Thursday, January 6, 2011

Terrified Yet In Love (Continuation)

Credits to: JADEADDICT of PEX and JAEVON MEDIA



TERRIFIED YET IN LOVE (CONTINUATION)


Chapter 30:

Isang mahinang katok ang gumising kay Divine.  Bago pa siya makatayo ay nakita niyang may sumilip sa kanyang pintuan sa banyo.  Connecting at share sila ng banyo ni Jaime.  Hubad baro sa pang-itaas si Jaime at naka pajama lang.  May kalamigan ang kwartong iyon kaya nasa ilalim ng comforter si Divine.  Tumabi si Jaime sa kanya at nakishare ito sa comforter niya.  Magkaharap silang dalawa ngayon at tinginan lang.

Kanina nung kumain sila ay napagkasunduan nilang magtruce at huwag na munang mag-away.  They agreed to enjoy the one month that they are together.

They’re both lying on their sides facing each other.  Tinabig ni Jaime ang iilang hibla ng buhok na tumatakip sa mukha ni Divine at pinalandas nito ang mga daliri tracing the bones of her face.  Nakangiti lang si Divine at tila nakikiliti si Divine sa ginagawa ni Jaime.  Patuloy na lumalandas ang mga daliri ni Jaime and this time ay bumaba na ito shoulders down to her waist area at pumapaloob na ito sa ilalim ng t-shirt ni Divine.

Naging busy man ang kamay ni Jaime pero di pa rin umaalis ang mga titig nito kay Divine.  May epekto kay Divine ang ginagawa ni Jaime.  Nag-iinit na ang kanyang pakiramdam and her body is slowing responding.  Mas lumapit na si Jaime kay Divine this time.  Nawala na ang espasyong pumapagitna sa kanila.

Bumalik ang kamay ni Jaime sa mukha ni Divine and this time he traced her soft lips and his went down to her chin to tilt it for him to be given a better access of her lips and he savoured her sweet soft lips na nagpasinghap kay Divine.

Nung una ay banayad lang ang halik ni Jaime pero di nagtagal ay naging mapusok na ito at mapaghanap.  Hindi na rin maiwasan ni Divine na tumugun na siyang nagpapangiti kay Jaime at tila naging hudyat nito para maisakatuparan ang pag-iisang katawan nilang dalawa.

It was blissful when they both reached their peaks.  It is the first that Divine fully surrendered herself to Jaime with no inhibitions.  Jaime guided and teached her how to do it and she’s a very good student.

Hapong hapo silang dalawa pagkatapos pero nanatiling magkayap ang dalawa at nagsimulang umidlip.  Hindi na alintana ni Divine ang lamig na dulot ng aircon dahil mainit ang katawang lupa ng kaniig.  Si Jaime na ang humila ng comforter para itakip sa parehong hubad nilang katawan at hinalikan muna si Divine bago tuluyang umidlip.

Naalimpungatan si Jaime makalipas ng ilang oras at tila nabuhay na naman ang kanyang kalamnan nung matantong may katabi pala niyang natutulog si Divine. 

Divine has nice long neck that is so hard to resist and Jaime didn’t stop himself to devour it.  Jaime planted little kisses on Divine’s neck na nagbibigay ng kiliti kay Divine at dahil dun ay nagising itong humahagikhik.

Walang pinapalampas na sandali ang dalawa at nag-umpisa na namang magliyab ang di matulog tulog na apoy ng bawat isa.  This time around ay si Divine naman ang naging mapusok at hinahayaan at ginaguide ito na Jaime sa gagawin.

Walang nagawang tulog ang dalawa dahil bukang liwayway na ay nagliliwaliw pa rin sa makamundong pagnanasa ang dalawang nilalang na kahit sa pagligo ay di pa rin naghihiwalay at di pa rin maawat ang tawag ng kamunduhan.

*************************************************

Hinatid ni Jaime si Divine sa office at pareho silang nalate dahil magbibihis na lang kanina ay naka isang bout pa ulit silang dalawa.  Hindi maawat ang kakulitan ni Jaime talaga.

“I’ll fetch you later.” Sabi ni Jaime bago bumaba si Divine.

“Huwag na Jaime.  Dadaan ako sa ospital mamaya.  Sana makalabas na si Papa bukas.” Sagot ni Divine sa sinabi ni Jaime.

“I’ll clear him later para makalabas na siya bukas.  After a month, ooperahan na natin ulit siya para matakpan ang butas.  D will do the prosthetics and kami din magkateam na magkakabit.” Explain ni Jaime kay Divine about sa kalagayan ng ama.

Isang mahinang thank you ang isinagot ni Divine kay Jaime.  Bago siya bumaba ay hinalikan muna siya ni Jaime not just once but thrice!

He just can’t get enough of her!

Chapter 31:

Pagdating ni Jaime sa opisina ay naka-upo si D sofa na halatang kanina pa naghinintay.

“You’re late!  I’ve been calling you but you’re not picking up!” bungad na salita ni D.  Halatang tensionado ito.

“Hey! Hey!  Too early for all your whinnings!  Stop!  Please!” Jaime said mockingly to his friend.

Nag-intercom si Jaime sa secretary para dalhan siya ng kape at orange juice para kay D.

“Tensyonado ka masyado D.  Loosen up.  Everything will be alright.” Mahinahong sabi ni Jaime kay D.

“Ewan ko ba.  Kinakabahan ako biglan na di ko mawari.  But yeah tama ka, I should relax.  Hay nako ang tagal mo kasi dumating.  Kanina pa ako dito.  Saan ka ba nangaling?” tanong ni D sa kaibigan.

“May dinaanan lang akong importante.” Pero di nito matingnan ang kaibigan.  Nagkunyari itong busy sa ginagawa at buti na lang at kumatok ang sekretarya to bring the coffee and juice.

At bago pa makapagrapidong tanong ulit si D ay tumunog ang intercom.

“Doc, sabi ni Dr. Dan punta na daw kayo ni Dra. D sa boardroom.” Ani ng secretary ni Jaime.

“Thanks Lhen.”  Tapos niyaya na ni Jaime si D para pumunta sa boardroom.

***************************************************

“Oh there you are.  Come in!  Come in!” nakangiting sambit ni Dr. Dan kay Dr. D pagdating nila.

