Monday, April 25, 2011

My Own GV: Prom Night

My Own Good Vibes
(Prom Night)


Disclaimer:
Ang lahat ng pangyayari sa fan fiction na ito ay pawang kathang-isip lang ng may-akda.  Hindi rin ito galing sa script ng orihinal na Good Vibes Dance Serye but just a wishful scenarios suggested by ACHEENATICS.  Hindi rin kontrolado ng may-akda kung may mga pagkakahawig ang mga sitwasyon sa mga darating na episodes ng Good Vibes. 


Chapter 1: 

“Hindi na ako pupunta Best.”

“Bakit naman?”

“Eh kasi.  Basta huwag na.”

“Best, teka lang hintay.  Tumigil ka nga muna sa paglalakad.  Hinahangos na ako sa kakahabol sayo eh.” Hinawakan ni Troy ang nagmamadaling si Maribeth pero mas lalo nitong binilisan ang lakad.  “Betchay ano ba!  Tigil!”

Tumigil si Maribeth pero di ito makatingin ng tuwid sa kaibigan.

“Best, ano ba ang problema?  Bakit ayaw mong sumama sa prom?  Akala ko ba ok na tayo tungkol dun?” na frufrustrate na naman si Troy sa kaibigan.  Naging mahiyain ito simula nung nag-aral ito sa Northbridge.

“Tingnan mo nga ako Troy ?  Napakasimple ko kumpara sa mga babaeng nag-aaral dito.  Ano namang isusuot ko sa prom na yan.  Tsaka gastos lang pagbibili pa ako.  Kung maghahalungkat naman ako sa baul ko kahit ng mama ko, wala din.  Di naman pwedeng magmaong di ba kaya din a ako pupunta.”

“Best di nga ba sabi ko akong bahala sayo?  Gaya ng pangako ko sa’yo, gagawan ko yan ng paraan.”

“Huwag na Best.  Maabala ka pa.  Tsaka may trabaho ako niyan.”

“Ano? Anong trabaho eh sa library ka di ba tsaka gabi yan Best.  Puro ka rason eh.” Naiinis na talaga si Troy .

“Hindi Best.  Tumigil na ako sa library.  Bumalik ako sa ChicBoy.  Mas ok kita dun eh.  Pero yun nga lang sa gabi at weekend ang duty ko dun.  Buti nga pumayag si Manager eh.”

“Best naman.  Isang araw lang ang prom.  Tsaka gusto ko rin maranasan mo yun.  Sigurado ako na masaya yun.  Sige na Best.”

“Huwag na sabi Best at huwag mo na akong kulitin.  Hindi nga pwede eh.”

“Guys, kanina ko pa kayo napapansin.  If you don’t mind, may I interrupt?” di nakatiis si Lea at pumagitna na sa kaibigan na kanina pa pala ito nakamasid sa kanila.

Kapwa natigilan ang magkaibigan. 

“It seems that you’re having problem with prom night.  Am I right?”

Tumango si Troy pero di pa rin maipinta ang mukha dahil nangigigil na sa kaibigan.  Pumayag na kasi ito dati at biglang binawi na naman.

“And the problem is si Maribeth right?  You don’t have a dress to wear am I right?”

Hindi makatango si Maribeth dahil nahihiya siya kay Lea.  Fashionista si Lea at alam niyang galing ito sa isang buenafamilia at pawang mamahalin lahat ng gamit nito.  Magkasama sila sa Sinag Diwa pero naiilang pa rin siyang makipagclose dito dahil nga sa estado nito sa buhay.

“I’ll help you Maribeth.  Let me give you a make-over.” Nakangiting sambit ni Lea.

“Ano yun?” nagtatakang tanong ni Maribeth pero si Troy ay napangiti kasi alam niyang wala ng kawala ang bestfriend sa pagkakataong ito.

“Make-over!  Aayusan kita.  E-sastyle kita.  Basta papagandahin kita.  Oh don’t get me wrong, maganda ka na but way too plain for me though.  I’ll transform you into a beautiful swan.  Tuturuan din kitang magmake-up.”

“Ha?  Huwag na!  Nakakahiya!  Thank you na lang Lea.  Best, di talaga ako sasama.  Maiwanan ko na kayo.” At mabilis na umalis si Maribeth.

“Oh well Troy .  I tried to help.” Kibit-balikat lang si Lea pero nakikita ang panghihinayang nito.

Tumango lang si Troy at nagpasalamat kay Lea.

“In case she changed her mind, you know where to find me.”

“Salamat sa tulong Lea.”

Nagsmile si Lea at umalis na rin.

“Best, ang tigas talaga ng ulo mo!” gigil na gigil na sambit ni Troy at bumuntunghininga lang ito out of frustration.


Chapter 2:

Napakrus si Maribeth at ipinikit ng mariin ang mga mata dahil sa gagawin.

“Ano ka ba Maribeth.  Don’t close your eyes!  Paano ka mamake-upan niyan.” Natatawang sambit ni Lea.

“Oo nga Maribeth.  Relax and let Lea do her stuff.” Ani naman ni Geleen.

“Itong color na ito bagay kay Maribeth.” Si Ara naman ang nagsalita.

Muling pinagkakaguluhan si Maribeth ng mga kasamahan niyang babae sa Sinag Diwa para e make-over.  Nasa bahay sila ni Lea.

Humingi ng tulong si Troy sa mga babae sa Sinag Diwa para tulungan ng mga ito si Maribeth.

“Lea, teka lang.” habol ni Troy kay Lea matapos itong magpaalam at akmang aalis na.

“Yes Troy ?”

“Totoo ba yung sinabi mo na gusto mong tulungan si Maribeth?”

“Ofcourse!”

“Pwede kaya magpatulong sa inyong mga girls sa Sinag Diwa?”

“Ako na bahala dun Troy .  Leave everything to me.  Basta I’ll give you a different Maribeth soon.”

“Thank you.”

“You’re welcome.  Sige I have to go.  See you around.”

“Maribeth, stop moving.  Ayan, nag smudge na tuloy ang eyeliner mo!” saway ni Lea dito.

“Eh ang kati-kati sa mata eh tsaka naluluha ako!” reklamo ni Maribeth.  Walang nagawa si Maribeth dahil kinorder siya ng mga kasamahang babae sa Sinag Diwa kanina.  Naglalakad siyang mag-isa nung biglang humarang sa harap niya si Lea.

