Friday, May 27, 2011

LOVE CONNECTS

Love Connects
By: Athena Manzano – Tan – acheena21


(Disclaimer: Ang lahat ng pangyayari sa kwentong ito at pawang kathang-isip lamang ng may-akda at walang basehan sa mga totoong pangyayari.  At hindi na hawak ng may-akda kung sakali mang may mga naisulat sa kwento at nangyayari bigla sa totoong buhay.  The fiction contains matured scenarios kaya patnubay sa magulang ang kinakailangan para sa mga readers na under 18.  Minors, please be responsible in reading this fanfic.)


Chapter 1:

            “Vonita, saang lupalup ka na naman nagsusuot ha?  Kanina pa ako tumatawag sa cellphone pero di ka sumasagot!” nangagalaiti na sa galit ang nasa kabilang linya ng telepono at si Vonita o mas kilala sa tawag na Von ay inilayo na ang cellphone sa tenga at nakapikit ang isang mata at nakangiwi pa.

            “Ate, may pinuntahan lang po.  Huwag na kayong magalit.  Basta dadaanan ko naman yung pinapabili nyo sa akin mamaya promise.”

            Pero sige pa rin ang talak ng kausap ni Von sa kabilang linya kaya inilayo pa rin nito ang telepono at nagmake face na kunyari iniimitate yung kausap sa kabilang linya.

            “Vonita nakikinig ka ba sa sinasabi ko ha!  Vonita!” sigaw ni Ate Chrissy sa kanya.

            “Ate Chrissy ha nakakaraming Vonita ka na.  Von lang po ang pangalan ko.  Pag Vonita ka ng Vonita dyan, di ko dadaanan ang pinapabili mo.”

            “Ako’y huwag mong hamunin Vonita!  Baka gusto mong wala kang baon ng isang buwan!”

            “Si Ate Chrissy talaga di na mabiro.  Ok  lang po na Vonita basta kayo lang po tumatawag sa akin niyan.  Sige Te, basta pupuntahan ko mamaya talaga promise.  Babye na Te.” At kahit di pa tapos ang mga bilin ng nakatatandang kapatid ay ini-off na ni Von ang cellphone.

            “Whew!  Nabingi ako dun bigla ah.” Complain niya sa mga kasama na hindi mapigilang tuksuhin siya sa totoong pangalan.

            “Vonita, uwi ka na!”

            “Vonita, ang ganda mo!”

            “Baka gusto mong humiram ng mukha ng unggoy Lawrence ha!  Pero ikaw bestfriend, ok lang.” sabay kindat sa kaibigang si Matilda or mas kilala sa pangalang Mati matapos tingnan ng masama ang isa pa nilang kaibigang si Lawrence .

            “Bestfriend, masyado ka namang high blood dyan.  Chill lang Vonita!” di mapigilan nitong tuksuhin ang kaibigan na hindi na maipinta ang mukha.  Ang Lawrence naman ay bumulaghit ng tawa at nagchant pa ng Vonita.

            “Aray ko!” naputol ang pagtawa ni Lawrence nung bigla siyang binigyan ni Von ng isang jab sa tiyan.

            “Hindi lang yan ang aabutin mo pag di mo pa rin ako titigilang hayop ka!” pikon na talaga si Von sa biro nito sa kanya.

            Parang nakalimot si Lawrence sa kausap at muntik na niya itong sapakin din pero buti na lang napigilan ito ni Mati.

            “ Lawrence stop it!  Enough na nga sa biruan at nagkakasakitan na kayo.  Bestfriend, umuwi ka na lang para magawa mo na yung utos ni Ate Chrissy.  Bukas na lang tayo magkitakita muli kasi nagkakapikunan na kayo eh.”

            Parang nahimasmasan si Von sa sinabi ng kaibigan pero tiningnan pa rin niya ng masama si Lawrence lalo na nung makita niyang nakayakap si Mati dito.  Walang sabing umalis si Von at iniwanan ang dalawa.

            Unang naging magkaibigan actually sina Von at Lawrence .  Magkapitbahay silang dalawa at pumapasok sa iisang eskwelahan.  Nitong nagdaang taon ay nagtransfer naman ng school si Mati at dahil bagong salta at naging seatmate ni Von ay naging magkaibigan agad ang dalawa.

            Hindi naman sa ayaw ni Von ang pangalan niya.  May dahilan siya.  Siya ay pinanganak na babae pero may pusong maton.  Pero bakit nga ba nagkakaganito si Vonita?

            At an early age ay nasaksihan na ni Von ang pagmamalupit ng ama sa ina hanggang sa iniwanan sila nito para ipagpalit ang nanay niya sa isang mas batang japayuki.  Mas tumindi pa ang galit ni Von sa mga lalaki nung ang Ate Chrissy naman niya ang tinakbuhan ng lalaking nakabuntis dito.  Malayo ang agwat nila ng Ate Chrissy niya.  Sampung siya nung nasaksihan niya ang lahat ng iyon kaya dun nagnaumpisang mag-iba si Von at ang dating kikay na bata ay bigla na lang naging ilang sa mga lalaki at nagsimulang magdamit lalaki. 

            “Vonita, bakit lagi ka na lang ng nakapantalon o nakashorts ng mahaba at laging maluwag ang tshirt mo anak.  Ayaw mo bang magdamit ng pambabae?” nag-aalalalang tanong ng mama niya.

            Pero bago pa makasagot si Von ay ang ate na niya ang sumagot.

            “Hay nako Ma, mas maigi na yang nakadamit ng ganyan si bunso para di maligawan at maloko ng mga lalaki.  Vonita, ito lang ang tandaan mo, ang mga lalaki, salut yan.  Aamuin lang nila tayo at sasaktan.  Maging wise ka.  Huwag mong gamitin ang iyong puso kundi ang iyong utak.  Matuto ka sa nangyari sa amin ni Mama.” Litanya ni Ate Chrissy dahil nung mga oras na iyon ay galit na galit ito sa ama ng kanyang anak.

            Tumatak sa isip ni Von ang lahat ng sinabi ng kapatid kaya pinangako niya sa sarili na hindi siya kelan man masasaktan ng isang lalaki.  Pero despite her appearance ay hindi naman talaga siya pusong lalaki until nakilala niya si Mati.  Unang kita pa lang niya ay kay Mati ay magaan na ang loob niya dito.  Naging instant silang magkaibigan dahil likas na friendly din ito.  She’s one of the prettiest if not the most pretty girl in school at maraming nagkakagusto dito.

            Walang alam si Mati tungkol sa lihim niyang pagtingin dito.  Although hindi naman din tiyak ni Von kung pagmamahal ba ang nararamdaman niya kay Mati o dahil sa talagang gusto lang niya itong kaibigan.  Pero aaminin niyang nagagandahan siya dito.

            Si Lawrence naman ay kababata niya kaya kahit lalaki ito ay pinakikiharapan pa rin ni Von dahil kilala na niya ang ugali ng lalaki.  Malimit silang tuksuhin ni Lawrence dahil sa katorpehan nito ay pangalan ni Von ang sinabi nitong crush nung tanungin ito at gipitin ng mga kaklase.

            “Von, pasensya ka na ha kung pangalan mo ang sinabi ko na crush ko dahil ayaw akong tantanan nila Baldo eh.”

            Binatukan agad ni Von ang kaibigan.  “Eh tanga ka pala eh.  Bakit yun ang sinabi mo.  Di mo ba alam na di tayo talo ha?  Kahit kelan talaga lampa ka.” Galit na sambit niya.  Pero kahit na ganun ang kaibigan ay pinoprotektahan naman nila lagi ang isa’t-isa.  Nung kabataan nila ay medyo may pagkalampa si Lawrence pero nung tumungtong na sila ng high school at tumangkad na ito ay nag-iba na ang aura nito.  Nakagain na ito ng confidence pero bahag pa rin ang buntot nito pag si Von na ang galit or mas tamang sabihing pinagbibigyan lang nito lagi ang kaibigan.

            Tatlo man silang magkaibigan pero medyo complicado ng konti ang pagkakaibigan nila simula ng inamin ni Mati na may gusto ito kay Lawrence .

            “Bestfriend, love ko na yata siya…”

            “Huh?  Sinong love mo?” kunot noong tanong niya sa kaibigan nung minsan nasa isang bench sila ng school ground.  Nakahilig pa si Mati sa kanyang balikat nung sambitin nito ang mga katagang iyon and she said it dreamily.

            “He’s so cute bestfriend.  His eyes and his smile and ang talino pa.  Haay… I think I’m really in love now.”

            “Sino ba itong kumag na tinutukoy mo?” pero wala siyang matinong sagot na nakuha sa kaibigan.  Hindi matukoy ni Von kung sino ang gusto ng kaibigan.  Nagkataon kasi na halos puro lalaki ang mga nangunguna sa klase nila.

            “One of these days bestfriend… ituturo ko din sayo kung sino ang tinutukoy ko.   Tara na, uwi na tayo at para masimulan ko na siyang panaginipan.”

            “Ay sira na talaga ang utak mo!” himutok pa rin niya hanggang makarating sila ng gate.

            “Bye bestfriend.” At sa di inaasahan ay bigla siyang hinalikan ni Mati sa pisngi at nagflying kiss naman ito kay Lawrence na nasa tabi na pala ni Von.

            Wala sa loob na nahawakan ni Von ang pisnging hinalikan kanina ni Mati habang sinusundan ito ng tingin.

            “Sigurado ka ba diyan sa naramdaman mo sa kanya?” pukaw ni Lawrence sa kanya.

            Dahil sa kabiglaan ay nahampas niya ang kaibigan pero hindi ito natinag taliwas sa nangyayari dati.  Nanatili itong nakatayo sa tabi niya at seryoso siyang tiningnan.

            “Wala ka ng pakialam dun.  Bakit ang tagal mong dumating?”

            “Sagutin mo muna ang tanong ko.” Pangungulit ni Lawrence sa kanya.

            Kunot noo niyang hinarap si Lawrence at sinimangutan.  “Pwede ba mind your own business.  Halika na nga.  Uwi na tayo.” At pinaninindigan talaga niya ang hindi pagsagot sa mga tanong ni Lawrence.

            Gumradweyt sila ng high school ng hindi man lang naipagtapat ni Von ang totoong nadarama sa kaibigan.  Palaisipan pa rin sa kanya ang tinutukoy ni Mati na gusto nitong lalaki kasi hindi ito nagtapat sa kanya.

            Magkaiba na silang lahat ng kurso at pumapasok sa ibang school.  Minsan ay nakipagkita si Mati sa kanya at may hiniling.

            “Bestfriend, dapat dati ko pa itong pinagtatapat sa iyo.  I need your help.” Sabi ni Mati sa kanya.

            “Ano yun bestfriend?”

            “Alam ko kasi na ikaw lang ang tanging makakatulong sa akin sa pagkakataong ito.  Promise me first that you will help me.”

            “Ano nga muna yun.  Mahirap naman kasi na mangangako ako tapos di ko pala kaya di ba?”

            “I know kaya mo ito kaya nga sayo ko hihilingin eh.  Sige na please.”

            “Ano ba kasi yan?”

            “Tulungan mo naman ako kay Lawrence .” Parang bombang sumabog ang sinabi ni Mati sa kanya.

            “ Lawrence ?  Ano ang tungkol kay Lawrence ?  Bakit kailangan mo ang tulong ko sa kanya?  May ginawa bang masama ang kumag na iyon sayo?” nagpupuyos na sa galit si Von sa pag-aakalang may ginawang masama ito sa kaibigan.

            “No no no…. Don’t get me wrong.  What I’m telling you is ilakad mo ako kay Lawrence.  Bestfriend, antagal ko ng tinikis ang feelings ko sa kanya but when I saw him again yesterday sa school namin kasi nagperform yung dance group nila… ayun na… the same feeling went back where I left it off in high school.  He’s cuter now ha.  Lumalaki na ang katawan niya.  Basta love ko na siya ulit.  Sige na bestfriend, help me naman.  Please!!!!”

            Natigilan si Von sa pinatapad ni Mati.  Si Lawrence?  Si Lawrence pala ang tinutukoy nito nung minsang nag-uusap sila.   Bakit di man lang niya naisip iyon.

            “Bakit siya bestfriend?” hindi na napigilan ni Von na itanong yun.

            “Huh?  Why not him?  Oh my God friend, sana nakita mo kung gaano siya kagaling sumayaw and how cute he is now.  Please bestfriend….” At yumakap na si Mati sa kanya.

            “Si Lawrence????” piping sambit ng utak niya.



Chapter 2:


            “Si Lawrence?”  at lumabas na nga talaga sa bibig niya ang pagtataka.

            “Yes it’s Lawrence Best!  Come to think of it, matagal ko na pala siyang gusto.  And ngayon ata love ko na siya!”

            Mas lalong kumunot ang noo ni Von sa natuklasan.  Naguguluhan pa rin ang utak niya.

            “Si Lawrence?”

            “Hay nako ewan ko sayo.  Basta please please please tuklasin mo kung gusto rin ba ako ni Lawrence.  I caught him naman minsan that he’s looking at me.”

            “Best sigurado ka talaga na si Lawrence ang gusto mo?  Baka naman nilalagnat ka lang?” at kunyari dinama niya ang leeg ng kaibigan.

            “Ano ka ba Best, bulag lang ata ang di nakakapansin kay Lawrence.  Mabait, matalino, magaling sumayaw at higit sa lahat gwapo!”

            “Mabait? baka.... matalino? Walang duda!  Magaling sumayaw?  Ay mas magaling akong sumayaw nun.” Medyo naging mahina yung huling dinagdag niyang kataga.

            “Ano sabi mo Best?” pagtatanong ni Mati.

            “Ha?  Wala.  Gwapo?  Nagagwapuhan ka sa payatot na yun?”

            “Best, are you blind?  He’s really super duper cute!”

            Umikot na lang mata ni Von sabay iling.  “Cute si Lawrence eh mas lamang ako ng ilang paligo sa kanya ah!” pero sinarili na lang ni Von ang sinabi.

            “Best, sasayaw si Lawrence sa sabado, samahan mo naman ako please...”

            “Sa sabado?  Ay busy ako.  Di ako pwede.” Pero halatang nagdadahilan lang si Von.  Ewan niya kung bakit niya nasabi iyon kay Mati.

            “Akala ko ba bestfriend kita at susuportahan mo ako lagi.  Bakit ganito ka simpleng hiling ko sayo di mo ako mapagbigyan.” Nagtatampo na si Mati sa kaibigan dahil nahahalata nga nito na nagdadahilan lang siya.

            “Si Best talaga, di ka na mabiro.  Char lang yun.  Syempre naman sasamahan kita.  Gusto mo now na eh!”

            “Hay nako di bale na.  Magpapasama na lang ako sa iba.  Napipilitan ka lang eh.  Di bale na.” At akma na itong aalis pero pinigilan ni Von pero ayaw na siyang kausapin ng kaibigan kaya lumuhod na ito at nagmamakaawa.  Nung makakita pa ng bulaklak ng bougainvillea sa tabi ay kinuha at kunyari binigay ito kay Mati animo’y nanliligaw at nagsusumamong sagutin nito.

            Nagmamatigas pa rin si Mati pero maya-maya lang ay bumulaghit na ito ng tawa dahil sa ginagawa ng kaibigan.

            “Sira ka talaga Best.  Tumayo ka na nga diyan.  Tara kain na lang tayo ng halo-halo.  I’ll treat you.  Paunang bayad ko sa pagsama mo sa akin ngayong sabado.”

           
            
              Masusing sinusundan ng tingin ni Von si Lawrence habang naglalaro ito ng basketball kasama ng mga kapitbahay nila.  Aminado siya na magaling itong magbasketball.  Ito ang may hawak ng bola at kahit pawis na pawis ito ay nagmumukha pa rin itong malinis.  Medyo may kaputian si Lawrence at maamo ang mukha nito.  Di naman yung tipong parang bading sa kaamuhan pero yung tipong boyish or boy next door.  Plus factor pa nito ay ang below na minsanan lang kung lumitaw.  Maganda din ang mga mata nito.

            Naputol ang pagpuna ni Von kay Lawrence nung ang bola ay aksidenteng nahagis sa kanya.  Malakas siyang natamaan sa ulo kaya napalakas ang pagsigaw niya ng aray.  Bago pa mahimas ni Von ang tinamaang parte ng ulo na tinamaan ng bola ay nandun na si Lawrence at hinawakan ang kanyang ulo animo’y gustong pigilan ang pagbukol nito.

            “Pare, ok ka lang.  Saan ba ang masakit?” pag-aalala ni Lawrence at sinisipat ang ulo niya at tila hinahanap kung saan siya nabukulan.

            Nung dumaiti ang palad ni Lawrence sa kanyang ulo ay may kakaibang nadarama si Von.  Parang nanayo bigla ang lahat ng balahibo niya sa katawan kay mabilis niyang tinabig ang kamay nito sa takot na baka makakahalata ito.

            “Ano ba!  Di kasi kayo nag-iingat eh!” kunyari galit siya.

            “Pare naman.  Kasi naman bakit diyan ka pumwesto?” Sa ilalim kasi ng ring nakapwesto si Von.  Dahil sa pagmasid niya kanina kay Lawrence ay di niya namalayan ang paglapit ng bola sa kanya.

            “Eh dati naman akong diyan nakapwesto ah.  Ang sabihin mo sinandya mong tamaan ako.”

            “Ha?  Napakatino mong kausap talaga.  Naglalaro kami kaya paano mo nasabing sinadya kong tamaan ka.  At bakit ko gagawan yan aber?”

            Natameme si Von sa sagot ng kaibigan.  May punto nga naman ito.  Nawala kasi siya sa kunsentrasyon kanina dahil sa pagmamasid dito.

            “Pareng Von, kung saan saan kasi tumitingin yang mga mata mo kaya di mo nailagan ang bola.” Tudyo nung isa sa mga kalaro ni Lawrence.

            “Aba’y gago ka ah!” sabay hagis dito ng bola at akma itong susugurin pero pinigilan siya ni Lawrence.

            “Mga Pare, sub na muna.  Hahatid ko lang itong maton na ito pauwi.  Baka dumanak ang dugo dito ng wala sa oras eh.”

            “Ay gago ka rin ah.  Bitiwan mo nga ako!” muling tabig ni Von sa kamay ni Lawrence na umakbay sa kanya.  “Ang basa basa mo at umakbay ka sa aking gago ka!” at bago pa matangal ni Lawrence ang kamay niya ay nasuntok na ito ni Von sa tiyan.

            “Aray ko!  Masakit yun ah!  Bakit ba kasi ang hilig mong manapak!  Pwede naman tayong mag-usap ng maayos ah!” reklamo ni Lawrence.

            “Nako Pareng Lawrence, mukhang under de saya ka ata ah!” tudyo ng mga kalaro sa kanila.  Dahil sa narinig ay akma na namang susugod si Von.  May pagkagerilya talaga siya at pikon lagi sa mga biro.

            “Hep hep hep!  Tara na!  Hayaan mo na ang mga yan.  Binibiro ka lang eh!  Tara na Gabriella Silang!  Mga Pre mauna na kami.  Aamuin ko pa itong kumander ko!  Aray ko!” natatawang sambit ni Lawrence at muli na naman itong binigyan ng isang suntok sa tiyan ni Von.

            “Nakakarami ka na ah.  At masakit na yan.  Tara na!” Hinila na nito ang kaibigan papunta sa bench kung saan nandun ang gamit nito. 

            “Sandali lang ha magbibihis lang ako.” At bago pa siya makapagkumento ay hinubad na ni Lawrence ang suot na basang sando at kumuha ng tuwalya’t pinupasan ang basang katawan.  Habang ginagawa iyon ng kaibigan ay wala sa loob na sinusundan ng mga titig ni Von ang ginagawa nito. 

            “Walang hiya, hindi na payatot ang kumag na ito.  Kelan pa lumaki at naging firm ang katawan ng gagong ito.” Sigaw ng isip ni Von at muling napukaw ang kanyang atensyon nung makarinig ulit ng banat galing sa mga kasamahan ni Lawrence.

            “Pareng Von, ang laway mo tumulo na!  Pinagnanasahan mo si Pareng Lawrence!” at nakikitawa na rin ang iba pang mga nandun.

            Wala sa loob na napahiran ni Von ang bibig at parang napahiya sa ginawa dahil sa literal niyang pag intindi sa sinabi ng mga nandun.  Kunot ang noo at binigyan ng dirty fingers ang mga nandun para kahit papaano ay maipakita pa rin niyang matapang siya.  Hindi na niya hinintay si Lawrence at nagmamadaling nilisan ang basketball court.

            “Pare, hintay.  Kayo talaga!  Binibiro niyo lagi kaya ako ang napupuruhan eh!  Sige mga pare, bukas ulit.  Hoy Vonita hintay!”

           
            Nagmamadaling naglakad si Von.  Sa totoo lang ay napahiya siya kanina kaya mabilis siyang umalis sa lugar.  Tama ang pagpuna ng mga nandun kanina.  Totoo naman kasing tiningnan niya talaga ang kaibigan kanina.  Ito ang kauna-unahang pagkakataong nangyari ito.  Dati naman ay wala siyang pakialam sa hitsura ng kaibigan o kahit na sinong lalaki.  Pero di niya maintindihan ang sarili kanina kung bakit ganun ang ginawa niya.

            “Hindi!  Wala yun kanina.  Nagawa ko lang yun dahil sa impluwensiya ni Mati.  Tama dahil kay Mati.  Dahil sa sinabi ni Mati!” pagkukumbinsi at pagbigay ni Von ng justipikasyon sa ginawa kanina.

            Sa wakas ay naabutan din ni Lawrence ang kaibigang sing bilis ata ng tren kung maglakad.  Hangos na hangos na si Lawrence sa kakahabol nito at hinawakan niya ito para tumigil.  Habol nito ang hininga habang nakalagay ang kanang kamay nito sa balikat ni Von habang ang isa ay nasa dibdib na tila pinapakiramdaman ang bilis ng takbo ng puso nito.

 “Pare, ano bang nangyari sayo?  Ganun lang naman talaga ang mga iyon kaya huwag kang pikon.  Di ka pa ba nasanay sa mga biro nila?  Ang bilis mong naglakad ah.  Kanina pa kita tinatawag pero para kang bingi.  Tingnan mo nga o ang bilis ng tibok ng puso ko.” At inosente nitong kinuha ang kanyang kamay at inilagay sa dibdib nito.

Totoo ngang ang lakas ng tambol ng dibdib ni Lawrence at kasabay niyon ay ang pagtambol ng sariling pulso dahil sa paghawak nito sa kamay niya at ang pagdaiti ng palad niya sa dibdib nito.

Biglang binawi ni Von ang mga kamay sa pagkakahawak ni Lawrence.  At para dismulado ay pinalo niya ang braso nito ng malakas kaya napa-aray na naman ito.

“Nakakarami ka na talaga.  Isali na kaya kita dun sa boxing sa baranggay.” Reklamo nito.

Dahil sa sinabi ng kaibigan ay napabulaghit ng tawa bigla si Von.  Di niya maimagine ang sarili na sumali sa boxing.  Kahit ba “pusong lalaki” siya ay babae pa rin ang hubog ng kanyang katawan.  Payat at sexy siya kung tutuusin.