Nandun na rin ang mga senior physicians at syempre nandun din ang parents ni Dr. D na sina Dra. Bite and Mr. T.  Hindi matawaran ang saya at pride na nadarama ni Dra. Bite nung masaksihan ang pagpapakilala ni Dr. Dan sa anak.  She can never be prouder of her only daughter.

Isa-isa pinakilala si D sa mga doctor na nandun sa boardroom na iyon.  Lahat ng nandun welcomed her.

Patapos na ang pagpapakilala nung bumukas ang pintuan ng boardroom at iniluwal dun ang isa pang doctor na humahabol.

“Oh thanks God at nakahabol ka rin.  By the way, Dr. D, meet Dr. Ives Dizon, head ng trauma department natin.  Dr. Ives, Dr. Patricia Dana Madamba.  She’ll be leading our orthopaedics team.”  Pagpapakilala ni Dr. Dan sa dalawa.

D was in-shock to see Dr. Ives.  Nanlaki ang kanyang mga mata at ang lakas ng tambol ng kanyang dibdib.

Ang dating nakangiting si Dr. Ives ay biglang naging seryoso nung inilahad nito ang kamay sa pinakilalang doctor.

Biglang bumalik ang composure ni Dra. D at inabot ang kamay ni Dr. Ives para magkamay.  Nung naglapat ang kanilang mga palad ay tila may kuryenteng nagspark sa dalawa at sabay silang dalawa na bumitaw.

Tanging si Jaime lang ang nakakapansin sa uneasiness ng kaibigan at sa seryosong mukha ni Dr. Ives.  Hindi kaya ito ang ama ng anak ni D?  Yun ang naglalaro sa isip ni Jaime sa pagkakataong iyon.

Matapos ang pagpapakilalang iyon ay nag-explain na si Jaime sa magiging trabaho ni D sa ospital.  Nananatiling seryoso ang dalawang nilalang at panakaw na nagsusulyapan sa isa’t isa. 

Nung matapos na ang meeting na iyon ay kanya-kanyang  balik na ang mga doctor sa kani-kanilang pwesto.

Parang pinaglalaruan ng pagkakataon sina D at Dr. Ives kasi sila ang pinagpartner sa araw na iyon.

Paalis na ang lahat at silang dalawa na lang ang naiwan nung sabihin ni Dr. Ives na “We meet again Wife!  And we need to talk really soon!”

D froze for a while pero hinila na ito ni Dr. Ives para sa kanilang rounds.

******************************************************
“Sa bahay na muna ako matutulog mamayang gabi Jaime ha.  Uwi na kasi si papa at kailangan ko lang asikasuhin.” Text ni Divine kay Jaime.

“Ok.  No problem.  Text me paglalagnatin ang papa mo ha.” Sagot naman ni Jaime.

“Ok.  Salamat sa lahat ha.” Ganting sagot ni Divine.

Isang smiley lang pinapadala ni Jaime kay Divine.  He can’t believe himself that he’ll be sending those kinds of texts.  Aaminin man niya o hindi pero nagugustuhan niya ang set-up nila ni Divine simula nung nag-umpisa ang kanilang kasunduan.  Simula ng nagtruce sila ay di na sila ulit nagbangayan.  Si Divine man ay nagpapakita din ng sweetness sa kanya at lagi siya nitong inaasikaso.  Napipilitan na siyang magbreakfast kada umaga kasi nagluluto si Divine tuwing umaga kasi kumakain talaga ito ng breakfast.

Masaya ang pamilya Serafin sa pag-uwi ng padre de pamilya sa tahanan nila makalipas ang dalawang buwan nitong pananatili sa ospital.  Masayang nagsalo-salo ang pamilya nung may narining silang katok sa pintuan.

Si Pao ang tumayo para buksan ang pintuan at laking gulat ni Divine nang masilayang si Jaime pala ang dumating.

“Doc, hali ka saluhan mo kami sa pagkain.  Pagpasensyahan niyo na din po ang munting salo-salo namin.” Yaya ni Aling Lily sa doctor.

“May dala po akong lechong manok at pansit Aling Lily at talagang makikisalo ako sa inyo.  Paborito ko po ang nakahain sa mesa niyo.” Sabay nguso nito sa sinigang.

“Ay nako ganon ba.  Sinigang pala paborito niyo.  Gawa po ni Divine yan.  Halika na po kayo.  Nak, ikuha mo na ng plato’t kubyertos si Doc Jaime.” Natarantang sabi ni Aling Lily sa anak.

Napangiti na lang si Divine sa ina at ikinuha pa din ng gamit si Jaime.  Magkatabi sila sa hapag kainan at nilagyan niya ng pagkain si Jaime.  Si Pao at Auntie Lhee ay sarap na sarap na pinapapak ang manok na dala ni Jaime habang si Mang Serion ay nakangiti lang na pinagmamasdan sila.  Nakikipagkwentuhan na rin ito sa kanila.

May mga dessert ding dala si Jaime na pinagsasaluhan nilang lahat pagkatapos kumain.  Hindi na pinatulong ni Aling Lily sa pagligpit ng kinainan.  Pinahatid na lang nito si Jaime sa sasakyan matapos itong pasalamatan nung nagpapaalam na.

“Salamat sa pagdalaw Doc ha.  At maraming salamat sa pag-aalaga sa asawa ko.” Pagpapasalamat na sambit ni Aling Lily kay Jaime.

“Walang anuman po.  Tungkulin ko din po ang tumulong alinsunod sa aking sinumpaang tungkulin.” Nakangiting sambit ni Jaime.

“Ma, hatid ko lang si Doc Jaime sa labas.” Pagpapaalam ni Divine sa ina.

“Oo nga hatid mo muna si Doc.  Huwag kang magtagal ha!” panunuyang sambit ni Auntie Lhee sa pamangkin sabay kindat dito.

Pinandilatan lang ni Divine ang tiyahin at umalis na rin ito para ihatid sa labas si Jaime.

Nung malapit na sila sa kotse ni Jaime ay walang pasabing sinambulat ni Jaime si Divine at hinalikan.  Dahil sa gulat ay napakapit si Divine kay Jaime.

