Sunday, April 24, 2011

I WISH I COULD BE YOUR SOMEONE

I Wish I Could Be Your Someone

By: Athena Manzano – Tan – acheena21

(Disclaimer: Ang lahat ng pangyayari sa kwentong ito at pawang kathang-isip lamang ng may-akda at walang basehan sa mga totoong pangyayari.  At hindi na hawak ng may akda kung sakali mang may mga naisulat sa kwento at nangyayari bigla sa totoong buhay.  The fiction contains matured scenarios kaya patnubay sa magulang ang kinakailangan para sa mga readers na under 18.  Minors, please be responsible in reading this fanfic.)


Chapter 1:

“Bilis Willow.  Faster!” hinihila ni Celine ang kaibigan na hindi na magkandaugaga sa pagmamadali.

“Bakit ba nagmamadali ka?” nagtatakang tanong ni Willow dito.

“Sasama tayo kay Kuya.  And he doesn’t know about it yet. Tara na!”

“Pero baka magalit ang Kuya Miguel.” Pag-aalala ni Willow.

“Akong bahala sa kanya.” Sabay kindat nito.

“Bakit ba gustong gusto mong asarin ang Kuya mo?”

“I’m not going to asar him.  I just want to go with him and his friends.” Sabay kindat dito.

“Siguro may crush ka sa isa sa mga friends niya ano?”

“Wala ah. Hmmmnnnn secret!” sabay sabi nito na kinikilig.

“Sabi ko na nga ba eh!”

“Ah basta tara na!” at nagmamadali na silang bumaba sa kwarto ni Celine at dumiretso sa garahe.

************************************

“Dado, nalinis mo na ba ang kotse ko?  Nasaan yung susi?”

“Boss, nandun na po.  Ready na po yun.  Ah Boss, nandun din…” pero hindi na natapos ang sinasabi ni Dado kasi mabilis na umalis sa harapan niya si Miguel at napapikit na lang ito nung marinig ang malakas na boses ni Miguel pagkatapos.

“What are you two doing there?” dumadagungdung ang boses ni Miguel pagkakita na nasa backseat na ang magkaibigan.

“Sama kami Kuya.”

“Are you kidding me?  I have a date!” galit na sambit ni Miguel.

“We’ll we don’t care.  You can still have your date and we can tag along!”

“Get out!”

“No!” matigas na sambit din Celine.

“Dado! Give me the keys ng isang kotse.  May surot lang akong gustong iwan.  Bilisan mo!” galit na sigaw ni Miguel and just about time ay tumunog naman ang telepono niya.

“Dad… what!  Dad naman!  I am not her babysitter!  Damn!”

Walang kibong sumakay at pinaandar ni Miguel ang sasakyan at tiningnan ng masama ang kapatid.  Tumawag ang ama nila at sinabihan siyang isama ang kapatid.  Tiyak na ni Miguel na nagsumbong na naman ang spoiled brat na kapatid.

Sobra nilang tahimik kahit nung nakarating na sila ng mall.  Saka pa lang nagsalita muli si Miguel nung nakapagpark na sila.

“Hey Spoiled Brat.  You got away this time but there will be no next time for this.” Galit na sambit ni Miguel pero kibitz-balikat lang ang kapatid.  Alam niyang she can always do away with everything pag si Miguel ang involve.  Masyado kasi siyang spoiled sa kapatid at hindi siya matitiis nito.

“Willow, don’t be like my sister who’s a spoiled brat at panira ng plano ok?  Sige labas na and you two better behave ok.  Damn!  Ang bata ko pa para maging babysitter mo!”

“You’ve cursed a lot Kuya.  Chill!  We won’t jeopardize your date right Willow?” at kinindatan nito ang tahimik at natatakot na kaibigan.

“Kuya, pahingi pala ng pang mall.  I forgot to ask from Dad.” Muling humirit si Celine sa kapatid.

Bumuntunghininga si Miguel sabay ikot-mata at bumunut na rin ito ng pera at binigay sa kapatid.

“Alam mo di ka lang pang-gulo, holdupper ka pa!” ngitngit na ngitngit na talaga si Miguel sa kapatid.

“Thank you Kuya!” nginitian ni Celine ang kapatid na ikinaiiling lang ng huli.

Pumasok na sila sa mall at pinuntahan ang mga kaibigan ni Miguel sa meeting place nila.

“Pare, may dala ka bang bodyguard?” pang-aasar na sabi ni Justin sa kaibigan.  Ito yung noted na mahilig mag-asar sa barkada.  “Pero kung kasing ganda naman nila ang bodyguard, pwedeng pwede!” sabay kindat ditto sa dalawang babae.

Umirap si Celine habang tumungo naman si Willow.

“Pare, they’re not my bodyguard.  I think it’s the other way around.  Or let’s just say I’m their babysitter.  Geeezzzz!”

“Gusto mo pare ako na lang mag babysit sa kanila.  Lalo na dito kay Miss Beautiful.” At ininguso ni Justin si Willow.

Magrereact sana si Celine sa sinabi ni pero napasinghap siya nung makita ang bagong dating.  Nahawakan niya ng mahigpit ang kamay ni Willow.

“Ouch” Di na natiis ni Willow na sabihin.


Chapter 2:

“Ay sorry girl!” nakangiting sambit naman ni Celine pero hindi pa rin lumalayo ang tingin niya sa bagong dating.

He’s wearing a branded collared shirt and blue jeans.  He looks so clean and swabe.

Nakangiti din ito sa kanila nung papalapit na ito.  Mag-isa lang ito.

“Pare, sorry I’m late.  Natraffic lang.  Anong plano?  Hi Celine and who’s this cute girl with you?”

Nawala ang ngiti ni Celine.  Parang kay Willow pa ata nagkainteres itong mokong na ito ah.

“Friend ko. Si Willow.” Pagpapakilala ni Celine sa kaibigan.

“Hi Celine, I’m Philip.  It’s nice knowing you.” Nakangiting sambit ni Philip at naglahad ng kamay na kiming tinanggap naman ng dalaga pero bago pa magkadaupang palad ang dalawa ay nasaklaw na ito ni Justin.

“Hep hep hep, she’s mine Bro.  Tama na yung ngiti at kindat mo.”

“Ito talaga kahit kalian ay masyadong madamot.  Anyways, nice knowing you Willow.”

Ngumiti lang si Willow.

“Binabantayan mo ba ang kuya mo?” sabay tudyo nito kay Celine at iniukupa ang bakanteng upuan sa tabi nito.

“No ofcourse not! Boring lang sa house kaya sumama kami.”

“Owww?  Aminin mo, binabantayan mo ang kuya mo eh.” Malimit asarin ni Philip si Celine.  He’s like a big brother to her.

“Hindi nga sabi eh.  Tara na nga Willow.” Padabog na yaya ni Celine sa kaibgan.

Akmang tatayo na si Celine pero hinawakan ni Philip ang brason nito para paupuin ulit.

“Ito naman di na mabiro.  Stay.  Kwentuhan tayo.  Tagal na tayong di nagkita eh.  Anong bago sayo?  May boyfriend ka na?” nakangiting tanong ni Philip dito.

“Hmmmp ewan ko sayo.” Muling umirap si Celine dito pero nakangiti na ito.

At nag umpisa na namang nagkulitan ang dalawa.

Maya-maya ay dumating na ang pinopormahan ni Miguel at syempre namumublema si Miguel na maiwanan ang kapatid.

“Kasi naman sumama pa eh.  Paano ako aalis ngayon nito?” yamot na sambit ni Miguel pero mahina lang boses nito.

Tumaas ang kilay ni Celine and it’s like telling her brother na so????

Natunugan ni Philip ang tension kaya nagkusa na ito.

“Pare, ako na bahala sa kapatid mo.  I’ll take them home na rin.  Enjoy your date.  Don’t worry, they’ll be in good hands.”

“Ok lang sayo Brat?” tanong ni Miguel sa kapatid.

“Whatever!” kunyari irap-mata pa si Celine na nagsasabi pero deep inside her ay maligaya siya.  Crush niya talaga ang kaibigan ng kapatid niya na si Philip.

“Thanks Pare.  I owe you one.” At kinamayan ni Miguel ang kaibigan na tumango lang na nakangiti.

“No problem Pare.  Wala din naman akong lakad na iba.  Busy din naman si Sheila.” Ang tinutukoy nito ay ang girlfriend.

Hindi nakita ni Philip ang pagsimangot ng mukha ni Celine nung bangitin ang pangalan ng girlfriend ng huli.

“Tara na.  Where do you want to go?” tanong ni Philip dito.

“Celine, I think I have to go.  May dinner pala kami ni Papa now.  Our driver is already outside waiting for me.  Sorry girl ha.” Paghingi ng paumanhin ni Willow kay Celine.

“Ha?  Ano ba yan?  O sige girl.  Tawagan na lang tayo.  Hatid ka pa ba namin sa labas?” tanong ni Celine sa kaibigan.

“Huwag na.  I know na my way.  Thanks.” At nagbeso ito kay Celine.

“By Kuya Philip.  Nice meeting you too.” At umalis na si Willow.

“Do I look so old?” tanong ni Philip.

“Why?” nagtatakang tanong ni Celine.

“Kasi your friend is calling me kuya.” Natatawang sambit ni Philip.

“Maybe nga you’re old.” Sabay humagikhik si Celine.

“Old pala ha!” at inakbayan siya bigla ni Philip at kiniliti.

Pinipilit ni Celine na kumawala kay Philip at totoong nahihirapan siya dahil sa laking tao ni Philip.

“Tama na!  Suko na ako!  Suko na ako lolo!” at mas lalo siyang kiniliti ni Philip nung marinig iyon.

“Stop na!!! Hindi na!  Suko na ako!” hinihingal na sambit ni Celine.

“Saan mo gustong pumunta?” tanong ni Philip kay Celine.

“Hindi ko alam.  Gusto mo manuod ng sine?”

“Ok tara.  Ikaw na mamili kung saan basta no cheesy chick flick ha!”

“Ok. Princess Diaries na lang.” pang-aasar nito sa kasama.

“Tama!  At mag-isa kang manuod!”



Chapter 3:


Unang kita pa lang ni Celine sa kaibigan ng Kuya Miguel niya na si Philip ay nagkaroon na siya ng crush ditto kaya everytime pupunta ito sa kanila to hang-out with her kuya ay lagi siyang nakikijoin sa mga ito.  She was only 10 years old then at mapasahanggang ngayong 17 na siya, si Philip pa rin ang crush niya kaya wala siyang sinagot ni isa man sa kanyang manliligaw sa school.

“Hindi sila pumasa sa gusto ko!” yun ang lagi niyang sagot pagtinatanong siya bakit wala siyang sinagot sa mga manliligaw niya.

Ilang araw din ba niyang iniyakan nung minsang dalhin ni Philip ang girlfriend nitong si Sheila sa kanila.

“Anak, bakit ka ba nagmumukmuk dito?  May problema ba?” pag-aalalang tanong ni Nana Patring sa kanya.

“Wala Nana Patring.  Pagod lang ako sa school works.  Sige po, iwan niyo muna ako.”

After three days na pagmumukmuk ay lumabas na rin si Celine as if nothing happened.  Pero may nabuo siyang desisyon, ano man ang mangyari ay gagawin niya ang lahat mapasakanya lang si Philip.

Nung mag debut siya ay hiniling niya sa kuya niya na isama si Philip sa 18 roses at hindi siya kumuha ng escort para ito ang kanyang magiging last dance.  She was so happy when Philip danced with her.  At pinakahuling regalo na binuksan niya ay yung binigay ni Philip.  Napasinghap siya nung makita ang regalo nito.  Isang necklace na may heartshape na palawit sa gitna na may maliit na diamonds surrounding the shape of the heart.  It was incasted in white gold.  And since that night, she never took it out of her neck with the hope that one day, there will be a realization between her and Philip.

*****************************************

“Did you enjoy the movie?”

“Enjoy?  Oo naman kahit naubos na ata ang boses ko sa kakasigaw.  At iyon ay dahil sayo!” at hinampas niya si Philip sa braso ng ilang beses.

Tumatawa lang ito habang umiilag sa mga hampas niya.  Nahawakan nito ang kamay niya at kapwa sila natigilan.  Ngumiti pa rin ito sa kanya but he never leg go of hand.

“Philip…”

“I really had a great time Celine.  I never thought I would after what I’m going thru right now.”

“What’s wrong Philip?”

Bumuntunghininga muna ito bago nagsalita.

“Sheila and I called it quits.”

Biglang may mga fireworks na nagsiputukan sa utak ni Celine.  “YES!”

“What happened?” seryoso niyang sambit at di pinapahalata dito ang kaligayahang nadarama.

“Long distance love affair is not our thing.  Lagi kaming nag-aaway.  Until one day we realized na parang we are just keeping the relationship to just for the heck of it and not because we still love each other.”

“I’m sorry to hear that Philip.  Baka kailangan mag-usap kayong muli para masettle ang differences niyo.”

“Maybe not.  Well we’ve moved on with our lives already I suppose.”

“Ganun ba?  Ok lang yan Philip.  Ika nga, there are other fishes in the ocean.” At di nakaligtas ang sub-conscience ni Celine sa pagdagdag na “at isa na ako dun!”

“Yeah you’re right.  New life and new beginning right?” and he raised his hand to give her a high five.

“Right!” nakangiting sambit ni Celine.

Philip touched her face and smiled at her.

“Ikaw, may sinagot ka na ba sa mga manliligaw mo?”

“No way!  Wala sila sa kalingkingan mo!” nabiglang sagot ni Celine

“What?”  tanong ni Philip dahil di nito narinig ang sinabi niya.

“Ha?  Wala!  I said wala pa akong sinasagot sa kanila.” Nagpapanic na sagot ni Celine.

“Hmmmnnn that’s interesting.  Bakit naman wala?”

“Basta.  I have my reasons lang.”

“Care to tell me?”

“Ano ba, bakit ako ang pinag-uusapan natin.  Ikaw kaya ang bagong break-up.  Tara let’s have dinner na para makalimutan mo yung problema mo.” Yaya ni Celine ditto para maiwasan ang issue.