“Hi Maribeth.  Tara sama ka sa akin.”

“Ha?  Saan?”

“Basta akong bahala sayo.” Sabay hila nito sa kanya.

“Ayoko.  Sabihin mo muna kung saan tayo pupunta.” Nagpapanic na sambit ni Maribeth.  Biglang may humawak sa kanyang kabilang braso at tinutulungan si Lea na bitbitin siya.

“Let’s go Maribeth.  It’s going to be fun!” nakangiting sambit ni Geleen na siyang humawak sa kanyang kabilang braso.  They’re practically dragging Maribeth.

May tumulak sa likod ni Maribeth at nahihirapan siyang lumingon para alamin kung sino iyon.

“Promise Maribeth, mage enjoy ka dito talaga!” humahagikhik na sambit naman ni Ara.

“Hoy!  Teka lang! Saan niyo ako dadalhin.  Troy ! Tulungan mo ako!” sigaw ni Maribeth nung makita ang kaibigang nasa harap.  Nginitian lang siya nito at kumaway pa na parang sinasabing “Ba-bye”

“Troy hayup ka!  Ikaw may pakana nitong lahat ano?  Antayin mong makawala ako dito at bubugbugin talaga kita.” Nagawa pa ring pagbantaan ni Maribeth ang kaibigan kahit ang hirap ng kanyang position.

“Bye Best!!!! Enjoy!” ganting sigaw ni Troy dito.

“Gagu!” ang huling sigaw ng gerilyang si Maribeth bago siya sapilitang naisakay ng mga babae sa kotse ni Lea.

“Aray ko naman!  Ang init naman nyan!  Baka nasunog na ang buhok ko naman!”

“Ooops sorry!  Kasi you’re always moving eh!” reklamo ni Geleen.

“Ano ba kasi ang ginagawa mo sa buhok ko!” yamot na reklamo ni Maribeth.

“Teka! Teka! Bakit may blade?  Baka masugatan ako niyan!” sabay hawak sa kamay ni Lea na may hawak na razor.

“Paghindi mo ako bibitawan, talagang masusugatan ka!” banta ni Lea na pinandidilatan ng mata si Maribeth.  Parang natakot si Maribeth kaya binitiwan nito ang kamay ni Lea.

“Guys… o di ba it’s so cute!” excited si Ara na inikot ikot ang bitbit na damit na nakahanger.  Lavander ang color nito and it’s a tube mini-dress.

“Ano yan?” nababahalang tanong ni Maribeth.

“You’ll be wearing this to the prom!” nakangiti pa rin si Ara na likas na masiyahin.

“Ano! Di bale na!  Alis na ako!  Ano ba yan.  Ang iksi-iksi kaya nyan tapos tube pa!  Ayoko!” at akmang tatayo si Maribeth but Lea pinned her back to her seat.

“Seat down!  Kanina ka pa ha.  Nakakarami ka na!  Pwede ba tama na ang reklamo.  Trust us Maribeth.  Di naman kami gagawa ng ikakapahamak mo eh.  Ok?  Promise ko sayo na pagkatapos nitong lahat, you’ll thank me pa.  So for now, wait and see and pwede ba, stop moving kasi the more you move, the more na tumatagal tayo.  Ok?”

Parang nahiya si Maribeth sa inarte niya kaya tumahimik siya at sumunod na lang sa inuutos ng mga kasama.

Nagpatuloy sa pag-aayos sa kanya si Lea at Geleen at si Ara naman ay naghahanap ng mga accessories na magagamit ni Maribeth sa gamit ni Lea.

“O ayan, we’re done na.  See kung magkocooperate ka eh di tapos at wala ng problema.  Here’s the mirror and try to look at yourself.” Sabay abot dito ng salamin.

Kinakabahan na inabot ni Maribeth ang salamin at napasinghap siya nung makita ang sarili.

“Hala!  Kagwapa man nako oi!”



Chapter 3:

“Hala ka diha!  Ako ba talaga ito?” di makapaniwalang sambit ni Maribeth nung makita ang repleksyon ng sarili sa salamin.  Her hair was curled and she was applied with light make-up.

“I told you!  You just had to trust me!” kinindatan pa siya ni Lea.

“OMG!  Ang ganda mo Maribeth!” tili naman ni Ara.

“I can only agree!!!!” nakangiting sabat din ni Geleen.

“Thank you ha.  Grabeh talaga! Ang ganda ko!” hindi pa rin makapaniwalang sabi ni Maribeth.

“Let’s take picture para may remembrance ka!” at nagpicture taking na nga sila at nakumbinsi pa nila si Maribeth na gamitin ang damit.

“O ayan.  Bagay na bagay sayo!” napapalakpak na sabi ni Ara.  Kumindat lang proudly si Lea dahil she’s proud of what she did.

“Here try these on too!” Abot ni Geleen kay Maribeth ng high heels na babagay sa damit niya.

Pinagpapawisan ng malapot si Maribeth nung makita ang takong ng sapatos.

“O what’s wrong?” nababahalang tanong ni Geleen.

“Eh wala bang mas mababa niyan?  Ang taas kasi eh.  Di ako marunong gumamit niyan.”

“Ay nako Girl, practice lang yan.  May ilang araw ka pa para pagpractisan yan.  Dalhin mo yan pauwi at magpractice ka.  Sa prom day, sabay sabay na tayong magbihis dito sa bahay.  I have a make-up artist friend who will do our hair and make-up and ako na bahala sa’yo ok?”

“Nako nakakahiya talaga.”

“Ano ka ba Maribeth.  Huwag ka ng mahiya.  Kami naman nag-offer so ok lang yan.  Basta ha.  Pero for now tuturuan kitang magmake-up.  Ganito lang yan, dapat lagyan mo muna ng liquid foundation yung face mo.  Dapat small portion lang…” at pinagpatuloy ni Lea ang pagtuturo kay Maribeth ng pagmamake-up.  Masusi namang nakikinig si Maribeth.

Bago umuwi si Maribeth ay binigyan siya ni Lea ng mga make-up.  Marami itong mga gamit dahil laging nagpapadala ang mommy nito na nasa Japan .  Tinuruan din siya nito paano aayusin ang buhok.

