Thursday, February 3, 2011

Bubbles and Bees

Bubbles and Bees
By: Athena Manzano – Tan – acheena21

(Disclaimer: Ang lahat ng pangyayari sa kwentong ito at pawang kathang-isip lamang ng may-akda at walang basehan sa mga totoong pangyayari.  At hindi na hawak ng may akda kung sakali mang may mga naisulat sa kwento at nangyayari bigla sa totoong buhay.  The fiction contains matured scenarios kaya patnubay sa magulang ang kinakailangan para sa mga readers na under 18.  Minors, please be responsible in reading this fanfic. )


Chapter 1:

“You know what’s the difference between an immature love and a mature love?”

Iling ang isinagot ng babae.

“An immature love says I love you because I need you while a mature love is I need you because I love.”

The statement from the Radio Romance movie from way back struck her.  Nakatitig lang si Daniella or Dani sa screen habang pinapanood ang palabas sa Cinema One.  Huminga siya ng malalim para pigilan ang pagbabanta ng mga luha sa pagtulo.

Naawat ang tuluyang pag-eemote niya nung tumunog ang cellphone.  Dinampot niya ito sa tokador at sinagot.

“Hello?” sabay singhot.

“Are you crying?”

“Ha?  Hindi ah.”

“You’re lying.”

“Hay nako!  Oo na I am crying!  Maligaya ka na?” pagtataray niya sa kausap.

“Hey!  Easy! Easy!  Nagtatanong lang eh.  Saan ka?”

Isang singhot ulit ang pinakawalan at nagblow ng ilong para mawalang tuluyan ang bumabara.

“Ano ba yan!  May kausap ka sa phone.  Kadiri ka ha!” sigaw ng kausap sa kabilang linya.

“Che!  Pakialamero to.  Nasa bahay lang ako at nanunuod ng tagalog movie.  Bakit?”

“Di ka ba pupunta ng rehearsal?”

“Mamaya pa siguro kasi hinihintay ko pa sundo ko eh.”
“Daanan na lang kita.  Baka malate ka na naman.  Lagi na kayong late lately eh.  Sabihan mo na lang siya na dun na kayo magkita sa studio.  Be there in 15 minutes.” At bigla na lang nawala ito sa linya.

“Aba’y tama bang di man lang ako binigyan ng pagkakataong sumagot!” himutok ni Dani pero on the brighter side, tama nga ito kasi lately lagi silang nasasabon ng trainer/mentor nila dahil ilang beses na silang late dumarating sa rehearsal.  Lagi kasi siyang late sinusundo ni Joey.  Masydo itong maraming lakad.

Bumuntunghinga na lang si Dani at nagsimulang maghanda para sa pagpunta sa practice.

Pagkaraan ng humgit kumulang labing limang minuto ay may bumusina na ng pamilyar sa kanyang pandinig kaya dali-dali siyang lumabas ng bahay para sumakay sa sumundo.

“Ready ka na?” tanong nito sa kanya.

“Yup.  Tara na!  Pero drive thru tayo bahay mo ha!  Gutom ako eh!” tudyo niya dito.

Napangiti ang kausap nung sabihin niyang bahay nito.  Iisa lang naman ang ibig sabihin nun.  Dadaan sila sa Jollibee na tinagurian niyang bahay ng kasama dahil ilang commercial din ang nagawa nito sa naturang kainan.

Tiyempo namang biglang tumugtug ang jingle sa radio ng Jollibee na siya din ang kumanta at sinabayan ito ni Dani sa pagkanta with actions.

Napailing na ang katabi sa ginawa ng kaibigan at muling itinutuk ang konsentrasyon sa daan.

Nasa drive thru na sila at mag-uumpisa ng mag-order.  Pagkatapos nitong magbayad ay may inabot na papel at ballpen ang cashier at kinikilig itong nagsabi ng…

“Seth!  Pa-autograph!!!!!!”

And he gladly obliged! 



Chapter 2:

“Why are you with him again?  Hindi nga ba sinabi na namin sayo to stick with the rules!” galit na sambit ng handler ni Dani sa kanya.

“Sorry po Ate.  Sinundo lang niya ako sa bahay kasi paghihintay ko daw si Joey eh baka malate na naman ako at mapagalitan.”