“Hay salamat at tumatawa ka na rin sa wakas.  Ok lang na dalawang beses mo akong sinuntok sa tiyan at ngayon hinampas ng pagkalakaslakas sa braso dahil tumawa ka na.  Thank you Lord!” sigaw ni Lawrence at itinaas pa ang mga kamay na animo’y nagpasalamat sa langit dahil sa pagtawa ng kaibigan.

“Sira!”

“Ako pa ngayon ang sira.  O sige ako na!  Ako na ang may sala ng lahat.  Happy ka na?  Pati pagpatay ni Rizal at Lapu-lapu aakuin ko na!”

Isang malutong nag ago ang pinakawalan ni Von sa kaibigan at muli silang nagkatawanan.  Inakbayan na siya ni Lawrence at ginulo ang buhok.

“Kahit kalian Pare pikon ka talaga.  Nagbibiro lang naman ang mga yun talaga.  Sakyan mo na lang.  Mababait naman ang mga iyon.  Tara punta tayo sa tindahan ni Aling Chedeng.  Libre kita ng softdrinks.”


Chapter 3:

Isa sa magandang katangian kay Lawrence ay magaling itong makipagkapwa tao despite sa estado nito sa buhay.  Mayaman sila Lawrence at ang bahay ng mga ito ay ang namumukod tanging malaking bahay sa lugar nina Von.  May gasoline station ang pamilya nito bukod pa sa iba pang negosyo ng mga magulang pero kahit na ganun man ay nanatili pa ring nakatapak pa rin ang mga paa nito sa lupa.  Wala itong pinipiling makahalubilo at sadya itong matulungin.

Hindi naman din mahirap ang pamilya ni Von pero di rin matuturing na mayaman.  Nakakaraos lang sa buhay.  Wala mang magarang sasakyan at magagandang gamit pero nakakakain din naman at nakakapamuhay ng maayos.  


Pero mataas ang pangarap ni Von.  Gusto niyang maging isang bantog na arkitekto sa hinaharap.  Ang Ate Chrissy niya ang nagpapaaral sa kanya at scholar din siya sa kolehiyong pinapasukan.  Nasa honor roll si Von kaya malaki-laki din ang bawas ng kanyang tuition fee ang incentive na binibigay ng school sa kanya.  Nagsisideline din si Von sa pagawa ng mga floor plans at pagcomputerize ng mga plano ng ibang arkitekto.  Kahit papaano ay maganda na ang trabaho ng kanyang Ate Chrissy.  


Nakapasok ito sa isang international company at dahil na rin sa taglay na sipag ay mabilis umangat ang position nito kaya napagpapatuloy ni Von ang pag-aaral.  Malaki ang ekspektasyon ng Ate Chrissy niya sa kanya.  Naipangako niya rito na siya na bahala sa pag-aaral ng anak ng Ate Chrissy niya pag nakapagtrabaho na siya matapos maipasa ang board exam.  


Ang mama naman nila ay isang mananahi ng damit ng bata at meron itong sinusupplayan na isang nagbebenta ng damit ng bata sa Baclaran.  Kung hindi sa makatuwang na pagsisikap ng kapatid at ina ay malabong makapag enrol ng architecture si Von.

Simula ng iwanan sila ng ama ay hindi na sila umasa sa ito.  Katunayan ay galit si Von sa ama.  Namumuhi siya dito.  Nagagalit siya sa pag-iwan nito sa kanila dahil lang sa walang kwentang japayuki.  Mas lalo pang tumindi ang galit ni Von sa mga lalaki nung makita ang pagmaltrato ng asawa ng Ate Chrissy niya nung malasing.  Nabigyan kasi ito ng isa pang pagkakataon ni Chrissy nung magmamakaawa ito na pakasalan ang babae para daw mabuo ang pamilya nila.  Kaso pagnalalasing nito ay nawawala naman ang katinuan. 

Kakarating lang niya galing sa paaralan nun nung makita niyang binubugbug nito ang kapatid na nagmamakaawa na para tumigil ito.  Lasing ang lalaki at buntis ang ate niya sa pangalawang pagkakataon.  Kung hindi niya naiharang ang sarili ay malamang natamaan ang tiyan ng Ate niya.

Mabuti na lang at nandun ang mga kapitbahay nila at tinulungan sila.  Pero natamaan na siya ng bayaw na hilaw sa tiyan kaya lupasay din siya sa sahig.  Ang tumulong sa kanila ay ang mga tropa ni Lawrence na rin na narinig ang ingay nila sa bahay.  Dahil na rin sa koneksyon ni Lawrence ay nakasuhan at nakulong ang lalaki.

“Von, atleast ngayon di na niya kayo guguluhin.  Huwag kang mag-alala, hangga’t nandito kami ng tropa, walang makakapanakit sa inyong mag-anak.” Pag-aassure ni Lawrence sa kanya habang ginagamot nito ang mga sugat na natamo niya sa pagsanga ng ginawa ng bayaw na hilaw kanina.

Tumulo ang mga luha ni Von sa sinabi ng kaibigan at dahil na rin sa sinapit kanina.

“Kung hindi ko nasanga ang mga sipa niya kanina baka nalaglag pa ang pamangkin.  Walang hiya ang taong yun, ang lakas sumipa.  Para nga atang nabalian pa ako ng buto kanina.”

“Masakit ba ang tiyan mo?  Gusto mo dalhin kita sa doktor?” pag-aalala ni Lawrence sa kaibigan.

“Huwag na siguro Pare.  Ipapahinga ko lang ito.  Pakisabi na lang sa tropa na maraming salamat sa pagtulong kanina ha.”

Inakbayan si Von ng kaibigan at naihilig na lang niya ang ulo sa dibdib nito.  Bakit sa tuwina’t may problema siya ay laging nandyan ang kaibigan para  sa kanya.  Close siya sa dalawang kaibigang sina Lawrence at Mati pero kakaiba talaga ang samahan nila Lawrence.



“Pare, matanong nga kita.... nagagandahan ka ba kay Mati?”

            Pero hindi sumagot ang tinatanong at ngumiti lang ito at ipinagpatuloy ang pag-inum ng softdrink.

            “Pre, seryoso ang tanong ko.” Muling tanong ni Von sa kaibigan.  Sisimulan niya ang pagtuklas kung may pag-asa ba si Mati dito.

            “Sino ba ang hindi nagagandahan sa mistisa aber?  Oo naman Pre, magandang maganda si Mati.” Sinabayan pa nito ng kindat ang sinabi.  Hindi maintindihan ni Von pero may nadarama siyang kaunting pagseselos sa natuklasan.  Di niya mawari kung kanino siya nagseselos. 

            “Ikaw Pare, nagagandahan ka ba kay Mati?” ganting tanong naman ni Lawrence sa kanya.

            “Obkors!  Gandang-ganda!” at kinikindatan pa niya ang kaibigan.

            “Pero alam mo Pre, kung maayusan ka lang ng konti ay maganda ka rin.”

            “May sinabi ka Pre?” tanong ni Von sa kaibigan dahil di niya narinig masyado ang sinabi nito.

            “Ah wala.  Sabi ko, di lang maganda si Mati kundi mabait pa.” Pagbibigay alibi ni Lawrence.

            Napa-isip si Von sa sinabi sa kaibigan.  Parang di magkatunong yung sinabi nito kanina na di niya masyadong narinig sa sinabi nito ngayon at ngayon lang.  Pero hinayaan na lang niya at nagpapatuloy sa paglalakad sa kaibigan.

            “Sa makatuwid ay crush mo siya?”

            “Sino ba ang hindi nagkakacrush kay Mati di ba?”

            “Mahal mo siya?” biglang nadulas na tanong niya.

            “Wow!!!! Grabe naman yang tanong mo.  Mahal na agad?  Oo mahal...mahal na presyo ng gasoline!  Teka, tumbukin mo na nga kung saan patutungo ang usapang ito?” di na nakatiis si Lawrence na tanungin.

            “Wala lang.  Gusto ko lang malaman kung type mo ba si Mati.  Marami kasing nagkakagusto dun.  Baka kako gusto mo rin siya at dahil malakas ka sa akin ay ilalakad...ay hindi...itatakbo at itatatumbling pa kita para sagutin ka niya.”

            “Sira ka talaga!  Maganda si Mati Pare pero di naman kami talo.  Kaibigan natin siya di ba at ika nga friends can be lovers but lovers can never be friends.  So sayang naman ang friendship di ba kung kunyari maging kami tapos magkakalabuan.  Tsaka... may iba akong gusto...” pero yung huling kataga ay parang murmur na lang na lumabas sa bibig ni Lawrenec.

            “Ano yung sinabi mo sa huli?  May ano ka?

            “Wala.  Bingi!  Este wala, wala akong sinabi.  Ikaw Pre, siguro crush mo si Mati ano?” tukso naman nito sa kanya.

            “Secret!” tawang sambit ni Von.  Pero iba ang tumatakbo sa isip niya.  “Anak ng tinapa!  Patay kang bata ka.  Mukhang mahihirapan ako nito sa pagpadrino kay Mati ah.  Mukhang hindi gusto ni kumag si ganda.  Paano na ito?  Paano na ang pangako ko kay Mati.  Hay nako Mati, kung ako na lang ba iniibig mo eh di wala ng problema.  Maganda pa man din ang tunog ng pangalan natin... MATIVON!  Pak na pak!”

            “Para kang timang Pre.  Tumatawa ka diyan.  May mga duwende bang kumikiliti sayo at nakangisi ka ha?” pabirong puna ni Lawrence sa kanya.

            “Hindi duwende Pre... mga uuod sa lupa.  Gusto mo pakiliti din kita?  Masarap ang feeling.” Tudyo niya dito.

            Pareho silang bumulaghit ng tawa at nagsimula ng maglakad pauwi matapos bayaran ni Lawrence ang softdrinks.



Chapter 4:


            “Best, akala ko di ka na darating eh.” Sabi ni Mati sa kanya sabay yakap.  Hinawakan o mas tamang sabihin hinila siya agad nito papunta sa kung saan nito gustong umupo na malapit sa stage.

            “Hindi ka naman atat na atat sa lagay na ya.  Hoy teka lang naman.  Hinayhinay naman sa paghila’t baka matanggal na ng tuluyan yang braso ko.”

            Humagikhik lang si Mati pero tuloy pa rin ito sa paglakad at paghawi ng mga nandun.  Puno ang gymnasium kung saan magpeperform ang grupo ni Lawrence.

            “Saan na kaya si Lawrence?  Nakita mo ba siya Best?”

            Umikot lang ang mata ni Von sa kakulitan at ka OAhan ng kaibigan.  At nakita nga niya ang hinahanap nito na tila hinahanap din sila.

            “Ayan na pala si Kumag o.  Pssst!  Hoy Pare nandito kami!” kaway niya dito.

            Biglang hinawakan ni Mati ang kamay niya at nanlalamig ito at nanginginig pa.  “Best, ang cute cute ni Lawrence.” Kinikilig na talaga si Mati pagkakita kay Lawrence na naka muscle shirt na puti at nakajogging pants. 

            “Hoy ano ba?  Para kang timang diyan.  Umayos ka nga.” Saway niya sa kaibigan pero hindi naman siya nito pinapakinggan at busy itong nagpapacute sa bagong dating.

            “Kanina pa ba kayo?  Mati, baka matanggal yan kamay ni Von sa kakahila mo ha.  Pre, buti sumama ka ngayon.  Akala ko ba hindi ka manunuod.  Muntik na akong magtampo sayo.” At sinabayan pa nito ng tawa ang sinabi.

            Tinaasan lang niya ito ng kilay at inirapan.

            “Mati, kahit kailan talaga suplada itong kaibigan natin.  Ihanap mo kaya ito ng syota para tumino.  Aray ko!!!!” at nabigyan na naman siyang muli ng isang malakas na palo sa tiyan ni Von.

            “Pare, nakakarami ka na sa akin ah.  One of these days ay sisingilin ko ang lahat ng pananakit mo sa akin.” Sabay kindat dito.

            Natigilan bigla si Von.  “Teka, sa anong paraan mo ako sisingilin?”

            “Secret.  Ikaw Mati will be the referee ok?” and he curled his knuckles at pinalandas ito sa ilalim ng baba ni Mati na sobrang ikinakilig ng huli.

            Hindi na maipinta ang mukha ni Von sa nasaksihan.  Pero nalilito siya kung kanino siya nagseselos.

            “Von, umayos ka!” lihim na saway niya sa sarili.

            “O cya tinawag na kami.  Antayin niyo ako mamaya ha.”

            “Best, nakita mo ginawa ni Lawrence sa akin?  Oh my God!  Ang sarap ng pakiramdam!  Haay love ko na talaga siya Best.  Basta Best tulungan mo ako sa kanya ha.”

            Parang wala na naman siyang narinig sa sinabi nito.  Pero nung sa bandang hula ay napatango na rin para tantanan siya ng nangungulit na kaibigan.

            Nung mag-umpisa na ang pagsayaw ng grupo ni Lawrence ay hindi na magkandamayaw si Mati sa pagtili.  Sikat ang grupo ni Lawrence at marami ang tumitili at sumisigaw ng “Lawrence I Love You!”  Narinig iyon ng huli at nginitian nito ang crowd sabay kindat na mas lalong ikinadagungdung ng tilian ng mga dalaga na nandun.

            Muling umakyat hanggang fifth floor ang kilay ni Von.  Di siya makapaniwala na ganun na pala kasikat ang kaibigan.  Maging si Mati ay di na rin maipinta ang mukha nung makitang dinumog si Lawrence ng mga babae pagkababa nito sa stage at nagpapapicture ang mga ito sa kanya na parang artista.

            “Ang lalandi naman ng mga girls na yan.  Kulang na lang halikan nila si Lawrence ah.”

            “Bakit Best, selos ka?” tudyo niya dito.

            “Oo!  Nagseselos ako.  Halika na nga Best, iwanan na nga natin yan.”

            At bago pa siya makasagot ay nagmartsa na ang inis na inis ng si Mati paalis ng gymnasium.  Nakita pala ni Lawrence iyon kaya nagpaalam na ito sa mga girls na gusto pa magpapicture at hinahabol sila.

            “Guys, hintay naman.  Akala ko ba sabay tayong aalis?  Bakit parang iiwanan niyo pa ata ako?”

            Pero sambakol pa rin ang mukha ni Mati at di tiningnan si Lawrence kaya si Von na nagkusang sumagot.

            “Kasi Pre, busying busy ka kanina kaya mauuna na sana kami.” At ininguso ni Von na nagtatampo si Mati dito.

            “Mati naman.  Huwag ka ng magalit.  Kanina ko pag gustong umalis dun kaso andaming gustong magpapicture eh.” Kung papakinggan ay parang boyfriend lang si Lawrence na nagexplain sa nagtatampong girlfriend.  Pero di pa rin natinag si Mati at nagtatampo pa rin kaya inakbayan na ito ni Lawrence at inalo.  Pero wala pa rin kaya hinawakan na nito ang magkabilang pisngi ng babae at itiningala na animo’y hahalikan.

            “Tumutululis na masyado ang bibig mo o.  Huwag ka ng magtampo.  Tara na, libre ko kayo ng pizza ni Pareng Von.” At binitiwan na ni Lawrence ang pagkakahawak ng sa mukha ni Mati at pinigot ang ilong nito nakaraniwan nitong gawin.

            Somehow disappointed si Mati dahil buong akala niya talaga ay hahalikan siya nito.  Si Von na lahat ng iyon ay nasaksihan ay di na rin maipinta ang mukha.  Isa lang ang gusto niyang gawin sa mga oras na iyon.  Pag-umpugin ang mga ulo ng dalawa at iwanan.

            “Aalis ba tayo at kakain o gusto niyong iwan ko kayo para magkaroon kayo ng oras maglambutsingan?” kunyari inip na si Von sa tagal nilang dalawa.

            “Oy Pareng Von, nandyan ka pala.” Biro ni Lawrence dito.

            “Oy Pareng Von, nandyan ka pala…. Ano ba ang plano niyong dalawa ha.  Kayo na lang ang kumain at uuwi na ako…”

            “Hep hep hep di ka na mabiro binibining pikon.  Tara na nga.” At sabay sila nitong inakbayan.

            “Ano ba.  Basang-basa ka tapos umaakbay ka.  Yung kili-kili mo nasa balikat ko.” Pag-iwas ni Von dito.  Pero taktika lang niya iyon dahil iba ang epekto ng presensya ni Lawrence sa kanya nitong mga nagdaang araw.

            “Ang arte arte nito.  Amuyin mo pa yan at ang bango.  Di ba Mati?” na nginitian nito ng ubod na tamis na gumanti din ito ng ngiti ng ganun.

            Ay ibahin mo ako.  Nandidiri ako!  Yuck!” at nagpatiuna na siyang naglakad pero inabutan pa rin siya ni Lawrence at muling inakbayan o mas tamang sabihing nakalock na siya sa mga bisig nito.

            Halakhakan na lang silang tatlo habang naglalakad at tumawid para makapunta na sa paboritong pizza house.


Chapter 5:

            “Ano bang mapapala mo sa kumag na iyon?  Paasahin ka lang niya at sasaktan.  Ako na lang ang piliin mo.  Ipapangako ko sayo na hinding hindi kita sasaktan.  Mahal na mahal kita Mati.  Please ako ang piliin mo.”

            “I’m really so sorry Von.  Mahal din naman kita pero mas mahal ko lang talaga si Lawrence.  Sana maintindihan mo ako.  Balang araw ay makakahanap na ka rin ng nararapat sayo.  Maging maligaya ka na lang please para sa amin ni Lawrence.”

            “Ang tanga tanga mo Mati.  Parepareho ang lahat ng lalaki.  Sasaktan ka lang nilang lahat.  Maniwala ka sa akin sasaktan ka lang nilang lahat.”

            “Von! Von! Gising Von!!!!!”

            Napabalikwas ng bangon si Von pero nauntog naman ang ulo niya dahil nasa loob pala siya ng sasakyan ni Lawrence.

            “Ano ba ang nangyari sayo?  Bakit ka sumisigaw?” nag-aalalang tanong ni Mati sa kaibigan na pinagpapawisan ng malalaki kahit na ang lamig ng aircon.

            “Pare, kasi naman huwag kang matulog ng busog dahil bangungut ang aabutin mo niyan.  Muntik ka na kanina ah.” Natatawang sambit ni Lawrence.  Hindi nito mapigilang tumawa dahil sa itsura ng kaibigan.

            “Ito o tubig.  Uminum ka muna.  Ungol ka ng ungol kanina at kanina pa kita ginigising ah.” Abot ni Mati sa kanya ng mineral water na dali-dali ding ininum ni Von dahil parang feeling niya namamaos siya sa kakasigaw.

            Matapos magpasalamat ay tahimik na umusod si Von sa bandang window side at tumingin sa labas.  Naging palaisipan sa kanya ang napanaginipan kanina.  Totoo kaya ang nadarama niya para kay Mati?  Pero bakit apektado siya sa presensya ni Lawrence.  Mas lalo siyang naguguluhan.

            Lingid sa kanyang kaalaman ay palihim palang sinundan ni Lawrence ang bawat kilos niya.  Nagpang-abot ang kanilang tingin at parang inihuwisyo nito kung ok lang ba siya.  Tumango siya para mapayapa ang kaibigan.

           
           
            Unang hinatid ni Lawrence si Mati at pinalipat siya nito sa harapan pagkatapos.  Tahimik nilang binabaybay ang EDSA pero di na rin nakatiis si Lawrence at tinanong na siya kung anong nangyari kanina lang.

            Hesistant nung una si Von na sabihin kay Lawrence ang napanaginipan pero nakumbinsi din siya nito pagkalipas ng ilang pangungulit.

            “Nanaginip ako tungkol sa ating tatlo.”

            “Na ano?”

            “Basta.”

            “Pare, sinabi mo na rin lang, sabihin mo na ng buo.”

            “Kasi nga daw inamin ko na kay Mati ang naramdaman ko sa kanya pero sinabi niya na mas gusto ka niya at ayun nagwala daw ako.  Ang weird ng panaginip ko ano?” at kunyari ay sinabayan niya ito ng tawa.

            “Pare, may itatanong lang ako sayo ha pero sana huwag mong mamasamain pero ok lang din na di mo sagutin.” Napagpasyahan nilang dalawa na mag-inuman na muna bago umuwi at pag-usapan ang nangyari sa kanya kanina.

            “Ano yun?” sabay tungga sa malamig na San Mig Light.

            “Totoong tibo ka ba o naguguluhan ka lang?” walang paligoy ligoy na sambit nito.

            Natigilan si Von.  Wala siyang maisagot kay Lawrence sa totoo lang. 

            “Sigurado ka ba sa naramdaman mo kay Mati o pagmamahal kapatid lang yan.  Yung tipong overprotective ka lang sa kanya dahil kaibigan mo siya.  Parang tayo.  Ako aaminin ko overprotective ako sa inyong dalawa dahil pareho kayong mahalaga sa akin.”

            Kibitbalikat lang ang isinagot ni Von sa sinabi ng kaibigan.

            “Dapat siguro Pre patawarin mo na ang lahat ng lalaki sa mundo.  Ang tatay mo at ang brother-in-law mo.  Hindi naman din kasi lahat ng tao pareho sa kanila.  Parang ako, ok naman tayo di ba.”

            Biglang suminghot si Von.  Hindi niya namalayan na tumutulo na pala ang kanyang luha.  Buti na lang ay bumili lang sila ng maiinum kanina at nagpark dun sa paborito nilang tambayan at dun nag inuman.

            “Ni minsan ba ay hindi ka talaga nagkakagusto sa isang lalaki?”

            Biglang natameme si Von at tila umurong ata ang mga luhang nagbabatyang lumabas sa walang prenong tanong ng kaibigan.

            “Anong klaseng tanong ba yan.  Alam mo naman ang kalagayan ko di ba.” Sa wakas ay nakuha na niyang sagutin ito.

            “Pero di mo pa rin sinagot ang tanong ko.  Minsan ba nagkagusto ka sa isang lalaki?” muling ungkat nito sa kanya.

            “Hindi ko alam.” Pag-iiwas na sagot niya.  Alangan naman kasing aaminin niyang si Lawrence ang nagpapabilis ng takbo ng puso niya.

            “Pare, may susubukan lang akong gawin at promise mo sa akin na hindi mo ako kakamuhian ha.  Testing lang ito.”

            “Ano yun…” pero bago matapos ni Von ang tanong ay sakop na ni Lawrence ang kanyang bibig at banayad siya nitong hinalikan.  Nashock man si Von nung una pero unti-unti namang pumipikit ang kanyang mga mata at wala sa loob na tinugun ang halik ni Lawrence.

            Tila nasarapan din si Lawrence sa ginagawa at mabilis nitong natangal ang sumbrerong suot ni Von at kinalas nito ang tali ng kanyang mahaba at tuwid na buhok.  Lawrence moved a little bit closer to Von and cupped her face so that he can gain more access on her lips.  Their kiss deepened at yung mga braso ni Lawrence ay nayakap na sa balingkinitang katawan ni Von at ang mga braso ni Von ay nakapulupot na rin sa leeg ni Lawrence.

            “Hoy!  Bawal maglambutchingan dito.” Sigaw ng nakaunipormeng mama sa kanila na nagflash pa ng flashlight.