Natatawa  na lang si Philip at muling hinawakan ang kamay ni Celine at hawak kamay sila papunta sa resto kung saan sila kakain.

And that started the friendship of Celine and Philip.



Chapter 4:


“Pare, may gusto ka ba sa kapatid ni Miguel?” tanong ng taklesong si Justin nung minsang nagkainuman silang tatlo nina Miguel at Philip.

“Ha?”

“Pare, walang ganyanan.  Kwidaw sa kapatid ko Pare.  If you break her heart then I’ll break your face.” Natatawang sambit ni Miguel pero halatang may pagbabanta ito.

“Oo naman Pare.  She’s like a kid sister to me.  I just missed my sister kaya close ako sa kapatid mo.  Other than that, wala.” Magkasing-edad na sana si Celine at ang kapatid ni Philip kung nabuhay lang ito pero nagkasakit ito nung two years old at binawian din ng buhay.

“Good to know that Pare.  Mabuti na yung magkaliwanagan tayo.  Don’t ever cross that thin line ok?” seryosong sabi ni Miguel.

“No problem Pare.” Sagot naman ni Philip.

“Ta mo ang isang to.  Napakadamot sa kapatid.  Hoy Pare, di mo kayang pigilan pag may nadarama sa isa’t isa ang mga yan.” Naiiling na sambit ni Justin.

“Basta Pare, if he broke my sister’s heart, he knows what I’ll do to him.  Now if you want to keep our friendship then stay away from my sister.”

“Don’t worry Pare.  I’ll remember what you said.”

Nagring ang telepono ni Philip at boses ni Celine ang ringing tone kasi nun kaya alam niya kung sino ang tumatawag.

Napakunot ang noo ni Miguel at kinuha ang telepono kay Philip.

“Brat, what do you need from my friend?”

“Kuya, where’s your manner?  Give the phone to Philip!”

“You mean Kuya Philip?”

“Whatever!  Just give him the phone!  Bilis!”

“What’s up kiddo?”

“Philip, sundo mo naman ako dito sa bahay.  Nabobored ako eh.  Sige na please.”

Tumawa lang ng mahina si Philip pero di naka ligtas dito ang masamang tingin ni Miguel.  Napailing si Philip sa tinuran ng kapatid ni Celine.

“Ah ganun ba.  Subukan ko munang magpaalam sa kuya mo ha na parang kanina pa ako gustong kaining buhay.” Sinabayan pa nito ng halakhak.

“Ay nako, don’t mind him.  Sige na.  Sundo mo na ako.  Pag ikaw hindi pupunta dito ngayon, I won’t talk to you for the rest of my life!” at biglang ini-off ni Celine ang telepono.

“Sorry guys, I have to go.” Pagpapaalam ni Philip sa mga kaibigan.

“What?”

“Don’t go pare.  Huwag mong e spoil ang kapatid ko.  Namimihasa na yan.”

“Sige mga Pre.  I really have to go.  Here’s my share.” At di na nagpapigil si Philip at umalis na rin ito.

Ganun si Celine maglambing sa kanya.  Oo, he has feelings for her already but hindi niya papatusin ang kapatid ng kaibigan dahil ayaw niyang masira ang samahan nila ni Miguel.  Na-eenjoy niya ang company ni Celine dahil pala kwento ito at mabait.  It  makes him forget about Sheila.

Pagdating ni Philip sa mansion ng mga Enriquez ay nandun na sa gate si Celine at naghihintay.

“O bakit nagmamadali ka?”

“Bilisan mo.  Kuya called Dad already.  Baka pabalikin ako.”

“What? Ipagpaalam kita ng maayos sa daddy mo.” Suhestiyon ni Philip.

“No need na.  Tatawag naman yun if ever eh.”

“Sigurado ka?”

“Yup!  Let’s go!  I wanna have coffee!”

Naiiling na lang si Philip na natatawa at pina-usad na ang kotse.

Nagring ang telepono ni Celine at gigil na gigil ito nung makita ang pangalan ng tumatawag.

“Ang kulit talaga nito!”

“Is it Miguel?”

“No!” inis na pinindot ni Celine ang end button pero muling tumunog ang telepono.

“Can you answer the phone?  Sindakin mo please.  Sabihin mong tantanan na ako at di ko siya type!  Mayabang kasi ang ugok na ito eh palibhasa mayaman.”

Natatawa si Philip sa sinabi ni Celine.

“Sige na Philip.  Tell him something.  Tell him na huwag na tumawag.  Tell him na….” natataranta si Celine kung anong gustong ipasabi kay Philip nung biglang may naisip.  “Tell him that I’m taken and you are my boyfriend!  Tama!  Tell him that please!!!!  I’m desperate!  He’s so makulit kasi!”

Muling nagring ang telepono at binigay ito agad ni Celine kay Philip.

“Hello?”

Halatang natigilan ang lalaking nasa kabilang linya at nagtataka kung bakit lalaki ang sumasagot.

“Hi.  I’m calling for Celine.  May I speak to her?”

“Who’s this?”

“This is Robert.  Who are you?” lumalabas na ang pagka-arogante ng boses nito

Hindi sinagot ni Philip ang tanong nito bagkus ay natanong pa ito sa kausap.

“Why are you calling Celine?”

“Why do people calls someone?  Ofcourse to talk to her dumbo!”

Nagtitimpi si Philip dahil sa sinabi ng kausap pero mahinahon pa rin siya.

“Well in that case, may I ask you to stop calling her because I don’t want her to talk to you.” Sa pagkakataong ito ay nagpipigil ng humagikhik si Celine at tinatakpan na ang bibig para di makalabas ang boses.

“Bakit?  Sino ka ba para pagbawalan ako ha?” sumisigaw na sa kabilang linya ang kausap.

“Ako lang naman ang boyfriend ni Celine kaya tantanan mo na siya.  I’m a very jealous boyfriend and I don’t want anyone calling my girl.  Do you understand me jackass?”

“Gago ka!  Magkikita din tayo at makakatikim ka sa akin.”

“Just tell me the place and time and I’ll be there.” At pinindot na ni Philip and end button at tuluyan ng napatili si Celine sa katuwaan.

“Ang galing galing mo!”

“Well, I wouldn’t be the best actor in high school if I can’t pull that thru.” At naghigh five ang magkaibigan.

Pagdating nila sa isang coffeeshop ay naunang bumaba si Celine dahil ihing-ihi na siya at si Philip ay magpapark pa.

Paglabas niya sa comfort room ay dumiretso siya sa counter to order some coffee and there he is walking towards her.

“Shit!  Asungot!  Saan ka na ba Philip!” sigaw ng isip ni Celine. 

Parang biniro yata siya ng tadhana dahil Robert is on the same coffeeshop at lumapit ito sa kanya.

“I knew it!  Kahit anong iwas mo Celine ay pinagtatagpo pa rin tayo lagi.” Sabi nitong na kinikindatan pa siya.

“In your dreams!”

“So, nasaan na yung kausap kong mayabang kanina?” palinga-linga pa ito na kunyari may hinahanap.

Hindi sumagot si Celine pero deep inside her ay nagpapanic na siya dahil alam niyang makulit si Robert.

Akma siyang hahawakan nito pero dumapo ang kamay nito sa braso ni Philip na umakbay kay Celine.

“Hi Baby, is this guy bothering you?” tanong ni Philip kasabay ng paghalik nito sa kanyang pisngi.

Celine wrapped her arms on Philips body and kissed him back too on the cheek purred to him like a cat.

Napanganga si Robert nung makitang malaking tao pala ang kausap niya kanina kaya walang sabing umalis agad ito at bumalik sa pwesto nila.

Nagkangitian ang dalawa pero di pa rin bumitaw sa position nila naka-akbay si Philip sa kanya at siya naka-angkla ang mga braso sa beywang nito.

Pagkakuha ng order ay hawak-kamay na silang lumabas sa coffeeshop na iyon at nung makarating sa kotse ay saka pa lang humagikhik at tumawa.



Chapter 5:


“Ok ba Baby?” kindat ni Philip kay Celine.

“Yes Baby!  Wow you’re really a good actor!  I love it!” sigaw ni Celine nung nasa kotse na sila.

Ngumiti lang si Philip habang pinapaandar ang kotse.

“Ah Baby salamat ha!” dagdag pa ni Celine.  Nakikipagbiruan na rin siya sa pagtawag ni Philip sa kanya.

“Anytime Baby!” may diing sagot ni Philip.

Yung tagpong iyon ang naging simula na ang ibang manliligaw ni Celine ay nagback-off dahil ibinalita ni Robert na may boyfriend na si Celine.

Celine never admitted nor denied it.  She would often tell them na secret!

Pero parang ganun na nga rin ang nangyari sa kanilang dalawa.  Philip is already working while Celine is still in her last year in college and they talk non-stop every night.  Minsan ay sinusundo din siya ni Philip sa school and they constantly go out on weekends.

But they never discussed about their relationship.  Walang may gustong magtanong.  Walang may gustong alamin.  Kapwa sila takot sa maaring isagot ng isa’t-isa.

“Kanina ka pa tingin ng tingin dyan ah.  Bakit ba?” di mapigilang itanong ni Justin sa kaibigan na kanina pa nanghahaba ang leeg.

“Shut up man and mind you own business.” Sagot naman ni Philip pero sige pa rin sa ginagawa. 

And finally dumating din kanyang hinihintay.  Parang naging slowmotion ang lahat nung pumasok ang dalawang babaeng.  Napamangha siya sa nakita.  He waved at them and they waved back.  Kahit napakaraming tao sa bar na iyon, he still made his way to approached them.

“Akala ko di na kayo darating ah.  Bakit kasi ayaw mong sunduin ko kayo kanina.” Philip said sabay beso sa dalawang babaeng dumating.

“Eh pagsinundo mo ako eh malalaman ni Kuya di ba?” sabi ni Celine na tuluyan ng umangkla agad kay Philip.

“Sabagay.  Halika na kayong dalawa.  Let’s go to the bar.  What do you want to drink?  Looking great Willow.” Puna ni Philip kay Willow na tahimik lang at kakaiba ang suot nito sa karaniwan.

“Looking great Baby.” Bulong ni Philip kay Celine.

She didn’t answer but she giggled and winked at him.

Dinala sila ni Philip sa isang cocktail table na malapit sa bar.  Di nagtagal ay nasa mesa na rin nila ang nakangiting si Justin na halata ang interes nito kay Willow.

Hindi maipinta ang mukha ni Miguel nung makita ang kapatid pero nginitian lang ito ni Celine at di na muling tiningnan. 

“Galit na galit ang gwardiya sibil ko.” Binulungan ni Celine si Philip.  Kailangan nilang magbulungan o mas tamang sabihing kailangang niyang ilapit ang bibig sa tenga ni Philip para magkarinigan sila.

He did the same thing and told her na hayaan na ang kuya nito.

Good thing na di lumapit si Miguel sa kanila at para maunahan niya ito ay hinila niya si Philip sa dancefloor.  Niyaya din ni Justin si Willow kay nasa dance floor na silang apat.

Kung hindi wala kang alam sa totoong katayuan ng relasyon nina Philip at Celine ay aakalain mo talaga na may namamagitan sa dalawa basi sa mga pinapakitang aksyon ng dalawa.

Parang walang na espasyong nakapagitan sa dalawa sa pagsasayaw.  Nakayakap si Celine sa leeg ni Philip habang si Philip naman ay naka enclose ang mga braso nito sa beywang ni Celine.

He’s starting to feel something.  His body is starting to react sa closeness nila ngayon ni Celine.

“Baby, let’s get out of here.  Ang init eh.” Yaya niya kay Celine.

“Saan?”

“Basta....”

Tumango agad si Celine at hawak kamay nilang nilisan ang lugar.  Hindi na nga din sila nakapagpaalam kay Willow at Justin.

“Where are you taking me?”

“Basta!  Trust me!  You’ll love it!”

Naiiling na ngumiti lang si Celine at sumusunod lang kay Philip kung saan siya nito hilain.

Sumakay sila ng elevator at pinindot ni Philip ang pinakatop floor.  Nungmakalabas sila ay dinala pa muli siya nito sa fire exit.

“Teka!”

“Bakit?”

“Saan mo ba ako dadalhin talaga?”

“Like I said, just wait and see.  Tara.” And he held his hand again waiting for her to accept it.  And she did.

They held hands going up the stairs to the last exit and Philip finally opened the door at Celine was shocked to see na nasa rooftop pala sila and it’s overlooking the whole of Metro Manila by night.

Tumakbo si Celine papunta sa dulo ng rooftop to have a better view of the entire metro. “Oh my God Philip!  This is beautiful!”

Naiwanan si Philip na nakangiting naglalakad papalapit kay Celine.  Dahandahang lumapit si Philip kay Celine and he positioned himself on her back.  Naramdaman na lang ni Celine ang mga matitipunong bisig ni Philip enveloping her waist.  She leaned her head and it rested on his chest.

Nanatili sila sa ganung position for a while when suddenly ang mga kamay ni Philip ay humahaplos na sa mga braso ni Celine.  She closed her eyes at sinamsam ang kaginhawaang nadarama in his arms.

And the unexpected happened.  Philip cupped her face and his lips descended on hers and finally they shared their first ever kiss.


Chapter 6:

“Philip?” tawag pansin ni Celine kay Philip.

“Huh?”

“What are you doing there?  Bakit di ka lumapit dito?  Ang ganda kaya ng view!  Halika na bilis!” excited na sambit ni Celine.

“Panaginip lang pala yun.  Sayang!” sigaw ng isip ni Philip at napakamot tuloy siya dahil sa panghihinayang.

“Hoy! Halika ka na!” muling yaya ni Celine sa kanya.

Bumuntunghininga si Philip at lumapit na rin ka Celine at inakbayan ito.

“Maganda ba?”

“Oo ang ganda ganda.  Sulit yung inakyat kong hagdaanan!” sinabayan pa ni Celine ng hagikhik ang sinasabi.  “Oh I think I can see our house over there?”