“Kahit na magtaxi ka, magtaxi ka na lang kesa sa sumama ka sa kanya.  Di nga ba klaron na ang sinabi na dumikit ka lang lagi kay Joey para tumibay yung partnership niyo.  Paano pa kayo mapapansin niyan kung dikit ka ng dikit sa kanya.” Sabay turo nito kay Seth na nagsestretching.

“Ate kaibigan ko po si Seth at tumutulong lang po siya.  Hindi ko din po macontact si Joey.  Kanina pa po ako tumatawag sa kanya.  Ilang beses na din po kaming nalate sa rehearsal at natatakot na akong mapagalitan.” Pag-eexplain pa rin ni Dina sa handler.  Siya mismo ay ayaw niyang iwasan si Seth gaya ng sinabi nito.  Wala siyang makitang dahilan para iwasan ito.

“O siya sige, magstretching ka na at galingan mo ha.  Don’t disappoint me and please lang follow what I told you.”

Isang buntunghininga na lang ang pinakawalan ni Dani bago sumali sa grupo at naghintay ng cue galing sa choreographer.

“Are you alright?” tanong ni Seth sa kanya nung mapansing malungkot ang mukha nito.

Tumungo lang si Dani kasi naiiyak na siya talaga.  Nahihirapan na siya sa gusto ng handler nila kasi di naman cooperative masyado ang kanyang partner.  Gaya ngayon, wala pa ito.  Dapat mag rehearse sila ngayon sa sayaw nila na sila magkapartner kaso wala pa rin ito.

“Alright ladies and gentleman.  Let’s start.  Go to your respective position and let’s take it from the start” pagbibigay instruction ng choreographer nito.

“Seth, dito ka sa harap.  Pakibigyan ng microphone si Seth.  Kayo naman, be ready with your partners.” At masusing tiningnan nito ang mga naroon nung mapansing wala pa rin si Joey.

“Dani, nasaan na naman ba ang partner mo?  Aba’y pasaway kayong dalawa ha.  Lagi na lang kayong late!” at nadamay pa si Dani sa inis nito.

“How can you dance if wala kang partner.  Paano yung liftings mo.  This is supposed to be a tandem.  Ano ba yan!  Paghindi pa rin magpapakita yang partner mo Dani, mapipilitan akong huwag kayong isali sa sayaw na ito.” Galit na sambit ng choreographer.

Tuluyan ng napa-iyak Dani sa maaring mangyari sa kanya.  Gustong gusto niyang sumayaw.  At pinaghihirapan niya na makasali sa production na ito.  She’s on the top of the list and was the favorite amongst the judges.  Isang comment pa nga sa kanya ng isang judge ay may future siya sa ganitong industry.

“Kayo kung di kayo seryoso sa trabaho niyo, then quit!  Nakakainis yung mga nasasayang nating oras!  From now on ang sino mang pasaway ay di ko na isasama.  At ikaw Dani, you better talk to Joey if you still want to remain in your spot!”

Pinahid ni Dani ang mga luha pero determinado pa rin siyang sumayaw ke may partner man o wala.  She held her head up high and prepared for her cue.

Lumapit si Seth sa choreographer at may pinag-usapan ang dalawa tapos tumatango tango ang choreographer at bumalik na rin si Seth sa pwesto niya bago siya kinindatan.

“O Dani huwag ka na umiyak.  While waiting for your partner to arrive, Seth will take his place for the meantime para makadiretso tayo.  Buti na lang mabait itong si Seth.  Ok guys position now.”

At nag-umpisa na nga silang sumayaw.  Dani gave her all in dancing and di na muna kumanta si Seth at sila na muna nagpartner.  Tumatango tango ang ibang members ng choreo team nung makita ang tandem nila sa pagsayaw.  Dani made sure na di siya magkamali at dahil kumportable naman siya sa kaibigan ay walang inhibitions sila sa pagsasayaw.

Pagkatapos ng kanilang number ay napapalakpak ang choreographer sa outstanding performance ng team at binigyan sila ng 15 minutes water break.

Nagmamadaling umalis si Dani sa lugar at muling pinakawalan ang kanina pang pinipigilang pag-iyak.  Hindi nakalampas sa mga mata ni Seth ang nangyari sa kaibigan kaya sinundan niya ito.

Nasa emergency exit si Dani and she was trying to catch her breath para pakalmahin ang sarili habang pinapahiran din ang mga luhang tumutulo.