Mabuti na lang pundido ang ilaw ng Meralco sa bahaging iyon at di sila aninag ng mga tao.  Di na rin nagpakipot si Divine at tinugun na rin ang halik ni Jaime.

“I miss you.  I wish you could go home with me tonight.” Sabi ni Jaime in between kisses.

“Pasensya na Jaime but kailangan ko munang samahan sila papa.” Sagot naman ni Divine.

“I know.  I just can’t get enough of you.” At mas lumalim pa ang halik nito nung sambitin ang mga katagang iyon.

Natatangay na si Divine pero nung maalalang nasa daan sila ay pinigilan na nito si Jaime.

Niyakap siya ni Jaime at hinalikan muli bago tuluyang nagpaalam na ito sa kanya.  Umandar na ang kotse ni Doc Jaime nung biglang nagpreno ito at binuksan ang bintana.  Tinawag muli nito si Divine at may binigay ito na isang regalong nakabalot sa isang magandang box.

“Ano ito Jaime?” tanong ni Divine.

“Buksan mo mamaya para malaman mo.”  Nakangiting sambit ni Jaime at sa muli ay inabot nito ang kamay sa mukha ni Divine at sa muli ay hinalikan ulit ito bago tuluyang umalis.


Chapter 32:

Pagdating ni Divine sa bahay ay naulingan niyang tinatanong ng mama niya si Auntie Lhee tungkol sa kanilang dalawa ni Jaime.

“O ayan Ate, si Divine na lang tanungin mo tungkol sa kanila ni Doc Jaime.  Wala akong alam diyan.” Sabay kindat nito kay Divine.

“Hay nako Nay, masyado kayong tsismosa.  Wala po.  Wala!” at binirahan niya ito ng alis at pumunta sa kwarto at excited na binuksan ang box na binigay ni Jaime.

Tumambad sa kanya ang isang white gold na bracelet na may palawit na cookie monster incasted still in white gold.  Napasinghap si Divine sa nakita at napangiti nung maalalang natatandaan pa rin pala ni Jaime ang kanyang favorite character.  Bumungisngis si Divine dahil naalala niya ang pantulog na cookie monster.  Siguro yun ang nagpaalala kay Jaime kaya binigyan siya nito ng ganun.

Tinext niya ito para pasalamatan.  At nagreply ito na “I’m glad you like it.  I still miss you and still wishing you’ll be in my arms tonight.”

“Hehehe...bukas po, I’ll be sleeping in your arms na.” Sagot naman niya kay Jaime.

“I’m glad we’re like this now.  Someday we need to talk.  Gud nyt and sleep tight.”

“Nyt nyt mwah!” ang panghuling text ni Divine kay Jaime.

She slept with a smile on her face that night but she admitted to herself that she indeed missed the body heat coming from Jaime.

************************************************

“Honey I’m home!!!!” sigaw ni Jaime pagdating niya ng bahay.

Palabas na si Divine galing sa kusina papunta sa dining area bitbit pagkaing niluluto.  May tatlo pang helper na nakasunod sa kanya at may bitbit din ang mga itong pagkain.

Napangiti si Divine nung makita si Jaime na lumapit sa kanya at binigyan siya ng halik kahit nasa harap ng mga katulong.

“Jaime, teka teka.  Baka mabuhos ko sayo ang pagkain.” She said in between kisses.

Pero di pa rin nagpaawat si Jaime kaya kinuha na ng mga katulong ang bitbit ni Divine at umalis na rin ang mga ito at hinayaan silang dalawa sa ginagawa.  Kinakalas na ni Jaime ang apron na nakakabit kay Divine but still not releasing her mouth. 
Dinner can wait kaya mabilis na pinangko ni Jaime si Divine.

“Jaime, ano ang ginagawa mo?” shock na sabi ni Divine nung namalayang wala na pala sa lupa ang  kanyang mga paa.

“Dinner can wait but I can’t.” pagmamadaling bitbit ni Jaime kay Divine patungo sa room ng dalaga.

And they shared a quick heavenly appetizer right before dinner.

Pagbaba nila ay pinainit na nalang nilang muli sa mga katulong ang pagkain at nagkatawanan na lang.

Kung titingnan ay parang tunay silang mag-asawa dahil asikasong asikaso ni Divine si Jaime and vise-versa.

“Jaime, pupunta pala ako ng Cebu sa Thursday at Sunday na ako makakabalik.” Pagpapaalam ni Divine kay Jaime.

“Meron kasi kaming mass hiring for Visayas and Mindanao personnel.” Pagpapatuloy na sabi ni Divine.

Tango lang ang isinagot ni Jaime pero tumahimik ito.  Napansin ni Divine ang pananahimik ni Jaime kaya hinawakan nito ang kamay ng doctor sabay sabi “I’ll be back on Sunday morning kaya huwag na po ikaw magalit.”

“Aasahan ko yan ha.” Sabi nito na nakangiti sabay halik kay Divine at ipinagpatuloy na ulit nito ang pagkain.

Malaki ang ipinagtataka ni Divine dahil kung sa ibang pagkakataon ito ay nagsnap na agad si Jaime pero simula ng nagtruce sila ay di na ito nagagalit.

Ganun pa rin ang kanilang set-up.  May sariling room si Divine that Jaime would end up spending the night with her all the time.

Nung gabing iyon ay nagtataka si Divine nung pagising niya ay wala si Jaime sa tabi niya.  They just made love that night and she slept in his arms and ended up waking alone in her bed.

Pumunta sa banyo si Divine para hanapin si Jaime pero di niya ito mahanap.  She knocked on the connecting door to his room pero walang sumasagot kaya itinulak ni Divine ang pintuan at nakita niyang nakaupo si Jaime sa lazyboy at natutulog.  May hinahawakan itong isang velvet na bluebox.  May malumanay na tugtug playing on the background.

Kumuha ng kumot si Divine at kukumutan sana si Jaime nung maalimpungatan ito.  Mabilis nitong tinago sa likod ang bitbit na blue velvet box at umupo ng maayos. 

Tanging mga lampshade lang ang nakasindi sa kwarto ni Jaime kaya aninag nito ang kabuuhan ni Divine na manipis na nighties lang ang suot.  Inaya ni Jaime si Divine to sit on his lap and she obliged.