“Charing!” sagot naman ni Philip na ikinatigil ni Celine.

“Charing?  Teka kelan ka pa natutung magsalitang bading ha?  Aha! Di kaya? Di kaya bumigay ka na rin???” kunyari namamanghang sambit ni Celine.

“Ay Ate Mismo! Flu!” at kunyaring nagbabadingbadingang sabi ni Philip.

“Yuck!!!! Di bagay sayo!!!! Eeewwwww!!!!  Wait!!!! It’s a shooting star!!!!” and she closed her eyes and said her wish out loud like a child.  “Starlight! Starbright! The first star I see tonight.  Wish I may, wish I might have the wish I wish tonight.  I wish I’ll meet someone who will make me happy for the rest of my life!”

At lihim ding humiling si Philip ng “I wish I could be your someone Celine.”

“Ano ba yan, para kang batang nagwish ah!” tudyo ni Philip dito.

“Ay pwedeng walang pakialamanan!  Dapat nagwish ka rin.  Nagwish ka rin ano?” si Celine naman ang nanudyu kay Philip.

“Hindi ah!  Baduy mo!” pag-iwas ni Philip.

“Asus aminin mo!  Nagwish ka ano!  Aminin mo!” and Celine started tickling Philip.  Alam na alam kasi ni Celine kung saan ang kiliti ni Philip kaya hindi na nakaiwas ang lalaki pero nahawakan nito ang kamay ni Celine and the tables are turned.  Ito na ang kumikilit kay Celine.

“Ano ba Philip!  Stop it!  Awat na!!!!”

Namalayan na lang nilang dalawa na nasa leeg na ni Philip ang mga kamay braso ni Celine habang nasa beywang naman ni Celine ang mga braso ni Philip.  Biglang nagfreeze ang lahat.  Pareho silang nagkatinginan sa isa’t-isa.

“Pare, kung gusto mong hindi masira ang pagkakaibigan natin then cross the line.” Ang katagang sumigaw sa isip ni Philip and suddenly he blinked and was brought back to Earth.

“Damn!” his mind silently cursed.  Bakit kasi nangako siya kay Miguel na hindi niya papatusin ang kapatid nito.

He smiled at her.  He traced her face with the back of his palm without leaving his gaze on her.

“He’s going to kiss me! He’s really going to kiss me!” excited na sigaw ng isip ni Celine.  She’s trying her best to conceal her excitement.  She wanted to close her eyes but she can’t.  Ayaw niya dahil gusto niyang makita ang lahat ng kaganapan.

But that kiss didn’t happen.  He didn’t give her what she wanted.  Niyakap lang siya ni Philip ng mahigpit.

“Tara na.  Baba na tayo.  Baka hinahanap na nila tayo.”

“What?  Ganun na lang?” ngitngit na talaga si Celine.

“Com’mon Celine.” Muling yaya nito sa kanya pero hindi natinag si Celine sa kinatatayuan kaya muling binalikan ni Philip ito at hinila pero iwinaksi ni Celine ang kamay na hinila ni Philip.  Muling inabot ni Philip ang kamay ni Celine pero muling iniwas ito ng dalaga.

“What is wrong with you?” nagtatakang tanong ni Philip dito.

“What is wrong with me?  Ang itanong mo sa sarili mo eh what is wrong with you?” galit na sigaw ni Celine.

“Anong klaseng tanong yan Celine?”

“Anong klaseng tanong yan Celine?” she said it mockingly.  “Tanongin mo kaya ang sarili kung what is wrong with you?”

“You’re talking in riddles Cel....” pero bago pa matapos ni Philip ang sasabihin ay ikinawit na ni Celine ang mga braso sa leeg ni Philip at kinuyamos ito ng halik.  She can’t take it anymore.  She needs to know kung may patutunguhan ba ang lahat ng ito.

Paglapat ng mga labi ni Celine sa kay Philip ay nakakalimut na rin ang binata at tumugun ito.  He can’t get enough of her kaya naging mapangahas na rin ang halik ni Philip.

“Managako ka Pare!  Sa ngalan ng pagkakaibigan natin!” muling dumagungdung sa isip ni Philip ang sinabi ni Miguel.

“Oo Pare.  Pangako!” ang sagot naman din niya.

At dahil dun ay para siyang binuhusan muli ng isang drum ng malamig na tubig.  He let go of her at pareho silang habol ang hininga.


Chapter 7:

“You’re hopeless Philip!” galit na si Celine sa ginawa ni Philip.

“Celine you don’t understand.” Mahinahong sagot nito.

“Oo nga.  I don’t understand a thing that you’re doing.  Pero di bale, klaro na sa akin ang lahat.” at binirahan na ni Celine ng alis at iniwanan si Philip pero muling hinawakan ni Philip ang braso ni Celine to stop her.

“Celine, let me explain.”

“No need to explain Philip.  I get it ok?  Don’t worry, no hard feelings.  Atleast, now everything is clearer.  Thank you for the time.  I’m going now.  I still have an early flight tomorrow.” At sa huling pagkakataon ay muling winaksi ni Celine ang braso para bitawan ito ni Philip at mag-isa na itong bumaba ng hagdanan patungo sa elevator leaving Philip stunned.

Nagmamadaling bumaba si Celine.  She can’t cry.  She’s really angry or mas tamang sabihin na hiyang hiya siya sa ginawa at nagagalit siya sa sarili na sinakripisyo niya ang pagkakaibigan nila ni Philip dahil sa kapangahasan niya.

“That was the dumbest thing you did Celine.  Nakakahiya kay Philip!” gastigo ni Celine sa sarili.  Ang lakas ng tambol ng kanyang puso dahil sa nangyari.  Pero at the back of her mind ay napangiti pa rin siya dahil nakamit na rin niya ang matagal ng minimithi... ang mahalikan ni Philip and she swear that tumugun si Philip kanina.  But then again she became confused kung bakit bigla na lang itong tumigil.

Pagbukas ng elevator ay dali-daling bumalik si Celine sa bar at binalikan ang kaibigan pero kanina pa siya paikot-ikot pero di niya mahanap ang kaibigan.  She asked Justin kung nakita ba nito si Willow pero pareho sila ng reaction ni Justin.

Narinig ng bouncer ng bar ang usapan nila ni Justin at ito na mismo ang nagbalita sa kanila na nakaalis na si Willow kasama si Miguel kaya pinagpasyahan na rin ni Willow na umuwi.

Natawagan na niya ang driver nila kaya nasa harap siya ng bar at hinihintay ito.  Pero kotse ni Philip umibis at bumukas ang front seat nito.

“Hop in.  I’m taking you home.”

“No thank you Philip.  Dado is fetching me.” Sagot niyang di tinitingnan si Philip.

“I said hop in or do you want me to drag you in?”

Bumuntunghininga si Celine at sumakay sa kotse ni Philip.

Pareho silang tahimik sa loob ng sasakyan.  Pag-alis kanina ni Celine sa rooftop ay nabatukan ni Philip ang sarili sa galit.  Nandun na sila eh but nanaig pa rin ang gentleman’s agreement niya kay Miguel.

Napasigaw sa inis si Philip nung makaalis na si Celine.  He felt so stupid because he knows na nasaktan niya ang dalaga.  Hindi niya akalaing aabot sila sa ganun.  He knew it kanina nung dalhin niya sa rooftop si Celine that he’s treading on a dangerous ground pero langong-lango siya sa naramdamang attraction kanina kay Celine.  He thought it was true pero panaginip lang pala lahat pero hindi naglaun ay nagkatotoo ang panaginip na yun.

“I’m sorry...”

“I’m sorry kan...”

Sabay na nagsalita sina Philip at Celine na di natiis ang katahimikan sa loob ng sasakyan.

Pareho na naman silang tumahimik at naghintay kung sino ang mauuna.  Nangyari ito ng dalawang beses kaya nauwi sa tawanan ang nangyari.  Parang nakalimutan nila ang naganap kamakailan lang dahil balik na naman sa kulitan ang dalawa.

“I’ll surely miss this.” Di napigilan ni Philip na sambitin nung nasa mansion na sila ng mga Enriquez.

“Ako rin.  Hey, do visit me in the States ha.  Kung hindi magtatampo talaga ako sayo.”

“Ofcourse Baby.  I will surely visit you.  Sorry again kanina ha.  I want to explain what happened...” kaso gustuhin man ni Philip na magsalita ay tinakpan ni Celine ng kanyang dalawang daliri ang bibig ni Philip to silence him.

“It’s ok Philip.  No need for any explanation.  Let’s not talk about it.  I’d rather keep the friendship than anything else.” And she hugged him tightly.  

Naiiyak na si Celine kaya mabilis na siyang bumaba sa kotse ni Philip at tumakbo sa front door pero sumunod pala si Philip at hinawakan nitong muli ang kamay niya and it was his turn to give her a hug.  Nakita ni Celine ang pagpatak ng mga luha ni Philip kaya she let go of her emotions and buried her face on his chest at humagulgul.

She’s leaving for the States the following morning to pursue her studies in pediatric medicine.  Malaki man ang pagtutul ng Kuya Miguel niya pero hindi nagpapigil si Celine.  Si Philip man ay gayun din ang reaction pero dahil sa isa itong kaibigan ay sinuportahan na lang nito ang desisyon ng kaibigan.

Isang pala-isipan kay Celine ang huling katagang binitiwan ni Philip sa kanya bago ito tuluyang nagpaalam.  “Wait for me ok?”  Hindi niya masakyan kung ano ang ibig sabihin nito sa sinabi pero ikinabit-balikat niya iyon and decided to ask him on a later date.


Chapter 8:
Matuling lumipas ang mga araw at nakaalis na papuntang US si Celine.  Hindi na siya nagpahatid kay Philip kinabukasan dahil ayaw niyang may maghatid sa kanya na pwede niyang ikaiyak.  It was only Dado who took her to the airport.

Sanay na si Celine magtravel kaya di na siya masyadong nahirapang mag-adjust sa bagong set-up.  She became very busy with school works and she gained new friends as well.

Isang araw na nagkayayaan ang mga friends ni Celine sa isang bar. Kakatapos lang nilang magduty at gustong mag-unwind.  Nagkasubuan sila dahil sa truth or dare at nagkataon na dare ang natoka kay Celine.

“Com’mon Celine.  What’s with a kiss?  You only need to kiss him and not marry him.  Com’mon girl.  You can do it.” pambubuyo sa kanya ng kaibigang puti.

“Can you just give me another consequence?  What you want me to do is really crazy!  I don’t know the guy for christsake!” natatawang sambit ni Celine.

“Look at it this way girl.  He’s cute!  That will be the added bonus.  Com’mon!” tukoy nito sa lalaking naka-upo sa may bar na umiinum na mag-isa.

“No!  Give me something else.  Let me pay for the drinks tonight instead.  How is that?” pagnegotiate ni Celine.

Pero pawang no lang ang lahat ng kanyang naririnig.  Napailing na lang siya and made the sign of the cross before approaching her target.

“Hi, I’m Celine.” Paglalahad ng kamay ni Celine sa lalaking naka-upo sa bar matapos niya itong kalabitin.

Kunot noong napatingin ang lalaki sa babaeng lumapit.  Medyo tipsy na ito at problemado kaya wala na ito sa tamang huwisyo.  He just raised one of his eyebrows at tumango tapos muling itinutuk ang attention sa pag-inom.

Celine faced her friends and signaled na she can’t do it coz hindi nagpapaparticipate ang lalaki but all she can hear are the chicken sounds.

Bumuntunghininga si Celine and did the unexpected.  Pinaharap niya ang di pa nakikilalang lalaki at…

“I’m sorry Sir for doing this but this is just a task.” At sinungaban niya ang nakaawang na bibig ng estranghero.

It was a quick kiss and she said thank you and sorry and was about to leave pero nahawakan nito ang kamay niya.

“Not so fast lady.  If your friends want real action then lets give them one!” at mabilis nitong hinalikan ang wide eyed na si Celine.  He was not just kissing her.  He was really ransacking her mouth passionately and when he stopped, he smiled and wiped her lips with his thumb and left some money in the counter at umalis.

“Thank you sweetheart.  You have a nice and soft lips.”

Celine was too stunned to say a word.  Nakatunganga lang siya habang nakaalis na lalaki.  Bumalik lang siya sa huwisyo nung narinig niyang nagpalakpakan ang mga kaibigan.

Napangiti siya and like a good sport, she took a bow to signify that the task is done and she hurriedly approached their table at hinablot ang pot money na hawak ng isang kasama.

She excused herself and went to the comfort room.  Nung nasa cubicle na si Celine ay di niya maiwasang kiligin at mapangiti like a teenager.  Muli niyang dinama ang halik ng di nakilalang lalaki.  Boy, he was really a damn good kisser.  

“Hay, sayang at ganun kami nagkakilala but nevertheless, thanks for the wonderful night Stranger!”

At lumabas na siya sa comfort room after fixing herself.  Nakatulog si Celine ng gabing iyon na may ngiti sa labi at paulit-ulit na binabalikan ang nangyari.


Chapter 9:

A month after…

Nasa isang coffee shop si Celine, and she’s drinking coffee and having her snack alone while reading her medical books nung may tumabi sa kanya sa high stool.  She couldn’t careless sana kung sino man ang umupo sa tabi kung hindi siya natapunan nito ng coffee.

“Ouch!”

“I’m so sorry Miss.”  At inabot nito ang hawak na tissue sa kanya.

Hindi pa tinitingnan ni Celine kung sino ang nagtapon ng coffee sa kanya.  She was so busy cleaning herself.  Sa kamay niya nagswak ang mainit na kape kaya nakikita ang pamumula ng maputi niyang kamay.

“I’m really sorry Miss.” Muling paghingi ng tawad ng lalaki.

Dun pa lang nag-angat na mukha si Celine at laging mangha niya nung nakitang muli ang lalaking nahalikan sa bar.

“It’s you!” parang wala sa loob na sambit niya.