“Hey, are you alright?” alo ni Seth sa kaibigan.

Yumakap si Dani kay Seth to seek comfort at humagulgul.  Niyakap rin siya ni Seth para aluin.

“Tahan na.  Pagpasensyahan mo na lang si Ate Joy.  She’s just upset and pressured.  Malapit na kasi ang performance natin.”

“Di ko naman kasalanan na wala si Joey ah.  Pero anong mangyayari kung aayawan na nila si Joey.  Paano ako?” at muling napaiyak si Dani sa alalahaning iyon.

“Hey! Hey! Don’t worry about it.  Napakagaling mo para ayawan ka nila.” Hinawakan nito ang buhok ng kaibigan at hinawi ang mga buhok na tumatabing sa mukha nito.

“Eh paano yung sinasabi ni Ate Joy kanina?” parang batang takot na takot si Dani na nakayakap pa rin sa beywang ni Seth.

Hawak pa rin ni Seth ang mukha ni Dani at palibhasa matangkad ito sa kaibigay kaya naka tingala si Dani at nakatungo naman si Seth.

“Akong bahala sayo.  Trust me.  Let me handle it ok?  So hawak ka ng umiyak.  Sayaw lang ng sayaw.  Just give it your best ok?” at tiningnan siya nito eye to eye saka piningot ang ilong.

Dani grinned at muli itong niyakap ni Seth and he patted her back at hawak beywang silang bumalik sa dance studio.


Chapter 3:

Biglang napabitiw si Dani nung makita niyang masama ang tingin ng handler sa kanila pero hinawakan siyang ni Seth at lumapit ito sa mga fans na nandun para manuod ng rehearsal nila.

Nung nagrequest ang mga fans ng picture nilang dalawa at dahil dun ay inakbayan siya bigla ni Seth na mas lalong ikinadidilim ng handler ni Dani.

Kinabahan man si Dani ay di rin niya kayang ipahiya si Seth at ang mga fans na likas na mabait sa kanya.

Matapos ang picture taking at nag-umpisa na ulit ang rehearsal ay nagpaalam na sina Seth at Dani sa mga fans.

Akbay pa rin ni Seth si Dani papunta sa loob at dun niya nakita na nandun na pala si Joey.  As usual para wala lang para dito na di umabot sa first half ng rehearsal.

At instinct ay nabitiwan agad ni Dani ang kamay na Seth na nakahawak sa kanya nung matantong masama ang titig ni Joey sa kanila.

Napailing na lang si Seth sa ginawa ng kaibigan at hinayaan ito at bumalik na pwesto niya.

Mukhang may sumpong na naman ata si Joey kasi di naman siya kinikibo nito.  Kibit balikat na lang din si Dani at pumwesto na sa dancefloor.

Yun nga lang din isang pakunswelo kay Joey kasi magaling itong sumayaw kaya kahit ngitngit na ngitngit na ang choreographer ay napapalakpak pa rin ito pagkatapos. 

Natapos na lang ang rehearsal ay di pa rin siya kinikibo ni Joey.  Masusi lang siya nitong tinititigan habang nagpapalit ng sapatos tapos walang pasabing umalis ito.

Hinabol ni Dani si Joey at pilit kinakausap.

“Joey, hintay.  Ano bang nangyari sayo?”

Joey didn’t slowdown bagkus mas binilisan pa rin nito ang paglalakad.  Pero nahawakan siya ni Dani kaya napahinto ito.

Habol ang hininga pero di pa rin binibitiwan ni Dani ang braso ni Joey.

“Joey, ano ba ang problema.  Galit ka ba?” she said in between breath.

“You don’t know how to follow instruction!” sa wakas ay nagsalita na rin ito.

“What?  Paano?” confuse pa rin si Dani.

“Didn’t I told you to wait for me because I will fetch you?  Pagdating ko sa inyo wala ka na.  How could you do that to me?” galit na sambit ni Joey sa kanya.

“Tinawagan kita but your phone just kept on ringing.  Nagtext ako sayo na hindi na ako papasundo kasi baka malalate na naman tayo.  Lagi na lang kasi tayong nalalate at galit na galit na si Ate Joy.  Pinagalitan nga ako kanina kasi wala ka daw.”

