakap silang pareho.

“Ayan ha.  Ok na kayong dalawa ha!” sambit nito.

Parehong nakaakbay sina Marc at Troy kay Maribeth at si Maribeth naman ay nakayap sa mga beywang nilang dalawa.

“Marc, bakit ang tag....” di na natapos ni Mr. Pedroza ang sasabihin dahil napangiti na rin ito nung makita ang ginawa nilang tatlo.

“Nak, tawagin mo ang Mommy at Ate Carmi, mag dessert tayo bago natin hatid si Maribeth.”

“Yes Dad!  Ma!!! Ate Carmi!!!!” sigaw ni Marc habang papasok ng bahay.

“Troy, anak.  Salamat.” Hinawakan ni Mr. Pedroza ang balikat ng anak.

“Thank you din po Tay sa lahat.” Nakangiting sambit naman ni Troy.

Hindi napigilan ni Mr. Pedroza na yakapin ang anak.

“O sige tara na.”

“Dad, palabas na rin sina Mommy.  Let’s go!  Mauna na kami sa car Dad.” Yaya ni Marc kina Maribeth at Troy.

Tumalima naman ang dalawa at naglalakad na papuntang parking.  Nauna si Troy at kasunod naman si Maribeth at panghuli si Marc.

Gumana na naman ang kakulitan ni Marc dahil tumakbo ito palapit kay Maribeth at ginulo ang buhok nito from the back.

“Marc!  Ano ba!!!!!” tili ni Maribeth.  Napalingon si Troy sa pagtiling iyon ni Maribeth pero napangiti siya ang ginawa ng kapatid.

“What?  I didn’t do anything.  Nilipad lang kaya ng hangin yan.” Pa-inosenteng sambit ni Marc.

“Nilipad ng hangin ha! Ito sayo!” at hinampas ni Maribeth si Marc sa braso.

“Aray ko!  Ang sakit!” pero nakangiti si Marc.

“Buti nga sa’yo.  Lagi mo kasi akong binibiro.” Himutok ni Maribeth.

Inakbayan ni Marc si Maribeth nung makitang napipikon na ang dalaga.

“Ito naman, para binibiro lang eh pikon na agad.  Sorry na.”

Nakamasid lang si Troy sa dalawa sabay napailing at nagpatiuna na sa sasakyan.

“Eh kasi naman.  Pero nasaktan ka ba kanina?  Sorry ha.” Paghingi ni Maribeth ng paumanhin.

“Wala yun.  Ay hindi pala.  Ang sakit mong humampas.  Para ka talagang lalaki.” Seryosong sagot ni Marc.

Biglang huminto si Maribeth sa paglalakad at muling nakalabi at nakakunot pa ang noo.

Natigilan din si Marc nung matanto ang ginawa ni Maribeth.

“Hay nako, napakamatampuhin mo talaga.  Halika na nga.  Para naglalambing lang eh.  Pikon!” sabay gulo ng buhok ni Maribeth at tumakbo papuntang sasakyan.

Humabol din si Maribeth matapos ayusin ang buhok at nagmamadaling umakyat sa sasakyan at muling tinadtad ng palo si Marc na tumatawa naman.

“Best, umayos na nga kayo.  Nandyan na sila.” Seryosong sambit ni Tory.

Tumigil naman sa kakulitan sina Marc at Maribeth at nagkatinginan sa isa’t isa na palihim na nagngingitian.

Tumabi kay Troy sa likod ng sasakyan si Maribeth at si Marc naman ay tumabi kay Maribeth.  Paparating na sina Mr. and Mrs. Pedroza kasama si Ate Carmi na pumasok na rin sa sasakyan.

“Ready guys?” nakangiting tanong ni Mr. Pedroza.

Nagchorus ang lahat sa pagsagot n goo.

Pumunta ang buong mag-anak kasama si Maribeth sa Starbucks and all throughout the trip ay di maiiwasan ang kakulitan ng dalawa sa likod ng sasakyan na ikina-iiling lang ng ulo ni Troy.

19 comments:

  1. NEXT NEXT NAH!!! LIKE IT!! GOOD VIBES FTW!! HAHAHAHA.. MARCER!!!

    ReplyDelete
  2. wwaaaaaaaaaaahhh...for the love of sambayanangbula gumawa ng sariling version ng GV si ms. acheena...
    pak na pak po, haysstt...bubbles sarap kiligin...hahhaaa......

    tenks a lot ms. acheena, moreeeeeeeeeee chapter pls....

    MJ- samvon bubbles UAE/IL

    ReplyDelete
  3. ang ganda.... nice story....naiimagine ko yung mga scenes parang totoo lng!! hehehe

    ReplyDelete
  4. Lol..hahah,, ganda!

    ReplyDelete
  5. next na po ...sheeettt ang ganda tlga..khit dito mn lg sana samvon or devquen ang magkatuluyan hahaha:))

    ReplyDelete
  6. Nxt chapter pls..Kilig talaga ang #Marcibeth nakaka- #GV !more power ate acheena! #acheenatics @SamC_4ever

    ReplyDelete
  7. congratulations sa new ff!

    more more more :)

    i wish may mga ganitong scenes sa GV but if not at least dito sa ff mahaba-haba ang SamVon moment

    ReplyDelete
  8. wala na po bang kasunod ang status: its complicated?

    ReplyDelete
  9. nice one ate acheena! ang ganda nito :D

    ReplyDelete
  10. ayeeeey!!!woooh!!busog na busog ako sa ff nato!!hihihi...daming samvon moment!!hohoho..galing-galing ms. acheena!!kw nah!!im an avid fan of ur ff!!:);)-adikaqxasamvon(monica peng)

    ReplyDelete
  11. ang cute sana my next na agd ..

    ReplyDelete
  12. next chapter please. ang ganda ng story. parang nagbabasa ako ng totoong GV script. :))

    ReplyDelete
  13. ayiee nxt chapter plss ganda talaga

    ReplyDelete
  14. I love this :) uhm, anu po bang title sa mga story ng JaeVon?

    ReplyDelete
  15. ms. acheena ang cute...next chap pls. pls. pls.

    ReplyDelete