            Natigilan si Von at nanlaki bigla ang mga mata nung mabista ang nagawa nila ni Lawrence.

            “Boss pasensya na.  Alis na po kami.  Sa inyo na po yang mga beer na naiwan.” Paghingi ng paumanhin ni Lawrence dito.

            “Boss Lawrence kayo pala yan.  Pasensya na po di ko kayo nakilala.” Paghiningi rin ng paumanhin ng guard.

            “Ok lang po.  Sige po aalis na kami.  Aasahan kong di makarating ang nangyayari sa amin ngayon sa iba.  Ok po?”

            “Opo opo.  Pasensya na po talaga.”

            Parang ice cream na natutunaw si Von sa mga sandaling iyon.  Gusto niyang lamunin na lang sana siya ng lupa at mawala bigla sa paningin ng kaibigan.  Nahihiya siya sa nangyari kanina.  Ano bang nangyari sa kanya at nakakalimot siya.

            “Sakay na.”

            Walang sabing sumakay siya at muling inayos ang buhok na natanggal ng tali at muling isinuot ang sombrero.  Pero pag-akyat ni Lawrence sa sasakyan at nakita ang ayos niya ay inagaw nito ang kanyang sombrero at muling kinalas ang pagkakatali ng kanyang buhok.

            “It’s looks better that way.  I think you don’t need to answer my question a while ago.  I got your answer already.  Pag-isipan mo ang nangyari kanina para matuklasan mo ang totoong ikaw.” At pinausad na nito ang sasakyan at inihatid siya sa bahay nila.

            Bago siya makababa ng sasakyan ay muli siyang hinalikan ni Lawrence at gaya ng dati ay hindi niya naiwasang tumugon dito pero sa muli ay biglang nahiya sa sarili sa ginagawa.

            “Pag-isipan mo yung sinabi ko ha.  Good night Vonita.  Simula sa araw na ito, Voni na ang tawag ko sayo.  Maliwanag ba?”

            Kung sa ibang pagkakataon ay maanghang na salita o mas worst ay nabatukan na niya ang kaibigan pero sa pagkakataong ito ay para siyang maamong tuta na sumusunod sa sinasabi nito.

            Pagdating niya sa kanila ay agad siyang pumasok sa kanyang silid at muling dinama ang mga labing nabinyagan ni Lawrence kanina lang.

            Masusi niyang tiningnan ang sarili sa salamin at parang dun pa lang niya napansin ang kabuohan.  Isa pa lang siyang babae na di rin matatawaran ang aking kagandahan.  Hindi man siya tisay gaya ni Mati pero maganda siya.

            Hinubad ni Voni ang suot na maluwag na pantaloon at tshirt at kumuha ng shorts at tanktop at napasinghap siya sa nasaksihan.  Ibang iba pala siya pag nagdadamit pambabae.  Nasa ganung akto siya nung mapasukan ng ina.

            “Hay salamat naman anak at naisipan mong magdamit pambabae na.  Teka lang ha, antayin mo ako.  May kukunin lang ako.” At nagmamadaling umalis ang mama niya at nagkukumahog na bumalik dahil sa dami ng bitbit na damit.

            “Anak tamang taman, may mga pinadalang damit ang tita mo.  Para daw sayo yan.  Sige na anak, isukat mo lahat.”  At binantayan nga talaga siya ng ina habang nagsusukat.  May mga ibang damit na pilit nitong pinapasuot sa kanya pero ayaw niyang suotin dahil masyadong pambabae pero marami din siyang nagustuhan sa bigay ng tita niya.  Matapos magpasalamat sa ina ay niligpit na rin niya ang gamit at nagsimula ng maghanda para sa pagtulog.

            Humiga na siya sa kama pero di pa rin siya dalawin ng antok at pilit pa ring bumabalik ang nangyari sa kanila ni Lawrence kanina.  Nagulantang si Voni nung nagring ang cellphone.

            “Si Lawrence…” natarantang sambit niya at di alam kung sasagutin ba ang telepono o hindi.



Chapter 6:


            Biglang tumahimik cellphone niya.  Napakawalan na niya ng tuluyan ang hininga.  Parang tumigil ang pagtibok ng puso niya kanina nung makita ang pangalan ni Lawrence sa screen ng cellphone.

            Isa, dalawa, tatlong pagtahip ng dibdib… parang nabibingi siya sa katahimikan ng kanyang kwarto sa mga oras na iyon.  Akmang hahawakan ang cellphone at bigla siyang nagulantang na muling nag ring ito.  Napahawak siya sa dibdib at nagbilang ng tatlo…

            Isa…dalawa… tat….

            “Vonita, ang ingay ng cellphone mo.  Pwede bang sagutin mo na yan?  Nambubulahaw ka ng mga kasambahay eh!” reklamo ng ate niya.

            “Sorry Te.  Ito na po sasagutin na po.” Pero di pa rin niya ito magawang sagutin kaso di naman umaalis ang ate niya kaya wala na siyang pagpipilian kundi sagutin ito.

            “Hello!” bulyaw niya sa kausap sa kabilang linya.  Sadyang nilakasan niya ang tinig para marinig ng ate niya na tila yun pa ang naging hudyat para siya iwan.

            “Hyper ka Pare ah.  Galit ka?” natatawang sagot ni Lawrence sa kabilang linya.

            “Hindi ah.”

            “Musta Pare?” may diin ang katagang Pare nung bigkasin ito ni Lawrence.

            “Bakit ka nangungumusta eh magkasama naman tayo kanina.  Anong atin?” paglilihis niya at pinipilit na gawing kaswal lang ang tono ng boses.

            Tumahimik ang kabilang linya.

            “Hello?  Hello? Hello? Wala ng tao.  O siya matutulog na ako.”

            “Teka lang Pare.  Sandali lang.”

            “Bakit ba?  Gabing-gabi na eh.  Inaantok na ako.” Pagdadahilan ni Voni sa kausap.

            “Talaga bang inaantok ka na o iniiwasan mo lang ako?”

            “Hindi ah.  Inaantok na talaga ako.  Bukas na tayo mag-usap ok?  Sige na babay!” at bago pa makasagot si Lawrence ay tinapos na ni Voni ang pag-uusap nila.  Nilagay din niya sa silent mode ang telepono para di na marinig ang tawag nito.  Pero nakikita at inaabangan niya ang pagtawag ni Lawrence.

            Walang humpay sa pag kislap ang screen ng kanyang telepono tanda ng pagtawag sa kanya ng binata.  Lumagpas na sa bilang ng kanyang daliri kung ilang beses itong tumawag.  Biglang tumigil ang pagkislap ng screen.  Natigilan din si Voni.  Kinuha ang telepono at tingnan, 17 missed calls.  Napangiti siya at nagulat pa nung isang text message ang natanggap at galing it okay Lawrence.

            “Alam kong di ka pa tulog pero sige bibigyan kita ng pagkakataong mag-isip.  Pero isa lang gustong sabihin sayo, hindi pa tayo tapos.  May part 2 pa yung nangyari kanina. Hehehe…. Good night.”

            Napangiti si Voni at wala sa loob na nadala ang cellphone malapit sa dibdib niya na tila niyayakap.  Humiga siyang may ngiti sa labi at wala sa loob na nadama muli ang kanina lang nahalikang mga labi.


            “Hoy Vonita, gising na!”

            “Ate naman.  Ang aga aga mong mangistorbo.  Sabado ngayon kaya walang pasok ah kaya pwede ba patulugin mo muna ako.” At muli siyang nagtalukbong sa ilalim ng kumot pero hinila naman ito ni Ate Chrissy.

            “Ano ba!” naiinis na talaga siya.  Naudlot kasi ang sanay muling paghahalikan nila ni Lawrence sa panaginip dahil sa pambubulahaw ng ate niya sa kanya.

            “Hoy Vonita, tumayo ka na diyan at may naghahanap sayo sa labas.  Bilis tayo na.” at dahil sa kakulitan ng ate niya ay nagdadabog na tumay si Voni at di na naalala man lang magsuklay or magbihis ng tama.

            Halos nakapikit pa ang mata niya dahil sa antok at sabog ang mahabang buhok at naka sando lang na manipis.  Kung sino man ang nang iistorbo sa kanya ng pagkaaga aga ay mananagot sa kanya talaga.

            “Sino ba ang….” Nanlaki ang kanyang mata nung makitang si Lawrence pala ang nasa labas.  Naka walking shorts ito at white polo shirt at ang bango at ang linis nitong tingnan.

            “Good morning.”

            Napasigaw si Voni at nagkukumahog na bumalik sa loob ng kwarto.  Narinig niya ang paghalakhak ni Lawrence at ng ate niya sa labas.  Lumakas na naman ang tambol ng kanyang dibdib pagkakita niya sa binata.

            “Vonita, lumabas ka nga dito at harapin mo ang bisita.  Nakakahiya ka ah.  Para kang bruhang lumabas.  Di ka man lang nakapagmumug.” Sabi ng ate kasabay ng paghalakhak nito.

            Iniawang ni Voni ang pintuan at sumungaw.

            “Pare, ang aga mo namang nambulahaw.  Anong atin?”

            Humahagikhik pa rin si Lawrence dahil sa nakitang pagkabalisa niya.  “Pre, samahan mo ako.  May pupuntahan lang tayo.  Pinagpaalam na kita kay Ate Chrissy at sa mama mo.”

            “Eh gago ka pala eh.  Bakit di mo sinabi sa akin kagabi.  Di pa ako nakaligo.” Inis na sambit niya.

            “Ok lang.  Eh di maghihintay ako.  Makikikain lang ako ng agahan dito sa inyo.  Ok lang ba Ate?”

            “Oo naman.  Vonita maligo ka na at dalian mo kasi papaliguan ko pa yung mga bata.”

            Muling sinarado ni Voni ang pintuan at nasabunutan ang buhok.  Nakakahiya ang hitsura niya kanina.  Para siyang si bruhilda dahil ang gulo ng buhok niya.  Nagmamadaling kinuha ang mga gamit para makapaligo.  Paglabas niya ng silid para pumunta sa banyo ay nandun si Lawrence sa hapagkainan at nakakamay na kumakain ng tuyo kasama ng ate niya’t mga pamangkin.  Nakikipagkulitan ito sa mga bata at tinuturuan yung bunso ng mga nursery rhymes.  Nakita niyang kinikiliti ni Lawrence ang bunso habang kumakanta ito ng Insy Winsy Spider.  Yung panganay naman ng ate niya ang siyang nangingiliti kay Lawrence dahil yung maliit na kamay daw nito ang spider. Napailing siya pero nakangiti habang papunta na sa banyo.


            “Saan ba tayo pupunta?”

            “Secret.”

            “Secret ka diyan.  Saan nga?” pangungulit ni Vonita kay Lawrence.

            “Maghintay ka lang kasi.  Ano pang silbi ng surprise kung sasabihin ko sayo.  Umupo ka lang dyan at maghintay kung saan kita dadalhin.  Ok?”

            “Ay ewan ko sayo.”

            “Nga pala, bagay sayo suot mo.  Tsaka dapat lagi nakalugay buhok mo.  Bagay sayo.” Kinindatan pa siya ni Lawrence..

            Di mapigilan ni Voni na mapangiti sa pagpuna ni Lawrence sa suot niya.  Nakashorts lang si Voni.  Bagaman hindi naman ito maiksing maiksi pero medyo may kaiksian kumpara sa lagi niyang sinusuot dati na laging lampas sa tuhod.  Naka tanktop din siya na puti na pinatungan naman ng longsleeve na plaid polo na nakatupi ang mga manggas.

            “Teka, parang ang layo na natin ah.  Saan ba talaga tayo pupunta?”

            “Sabi mo dati na di ka pa nakasakay ng kabayo di ba?  Eh di punta tayong Tagaytay para masubukan mo.  Game?”

            Mas lumapad ang ngiti ni Voni sa sinabi ni Lawrence.  Sa kanilang magkakaibigan, siya lang kasi ang di nakakasabay pag nag-uusap ang mga ito tungkol sa pagsakay ng kabayo.  At matagal na niyang sinasabi na gusto niyang makapunta ng Tagaytay para masubukan iyon.  Dun na sila kumain ng pananghalian at namasyal.  Namangka pa sila at syempre ang kumain ng pamosong bulalo ay di nakalimutan.

            Gabi na ng nakauwi sila pero wala silang napag-usapan tungkol sa kanilang dalawa.  Inienjoy lang nila ang samahan pero medyo nag-iba ng konti ang pakikitungo ni Lawrence sa kanya.  Bigla itong naging sobrang gentleman sa kanya.  Hinahayaan lang ito ni Voni o mas tamang sabihin na inienjoy niya ito.

            Hindi duon natapos ang mga samahan nila.  Mayroong nakikipaglaro sila ng basketball sa mga katropa ni Lawrence.  Kampi sila at si Voni lang ang natatanging babae na nandun.  Marunong maglaro si Voni ng basketball.  Katunayan ay magaling siya sa larong iyon.  Nung minsang napasahan ni Lawrence si Voni at nashoot niya ang bola na nagpapanalo sa team nila ay sinugod siya ni Lawrence at niyakap at binuhat.  Yumakap din siya sa lalaki dahil sa sobrang ligaya.  Kahit ang mga ka tropa nilang basang-basa sa pawis ay yumakap sa kanila ni Lawrence kaya ang maliit na si Voni ay napagitnaan ng mga barako at halos di na makahinga.

            “Ano ba!!!! Ang papawis niyong lahat!  Hindi ako makahinga!” sigaw ni Voni pero tumatawa naman.  Pero bigla na lang naangat si Voni sa lupa dahil binuhat na pala siya ng mga katropa at ipinarada.  Malaki kasi napanalunan nilang premyo.  Nakipagpustahan sila sa team ng kabilang baranggay.

            Di naman dapat talaga kasama si Voni pero kulang ng isa ang team nila dahil nirayuma ang isa nilang kasama at ang isa ay namamasada kaya wala silang nagawa kundi pasalihin siya para lang mabuo ang team.  At siya pa ang nagpapanalo sa team na nung panahong iyon ay pantay ang kanilang score.

            “May premyo ka sa akin bukas.” Bulong ni Lawrence sa kanya na halos idikit na nito ang mga labi sa pisngi niya.

            “Talaga?  Ano yun?”

            “Basta.  Malalaman mo bukas.”

            Kinabukasan ay sinundo siya ni Lawrence sa bahay ng bandang alas kwatro ng hapon at kinakabahan si Voni sa tinatahak nilang daan.  Di kaya sa…..

            At biglang napasigaw at nayakap ni Voni si Lawrence dahil dinala siya nito sa Araneta Colisium para manuod ng championship ng basketball at ang kupunan ay ang kanyang paboritong team.  Ang Baranggay Ginebra!

            Sobrang dikit ang laban at walang tigil sa pagsigaw sina Voni at Lawrence at nung maghanap ng face of the day ay kay Voni nakatutuk ang camera kaya bigla niyang natampal si Lawrence nung makita niya ang sarili sa screen.

            Nagchampion ang Baranggay Ginebra nung gabing iyon at kasabay nun ay ang pag-amin ni Voni sa sarili na may naramdaman siyang kakaiba kay Lawrence.



Chapter 7:

“Hello?  Mati!  Oo nanuod nga kami ng PBA ngayon.  Nagchampion ang Baranggay Ginebra!  Astig!”

“Bakit di niyo ako sinama?” halatang nagtatampo ang boses ni Mati sa kabilang linya na ikinamutla bigla ni Voni.

“Ha ah eh ewan ko dito kay Lawrence bigla na lang akong binitbit dito sa Araneta Coliseum.” Pinandidilatan niya ang nakangiting si Lawrence na animo’y sinabihan siyang lagot siya at nagpipigil din itong bumulaghit ng tawa.

“Bestfriend, sinabi mo na ba kay Lawrence tungkol dun sa pinapaki-usap ko sayo?”

“Tinityempuhan ko pa.  Bigyan mo muna ako sapat na panahon ok?” biglang sumeryoso ang mukha ni Voni at napansin yun ni Lawrence.  Tinalikuran ni Voni si Lawrence habang kausap niya si Mati.  Hindi nakita ni Voni ang iba bigla ng ekspresyon ng mukha ni Lawrence.  Bumuntung-hininga ito at biglang natigilan.

Puro tango at ok lang ang sunod na sinasabi ni Voni at tumagal pa ng sampung minutos ang usapan ng dalawa.  Nung humarap na ito ulit kay Lawrence ay nahalata ng binata ang pagbagsak ng balikat nito.

“May problema ba?”

“Ha?  Wala naman.”

“Bakit bigla kang nanlumo?  Inaway ka ba ni Mati?”

“Hindi ah.  Wala, may pinag-usapan lang kami.”

“Ah ganun ba.  Parang sobrang seryoso yung pinag-usapan ninyo ah.” Halata na gusto ni Lawrence na sabihin niya rito ang problema.

“Wala nga sabi.  Kain na tayo.  Gutom na ako eh.” At nag-umpisa ng pumapak ng manok si Voni at iniiwasan ang tingin kay Lawrence.  Naguguluhan siya kung paano niya sasabihin dito ang hiling ni Mati.  Gusto ni Mati na ipaalam na niya na gusto nito si Lawrence.  Kaso hindi niya alam kung paano sasabihin iyon kay Lawrence.  Hindi niya alam kung ilalakad ba niya si Mati.  Hindi rin niya alam na pagnilakad niya eh di ba siya masasaktan.  Pero kanino nga ba siya masasaktan?  Kay Mati or kay Lawrence.

Napabuntunghininga siya ng di namamalayan.

“Are you alright?”

“Oo nga sabi.  Kanina ka pa.  Hindi lang ako makahinga sa kabusugan.” Pagsisinungaling niya.

Kibit-balikat lang si Lawrence pero nagtataka ito kung paano sinabi ng kaibigan na busog ito samantala ay halos di pa nito nagalaw ang pagkain.

Pagkatapos nilang kumain at habang pauwi na sila ay halata pa rin ang pagkabalisa ni Voni kaya biglang ipinarada ni Lawrence ang dalang sasakyan sa eskinitang di kalayuan sa bahay nina Voni.

“Bakit tayo huminto?” nagtatanong tanong nito.

“Let’s talk.  Kanina pa kitang nahahalatang balisa.  Ano ba ang problema?” seryosong sambit ni Lawrence.

“Di nga ba kanina ko pa sinasabi sayo na wala nga.” Pag-iiwas pa rin ni Voni.

“Huwag na nga tayong magbolahan Pre.  Sabihin mo na sa akin at baka sakaling matulungan kita.”

“Hindi na.  Sige, uwi na ako.  Maglalakad na lang ako pauwi.” Akmang bubuksan ang pintuan pero naka lock pala ito at si Lawrence lang magkakapagbukas at hindi man lang ito natinag.

“Pwede buksan mo na ang lock?”

“No.  Mag-usap muna tayo bago ka umuwi.”

“Ang kulit mo talaga Pre.  Sabi ko nga wala di ba.”

“I don’t believe you.  Nagkakaganun ka lang pagkatapos mong kausapin si Mati.  Bakit?”

“Hindi ka rin makulit ano?” sambit niya na tila sumuko na rin sa pagiging pursigido nito.  Nginitian lang siya ng huli.

Bumuntunghininga muna si Voni bago nagsimulang magsalita.

“Pare kasi ganito yan, paano ko ba sasabihin…. Hmmmmnnnn hay nako…kasi ganito yan… matagal ng may gusto si Mati sayo at gusto niyang kausapin daw kita tungkol dun.” Tinititigan niya ang reaksyon ng kaibigan habang sinalaysay ang sinabi ni Mati pero nanatiling walang expression ito.

“O tapos?”

“At yun na nga, gusto niya daw ilakad ko siya sayo.  Pre, ano, may pag-asa ba na maging kayo ni Mati kung sakali?” ngumiti siya pero halata pa rin ang panlulumo ng boses niya.

“Kung sakali ba ok lang sayo?” balik tanong nito sa kanya.  She became speechless pero sandali lang iyon at muli siyang nakabawi at sumagot.

“Oo naman.  Bakit naman hindi.”

“Ano ngayon gusto mong gawin ko?”

“Ha?  Ewan ko sayo.”

“Gusto mo ligawan ko ang kaibigan mo?  Paano naman ikaw?”

“Paanong ako?  Ibig mong sabihin, paano yung naramdaman ko kay Mati?  Wala na yun Pare.”

“Willing kang isakripisyo ang nadarama mo sa kanya?” akmang sasagot sana si Voni pero muling nagpatuloy sa pag-sasalita si Lawrence.  “Willing kang igive-up ang kaligayahan mo para sa kanya?  Paano tayong dalawa?  Hindi ba maging unfair yun kay Mati kung liligaw ko siya pero iba pala ang tinitibok nitong puso ko? Seryoso siyang tinititigan ni Lawrence sa pagkakataong iyon.  

Pang biglang may nagpyesta sa kalooban ni Voni pero paano naman si Mati?

“May iba ka bang mahal?  Akala ko ba wala kang girlfri….” Pero bago pa niya matapos ang sasabihin ay sinakup na Lawrence ang kanyang mga labi.  Nanlaki muli ang kanyang mata gaya nung una siyang hinalikan nito pero gayun pa man ay unti-unti na namang bumaba ang kanyang mga talukap at ninamnam din ang sarap na dulot ng halik ni Lawrence.

“I love you Voni.  Matagal na kitang minahal.” He said in between kisses.

Pagkarinig ni Voni sa tinuran ni Lawrence ay bigla siyang natigilan.  “Ma..mahal mo ako?” hindi siya makapaniwala sa narinig.

Tumango si Lawrence at ngumiti. 

“Paanong nangyari?  Bakit mo nasabi?  Teka lang, bakit….” Hindi na niya natuloy ang patanong dahil muli siyang kinabig ni Lawrence para matahimik.

“Matagal na.  Matagal na matagal na.  Nung high school pa tayo ay minahal na kita.  Hindi ko nga maintindihan kung bakit di mo napapansin eh.  At di ako naniniwala na pusong lalaki ka.  Ako naman ang magtatanong sayo, mahal mo rin ba ako?”

Hindi umimik si Voni pero halata ang pamumula nito sa tanong ni Lawrence.  Akma siyang sasagot pero Lawrence silenced her.  

“You don’t have to say.  I can feel that you love me too.”

“Conceited ka.” Nakangiting sambit niya.

“Bakit hindi ba totoo?  Aminin mo na.  Mahal mo rin ako ano?” sabay kindat ni Lawrence sa kanya.

“Ewan ko!” pag-iiwas niya pero muli siyang hinawakan ni Lawrence.  Actually, hinwakan nito ang kayang mukha at inilapit sa sariling mukha.

“Aminin mo… now na.” sabay halik sa kanya.

“Ano ba…” pero di pa rin binitawan ni Lawrence ang mukha niya hangga’t umamin siya.

“Oo na!  Mahal din kita.  Happy ka na?” nakangiting sambit niya.

Napayahoo si Lawrence at kinabig siya nito upang yakapin at muling kinantalan ng halik ang kanyang mga labi.

“So tayo na ha.  Wala ng bawian ito.”

“Ewan.  Pababain mo na ako.”

“Mag I love you ka muna.”

“Ano ako bali?  Sige na buksan mo na ang lock.”

“Nope!  Say it first!”