Napakunot ang noo ng lalaki at pilit na tinatandaan kung kilala ba niya babaeng kaharap.

“Have we met before?”

Napahagikhik si Mariel nung maalala ang araw na nakilala niya ito.

“Oh I’m sorry.  Yeah we’ve met before.”

“Really?  That’s interesting.  Where did or how did we exactly meet?  Oh my goodness, pardon my manners.  I’m Simon.” Sabay lahad nito ng kamay while flashing his smile.

“Celine.” She said smiling while accepting his hand.

“Are you Filipina?” di nakatiis na tanong ni Simon.

Tumango si Celine.

“Great!  Tara, total magkababayan pala tayo, invite na lang kitang mag early dinner.  Natapon ko na din sayo ang kape ko di ba?” halatang nahiya si Simon sa nagawa kaya nagpapacute na lang ito sa pagyaya sa kanyang kumain.

Natawa si Celine at sumama kay Simon.  Hindi niya alam kung bakit magaan ang loob niya agad dito.

They settled themselves in a cozy resto at pagka-order ay muli siyang tinanong ni Simon kung paano sila nagkakilala.

Celine told him the story at namangha si Simon sa kabastusan niya nung araw na iyon.

“Oh my goodness!  I did that?  Ang sama ko ah!  Nakakahiya! Sorry talaga Celine.”

“It’s ok.  Ako naman nag-umpisa eh.” Di pa rin maiwasan ni Celine na humagikhik dahil dun.

“Pero I was damn arrogant that time.  Well tamang term yata was bastos.  Pasensya ka na ha.  Medyo broken hearted lang ako that time at kinda tipsy na din.” And again he flashed his boyish smile and the dimples below his cheekbones appeared.

“Oh I’m so sorry.  Napagtripan ka pa tuloy namin that time and you were having an issue pala.  My apologies talaga.”

“No problem.  Guess we’re even now?”

Tumango si Celine smiling.  That dinner started the friendship and di nila alam ang nangyari pagkatapos kasi they just found out na they were already in a relationship.  They couldn’t even pinpoint kung kelan sila nag-umpisa at paano sila nag-umpisa.

“Pssstttt, may sasabihin ako sayo soon!” out of the blue ay naitext ni Celine kay Philip ang mga katagang iyon.

“Ako din!  Very very soon!” sagot naman ni Philip sa text niya.


****************************************

One lazy Sunday afternoon.

Abala si Celine sa pag gegeneral cleaning ng kanyang condominium nung may narinig siyang pagdoorbell.  Napakunot ang noo niya dahil wala naman siyang inaasahang bisita sa pagkakataong iyon at si Simon ay nasa isang business trip kaya impossibleng ito ang nagdoorbell.

Nagtataka man ay napagpasyahan pa rin ni Celine na buksan ang pintuan at alamin kung sino ang nagdoorbell.

Pagkabukas niya ay laking gulat niya sa tumambad sa kanya.

It is Philip at may bitbit itong isang boquet ng bulaklak.

“Hi!” nakangiting bati nito sabay abot sa kanay ng bulaklak.

“Philip!  Oh my God!!!!! It’s nice to see you!” and she threw herself to him.  Miss na miss niya ang kaibigan na matagal ng di nakikita.

Nagyakapan sila at saka pa lang niya naalalang patuluyin ang kaibigan.

“Oh my God!  You’re really here!  Ay pasok ka pala.  Pasensya na ha, medyo magulo ang bahay kasi naglilinis ako.”

“Naglilinis ka na?  Is that really you Celine?” di makapaniwalang sambit ni Philip.

“Ofcourse!  Ano gusto mo inumin?  Teka, di ako sure kung may diet coke pa ba ako sa ref or you want coffee instead?”

“Coffee na lang.”

Pumunta sa kusina si Celine at ipinagtimpla ng kape si Philip.  Sumunod si Philip dito at napagpasyahan nilang magkape na lang sa kusina.

“Kumusta ka na?”

“I’m ok.  I’m busy with duties and all.  Ikaw?”

“Busy na rin with work.”

“Buti nakapagbakasyon ka ngayon.  Ang tagal na nating di nagkita ah.  Pero bakit di mo pinaalam sa akin na darating ka.  I could have arranged my schedule to take some leave para maipasyal kita dito.”

“It’s ok.  I want to surprise you that’s why I didn’t tell you about it.”

“Celine may sasabihin sana ako sayo.”

“Ako din meron.  Oh my God Philip ako na maunang magsabi ha!” excited na sambit ni Celine.

Napangiti lang si Philip at may dinukot sa bulsa ng suot na jacket.

“Philip look!” pakita ni Celine ng daliri kay Philip.  Nanlamig ang pakiramdam ni Philip sa nakitang singsing sa kamay ni Celine.  Nabitawan niya bigla ang bagay na dinukot sa bulsa.

“I’m engaged Philip!” hindi pa rin magkamayaw sa sobrang excitement si Celine.

“Engaged?  With whom?” di napigilang itanong ni Philip.

“Oh my!  I’m really sorry Philip.  I think I owe you an apology. Hindi ko ata nakwento sayo ang tungkol sa amin ng fiancée ko.  Actually he’s also a Filipino na nakilala ko dito.  You wouldn’t believed how we met!” at nagkwento na ito sa nangyari sa kanila ni Simon.

“And ewan ko what happened kasi one day ay nagpropose na lang siya and I said yes!”

“Sorry to ask you this ha pero have you asked him if he’s really over with his ex-girlfriend?” di nakatiis si Philip na itanong ang mga ito.

Natigilan si Celine sa tanong na iyon ni Philip.  Oo nga naman, is Simon really over with the girl who broke his heart?



Chapter 10:

“Ano ka ba, syempre naman noh.  Otherwise, he wouldn’t ask me to marry him.  Ikaw, what’s new with you?” pag-iwas ni Celine sa topic.

“Not much.  Ito basted.” Napakamot pa ng batok si Philip nung sabihin niya iyon kay Celine.  Medyo makahulugan yung sinabi niya pero dinadaan niya ito sa biro.

“Basted?  Baket?  Ano ba yan, kung sino man ang bumasted sayo, she doesn’t know what she’s missing.” Sinabayan nito ng hagikhik ang sinabi.

“Oo nga.” Sagot niya pero iba ang sinagot ng isip ni Philip.  “Oo nga Celine.  You don’t know what you’re missing.”

“How long will you be staying here?”

“One week.”

“Ang bilis naman!  And sayang kasi di man lang kayo magpang-abot ng fiancée ko.  He’ll be back next week pa rin.  Can’t you extend for a couple of days para ma meet mo siya?”

“Hindi nga eh.  I just took one week vacation to unwind.  And beyond that kasi hindi na pwede.”

“Ay ganun.  Nakakalungkot naman.  Ikaw kasi sobra kang workaholic eh.  Pupuntahan mo na nga ako kaso sandali lang.” pagmamaktol na sambit ni Celine.

“Hey Kiddo, atleast I was able to take some rest.  Ako nga dapat magtampo sa’yo dahil ikaw ang wala ng time sa akin.  Busy ka eh.  You didn’t even tell me na meron ka ng boyfriend and now you just shocked me na fiancée mo na pala siya.” Pinapakita ni Philip na kunyari nagtatampo siya pero totoong nagtatampo siya sa babae.

“Sorry na.  Sorry na!  Huwag ka na magtatampo.” And she knows exactly kung paano mawala ang tampo ni Philip.  Kinikiliti na nito ang kaibigan hanggang bumigay ito.

They end up hugging each other.

“I miss you baby.”

“I miss you too!  Ay teka, magbibihis lang ako then let go out.  Ipapasyal kita.  Where are you staying pala?”

Sinabi ni Philip ang details ng kanyang pagtira at umakyat na si Celine sa kwarto nito para maghanda sa pag-alis nila.

Pagkaalis ni Celine ay napasalampak si Philip sa upuan.  Muling niyang isinilid ang kamay sa bulsa at muling dinukot ang dapat sana’y ilalabas niya kanina.  It was a black velvet box.  Binuksan niya iyon at tumambad ang singsing na bigay pa ng lola niya na dapat ibigay niya sa babaeng papakasalan.

Napabuntunghininga si Philip.  He went to see Celine to ask her to marry him.  Bago siya umalis ng bansa ay sinadya na muna niya si Miguel to formally asked Celine hands from him.

“Bahala ka Pare pero ito lang ang sasabihin ko sayo, if you hurt my sister then you know what I’m capable of doing.” Paalala ni Miguel sa kanya.

But it seems that he’s too late.  He should have done this a long time ago.  He should have taken the risk.  He should have…

“Are you ready?  Where do you want to eat?  Ano yang hawak mo?”

“Ha?  Nothing.  Candy lang.  Tara.  Ikaw na bahala kung saan tayo kakain.” At inakbayan na ni Philip si Celine like old times.

************************************

“Hi, I’d like to rebook my flight back to the Philippines.  Here’s the reference number…”

“Let me just recap your booking Sir.  You flight has been moved ….” At nagpatuloy na ang ticketing agent sa mga detalye ng kanyang flight.  “Thank you for calling Philippines Airlines.  Have a nice day.”

Tiningnan ni Philip ang hawak na papel.  He took a deep breath and sigh.  Orihinal na plano ni Philip ay isang buwan siya sa America para makapagspend time siya kay Celine at kasama na dun ang pagtatapat ng naramdaman para sa dalaga at yayain na rin magpakasal.  Pero nahuli na siya kaya he moved his flight na mas maaga ng three week.  He decided to stay in the US for just one week.

Muli niyang tiningnan ang dalang singsing.  Binalikan niya yung panahong binigay iyon ng kanyang lola.

Solong anak si Philip at dahil nag-iisang apong lalaki ng partido ng kanyang mommy ay siya ang pinakapaboritong apo ng kanyang lola.  Ilang beses na rin niyang naisama si Celine sa kanila kaya kilala na rin ito ng kanyang pamilya.

“Philip, what’s taking you so long?  Aba’y kagandang bata ireng si Celine.” Tudyo ng lola niya minsang nagdinner sila sa bahay.

“Lola Ganda, we’re just friends.” Si Celine na mismo ang sumagot.

“Aray ko po!  Why did you hit me Lola?” complain ni Philip nung natanggap ito ng batok sa abuela.

“Ay napakatorpe mong bata kasi!”

“Lola Ganda, hindi po torpe ang apo niyo, meron po yang maraming girls.  Kabikabila po.  Yung iba nga po inaaway pa ako dahil nagseselos.  Inaaway ko rin sila.  Dapat pasado muna sa akin bago niya ligawan!” sumbong ni Celine sa nakagaanang loob na rin na matanda.

Isa pa muling batok ang binigay ni Lola Ganda kay Philip.

“Lola ha, nakakarami ka na sa akin.” Natatawang sambit naman ni Philip.

“Hay nako Philip, kuwidaw ka diyan sa mga sinasabi ni Celine na mga girls mo ha.  Pag ikaw nagdala dito ng babaeng nabuntis mo, isusumpa talaga kita.  Iisa lang ang gusto kong maging asawa mo, si Celine lang!”

Natigilan silang dalawa at nagkatawanan.

“Ma, ano ba.  Stop playing cupid with the kids.  Hayaan niyo sila.  Celine, pasensya ka na kay Lola Ganda mo ha.  She just like you so much.” Pahingi ng paumanhin ng mommy ni Philip sa dalaga.

“It’s ok Tita.  Like ako ni Lola Ganda kasi pareho kaming maganda.  Right Lola?” sabay yakap nito sa maganda na tuwang tuwa naman.

Yayakap sana si Philip pero tinabig ito ng nagtatampong abwela.

“Lola, ako ang paborito mong apo remember.  Payakap na po please.” Paglalambing ni Philip dito.

“Heh!  Ligawan, pasagutin at pakasalan mo muna si Celine bago ka makayap muli sa akin.  Sige ka baka maunahan ka ng iba.”

Napakamaot na lang si Philip sa batok at bumulanghit silang lahat na nandun ng tawanan.

Minsang nagkasarilinan ang maglola ilang araw bago umalis si Philip papuntang America.

“La, susundan ko si Celine sa US.”

Hindi kumibo si Lola Ganda.

“Tama kayo La.   I have been blinded for the longest time.  It’s really Celine afterall.  I made a packed kasi with her brother na hindi ko liligawan si Celine.  Aray ko po!” isang batok na naman ang nagpatigil ng pagsasalita ni Philip.  Himashimas nito ang nahampas na parte ng katawan.

“Serves you right!  Ang tagal ko ng sinasabi sayong ligawan mo si Celine but you never listened.”

“Sorry na po La.   Naunahan lang ako ng gentleman’s agreement namin ni Miguel.”

“So anong plano mo ngayon?”

“I’ll ask Celine to marry me.”

Nagliwanag ang mukha ng abuwela at napangiti ito.

“Really Iho?  That would be great.  Wait, I’ll give you something.  I’ve been saving this for Celine.  Kung sa iba mo ito ibibigay, babawin ko at papalitan ko ng iba.” And she showed him a beautiful ring na may malaking bato.

“This is beautiful Lola and based on how it looks, I think this cost a fortune.” Manghang sabi ni Philip.

“It does.  Actually it’s already priceless.  This was my grandmother’s ring.  I had it re-incasted to suit the modern day look.  My lola told me na ibigay ito sa mapapangasawa ng una kong apong lalaki and that’s you Philip.  This is for your wife which will be passed on to her first male grandson.”


Niyakap ni Philip ang abwela at nagpasalamat.  He promised her na Celine will become his wife. 

Pero uuwi siya ng Pilipinas na hindi matutupad ang ipinangako sa abwela.  He should have listened to his grandmother the moment she told him to marry Celine. 



Chapter 11:

“Sir, ma bisita po kayo?” pukaw ng secretary niya habang mahinang kumakatok ito. 

“Didn’t I tell you that I don’t want to receive visitors today?” inis na sagot ni Philip na hindi man lang inikot ang swivel chair paharap sa kausap.  Nakatalikod siya sa table at nakatingin sa open glass window ng kanyang opisina na nasa isang high rise building.