“Serves you right.  Dapat kang pagalitan kasi you ditched me.  Tsaka di ba sabi ni Ate K sayo na huwag kang dikit ng dikit kay Seth pero look what you guys did, damn!  Nakaholding hands pa kayo!”

“Seth is my friend!” depensa ni Dani sa kaibigan.

“Yeah Seth is your friend kaya dun ka na dumikit.  Might as well call off this stupid love team!” at binirahan na nito ng lakad palayo kay Dani.

Napa-upo si Dani nung naramdaman ang pagweaken ng mga binti.  She covered her face with her hand and started sobbing.  Sa totoo lang ay nahihirapan na talaga siya sa sitwasyon nila ni Joey.  Temperamental ito at palibhasa mayaman kaya he’s not taking his job seriously.  Malakas din ang kapit nito sa network kasi pamangkin ito ng isa sa mga executives.

May nag-abot kay Dani ng panyo at itinayo siya at binitbit sa exit.


Chapter 4:

“Thank you.” Sabay pahid ng luha gamit ang panyong binigay sa kanya.

“Tahan na Dan, hayaan mo na muna yun.  Pagnahimasmasan yun babait din yun.”

“Pagod na pagod sa kakaadjust sa mood niya Ate K.”

Si Ms. K ang handler nilang pareho.  Kahit nainis ito kay Dani kanina pero di rin naman siya kayang tiisin nito.

“Dani, seryoso din ako sa sinasabi ko kanina patungkol sa inyo ni Seth.  Gagawin daw kayong official loveteam na so kailangan you guys should stick together.  Ikakaganda ito ng career mo kaso paglagi kang nakadikit kay Seth ay di makakatulong sa inyong dalawa ni Joey iyon.  Macoconfuse ang mga fans.” Pagpapaliwanag ni Ms. K.

Muling tumulo ang mga luha ni Dani dahil di niya maatim na iwasan si Seth kasi in him he found a friend.

“Naintindihan ko na magkaibigan kayo ni Seth pero pagbigyan mo muna ang gusto ng management na magconcentrate ka sa loveteam niyo ni Joey.”

“Halika na, sumabay ka na sa akin.  Joey is waiting for us sa restaurant.  Mag-usap tayong tatlo on what needs to be done.” Pagpapatuloy ni Ms. K.

Tumango lang si Dani at muling pinahiran ang mga luha at bumalik sa studio para kunin ang mga gamit.

Nadatnan niya si Seth dun na sadyang hinihintay siya.

“Are you alright?” tanong nito sa kanya at dahil nakatungo siya ay inangat nito ang kanyang mukha.

“You’re crying again.” Puna nito sa kanya.

Pilit iniiwas ni Dani ang mukha sa hawak ni Seth at tinutuk ang atensyon sa pagliligpit ng gamit.

“Alis na ako.” Mahinang sambit ni Dani.

“I’m taking you home.”

“Huwag na Seth.  Sasama ako kay Ate K.  May meeting pa kami.” Tangi ni Dani sa offer ni Seth.

“Sure ka?  Call you later ha.”

Tumango lang si Dani.  Gulong-gulo ang isip niya at di siya makapag-isip ng maayos.  Lumong-lumo siyang umalis sa dance studio at ni lumingon sa kaibigan ay di niya ginawa.

Naiiling na rin si Seth sa aksyon ng kaibigan.  Alam niyang may problema ito.  Bumuntunghininga na lang si Seth bago binitbit ang bag para lumabas sa studio.

***************************************************
“Are you alright?”

Tiningnan lang ni Dani ang message na nakapaskel sa cellphone pero hindi niya ito sinagot.

Tumugtug ang Jollibee theme pero di ito sinagot ni Dani.  Alam niya kasing si Seth ang tumatawag.  Nagpasya na si Dani na iiwasan na muna si Seth matapos silang masinsinang kausapin ni Ate K ni Joey.

Ang instruction na binigay sa kanilang dalawa ay dapat lagi silang magkadikit at lahat ng functions dapat magkasama sila.  At binigyan ng specific instruction si Dani na iwasan ng tuluyan si Seth.

****************************************************
Di na muling nakita ni Dani si Seth kasi tumulak ito sa US para sa kanyang concert kasama ng ilang artist ng Star Magic.  Naimbitahan ang mga Star Magic singers na magperform sa Las Vegas para sa mga Filipino community dun.