“Ang kulit mo talaga.  Oo nga… I love you.  Pwede?”

Saka pa lang nag click ang lock ng pintuan at akma na siyang bababa ng muli siya nitong hawakan at muling hinalikan at nag good night sa kanya.

Naiiling na lang si Voni habang bumaba ng sasakyan.  Hindi niya maitago ang ngiti sa mga labi at pilit niyang kinukubli ang kilig na nadarama.  Nagulantang siya nung biglang may bumusina sa likod niya at si Lawrence pa rin pala ito.  Nagbukas ito ng bintana sa gawi niya.

“Psssssttttt mahal…. Ingat ka.  I love you…”

“Tumigil ka na!  Ang ingay mo!  Alis na.” saway niya dito.

Nagflying kiss pa muli ito bago tuluyang umalis.

Pagdating na pagdating pa lang ni Voni sa bahay nila ay muling tumawag si Lawrence at magdamag muli silang nag-uusap sa telepono kahit na sandali lang silang nagkahiwalay.



Chapter 8:

Matuling umusad ang mga araw at pinakiusapan ni Voni si Lawrence na ilihim na muna nila ang relasyon kay Mati kasi hindi niya alam kung paano ito tatanggapin ng kaibigan.

Isang hapon ay sinadya siya ni Mati sa school at halatang galing ito sa pag-iiyak.

“Bestfriend, ok ka lang ba?” nababahalang tanong niya rito.

“Hindi ako ok Bestfriend.  Nagkita kami ni Lawrence kahapon inamin ko sa kanya ang feelings ko pero inayawan niya ako.” Nagsimula ng tumulo ang mga luha ni Mati.

Hindi makakibo si Voni.  Kinakain siya ng kunsensya dahil alam niyang siya ang dahilan ng lahat.

“Parang kapatid lang daw ang tingin niya sa akin.  Na may iba daw siyang mahal.  Bakit ganun Bestfriend, akala ko talaga gusto din ako ni Lawrence kasi magiliw siya sa akin eh.” 

“Tapos nung tanungin ko sa kanya kung sino ang babaeng gusto niya… ayaw niyang sabihin sa akin.  And then nalaman ko na lang na girlfriend na pala niya ang girl na yun.  Ang sakit-sakit Bestfriend.  Ang sakit-sakit.  Matagal ko ng mahal si Lawrence.  Bakit hindi niya ako mahal?” she said in between sobs.  Medyo nababahala na si Voni sa kalagayan ng kaibigan dahil tila nahihirapan na itong huminga.

“Aaaarrrrrggggg….” Sabay sapo ni Mati sa kanyang dibdib.

“Mati, ok ka lang?” nababahala na si Voni.  Nagpapanic na ang kanyang kalooban dahil sa nakaksihang nangyayari sa kaibigan.

“Aaaarrrggggg sumisikip ang dibdib ko Von.  Hindi ako makahing…” at biglang nawalan ng ulirat si Mati at buti na lang ay nasalo ito ni Voni bago ito bumagsak sa lupa.

“Mati!!!!!!!!!!!!”



“Anong nangyari?”

Nung makita ni Voni na si Lawrence ang dumating ay di niya napigilan ang sarili na yumakap dito at humagulgul.  Mabilis niyang isinugod sa ospital si Mati.  Ngayon lang niya napag-alaman na may sakit pala ito sa puso at bawal mapagod kaya bigla itong nagcollapse.  Mas lalo siyang kinakain ng kunsensya sa nalaman.

“Hey, anong nangyari?  Nasaan si Mati?” tanong ni Lawrence sa kanya habang hinawi nito ang mga buhok na tumatabing sa kanyang mukha na hilam sa luha.  Pinahiran nito ang mga luhang iyon ng kamay at muli siyang niyakap ng mahigpit.

“Nandun si Mati sa ER.  Nandun na ang kanyang mga magulang.  Nagcollapse siya kanina sapo ang kanyang dibdib.  May sakit pala sa puso si Mati ng di ko man lang nalaman.  Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyaring masama sa kanya.”

“Ssshhhh sshhhh tahan na.  Tama na.  Huwag ka ng umiyak.  Baka ikaw naman ang magkakasakit niyan.  Please stop crying.” Alo ni Lawrence sa lihim na kasintahan.

“Lawrence, kasalanan ko ito eh.  Kasi… kasi….”

“Ssssshhhhhh, wala kang kasalanan.  Tara puntahan natin si Mati at tingnan natin ang kalagayan niya.”  Nagpatianod na rin si Voni sa paghila sa kanyan ni Lawrence papunta kung saan nandun si Mati.

Matapos magbigay galang sa mga magulang ni Mati ay kinakausap sila ng mga ito at dun kwenento ng Mommy ni Mati na matagal ng may sakit si Mati sa puso kaya yun ang rason kung bakit nagcollapse ito.

“These past few days ay lagi siyang nakakaramdam ng paninikip ng dibdib.  Actually, after graduation ay balak na naming dalhin si Mati sa states para ipagamot dun.  May alam ba kayo kung bakit siya nagkakaganun kanina?”

Hindi kayang aminin ni Voni ang totoong nangyari kaya minabuti niyang umiling na lang.  Nanatiling tahimik lang din si Lawrence.

May dumating na doctor at ibinalita sa kanila na pwede ng ilipat sa private room si Mati.  Kasalukuyang natutulog si Mati na nakasalang ang oxygen sa kanyang ilong.  Awang-awa si Voni sa kalagayan ng kaibigan.

“Umuwi na rin kayo para makapagpahinga.  Baka kayo naman ang magkakasakit.  Kami na bahala kay Mati.  Von, thank you for bringing Mati sa hospital ha.  You’re really a true friend to her.”

Tumango si Von at nagpaalam na silang pareho sa mga magulang ni Mati.  Hinaplos niya ang braso ng kaibigan and silently, she was telling her that she is sorry.  At dahil dun ay muling tumulo ang kanyang mga luha.

Inakbayan siya ni Lawrence at inakay na sa labas.



Tahimik silang pareho nung nasa sasakyan na sila ni Lawrence na nasa basement ng ospital.

“Ano ba ang nangyari?” di nakatiis si Lawrence at nagtanong na ito sa kanya.

“Galing ba si Mati sayo kanina?”

“Oo.”

“Ano ba ang sinabi mo sa kanya?”

“I told her the truth.”

Muling napaiyak si Voni.  Paano kung natuluyan si Mati kanina?  Kaya bang dalhin ng kunsensya niya na siya pala yung babaeng dahilan ng kalungkutan nito.

“Nakukunsensya ako Lawrence.” Muling nanalaytay ang mga luha sa pisngi ni Voni.

“Nakukunsensya saan?” kunot-noong tanong ni Lawrence sa kanya.

“Sa nangyari kay Mati.  Paano kung napuruhan siya?  Paano kung nalaman niya na ako pala ang girlfriend mo?  Paano kung natuluyan siya kanina?” and just the thought of it makes Voni cried harder.

“Hey tahan na.  Baka ikaw naman ang magkakasakit niyan.  Tahan na Mahal please.”

“Paano kaya kung malalaman ni Mati ang totoo?  Hindi niya kakayin iyon.  Oh my God, what if… kasalanan ko ang lahat ng ito eh.  Kasi sa halip na tulungan ko siya eh ako pa ang naging girlfriend mo.” May panic na sa boses ni Voni.


“Ssssshhhhh wala kang kasalanan.  Wala tayong kasalanan.  Hindi ko naman pwedeng pilitin ang sarili ko.  Ikaw ang mahal ko at hindi siya ok.  Tandaan mo yan.  Halika, ihahatid na kita pauwi para makapagpahinga ka na rin.”


Ang sunod na nangyayari ay nagbigay daan para makabuo ng pasya si Voni sa mangyayari sa kanilang tatlo.

Nasilayan niyang nandun si Lawrence sa kwarto ni Mati at naulingan niyang tila may babaeng umiiyak.

“No! No! No!  Mahal na mahal kita Lawrence.  Please don’t leave me!” umiiyak na sambit ni Mati habang nakayakap ito sa mga braso ni Lawrence.

Nasa may pintuan si Voni at hindi niya magawang pumasok sa kwarto at nakikinig lang sa dalawa.

“Please stop crying Mati.  Makakasama sayo ang sobrang pag-iyak.”

“No!  I wanna die na!  Kung di mo lang din ako mamahalin, I’d rather die na lang.” hagulgul pa rin nito.

Nisuklay na tuloy ni Lawrence ang buhok sa inis.  Ayaw naman talaga nitong pumunta sa ospital pero ipinatawag ito ng mga magulang ni Mati dahil gusto daw itong makausap ng dalaga.  Iniwan sila saglit ng mga ito at bumili ng pagkain

“Mati, maawa ka naman.  Hindi naman pwede ang ganito.  Please, magpahinga ka na.  Saka tayo mag-usap pag magaling ka na.” paki-usap ni Lawrence dito pero sige pa rin ito sa pag-iyak hanggang nahihirapan na naman itong huminga kaya dali daling tumawag ng doctor si Voni.

Pagdating ng mga doctor ay tinurukan agad ng pampakalma si Mati at muli itong nakatulog.  Tyempo naman dumating ang mga magulang nito.

“What happened?”

“Nahirapan po muling huminga si Mati.”

“Sir and Mam, maipapayo ko lang po ay dapat iwasan ni Mati na mastress at kailangan na talagang maoperahan siya sa lalong madaling panahon.  Sana nitong mga darating na araw ay pagbibigyan natin si Mati sa mga gusto niya.  Bawal siyang malungkot o mastress kasi hindi natin tiyak kung kakayanin ba ng katawan niya ang sunod na atake.”

Muling napaiyak ang mommy ni Mati sa sinabi ng doctor.  Nanlamig si Lawrence at Voni naman ay namutla.  Pagkaalis ng doctor ay kinausap ng mommy ni Mati silang dalawa.

“May ipapaki-usap sana ako sa inyong dalawa lalo na sayo Lawrence.  Mati likes you very much.  Can you visit and be nice to her until we can bring her to the states?  I need her to be healthy before I can bring her there.  Ayaw kitang pangunahan pero alam kong mahal na mahal ka ng anak ko.  Paki-usap ko sana ay dalawin mo siya ang make her happy kahit hanggang sa bago lang kami umalis papuntang America.  Pwede ba yun Iho?”

Nananatiling tahimik si Lawrence at nakikita ni Voni ang desperasyon ng magulang ni Mati kaya siya na ang sumagot para sa kasintahan.

“Tita, kakausapin ko lang muna si Lawrence pero makaasa po kayo na tutulungan po namin si Mati na gumaling.  Aalis na po kami.”


Chapter 9:

“Why do you have to do that?” galit na tanong ni Lawrence sa kanya.

“Kailangang tulungan natin si Mati.  Hindi kakayanin ng kunsensya ko kung may mangyaring masama sa kanya.” Matigas na sambit ni Voni.

“Bakit mo ako pinapangunahan?  This is my life and I do whatever I want with it.  Anong gusto mong gawin ko ha?  Magsinungaling sa kanya?” tumataas na ang boses ni Lawrence.

Matapos nilang umalis sa ospital ay kinausap niya ito at sinabihan na maghiwalay na sila dahil kay Mati.  Gusto ni Voni na pakikitunguhan niya ng maayos si Mati at alagaan ito ng huli.  Pero ayaw pumayag ni Lawrence.

“Tingin mo ba makakatulong sa kanya ang pagsisinungaling?  Bakit ka ganun?  Imbes na ipaglaban mo ang karapatan mo sa akin ay pinamimigay mo ako.” Sumbat nito sa kanya.

“Dahil mahal ko rin si Mati.  Gaano ba kahirap ang tulungan siya ha?  Isasakripisyo ko ang lahat para lang mabuhay ang kaibigan ko!” ganting sigaw niya dito.

“Pati ako ipamimigay mo?  Paano naman ako?  Isinalang-alang mo ba ang maari kong maramdaman?”

“Lawrence please.  Tulungan mo si Mati.  Maawa ka sa kanya.” 

“Great!  This is fuckin great!  I love you, you love her and she loves me!  What the hell is wrong with us?”

“Lawrence please.” Pero tinabing ni Lawrence ang kamay niya.  Nagpupuyos ito sa galit dahil sa pinakiusap nito sa kanya.  

Napaluhod si Voni sa kinatatayuan at nanlumong umiiyak.  Kahit ayaw ng puso niyang pakawalan si Lawrence pero kung ito lang ang tanging makakadugtong ng buhay ni Mati ay gagawin niya.

Nasa ganung ayos siya nung may maramdamang yumakap sa kanya.  Si Lawrence pala iyong na pareho niya ay nakaluhod na rin.  Niyakap siya nito sa likod at umiiyak itong nakiki-usap na huwag silang maghiwalay pero buo na ang pasya ni Voni.  Tumayo siya at kinalas ang pagkakayakap ni Lawrence at nagsimulang maglakad palayo sa binata.

Humabol si Lawrence at muli siyang niyakap nito kahit na nagpupumiglas siya.  Mahigpit man ang pagkakayakap ni Lawrence kay Voni ay nagawa pa rin niyang kumalas dito.

“Paalam Lawrence.  Maraming salamat sa friendship at sa magmamahal.  Hindi hindi kita makakalimutan.”

“Voni, tandaan mo ang araw na ito.  Ito ang araw ng pinatay mo ang puso ko.” Walang sabing iniwanan siya nito.  Narinig na lang ni Voni ang pagharurut ng sasakyan ni Lawrence.  Iniwan siya nito sa parking lot.  

Makalipas ang ilang sandali ay saka pa lang muling napaluhod si Voni at naglulupasay sa kakaiyak.  Saka pa lang nagsink-in sa kanya ang nagawa.


Sa mgs sumunod na araw ay nag-iiwasan silang dalawa.  Pumupunta siya sa ospital para bisitahin si Mati pag-alam niyang may klase si Lawrence at malamang gayun din ang ginagawa ng huli.

Pero isang araw bago lumabas ng ospital si Mati ay naulingan niya ang masayang boses ni Mati na tila ba excited ito.

Huli na para umatras kasi nakita na siya ng kaibigan.

“Voni, halika ka.  Pasok ka.  I have good news for you.” Nakangiting sambit nito.

Bumilis bigla ang takbo ng puso ni Voni nung mapasino ang kausap ni Mati.  Si Lawrence pala.  Dun lang niya napansin na magkahinang pala ang mga daliri ng dalawa.

“Bestfriend, may good news ako sayo.  Guess what, kami na ni Lawrence.  Sinagot na niya ako!”

“Huwag kang bibigay Voni.  Umayos ka.” Sigaw ng isip niya.  “Say something!” dagdag pa ng isip niya.

“Really!  Wow!  Galing naman.  Finally!  Congratulations.  Ah Mati, hinatid ko lang pala itong requirements mo gaya ng sabi mo.  Aalis na rin ako ha.  May pupuntahan ako.  Baka aalis na yung kausap ko eh.” Pagdadahilan niya.

“Ha?  Bakit naman aalis ka kaagad.  Kakarating mo lang eh.  Nakakainis ka naman.” Reklamo ni Mati pero nanatiling tahimik lang si Lawrence.

“Sorry na talaga Bestfriend.  Babawi ako next time ok.  I have to go.  Pare, mauna na ako.” Pakunswelo niyang sabi kay Lawrence na tango lang ang isinagot sa kanya.

Nagmamadali siyang umalis sa kwarto ni Mati kasi parang siya naman ang sinikipan ng dibdib.  Parang nangalay bigla ang kanyang binti kaya umupo muna siya sa hilera ng upuan na malapit sa vendo machine at dun ibinuhos ang kanina tpang pinigilang mga luha.

“Are you happy now?” sarkastikong sambit ni Lawrence.

“Lawrence…”

“I hope what you know now makes you happy.  I hate you and I’m sorry that I ever loved you.” Matigas na sambit nito at iniwanan siya.

Mas lalong napahagulgul si Voni sa sinabi ni Lawrence.  She has to get out of the place.  Kahit hindi pa matatag ang binti ay pinilit niyang tumayo at umalis sa lugar na iyon.

“Goodbye Lawrence… Goodbye Mati.”




Chapter 10:

           
            6 years later....

            “Hoy!  Tayo na diyan.  Lunch na.  Kain na muna tayo!”

            “Nakakagulat ka naman eh!  Sige mauna ka na.  Di pa ako tapos eh.  Kailangan na ito mamayang gabi.”

            “Tara na!  Sandali lang naman tayo eh.” At hinihila na siya nito sa upuan.

            Bumuntung-hininga muna si Voni tanda ng pagsuko.  “Wala ka talagang katulad sa kakulitan ano?” pero nakangiti naman siya.  “Sige na nga pero sandali lang tayo ha.  Kailangan ko talaga itong tapusin kasi bukas na ang presentation natin sa client di ba?”

            Ngumiti ang nagyaya sa kanyang kumain at nung tumayo na siya ay inakbayan siya nito at sabay na silang bumaba papunta sa isang fastfood joint sa baba ng building.

            “Malapit na ba matapos ang ginagawa mong revision?  Akala ko ba kahapon tapos na yan?  Nung huli mong kwento sa akin ay sabi mo pa nga eh makakapagpahinga ka na pero bakit parang hinahabol ka na naman ng sampung kabayo sa pagmamadali?”

            “May konti pang pinarevise si Boss.  Tumawag daw yung client kagabi at may pinabago daw.  Nakakainis na sa totoo lang ha.  Nakailang revision na rin sila.” Di na talaga mapigilan ni Voni na magreklamo.  “At ang mahirap kasi di naman talaga ako nag-umpisa ng project na ito kaya di ko man lang nakausap ang client.  Nasa abroad daw eh and si Boss lang laging kinakausap.  So I only get input from him.  Kung pwede lang sana na makausap ko sila para makuha ko lahat ng gusto nila para maganda ang kakalabasan ng gagawin ko di ba.” Halata pa rin ang pagkayamot ni Voni at di na nito alintala na nasa loob pala sila ng elevator ay may mga kasabay na iba.

            May lumingon pa sa kanya sa likod para alamin kung sino yung reklamo ng reklamo at dahil medyo inis si Voni ay napatulan niya ito at natarayan.

            “Ay sorry po ha.  Na carried away lang.  Pasensya na!” may diing pagkakasabi nito sa lumingon na tinaasan lang siya ng kilay.  Ikot-mata tuloy si Voni at mas lalong nainis.  Napansin ito ni Ken kaya muli siya nitong inakbayan pero napapangiti na rin ito sa reaksyon niya.

            “Ganyan lang talaga yan pero pasan ba’t matatapos mo din yan mamayang gabi.  Di bale, tutulungan kita mamaya total tapos na ako dun sa ginawa ko.  Pwede na sana petiks pero dahil my friend needs me then super friend to the rescue!” at nag-asta pa ito na parang si Superman daw siya.

            “Sira!” at bumukas na ang elevator at nagsilabasan na ang lahat ng sakay nun kasama silang dalawa.

            Nung makita sila ng kaibigang gwardiya ay sumaludo ito sa kanila at pareho silang binate. “Good afternoon po Arch. Von at Arch. Ken.”

            “Good afternoon din po.” Sabay na sagot nila sabay saludo din dito.

            “Kumain na po ba kayo?” tanong ni Ken.

            “Mamaya pa pong ala-una ang break ko.  Architect Von, gusto niyo po ng payong?  Mainit po kasi masyado sa labas.”

            “Ok lang po ako.  Sanay na ako sa init.  Sige po, kakain na muna kami.”

            “Ok po.  Ingat po kayo.”


            Matapos yung insidente ng paghihiwalay nila ni Lawrence ay tuluyan na silang nawala ng komunikasyon.  Pareho nilang tiniis ang isa’t isa at di nag-uusap.  Parang nakikiayon din ata ang panahon sa kanilang dalawa nung nangyari iyon dahil pagkalipas ng isang buwan ay umalis na rin sila Voni sa dating tinitirhan dahil nakabili na ng bagong bahay ang kanyang ate.  Pati kay Mati ay nawalan na rin siya na kumunikasyon nung tumulak na ito sa America.  Di pa kasi uso nung panahong iyon ang cellphone at wala pa siyang email man lang.

            Minsan ay iniisip din ni Voni ang mga kaibigan lalo na si Lawrence.  Gustong gusto sana niyang makibalita pero pinigilan niya ang sarili para na rin sa ikakabuti ng lahat.  Hindi naging madali ang pagdesisyon niyang makipaghiwalay at magparaya.  Ilang araw din niyang pinagdasal ito at humingi siya ng sign.

            Ang hiningi niyang sign ay kung makikiusap ang pamilya ni Mati sa kanilang dalawa at nangyari nga iyon.

            Alam niyang malaking sugal ang ginawa niya lalo na sa kanilang dalawa ni Lawrence pero di rin naman niya kayang pabayaan ang kalagayan ni Mati.

            Mukhang nasuklian ng good karma ang ginawa niyang good deeds dahils simula ng di na siya nakikipagkita o nakikipag-usap sa mga kaibigan ay nagsimulang bumuti ang buhay nilang mag-anak.  Naswertehan ang Ate Chrissy niya at napromote ito sa trabaho at maging siya ay bumuti din ang buhay.

            Pagkagraduate after a year ay kumuha agad siya ng board exam na swerte namang naipasa niya.  Dahil kabilang siya nag top 10 sa batch nila ay may nagbigay na agad ng offer sa kanya ng trabaho.

            Sa trabaho siya nakatagpo ng bagong kaibigan.  Nauna lang sa kanya sa kumpanya ang bagong kaibigang si Ken Javier.  Tubong Cebu ito at galing sa isang mabuting pamilya.  Kung tutuusin ay di na nito kailangan pang magtrabaho pero mas pinili nitong sundin ang hilig kesa hawakan ang malaking negosyo ng pamilya na nasa Cebu.  Gayun pa man ay lingid sa kaalaman ng mga kasamahan nila trabaho ay part owner pala ang pamilya nito sa kumpanyang pinagtatrabahuan ni Voni.

            Nag-umpisa ang pagkakaibigan nilang dalawa nung minsang napatayan siya ni Ken ng ilaw sa pag-aakala nitong wala ng tao sa opisina.  Nasa dulo kasi ang cubicle ni Voni at may tinatapos siyang model nung biglang nawalan ng ilaw.  Dahil sa pagkabigla at sa takot sa dilim ay napasigaw siya ng malakas.

            “Oh my God.  I’m so sorry.  Akala ko kasi ako na lang ang tao dito.” Paghingi ng paumanhin ni Ken sa kanya nung matuntun nito kung saan nangaling ang tinig.

            Taas-baba ang hininga ni Voni sa mga pagkakataon iyon.  Nagulat din siya sa biglang pagsulpot nito.  Hindi makapagsalita si Voni dahil sa gulat kaya nagmamadaling umalis si Ken at nung bumalik na ito ay may bitbit na itong isang basong tubig at inabot sa kanya.

            “Here drink this.  I’m really sorry kanina.” Muling paghingi nito ng paumanhin.

            “Salamat.”

            “You’re new here right?  Parang di pa ata tayo nagkakilala.  I’m Ken Javier.  And you are?” sabay lahad nito ng kamay sa kanya.

            “Von.” Simpleng sagot niya pero napangiti na rin siya dito.

            “Matagal ka pa ba sa ginagawa mo?  Kelan ba deadline nito?” tanong nito habang sinisipat ang ginagawang model.