“Pati ba ako di rin pwedeng umistorbo sayo?” sambit ng isang pamilyar na boses kay Philip.  Mabilis na inikot ni Philip ang swivel chair paharap at lumapad ang kanyang ngiti nung mapasino ang bisita.  Dali-daling tumayo si Philip at sinalubong ng yakap ang bisita.

“Celine!  Kelan ka pa dumating?” di mapigilang ngumiti ni Philip.

“Ikaw ha, sobrang busy mo na ba na ayaw mo akong e entertain ha?” kahit may pagtatampo ang boses ni Celine ay di pa rin nito mapigilang tumawa habang mahigpit ding niyakap ang kaibagang matagal ng di nakita.

“Teka lang ha.” Kumalas si Philip sa pagyakap kay Celine at tinawag ang sekretarya para sabihan ito na e cancel ang lahat ng appointment niya sa buong maghapon.

Nakangiti pa rin si Celine na pumwesto sa big office chair ni Philip at biglang tinipa ang computer ng lalaki.  Nung makita ni Philip ang ginawa ng kaibigan ay biglan itong tumakbo at inilock bigla ang computer.

“Hey!  You’re so rude.  Makikigamit lang naman ako sandali ah.” Yamot na reklamo ni Celine sa ginawa ng kaibigan.

Ngumiti lang si Philip at kinuha ang kamay ni Celine.

“ Tara na, let’s have lunch.  I’m starving!” yaya nito sa kaibagan na parang nakalimutan din naman ang ginawa ng binata at mabilis na tumayo para sumama dito.

Parang nakahinga ng maluwag si Philip dahil muntik na siyang mabisto ni Celine sa ginagawa.  Nakaopen pa man din yung folder niya that contain all pictures of Celine and him when they were always together.  Lagi niya binubuksan iyon sa tuwina’y nag-iisip siya at pagnamimiss niya ang babaeng lihim pa ring sinisinta.
“That was really close!” sigaw ng isip niya.

“What was that for?” nagtatakang tanong ni Celine.

“Ha ang ano?” balik tanong niya sa tanong ni Celine.

“Yung deep sigh mo.  What was that for?”

“Ah yun ba.  Wala yun.  Huminga lang ako ng malalim kasi nandito ka and alam ko masisira na naman ang diet at schedule ko.” Pagdadahilan ni Philip.

“Ah ganun ha!  O sige, diyan ka na.  Uwi na ako.  You’re not happy to see me naman pala.  Pansira lang pala ako ng schedule mo.” At mabilis itong naglalakad na nagmamaktol na parang bata.  Sadyang matampuhin talaga si Celine pag si Philip ang kausap na siyang kabaliktaran naman pag si Simon ang kasama niya dahil likas siyang maalaga naman sa huli.

Naiiling na hinabol ni Philip si Celine at inakbayan.  “Hay nako, di ka pa rin nagbabago.  Tampururut queen ka pa rin hanggang ngayon.”

Tinabing naman ni Celine ang kamay ni Philip na kunyari nagtatampo pa rin siya pero halatang nagpipigil na lang ito ngumiti hanggang mapabulaghit ito ng tawa nung kilitiin ito ni Philip at binuhat dahil tumigil ito sa paglakad.

Napangiti na rin ang mga empleyado ni Philip na nakasaksi sa ginawa ng dalawa. 

“Bakit kaya di na lang sila ni Sir Philip ano?” sambit ng isa sa mga clerk na nakakita.

“Oo nga.  Bagay sila.  Kesa naman dun sa mga babaeng bumibisita dito kay Sir.  Ang lalandi ng mga iyon.” Puna naman ng isa pang tauhan ni Philip.

“Oras ng trabaho at nagtsismisan kaya ha.  What Sir Philip will do with his life ay wala na tayong pakialam dun kaya bumalik na kayo sa trabaho ok?” saway ng assistant/secretary ni Philip sa mga ito.

“Sorry po Mam.  Ang cute lang po nilang tingnan kasi.  Sensya na po.”

Pero sa loob loob din ng secretary ni Philip ay nanghihinayang din siya sa dalawa.  Matagal ng secretary ni Philip si Joanne at alam niya ang tungkol sa pagsinta ni Philip sa dalaga.  Nandun siya nung excited si Philip na ipinakita sa kanya ang singsing na pinagawa para kay Celine at nasaksihan din niya ang pagkalugmok nito pag-uwi galing sa US matapos malamang ikakasal na pala si Celine.

“Sir, akala ko ba sa isang buwan pa ang uwi nyo?  Parang ginawa mo lang Hong Kong ang America ah.”

Pero hindi sumagot si Philip at dumiretso lang ito sa kwarto at nagkulong.  Tinimplahan niya ito ng kape at dinala sa kwarto nito.  Nakita niyang nakatayo ito sa bintana at nakatingin lang sa kawalan.

“Sir, kape po.” Mahinang katok niya sabay lapag ng kape sa mesa nito.

“Huli na ako Joanne.  She’s getting married.”

Nanatiling tahimik lang si Joanne.  She seated herself on the couch at hinayaang magkwento ang amo na hindi lang sekretarya lang turing sa kanya kundi isa rin kaibigan.  Infact ninong pa nga ito sa panganay niyang anak.

“Paanong nangyari?”

Isinalaysay ni Philip sa kanya ang lahat.  At di lang isang beses na napansin niyang Philip is trying to hold back his tears.  Masusi lang niya itong pinakinggan.  Somehow, gumaan ang pakiramdam ni Philip nung nailahad niya kay Joanne ang totoong saloobin and it took him another week to fully recover.  Although minsan ay nakikita pa rin niyang nakatitig lang sa kawalan.  She knows that everytime he does that, he misses Celine.

Hindi tuloy niya makalimutan ang minsang pabiro niyang nasabi kay Philip na pong pagong ito dahil sa bagal.  Akala pa nga niya ay magagalit ito nung nadulas siyang sabihin iyon pero bumulaghit lang ito ng tawa na matagal na nitong di nagawa simula ng umuwi ito galing US .

“Oo nga, saying nga silang dalawa.” Wala sa isip na sambit ni Joanne.

“Mam? May sinasabi kayo?” nacurious bigla ang isang empleyado sa nasabi niya.

“Ha? Wala.  Just go back to your work ok?” at binirahan na niya ng alis ang mga echuserang empleyado.

*********************************

“Bakit bigla ka na lang napa-uwi?  I though next year pa uwi mo?”

“I’m with Simon now.  Sabay kaming umuwi.  Since we are getting married naman after Kuya gets married, he offered him to head our overseas operation and after the very long haggle ay ayun napapayag din finally kaya nandito kami now.  He has to learn the intricacies of the business.” Masayang balita ni Celine kay Philip.

Hindi nagpapahalata si Philip sa kausap pero parang piniga ang puso niya sa nalalaman.  He pretended to be attentive and interested in what she was saying.  Hindi pa niya na meet si Simon although nakita na niya ito sa pictures sa condo ni Celine sa America .

“So when is the wedding?” kahit masakit man ay di pa rin niya napigilang tanunging dito.

“Hay nako yan ang malaking problema ko.  Kasi we have to wait until Kuya and Mariel can set the date and we have to wait another year or basta not on the same year lang then saka pa kami pwedeng magpakasal.  Kaso hindi makapagset ng date yung dalawa eh.  Ewan ko nga eh.” Nagrereklamo na si Celine.

Napangiti si Philip na wala sa sarili sa narinig.

“Aray ko!  What was that for?” napukaw ang pagmuni-muni niya nung maramdaman ang pagpalo ni Celine sa kanyang braso.

“Ewan ko sayo.  Nalulungkot na nga ako na di pa maschedule ang wedding ko and there you are smiling at me na nakakaloko.  Are you mocking me?” galit na sambit ni Celine.

“Ha?  Ano ba yang pinagsasabi mo?” muling natatawang tanong ni Philip kasabay ng paghimas ng kanyang braso.

“Nakakaloko kasi yung ngisi mo eh.”

“Ano ba Celine.  Natatawa lang ako sa reaction mo and that’s it.  Naiisip ko lang na sobra kang excited yet di mo naman magawa.  Alam ko how you reacts when you’re excited.  That’s all.”

“Ay ewan ko sayo talaga.  Sana di na lang ako nakipagkita sayo.  Akala ko susuportahan mo ako eh.”

“Ito na naman tayo.  Ok what do you want me to do?  I know you’re up with something kaya ka nakikipagkita sa akin.  Spill it out Celine.” Basang-basa na ni Philip ang nasa isip ni Celine na may misyon na naman ito para sa kanya.

Biglang lumapad ang ngiti ni Celine sa tinuran ni Philip at kumikindat kindat pa ito.

“Ayan, mabilis ka naman palang kausap eh.  Philip, please convince naman Kuya to set the date na.  I wanna get married na eh.”

“What!  Celine are you crazy?  Bakit ko gagawin yan aber?”

“Because Kuya listens to you.  Sige na please.” Pangungulit pa rin nito sa kanya.

“Enough Celine.  Hayaan mo na yang Kuya mo.  He knows what he’s doing.  You’re going too far.  Ikaw ang babae at ikaw itong atat na atat magpakasal ah.  Get hold of yourself please.”

Natigilan si Celine sa sinabi ni Philip.  Biglang nawala ang ngiti ng kanyang mga labi.  Nasaktan siya sa sinabi ni Philip.  Nasaktan siyang ganun lang pala ang tingin ni Philip sa kanya.  Bigla nitong binitiwan ang kamay na nakahawak sa mga kamay ni Philip kanina na para bang nakakapaso ang mga iyon.  She composed herself and tried to hold back her tear.  This is the first time na nasabihan siya ni Philip ng ganun and she never expected it.

“Celine, I’m sorry for what I’ve said.” Muling ginagap ni Philip ang mga kamay niya pero iniwas naman niya.  Nilayo niya ang sarili kay Philip.

“No it’s ok Philip.  I understand.  No harm done.”

“Celine, please let me explain.”

“I said it’s ok Philip.  I have to go.” At nagsimula na itong tumayo.

“Celine, please let me take you home instead.  I’m really sorry.”

“Hindi na.  I brought a car with me.  I’m going na.  Thanks for the time and it was nice seeing you.” At bineso siya nito ng mabilis at nagmamadali itong umalis.

Philip could only let out a big sigh at nagsisi man siya sa nasabi but he’s never sorry he said that because he needed to let her know what’s she’s doing.

“It was nice seeing you again Baby….”


Chapter 12:

Matuling lumipas ang mga araw at ang pagkikita nilang iyon ay di na muling nasundan.  Makailang beses niyang sinubukang tawagan si Celine pero minarapat na rin ni Philip na huwag ng gambalain ang dalaga para na rin makapagmove on siya sa naramdaman dito.

Nagulat na lang si Philip nung minsang nakatanggap ng tawag galing kay Miguel na gusto itong makipagkita sa kanya.  Gusto daw nitong makipag-inuman.

Pagdating niya sa bar ay nakita niyang naka-upo sa may bar counter si Miguel.  He’s drinking all alone.

“Pare….”

Tiningnan lang siya ni Miguel at tinanguan.  Sinenyasan nito ang waiter na bigyan ng maiinum si Philip.  Nabahala siya sa itsura nito dahil putok ang banding kilay nito at maga ang bandang may labi nito.  At ang may mga sugat pa ito sa mukha at pati ang knuckles nito ay may galos din.

“Pare, anong nangyari sayo?”

“Wala ito Pre.  Napasabak lang sa bakbakan.”

“Serioously?  Kelan nangyari ito?”

“Nung weekend lang.  May nanggagago lang sa akin.” At inistraight nito ang iniinum na alak.

“Sino naman itong gagong ito?  Resbakan natin.”

“Hindi na.  He got his fair share.  Magtatanda na dapat yun.”

“Sure ka Pare?” di pa rin kumbinsido si Philip.  Bond of brothers ika nga.  Ang kalaban ng isa, kalaban nilang lahat.

“Yeah sure ako dun.  Huwag ka na nga maraming tanong.  Drink up!  Cheers!”

Nagpatianod na lang si Philip sa gustong mangyari ni Miguel pero napapaisip siya kung sino ang nakalaban nito.  Tahimik at pasensyosong tao si Miguel at mas lalong hindi ito basagulero.  Sa kanilang magbakarda, malimit ito ang umaawat ng away lagi.  Ito yung mas sensible mag-isip sa kanilang lahat.  Si Justin yung gerilyong sugod lang ng sugod, samantala si Philip naman ay yung tipong dadamay na lang lagi sa laban kaya palaisipan sa kanya ngayon ang totoong nangyari.

Tahimik silang umiinum nung biglang may umakbay sa kanilang dalawa galing sa likod.

“Mga pare!  Long time no…Shit!  What happened to you?” gulantang na tanong ni Justin.  “Tang-ina, who did this to you.  Tara sugurin natin.” Parang gusto na ni Justing mag-amok dahil sa nakitang itsura ng kaibigan.

“Relax Pare.  Pepito, pakibigyan ng maiinom si Justin.  Ok lang ako Pre.  No worries.” Pagkakalma ni Miguel dito.

“You call this ok?  You’re really crazy!  What happened?” muling pag-ungkat ni Justin sa nangyari sa kaibigan pero halata talaga ang galit nito.

“I said leave it.  I can take care of my problem.  Pwede ba, uminum na lang tayo.  End of discussion!”

Kahit papaano’y patuloy pa rin ang inuman ng magkabarkada at di na muling naungkat ang nangyari kay Miguel.  Kahit pa ilang beses pa ring tinatanong ito ni Justin.

*********************************

“Celine, I’m so sorry.  I just can’t do this anymore.”

“Hon, what is wrong?  I thought we’re ok.  Please explain to me what went wrong!” naiiyak na si Celine sa pagkakataong ito.

Simula nung makabalik sila galing Batangas ay nag-iba na ang pakikitungo ni Simon sa kanya.  He become distant.  He became cold. 