“Have I told you that I am very happy when I’m with you.” malambing na sabi ni Jaime kay Divine.

Titig na titig lang si Divine kay Jaime.

He continued, “I wish this would never end.  I wish that we can like this for the rest of our lives.” And slowly planting little kisses on her neck.

“I wish I can keep you.” Continued Jaime.

Tyempo naman sa nararamdaman ni Divine ang tumugtug ang Terrified ni Katherine McPhee...

You, by the light
Is the greatest find
In a world full of wrong
You're the thing that's right

Finally made it through the lonely
To the other side

Jaime deepened his kiss to the willing Divine.  Divine wanted to answer Jaime that she felt the same way yet she felt terrified still.

You set it again, my heart's in motion
Every word feels like a shooting star
I'm at the edge of my emotions
Watching the shadows burning in the dark

And I'm in love
And I'm terrified
For the first time and the last time
In my only life

Tumayo si Jaime sa kinauupuan at bitbit si Divine.  Lumipat sila sa kama ni Jaime but their lips never parted.  Alam ni Divine na talo siya sa larong ito pero she’s willing to take the risk.  Hindi na pagbabayad utang ang nadarama niya sa mga pagkakataong ito bagkus ay inamin na niya sa sarili na mahal pa rin niya si Jaime.  Gusto na niyang ipagsigawan kay Jaime na yayain siya ulit magpakasal pero nahihiya siya.

And this could be good
It's already better than that
And nothing's worse
Than knowing you're holding back

I could be all that you need
If you let me try

You set it again, my heart's in motion
Every word feels like a shooting star
I'm at the edge of my emotions
Watching the shadows burning in the dark

And I'm in love
And I'm terrified
For the first time and the last time
In my only life


Nasa ruruk na sila ng pagniniig at parehong windang na sa parehong nadarama at kung baga nasa cloud 9 na nung may tila narinig na katagang I LOVE YOU si Divine na binitiwan ni Jaime just at same time as she utter the same  words in her mind silently.

I only said it 'cause I mean it
I only mean 'cause it's true
So don't you doubt what I've been dreaming
'Cause it fills me up and holds me close whenever I'm without you

You set it again, my heart's in motion
Every word feels like a shooting star
I'm at the edge of my emotions
Watching the shadows burning in the dark

And I'm in love
And I'm terrified
For the first time and the last time
In my only life.

At kasabay ng pagwakas ng tugtug ay kasabay din ang pagrelease ni Jaime sa mga sundalo sa kampo ni Divine.  Magkayap silang natulog finally sa kama ni Jaime sa pagkakataong ito.

Chapter 33:

Cebu Waterfront Hotel, Conference Room

“Delivery for Ms. Divine Serafin.  Nandito po ba si Ms. Serafin” sabi ng delivery boy.

“Div, may naghahanap sayo.  May delivery daw.” Sabi ni Sandra na officemate ni Divine nung matuntun nito ang dalaga.

“Ha?  Delivery?  Ano daw yun?” nagtatakang tanong ni Divine sa kasama.

“Nako Ning, di ko alam.  Hala sige ako muna diyan.  Labasin mo muna.” Sabi ni Sandra sa kanya.

Pumunta sa registration area si Divine para salubungin ang delivery man and was in shock to see him bringing one big cookie monster stuff toy.  May hunches na si Divine kung kanino galing ang stuff toy pero tiningnan pa rin niya ang card na naka lagay sa may bandang leeg ng laruan.

“See you tonight – J” lang ang nakasulat.

“Ha?  Nandito si Jaime?  Bakit?” tanong ng isip ni Divine.

“Nasa Cebu ka?” text niya kay Jaime.

Isang smiley lang ang isinagot nito.

Kinahapunan ay nasa lobby na si Jaime na naghihintay sa kanya.  He looked so fresh in his white longsleeve polo na naka tupi sa siko and in his blue jeans.
Parang nakalimutan ni Divine ang sitwasyon at bigla siyang napayakap dito and Jaime gave her a kiss.

Hindi nakaligtas sa mga mata ng kasama ni Divine sa office na kinikilig sa nasaksihan ang nangyari.

“Bakit nandito ka pala?  May business trip ka rin ba?” tanong niya kay Jaime.

He just smiled at muli siyang niyakap.

“I missed you that why I’m here.” Sagot ni Jaime sa tanong ni Divine.

“Ha?  Sira ka talaga!  Uuwi naman ako bukas ah!” naiiling na sambit ni Divine.

“Well, I can’t wait bukas.” Nakangiting sagot ulit ni Jaime.

Divine can only roll her eyes at nagpaalam sa mga kasamahan nung yayain na siya ni Jaime na umalis.

Jaime asked her to check-out in her hotel and moved to his hotel room and yun pala yung ticket niya ay extended na rin kagaya ng return trip ni Jaime.

Lulan sila sa car service ng hotel where Jaime is staying and pabalik na sila sa Shangri-la Hotel Mactan.  They’re staying there for the weekend and Jaime prepared for that trip.  Nag-alala pa si Divine dahil wala naman siyang appropriate na damit para sa weekend na iyon pero pagdating niya sa room nila ay nandun na lahat ng kakailanganin niya.

Last night na nila sa resort and they had an exclusive dinner in one of the cabanas by the sea at sa kalagitnaan ng dinner ay may inilabas si Jaime.  Yung blue velvet box at pinabubuksan niya ito kay Divine.  Kinakabahan si Divine dahil feeling niya yayayain na siya nitong muli magpakasal.

Tumambad sa paningin ni Divine ang isang 2 karats heart shape solitaire diamond ring.  Hindi siya mahilig sa diamond pero parang nagsparkle ang kanyang mga mata sa nakita.

She became speechless.

Hinihintay ni Divine ang itatanong ni Jaime pero iba ang sinabi nito.

“I want you to have it.  I was supposed to give you that when I asked you to marry me.” Pasi-unang sabi ni Jaime kay Divine.

“It’s really for you and your name is engraved in the ring.  Pagbalik natin sa Manila, you can go home to your family.” Hinawakan ni Jaime ang kamay ni Divine. “I am being unfair to you.  I’m so sorry for what I have done.” Kinuha nito ang kamay ni Divine and dinala sa bibig at hinahalikan.  This time, may mga luha na sa mata ni Jaime.