Dumaan ang weekend ng di nagkikita ang magkaibigan.  Nagtetext si Troy kay Maribeth at nagtatanong tungkol sa make-over niya pero hindi ito sinasagot ni Maribeth at kahit ang tawag nito ay di niya sinasagot kaya kinalunesan ay inaabangan na ni Troy ang kaibigan sa pag-aakalang nagagalit ito sa ginagawa niya.

Pero kanina pa nakatayo si Troy sa may gate pero di pa rin niya makita ang kaibigan.  May nakita siyang pinagkukumpulan ng mga kasamahan niya sa Sinag Diwa na mga lalaki pero di niya iyun pinapansin at sige pa rin siya sa paghintay sa kaibigan.

May biglang narinig si Troy ng pagtawag sa pangalan ni Maribeth at nagmumula iyon kumpol kung nasaan ang Sinag Diwa.  Napatingin si Troy at husto namang nagkaroon ng espasyo at naaninag niya ang kakaibang Maribeth na nakangiti.

Literally ay parang bumagsak ang panga ni Troy dahil sa bigla.

“Si Maribeth ba yan?”

“Huh?”

“Si Maribeth nga!  Wow!  Maganda pala pagnag-ayos pang babae ah.” Puna ni Marc na nasa tabi na pala ni Troy at gaya nito ay pinagmamasdan din pala si Maribeth.

Napatingin si Troy sa kapatid.

“Oo si Maribeth nga yan.  Inayusan nina Lea.”

May sasabihin pa sana si Marc pero biglang dumating si Ara.

“Hi Marc.  Nakita mo na si Maribeth?  Di ba ang ganda niya.  Tumulong ako sa pag-aayos sa kanya.”

“Oo nga ang ganda.  Ang galing niyo ah.”

“Thank you.”

*****************************************

“So Maribeth, do you have a date for the prom already?” ani ni Spencer.

“Mademoiselle, can I be your escort for the prom?” di nagpatalong tanong ni Franco na gaya ng pinsan ay na mesmerized din sa bagong transformation ni Maribeth.

“Hey cuz, I asked her first!”

“Sorry cuz I think I asked her first.”

“Heh! Tigilan niyo nga akong dalawa.  Best!  Nandyan ka na pala.  Tara , ilayo mo ako dito.  Kanina pa ako kinukulit ng dalawang yan.” Binirahan ng tayo ni Maribeth at nagmamadaling lumapit sa kaibigan.


Chapter 4:

“Hi Maribeth, wow marunong ka na mag make-up!” excited na sambit ni Ara.

“Maraming salamat sa inyo Ara.  Magaling kayong magturo eh!  Hoy Best, bakit di ka kumikibo?” pukaw ni Maribeth sa kaibigang si Troy .

“Muntik ka na naming di makilala ah!” nakangiti naman si Marc.

“Oo nga.” Ang tanging naidugtong ni Troy .

Napahagikhik si Maribeth.

“Maribeth, tuloy ang practice mamaya ha.  Teka, girl na girl ka na ah.  Magagawa mo pa kaya ang stunts natin?”

PAK!

“Aray ko!” sabay himas ni Marc sa tinamaang braso.

“Ikaw kasi eh. Girl na girl.  Bakit, ano ba tingin mo sa akin dati lalaki ha?”

“Hindi na!  Hindi na!  Girl na girl.  Aray ko naman.”

“Are you ok Marc?  Saan ang masakit sayo?” pag-aalalang tanong ni Ara.

Nabahala din si Maribeth at baka sobrang malakas yung pagkakahampas niya kay Marc.

“Nako sorry Marc.  Pasensya na.”

Pero humalakhak si Marc.

“Got you there!”

“Got you there pala ha.” at akmang hahampasin ulit ni Maribeth si Marc pero tumakbo ito kaya humahabol ang babae.

Kumunot ang noo ni Troy sa napansing closeness nina Marc at Maribeth.  Or mas tama bang sabihing nagseselos siya sa attention na pinapakita ni Maribeth sa kapatid.  Nitong mga huling araw at dahil malimit si Marc at Maribeth na ang magkapartner sa sayaw ay mas lagi itong magkasama kaysa sa kanila ni Maribeth.

“Pare, close na ata talaga ang kapatid mo at bestfriend mo ah.” Puna ni Franco nung lumapit ito kay Troy .

Tumingin lang si Troy sa direksyon kung saan naghaharutan sina Marc at Maribeth.  Umalis na rin si Ara kanina nung naghabulan ang dalawa kasi may dadaanan pa ito.

Hindi rin maipinta ang mukha ni Spencer habang tumitingin.

Nagulat silang lahat nung biglang sumampa si Maribeth sa likod ni Marc.  Nagpiggy back ride si Maribeth kay Marc habang naglalakad si Marc papunta kina Troy .

Sobra ang ngitian ng dalawa at napawi ang ngiti ni Maribeth nung makita ang reaction ng tatlo.  Dali-dali siyang bumaba kay Marc at inayos ang sarili.

Magsasalita sana si Troy pero nagbell kaya niyaya na lang niya ang kaibigan para sumabay sa kanya papuntang classroom.

“Galit ka?” di natiis na tanungin ni Maribeth si Troy nung mapansin ang pananahimik nito.

“Hindi.”

“Bakit ka tahimik?”

“Wala”

“May problema ba?”

“Wala”

“Eh bakit ganun ka sumagot Best?  Sabihin mo sa akin kung galit ka hindi yung kibuin-dili mo ako!” halata na ang inis ng boses ni Maribeth.

“Wala nga eh at huwag ka ng makulit.”

Magsasalita pa sana si Maribeth pero dumating na si Ms. Torres kaya tinikum na lang niya ang bibig.

Pero di pa rin siya nakatiis kaya pasimple niyang kinuha ang cellphone at nagtext.

“Ang sungit mo!  Di tayo bati! Bahala ka sa buhay mo!”

May tumunog na cellphone na ikinataas ng kilay ni Ms. Torres.

“Who’s cellphone is that?  Didn’t I warn you of the phone etiquette in my class!”

“Sorry po Ms. Torres.  Nakalimutan kong e silent kanina.” Paghingi ni Troy ng paumanhin.

Nagsermon pa muli si Ms. Torres tungkol sa cellphone at winarningan si Troy .

Tiningnan ni Troy si Maribeth ng masama pero inirapan siya ng dalaga at nagmwestro pa ng “buti nga sayo” sabay pinaikot ang mga mata.