Nung makita ni Celine ang hitsura ni Simon pagkatapos ng bakbakan nito sa kapatid niya na hindi niya nalalaman mapahanggang sa mga sandaling iyon ay hindi matatawaran ang kanyang pag-aalala para dito.  She tried asking him what happened but he refused to say anything.  Kahit yung mga taong nandun ay sinubukan niyang tanungin pero lahat ay tikum ang mga bibig at walang ni isang impormasyon siyang nakuha mula sa mga ito.

Pero dahil persistent siya ay may nag squeak na isa at nung malaman niya iyon ay lupaypay siya sa kakaiyak but she never told Simon nor her brother about it.  She kept it to herself.  She has a very forgiving heart and besides, she’s confident that she can still fix things especially that they are already engaged.

“Answer me!” sigaw niya kay Simon.  This is the first time that she shouted at him.

Niyakap siya ni Simon ng mahigpit at lumuhod ito sa harapan niya and he continued to ask for her forgiveness.

“Patawarin mo ako Celine.  Patawarin mo ako for hurting you.  But if I’ll continue to do this, I will hurt you more.  I’m really really sorry.” Simon said in between sob.

Lumuhod din si Celine para magpantay silang dalawa ni Simon.  She can’t give-up on them.  She just can’t.  She can still work this out.  She has to!

“Honey, please listen to me.  We can work this out.  We can still fix this.  Whatever happened, kalimutan na natin yun.  Mag-umpisa tayong muli.  Please Honey don’t leave me!  Please…”

Pero Simon can’t afford to lie to her anymore.  Kinakain siya ng kunsensya for hurting Celine.  Si Celine who happened to be her rebound girl.  Alam niyang unfair siya masyado kay Celine but alam din niyang magiging unfair siya dito pag-ipapapatuloy niya ang pagsisinungaling.

“I’m really sorry Celine.  I’m so confused.  I’m really sorry.  I’m leaving the country.  I have tendered my resignation for the position that your family is offering me.  I know I’m being unfair to you and I’m wishing that someday you’ll find it in your heart to forgive me.” At tuluyan ng umalis si Simon leaving Celine crying.

It broke his heart to see her in that situation but he has to do it otherwise she will have more scenarios like this.  Walang lingon nilisan ni Simon ang lugar.

Her fingers just can’t get it right.

“Shit! Shit! Shit!” habang pilit pa ring kinakapa ang cellphone na hawak.

“Oh God help me!”

Hilam ang mukha sa luha and finally she was able to get it right.

“Hello!  Hello!”

“Celine, I’m in a middle of a meeting for Christsake!” bulyaw ni Miguel dito.  Nagkataon na nasa Hong Kong ito for series of meeting.

“Kuya!  Kuya, help me!  He left me Kuya!  Help me Kuya!”

“Celine, calm down!  Pwede ba huminahun ka!”  Miguel was trying his best to stay calm but sa totoo lang ang gusto na niyang sumabog talaga.

He had a conversation with Simon a few days back nung nagtender ito ng resignation and when he asked him for the reason, he can’t give him a concrete one.

He knew this was happening!

“Kuya!  Are you still there!  Help me Kuya!  I can’t afford to lose him!  Please do something!  Please do something!”

“Celine, calm down.  I’m coming home tomorrow.  Let’s talk when I get there.  Please don’t do anything stupid ok?”

He just put down the phone when he got an assurance from Celine.

Naisuntok ni Miguel ang kamao sa mesa that startled all the people who were there.  At dun lang niya narealized na nasa isang importanteng meeting pala siya.

“Are you alright Mr. Enriquez?” tanong sa kanya ng isang Chinese na ka meeting niya.

Parang nahimasmasan si Miguel at nag-apologized sa mga kameeting at muling ipinagpatuloy ang naudlot na meeting.

That night, Miguel changed the booking of his flight and he took the earliest flight back home to settle the mess.


*******************************

“Huminahon ka Celine!” galit si Miguel dahil sa nakitang hitsura ng kapatid.  Nakasalampak si Celine sa paanan ng kama nito at hilam ang sa luha ang mga mata.  Tulala ito at walang tigil sa pag-iyak.  Nagsumbong pa ang yaya nito na di daw ito kumain simula pa nung umalis si Simon nung gabi.

Dahil sa nadaramang awa sa kapatid ay di na napigilan ni Miguel ang yakapin ito.  Dahil sa yakap niya, parang dun pa lang natauhan si Celine.

“Kuya?  Kuya…” at muli itong humagulgul and she clinged to Miguel like he is her life support.

Kahit galit na galit si Miguel ay natunaw ang puso niya sa pagkakita ng kalagayan ng kapatid.  Pinangko niya ito at dinala sa kama para makapagpahinga ito ng maayos. 

Miguel has always been so protective of Celine.  Nung napag-alaman niya before na gusto nitong mag doctor at sa US pa nito gustong ipagpatuloy ang pag-aaral ay tumututul siya dahil hindi niya ito mabantayan.  Pero nag-insist ito kaya wala na rin siyang nagawa.

She went to the State to take further studies at duon niya nakilala si Simon who that time was mending a broken heart.  Masakit mang isipin ang term na iyon pero siya ang naturingang “Rebound Girl”.

Isang mahinang katok ang narinig ni Miguel.  And when the doorknob opened, may isang lalaking sumungaw.

“Is it ok to come in?” tanong nito.

Tumango lang si Miguel at hinayaan ang lalaking pumasok.

Tulog si Celine at nakatalikod sa kanila kaya di nito alam kung sino ang dumating.

“How is she?”

“I don’t think she’s well.  Ngayon pa lang yan nakatulog.  Ang sabi ng yaya niya ay di daw siya kumakain o natutulog.  Lagi lang daw tulala.” That thought made Miguel took a deep breath to control his anger.

Bumuntunghininga ang kausap ni Miguel.  Tumayo si Miguel sa pagkakaupo sa gilid ng kama ni Celine at tinapik ang balikat ng bagong dating.

“Maiwanan muna kita.  May pupuntahan lang ako.  I don’t know if it’s appropriate and just but I know you can help her this time.” At nagpaalam na rin ito.

Tango lang ang isinagot ng bisita at dahan dahan itong lumapit sa kama kung saan natutulog si Celine.

Masusi nitong tiningnan si Celine and it broke his heart to see her in this condition.

Gumalaw si Celine at nag-iba ng side sa pagtulog.  Unti-unti nitong naibuka ang mga mata at tila inaaninag kung sino yung lalaking naka-upo sa kanyang kama .  At nung mapagtanto kung sino ito ay biglang bumangon si Celine at muling umiyak at niyakap ang lalaki.

“Philip, I’m glad you’re here!”

“Hush now Baby.  Everything will be alright.  I promise you.” At niyakap na rin nito ang dalaga.


Chapter 13:

“Are you alright?” sabay abot ni Philip ng hot chocolate kay Celine na tulalang naka-upo lang sa balcony ng bahay ng lola ni Philip sa Baguio .

Tumingin si Celine kay Philip at muli na namang bumalon ang mga luha nito kaya nilapag na muna ni Philip ang hawak na hot choco at niyakap si Celine.

“Tahan na please.  Magkakasakit ka na niyan eh.” Pero hinahayaan pa rin ni Philip na umiyak si Celine sa mga bisig niya.

Nung makita ni Philip ang kahunushunus na kalagayan ni Celine sa kwarto nito ay agad niyang napagpasyahang dalhin ito sa bahay ng lola niya sa Baguio para makalanghap ito ng sariwang hangin at kahit papaano’y makakalimut sa nakaraan.  Miguel could only agree to his suggestion and infact ay humingi pa ito ng tawad sa kanya sa pagkokontrol ng nadarama nito sa kapatid dati.

“I’m sorry Pare kung tinikis ko ang damdamin mo sa kapatid ko dati.  Had I known that this would happened, I should have not stopped you from loving her.  Please accept my sincerest apologies.”

“It’s ok Pare.  I understand why you have to do that.  Hayaan na natin.  Tutal di pa naman huli ang lahat.  Basta ako na muna ang bahala sa kapatid mo.  Hayaan mong alagaan ko siya ayun sa nararapat.”

At naselyuhan nilang ang kasunduang iyon ng isang handshake. 

Philip wasted no time at nung gabi din iyon ay dinala niya si Celine sa Baguio .  Laking gulat ng abuela niya sa kanilang biglang pagsulpot.

“ Apo , what brought you here?”

“Hi La, dito lang muna kami for a few days.  Remember Celine?” sagot ni Philip matapos halikan ang abuela.  Si Celine man ay humalik din dito na niyakap naman ng butihing matanda.

“It’s nice to see you again Iha.  What took you so long to visit me again?” minsan na kasing dinala ni Philip sina Celine at Willow kay Lola Ganda nung gusto ng dalawa na pumunta ng Baguio .

“Been so busy lang po with work La.   How are you?”

“I’m ok.  I’m better now that both of you are here.  Are you alright Iha?  You seem…” pero di na pinatapos ni Philip ang abuela at dinala na nito si Celine sa kwarto para makapagpahinga.

Nung magkasarilinan ang maglola ay saka pa kwinento ni Philip ang nangyari kay Celine.

“Maybe God is giving you another chance Iho that’s why this things happened.” Pagbibigay conclusion ni Lola Ganda kay Philip.

“La…”

“Seriously Iho.  I think my prayers are answered finally.  I knew it.” Nakangiting sambit ni Lola Ganda.

“La, I don’t want to think of anything right.  All I want is bumuti ang kalagayan ni Celine.  Is it ok if we will stay for a while until bumuti ang kalagayan niya?”

“You don’t have to ask Iho.  By all means.  Maganda nga rin yan para you can spend time with me as well.  You’ve been working all the time and you have no time to visit me.  Kapatid mo naman ay di na rin ako binibisita simula ng umalis ng bansa.” Nahahalata ang pagtatampo ng abuela sa kanila.  Niyakap ni Miguel ito at nilambing at nagpromise siyang dadalasan ang pagbisita dito.

“Philip….” Naputol ang pagbalik tanaw ni Philip nung marinig ang boses ni Celine.

“Yes?”

“Is there something wrong with me?”

“What do you mean?”

“I mean mahirap ba akong mahalin?  Bakit ako inayawan ni Simon?  Bakit ako iniwan ni Simon?” at nagsimula na namang tumulo ang mga luha nito.

“Sssshhhhh….nothing’s wrong with you.  Siya ang may problema at nadamay ka lang.  Did you know that Mariel and Simon used to be in a relationship?”

Umiling si Celine kaya nagpatuloy si Philip sa pagsalaysay.  “Dati ng magkakilala sina Simon at Mariel before they met you and Miguel.  And they never had a closure of their relationship and sad to say that when they saw each other once again…. Well…. Destiny came knocking in again.  Too bad nga lang dahil ikaw ang nadamay.  But it’s not the end of everything Celine.  Life has to go on.  Move on with your life.”

Kumalas si Celine sa pagkayakap kay Simon at lumapit sa balkonahe.

“When I was younger and I see a fallen star, I often wish that I could meet someone who will treat me like a princess.  Someone who will never hurt me.  Someone who will love me for the rest of his life.  I thought that Simon was my someone, especially that our meeting was more than extraordinary.  I asked for some sign for that someone and I thought it was him.  All I wanted is to have that someone to spend the rest of my life with.”

“At ngayon ganito ang nangyari.  I think I was really a foolish girl to be believing in fallen stars.  Foolish to be thinking that my wishes will come true.  Look at me now, I am a mess!  My life is a disaster.  Na engage nga ako pero binawi naman.  I hate my life!  I hate what’s happening in my life!” pagpapatuloy ni Celine sa paglabas ng sama ng loob at muli na naman itong umiiyak.

Tumayo si Philip at hinawakan ang magkabilang braso ni Celine and he was looking at her straight in the eye and he said, “Celine, there’s always someone out there thingking of you.  There’s always someone out there waiting for the right timing to be with you.  There’s always someone waiting for to love him.  Look around you… maybe your someone is just somewhere out there…. See that, maybe your someone is just there somewhere over that rainbow.” Sabay turo nito sa rainbow at pabirong kinantahan si Celine ng somewhere over the rainbow na nagpabulaghit ng tawa sa babae despite those tears falling in her eyes.

Philip always knows how to make her smile.  She’s one lucky girl to have Philip always by her side.  Could it be that Philip be her someone?  Bigla ang pagbugso ng mga salitang iyon sa utak ni Celine but she was not ready to accept it especially when she remembered those times na inayawan din siya ni Philip.

Lingid sa kaalaman nilang dalawa ay natatanaw pala sila ni Lola Ganda sa baba na di maalis alis ang ngiti sa mga labi.

“Damn these kids.  They do look good together.  Lord, knock on their hearts.  Let their hearts find its way to each other.” Piping dasal ni Lola Ganda.

“Hey kids, do you want to join your old lady for a walk?” pukaw niya sa attention ng dalawa.

Sabay na napatingin sa baba ang dalawa at ngumiti at sinenyasan ang abuela na sasamahan nila ito.  Hawak kamay ang dalawa na bumaba sa hagdanan ng bahay at pumwesto sa magkabilang kamay ng abuela para alalayan ito sa paglalakad.

Habang naglalakad sila ay walang humpay ang kanilang kwentuhan tungkol sa childhood ni Philip.  Maraming ibinistong sekreto si Lola Ganda kay Celine tungkol kay Philip at di nakaalpas dito ang tungkol sa kanya.  Pero di nito sinabi ni Lola Ganda ang pangalan niya.

“Hay nako Celine, alam mo ba ang apo kong ito ay likas na torpe?”

“Lola!  Ang bibig niyo po!” saway ni Philip dito pero di pa rin tumigil ang matanda.

“Oo apo.  Sobrang torpe niyan.  Kung gaano ka gwapo at katalino yan ay siya namang katorpe.  May gustong isang babae yan pero di man lang makapaglahad.  Ewan ko kung bakit at ano ang kinatatakutan ng kumag na ito.”