Bago tumulak papuntang US si Seth ay nagka-usap sila dahil pinuntahan talaga siya nito sa bahay.

“What is wrong?  Bakit iniiwasan mo ako?”

“Seth sorry.  Management’s order.  Kailangang iwasan daw muna kita kasi threat daw sa loveteam namin ni Joey.”

“I see.  Pero magkaibigan tayo di ba?  Bakit kailangang umiwas sa isa’t isa?” naguguluhang tanong ni Seth sa kanya.

Kibit balikat lang ang naisagot ni Dani sa sinabi ni Seth.  She’s trying to maintain her composure and tried showing na di siya apektado pero deep inside her, gumuguho ang kanyang mundo dahil alam niyang nasasaktan din ang kaibigan.

“Oh well!  Sabi nga di ba, the show must go on so this is it.  This is good-bye my friend.” Sabay lahad nito sa kamay.

Nakatungo lang si Dina at tuluyan ng natibag ang kanyang coldness at tumulo ang mga luha.  Ni pag-abot sa kamay ni Seth ay di na niya nagawa.

Sabi ng isip ni Seth na umalis na pero sabi ng puso niya’y yakapin si Dani.  Nanaig ang dikta ng puso kasi niyakap nito si Dani.  At sa muli, Dani cried in Seth’s arms.  Pareho silang nag-iyakang magkaibigan.

Nanatili sila sa ganung posisyon hanggang totohanan ng nagpaalam si Seth.  Pagkaalis ni Seth ay muling napaiyak si Dani.

Chapter 5:

Matuling lumipas ang mga araw at ang nakatakdang pagstay ni Seth para sa Star Magic concert na isang buwan lang ay na extend ito ng ilan pang buwan dahil may isang international record company na nag-offer to co-manage him para sa kanyang international career at kasama sa kontrata ang pananatili ni Seth sa ibang bansa para gumawa ng album at magpromote nito.

May communication naman silang dalawa ni Dani pero di ganun ka dalas gaya ng dati dahil pareho silang naging busy. 

Sina Dani at Joey ay umaarangkada na rin ang career.  Nabigyan sila ng pagkakataong sumali sa isang soap opera at nagkaroon pa sila ng movie.  Dumarami na rin ang followers nilang dalawa at kabi-kabila ang mga guestings at shows kaya sobrang busy na rin si Dani.  Infact, laging sa sasakyan na lang ito natutulog dahil bukod sa soap opera na regular na shinoshoot ay may isa pa silang movie na ginagawa. 

“We love you Joe-Elle!” ang tuwinang sigaw ng kanilang mga fans pag naguguest sila sa mga shows or pagsasayaw o kakanta sila sa isang Sunday show.

Pero kung ano mang kinasweet nilang dalawa infront sa mga tao ay minsan kabaliktaran ito sa totoong buhay dahil, pag naka-off na ang mga camera, si Joey ay malimit lumalabas ng mag-isa at dahil na rin sa pagod ay tinutulog na lang lagi ni Dani ang mga nalalabing oras na pwedeng magpahinga.

“Alam kong pareho kayong inimbita ni Analeen sa kanyang birthday this weekend at alam ko rin na as usual ayaw mo na naman pumunta Dani but it’s out of the question kung pupunta ka ba o hindi kasi kailangang nandun ka.  May movie kayong lalabas next month and I need you both to be visible at laging magkasama.” Pagbibigay instruction ni Ate K sa kanila.

“Ate, pass na lang ako.  Inuman yun eh at puyatan.  Gusto ko sana magpahinga.” Pagsusumamo ni Dani.

“Dani, huwag na matigas ang ulo.  Magpakita ka lang dun at umalis na rin pagkatapos.”

“Dan, we’ve been working so hard and ano ba ang magpakita ka lang dun at makijoin sa fun.  Is that so hard to do?  Jesus!” galit na sambit ni Joey.

“Hindi naman sa ganun pero nakakapagod lang kasi…” di na natapos ni Dani ang sasabihin kasi kinut siya ng handler at pinaalalahan ulit sa agreement nila.

Walang nagawa si Dani kundi pumayag.  Naghihihumutuk si Joey na kesyo maarte daw siya masyado at kill-joy pa at binirahan agad nito ng tayo palabas sa resto kung saan sila kumain at nagyosi sa labas.