Bumuntunghininga si Troy at umiiling-iling.  Si Maribeth naman ay iniba ang position ng pag-upo at di na muling tiningnan si Troy .



Chapter 5:

Di pa rin kinikibo ni Maribeth ang kaibigan.  Pagkaalis ng kanilang teacher ay akmang kakausapin ni Troy ang kaibigan pero naunahan siya nina Franco at Spencer.

“So Maribeth, will you be my date on prom night?” nakangiting sambit ni Spencer.

“Mademoiselle, Franco is the man! You’ll be my date right?” sabat naman ni Franco.

“Mano ngang tigilan niyo akong dalawa.  Wala akong sasamahan sa inyong dalawa dahil hindi ako pupunta sa prom!” may diing pagkakasabi ni Maribeth na para bang meron siyang pinaparingan.

Sabay na napawhat sina Spencer at Franco sa sinabi ni Maribeth at maging si Troy ay kunot noong napatingin dito pero inirapan lang ito ni Maribeth.

“Oo!  Hindi ako sasama sa prom!”

“But why?  Com’mon Maribeth, you have to come.  It’s gonna be fun!” ani ni Spencer.

“Ah basta hindi ako sasama and that’s final!” matatag na anunsyo ni Maribeth.


PROM NIGHT...

“Nasaan na si Spencer at Ara?” pag-aalalang tanong Marc na kanina pa di mapakali.  “Ayan na pala, guys sige na pwesto na.”

Lumapit si Franco kay Marc, “Bro, hindi pwedeng sumayaw si Spencer.  Sinumpong ng chest pain yan kagabi and he needs to rest.”

“Ha?  Paano na yan?” napahawak na si Marc sa kanyang noo.  Pero bago pa siya maka-isip ng paraan ay lumapit na rin si Ara dito na umiika-ika.

“What now?” tanong ni Marc.

“Marc, I’m so sorry.  Natapilok ako kagabi and namamaga pa ang paa ko now.  I can’t dance.” Parang naiiyak na si Ara dahil alam niyang Marc will be very disappointed.  She has been practicing  for this dance even at home.  At dahil nag last minute practice siya kagabi ay aksidenteng nagtwist ang kanyang ankle at namamaga ito ngayon which explain bakit nakaflats siya despite wearing her cocktail dress.

“Hindi pwede sina Spencer at Ara, ok pa rin kasi even number pa rin tayo.  Mag-adjust na lang tayo pero teka…” and he started counting and only to realized na kulang sila ng isa.

“Nasaan si Maribeth?”

Nagkagulo silang lahat dahil kulang na naman ang isa.

“Tinuloy ba talaga ni Maribeth ang sabi niya na di siya pupunta?” tanong ni Franco kay Troy .

“Hindi ko alam. Hanggang ngayon ay di pa rin ako kinakausap nun.” Inis na sambit ni Troy .

Everyone seemed to be so worried at mas lalong nagpanic sila kasi walang ka partner si Marc at nag-announce na si Mr. Pedroza na nag-umpisa na ang activity and Sinag Diwa ang magbibigay ng opening number.

“Ladies and Gentleman, to welcome us in this event, let’s give a big round of applause to our school dance troupe, SINAG DIWA!”

Bago magbukas ang curtain ay dumating si Maribeth na galing lang pala sa comfort room.  Alam ni Lea na dumating si Maribeth kasi kasama niya itong inayusan ng kaibigan make-up artist but she kept mum about it kanina kasi natutuwa siya sa pagpapanic ni Marc at pagkabalisa na rin ni Troy .

Pumwesto na agad si Maribeth kung saan dapat sila pupuwesto ni Spencer pero nagtataka siya dahil wala duon ang kapartner nung biglang may humila sa kanya sa gitnang harap.


“Marc teka, saan mo ako dadalhin?” nagtatakang tanong ni Maribeth.

“Tayo ang magkapartner ngayon.  Di pwedeng sumayaw si Spencer at Ara.” At nag-umpisa ng bumukas ang kurtina kaya pumwesto na agad si Maribeth sa tabi ni Marc.

While the starlights shining down…. Nagsimula na ang intro ng kanta ni Mario na Starlight at ito na ang hudyat na pagsimula ng sayaw ng Sinag Diwa.

Gaya ng dati ay bigay na bigay ang lahat ng myembro ng Sinag Diwa sa pagsayaw.  Malungkot man pareho sina Ara at Spencer na di nakasali sa importanteng sayaw pero masaya na rin silang nakamasid lang sa backstage.  Inakbayan ni Spencer si Ara like he was telling her that it’s alright.  May iba pang pagkakataon that they can dance again.  And Ara acknowledged it with a nod at muli nilang binaling ang paningin sa mga kasamahang sumasayaw.  Pero di maiwasan ng dalawa na umindak na rin pero hinay-hinay lang.

Dumadungdung na ang hiyawan sa loob ng gymnasium kung saan ginanap ang prom.  Pati mga estudyante ay nakikisayaw na sa pag-indak ng mga myembro ng Sinag Diwa.  Pati ang mga faculties ay tumayo na rin sa kanilang upuan at nakiki-indak.  Pati si Ms. Torres na likas na estrikto ay nakangiting pasimpleng umiindak sa kanyang upuan.

Nung matapos ang tutug ay mas lalong lumakas ang hiyawan at palakpakan ng mga estudyanteng nandun.  Habol man ang hininga ng mga taga Sinag Diwa pero gaya ng dati ay lahat sila’y nakangiti.

Nagkatingingan sina Marc at Maribeth at nagkangitian.  Niyakap ni Marc si Maribeth at gayun din ang dalaga dito.

“Thank you.” Pasalamat ni Marc kay Maribeth.

“Thank you saan?” nagtatakang tanong ni Maribeth.

“For saving the day again.  Akala ko talaga tinutoo mo yung sinabi mong di ka pupunta sa prom.”

“Ngek!  Alam pala ni Marc yun.” Lihim na sambit ng isip ni Maribeth.

“Ah yun ba.  Oks lang yun.  Sabihin na nating nakidnap lang ako at di nakaiwas kaya nandito ako pero ngayon pa lang ay magsisi talaga ako kung di pala ako sumama.  Kasi ngayon pa lang ang saya na.” nakangiting sagot ni Maribeth kay Marc.