“I’m so sorry.  I just don’t know what to do and I cannot afford to lose you.  I’m letting you go Divine.  I promised not to mend with your life again.”  At tumayo si Jaime away from Divine.  Divine is already crying.  Just when she was about to say yes to his proposal ay saka naman nag-give up si Jaime sa kanilang dalawa.  Nanatiling naka-upo si Divine habang si Jaime ay nakatayo near the beach.  He was trying to calm himself.  Hithit buga ang ginawa niya sa sigarilyong sinindihan.

Binalikan ni Jaime ang pag-uusap nila ni D bago siya tumulak papuntang Cebu.

“J, you have to let her go.  Unfair yung ginagawa mo.” Seryosong sabi ni D kay Jaime tungkol sa current set-up nila ni Divine.

Tahimik lang si Jaime pero halata na namumula at nagpipigil ng galit.

“Look, be reasonable.  Unfair kay Divine ang ginagawa mo.  What if hindi niya gusto ang set-up niyo?  What if napipilitan lang siya?  Have you even asked her about it?” sunod-sunod na tanong ni D kay Jaime.

“But we’re ok since she moved in with me.  I mean we’ve had great sex since then.” Pag-eexplain ni Jaime.

“But ang tanong is did you ever ask her if she’s happy?  If she’s happy with you?  Baka merong ibang napupusuan si Divine but she’s just being a good child that’s why she agreed with you.”

Ang mga sinabi ang nagpapa-isip kay Jaime.

“Alam mo J, if you really love her, you have to let her go.  Be a man.  Manligaw ka ulit.  Start from the beginning.  Give her back her life. Ok friend?” Niyakap ni D ang kaibigan at tumayo na ito at iniwan sa kinauupuan nila.

Lingid sa kaalaman nila ay mga matang nakamatyag kanina pa at ngitngit na ngitngit sa nasaksihan.

“I knew it.  Kaya pala ayaw mo akong kausapin ng matino dahil may ibang padrino ka pala.  You’ll pay for this wife!” piping sambit ni Dr. Ives na nakakubli sa isang tagong lugar.  Bigla itong nagulantang nung kalabitin ito bigla ni Nurse Joric.

“Doc Pogi! Ano ginagawa mo!” ani ni Nurse Joric.

“Nurse Joric naman.  Easy!  Tumayo lahat ng balahibo ko sa gulat ah!” natatawang sambit ni Doc Ives.

“Ay ganun ba?  Gusto mo shave ko lahat?” sabay kindat dito.

“Ah ah ah! Bye Nurse Joric!” naiiling na sambit ni Dr. Ives at lumalayo na ito sa mapagbirong nurse.

“Magsabi lang kayo Doc Pogi when and where ha!” habol na salita ni Nurse Joric.


Paglingon ni Jaime ay wala na si Divine sa kina-uupuan.  Huminga siya ng malalim at hinayaan na muna ang dalaga.  Saka na siya aakyat sa kanilang silid para maiwasan ang anumang comfrontation na maaring mangyari.  Hindi pa siya kalmado para dun.





Chapter 34:

Nasa room na si Divine at nasa gitna siya ng kama at yakap yakap ang mga binti.  Di pa rin maawat ang mga luhang kanina pa tumutulo. 

Iba ang naglalaro sa isip niya kung bakit bigla na lang siyang pinakakawalan ni Jaime.  Dahil ba kay D?  Papakasalan na ba nito si D?  Nalaman pa man din niya sa mayordoma ni Jaime na kababata daw nito si D at parang silang dalawa ang gusto ng parents ni Jaime na makatuluyan nito.  At dahil umuwi na si D ay baka magpapakasal na ang dalawa.

Ang dami-daming mga alalahanin na naglalaro sa isip ni Divine pero nanghihinayang pa rin siya dahil akala niya patungo na sila ni Jaime sa pag-iisang dibdib.

Naagaw ang pansin niya sa blue velvet box na nasa side table.  Pinahiran nito ang luha at kinuha ang box at binuksan.  Kinuha ang singsing at sinipat muli.  Ang ganda ng singsing.  Pumapatak na naman muli ang mga luha ni Divine nung mahawakan ang singsing.  Naagaw ang pansin niya sa mga katagang naka inscribe sa loob. “Ur d 1 I wnt 2 spnd my lyf wit” At mas napa-iyak si Divne sa nabasa.  Kinabit niya ang singsing sa kamay at mas lalong napaiyak nung matantong kasyang kasya sa kanya at bagay na bagay sa kanya.  Tila parang hinulma talaga ito na parang kanyang kanya.

“Akala ko pa man din may patutunguhan ang lahat ng ito Jaime.  Akala ko...” at nakatulugan niya ang alalahaning iyon.

**********************************************************
Madaling araw na nang pumanhik si Jaime.  Nag-umpisa na namang magbantang pumatak ang mga luha nung makita si Divine.  Letting go of her is the hardest part.  But he has to do it to be fair to her.

Maingat na humiga si Jaime sa kamang pinagsasaluhan nila.  At instinct ata kasi nung maramdaman ni Divine unconsciously ang katabi ay nagsusumiksik ito at nakikiamot ng init ng katawan ng katabi.  Kinabig ni Jaime ang katabi at niyakap.  Ang kaninang pinigilang mga luha ay unti-unti ng tumutulo.  He tried his best to conceal it but isa-isa na itong tumutulo so he look up for it to stop from flowing.

Maya-maya ay yumuyugyug na rin ang balikat ng kayakap na babae at dun na tuluyang pinakawalan ni Jaime ang mga luha.  Niyakap nito ng mahigpit si Divine na yumakap na rin sa kanya.  Kapwa hilam sa luha ang mata nung tiningala ni Jaime ang baba ni Divine so that they can see each other eye to eye.

Walang salitang lumabas sa mga bibig nila dalawa.  Bagkus ay bumaba ang mga labi ni Jaime sa labi ni Divine and captured it.  They made love that night.  It was slow at dinama nila ang katawan ng isa’t isa na animo’y minimemorya ang bawat detalye.

When they both reached their climax ay sabay nilang pinakakawalan ang mga damdamin at di na napigilan ni Jaime na bigkasin ang katagang matagal na gustong marinig ni Divine.  She replied again silently in her mind for she find it no use to let him know because matapos ang gabing ito ay tapos na ang ugnayan nilang dalawa.