            “Baka matatagalan pa po.  Sa susunod na lingo pa naman ang deadline nito kaso gusto ko na sana tapusin dahil meron pa akong ibang gagawin.”

            “Have you had your dinner na?  Tsaka huwag mo naman ako po po-in.  Bata pa naman ako.  I think halos magkaedad lang ata tayo.  O ano nagdinner ka na ba?” sabay tiningnan nito ang skyflakes na bukas at may bawas na tsaka half filled na kape na nasa styro.

            “Ok lang po ako Sir.”

            “Ken.  Call me Ken.  Everybody does.  Ipagpabukas mo na yang ginagawa mo.  Tara magdinner tayo tapos uwi na rin pagkatapos.  Hindi tamanag magugutom ang empleyado ng kumpanyang ito.  Baka magsumbong kayo bigla sa labor.” May himig na pagbibirong sambit nito. 

Don’t worry Von, I’m harmless.  Ikaw ata ang harmful eh kasi kinuryente mo ako kanina nung nagkamay tayo.” Sabay ngiti nito exposing his nice set of teeth.

            Napangiti na rin si Von sa sinabi nito.  Napansin nga niya ang kuryente kanina nung nagkamay sila.  Dahil dun ay bigla niyang naalala si Lawrence.  Malimit din kasi itong nagrereklamo sa kanya na lagi daw niyang kinukuryente.

            “I’m waiting...” pukaw ni Ken sa kanya.

            “Ay sorry.  Please give me five minutes.  Mag-aayos lang ako ha.”

            Di pa rin nawala ang ngiti ni Ken habang hinihintay siya nitong magligpit.  Nakokonsyus tuloy si Von dahil sinusundan siya ng tingin ni Ken.

            “Von, umayos ka.  Bilisan mo at nakakahiya sa Ken.” Saway ni Voni sa sarili.

            “I’m ready.” Nakangiting sambit niya.

            “Tara.  Saan mo gustong kumain?”

            “Ikaw na bahala.  Ikaw ang nagyaya di ba so ikaw ang bahala.” Taklesang sagot ni Voni na ikinatigil niya bigla dahil nahiya siya bakit niya nabalahura ang bagong kakilala.  Hindi niya kasi alam kung bakit parang ang gaan-gaan ng pakiramdam niya sa taong ito.

            “Hala sorry ha.  Ganun lang talaga ako.  Pasensya na po.” Di na niya napigilang humingi ng paumanhin dito.

            Nabigla man si Ken kanina pero sandali lang iyon at muling bumalik ang ngiti nito sa labi.  Hindi nga lang ngiti kundi bungisngis na.

            “You know I like you.  I think magkakasundo talaga tayong dalawa.  Halika ka na nga.  Kumain na tayo at kanina pa nag-aalburuto ang tiyan ko.” At muli silang nagkatawan dahil literal na nag-aalburuto nga ang tiyan ni Ken na narinig din ni Voni na tumunog.


Chapter 11:
           
            “Bakit ang lamig ng mga kamay mo?”

            “Kinakabahan ako.  Ngayon ang presentation at ngayon ko rin unang makita ang client na ito.” Ninerbyos na sambit ni Voni.  Ngayong araw na kasi ang presentation niya sa multimillion project na ginagawa niya.  Hindi pa kasi niya nakita ng personal ang client at lahat ng inputs niya ay galing sa kanyang boss so kabado siya kung tama ba o hindi ang ginagawa niya.

            “I think tama naman ang mga specs ng ginawa.  I read the instructions and you followed everything that is stated there.  So chill my friend.  Don’t worry, everything will be alright.” Sabay akbay ni Ken sa kanya para mapanatag ang loob niya. 

Napangiti si Voni, Ken has his ways of making her feel at ease at bigla niyang naalala na naman Lawrence.  Nitong mga huling araw laging sumusulpot sa isip niya si Lawrence.  Nung magkasama pa sila ni Lawrence ay sa tuwinang siya’y nag-aalinlangan ay lagi nitong pinapalakas ang loob niya gaya ng ginagawa ni Ken sa kanya ngayon.

“Feeling better now?” pukaw ni Ken sa kanya.  Sa pakakataong ito ay hinahawakan na pala nito ang kamay niya ng di man lang niya namamalayan dahil malayo ang inilipad ng kanyang isip.

“Yeah.  I am ok na.  Salamat ha.  Lagi na lang talaga ikaw nagpapalakas ng loob ko.  Ang bait mo talaga sa akin.  Salamat.” Nginitian niya ito ng ubod ng tamis.

Matagal siyang tinitigan ni Ken.  May mga mumunting buhok na tumatabing sa magandang mukha ni Voni at inipit iyon ni Ken sa kanyang tengna habang pinapalandas nito ang mga daliri sa kanyang pisngi.  Parang nagfreeze ang lahat ng bagay nung mga oras na iyon at unti-unting bumababa ang mukha ni Ken sa kanya.  Palapit ng palapit hanggang sa konti na lang ang espasyong namamagitan sa kanilang mga mukha.  Pareho ng nakapikit ang kanilang mga mata.

“Architect Von, nandito na... ay sorry po.” Paghingi ng paumanhin ng sekretarya sa kanila.

Pareho silang parang binuhasan ng malamig na tubig at sabay na ibinaling sa magkaibang direksyon ang mga mukha.

“Sige Ms. Clara, susunod na kami.  Thanks.” Hindi alam ni Voni kung paano lumabas ang tinig sa kanyang bibig.

Biglang nagkaroon sila ng awkward moment.  Nagmamadaling kumilos si Voni at kunyari may kinuha sa kanyang cubicle.  Si Ken naman ang napakamot sa batok.  Malalim itong nag-iisip sa muntik ng mangyari kanina.

“Voni...”

“Tara na Ken.  Nandun na daw sila for the presentation.  Wish me luck.” Nakangiting sambit ni Voni na parang binalewala ang muntik ng mangyari kanina lang.  Nagmamadali siyang umalis sa lugar para pumunta sa conference room kung saan gaganapin ang presentation.

Walang imik na sumunod si Ken sa dalaga.


“I love it!  Everything that I want was followed.  I should take credit to the new architect who handles this project.” Nakangiting sambit ng client nila.

Pinakilala si Voni ng boss niya sa cliente.  “Mr. Cheng, this is Architect Von.  She’s the wonder woman behind this creation.” Her boss could never be prouder.

Napatingin si Voni kay Ken pagkatapos at sa sobrang kaligayahan ay nakindatan niya ang kaibigan na sinuklian naman siya ng ngiti din.

Muli siyang kinamayan ng boss nung umalis na ang cliente nila.  Nung sila na lang ni Ken ang naiwan sa silid ay di na napigilan ni Voni na yumakap sa kaibigan dahil sa di mawaring naramdamang kaligayahan. 

“Yehey!  Nagustuhan nila!  Hay salamat at makakatulog na ako ng maayos ngayon!” sambit ni Voni habang nakayakap kay Ken.

Si Ken naman ay nakangiti lang sa kaibigan na mahigpit itong niyayakap.  Maya-maya lang ay kumalas sa pagkakayakap kay Voni si Ken at hinawakan ang mukha ng kaibigan ng magkabilang kamay.

“I know you can do it!  Sabi ko sayo eh.  Ayaw mo lang maniwala eh.” Sambit nito habang parang pinangigilang inisqueeze ang mukha ng kaibigan na hindi pa rin mawari ang ngiti sa mga labi.

Pero sa isang saglit ay biglang parang humintong muli ang lahat ng bagay sa mundo at sila lang dalawa ang nandun.  Nagkatingnang muli ang magkaibigan at muling unti-unting bumaba ang mukha ni Ken kay Voni.

Kung dati ay may umistorbo sa kanila pero sa pagkakataong ito ay natuloy na ang naudlot na nangyari kanina.  His mouth descended on hers.  Naipikit ni Voni ang mga mata nung magpanagpo na ang kanilang mga labi.  Hawak pa rin ni Ken ang kanyang mukha na itiningala nito so that he can have a full access on her lips.

Nung una ay hindi tumugon si Voni pero naging persistent ang paghalik ni Ken dito kaya di na rin niya napigilang tumugon.

“Architech Von, tawag po kayo ni Bos...” nanlaki muli ang mata ng sekretarya dahil sa pangangalang pagkakataon ay nahuli na naman niya ang dalawa pero sa pagkakataong ito ay natuloy na talaga ang halikan.

Dahil sa nadaramang hiya mahigpit na yumakap si Voni kay Ken and she buried her face on his chest.  Napangiti si Ken dahil sa pagkakatuklas ng sekretarya sa ginagawa nila.

“Sige susunod na kami.  Thanks.” Patay malisya pa ring sagot ni Ken dito.

“Hey, are you ok?” pag-alalang tanong ni Ken sa babaeng nakayakap sa kanya.  Dahil nakabaon sa dibdib ng lalaki ang mukha nito ay muling hinawakan ni Ken ito para makita kung anong nangyayari.

Halatang nahihiya si Voni sa nangyari at di pa rin ito makatingin ng tuwid sa kaibigan. 

“Bakit?  Hoy,  magsalita ka.”

“Nakakahiya.”

“Bakit nakakahiya?  What she saw is normal.”

“Normal?” kunot noong tanong ni Voni.

“Yeah normal sa mga taong nagmamahalan.  Yes Von, matagal ko ng pinipigilang ipagtapat sayo na mahal kita.” Pagtatapat ni Ken sa totoong nadarama sa kaibigan.

“Mahal mo ako?” hindi makapaniwalang sambit ni Voni.

“Oo.  Matagal na.  Von, will you officially be my girl?”

“Ha???” natatarantang sagot ni Voni.

Nilagay ni Ken ang mga braso sa beywang ni Voni at tiningnan itong straight sa mata at muling nagsalita.

“Voni, I love you and will you be my girlfriend?”

Shock si Voni at hindi niya alam kung anong sumunod na nangyari kasi namalayan na lang niyang napasigaw bigla si Ken.

“Yes!  Wala ng bawian ha.  I promise you that I’ll take care of you.  I love you Voni.” At muli siyang hinalikan nito.

“Teka teka sandali.  May sinasabi na ba ako?” tanong niya na tumatawa at nakikiliti dahil buong mukha na niya ang hinahalikan ni Ken.

“Oo.  Tumango ka na so wala ng bawian.  Basta from now on, it’s gonna be you and me.” At muli siyang niyakap nito at hawak kamay na silang lumabas ng kwarto at pumunta sa opisina ng boss nila.  Nadaanan nila ang sekretaryang dalawang beses na silang nabisto at nag peace sign ito sa kanila na sinuklian naman ni Ken sa pagpapakita nitong nakahawak kamay na sila ni Von.

Mas lalong lumapad ang ngiti ng sekretarya at di nito napigilang mapalakpak sa nalaman.  Matagal na kasi silang tinutukso sa opisina at sa tuwina’y sagot nila ay magkaibigan lang sila.

Their boss is equally happy sa nangyari.  Ayaw man sanang ipaalam ni Voni sa mga tao na sila na agad ni Ken pero wala na siyang magawa dahil si Ken na mismo ang nag-anunsyo nito.

“It’s time to move on Voni.  Hayaan mong mahalin ka ni Ken at kalimutan mo ng tuluyan si Lawrence.  Parte na lang siya sa past mo.” Pangaral ni Voni sa sarili nung maisip muli si Lawrence.

“Let’s go?”

“Saan tayo pupunta?”

“Let’s celebrate dahil tayo na.  Let’s have a nice dinner somewhere.”

Tumango si Voni at nagsimulang magligpit ng kanyang gamit para sumama kay Ken.  Muling siyang binigyan ng smack ni Ken bago sila sumakay sa elevator.

“Ground floor please.” Saad ni Ken sa attendant.

“Mukhang happing happy kayo Sir Ken ah.” Puna nito sa kanya.

“Halata ba.  Oo naman.  Sinagot na kasi ako ni Von.” Pagbibida nito na tinakpan naman ni Von ang bibig nito.

“Hoy, tumahimik ka.  Nakakahiya.”

“Nako Sir.  Dapat pala magpainom kayo!

“Huwag kayong mag-aalala.  Bukas na bukas din.  Ngayon kami muna nitong love ko ang magdadate.  Aray!” di napigilan ni Voni na kurutin ang kasintahan sa nadamang hiya.

Pagbaba nila ng ground floor at akmang lilipat sa kabilang elevator para sa basement nung biglang may nagpantig bigla ng puso ni Voni.  Parang may nakita siyang pamilyar na bulto na dumaan pero di niya maaninag ang mukha nito.

“Are you alright Love?”

“Ha?  Oo.  Akala ko may nakita lang akong kakilala.”

“Saan?”

“Ah wala.  Tara, gutom na ako.” At maingat ng pina-usad ni Ken ang kotse palabas ng gusali.  Palaisipan pa rin kay Voni ang nadaramang kakaiba kanina sa nakita.



Chapter 12:


            “Love, I miss you.  Naipit lang ako sa client.  Antayin mo ako ha.” Saad ng text ni Ken sa kanya.  May ka meeting ito ngayong sinasabi nilang important client daw.  Close door meeting with their boss pa ang nangyayari.  Tiningnan ni Voni ang relos at malapit na mag alas syete ng gabi.  Medyo kumakalam na ang kanyang sikmura kaya naisipan niyang kumain na lang muna ng cracker para huwag malipasan ng gutom.

            Paglipas ng ilang sandali ay may mga tinig na siyang naririnig na masayang nag-uusap na lumabas sa conference room.  Inassume na niya na tapos na ang meeting kaya nagsimula na siyang maghanda para umuwi.

            “Love, sorry kung natagalan ang meeting namin ha.” Sabi ni Ken sa kanya matapos siya nitong halikan sa pisngi.

            “Uwi na ba tayo?” tanong niya.

            “Hindi pa.  Nagyaya magdinner si Boss kaya isasama kita.”

            “Nako huwag na.  Mauna na lang akong uuwi.” Tangi niya.

            “Hindi ah.  Sabi ni Boss kasama ka daw kasi kasama ka sa team ko sa project na ito kaya tara na.”

            Wala ng nagawa si Voni kundi sumunod na kay Ken.  Nasa baba na daw ang boss nila at ang importanteng cliente.  Nauna na itong bumaba.

            Habang nasa elevator sila ay tinatanong niya ang details kay Ken para kahit papaano ay alam niya kung ano ang pwedeng topic mamaya sa dinner.

            “Family friend ata nila Boss ang bago nating client at gustong gumawa ng beach resort sa Batangas.  Sinabi ko kay Boss na isama ka sa project dahil di nga ba matagal mo ng gusto magkaproject ng ganito.  Balita ko kasi parang beach resort con theme park ang gagawin.”

            Dahil sa sinabi ni Ken ay napangiti si Voni.  Ito ang matagal na niyang sinasabi kay Ken na gusto niyang e design.  In fact, meron na siyang iilang sketches o plano para sa kanyang dream resort.  Ilang beses din niyang pinakita ito kay Ken at magkatuwang sila sa pag-improve ng design kada meron silang maisipan or makitang bago na babagay doon.

            Nagpatuloy sa pagkwento si Ken tungkol sa meeting kanina.  Yung client daw ay galing sa ibang bansa at kelan lang bumalik sa bansa para nga magventure sa proyektong ito.  Naexcite din si Voni dahil alam niya may funding ito at di sila mahihirapan sa gagawin.

              Marami pang kinuwento si Ken sa kanya tungkol sa proyekto at mas lalong naexcite si Voni.  Pagbaba nila ay sinabihan sila ng kaibigan security guard na nauna na daw si Boss nila at nagbilin na dun na daw sila magkita sa restaurant.

            Hawak kamay silang tumungo sa parking at nagmamadaling umalis papunta sa restaurant sa Greenbelt 5.


            Namataan nila ang boss nila na kinawayan sila.  Nakatalikod ang cliente nila na naka puting polo kaya hindi pa nito nakita ni Voni.  Hindi maintindihan ni Voni ang biglang pagbilis ng tibok ng puso niya.

            “Ok ka lang?” di nakatiis na tanong ni Ken sa kasintahan.

            “Yeah.  Malamig lang siguro kaya nanlalamig kamay ko.” Nginitian niya si Ken.

            “Oh here they are.  Mr. Lopez, I think you’ve met Architect Ken already and this lady here is one of our ace architect as well.  Architect Von.” Pagpapakilala ng boss nila sa client.

            Nung makaharap na ni Voni ang cliente ay biglang nanlaki ang kanyang mata sa natuklasan.  Ang Mr. Lopez pala na tinutukoy ni Boss ay walang iba kundi si Lawrence.  Oo nga naman, how could she forget that Lopez pala ang family name nito.

            “Lawrence?” hindi na pigilan ni Voni na sambitin ang pangalan nito.

            “Voni!” maging si Lawrence ay di makapaniwala.  Pero unang nakabawi si Lawrence at nginitian nito si Voni.  “We meet again finally.” Sabay abot ng kamay nito sa kanya.

            Nakanganga lang si Voni at kung di pa siya kinalabit ni Ken ay di pa niya maalalang makipagshakehands kay Lawrence.

            “You know each other Mr. Lopez?” di mapigilang itanong ni Boss.

            “Yeah Mr. Johnny.  Voni and I are classmates and neighbors dati.  Nawalan lang kami ng communication when I went to the States and he family moved somewhere else.  Please have a seat.”

            Hindi na mapalagay si Voni.  Ang lakas ng tambol ng kanyang dibdib.  Mas lalong nanlamig ang kanyang kamay and she can’t help shaking so she excused herself para pumunta sa comfort room.

            Mabilis siyang nagkulong sa kubeta.  Pilit niyang kinakalma ang sarili.  “Ok lang yan Voni.  Haharapin mo rin naman ang kahapon mo at ano ba ang pinagkaiba sa ngayon at sa hinaharap.  Lumabas ka na dun at ngumiti na parang walang nangyari.” Utos ng utak niya sa kanya.

            Dali-daling naghilamos si Voni at kalmado na nung lumabas.  Nakangiting lumapit muli sa mesa nila at umupo sa tabi ni Ken.

            “Are you alright Love?” pag-aalala ni Ken sa kanya.  Ngiti at tango lang ang isinagot niya sa katipan.  “I ordered for you na pala.”

            Bagama’t nakangiti ay masusing sinusundan ni Lawrence ang bawat galaw ni Voni na ikinaconscious naman ng huli.  Nanatiling tahimik lang si Voni at matamang nakikinig sa usapan nila at sumasagot lang pagtinatanong.

            “So Mr. Lopez, I think we got ourselves a good team here especially that magkakilala pala kayo ni Architect Von dati pa.  Importante kasi sa amin ang relationship namin with the clients.” Nakangiting sambit ni Boss Johnny.

            “I can only agree Mr. Johnny.” Nakangiting pa rin si Lawrence na sumagot.

            Dumating na ang kanilang mga pagkain at bahagyang tumaas ang kilay ni Lawrence nung makita ang kulay ng pasta na inorder ni Ken para kay Voni.

            Hindi napigilan ni Lawrence na punahin ang pagkain ni Voni.  “Kumakain ka na pala ng red sauce pasta ngayon?  Dati panay carbonara lang gusto mo ah.”

            Napatigil sa pagsubo si Voni dahil totoo naman ang sinabi ni Lawrence.  Dati di kasi siya kumakain ng pasta na may red sauce.  Panay carbonara lang siya kahit na anong pilit pa nina Mati at Lawrence sa kanya.

            “Oo nga.  Natutu na rin ako.  Si Ken kasi red sauce ang gusto kaya inaral ko na rin kainin.” Nahihiyang sagot niya rito.

            “You want some of my carbonara?” tanong pa rin ni Lawrence na para bang kagaya lang ang lahat dati.

            “No thank you.  Ok na ako.” Kiming sagot naman ni Voni rito.  Nacoconscious na siya sa pinapakitang atensyon ni Lawrence sa kanya.

            “Love, gusto mo e order kita ng carbonara?” di na nakatiis na sambit ni Ken.

            “Hindi na love.  Ok na ako dito.” Nginitian niya si Ken.



            Sabay na pumunta sa restroom sina Boss Johnny at Ken kaya naiwan silang dalawa ni Lawrence.  Bumalik na naman ang pagtambol ng puso ni Voni.

            “Kumusta ka na?  Tagal na natin di nagkita ah.”

            “Oo nga.  Ok naman ako.  Lumipat na pala kami ng tirahan.  Ikaw kumusta ka na?”

            “Ok din.  Kakauwi ko lang galing sa States.  Naalala mo ba ang pinag-usapan natin dati.  Ito na yung katuparan ng lahat.” Nakangiting sambit ni Lawrence sa kanya.

            Nung minsan kasing nag-uusap silang ni Lawrence ay nasabi niya ritong gusto niya maging architect at si Lawrence naman ay gusto maging negosyante.

            “Ano ba gusto mangyari sa future?  Ako gusto ko maging architect.  Yung isang bigating architect.” Nasa rooftop sila noon sa school at tumitingala sa langit habang nangangarap.

            “Ano ba ang gusto mong edesign pag nagkataon?”

            “Maganda siguro isang beach resort na parang pwede din sa mga bata.  Yung may mga higanteng slides at iba pang pwedeng paglaruan at syempre kodakan di ba.”

            “Ganon ba?  Sige sa future pag mag-asawa na tayo ay gagawa tayo ng isang beach resort at ikaw ang magdedesign at ako ang magmamanage.  Ok ba Mahal?”

            “Ok na ok yan Mahal!  Aprub!”

           
            “Voni… Von!”

            “Ha?  Bakit?” namimilik-mata bigla si Voni.

            “Welcome back to earth!” natatawang sambit ni Lawrence.

            “Anong welcome back to earth?” nagtatakang tanong ni Voni dito.

            Tumawa bigla si Lawrence dahil sa nangyari kanina.  “Alam mo kahit kailan talaga hindi ka pa rin nagbago.  Natututlala ka pa rin eh gaya ng dati.”

            Dahil sa sinabi ni Lawrence ay napabulaghit na rin ng tawa si Voni nung marealized iyon.  Malimit siyang ganun dati at nakanganga pa siya minsan at malimit na si Lawrence na ang nagtitikum ng nakanganga niyang bibig.

            “Buti hindi mo tinikum ang bibig ko kagaya ng dati.” Puna ni Voni.

            “Muntik ko ng gawin.  Buti na lang nagkusang tumikum iyon.  Aray ko!” hindi na napigilan ni Voni na hampasin ang kamay ni Lawrence na nasa mesa.

            “Hala sorry.  Ayan tuloy at instinct ay napalo kita.  Ikaw kasi eh di ka pa rin nagbago.  Mahilig ka pa ring mang-asar.” At muli silang nagkatawanan.  Sa ganung tagpo sila nadatnan muli ni Ken.

            “What did I missed?” inosenteng tanong nito.

            “Wala Love.  Binibiro lang ako ni Mah…este ni Lawrence tungkol dati.”

            “Do tell me about it.” Ani Ken.

            “Where do you want me to start?” masayang sagot din ni Lawrence na muli ay napalo na naman ni Voni dahil nagsimula na itong magkwento tungkol sa mga kalokohan ni Voni dati.

            Naputol ang pag-uusap nila nung biglang nagring ang telepono nito.