“Torpe Lola?  I find that hard to believe. Kwento sa akin ng sekretarya niya eh kabikabila ang mga babae nito sa maynila.  May models, may doctor din gayang ko at meron pa nga daw artista.  Chick boy nga ata ito eh.” Ani Celine.

“Ha!  Past time lang niya yan.  Pero pagtotoong mahal niya ang babae ay natyotyope ang isang ito.  Alam ko na matagal na niyang gusto ang babaeng iyun kaso ayun naunahan na naman.”

“I’m not hearing this.”  At mabilis na iniwanan ni Philip ang dalawa na umupo sa lounge chair ng garden.

“Tingnan mo ang kumag na ire.  Aba’y torpe talaga at iniwanan tayo.  Pero di bale ipagpapatuloy ko pa rin ang kwento.”

“Lola, kakain na daw.  Tama na ang kwento!” sigaw ni Philip para mahinto ang pagkukwento ng matanda.

Natatawa na lang si Celine at inienjoy ang awkward moments ni Philip dahil sa pagbibisto ng abuela.

“Huwag kang maniwala kay Lola Celine.  She’s just imaging a lot of things.  Tara kumain na tayo.  Aray ko po!” napa-aray si Philip nung mabatukan ng abuela na parang bata.

“Ginawa mo pa akong sinungaling ha!  Hay nako Celine, kung di lang iba ang itinitibok ng puso mo ay mas gusto ko sanang ikaw na ang mapangasawa nitong apo ko.” Prangkang sabi ni Lola Ganda na ikinapupula ng pisngi ni Celine at si Philip ay tuluyan ng tinakpan ang bibig ng abuela.

“La, di ka naman lasing pero masyado na kayong madaldal.  Kain na tayo La at baka ano ano pa ang masasabi niyo.”

“La, di naman ako type ng apo niyo.  Tanungin niyo pa yan.  Para lang pong kapatid ang turing niya sa akin kaya di po kami talo.”

Pero di na makapagsalita si Lola Ganda dahil ayaw bitawan ni Philip ang pagtakip ng bibig nito.

“La, awat na po.  Pasan ba’t bibigyan ko rin kayo ng apo sa tuhod.  Huwag lang kayong masyadong atat ok.  Gaya nga ng sabi ni Celine, I’ll find my someone somewhere out there over the rainbow!  Ok La?” pero tiningnan ni Philip ng makahulugan ang abuela na parang nagsusumamong tumigil na.  Inirapan siya nito pero tumigil din naman ito.

“O cya.  Kumain na nga lang tayo.  Torpe ka pa rin!” sabay irap nito sa apo.

“Oo La, torpe na ako!  Pero pogi naman.”

Isang malutong na gagu ang pinakawalan ni Lola Ganda para kay Philip at masaya nilang pinapatuloy ang pagkain ng hapunan.



Chapter 14:

“La, si Philip po?” kanina pa hinahanap ni Celine si Philip pero di niya ito makita.

“Hindi ba nagpaalam sayo?  Bumaba ng Maynila.  Nagka emergency daw sa negosyo niya.”

“Ah ganon po ba.  Hindi po eh.  Baka nagtext po.  Di ko pa kasi natingnan yung cellphone ko.”

“Iha, halika mag-usap tayo.” Yaya ni Lola Ganda kay Celine at iginaya siya nito sa may balkonahe ng bahay.  Nagpahatid din ng kape at hot chocolate sa katulong si Lola Ganda.

“Kumusta ka na?  You seemed to look better now.” Nakangiting puna ni Lola Ganda sa kanya.

“I’m feeling a lot better now Lola.  Thanks to you and Philip.” Hinawakan ni Celine ang mga kamay ni Lola Ganda tanda ng sinserong pasasalamat.

“Paano naman ang puso mo?  Ok na ba ulit yan?”

Natahimik si Celine sa tanong ni Lola Ganda but honestly she felt a lot better now or baka dahil wala siya sa mga pamilyar na lugar that would remind her of her heartache.

“Kalimutan mo na ang nangyari sayo iha.  Look around you and makikita mo rin na maraming nagmamahal sayo.” This time around ay hawak na ni Lola Ganda ang kamay ni Celine.

Bumuntunghininga si Celine bago nagsumagot kay Lola Ganda.  “All my life I have always been sheltered by my family including Philip.  Nung nagpaalam ako sa kanila na pupunta ako sa US para mag-aral ay tumutul silang lahat but matigas ang ulo ko kaya I followed my dreams.  Infairness din naman Lola, di ko rin pinagsisisihan na ginawa ko yun and even meeting Simon.  Somehow may natutunan din naman ako sa nangyari sa akin.  I felt that Simon did love me but maybe not as much as his love for Mariel.” Medyo gumaragal ang boses ni Celine nung mabangit ang pangalan ng dalawa.

“Pero sa totoo lang Lola, pinapatawad ko na sila.  Biktima lang naman siguro kaming lahat sa pagkakataon.  Live and learn ika nga di po ba?” and she smile shyly.

“Tama ka Iha.  And you’re still young.  You can still find someone who can make you complete.  You just have to look around you.  Maybe that someone is just around the corner.” Makahulugang sambit ni Lola Ganda.

Ngumiti lang ng tipid si Celine sa tinuran ng abuela.

“Maiba pala ako apo, pag-usapan nga natin ang buhay ng apo kong si Philip.  Hanggang ngayon ay wala pa ring pinakilalang babae ang isang yun.  May balak ba yun na mag-asawa ha?” yamot na tanong nito.

Natatawa si Celine sa sinabi ni Lola Ganda. 

“Hay nako Lola, masyadong pihikan yang apo mo.  Makailang beses ko na bang pinakilala yan sa mga kaibigan ko pero ayun pagkatapos ng isang date ay ayaw na niya.  Pinakamatagal niya atang date sa isang babae nun ay isang linggo lang.  Ewan ko din kung ano ba ang hinahanap niya sa isang babae.  Lahat naman ng description na gusto niya binibigay ko pero ganun pa rin daw.  Wala daw eh.” Lahad ni Celine.

“Kasi naman ikaw ang gusto niya at manhid ka rin.” Mahinang sambit ni Lola Ganda.

“Ano yun Lola?”

“Huh?  Ano ang alin?”

“You murmured something awhile ago…”

“Wala ah.  Anyway, kayo bang dalawa ay walang possibility na magkatuluyan?” prangkang tanong ni Lola Ganda na kanina pa pala nagtitimpi.

“Lola!” na shock na sambit ni Celine sa tinuran ng matanda.

“Hindi nga.  I mean you both single now and you’ve been friends for the longest time.  Wala ba talaga kayong pag-asa sa isa’t isa?” persistent na talaga ito na alamamin ang tunay na estado ng pagkakaibigan ng dalawa.

Natahimik bigla si Celine.  She literally lost her tongue and can’t utter a word.  Nabigla siya sa kaprangkahan ng tanong ni Lola Ganda.

“Iha, kaya di makahanap ng babaeng papakasalan ang apo ko kasi ikaw ang gusto niyang pakasalan.”

Mas lalong na shock si Celine sa revelation ni Lola Ganda.

“I know na magagalit si Philip sa akin na pinangungunahan ko siya pero nanghihinayang ako sa mga oras na nasasayang between the two of you.”

“How can you say he likes me Lola eh turing ni Philip sa akin ay parang kapatid.  Ok nung sa kabataan ko po ay inaamin ko sa kanya na may gusto ako sa kanya pero he told me that he loves me like a sister kaya natutu na rin akong lumugar at kalimutan ang lahat ng naramdaman ko sa kanya.”

“He must have a reason why he said that to you.  Maybe you were so young then.”

“I don’t know Lola.”

“Ngayon ba ano ang naramdaman mo sa kanya?”

“I don’t Lola.  I cannot distinguish anymore kung ano ang tunay na naramdaman ko towards Philip.  All I know is that I am happy when I am with him.  Pero sa ngayon kasi pagod pa ang puso ko to even think of going into a relationship again.”

Medyo natigilan si Lola Ganda sa sinabi ni Celine.  Bigla niyang narealized na she went overboard on her.  She should have respected that she’s still mending a broken heart.

“I’m sorry apo.  Hindi dapat ako nanghihimasok sa buhay niyong dalawa ni Philip.  Pero I’m glad we had this talk.  Don’t worry, hindi ito makakarating kay Philip.  Let’s just forget that we had this conversation ok?” nakangiting sambit ng matanda.

“Don’t worry Lola.  I’m glad to know what you’ve told me.  Thank you so much pala for accommodating me here.  Makakabawi din ako sayo in the future.”

“Don’t mention it Iha.  I’m glad you’re here as well.  Maganda kasi may nakakausap din ako.” At nagyakapan na silang dalawa.

*************************************

Napapa-isip si Celine sa sinabi ni Lola Ganda kanina.  Ano nga ba si Philip sa kanya?  Is he really just a mere friend o iba na ang nadarama niya sa taong ito.

Maingat na itinulak ni Celine ang pintuan ang kwarto ni Philip.  Ngayon lang siya naglakas loob na pasukin iyon.  Hindi naman sa pinagbabawalan siya ni Philip na pumasok sa kwarto nito pero Celine just didn’t have the thought of invading his privacy until that conversation with Lola Ganda.

Tumambad sa kanya ang kaayusan ng kwarto nito.  Masinop sa gamit si Philip.  Lumapit siya sa may tokador nito at napangiti siya nung makitang may mga frames pala na nandun na may mga pictures at laking gulat niya nung makitang mga pictures pala ni Philip ang nandun.  May nakita siyang isang parang album sa study table nito kaya hinugot niya iyun sa bookends at sinumulang buklatin.  Lahat ng larawan na nandun ay pawang pictures niya.  All were stolen and candid shots.  He knew na mahilig kumuha ng pictures si Philip pero hindi man lang niya namalayan na meron pala siyang mga kuhang ganito.  Muli siyang napangiti sa mga nakitang kuha.  Dinala niya ang album sa kama ni Philip at duon ipinagpatuloy ang pagtingin ng mga litrato. 

Pero bago pa siya makaalis sa study table ay may napansin siyang tila isang journal na nakahilera pa rin sa may bookends.  Dala ng pagiging curious ay pinakialaman na rin ito ni Celine at di nga siya nagkamali ng sapanata dahil journal nga iyon ni Philip.  Excited na binitbit ang dalawang gamit sa kama ni Philip.

Tinapos na muna niya ang pagtingin ng mga larawan na nasa isang album ni Philip bago sinimulang basahin ang journal nito.


Chapter 15:

Napasinghap si Celine sa mga nabasa sa jounal ni Philip.  Most of his entries are one liner if not one paragraph lang.  Maiiksi man ang mga entries nito pero overwhelmed pa rin si Celine dahil lahat ng nandun ay patungkol sa kanya.

“I think I just saw an angel but she’s still a child.  Someday ay magkakaroon din ng pagkakataon na pwede na kitang ligawan Angel…”

“If you break her heart then I’ll break you face… bakit naging kapatid ka pa ni Miguel Angel….”

“It was nice dancing with an angel tonight…”

“I’m sorry Angel if I broke your heart but I guess it was not the right time.  But you have the sweetest lips I’ve ever tasted.” Wala sa sarili na dinama ni Celine ang mga labi dahil sa sinabi ng entry ni Philip.  Biglang nagflashback sa kanya ang ginawa nila ni Philip that night sa rooftop. 

And then suddenly she realized something!  Ilang araw din ba siyang di pinatulog ng halik na iyon.  She wanted to see Philip again the following day pero it was her stupid pride who was stopping her.  She should have followed her instinct!  Now where did those thoughts came from?

Hindi kaya dati pa siyang in love din kay Philip and hindi naman talaga nawala ang nadarama niya sa lalaki?

Kamakailan lang ay sobra siyang natouch sa ginawa ni Philip.  Ilang araw din siyang iyak ng iyak at nagmumukmuk pero hindi siya nito pinabayaan.  Lagi pa rin itong umaalalay sa kanya.

She owe everything sa pagiging matatag ngayon kay Philip.  He diverted her attention to something worthwhile. 

Minsan ay dinala siya ni Philip sa isang lugar at laking gulat niya nung malamang nasa isang medical mission pala sila.

“Ano to Philip?” nagtatakang tanong ni Celine sa nakangiting binata.

Philip didn’t say a word but handed just handed her her medical bag at her white jacket.

“It’s time to work Doctora Enriquez.  The kids are waiting for you.” Sabay turo nito sa isang pila na may maraming bata.

“Oh my God Philip, this is really a brilliant idea.  Kaninong medical mission ito…” but before she could finish her question ay nakita niyang supposedly ay medical mission niya pala ito dahil nakalagay sa streamer ay WELCOME TO CELINE ENRIQUEZ’S MEDICAL MISSION.

“Oh my God, this is my medical mission?” hindi pa rin makapaniwala si Celine sa nakita.

“Yes Dra. Enriquez.”

“This is awesome Philip!” at di na napigilan ni Celine ang yakapin ang huli.  Mabilis siyang bumaba ng kotse at isinuot ang puting medical jacket at stethoscope.  Pumunta na rin siya sa kanyang pwesto at nagsimula ng consultation matapos na rin makilala ang iba pang doctor na nandun.  She’s overwhelmed sa ginawa ni Philip for her.  Ang daming gamot para sa mga nandun and she was even so glad to know that the medicine was sponsored partially by her family.

While she was busy doing her consult ay natanawan niyang nakatingin si Philip sa kanya.  Nginitian niya ito at silently thank him.  He smiled back and continued to help the patients who were there.  Maging si Lola Ganda ay dumating din kinahapunan na nagdala ng makakain para sa lahat ng nandun.

Sabay-sabay silang umuwi nung gabing iyon.  Pagod man pero maligaya si Celine sa ginagawa.  Meron siyang nabuong pasya.  Gusto niyang mananatili sa lugar na iyon at gumawa na isang maliit na clinic para sa mga batang mahihirap.  She will look for sponsors to make things happened.  Kakausapin niya si Philip tungkol dito pagbalik nito galing sa Maynila.