Natulog silang mahigpit na magkayakap.
Kinabukasan ay late na silang nagising pareho at di na nagkaroon ng pagkakataong mag-usap dahil kapwa nagmamadali ng magligpit ng gamit at maghanda papunta ng airport.  Ilang minutos na lang ay boarding na nung dumating sila. 

All throughout the trip ay binirahan nilang pareho ng tulog or baka nga sadyang iniiwasan nilang dalawa ang pag-usap ang ukol sa kanilang dalawa.

Pagdating nila sa Manila ay hinatid ni Jaime si Divine sa bahay nito.

“Thank you.” Sabay hawak nito sa pisngi ni Divine.

“Thank you din sa lahat.” Ganting sagot ni Divine na nakasmile kay Jaime.

“I’ll miss you.” Ani ni Jaime na di nilalayo ang titig kay Divine.

“I’ll miss you too.” And this time si Divine na mismo ang humalik kay Jaime.  Nagtagal ang halik na iyon dahil ayaw ni Jaime maglet go.


Chapter 35:

Pagdating ni Jaime sa bahay ay diretso siya agad sa kwarto at inihiga ang pagod na pagod na katawan.  He covered his eyes with his arms dahil nagsimula na namang tumulo ang mga luha.  Can he totally let of Divine?

Isang pasya ang nabuo kay Jaime.  Simula bukas ay liligawan niya ulit si Divine at gagawin niya ang lahat sa ubod ng kanyang makakaya na mapapasagot ulit ito.  He won’t care even if she will reject him again.  Ang importante ay maipaalam niya kay Divine ang totoong naramdaman at intension.

Tumayo si Jaime at binuksan ang travelling bag para makuha ang mga gamit nung mapansing nandun ang blue velvet box na binigay niya kagabi kay Divine.  Kinakabahan man ay naglakas loob na rin siyang buksan ito at dun tumambad ang isang nakatuping papel na nakapaloob nito.  He started reading the letter at mabilis pa sa alas kwarto ay bigla nitong sinara ang box and grab his keys and umalis sa bahay.

Wala pang isang oras ay nasa labas na siya ulit ng bahay nila Divine.  Lumabas ng kotse si Jaime at kumatok sa pinto ng mga Serafin.

Si Auntie Lhee ang nagbukas ng pintuan at tila nagulat din sa pagdating niya.

“Doc, napadaan kayo?  Si Divine po ba sadya niyo?” tanong ni Auntie Lhee.

“Magandang hapon po.  Opo, pwede po bang maka-usap si Divine?” pagbibigay galang ni Jaime kay Auntie Lhee.

“Eh nasa kwarto po eh.  Dumating kanina at di namin maka-usap kasi masama daw pakiramdam.  Hanggang ngayon ay di pa rin lumalabas ng kwarto.  Teka puntahan ko muna.  Pasok po kayo.  Pao, bigyan mo ng juice si Doc.” Sigaw ni Auntie Lhee kay Pao.

Pumasok si Jaime sa salas at naghihintay kay Divine.  Tensyonado ito habang naghihintay.  Pumasok naman si Auntie Lhee sa kwarto ni Divine at kinausap ang dalaga.

Maya-maya lang ay lumabas ulit ito at sinabi kay Jaime na hindi makabangon si Divine dahil sa sama ng pakiramdam.  Nag-aalala si Jaime sa kalagayan ni Divine kaya sinabi nito kay Auntie Lhee kung pwede ba niyang suriin si Divine na pumayag naman agad ito dahil nga doctor ang kausap.

Napasukan ni Jaime si Divine na namimilipit sa sakit ng tiyan.  Pawis na pawis ito.  Mainit ito at nung hinawi ni Jaime ang kumot na nakatakip dito ay nababanaag niya na may dugo ang damit nito sa bandang ibaba.

“Mam, ganito ba lagi si Divine pagdinadatnan?” tanong ni Jaime kay Auntie Lhee.  Pero iba ang kutob niya.

“Hindi po Doc.  Regular po yan at parang wala lang pagdinadatnan.” Sagot ni Auntie Lhee na sa pagkakataong iyon ay nagsimula ng kabahan.

“Dadalhin ko po siya sa ospital.  Sundan niyo na lang kami duon.  Kayo na po ang magpaliwanag sa kanila at magdala na rin po kayo ng mga gamit ni Divine.” At pinangko na ni Jaime si Divine palabas ng bahay na nawalan na ng malay.

Pinaharurut ni Jaime ang sasakyan at dali-daling ibinaba sa ER si Divine.  Habang nasa daan ay tinatawagan na ni Jaime ang inang si Dra. Mye kasi malakas ang kutob niyang buntis si Divine at baka nagbebleeding ito.

Agad agad na tiningnan ng ina ang babae at nagperform ng mga test to check if she’s really pregnant and indeed she is.  Inultra-sound ni Dra. Mye si Divine at duon nalaman na she’s 6 weeks on the way at muntik ng mathreaten abortion ang nangyari kung di agad nadala ito ni Jaime sa ospital.

Nailipat na si Divine sa isang private room at mapayapang natutulog.  Hindi umalis si Jaime sa tabi nito kahit dumating na ang pamilya ni Divine.  Hindi na muna kina-usap ng mga ito si Jaime pero nalaman na rin ng mga ito ang kalagayan ni Divine dahil sa pag-eexplain na rin D nandun din.

Napa-iyak sina Aling Lily at Auntie Lhee nung nalaman ang kalagayan ni Divine.  Si Pao ay di na sumama kasi ito ang naiwan kay Mang Serion.

Pinayuhan na muna ni D sina Aling Lily at Auntie Lhee na hayaan na muna ang dalawa na makapag-usap and she assured them that everything will be alright at balikan na lang kamo si Divine kinabukasan.  Si Jaime na ang bahala sa anak nila.

Napapayag naman ni D ang dalawa basta nangako itong e tetext sila pagnagising na si Divine at nangako naman si D.

***************************************************
Nakamasid si D sa dalawa na nasa room nung mapansing may tumabi sa kanya.