“Sabi ko sayo eh.  I’m glad you’re here.  Tsaka ang ganda ganda mo ngayon.  Not that sinabi kong di ka maganda dati ha.” Pag-eexplain ni Marc na ikinangiti lang ni Maribeth.  “May utang kang sayaw sa akin mamaya ha.  Alam kong maraming pipila sayo mamaya pero basta huwag mong kalimutang may utang ka sa akin ok?” dagdag pa ni Marc sabay kindat sa dalaga.  Tumango lang si Maribeth at ngumiti.

Pababa na si Maribeth sa hagdanan ng backstage para makapunta na sila ng kanilang table nung may humawak sa kanyang kamay na ikinatigil niya.  Napalingon siya para mapasino kung sino ang humawak sa kamay niya at tumambad sa kanya ang nakangiting si Spencer.

“Hey Maribeth, I’m so sorry that I was not able to dance with you.  I have been looking forward to dance with you but my body seemed doesn’t kher with what I want to do and got me into this.” Malungkot na paghingi ng paumanhin ni Spencer kay Maribeth.

“It’s ok Spens.  I understand naman.  Better din di ka sumayaw dahil baka magcollapse ka kagaya nung una tayong nagkita.  Nako baka magdrama ka ulit at kailangan mo na namang may mouth-to-mouth.” Nakangiting sambit naman Maribeth.

“I think I want to collapse so that you can finally give me that mouth-to-mouth resuscitation.” Ngiti sabay kindat na sambit ni Spencer kay Maribeth.

“Sira!” sabay hampas sa braso ni Spencer pero di ito nilakasan ni Maribeth pero hinawakan ni Spencer ang kamay ni Maribeth at hinalikan.

Natigilan si Maribeth sa ginawa ni Spencer at nanlaki ang kanyang mata.

“Hey cousin!  Ikaw ha, bantay salakay ka ha!” sabat ni Franco sa dalawa.

“What’s bantay salakay?” sagot naman ni Spencer in his Australian accent sa sinabi ni Franco.

“Hay nako nevermind.  Hellow Maribeth.  Ganda natin ngayon ah.  Ako din pa kiss.” At bago pa makahuma si Maribeth ay kinuha din ni Franco ang kamay ni Maribeth at hinalikan.

Tuluyan ng napangiti si Maribeth sa ginawa ng dalawa.

“So Maribeth, you’ll be my date tonight right?” ani Spencer.

“No Cuz, she’s going with me di ba Mademoiselle?” sabat naman ni Franco.

“Hay nako tumigil nga kayong dalawa.  Kayong dalawa na nga lang ang date ko.  Ang kukulit niyong pareho!” at inabresyete na ni Maribeth ang dalawa sa magkabilang kamay para tumigil na ang mga ito.  Tawanan na silang tatlo at sabay nang naglakad papunta sa table kung saan uupo ang mga taga Sinag Diwa.

Lahat ng iyon ay nasaksihan ni Troy na nayayamot dahil hindi makalapit sa kaibigan.  Ilang araw din siyang iniiwasan at di kinikibo ni Maribeth.  Kahit text niya’t tawag ay di nito sinasagot.  Sa tuwing may practice sila nung bago pa magprom ay lumalayo ito o di kaya’y nakikipagkumpulan kina Spencer at Franco na parehong makukulit kaya di makalapit din si Troy .  Pero ipinangako ni Troy sa sarili nab ago matapos ang gabi ay kailangang magkaayos sila ni Maribeth.

Dalawang table ang naka toka para sa Sinag Diwa at okupado na ang table kung saan naka-upo sina Maribeth, Spencer at Franco at iisa na lang bakanteng upuan kaya di siya pwedeng dun umupo kasi ka date niya si Geleen sa gabing ito kaya nakuntento na lang siyang umupo sa katabing mesa at pinagmamasdan ang kaibigan. 

“Hey Troy , you owe me a dance later ok?” pukaw ni Lea sa kanya.

“Huh? Ano ulit?”

“Ang sabi ko you owe me a dance later.” Ulit ni Lea.

Ngumiti lang si Troy at tumango.

“Yan ang bayad mo sa pagtulong ko sa kaibigan mo.”

“Sure no problem.  Tara kuha na tayo ng food.” Yaya ni Troy kay Lea at Geleen na rin.  Tumango ang dalawa at tumayo na.

Habang kumukuha ng pagkain ay napapansin pa rin ni Troy ang kulitan ng magpinsan sa kaibigang umiiwas pa rin sa kanya.  Ibinuntunghininga na lang ni Troy ang panlulumong nadarama.

“Are you alright?” pansin ni Geleen sa ginawa ni Troy .

“Oo.  Ok lang ako.  Ano gusto mo kainin dyan?”


Chapter 6:

Nakangiting Ara ang sumalubong kay Marc sa backstage at yumakap ito agad sa lalaki pagkatapos ng sayaw.  Nakangiting yumakap din si Marc dito.  Ang tagpong iyon ay hindi nakaligtas sa isang babaeng nakamasid lang pala sa baba.

Napalunok si Monique sa tagpong nakita para mapigilan ang pagtulo ng luha.  Nitong mga nakaraang araw ay medyo naging ok na ang pakikitungo nila sa isa’t isa ni Marc.  Nagkausap na sila at nakahingi na ng sorry si Marc sa nagawa nitong kasalanan sa kanya dati.  Although hindi pa niya itong napatawad ng tuluyan pero pinagbigyan niya ang hilig nitong truce para sa ikakabuti ng kanilang pakikitungo sa isa’t-isa.  Or mas tamang sabihing di rin niya kayang tiising mawalay sa lalaking totoo niyang minahal kahit pa niligawan lang siya nito dahil sa isang pustahan.  Makailang beses mang humingi ng tawad si Marc dito at makailang beses na ding nagsabing nagsisisi ito sa nagawang mali sa kanya pero di pa rin tuluyang ma let go ni Monique ang isiping niloko siya nito.

“Marc, sorry talaga ha.” Paghingi muli ng paumanhin ni Arak ay Marc sa hindi nito pagsayaw kanina.

“Ok lang yun Ara.  Kumusta na pala ang paa mo?” pag-aalala ni Marc dito.

“Namamaga pa rin kaya nakaflats lang ako.  Di tuloy bagay sa dress ko.” Pagmamaktol na sambit ni Ara habang pinapakita kay Marc ang nakabandage na paa.