            “Hey.  Guess what, someone here would like to talk to you.  Wait lang ha.  I’ll give her the phone.” Sabay abot ng telepono kay Voni.

            “Ha?  Sino ito?  Ah hello….  Mati!!!!!” shock na sagot ni Voni sa kausap sa kabilang linya.

Chapter 13:



            “Mati!!!!!  Oh my God!  Ikaw nga talaga!  Kumusta na?” parang nawala sa loob at nagtitili si Voni nung marinig ang boses ng kaibigan.  Bukod kasi sa talagang nagagalak siyang marinig ang boses ni Mati ay mas masaya siyang nalamang buhay pala ito.

            “Von, how have you been?   I’m glad nagkita kayong muli diyan ni Lawrence.  Hoy magkita naman tayo minsan.  Malapit na akong umuwi ng Pilipinas.” Excited din si Mati sa kabilang linya.

            “Sasabay sana ako kay Lawrence pauwi kaso sinabihan ako ng doctor na dapat magpahinga na muna ako at bawal pa magtravel.”

            “Ah ganun ba.  Ah basta sabihan mo lang ako kung uuwi ka ha.  Oo nga pala, kasama ako sa project ni Lawrence.  Isa na akong architect pala.  Nako mahal na siguro ito kasi long distance.  Sige na.”

            “Kahit kailan talaga kuripot ka Von.  Hayaan mo na, si Lawrence naman magbabayad niyan.” Natatawang sambit ni Mati.

            “Sira!  Kahit kailan talaga magastos ka.” At nagpatuloy pa sa masayang kwentuhan ang sina Mati at Voni.

            “Mr. Lopez, salamat sa pagkuha ng firm namin to do your project.  It’s an honor.” Ani Ken.

            “Lawrence na lang.  Masyadong pormal ang Mr. Lopez eh.  I suppose I could call you Ken as well.”

            “Yeah that would be fine.  Small world talaga ano.  Magkakilala pala kayo ni Von.”

            “Oo nga.  Matagal ko ng hinahanap yan at akalain mong dito ko lang pala matatagpuan.  Marami-rami din kaming pinagsamahan niyan.”

            “Although wala pang naikwento si Von sa akin tungkol sayo but the way I see it ay close nga talaga kayo.”

            “Yeah close nga kami.” May idagdag pa sana si Lawrence pero bumalik na si Voni at tapos na itong makipag-usap kay Mati.

            “Pre, grabe ha.  Ang tagal ko na palang di nakausap si Mati.  Salamat ha.” Nakangiting sambit ni Voni habang binibigay ulit kay Lawrence ang telepono.

            “Shall we get going?” sabi ni Mr. Johnny na kakagaling lang sa restroom.

            Nagsitayuan na silang lahat at umalis na sa resto.  Habang nasa may pintuan sila at bago magkanya-kanyang alis ay may pahabol pang tanong si Voni kay Lawrence.

            “Pre, bakit pala di pa pwedeng magbyahe si Mati?  Maselan pa rin ba ang puso niya?”

            “No.  She’s having problems with her pregnancy kaya she needs to rest muna bago magtravel.   I’ll go ahead.  Bye.” Sabi ni Lawrence habang papasok na ito sa kotseng dinadala.

            Natameme bigla si Voni sa natuklasan.  Si Mati buntis?  Si Lawrence ang ama?  Oo nga pala, bakit nga ba di niya natanong kanina kung may asawa na ba ito.


           
            1:01 am...

            Kanina pa galaw ng galaw si Voni sa kanyang kama pero di pa rin siya dalawin ng antok.  Kanina pa niya pinipilit ang sarili na pumikit pero wala pa rin.  Nakainom na siya ng mainit na gatas pero wa epek pa rin. 

            Napabalikwas ng bangon si Voni at umupo.  Malalim pa rin ang kanyang iniisip.  Ang bilis ng mga pangyayari kanina.  Hindi niya sukat akalaing magkikita sila ni Lawrence muli.  Wala pa ring ipinagbago ito.  Tumanda lang kaunti at nagkakalaman na rin ang payatot na katawan nito dati.  Pero nandun pa din yung nakakatunaw na ngiti nito.  Pero buntis si Mati... what is she thinking... Si Lawrence at Mati nga pala...

            “Mag-asawa na!” at dahil dun ay natampal niya ang noo.  Pero bumilis na naman tibok ng kanyang puso nung maisip iyon.

            Tuluyan ng nawala ang antok niya kaya tumayo siya at may kinuha sa itaas na bahagi ng kanyang aparador.  Ito yung scrapbook na ginawa nung makaalis na sila sa dating tinitirahan. 

            Sa unang mga pahina ay mga pictures nilang tatlo.  May sila lang din dalawa ni Mati at meron ding sila lang ni Lawrence.  Sa mga unang pahina ay makikita ang pagkatomboyish pa niya.  Halata pa nga na pasimple ang pagdiskarte niya kay Mati nung mga panahong iyon.  Pero habang dumarami ang pahina ng scrapbook ay siyang pagtranform naman niya unti-unti.  Karamihan ng pictures na nandun ay pictures nila ni Lawrence at nandun din ang mga araw na naging sila na.

            Nung makita ang mga larawan nila ni Lawrence ay di na napigilan ng mga luha ni Voni na tumulo.  Ngayon pa lang nagsink in sa kanya na namimiss pala niya talaga ang kaibigan at lalaking matagal na tinatangi.

            Nag-uunahan sa pagtulo ang kanyang mga luha ng di sinasadyang napadako ang tingin niya sa picture nila ni Ken na nasa tokador niya.  Natigilan siya.  Ano pa ang iniiyak niya sa nawalang relasyon nila ni Lawrence na matagal ng tapos at di man lang siya nakapagpasalamat sa bagong pag-ibig na kanyang natagpuan.  Pinahiran niya ang mga luha at mabilis na ibinalik ang scrapbook sa dating lagayan.

            Dinampot niya ang picture frame na nandun ang picture nilang dalawa ni Ken.  Nakayakap siya sa lalaki habang ito naman ay nakahalik sa kanyang pisngi.  Napangiti siya nung maalala kung kelan ito kinuha.  Isa ito sa mga picture nila sa photobooth minsang nagkaroon ng Christmas party sa kanilang kumpanya.  Di pa sila magkasintahan ni Ken nung mga oras na iyon.  Napangiti siya nung maalala ang magulong party na iyon.  Dun sila simulang tinukso ng mga officemate dahil kampi silang dalawa sa isang newspaper dance at dahil sa kagustuhang mapanalunan ang one thousand pesos load ay kinareer talaga nila ang laro at nanalo naman sila.

            Muli siyang suminghot at napangiti.  Oo nga!  Si Ken ang bago ngayon at dapat na niyang ibaon sa limot ang nakaraan nila Lawrence.  Tama!

            She felt better now at muli siyang bumalik sa kanyang kama para matulog.  Her attention was caught on the blinking light of her phone.  Oo nga, di pala niya na check ang kanyang cellphone bago natulog dahil sa kaguluhan ng kanyang isip.

            Iniisa isa niyang basahin ang mga messages na nandun.  Napangiti siya nung mabasa ang text galing kay Ken telling her good night at mahal daw siya nito at sana daw mapanaginipan siya nito.

            May isang di kilalang number na nagtext sa kanya at kunot noo niya itong binasa at napasinghap siya nung mabasa ang nilalaman ng text.

                “Hi Pre.  It was nice to finally see you after a long time.  I miss the old days.”


Chapter 14:

            “Love, ikaw na muna ang sumama sa site sa Batangas.  May gustong papuntahang meeting si Boss sa akin.  Ok lang kaya na kay Lawrence ka na sumama papunta dun?”

            “Ha?  Akala ko ba magkasama tayo pupunta dun.  Ang daya mo naman eh.” Pagmamaktol na sambit ni Voni.  Kagabi pa niya pinipilit si Ken na sumama sa kanila sa Batangas kasi hindi niya alam kung paano pakikiharapan si Lawrence na silang dalawa lang.

            Nakailang beses na rin silang nagkita pero sa tuwina’y kasama niya lagi si Ken at dahil si Ken naman ang project leader ay ito ang laging nagsasalita ay siya nakukuntento lang sa pakikinig.

            Di minsan lang nangyayari na nagpapanagpo ang kanilang mga tingin pero hindi pa rin sila nagkausap ng sarilinan.  Sa parte niya ay sadyang iniiwasan niyang maiwan na sila lang dalawa ni Lawrence.  Ewan lang niya kung ganun din ba ang iniisip nito.

            Nanunulis na ang nguso ni Voni dahil sa pagtatampo sa kasintahan kaya inakbayan na ito ni Ken.

            “Love, alam ko na nangangako ako sayo na sasama ako sa inyo sa Batangas kaso nga emergency meeting lang daw sabi ni Boss.  Sige ganito na lang, pagkatapos na pagkatapos ng meeting ko mamaya ay pupunta na rin ako dun at ituloy na natin ang laging nauudlot na bakasyon.  Ok?  Oi, ngingiti na ang love ko.” Kinikiliti na nito si Voni at di tinitigilan hanggang mapangiti ito.

            “Nakakainis ka naman eh.”

            “Sige na Love basta promise pupunta talaga ako ok?” niyakap na ni Ken si Voni.

            “Hey guys, are you ready na?” masayang sambit ni Lawrence pero bigla itong natigilan nung makitang magkayakap ang dalawa.

            “Oh I’m sorry.  Nakakaistorbo ata ako.  Babalik na lang ako mamaya.” And Lawrence tried excusing himself sana pero pinigilan siya ni Ken.

            “Ok lang Pare.  Itong love ko kasi nagtatampo na di ako sasama sa inyo sa Batangas eh.  Aray aray!!!!” palihim na kinukurot ni Voni si Ken sa tagiliran kasi gusto niya itong patigilin sa mga sinasabi nito.

            “Bakit Pare, takot ka bang ako lang kasama mo sa Batangas?” medyo makahulugang sambit ni Lawrence sa kanya at kinindatan pa siya nito.

            “Hindi ah!  Anong oras ba tayo aalis?  Gusto mo now na eh.”

            Nagkatawanan silang tatlo at nagsimula ng magligpit para pareho na silang makakaalis.


            “Are you ok?”

            “Yeah.  Kanina mo pa ako tinanong niyan ah.”

            “Wala naman.  Siguro di lang ako sanay na tahimik ka.”

            “Dati naman akong tahimik ah.”

            “Ah ganun?  Parang hindi iyon ang natandaan ko dati ah.  Hoy Pare, magpakatotoo ka na nga!  Aray ko! Aray!  Tama na.  Nagdidrive ako!” humahalakhak na si Lawrence habang pinapalo ni Voni ang braso niya.

            “Yan ang bagay sayo!”

            “Old habits are hard to let go talaga!  Yan ang totoo kong Pare!  Pero I’m glad to see you.  Siguro kunswelo na lang na tayo pa ang magkatuwang sa dream project na binuo natin dati.” Nakangiting sambit ni Lawrence.

            Natigilan si Voni pero ngumiti na rin siya kasi totoo nga naman ang sabi ni Lawrence na sabay nilang binuo ang pangarap na ito.

            “So kumusta ka na Pre.  Ang tagal na nating di nagkita ah.  Mahigit 5…  6 years na ata.  Kumusta sila Nanay at Ate Chrissy?”

            “Umalis na kami sa dating tinitirhan dahil nakabili ng bahay si Ate at ang napangasawa niya.  Pumisan muna kami ni Mama sa kanila tapos nung pumasa ako sa board exam at naging regular na ang hanapbuhay ko ay nagrerent naman ako ngayon ng isang apartment.  Gusto ko sanang isama si Mama sa tinitirhan ko pero ayaw ni Ate.  Gusto niya sa kanila na lang daw si Mama kasi mas presko daw ang hangin dun at mas maluwag.  Ikaw kumusta ka na?”

            “Ok naman din.  Nag-aral ako ng masters degree sa US at nagtrabaho sandali dun para magkaroon ng experience.  Nung isang buwan lang ako bumalik dito for good.”

            “Si Mati pala, kumusta na?” kanina pa siya kating-kating itanong iyon kay Lawrence.

            “She’s doing fine.  Pagkalabas niya sa hospital ay sinamahan ko siya sa US para makapagpagamot.  Matagal tagal ding gamutan ang nangyari sa kanya.  Di ko maiwanan dahil sa kaselanan ng kundisyon niya.  Lagi ka nga niyang hinahanap eh kaso ang layo nyo rin di ba.  Pero nalagpasan niya ang lahat ng iyon at ngayon ay 5 months preganant na siya.”

            “Hindi ba delikado kay Mati ang magbuntis?  Di ba may sakit siya sa puso?”

            “Maselan kung sa maselan pero yun ang gusto niya eh so di na namin pinigilan.  Pero bago nangyari yun ay binigyan naman kami ng clearance ng doctor.” Masayang balita ni Lawrence sa kanya sa kalagayan ni Mati.

            Ngumiti si Voni sa kaibigan pero sa loob-loob niya ay parang gusto na niyang umiyak.  Hindi niya alam kung dahil ba sa kaligayang magkakaroon na ng pamilya sina Lawrence at Mati o nagdurugo ang puso niya dahil magkakaroon na ng anak sina Lawrence at Mati.


            “Were here.” Pukaw ni Lawrence sa pag-iisip niya.

            “Huh?  Wow ang laki nga pala talaga ng property na ito?” manghang sambit niya na biglang nakalimutan ang iniisip kanina.

            “You like it?  Is this what we’ve been talking about nung mga bata pa tayo?”

            “Oh my God Pare!  Ito na nga yun!  Ang galing!” hindi na napigilan ni Voni na maexcite.

            Nagsimula silang maglakad para ikutin ang site.  Medyo may mga mabato pang bahagi kaya inaalalayan siya ni Lawrence sa pagbaba.  Nung unang magdaup ang kanilang palad ay di nakaligtas ang pagbigay niya ng kuryete dito.

            “Kahit kailan Pare, kamag-anak mo nga ata talaga si Powder!” Gayun ang tawag ni Lawrence sa kanya pag sa tuwina’y kinukuryente niya ito.  Nagka idea si Lawrence na tawagin siya nito ng ganun nung mapanuod nito ang movie na yun.  Si Powder kasi ay naturingang anak ng kidlat at kahit anong hahawakan nito ay may kuryente.

            “Sinabi mo pa!  Consider that my welcome gift to you!” bumungisngis na sambit ni Voni.

            Ikot-mata lang ang sinagot ni Lawrence sa kanya at muli silang nagkatawanan.

            “Halika ka na nga at magtrabaho na tayo Pre.” At muli siya nitong inalalayang sa pagbaba.

           
            Nung bandang tangahalian ay umalis na sila sa site at pumunta sa isang restaurant para kumain ng bulalo.

            “If I’m not mistaken, nagkakaigihan na kayo ni Ken right?”

            Muntik na masamid sa iniinum na mainit na sabaw si Voni biglang pagtatanong ni Lawrence tungkol sa kanila ni Ken.

            “May plano na ba kayong magpakasal?” tuloy tuloy ang tanong ni Lawrence sa kanya.

            Natigilan si Voni sa tanong ni Lawrence.  Ano nga ba dapat niyang isagot kay Lawrence?



Chapter 15:


            “Gentlemen and a lady, let’s start our meeting.”

            “Hindi na ba natin hihintayin si Lawrence?” di mapigilang itanong ni Voni kay Ken dahil napansin niyang wala pa si Lawrence at uumpisahan na ang meeting.

            “Yeah.  Wala si Lawrence.  Actually, tayo na muna ang gagawa sa project dahil kinakailangan pumunta ni Lawrence sa US.  May nangyari ata kay Mati.”

            “Anong nangyari kay Mati?” kinakabahan na tanong ni Voni.

            “Ang sabi may problema daw sa pinagbubuntis nito.  The meeting will start na.  Let’s talk again later.”

            Dahil sa sinabi ni Ken ay wala na sa meeting ang konsentrasyon ni Voni.  She’s worried sa kalagayan ng kaibigan at mas lalong gumugulo sa isip niya ay sina Lawrence at Mati.  Nitong mga huling araw na lagi silang magkasama ni Lawrence ay di niya maintindihan dahil lagi pa rin itong nagpapahiwatig sa kanya na animo’y gusto nitong ibalik ang kanilang relasyon.  Hindi pa niya nakunpirma dito kung ano talaga ang relasyon nito at ni Mati at kung ito ba ang ama ng anak ni Mati.  Hindi niya kayang itanong.

            Pero basi sa narinig niya mula kay Ken ay nakunpirma niya na ito nga ang ama ng anak ni Mati.  Dahil sa isiping iyon ay bigla siyang nanlamig na para siyang lalagnatin.

            Hinawakan ni Ken ang kanyang kamay.  “Are you alright Love?”

            Naluluha na ang kanyang mga mata na halatang pinipigilan niya.  Dahil sa nasaksihan ni Ken ay dinama nito ang kanyang leeg at noo.

            “Are you alright?  You look pale?  May sakit ka ba?” pag-aalala nito.

            “Pwede ba akong maunang umuwi?  Para kasing lalagnatin ako?”

            “Ihatid na kita.  Sandali magpaalam lang muna ako sa kanila.” Presenta nito na gusto sana niyang tanggihan pero parang wala din katuturan iyon dahil talaga biglang sumama ang timpla ng kanyang katawan.

           
            Pagdating sa tinitirahang condo ay todo asikaso siya ni Ken.  Wala namang katulong si Voni kaya si Ken na mismo ang nagluto ng pagkain para sa kanya.  Maya’t-maya din nitong chinecheck ang kanyang temperatura at sinisiguro nitong uminom siya ng gamot.  Nung muling nginigin si Voni at kahit nakailang patong na kumot na ito at di pa rin naampat ang pagnginginig nito ay tumabi na si Ken sa kanya at niyakap siya para maipadama nito ang pagiging human blanket.

           
           
            “I still love you Voni.”

            “Paano si Mati?”

            “Paano naman ako Von?” sambit naman ni Ken sa kanya.

            Hindi mawari ni Voni ang gagawin.  Lawrence just professed his love for her once again pero nasa isang banda din si Ken.  Mas lalo pa siyang naguguluhan nung lumabas si Mati na may bitbit na bata at masama ang tingin nito sa kanya.

            “Mati….”

            At unti-unti itong tumalikod sa kanya bitbit ang sanggol na tila ba kinakain ang mga ito ng nakakasilaw na ilaw.  She run as fast as she can para mahabol ang mga ito at kuhain dun sa puting ilaw pero huli na ang lahat dahil sa isang iglap ay naglaho ito.  Sumisigaw si Voni habang pinipilit na makalapit sa mag-ina pero para siyang lantang gulay na di makatakbo ng malakas.

            “Mati!  Mati hintay! Matiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii!”

            “Mati!” biglang napabalikwas ng bangon si Voni dahil sa masamang panaginip na iyon at nasambit niya ang pangalan ng kaibigan.

            Nagulantang din si Ken na nakayakap pala sa kanya na nakatulog na rin pala.

            “Love, are you alright?” mabilis na umupo si Ken at muling dinama ang kanyang noo at leeg.

            Taas-baba ang hininga ni Voni at gayun pa rin ang naramdaman niya.  Hapong-hapo at tila lantang gulay.  Bigla siyang napahinga muli at di na napigilan ang sariling umiyak.

            “Hey, what’s wrong?” masuyong tanong ni Ken sa kanya habang inaabotan siya ng tubig.

            Pero di sumagot si Voni at sige pa rin sa pagtulo ang kanyang mga luha.  Ang kanilang tahimik na pagluha ay unti-unting napalitan ng paghikbi.  Nababahala na si Ken sa nasaksihan kaya niyakap na nito ang kasintahan.

            “Love, speak up.  Anong bang nangyari sayo?”

            “Ken, napanaginipan ko si Mati.  Kinuha daw siya at ang baby niya.”

            “Ha?  Kinuha saan at kanino?”

            “Basta para silang hinigop ng isang napaka liwanag na ilaw.  Sila ng baby niya.  Ken, natatakot ako sa maaring maging pangitain nito.”

            “Hush now.  Everything will be alright with your friend.  Kung gusto para makasiguro tayo eh tawagan mo si Lawrence.”

            Pero di na sumagot si Voni at tahimik itong umiyak.  Muli siyang yinakap ng mahigpit ni Ken.

            “Love it is just a bad dream.  Nagdedeliryo ka lang dahil sa taas ng lagnat mo kanina.  Humiga ka muna at ipaluluto na muna kita ha.” At muli siyang pinahiga ni Ken at hinalikan nito ang kanyang noo at mabilis na umalis at pumunta sa kusina para magluto ng sopas para sa kanya.

            Pagbalik ni Ken ay bitbit na nito ang umuusok na mangkok na may lamang sopas.  Inayos nito ang kanyang pag-upo at nilagyan ng unan ang likod.  Hinihipan ni Ken ang umuusok na sopas at sumandok ito at muling hinipan ang sinasandok tapos dinala ito malapit sa kanyang bibig.  Masusi niyang sinusundan ang bawat galaw nito.

            “Love, sige open your mouth na.” sabi ni Ken pero nanatiling tikom ang bibig niya at tinitigan lang ito.

            “Love, huwag na matigas ang ulo.   Kailangan mong kumain para manumbalik ang lakas mo.  Say ah!” pangungulit pa rin ni Ken sa kanya sa pag-aakalang ayaw niyang kumain. 

            Napangiti si Voni at sumubo na rin sa binigay ni Ken.  Nakailang subo din siya.  Kada mabasa yung bibig niya ay matiyang pinupunasan ni Ken.

            “Sige pa Love, kain ka pa.” pero inayaw na niya kasi busog na siya.

            “Ok.  Huwag ka munang magkikilos.  Ito tubig then go back to sleep na lang muna.  Ililigpit ko lang itong sabaw.” Akma itong tatayo nung hawakan ni Voni ang braso nito.

            “I love you.”

            Natigilan si Ken.  Ito yung kauna-unahang pagkakataong sinabi ni Voni ang katagang iyon kay Ken.  Kahit halos isang taon na silang magkasintahan ay di pa rin niya nagawang sumagot or mag I love you back kay Ken sa tuwing nagsasabi ito.

            Muling ngumiti si Ken sa kanya at inilapag nito ang hawak na mangkok at dinama ang kanyang pisngi.

            “I know it took a while to say that but I’m really glad to hear it from you Lo..” pero bago pa matapos ni Ken ang sasabihin ay mabilis na yumakap si Voni dito at inulit ang mga katagang iyon kasabay ng pagtulo ng kanyang mga luha.

            Narealize ni Voni kanina lang kung gaano pala siya ka swerte na minahal siya ni Ken at nakukunsensya dahil hindi man lang niya naicommit ang sarili dito ng buong-buo dahil sa may pumipigil sa kanyang gawin iyon.  She has been blinded for so long at marami siyang oportunidad na pinalampas sa kanila ni Ken.  Pero napagdesisyunan niyang bago pa mahuli ang lahat ay susuklian na niya ng buong buo ang pagmamahal kay Ken at tuluyan ng kalimutan ang naramdaman kay Lawrence.

            “Hey stop crying.  Baka mabinat ka.  Sige na Love you rest na ok.  Ok lang ba sayo if dito ako matutulog mamayang gabi para mabantayan kita?”