“Paano yan, ang sinisinta mo ay may nabuntis palang iba?” sarkastikong sabi ni Dr. Ives sa asawa.

Biglang uminit ang ulo ni Dra. D at hinarap ang enstranged husband.  “Pwede ba!  Makailang beses ko bang sabihin sayo na wala kaming relasyon ni Jaime.”

“Talaga lang ha!  Eh bakit concern ka masyado.” Panunuya pa rin nito sa doctora.

“Hay nako, maghanap ka nga ng kausap mo!” at binirahan ni D ng lakad palayo at naiwan si Dr. Ives na nakangisi.

****************************************************
Binalikan ni Jaime ang liham ni Divine sa kanya na nakalakip sa blue velvet box.

Dear Jaime,

            Hindi ko alam kung para ba talaga sa akin ang singsing na ito o karapat dapat ba ako sa singsing na ito kaya minarapat kong ibalik na lang ito sayo.  I cannot afford to wear this knowing that I am not the one you want to spend your life with.  Mas nararapat siguro na ibigay mo ito sa babaeng totoo mong papakasalan.  Gusto ko din magpasalamat sayo sa lahat ng tulong mo sa pamilya ko.

            These past few days, in my wishful mind, I thought things are doing well between us but I guess I’m wrong.  I was about to give ourselves a chance but I think somethings are not meant to be.  Gaya ng pagpapalaya mo sa akin ay pinapalaya na rin kita.

            Sa lahat lahat, maraming maraming salamat.  Sa pagmamahal at atensyon, maraming maraming salamat pa rin.

            This time I will say it to you and not keep it silently that Yes I love you Jaime.  I love you still.  Nuon at mapahanggang ngayon.

            So I guess this is good-bye. 

Love,

Divine

Hinawakan ni Jaime ang kamay ni Divine at hinalikhalikan.  “Honey, please wake up.  I love you so much.”

Nakatulugan ni Jaime na hawak ang kamay ng babaeng sinisinta.  Bakas pa rin ang mga natutuyong dugo sa puting polo ni Jaime dahil namantsahan iyon nung pangkuin nito si Divine para isakay sa kotse.

May pumasok sa loob ng kwarto ni Divine at hinawakan ang balikat ni Jaime.

“Jaime, anak.  Wake up.” Malumanay na pag-gising ni Dra. Mye sa anak.

“Mom...” sagot ni Jaime.

“Hijo, you need to rest.  Pabantayan na muna natin si Divine kay Nurse Joric at halika at mag-usap muna tayo.” Yaya ni Dra. Mye sa anak.
“No Mom.  Ako na magbabantay kay Divine.  I want to be here when she wakes up.  How is she?  How’s our baby?” direktang tanong ni Jaime sa ina.

“What do you mean by that Jaime?” nagtatakang tanong ni Dra. Mye sa anak.

“You heard it right Mom.  How’s my baby?” ulit ni Jaime sa tanong sa ina.

“You mean anak mo ang ipinagbubuntis ni Divine?  Anak naman, bakit naman binuntis mo si Divine without marrying her?  I know you’ve lived in the US for so long pero it’s still unacceptable to me na magkaroon ng bastardong apo.  You have to marry her iho.” Tensionado  man si Dra. Mye ay kalmado pa rin nitong kinakausap ang anak.

“Don’t worry Mom, before my kid will be born rest assured that we are already married.  So kumusta ang baby namin? Pagbibigay assurance ni Jaime sa ina.

“If di mo nadala agad si Divine ay baka nalaglag na ang bata.  Pero so far, matindi din ang kapit ng angel niyo.  But Divine has to be in bed rest kahit one week lang para di matagtag ang kanyang katawan.  She needs a lot of rest.” Explains Dra. Mye sa sitwasyon ni Divine.

“I’m taking her home from here Mom.  Pahiram muna kay Yaya Carmen para maalagaan niya si Divine habang nasa trabaho ako.”

“Oo anak.   Ipapadala ko agad si Carmen sa bahay mo tsaka magtalaga ka na rin ng isa pang maid mo para laging may kasama si Divine.  Kelan nyo ba balak magpakasal?” tanong ulit ni Dra. Mye.

“Soon Mom soon.”

“Nako ang anak ko magiging daddy na.  I’m gonna ba a grandmother soon.” Sabi ni Dra. Mye at nag-umpisa ng tumulo ang luha ng kaligayahan nito.  “Wait till your Dad would know about this.  Can I tell him now?”

Niyakap ni Jaime ang umiiyak na ina at hinalikan sa pisngi. 

Chapter 36:

Umungol si Divine at dahan dahang bumuka ang mga mata nito.  Tila disoriented ito sa kinaroroonan.

“Nasaan ako at anong nangyari?” tanong nito kahit di pa maaninag ng maayos ang mga taong nasa tabi.

Hiwakan agad ni Jaime ang kamay ni Divine. “Honey, you’re in the hospital.  Nagpass-out ka kanina.  You are safe now.  Ikaw at ang baby natin.” Sabi ni Jaime na nakangiti.

“Ha?”

“Rest now Hon.  Let’s talk tomorrow.” At hinalikan nito ang noo ni Divine na napapikit na ulit na hawak hawak nito ang kamay ni Jaime at kahit nung tumagilid ay di nito binitiwan ang kamay na parang ginawa pang unan.

Napangiti na lang si Dra. Mye sa nasaksihan at nagpaalam na rin ito sa anak at sinabihan ito na papahatiran ng gamit sa driver.

***********************************************
Nagising si Divine sa ingay ng paligid.

“Shhhhhhhhh” di maiwasang sambit ni Divine na parang pangkaraniwang ginagawa niya pagnasa bahay siya at maingay si Mama niya at Auntie Lhee.  “Konting katahimikan naman at may mga natutulog.”

Lalong umingay ang mga taong nandun at lumapit agad kay Divine.

“Shhhhhh!  Shhhhhh!  Shhhhh! Ang ingay!” sambit ni Divine na nakapikit pa rin ang mga mata!

“Honey, wake up!  We’re all here.” Malumanay na sabi ni Jaime kay Divine.

Unti-unting dumilat ang mata ni Divine and was shocked to find out na ang dami palang tao sa kanyang kwarto.

“Ay sorry po.  Good morning docs.” Nahihiyang sambit ni Divine and she pulled the blacket till her neck.