“Ok lang yan.  You still look cute in your outfit.” Puri ni Marc ditto na mas ikinangiti ni Ara.  Kinikilig ito ng lihim sa sinabi ni Marc at mas lalo itong kinilig nung iabot ni Marc ang kamay nito para hawak kamay silang bumaba sa stage para pumunta sa kanilang table.  Ara gladly obliged.

And when Monique saw it, she can’t help but sniff para mapigilan ang luhang nagbabantang tumulo.  She’s supposed to be the one holding the hands of Marc.  She should have been sitting beside Marc.  Matutuloy sana ang napag-usapan nila dati na maging Prom King and Queen sila.  Pero lahat ng pangarap na iyon ay ilusyon na lang na di na matutupad.  Isang buntunghininga ang pinakawalan ni Monique to compose herself and she smiled. 

“Stop thinking Monique.  You have lot of things to do than to think of any bad vibes.  May mga mahahalaga ka pang gagawin for the success of this prom.  Get up and start moving!” Monique reminded herself.

Tumayo sa kinauupuan si Monique at muling inaasikaso pag-aayos ng mga details sa prom.  Biglang nagtama ang paningin nilang dalawa ni Marc na inaaalalayan si Ara sa pagbaba ng hagdanan ng stage.  Marc smiled and nod at her and she smiled back at him.

Nung matapos ang maikling program ay nagsimula na ang sayawan.  Nagpompyang ang magpinsang Spencer at Franco kung sino ang maunang sasayaw kay Maribeth.  Si Spencer ang nanalo kaya si Lea ang naisayaw ni Franco.  Si Troy naman ay isinayaw si Geleen so as Marc and Ara.

Pero hindi pa rin nagkakaroon ng pagkakataong magkausap ang magkaibigang Troy at Maribeth.  Magkatabi naman silang nagsasayaw.

Pero di na nakatiis si Troy kaya mataktikang inilapit niya sila Geleen kina Spencer at Maribeth.

“Geleen, ok lang if makikipagchange partner lang ako sandali kay Spencer?  Di pa rin kasi kami bati ni Maribeth.  Gusto ko sanang makipagbati?  Ok lang ba sayo?”

“Sure Troy .  Yeah, you and Maribeth should patch things up.  You haven’t been talking to each other lately.”

“Thanks Geleen.”  Nginitian ni Troy si Geleen habang nagpapasalamat at binalingan nito si Spencer at kinausap.

“Spencer pare, ok lang ba palit tayo sandali ng partner?  Gusto ko sanang makasayaw ang bestfriend ko?”

Humigpit ang hawak ni Maribeth kay Spencer pero di naintindihan ng huli ang signal ni Maribeth kasi di rin naman ito aware sa sitwasyon ng magkaibigan kaya bago pa niya masabihang tumangi si Spencer ay naibigay na siya nit okay Troy .

Wala ng choice si Maribeth kundi makipagsayaw kay Troy .  Pero di pa rin siya kumikibo.  Samantala, si Geleen naman at Spencer ay napagpasyahang umupo muna dahil medyo napagod si Spencer.  Nakaupo na rin sina Franco at Lea that time at pati si Ara na kanina pa nayayamot dahil hindi makapagsayaw dahil kumikirot ang injured na paa.

Sa isang banda ay nasa may bandang registration si Monique at tinitingnan ang lahat ng dumalo.  She needs to submit the list of names to the faculties para makahanap na ang mga ito kung sino ang pipiliing Prom King and Queen and Prom Prince and Princess.

“Monique…”

Natigilan si Monique sa ginagawa at biglang parang nagfreeze sa kinatatayuan.  Boses ni Marc yun.  Parang nanigas ang kanyang leeg dahil sa pagpipigil na lumingon.

“Monique…” muling tawag ni Marc sa kanya.

Pasimple siyang huminga ng malalim and naghandang magsmile bago harapin si Marc.

“Hi Marc.  Bakit?”

“Let’s dance.” Yaya nito sa kanya.

“I’m kinda busy kasi.  I still have lot of things to do pa eh.” Tangi ni Monique.

“Sandali lang naman tayo.  Please…” pagsusumamo ni Marc.

“Ok lang Monique, ako na bahala dito.  Sumayaw ka na.  You’ve been working kanina pa.  Sige na Marc, dance with her na para magloosen up yan.” Sabi ng isang kasamahan ni Monique dito sabay kinindatan ang nakangiting si Marc.

“Thank you!  Thank you!!!  Tara …”

Wala ng choice si Monique kundi sumunod na kay Marc papuntang dance floor.  Habang naglalakad ay inilahad ni Marc ang braso kay Monique para kumapit dun ang babae habang naglalakad sila papuntang dancefloor.  Nag-aalinlangan man si Monique but still she gave in to his invitation at ikinawit na ang braso kay Marc.

Nung makita ni Franco sina Marc at Monique na naglalakad papuntang dancefloor ay bigla itong sumigaw…

“Ayan bati na!” at pumalakpak pa ito kaya napatingin ang mga estudyanteng nakarinig sa sinabi nito at nakipalakpak.  Pati yung ibang faculties na nakarinig ay napangiting pumalakpak din.

Napatingin na rin ang di nagkikibuang magkaibigan nung sumigaw si Franco at pareho silang napangiti at nagpang-abot ang kanilang mata at bumulaghit na rin ng tawa nung magkatingnan.  Biglang hinampas ni Maribeth sa braso ang nakangiting kaibigan.

“Ayan Best bati na tayo ha.  Hinahampas mo na ako muli eh.” Nakangiting sambit ni Troy na parang natangalan na ng tinik sa dibdib nung matantong bati na sila ng kaibigan.

“Hmmmmp!  Naiinis pa rin ako sayo.” Pagpapakipot pa rin ni Maribeth.

“Sorry na Best.  Di na mauulit.  Pasensya na kung ganun ang naging reaction ko.  Sanay lang kasi ako na ako lang lagi kinakausap mo eh.  Di ko matanggap na may iba ka ng kaclose na lalaki.  Sorry na po.”

“Ewan ko sayo!”

“Ngingiti na ulit yan.  Sorry na talaga Best.” At hinigpitan ni Troy ang pag-akap sa kaibigan.  Miss na miss na niya ito sa ilang araw nilang di nagkikibuan.