            Tumango lang si Voni tanda ng pangsang-ayon at muling umalis si Ken para hugasan ang pinagkainan ni Voni at kumain na rin ito.

            “Tama na Voni.  Tama na ang kahangalan mo sa pag-ibig mo kay Lawrence.  Si Ken na nararapat sayo.  Kalimutan mo na si Lawrence.  Isuko mo na siya ng tuluyan kagaya nung pagsuko mo sa kanya dati para kay Mati.  He’s part of your past and he has to remain there.”  Pangaral ni Voni sa sarili bago muling umidlip.





Chapter 16:


            “Love, anong oras ba…Lawrence!” nanlaki ang mga mata ni Voni nung makitang hindi ang kasintahan ang nadatnan sa opisina nito kundi ang nakangiting si Lawrence.

            “You’re back!  Kumusta na si Mati?”

            “She’s doing well.  She gave birth to bouncing baby boy.  Premature nga lang but the mother and child are doing well.” Masayang balita ni Lawrence sa kanya.

            Akala ni Voni ay tanggap na niya ang relasyon ni Mati at Lawrence pero bakit para pa ring pinipiga ang kanyang puso sa nalalamang may anak na ang dalawa.

            “I’m happy for you guys.” Kahit nakangiti siya nababanta ng tumulo ang kanyang mga luha.  “Sandali lang ha, I’ll be right back.” Pero bago pa siya makaalis ay nahawakan ni Lawrence ang kanyang braso.

            “Voni, are you alright?”

            Hindi na napigilan ni Voni ang patulo ng mga luha kaya mabilis niyang tinakpan ang mukha para di makita ni Lawrence ang kanyang pagluha.

            “Hey, anong nangyari sayo?  Are you crying?” hinawakan siya nito sa magkabilang braso at tiningnan.

            Pilit na kumawala si Voni sa hawak ni Lawrence pero dahil sa mas malakas ito ay di siya makawala.  Tinanggal nito ang pagkakatakip ng kamay nito sa mukha at nasaksihan ni Lawrence na hilam sa luha ang kanyang mga mata.

            “Voni, what happened?  Bakit ka umiyak?”

            “Sorry… sorry… wala ito.  Pasensya na.  I need to go.” At muli ay akma siyang aalis pero hindi pa rin pinakawalan ni Lawrence.

            “Please let me go.  I need to get out of here.”

            “What do you mean that you’re happy for me and Mati and what are those tears for?”

            Hindi nakuhang sagutin ni Voni si Lawrence.  Pinipilit pa rin niyang kuwala dito pero nanatiling malakas ang pagkakahawak ni Lawrence sa kanya.

            “Answer me!” singhal ni Lawrence sa kanya.

            “I’m just happy for you and Mati.  Now you know so let me go!” galit na rin si Voni.

            “Sinungaling!” may diing pagkakasabi ni Lawrence sa kanya.  At bago pa maibuka ni Voni ang mga bibig para muling magsalita ay sinakop ito ni Lawrence.  Her knees turned jelly kaya bigla siyang napakapit dito.

            Tila nakalimut si Voni at tumugun siya sa halik ni Lawrence pero bigla niyang naalala ang totoong sitwasyon kaya bigla niyang itong sinampal.

            Kapwa sila natigilan sa pagkakasampal ni Voni kay Lawrence at tila naging hudyat pa iyon para sa huli na muling kabigin si Voni at muling kinuyumus ng halik.

            “Stop it! Lawrence ano ba!  Tama na!” at ubod ng lakas na tinulak ni Voni si Lawrence.  “Lumayo ka sa akin.  Please….” Naiiyak na pagsusumamo ni Voni dito.

            “Kahit kailan Voni sinungaling ka talaga.  Gusto mong layuan kita pero your body is telling me otherwise.  Magpakatotoo ka na nga at aminin mo ang totoo.  Mahal mo pa rin ba ako?”

            Tikom ang bibig ni Voni.  Ayaw niyang sagutin ang tanong ni Lawrence.

            “Answer me!”

            “Oo!  Mahal pa rin kita!  Pero hindi tayo pwede.  Kailanman ay hindi tayo pwede!” at mabilis na binawi ni Voni ang mga braso at nagmamadaling linisan ang silid na iyon at dumiretso sa banyo at nagkulong.

           

            “Voni!  Ano ba ang iniisip mo kanina at inamin mo iyon.  Pagtatawanan ka ni Lawrence sa pinagagawa mo!” kastigo ni Voni sa sarili pero sige pa rin sa pagtulo ang kanyang luha.  Mas lalo siyang napapaiyak nung maalala ang halik ni Lawrence at ito pa rin ang halik na hinahanaphanap niya.

            Pilit pinapakalma ni Voni ang sarili bago lumabas ng banyo.  Naghilamos siya at inayos ang sarili at lumabas ng banyo.  Nagulantang siya nung palabas niya sa banyo ay ang seryosong mukha ni Lawrence ang nakatunghay sa kanya.

            “Let’s talk.” Sabi nito at muli siyang hinawakan sa braso at binitbit sa elevator para tumungo sa parking lot.  Napansin niyang bitbit na pala nito ang kanyang bag.

            “Let go of me!”

            Binitiwan siya ni Lawrence pero muli ring hinawakan nito ang braso niya nung nasa basement parking na sila.  Dinala siya nito kung saan naka park ang sasakyan nito.

            Tahimik silang dalawa pagka-upo sa sasakyan.

            “Pinagkakanulo ka ng iyong katawan at kahit ano mang pagdedeny mo ay lumalabas ang totoo na mahal mo pa rin ako.”

            Nananatiling tahimik si Voni at nagsimula na namang tumulo ang kanyang mga luha.

            “Sinamahan ko si Mati na magpagamot sa US dahil na rin sa paki-usap nina Tito’t Tita.  Tiniis kong tikisin ang naramdaman ko sayo alang-alang sa hiling mo para mabuhay siya.  Pero hindi ko kayang lokohin ang sarili ko at si Mati kaya nung lumakas na siya ng konti ay pinagtapat ko na kanya ang totoo tungkol sa atin.  Milagro’t hindi nagalit si Mati.  Siguro napapansin na rin niya iyon dati pa.  Pero nandun pa rin ako para alagaan siya.  Until one day nung bumalik ang kuya ko galing sa training sa army at nagkita sila and then suddenly they fell in love at nagpakasal.  Sinamahan ko ang Mommy ko papuntang US para kay Mati dahil nasa Afghanistan si Kuya at walang kasama si Mati kaya bigla akong nawala.  So ngayon alam mo na ang totoo at alam ko na rin ang totoo ang all these years ay ako pa rin pala ang mahal mo.”

            Mas humagulgul si Voni sa narinig.  Lahat pala ng iniisip niya ay pawang maling akala.

            “Ngayong alam mo na ang totoo, I am going to get you back.  I still love you Mahal.  Noon at mapahanggang ngayon.  Alam kong kayo na ni Ken ngayon pero be true to yourself at aminin mong ang tunay mong naramdaman.  Ibalik natin ang dati.  Marry me Voni.  Magpakasal tayo at tuparin natin ang ating mga naudlot na pangarap.”  Nakangiti na si Lawrence sa kanya at ginagap na nito ang kanyang mga palad.

            Pero hinugot ni Voni ang hinawakang kamay at nagsalita.  “Ang tagal kong hinintay ang pagbaliko mo?  Ang tagal mo akong tiniis gayung hindi naman pala totoo ang mga iniisip ko.  Ang tagal mong dumating.  Huli na ang lahat dahil I just said agreed to marry Ken last night.  Goodbye Lawrence.  Maraming salamat sa magagandang alaala.” At walang patid na bumaba si Voni sa sasakyan ni Lawrence at walang lingong umalis ito sa lugar.

            Naiwan si Lawrence na tulala at maya-maya lang ay napahagulgul ito ng iyak.  



Chapter 17:


            Nagulat si Voni nung padating niya sa tinutuluyang bahay ay nandun si Ken.  Tahimik itong naka-upo sa isa sa mga sofa na nandun.  Naalala niyang hindi pa pala niya nakuha dito ang duplicate na susing pinahiram niya dito nung nagkasakit siya.

            “You’re here!” di mapigilang sambitin dahil sa gulat.

            “Where have you been?”

            “Ha?  Saan pa ba eh di sa office di ba?”

            “Sigurado ka?”

            “Ano ba yang pinagsasabi mo...” pero di na natapos ni Voni ang sasabihin dahil bigla na lang siyang hinatak ni Ken.  “Ken, ano ba nasasaktan ako.  Let me go!”

            “Care to explain me this?” at pinakita nito sa kanya ang video sa cellphone ni Ken na kuha nilang dalawa ni Lawrence na naghahalikan sa opisina mismo ni Ken.  Natameme si Voni at nagsimulang tumulo ang mga luha. 

            “Ken I can explain... Mali yang nakikita....” pero bago pa matapos ni Voni ang sasabihin ay bigla itong napasigaw nung biglang nabasag ang vase na tinapon ni Ken dahil sa galit.

            “Anong mali ang sinasabi mo?  Klarong-klaro sa video ang paghahalikan niyo ni Lawrence.  Matagal niyo na ba itong ginagawa sa likod ko ha?” at kinuyumos siya ni Ken ng halik habang mahigpit na hinahawakan.

            “Ken nasasaktan ako!  Ken ano ba!” malakas na tinulak ni Voni si Ken at natumba ito.  Naamoy ni Voni na nakainom si Ken nung halikan siya nito.

            Hindi na tumayo si Ken sa kinasasalmpakan.  Halatang nandun pa rin ang galit nito pero nasasaktan din sa nalaman.  Si Voni naman ay nanginginig na lumayo kay Ken na gayun din ay walang ampat sa pagtulo ang mga luha.

            “Ken, mali ang kung ano man ang nasa isip mo ngayon.  Oo aaminin ko na magkakilala na kami ni Lawrence dati pa at siya yung ex-boyfriend ko na nakwento ko sayo pero walang namamagitan sa amin.”

            Pero nanatiling tahimik si Ken kaya unti-unting lumapit si Voni rito at hinawakan ang braso ng huli.  Pero pagdaiti pa lang ng palad ni Voni kay Ken ay nagpumiglas na muli ito at dahil dun ay aksidenteng natamaan nito ng malakas ang pisngi ni Voni.  Halatang masakit iyon dahil sa bakas na pamumula ng pisngi ni Voni pero di niya ito alintala at pilit na pinapakalma si Ken.

            “Ken, please makinig ka sa akin.  Please let me explain what happened.” Pagsusumamo ni Voni rito pero bigla na lang tumayo si Ken at walang sabing iniwanan siya nito.  Naiwan si Voni na humahagulgul. 

            Dahil sa naramdamang pagod at hapo ay nakatulog si Voni sa sahig ng sala at para siyang naalimpungatan nung mapansing parang umangat ang katawan niya sa sahig at tila may mga bisig na kumarga sa kanya papunta sa kanyang kama.  Naramdaman ni Voni ang pagdampi ng malamig na bagay sa kanyang pisngi at kahit anong gawin niyang pagbuka ng mata ay tila di niya kaya dahil sa hapdi ng pisngi.  Minarapat na lang niyang ipikit ang mga mata at ipinagpatuloy ang pagtulog.

           
           
            Masakit na katawan ang bumungad kay Voni sa pagising.  Gusto niyang gumalaw pero parang may nakadagan sa kanya na mabigat na bagay.  Sinubukan niyang igalaw ang katawan at mas lalong bumigat iyon.  Tila nagpanic ang kanyang kalooban kaya kahit masakit ang katawan ay hinarap niya kung ano man ang nakadagan sa kanya.

            “Ken?!?”

            Pero hindi nagsalita si Ken at niyakap lang siya at nagsimula itong humagulgul habang dinadama nito ang kanyang namamagang pisngi.

            “Love, I’m so sorry.  Hindi ko intensiyong saktan ka.  I’m really sorry.”

            “Sssshhhhh it’s ok.”

            Bumalik pala si Ken matapos nitong kalmahin ang sarili at nakita nitong nakatulog sa sahig si Voni ay lalo itong napaiyak sa nangyari.  Hindi niya magawang tuluyang magalit kay Voni.  Sabihin nang nagalit siya kanina pero natural iyon sa taong naninibugho at may nakitang di kanais nais.

            Pagbalik niya kanina sa opisina ay may isang empleyadong sumalubong sa kanya na tila kinakabahan.

            “Boss, anong ginagawa niyo dito?”

            “Anong klaseng tanong yan?  Syempre dito ako nagtatrabaho di ba kaya nandito ako.  Bakit may problema ba?”

            “Eh boss...”

            “Spill it out.  Stop the suspense.” Seryosong tanong ni Ken nung mapansing balisa talaga ang empleyado.

            Hindi ito sumagot, sa halip ay inabot dito ang cellphone at namula sa galit si Ken sa nakita.  Kuhang-kuha sa video ang paghahalikan nina Lawrence at Voni.  Pero yun lang ang nakita sa video.  Hindi nasama dito ang pagtulak ni Voni kay Lawrence kaya ang konklusyon ni Ken ay talagang naghahalikan ang dalawa.

            “Boss...”

            “Leave me alone.”

            Gusto pa sana kunin ng empleyado ang cellphone pero nakita niyang kundisyon ni Ken ay minarapat na nitong umalis na lang.  Nagkulong si Ken sa kwarto para pilit pakalmahin ang sarili.  Sinubukan nitong tawagan si Voni pero unreachable ang telepono dahil nasa basement si Voni sa mga sandaling iyon at walang signal.

            Samu’t-saring na ang naglalarong mga imahen sa isip ni Ken sa mga sandaling iyon tungkol kay Voni at Lawrence at ngitngit na ngitngit na siya.  Dali-daling nilisan ni Ken ang gusali at dumiretso na siya sa tinitirahan ni Voni at mas lalo pang nangitngit nung pagdating ay wala pa rin si Voni duon.



            “Love, marry me.  Let’s schedule our wedding sa lalong madaling panahon.”

            “Ken...”

            “Unless ayaw mo ng magpakasal sa akin dahil kay Lawrence?” may insikyuridad na sambit ni Ken.

            “No... please stop thinking that way naman Ken.  Baka hindi lang pa lang tamang panahon para lumagay tayo sa tahimik.  Huwag tayong magpadalusdalus.  Bigyan mo ako ng sapat na panahon para mag-isip.”

            Hindi na nag-insist si Ken.  Niyakap na lang siya nito ng mahigpit at ilang ulit na sinasabihang mahal na mahal siya nito.

            “Mahal na mahal kita Voni.  Ikamamatay ko kung mawala ka sa akin.”

            Di na muling nagsalita si Voni.  She just closed her eyes at humilig sa balikat ni Ken.







Chapter 18:


            “Where is Voni?  Bakit wala na siya sa proyekto?”

            “I took her out.  I can handle whatever you need Mr. Lopez.” Seryosong sagot ni Ken kay Lawrence.  Nagsukatan ng tingin ang dalawa.  Halatang tensyonado ang lahat ng naroon sa tono ng pananalita ng dalawa bagama’t walang nagkukumpirmang may sigalot na nangyayari sa dalawa.

            Dahil sa may nakakita ng nangyari kay Voni at Lawrence ay mabilis na kumalat ang tsismis.  Naungkat ang kahapon ng dalawa kaya mas tumindi ang tension sa pagitan ng dalawa. 

            “I want her back in the project and that is an order.” Matigas na sambit ni Lawrence.

            “I am the project leader and I included her in my team and I am the one to decide who I want to work with and the answer is NO Mr. Lopez so get used to it.  Can we drop this nonsense and get back to business.”

            Ang mga tao sa paligid nila ay halos hindi na humihinga dahil sa tensyong naramadaman.  Biglang tumayo si Lawrence sa kinauupuan kaya mas lalong tumindi ang katahimikan.  Nanatili lang sinusundan ni Ken ang bawat galaw ni Lawrence pero nung bigla itong tumayo ay akma din itong tatayo pero muling napaupo nung biglang nagwalk-out si Lawrence sa kwarto.

            Umalis din ang big boss ni Ken at hinabol si Lawrence.  Nanatiling tahimik lang ang mga tao sa conference room.

            “Guys, please leave me for a while.  Ipapatawag ko kayo ulit mamaya.” Hiling ni Ken sa mga nandun na mabilis na nagsitayuan at umalis sa conference room.

            Pilit kinakalma ni Ken ang sarili at tahimik na naupo lang sa loob hanggang bumalik muli si Big Boss na halatang nagtitimpi ng galit.

            “What was that all about Ken?”

            Hindi sumagot si Ken at taas-baba pa rin ang paghinga nito.

            “Aren’t you going to say something?”
            “I’m so sorry Sir.”

            “Fix this mess Ken or less...” at tuluyan ng winok-outan ng boss niya si Ken na naiiwang mag-isa.

            Nanatili pa ring tahimik si Ken sa upuan nung biglang makaramdam ito ng sobrang pagsakit ng ulo.  Nitong mga nagdaang araw ay lagi siyang sinasakitan ng ulo.  Dali-dali siyang tumayo at kumuha ng tubig at may inilabas na gamot galing sa kanyang bulsa at mabilis na ininom.  Hindi na maipinta ang mukha ni Ken sa sakit at impit ang tinig para hindi mapasigaw ng malakas dahil sa nadaramang sakit.

            Tumunog ang telepono ni Ken at nakita niyang nagtext sa kanya si Voni at tinatanong kung nasaan siya at anong oras siya pupunta sa tinitirahan nito.

            Kahit papaano ay medyo humupa ang sakit ng ulo ni Ken kaya tinawagan nito si Voni at sinabihang papunta na siya.


            Naayos ng boss ni Ken ang naging sigalot nila.  Nagpatuloy ang proyekto at si big boss na ang humawak pero nandun pa rin si Ken to supervise.  Voni was out of the project and was asked to handle a project in Cebu.

            Naging civil naman sina Ken at Lawrence nung muling magharap.  Hindi nila pinag-uusapan ang nangyari sa kanila.

            Naging abala na rin si Voni di lang sa trabaho kundi sa paghahanda na rin sa kanilang nalalapit na kasal ni Ken.  Hindi na nila muli napag-uusapan ang nangyari.  Naipaliwanag ni Voni at inamin na rin niya ang totoong kalagayan nina Lawrence.

            “Love, there’s nothing going on between me and Lawrence.  Aaminin ko sayo na dating naging kami pero we decided to part ways.  Nung nangyari iyon ay sinubukan ni Lawrence na ibalik ang dati pero sabi ko sa kanya tapos na kami.  Love, maniwala ka sa akin please.

            Pikit matang tinanggap ni Ken ang sinasabi ni Voni sa kanya at nagkataon naman ito nga ang pinadala sa bagong project sa Cebu dahil na rin sa pagvolunteer nito.


            Pero hindi naging madali ang lahat kay Voni dahil hindi tumigil si Lawrence sa pangungulit sa kanya at umabot pa sa puntong sinundan siya nito sa Cebu nung malamang nandun siya pero sa tuwina’y iniiwasan niya ito.

            Isang araw ay di na rin nakayanan ni Voni ang gulo kaya pinakiharapan na niya si Lawrence.

            Isang nakangiting Lawrence ang sumalong sa kanya at bigla siya nitong niyakap pero nilagyan niya ng ispasyo agad silang dalawa.

            “Stop it Lawrence.  Huwag mo na kaming guluhin ni Ken.  Nagkaliwanagan na tayo di ba?  Ayoko na!  Tantanan mo na kami.” Paki-usap ni Voni kay Lawrence.

            “Kelan ka ba magpakatotoo sa sarili mo?  Hindi pa ba sapat yung ginawa mo sa akin nung may sakit si Mati?  Hanggang kelan mo ba ako sasaktan?” tumulo na ang mga luha ni Lawrence.  Biglang bumalik kasi dito ang alaala nung sila’y naghiwalay dati.

            Tuluyang ng napaiyak si Voni dahil nakita niyang pag-iyak ni Lawrence.  Gustuhin man niyang yakapin ito pero pinigilan niya ang sariling gawin iyon dahil natatakot din siya sa sarili na hindi siya siguro sa nadarama.

            “When are you going to stop hurting me?”

            Natameme siya sa sinabi nito.  Pero huli na ang lahat dahil magpapakasal na siya kay Ken.

            “I’m really sorry Lawrence.” At iyon lang at iniwan na naman niya ulit ito.



            “Love, nafinalized mo na ba ang guest lists mo?”

            “Here’s the list.  Yung sayo ba wala ng kulang?” sagot ni Ken.

            “Meron pa siguro pero sa makalawa ko pa malalaman ang mga sagot ng iba.  Yung barong mo pala kunin...” natigilan si Voni nung mapansing dinadama na ni Ken ang sentido at parang namimilipit ito sa sakit.

            “Love, are you ok?” pag-aalala niya.  Pero hindi sumagot si Ken.  Maya-maya lang ay bigla itong nahulog sa upuan at nawalan ng malay.

            “Ken!!!!!  Tulong!  Tulungan niyo kami!” sigaw ni Voni.



Chapter 19:

           
            “Voni, tatapatin na kita iha, matagal ng may tumor sa utak si Ken.  I am shocked to know na hindi niya ito pinagtatapat sayo.” Mahinahong sambit ng doctor sa kanya.

            Hilam na sa luha ng mga mata ni Voni dahil sa natuklasang karamdaman ni Ken.  Bakit nilihim nito sa kanya ang karamdaman.  Paano na sila ngayon.

            “Doc, ano pong pwedeng mangyari sa kanya?  May paraan po bang gumaling si Ken?”

            Huminga ng malalim ang doctor bago sumagot.  “Voni, matagal ko ng sinasabihan si Ken na magpa-opera nung hindi pa masyadong malaki ang kanyang tumor pero hindi niya ito ginawa.  Tatapatin na kita pero may maliit ang tsansa niyang gumising muli pagkatapos ng operasyon.  Ang pag-opera sa kanya ay pwedeng ikagaling niya or the other way around.”

            Tuluyan ng napahagulgul si Voni sa nalaman.  Matapos ang pag-uusap nila ng doctor ay pumasok si Voni sa kwarto ni Ken at nilapitan ito.

            “Love, bakit mo nilihim sa akin ito?  Love, please gumising ka.” Walang ampat na umiiyak si Voni at namalayan na lang niyang may humawak na sa kanyang balikat at nung balingan niya ito ay di na niya napigilang umiyak sa mga balikat nito.

            “It’s ok Voni.  Be strong.  Malalampasan din natin ang lahat ng ito.” Ani ng big boss nila na agad agad siyang pinuntahan matapos niyang magtext dito sa nangyari kay Ken.  “Ano daw ang lagay ni Ken?”

            “May tumor daw siya sa utak Boss.  Nililihim niya sa akin ang lahat ng ito.  Bakit kailangang gawin niya sa akin ito.” Muling napahagulgul si Voni.

            “May rason siguro si Ken bakit di niya pinaalam sayo.  Parang iniiwasan niya ang nangyayari ngayon.  Yung ganito ka...nalulugmok at nalulungkot.  Kaya magpakatatag ka Voni.  I’m sure ayaw ni Ken na nagkakaganito ka.” Pagpapayo ni Big Boss sa kanya.