Biglang nakaramdam ng antok si Celine kaya humiga siya sa kama ni Philip.  Nasasamyo niya ang amoy ni Philip sa bedsheets na nasa kama .  She took one of his pillow at niyakap ito matapos amuyin.

She loves Philip at ngayon lang niya narealized fully iyon.  She has loved him all along and this time around ay bahala na ang pride niya but aaminin na niyang mahal niya si Philip.

Nakatulugan ni Celine na iyon ang iniisip at nakatulog siyang may ngiti sa labi.

****************************************

Madilim na sa labas nung may narinig pamilyar na busina.  Dali-daling binuksan ng katulong ang gate para makapasok ang pick-up ni Philip.

“Iho, akala ko ba bukas ka pa ng umaga babalik?” nagtatakang tanong ni Lola Ganda.

“Maaga natapos ang ginagawa ko La kaya bumalik na agad ako.”

“Talaga lang ha or may gusto kang makita agad?”

Ngumiti lang si Philip at binitbit na ang mga gamit papasok ng bahay matapos tanunging kung nasaan si Celine.

“Baka nasa kwarto niya at nagpapahinga.  Napagod yun kanina kasi sumama ulit sa isang medical mission kaninang umaga.”

Tumango lang si Philip at nagsimula ng pumanhik sa kwarto.  Maliligo muna siya bago niya puntahan si Celine. 

Madilim ang kwarto ni Philip kaya kinapa muna niya ang ilaw bago tuluyang pumasok sa loob at laking gulat niya nung tumambad ang natutulog na Celine sa kanyang kama .  Dahan dahan niyang nilapag ang mga bitbit na gamit at nilapitan ang natutulog na dalaga.  Umupo siya sa tabi nito at matamang tiningnan ang mukha ng dalaga.

“I have loved you for so long Angel.  I wish I could be your someone who will take care of you for the rest of your life.” He said that habang idinampi ang mga palad sa mukha ni Celine to trace his finger on her face.

Umungol si Celine at dahan dahang iminulat ang mga mata.

“Philip….” She said it with a nice smile.

“Wake up sleepy head.”

Nag-inat na muna si Celine at inimwestro nito na nakabukas ang mga kamay na tila ba gustong magpayakap kay Philip.  Kuhang kuha na ni Philip ang gusto ng dalaga kaya niyakap niya ito.  Karaniwan nilang ginagawa iyon pagnagtatamad tamaran si Celine na gumising.  Usually Philip would hug her ang bring her up para makaupo and he was about to do the same but nung yakapin na ni Philip si Celine para itayo ay kumapit si Celine dito and buried her face on his chest.  Natigilan si Philip sa ginagawa at yumuko ito para tingnan kung anong nangyari kay Celine.  Iyon ang hinihintay na pagkakataon ng dalaga dahil nung magpang-abot na ang kanilang mga titig ay bigla itong kinabig ni Celine at hinalikan sa labi.  It was just a quick kiss na nagpanganga kay Philip.

“Hoy! Baka mapasukan ng langaw ang bibig mo!” biro ni Celine dito.

“What are you doing?”

“What?  Ano nga ba ginawa ko?” pilyang kindat ni Celine dito.

“Why did you do that?”

“Because I know you love me and you have been hiding that from me.” Prangkang sagot ni Celine.

“What do you mean…” at dun nakita ni Philip na ang journal niya ay nasa tabi pala ni Celine.

“Your secrets are out kaya huwag ka ng magdeny!” at may pakindat kindat pa si Celine nung sabihin niya iyon kay Philip.

Napahalakhak si Philip at iyon ang naging hudyat para muling kabigin nito si Celine and gave her a real kiss.

“Bakit tinikis mo ang feelings mo sa akin?” hindi mapigilang itanong ni Celine nung malibre ang mga labi sa halik ni Philip.
Hindi sumagot si Philip but he just smiled at akmang hahalikan siya muli pero hinawakan ni Celine ang mukha nito para pasagutin.  Nakakumbabaw si Philip kay Celine sa pagkakataong iyon.

“Not so fast…. Answer my question first!”

Pero ngumiti pa rin si Philip at akma na naman siyang hahalikan pero talagang persistent si Celine na pasagutin ito kaya natigilan si Philip.  Bumuntunghininga muna ito and reversed their position.  Si Celine na ngayon ang nasa taas.  Matamang tinititigan ni Philip si Celine.  Hinawi nito ang mga hibla ng buhok na slightly tumatakip sa maganda nitong mukha.

“I have my reasons Angel.”

“Reasons?”

Naramdaman ni Philip na wala na siya talagang kawala kay Celine kay minarapat na niyang ipagtapat dito ang totoong nangyari.  Inihiga niya si Celine sa kanyang tabi at nagsimulang maglahad habang nakayakap dito.

“The first time I set my eyes on you ay nung unang akong dumalaw sa inyo kasama ng iba pang kabarkada ng kuya mo.  I saw you going down the stairs.  Naka pony tails ka pa actually nun pero nevertheless I still find you pretty but then you still a child back then.  All along I thought sisterly love lang ang naramdaman ko sayo but as the day progress at ewan ko kung bakit lagi rin tayong pinagtatagpo ng sitwasyon ay di ko na napigilan ang pag-usbong ng nadarama ko sayo.  I wanted to court you and I asked your brother’s permission but he told me na masyado ka pa dawng bata to be in a relationship.  I can’t blame your brother kasi nga talagang maloko kami lahat sa mga babae dati.  Well should I just say sila ni Justin lang.”

“Ay oo nga!  Kabikabila ang mga babae niyo at kasama ka dun!” nagmamaktol na si Celine nung maalala iyon.

“Ito naman masyadong selosa eh.” Hinalikan ni Philip si Celine para mawala ang pagmamaktol nito.  “And then nung nangyari sa atin sa rooftop, that’s when I realized na I am in love with you.  I’m so sorry kung naduwag ako that time at di ko naamin ang totoong feelings ko sayo.  I was torn between the promised I made to your brother and my feeling for you.  I was unstable back then.  Kabikabila ang dinedate ko and I was not yet ready for serious relationship that time.  Pero nung umalis ka, reality sets in.  Kaya pumunta ako sa US to visit you and para na rin to work things out between us but na shock ako sa sinalubong mo sa akin that you were engaged.” May bahid na ng lungkot ang boses ni Philip sa pagkakataong iyun.

“I was supposed to stay for one month or atleast two weeks that time but I cut my vacation short kasi what’s the point di ba.  There was no use in prolonging the agony so I immediately changed my booking that night after we had dinner.  Until you came home.  Until you were heartbroken.  It breaks my heart to see you cry but subconsciously, I am also happy because I can finally pursue my intentions to you.  Oo nga pala, may clearance na ako sa kapatid mo.  Pumayag na siya finally.  Siguro narealized niya na I’m a better man than those who pursued you.” May pagyayabang na sambit ni Philip.

“Ang hangin dito.  Ang hangin talaga!” ikot-mata si Celine na nagsabi at kiniliti na siya bigla ni Philip.

“Mahangin pala ha!  Halika dito at ipapakita ko sayo kung ano ang kayang gawin ng hangin ko!” tanging hagikhikan at tili ang naririnig sa silid na iyon na maya-maya lang ay napalitan na ng katahimikan at mga pag-ungol.


Chapter 16:

“Hoy!  Ano ang ginagawa mo?” pagulat na niyakap from the back ni Celine si Philip na nasa balkonahe. 

“Shit!  What the hell….” Napamura si Philip di dahil sa nagulat ito kundi dahil nabitiwan nito ang hawak hawak na maliit na box na nahulog sa ground.  Walang sabing nagmamadali itong bumaba leaving Celine behind na nagtataka sa naging reaction nito.

“Anong ginagawa mo diyan?”

Pero di pinapansin ni Philip si Celine dahil sobrang busy ito sa paghawi ng mga halaman at tila may hinahanap.

“Iho, what are you doing?” di nakatiis si Lola Ganda at nilapitan ang tensionadong si Philip.

“La, nahulog yung…” di masambit ni Philip kung ano ang tinutukuy nung makitang papalapit na si Celine.

“Ano ba ang hinahanap mo Philip?  Can I help you?” pagvolunteer ni Celine.

Pero hindi nagsalita si Philip at pinagpapatuloy pa rin ang paghanap.

“Are you looking for this?” makalipas ang ilang minuto sa paghahanap nilang lahat ay inilabas ni Celine ang blueng kahita.

Nasa gitna ng malabong na halaman si Philip at dali-dali itong lumabas na di alintana ang mga tinik na maaring tumusok sa kanya.  All he wanted was to get hold of that box that Celine is holding.  Pagkakuha nung kahita ay agad agad niya itong binuksan at namangha nung makitang wala itong laman.  Pinagpapawisan si Philip ng malalaki dahil mas malaking problema ngayon dahil nawawala ang singsing na nasa loob ng kahitang iyon.

Nasa balkonahe siya kanina and was trying to rehearse his lines para sa pagpropose sana kay Celine kaso dahil sa biglang pagsulpot nito at pagulat sa kanya ay nabitawan niya ang hawak na kahita.  Buti na lang sarado iyon nung mahulog pero gayun man ay nanlumo siya nung makitang wala na duon ang singsing.

“Damn!” galit na napamura ulit si Philip at nagsimulang maghanap ulit pero nung makarating ulit siya dun sa malabong halaman ay tinawag siyang muli ni Celine.

“Philip….” Malambing na tawag nito pero di pa rin ito pinapansin ng binata.

“Philip…. Are you looking for this?” at pilyang pinakita ni Celine ang hawak na singsing na kanina pa pala niya tinago matapos makita ang kahita na nahulog lang pala sa balkonahe at di napansin ni Philip.  Nag-eenjoy si Celine na natataranta si Philip sa kakahanap.

Natigilan si Philip sa ginagawa at pinayapa ang sarili bago umalis sa kinatatayuan.  Walang ngiting sumugod kay Celine na sa pagkakataong iyon ay humahagikhik na at nagsimulang tumakbo.

Napangiti na rin ang mukhang dugyot na si Philip at hinahabol ang kasintahan.  Napailing na lang si Lola Ganda sa kakulitan ng dalawa.

Nung maabutan na ni Philip si Celine ay sinalimbulat niya ito at pinalo sa pwet.

“All along ay nasa iyo na pala ito!” sabay kuha sa kanya sa singsing na hawak. “Pero pinahihirapan mo pa sa paghahanap!”

“Tinatanong kasi kita kung anong hinahanap mo but ayaw mo ako sagutin.  Tsaka ok yun.  Mabuti nga sayo na mahirapan ka.  That’s your prize of being a torpe for so long!” at muli itong humagikhik at kumalas sa yakap ni Philip.

“Torpe pala ha!” at muling naghabulan ang dalawa na animo mga bata.  Kasabay ng kakulitang iyon ay ang pagbuhos ng ulan.

“Hoy mga anak humayo na kayo dito dahil umuulan na.  Baka magkasakit kayo.” Tawag ni Lola Ganda sa kanila pero parang binging naghaharutan pa rin ang mga ito.  Maya-maya ay lumuhod na si Philip at tumili naman si Celine.  Philip proposed under the heavy rain at ang tanging narinig lang ni Lola Ganda ay ang malakas na YES ni Celine.

Sumunod na nangyari ay naghalikan ang dalawa at di inalintana na nandun si Lola Ganda na tumatawa na rin.  Masayang tumakbo ang dalawa sa kanya informing her of their recent engagement.

“Lola, we’re finally getting married!!!!” sigaw ni Philip.

Lola Ganda smiled and gave her thumbs up for the two na hindi makalapit sa kanya dahil sobrang basa ng mga ito sa ulan.  Muling pumagitna sa hardin ang dalawa at nagtampisaw sa ulan.  Celine never felt so happy in her entire life nung lumuhod si Philip kanina.  Akala niya na ang pagpropose ni Simon na ang pinakaromantic way of doing it before pero para sa kanya walang papantay sa proposal ni Philip.  She was in awe nung makita ang magandang singsing nito and was even happier to know that it was an heirloom from Lola Ganda.

“Lola, I love it so much!  And I love your apo so much too!” parang batang nagsisisigaw si Celine sa abuela.

Tumingala sa langit si Lola Ganda and closed her eyes and uttered a silent prayer…

“Lord, thank you for answering my request.  I am happy that my apo will be marrying the person he has been loving for the longest time.  Please blessed their union and guide them as they embark this new chapter of their lives. Amen!”

**************************************

3 months after ay nagpakasal na sina Philip and Celine sa Baguio .  Celine asked Philip if they can stay and have a life in Baguio and he obliged.  Nagtayo sila ng isang maliit na clinic para sa mga mahihirap habang si Philip naman ay pabalik balik lang sa Maynila for his business.

Celine is living in a simple life with Lola Ganda and Philip.  Kuntento na siya na maging isang housewife ni Philip and she expecting their eldest pretty soon.

Matagal na niyang napatawad si Simon.  Nakausap niya ito bago siya kinasal at tinanggap na niya na maluwag sa loob ang pahingi nito ng tawad.  Para kay Celine, she has too many blessings to thank and whatever happened to her life with Simon before was bound to happened for her to realized something… to realized that it was Philip that would make her life complete and that it has always been Philip who is that someone she has long been praying for.


************** END ***************

8 comments:

  1. OMG!!! next chap pls........ate acheena!!!

    ReplyDelete
  2. wow..ang ganda i love it..next chapter po pls..:)

    ReplyDelete
  3. an galing talaga ni ate acheena grabe nxt chapter na ate plsss

    ReplyDelete
  4. girl another nice story! lagi na naman akong mabibitin nito hehe - joanne

    ReplyDelete
  5. next chap na po...ganda :)

    ReplyDelete
  6. wala paring ka kupas2 galing mo talaga te mag pa kilig hehhe...feeling ko ako si celine hhahaha ♥♥♥

    imalways_yours

    ReplyDelete
  7. @imalways_yours

    Thanks Celine! hahahaha :-)

    ReplyDelete
  8. john zchairon hir !!
    an ganda ata acheena hehe sana my new FF ka ult...

    ReplyDelete