Miss na miss na rin ni Maribeth ang bestfriend kaya yumakap din siya ng mahigpit dito at isinandal ang ulo sa dibdib ng kaibigan.  Nasa ganung akto silang napuna ni Lea na kausap si Geleen.

“Hey Geleen, look at Troy and Maribeth.  They look so sweet.”

“Yeah.  Bestfriend sila eh.” Patay malisyang sagot naman ni Geleen kay Lea.

“Are they really bestfriend?” pambubuyo ni Lea dito.

“What do you mean?” naguguluhang sagot ni Geleen.  Medyo may understanding na kasi sina Geleen at Troy nitong mga nagdaang araw.

“Look at them, are you sure they’re just friends?  Just sayin….”

Natigilan si Geleen sa nakita at nawala bigla ang ngiti nito sa labi.  Napansin ni Lea ang reaction ni Geleen kaya lihim ito napangiti.  She just loves playing with everyone.

“Thank you.”

“For what?”

“For allowing me to dance with you.” Sagot ni Marc.

Ngumiti lang si Monique.

“I miss this.  I miss us.” Di na mapigilang sambitin ni Marc.

Natigilan si Monique sa ipinagtapat ni Marc.

“Remember what we’ve discussed before na sana tayo ang maging Prom King and Queen this year.” Bumuntunghininga si Marc bago nagpatuloy sa pagsasalita.  “Pero di na yata mangyayari yun.  But nevertheless I’m still glad that I get to dance with you tonight.” At hinigpitan nito paghawak sa beywang ni Monique.  On instinct ay naki-ayon naman ang katawan ni Monique kay paghawak ni Marc at naisiksik nito ang katawan kay Marc.  Marc’s hand moved from her waist to her back.  He wrapped his arms around her and naihilig naman din ni Monique ang ulo sa dibdib ni Marc.  Tumungo din si Marc and rested his chin on Monique’s head.

Unconsciously ay pareho pala ang position ng dalawang pares na nasa dancefloor.  Sina Marc at Monique at sina Troy at Maribeth at yung mga nakasaksi ay nagkatinginan na lang.  At sa ganung ayos ang bumungad kay Ara na galing pala sa comfort room at natigilan ito at parang piniga ang puso sa nasaksihan.  Paano na siya kung bumalik na si Monique sa buhay ni Marc.  Para siyang naiiyak at napako sa tinatayuan.

“Care to dance?”

Naputol ang pag-iisip ni Ara at pinahiran ang mga luhang nuon lang niya napansing tumulo pala.

“Franco…”

“Come let’s dance.  Promise… we’ll make it slow lang para di sasakit ang paa mo.  And stop crying.  You’re too beautiful to be shedding tears.  Ok?” nakangitig lahad ni Franco ng kamay kay Ara matapos nitong mag curtsy.

Ngumiti si Ara at tinanggap ang kamay ni Franco at sumama dito sa dancefloor para sumayaw.

“Don’t be sad Ara.  Look around you, there are other guys who can give you the love you are longing for.” Seryosong sambit ni Franco kay Ara.  Alam kasi ni Franco ang totoong estado ng puso ni Marc.

“I understand Franco.  Thank you ha.  This will pass.  Tara mag-enjoy na lang tayo.” Nakangiting sambit na ni Ara.

“That’s my girl!” sabi ni Franco at sinabayan pa nito ng kindat.

Napatawa na lang si Ara sa sinabi ni Franco.


Chapter 7:

“Can I claim back my date?” pukaw ni Spencer sa nagsasayaw na magbestfriend.

Napangiti ang magkaibigan sa sinabi nito.

“Sige Best, binabawi ka na sa akin ng ka date mo!” may diing sabi ni Troy pero nakangiti ito.

Bumungisngis lang si Maribeth.  Muling niyakap ni Troy ang bestfriend bago tuluyang bumalik sa mesa.  Nagpatuloy sa pagsayaw sina Spencer at Maribeth.  All throughout the dance ay di maiiwang kulitin ni Spencer si Maribeth kaya di mabilang kung ilang beses lumipad at humampas ang kamay ni Maribeth sa braso ng lalaki.

“Ladies and Gentlemen, may I have your attentions please.  We are so lucky tonight that our special guest is here to give render us a song.  Give it up for Mr. Bret Jackson!” putol ni Mr. Pedroza sa pagsasayaw ng mga estudyante.  Hiyawan ang lahat nung malamang nandun si Bret at kakanta ito.

“Good evening everyone.  This song is for all of you!” at kumanta ito Let’s Just Fall in Love Again.

Nagkumpulan ang mga estudyante sa harap ng stage at nakikikanta at nakiksayaw sa kanta ni Bret.

“Let’s pretend baby that you’ve just met and I’ve never seen you before….”

Kinuha ni Troy si Geleen at dinala sa harap ng stage at niyakap ito sa likod habang nakikinig at pasimpleng umindak sila sa tutug ni Bret.  Katabi nila sina Spencer at Maribeth na magkahawak kamay na nakikanta at nakisayaw na rin.  Gayun din si Ara at Franco.  Sa di kalayuan ay nakaakbay naman si Marc kay Monique at kagaya sa iba ay nakikisabay sa kanta.

“So let’s just fall in love again…” malakas na sambit ni Marc habang nakangiting kindatan pa si Monique na ikinabungisngis lang ng babae.

Pero hindi pa dun natapos ang kanta ni Bret kasi isinunud agad nito ang sikat na kantang All I Need Is Love na mas lalong nagpahiyaw sa mga taga Northbridge.  Hindi na napigilan ng lahat ng member ng Sinag Diwa na magkumpol sa harap ng stage at sayawin ang kantang ito na sinayaw din nila nung assembly.  Si Monique na hindi naman myembro ng Sinag Diwa ay sumasabay na rin at ginigayahan ni Marc kung paano ito sayawin.  Pati ang ibang estudyante ay nakikigaya sa sinayaw ng Sinag Diwa.