“Pagpasensyahan mo na yang ka loveteam mo Dani.  Sumpungin talaga ang taong yan.  Ikaw ang mas may matinong utak kaya ikaw na lang ang umintindi ok?” gagap ng handler niya ang kamay ni Dani.

“Ok lang Ate K.  Nasanay na ako sa kanya.”

“Oo nga pala Dani, gaya nung mga nauna niyong publicities, ganun pa rin ang mangyayari kaya kailangang nandun ka sa party ni Analeen.”

Buntunghininga na lang ang isinagot ni Dani at napahawak sa noo na tila may masakit dito.

Ginagap ni Ate K ang kamay ni Dani at muling nagsalita.

“Dan, alam ko na nahihirapan ka na din magpanggap pero makiayon ka na lang ha para sa ikakaganda ng iyong career.  Naiintindihan mo naman ang lahat ng ito di ba?”

Tango lang ang isinagot ni Dani sa handler.

“Good girl.  O sige tapusin mo na yung pagkain mo para makaalis na tayo.  Labas lang ako para magyosi ha.”

“Ok po Ate.”

Again she sighed deeply at muling ipinagpatuloy ang pagkain.  Binalikan niya ang unang beses na sinabihan siya tungkol sa “gimmick” ng loveteam nila.

“Magpapanggap kayong dalawa na merong something between the two of you.  Lahat ng functions ay dapat lagi kayong magkasama.  Laging kayo ang magkadate.  At pagtatanungin kayo, huwag kayong umamin na kayo na.  Leave everything hanging.  Parang sasabihin niyong special ang isa’t isa.  To cut it short, just let them feel that you love each other.”

Napanganga si Dani nung marinig iyon.  Di niya alam kung kaya ba niyang magpanggap.

“Ate K, mahirap po ata ang gusto niyong ipagawa.  Eh wala naman kaming relasyon ni Joey.” Nagpapanic na sambit ni Dani.

Tahimik lang na nakamasid si Joey.

“Hindi yan mahirap gawin Dani.  You’ll just have to pretend.  Pagsinabing pretend kasama din yung sweetness sa isa’t isa at isa pa kailangang iwasan niyo muna makihalubilo sa ibang pwede maging sagabal sa loveteam niyo and you know what I mean by that Dani.” Pagbibigay warning ni Ate K kay Dani patungkol sa closeness nito kay Seth.

“At ikaw Joey, kwidaw muna sa mga kabi-kabilang harutan sa mga girls ok or else…” pagbibigay warning ng handler kay Joey.

Joey boyishly smiled sabay sa paghawak nito ng batok at nagpapacute.

“Hay nako Joey, huwag mo akong daanin sa pagpapacute mo.  This time I’m serious kaya you better behave.  Ah basta, non-negotiable ang gusto ng management kaya mag-usap kayo kung paano niyo yan gagawin.”

At naiwan ang dalawa na nagkatinginan na lang at nagkatawanan at di lubos maisip kung ano ang gagawin.
Chapter 6:

Matuling lumipas ang mga araw.  Ang buwan ay naging taon din kay Seth dahil gumaganda ang career niya sa ibang bansa kaya nanatili na muna siya doon.  Once in a while umuuwi siya pero sa tuwina ay di nagpapanga-abot ang schedule nilang magkaibigan or baka nga sadyang di pinag-abot.

Gumaganda din naman ang samahan nina Dani and Joey.  They played by the rules and they’re enjoying it.  Kung dati ay halos di sila magpansinan at all acting lang talaga pero sa kalaunan ay naging palagay na rin ang loob nila sa isa’t isa.  Binansagan sila na hottest loveteam at kabikabila ang guestings at appearances nila.

Pero wala pa rin silang inaamin patungkol sa kanilang relasyon.  They would always say na may espesyal lang silang pagtitinginan.  They are exclusive at hindi na epepair sa iba.  Masyadong seloso’t selosa ang mga fans nila.

Ngunit nitong mga nagdaang araw ay medyo namumrublema na rin Dani sa pakikitungo niya kay Joey.  Kahit paano ay may nararamdaman na rin siya kay Joey at gayun din ito sa kanya pero hindi pa rin nito kayang kontrolin ang libido dahil once in a while ay nasasangkot pa rin ito sa mga blind items na kasama ng iba’t ibang girl.
Sometimes she felt insulted dahil sa tuwina ay laging dapat isagot niya ay hindi siya naniniwala unless sasabihin ni Joey sa kanya.