“Guys, pwede bang iwanan niyo muna kami.  We just need to talk.” Sabi ni Jaime sa kasamahan.

Nagchorus ang mga ito sa pagsagot at isa-isang umalis sa kwarto ni Divine at solo na finally nina Jaime at Divine ang kwarto.

“Honey, how are you?” and he planted a kiss on her forehead.

“Jaime, anong nangyari?” nagtatakang tanong ni Divine kay Jaime.

Naintindihan ni Jaime kung bakit di matandaan ni Divine ang sagot niya sa parehong tanong nito kagabi kasi fully sedated ito kagabi.

“You’re pregnant Honey.  We’re going to have a baby.” Nakangiting sambit ni Jaime kay Divine.

“Ha?” at wala sa loob na nahawakan ang maliit pa na tiyan.  “Pero bakit ako nandito at bakit nakadextrose ako?”

“Muntik ka na kasing makunan Hon.  Dinugo ka kahapon at buti na lang at naagapan agad.” Pag-eexplain ni Jaime kay Divine.

Napa-iyak si Divine sa isiping iyon at hiwakan muli ang tiyan.

“Hey, tahan na.  Makakasama kay baby ang pag-iyak mo.  Tahan na please.” Pag-aalo ni Jaime kay Divine.

Pero di pa rin maawat ang pag-iyak ni Divine kaya niyakap na ito ni Jaime.

“Sinong nagdala sa akin sa hospital?  Wala akong matandaan eh.  Last kong tanda ay nilalagnat ako at humiga.” Paglalahad ni Divine sa huling natandaan.

“Ako ang naghatid sayo sa ospital.” Maikling sagot ni Jaime.

“Paanong ikaw?” naguguluhan pa rin si Divine.

“Bumalik ako sa inyo matapos kong mabasa ang liham na nasa loob ng box.” At nilabas ni Jaime ang velvet blue box at kinuha ang laman nun at isinuot kay Divine.

“Will you marry me Honey?” proposed ni Jaime.

Muling tumulo ang luha ni Divine at di na ito makapagsalita.

“The words inscribed in the ring are true and are for you.  I’ve had that engraved because that is how I felt towards you.  Please marry me Divine.  I promise to be a good husband and good father to our kids.”

“Please marry me.” Muling paki-usap ni Jaime kay Divine.

Hindi na sumagot si Divine pero niyakap na lang niya si Jaime.

“I thought you’ll never ask.  I thought you’ll never asked again!  Yes! Yes! Yes!” sabay halik sa fiancĂ©e.

Nagpalakpakan ang mga taong nasa labas ng kwarto ni Divine at isa isa ulit itong bumalik sa kwarto niya at binabati silang dalawa.

Nagpepresinta na agad si Dra. Bite na ninong at ninang daw sila ni Mr. T.  Niyakap ng mag-asawang Dr. Dan at Dra. Mye si Divine gayun din si Mama Lyn at Auntie Lhee.

Nag-uusap na ang mga matatanda sa details ng kasal.  Napangiti na lang sina Divine at Jaime.

Yumakap na din si D sa magsing-irog at sinabihang maligayang maligaya siya para sa dalawa.  Hindi nakaligtas sa pandinig ni Dr. Ives ang sinabi ni D kaya bumanat agad ito na “Sigurado kang happy ka nga para sa kanilang dalawa?”

“Utang na loob, tantanan mo na ang walang katuturang pagseselos sa amin ni Jaime pwede ba!” galit na sambit ni D sa asawa.

“Bakit hindi.  Sige nga aminin mo nga sa kanilang lahat ngayon ang totoo!” paghahamon na sabi ni Ives kay D.

“Tumahimik ka!” pinandilatan nito si Ives na tila nagpapachallenge kay Ives.

“Aminin mo sa kanila ang lahat lahat.” Paghahamon pa rin nito.

“Ano ang aaminin mo anak?” nababahalang tanong ni Dra. Bite sa anak.
“Wala Mom.  Huwag mong pansin ang sinasabi nyan.” Sagot ni D sa ina.

“Dr. Ives, pakilinaw nga ng sinasabi mo.” Tanong ni Dra. Bite this time kay Ives.

“Ives, please don’t.” pagsusumamo ni D kay Ives.

Huminga ng malalim si Ives.  Pagod na siyang maglihim kaya pinakawalan na niya ang pinakatago-tagong sekreto.

“Dra. Bite, your daughter and I are married.” Tila bombing sinabi ni Ives ang lihim at bigla na lang bumagsak si D at ito naman ang nagcollapse.

Nagkagulo na naman ang mga nandun pero ang newly engaged couples na sina Jaime at Divine ay walang pakialam at naghahalikan na ang dalawa.

**************************************************************

Makalipas ang isang buwan ay ikinasal sina Jaime at Divine sa civil at ikinasal ulit sa simbahan makalipas ang tatlong buwan.  At natupad nga ang napag-usapan dahil si Mr. T at Dra. Bite ang naging isa sa mga ninong at ninang.  Si D at Ives naman ay secondary sponsors. 

Pinakamaligay si Divine sa kasal niya dahil naihatid siya ng ama sa altar.  He is walking perfectly and looks very handsome in his three piece suit and cowboy hat.



****************************** W A K A S **********************************

4 comments:

  1. bitin.. sana may sequel! :P

    hahaha...
    ganda ng ending :]

    i like the whole story,
    salamat po sa pagsulat ng obra maestra ^^

    ReplyDelete
  2. Sis Acheena, I uber love your FFs. Each new FF you write surpasses that of the previous. PEro siyempre my all time favorites will always be "The Reunion & Maybe this Time"

    Thanks again for another beautiful Jaevon Story. Patuloy mong inubuhay ang pusong hiyas ko.
    I love JAEVON SCRIBES> : )

    vivian25ish from Jevon Pex thread, hope you still remember me, just saying, I'm one of your avid fans. : )

    ReplyDelete
  3. ano po ba ang mga title ng story about kina devon and james?

    ReplyDelete
  4. i just read this ff now lang. grabe i couldnt take my eyes off my computer. super ganda ng story! hands down talaga ko sayo Ms. Acheena! -IvyNuevaYork (twitter)

    ReplyDelete