I used to be sad
Even my friends can’t make me laugh
I used to be lost
Don’t even know where I belong
But then you came along
Like A happy song
Sprinkled my world with happy thoughts
I never thought it’s real
But now you make me feel
All this time I need Is Love

It’s been sad
Never understand
Til my love has come along
My lonely days are gone
And I can feel the sun
Now I can sing a happy song

La ra da da la
Ra da da ra da
All I need is love
La ra da da la
Ra da da ra da
All I need is love
Meeting you is fate
You fill the gaps in my empty space
It takes a time to find someone
But only moments to fall in love
Then you came along
Like a happy song
Sprinkled my world with happy thoughts
I never thought it’s real
But now you make me feel
All this time I need is lo-o-o-ove

It’s been sad
Never understand
Til my love has come along
My lonely days are gone
And I can feel the sun
Now I can sing a happy song

La ra da da la
Ra da da ra da
All I need is love
La ra da da la
Ra da da ra da
All I need is love

“Thank you!!!!” sigaw ni Bret Jackson sabay bow at umalis na rin ito sa stage.

“Thank you very much Mr. Jackson!  Guys, nag-enjoy ba kayo?” tanong ni Mr. Pedroza.  Hiyaw lang muli ang isinagot ng mga estudyante and Mr. Pedroza understodd that everyone had a great time.

“It’s now time to announce who this year are our Prom King and Queen and our Prom Prince and Princess.  Are you ready to know?”

Nagchorus ang lahat ng YES!

“Ms. Torres, please do the honors in announcing.” Sabay bigay nito ng microphone kay Ms. Torres.

“This year’s Prom Prince and Princess are Mr. Troy Cabrera and Ms. Maribeth Tamayo!”

Nashock ang magbestfriend na sila ang pinili.  Nagkatinginan sila at bumungisngis ng tawa. 

“Geleen, sandali lang ha.” Pag-excuse ni Troy at nilapitan ang kaibigan para alalayang pumunta sa stage.

Binigyan silang pareho ng sash ang crowns tapos nagpapicture kasama ni Ms. Torres at Mr. Pedroza.

“And now for our Prom King and Prom Queen.  This year’s winners are, Mr. Marc Pedroza and Ms. Monique Castillejo.”

Naghigh-five sina Monique at Marc pagkarinig ng kanilang mga pangalan.  Tila natupad din ang pinangarap nilang maging prom king and queen.  Inaalalayan ni Marc si Monique sa pag-akyat sa stage for the awarding.

Habang nilalagyan ng sash at crown si Monique ay palihim na pinisil ni Franco ang kamay ni Ara as if telling her that it’s ok.  Pinisil din ni Ara ang kamay ni Franco after to acknowledged it and to tell him that she’s fine.  Tiningnan ni Ara si Franco and he winked at her sabay ngiti.

“Geleen, are you ok na hindi ikaw ang Prom Princess?” buyo na naman ni Lea dito.

“Lea, stop it.  I’m happy for both of them ok.  Don’t spoil my night.” At binirahan nito ng alis at tumabi sa iba nilang friend.

Kibit-balikat lang si Lea na naiwan.  “I’m just sayin….what?” pagtataray nito nung lingunin siya ni Wowie.

“Ingit ka lang girl.” At binelatan ito ni Wowie with a smile.

Ikot mata naman ang isinagot ni Lea sabay alis na rin.

“Congratulations to our winners and now let’s go back to the classic.  May we request the winners to go to the center of the dancefloor and dance to the tune of King and Queen of Hearts.” Announced Mr. Pedroza.

Sumunod naman ang apat at nagsimulang sumayaw.  Kalagitnaan ng sayaw ay hinikayat ni Marc si Troy na mag exchange partner sila dahil may utang daw na sayaw si Maribeth sa huli.  Nagpatianud naman si Troy at nakichange partner na rin.

“Congrats ha.”

“Congrat din sayo.”

“Anlaki  talaga ng ipinagbago mo ngayon Maribeth.  I like it.  Maintain it that way.” Ani Marc.

“Nako Marc, huwag mo na akong bulahin.” Sagot naman ni Maribeth.

“Hindi nga!  Totoo sinabi ko.  Ah basta.  I’m sure dadami na manliligaw mo pagkatapos ng gabing ito.  Sure ako diyan.”

“Sira.  Sumayaw na nga tayo.  O ayan bayad na utang mo ha.”

Tumango lang si Marc at muling ipinagpatuloy ang pagsayaw.  Samantala sina Troy at Monique naman ay first time na nagkainteract kaya nagkilalanan muna ang dalawa.

Natapos ang gabi na ang lahat ay sobrang masaya.  Nagkaayos ang di nagpapansinang magkaibigan at ang dating magkasintahan ay nabigyan ng tsansang makamantan ang dating pinangarap nung sila’y magkasama pa.

17 comments:

  1. next chapter na pleasee :))
    nakakabitin eh :">

    ReplyDelete
  2. ano to ms. acheena? DevQueen or Samvon>?? :)

    ReplyDelete
  3. gustong gusto ko ang piggy back ride na yan... waaahhh... next chapter na...

    ReplyDelete
  4. next chapter na please :))
    nakakabitin :DD

    ReplyDelete
  5. More more more! ;)

    ReplyDelete
  6. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  7. sana po meron na kasunod.. ganda ng story.. pwedeng pwde sa gv... :)
    hintay mode lang po ako d2.. pero sana malapit na...
    galing nu talga! idol! :)

    ReplyDelete
  8. waah.. ang galing.. imagination talaga malawak nararating.. next chapter please.. :))

    ReplyDelete
  9. i'm dying to read chapter 8,9,10.... waahh.. ngayon ko lang napansin to! whose the witty writer by the way? may twitter po ba kayo? i'll follow you para kukulitin kita sa next chapter. hehe.. god bless po! more power sa pagsulat. :)

    ReplyDelete
  10. @iamcurlyvhamp - thanks :-) my twitter name is acheena21 :-) or you can also join my group in FB... acheenatics :-)

    ReplyDelete
  11. To everyone, thanks a lot for the kind words :-)

    ReplyDelete
  12. bitin much pu..
    wla n pu b ksunod??
    next chapter na pu pls..
    <3 ur FF's very much..

    ReplyDelete
  13. wow!wow!galing galing ate!!hihi
    next chapter plzzz!!!
    i love all ur ff's teh promise!!!

    ReplyDelete
  14. ..waaah!..Samvon vs. Devquen vs. Jaevon..wow astig itech..hehe..gusto ko talaga samvon eh!..buti naisingit!..haha!..pero sa GV..gusto ko magka2luyan..Marc and Monique..Troy and Maribeth..pero mukhang alabo pareho..hehe..may LT's kasi eh..pero mukhang posible ung kay Marc at Monique..

    ReplyDelete