           
            Kinaumagahan ay wala pa ring malay si Kenb at dumating na rin ang pamilya nito galing Cebu.  Mas lalong napaiyak si Voni nung makita ang mommy ni Ken.  Close siya sa nanay nito kaya pareho na silang nag-iyakan dahil sa kalagayan ni Ken.

           

Pinauwi na muna ng pamilya ni Ken si Voni para makapaghinga ito dahil ilang araw na itong di natutulog dahil sa pagbabantay kay Ken.

            Pagbukas ni Voni ng pintuan ay tumambad sa kanya ang karton ng wedding gown na idiniliver na pala kanina.  Dalawang linggo na lang at ikakasal na sila ni Ken kaya maaga pay hinatid na ang kanyang gown dahil aalis ang kanyang designer papunta America.

            Tahimik na lumapit si Voni sa kinaroroonan ng karton at nagdadalawang isip kung bubuksan ba ito o hindi.  Huli na nung namalayan nitong tumutulo na ang mga luha pero nanaig pa rin ang kagustuhang makita ang nilalaman kaya wala sa isip na binuksan ito.  Tumambad sa kanyang paningin ang napakagandang gown.

            “Love, hindi ba masyadong sexy tong gown na napili mo?”

            “Hindi Love.  Maganda yan talaga maniwala ka sa akin.”

            “Pero parang ang baba naman ng harap.”

            “Ano ba naman yan Voni, napakamanang mo talaga kahit kailan.  Baliktad kayong dalawa ha dahil kalimitan sa mga customers ko ang mga mapapangasawa nila konserbatibo.” Ikot matang sambit ng designer niyang si Mommy Cha.

            “Eh kasi naman ang baba baba ng ukab nito sa harap.  Baka naman kasi masilipan ako.”

            “Love, hayaan mo sila.  Di naman nila makukuha yan.  Akin lang lahat yan tsaka don’t you trust Mommy Cha?”

           
            Napangiti si Voni nung maalala ang makulit na hapong iyon pero di pa rin tumitigil sa pagtulo ang kanyang mga luha.  Kinuha niya ang gown sa box at inilapit sa kanyang katawan at pumunta sa full length mirror para tingnan ang sarili.  Nung makita ang repleksyon niya sa salamin ay mas lalo siyang napahagulgul ng iyak at napasalampak sa sahig habang yakap yakap ang wedding gown.

            Nasa ganun siyang tagpo at di man lang namalayan ang pagbukas ng pinto sa bahay na ginawa ni Ken para sa kanilang dalawa.  May isang buwan na siyang tumira sa bahay na iyon.

            “Oh my God Voni.  What are you doing to yourself?” manghang sambit ng bagong dating.

            Nag-angat ng tingin si Voni at nung mapasino ang dumating ay walang sabing yumakap agad siya dito at muling humagulgul.  Niyakap din siya nito ng mahigpit habang hinahagod ang kanyang likod.

            Makaraan ang ilang sandali ay namalayan na lang ni Voni na umangat ang kanyang katawan sa lupa.  At dahil sa sobrang pagod ay din a siya nagprotesta bagkus ay mas lalo pa siyang nagsumiksik dito.  Binitbit siya nito sa kwarto at inilapag sa kama at kinumutan.  Akmang aalis na sana ang tumulong sa kanya pero hinawakan niya ang kamay nito at nagsusumamo.

            “Lawrence, please huwag mo muna akong iwan.” Muling napa-iyak si Voni kaya muli itong niyakap ni Lawrence.

            Kinalimutan na muna ni Lawrence ang pansariling intension kay Voni matapos nitong maka-usap ng masinsinan si Ken.  He accepted his faith like a true gentleman at hangad niya ay paligayahin nito si Voni pero iisa lang ang hiniling niya dito ang huwag siya nitong pagbawalan na maging kaibigan pa rin Voni.

            Nakatulog si Voni na nakayakap kay Lawrence habang si Lawrence naman ay hinagod hagod pa rin ang buhok ni Voni.  Naawa siya sa kaibigan kung bakit nagkakaganito ito.

           
            Naalimpungatan silang pareho nung marinig ang pagtunog ng telepono ni Voni.  Unang nagising si Lawrence at namalayan nitong nakayakap pa rin pala si Voni sa kanya at gayun din siya.  Maingat niya itong niyugyug para magising at sinabihang tumutunog ang telepono.

            “Voni, yung phone mo tumutunog.  Mukhang galing ata sa ospital ang tawag kasi Mama ni Ken ang nakaregister na caller.”

            Pagkarinig ni Voni sa sinabi ni Lawrence ay bigla itong napabalikwas ng bangon at kinuha ang telepono sa kamay ni Lawrence at dali-daling sinagot ang tawag nito.

                “Hello Ma.  Opo.  Nasa bahay po ako.  Po!” nanlaki ang mga mata ni Voni habang kausap ang nasa kabilang linya.  Biglang muling bumalon ang mga luha nito sa mata. 





Chapter 20:   

           
            “Nagising siya kanina Voni.  Ikaw agad ang hinanap niya.” Sabi ng mama ni Ken nung makarating siya sa ospital.  Parang nabuhayan ng loob si Voni at napangiti sa sinabi ng magiging biyenan sana.

            Si Lawrence na mismo ang naghatid sa kanya sa ospital pero hindi na ito umakyat para bigyan sila ng privacy ni Ken.

            “Lawrence, maraming salamat ha.  Kahit na ano mang pagkakataon ay laging ikaw talaga ang maasahan ko.”

            “Don’t mention.  What are friends for.  Di ba sumpaan natin dati, walang iwanan at laging magdamayan?”

            Muling napa-iyak si Voni sa sinabi ni Lawrence.  Kahit kailan ay tunay talaga itong kaibigan na handa siyang damayan sa lahat ng bagay kahit may issue silang dalawa.  Muli silang nagyakapan bago siya bumaba ng sasakyan.


            Naabutan ni Voni na nakapikit si Ken kaya dahan dahan niya itong nilapitan.  Hinawakan niya ang kamay nito at hinaplos ang noo’t buhok nito.  Dahil dun ay nagising si Ken at nginitian siya.  Ngumiti din si Voni pero nagsimula na namang tumulo ang kanyang mga luha na pilit niyang pinapahiran.

            “Love... sorry...” kahit mahina ang boses ay nagawa pa ring magsalita ni Ken.

            “Sssshhhhh it’s ok Love.  Huwag ka muna magsalita.  Magpahinga ka na lang muna.  Maligaya nako na gising ka na.”

            Nagsimula ng tumulo ang mga luha ni Ken kaya niyakap ito ni Voni at tuluyan na silang humagulgul na dalawa.

            “Love, kayanin natin ito.  Magpaopera ka.  Manalig tayo sa panginoon.  May awa ang Diyos at gagaling ka... gagaling ka...kailangang gumaling ka.” Pilit na pinatatag ni Voni ang boses para makumbinsi si Ken na gumaling.

            Hindi sumagot si Ken at yumakap lang ito sa kanya ng mas mahigpit.  Naging tahimik silang dalawa at nagyakapan lang.  Nakatulog muli si Ken na nakayakap sa kanya.


            Dahan-dahang nagising si Ken at nakita niyang natutulog si Voni na naka-upo sa tabi niya.  Muli itong napa-iyak dahil alam nitong critical na ang kalagayan.

            “I’m so sorry Love kung naglihim ako sayo.  Ayoko kong masaktan ka.”  Huminga ito ng malalim para hindi mauwi sa hikbi ang pag-iyak.  “Pero susubukan ko kung ano man ang tama para sa ating dalawa.  Panginoon, kayo na po ang bahala sa amin ni Voni.”

            “Love, gising ka na pala.  Nagugutom ka ba?  Gusto mong kumain... o bakit ka umiiyak?” tanong niya nung mapansing namamasa na naman ang mata ni Ken.

            Hindi sumagot si Ken pero itinuro nito na umupo siya sa tabi nito na siyang ginawa ni Voni. 

            “Gusto kong tandaan mo lagi Love na mahal na mahal kita.  Kung sakaling mawala na ako sa mundong ito, gusto kong ipagpatuloy mo ang buhay mo.  Gusto kong lumigaya ka muli.... gusto ko...” pero di na natapos ni Ken ang sasabihin dahil Voni silenced him.

            “Love, huwag na nating pag-usapan yan.  Happy thoughts lang tayo lagi.  Mabubuhay ka.  For now, dapat kumain ka ng maayos at magpalakas kasi di ba pumayag ka ng magpaopera di ba?  Hindi ba Love?  O ayan ngumiti na ang Love ko.  Ang pogi-pogi talaga ng Love ko.” At hinalikan ni Voni sa pisngi si Ken at inayos pa niya ang buhok nito.

            “Teka lang Love ha, may kukunin lang ako sandali sa labas.” Nagmamadaling bumaba ni Voni sa kama ni Ken at nagmamadaling ding lumabas ng kwarto.

            Pagkasara ni Voni ng pintuan ay muling siyang napahagulgul habang nakahawak pa sa doorknob.  Napaluhod si Voni dahil sa kaka-iyak.  Ayaw niyang ipakita kay Ken ang kanyang kahinaan dahil gusto niyang palaging positibo lang ang iisipin nito.  Tinayo si Voni ng mommy ni Ken at yumakap siya dito at muling humagulgul.  Pareho na silang nag-iyakan at kinalma ang mga sarili bago muling pumasok sa loob ng kwarto ni Ken.



            Bumukas ang pintuan at iniluwal si Voni na naka wedding gown.  Simple lang ang make-up ni Voni na binabagayan sa suot niyang gown.  Nakangiti itong naglalakad patungo sa di kahabaang altar papunta sa isang lalaking naka puting damit na nakangiti.

            Pagdating niya sa harapan ay inabot niya ang kamay para mahawakan din ang kamay ng lalaking nakangiting naghihintay sa may altar.

            Nagsimula na ang mabilis na seremonya at pagkaraan ng ilang sandali ay nagpronounce na ang pari na sila’y mag-asawa na.

            “Ken, you may now kiss your bride.”

            Hiyawan ang mga taong nandun sa maliit na chapel na iyon nung unti-unting inangat ni Ken ang belo ni Voni at hinalikan ito.

            “I love you Love.  Thank you so much for loving me.” Sambit ni Ken bago siya hinalikan nito.

            “I love you too.  I will always love you.” Sagot naman ni Voni.

            And they sealed their union with a kiss.  Napagdesisyunan nila na ituloy pa rin ang kasal kahit na nasa ganung estado na si Ken.  Desisyon ito ni Voni na kahit hindi masyadong sininangayunan masyado ni Ken ay ikinaliligaya pa rin nito.

            Simple lang ang kanilang seremonya at konti lang silang nandun.  Pareho lang na pamilya nila ang nandun.  Walang ni isa mang umiyak sa seremonya hanggang sa simpleng salo-salo ayun na rin sa paki-usap ni Voni.  Gusto niyang maging masaya ang lahat.  Gusto niyang maging masaya si Ken. 

            Pagkalipas ng isang lingo ay inoperahan na si Ken at bago ito pumunta ng operating room ay,

            “Love, hihintayin kita pag gising mo.  I love you very much.” Sabi ni Von habang sinasabayan nito ang paghatid kay Ken sa operating room.

            “Teka lang po.” Paki-usap ni Ken sa mga naghahatid sa kanya habang nasa bungad na sila ng operating room.  Kinuha nito ang kamay ni Voni at hinalikan sabay hinaplos ang pisngi ng asawa at nginitian.

            “Mahal na mahal kita Voni.  I will always love.” Nakangiting sambit nito at inabot ang kanyang mukha at hinalikan siyang matagal na matagal at niyakap ng sobrang higpit.  At saka ito sumenyas na dalhin na siya sa operating room.

            Naiwan si Voni na tinatanaw ang pagpasok kay Ken sa operating room.  Nung magsara ang pintuan ay saka pa lang pinakawalan ni Voni ang mga luhang kanina pa gustong lumabas.



EPILOGUE:


            “Voni....” may humawak sa balikat ni Voni at pamilyar sa kanya ang boses na iyon kaya lumingon siya at nginitian ito.  Lumuhod ito sa kanya at niyakap siya.  “Kumusta ka na friend?” may mga luha na rin ang mga mata nito.

            “Mati... I’m so glad to see you.” Nakangiting sambit niya sa matagal ng hindi nakikitang kaibigan.  Nagyakapan na muna sila sa ilang sandali bago muling nag-usap.

            “How’s life been so far?” tanong nito sa kanya.

            “Ito, trying to move on.  Alam ko kung saan man naroroon ngayon ang asawa ko ay maligaya na siya.  Pero mahirap pa rin pala but don’t worry I’ll get by.  Pa unti-unti lang and I’ll be better.” Pinilit na ngumiti ni Voni.

            Hindi masasabing matagumpay ang operasyon ni Ken pero mas tamang sabihin nangyari ang iniexpect nilang mangyari sa kalagayan nito.  Naging comatose ito paglabas ng operating room.  At tuluyang nagpaalam matapos ang isang linggong pagkaratay.  Ang kagandahan lang ay bago ito tuluyang pumanaw ay nagising ito sa isang gabi na animo’y walang nangyari at naka-usap nila ito.  Pero kinabukasan ay parang natutulog lang ito nung pumanaw.

            Dahil sa kaisipang iyon ay tumulo ang luha ni Voni at bumalik lang siya huwisyo nung pahiran ni Mati ang kanyang mga luha.

            “Thanks.” Nakangiti niyang sambit sa kaibigan habang kinukuha nito ang tissue na pinahid sa mga luha niya.  “Pasensya na at itong mga luha ay di ko talaga napipigilan lagi.”

            “Don’t worry friend.  I understand.  Bago pala ang lahat, gusto ko sanang mag sorry sayo.”

            “Bakit?”

            Huminga na muna ng malalim si Mati bago muling nagsalita.  Halata na rin ang pagpipigil nito sa pag-iyak.  “Alam kong ako ang may kasalanan kung bakit kayo nagkahiwalay dati ni Lawrence.  Dahil yun na pagka-immature ko.  Pasensya na friend, hindi ko kasi alam na nagkakamabutihan na pala kayo ni Lawrence nung mga panahong iyon.  Kung di ko siguro ginawa iyon, baka may pamilya na kayong dalawa ngayon at hindi kayo magkakahiwalay.” Tuluyan ng napaiyak si Mati dahil sa pagsisisi.

            Niyakap ni Voni ang kaibigan at sinabihang ok lang at walang problema.  “Friend, ok lang yun.  Kung di nangyari yun eh di ko sana makilala ang asawa ko.  Kahit naman sandali lang kaming nagsama ay masasabi kong minahal ko din siya ng tunay.  Everything happened for a reason kaya wala kang kasalanan ok.” Nakangiti na niyang sambit pero gayun pa man ay di na rin napigilan ang pagdaloy ng kanyang mga luha. 

            Nagkatinginan silang magkaibigan at muling nagyakapan.

            “Friend, isang tao ng patay si Ken.  Wala pa rin ba kayong pag-asang dalawa ni Lawrence?”

            “Ito naman.  Wala namang preno ang pagtatanong eh.” Natatawang sambit niya.  Bumalik na ang dating Voni na masiyahin.

            “Hindi nga friend.  Alam kong bago namatay si Ken ay iniwan ka niya kay Lawrence.  Hindi pa rin ba kayo nagka-usap muli?”

            Huminga ng malalim si Voni at muling binalikan ang pangyayaring iyon sa ospital.

            Pareho silang nandun ni Lawrence sa kwarto ni Ken nung hilinigin ng huli na papuntahin si Lawrence.  Nangyari iyon nung biglang nagising si Ken sa pagkacomatose nito.  Parehong inabot nito ang kanilang mga kamay at hinawakan ng sabay.

            “Lawrence, gusto ko sanang ihabilin sayo ang asawa ko at sana ay alagaan mo siya kagaya ng dati.”

            “Love, stop saying that!” galit na sambit ni Voni pero tumutulo na ang kanyang mga luha.  Nananatiling tahimik lang si Lawrence pero gayun din ay tumutulo ang luha nito dahil naawa ito kay Ken.

            “Love, kung darating na ang oras ko, gusto ko sanang si Lawrence na ang mag-aalaga sayo.  I know he loves you very much at mapapanatag lang ang loob ko sa kabilang buhay pagmangangako kayong pareho sa akin na aalagaan niyo ang isa’t-isa.”

            “Love ano ba!” nagtatangka ng umalis si Voni pero pinigilan siya ni Lawrence.

            “Basta mangako kayo sa akin ngayon.”

            “Pare, pinapangako ko sayo na aalagaan ko si Voni.  Makaasa ka na mamahalin ko siya gaya ng pagmamahal mo sa kanya.”

            Hindi na muling nakapagsalita si Voni dahil hilam na sa luha ang kanyang mata.  Pero napilitan pa rin siyang mangako sa asawa sa gusto nito.

            Matapos nilang mangako ay nakangiting ipinikit ni Ken ang mga mata at muling natulog.  Kinabukasan ay hindi na ito nagising at mapayapang nilisan ang mundo kinalalakihan.


            Muling huminga ng malalim at ngumiti si Voni at sinagot ang kaibigan.  “Nag-uusap din naman friend at nagkasundo kami na saka namin pag-uusapan ang mga bagay pagnaka pambabang luksa na si Ken.”

            “At ito ang araw na iyon di ba?”

            Ngumiti si Voni.  Pero bigla itong natigilan nung mapansing kanina pa kamot ng kamot si Mati.

            “Are you ok?  Parang kanina ka pa nangangati diyan ah?  Oh my God, allergic ka pala sa grass?  Bakit ka kasi umupo eh.  Ayan tuloy nagkakapantal ka na.  Namumula na yung braso mo.” Pag-aalala niya sa kaibigan at mabilis na may hinalughug sa bag na dala.  “Ito o.” Sabay abot dito ng dalang Canestan cream.

            “Kasi naman masyado tayong nadadala sa sitwasyon eh.” Natatawang sambit nito habang tumatayo.  Nagkatawanan na muli sila at hawak kamay na naglalakad papunta sa parking area ng memorial park.

            Habang naglalakad sila ay natatanaw naman nila ang pagdating ng isang pamilyar na sasakyan at iniluwal ang isang pamilyar na bulto na nakangiti sa kanila.

            “Speaking of the devil, he’s here na to woo you back.” Nakangiting sambit ni Mati.

            Lumapit si Lawrence sa kanila at pareho silang hinalikan sa pisngi.

            “Shall we?” sabay abot ni Ken sa kanyang kamay.

            “Ok.  Let’s go.” Sagot naman niya.

            “Sister-in-law, see you at the city hall.  Nandun na sila lahat waiting for the three of us.”

            “Don’t worry brother-in-law.  Papunta na ako.  Ok na yang mapapangasawa mo.  Ok na ang lahat.  Let’s go and you guys get married now at ng sa ganun ay matuloy na ang lagi niyong nauudlot niyong pagmamahal.”

            Nagkatawanan silang lahat at parehong inakbayan ni Lawrence ang dalawang babae bago sila naghiwahiwalay ng sasakyan. 

            Makaraan ang isang oras ay opisyal na ang pag-iisang dibdib nina Lawrence at Voni at saksi ang buong pamilya nila kasama ang kapatid ni Lawrence na asawa ni Mati, ang pamilya ni Voni at pati na ang mga magulang ni Ken ay nandun din para saksihan ang pagpapakasal ni Voni muli.

            Hindi man agad-agad nagkaroon ng katuparan ang pag-iisang dibdib nina Lawrence at Voni pero naghahahanap pa rin ng pagkakataon ang tadhana na pagtagpuin silang muli para tuluyan na silang lumigaya sa piling ng isa’t-isa.



WAKAS

22 comments:

  1. waahhhhhhhhhh napaka interesting naman nito!!! next chap plssss ate acheena!!!

    ReplyDelete
  2. waaa! ang galing! mativon at samvon ba ung inspiration nito?? ang kyuut!

    interesting talaga! hahahah.. ang kyuut kyutt! kelan po kasunod?? :))

    abangers nanaman ako! :D

    ReplyDelete
  3. ms. athena..habang tumatagal mas gumagaling ka at gumaganda ang kwento mo. lalo na siguro ngayong nag ttend ka ng precious heart present workshop...good luck and God bless you always!

    interesting lalo ang ff mo...halo halo ee...nay comedy, action dahi sa bugbugan at lovestory, kilig moments!!two thumbs-up

    ReplyDelete
  4. ayyyieee! nman! gusto ko na agad ng kasunod.. veri interesting! ahhahah.. kyuut kyuut talaga ng #mativon! plus ang confusion sa #samvon! ahhaha..

    next na please! :D

    ReplyDelete
  5. ang cute ng story super....parng may HD ata c lawrence kay pare hahahaha.......pano na yan...aabangan ko nalang next chap :)

    ReplyDelete
  6. ate ang cute!!! I'm super loving it......

    ReplyDelete
  7. INA NG MGA FF WRITERS.... walang kupas, talaga ms. athena... MORE_MORE_MORE.....

    llywell_samvon ;)

    ReplyDelete
  8. OMG!!! first kiss ata niya......ayieeeeee mukang MU na ata hahaaha......

    ReplyDelete
  9. waaa! kilig much! grabee! ung HD ni lawrence ahh, di na maxadong hidden! hahahhah!

    di ako bula pero maganda un! :D

    grabee tlga! at ung panaginip ni vonita, WAGAS! confusion talaga ang age na yan.. identity vs role confusion..hahahha.. :D

    ReplyDelete
  10. hahahahaha tama.....pero yan alam na niya talaga na babaeng babae na siya........next chap na teh plsss.....

    ReplyDelete
  11. Hello po Ms. pa-request naman po ako ng JAEVON since nag-one year na po kami. PLEASE PO> i'm begging you po. I miss your JAEVON Fanfic please.

    - JEAN.

    ReplyDelete
  12. nako.. late reaction pero.. naman.. heart breaking! tsk tsk.. T.T

    ReplyDelete
  13. next chap na po..xcited n tlga q sa mga mngyyre....

    ReplyDelete
  14. Sam asan ka na....balik ka na ulit para more SamVon moment na.....

    ReplyDelete
  15. sana magkabalikan na sila......next chap ate acheena pls.....excited much sa mga mangyayari hehehe

    ReplyDelete
  16. sana may next chapter na...bitin na bitin na ako eh...please!!!!!!!!!!!

    ReplyDelete
  17. ganda!!! sana nga magkabalikan na sila pero kawawa naman c ken:( di bale andyan naman c sam :) SamVon FTW!!!

    ReplyDelete
  18. john zchairon hir..
    grabe te acheena lageh mo kame pnapaiyak sa mga story mo an ganda salamat sa pag tag ..keep it up

    ReplyDelete
  19. nakakaiyak naman.....be strong lawrence.....i know in the end kayo pa rin ni voni kc mahal nyo ang isa't isa. sorry. masyado lang affected. ang galing mo kc acheena eh. sana may next chapter agad.....

    ReplyDelete
  20. OMG! this is the best ff ever!

    ReplyDelete
  21. john zchairon hir!
    grabe te acheena kakaiyak un part na asa hospital c ken ..kawawa naman cla nun ni von papakasal nalang cla peo my saket pala xa ansaket nun ah naramdaman ko hayss..
    true love talaga c von at c lawrence kahit anong trials an dumaan s kanila cla pa dn s hule!thumbs up ako sau ate! more FF come pa sana...

    ReplyDelete