Isa sa inaalala niya now ay ang pagpunta sa party ni Analeen.  Alam niyang may gusto si Analeen kay Joey.  Tahasang inamin ito ng dalaga nung tanungin siya kung sino ang type niyang maging leading man.

“Analeen, paano yan eh exclusive ata ang tambalang Joe-elle?” tanong ng isang reported kay Analeen.

“Exclusive ba?  Kasal na ba sila?” ganting tanong ni Analeen dito sabay kindat.

“Eh hindi pa naman pero di pa sila nakasubok ng ibang partner di ba?”

“Well, there’s always the first time right?  Who knows baka ito na yun!” makahulugang sagot ni Analeen sa reporter.

“Nakakaloka!” ang tanging naisagot ng reporter dito.

“That’s a healthy competition Dani.  Analeen will spice up your loveteam.  People like competitions right.  Huwag ka papatalo kaya kailangang nandun ka sa party niya.” Sabi ni Ate K kay Dani habang pinapanuod nila ang interviewing iyon ni Analeen.

Tahimik lang si Dani pero aaminin niyang medyo nagseselos din siya sa closeness ni Joey at Analeen.

Hindi rin kasi niya tantyado ang ugali ni Joey.  Minsan parang nagpapahiwatig ito na may gusto sa kanya, minsan naman deadma lang ito.  Pero dahil sa babae siya ay nararamdaman niyang in-love na nga ata siya dito.

Minsan nagka-usap sila ng bestfriend niyang si Ruby tungkol sa kanilang dalawa ni Joey.

“Girl, what’s the real score ba sa inyo ni Joey?”

“Ewan ko nga eh.”

“Paanong ewan mo?  Teka nga, totohanan na ba yung tungkol sa inyong dalawa?” pangungulit pa rin ni Ruby kay Dani.

Kibit balikat ang isinagot ng dalaga dito na sinagot naman nito ng ikot-mata.

“Hay nako!  Sinasabi ko na nga ba eh!  Alam mo ikaw ang talo sa labang ito.  You’re falling for him!”

Nanatiling tahimik pa rin si Dani.

“Alam mo girl, pangalagaan mo yung damdamin mo.  Tingin ko kasi kay Joey ay hindi pa ready sa exclusive relationship yan.  Baka you’ll end up luhaan lang pagkatapos.  Tingnan mo nga…” sabay turo sa tabloid nanakikitang nasa isang party si Joey kasama ng iba pang kasamahang artista at nandun din sa picture na iyon si Analeen.
“Nako ang landi talaga ng babaeng iyon.  Kung makakapit kay Joey o!  Sus!  Sarap kalbuhin!” nangigigil na sambit ni Ruby.

Isang buntunghininga ulit ang pinakawalan ni Dani kasi wala na siyang maisagot sa kaibigan.

Biglang natahimik si Ruby at may binabasa at bigla itong tumili!

“Hoy, anong nangyari sayo?” tanong niya dito.

“Nako girl, may balitang magcoconcert pala si Seth dito.  Alam mo ba ito?”

Umiling si Dani.

“Nako nako girl, next month pala ang concert niya.  Makabili nga agad ng ticket para sa concert niya.  Manuod tayo ha!!!!  Teka tawagan ko ang tropa!  Aaaaayyyyy!!!!” at nagtititli na ito na parang ewan.

Masusing tiningnan ni Dani ang picture ni Seth na nasa tabloid.  Namimiss niya ang kaibigan.  Matagal na din silang walang communication sa isa’t isa.  Naalala niya nung minsang nagkita sila sa US concert ng Star Magic.

Dahil sa sikat na si Seth ay may sarili itong dressing room na nadadaanan ng lahat ng performer na pupunta ng stage.  Sarado ang dressing room nito pero nung dumaan sila ay tiyempong nagbukas ito at iniluwal ang kaibigang matagal ng hindi nakikita.

Parang tumigil ang mundo nung magkita sila.  They were both shocked to see each other pero unang nakabawi si Seth at bigla siya nitong niyakap ng mahigpit.

“Dani!  It’s nice to see you again!”

Di na nakasagot si Dani dahil namalayan niyang hinihila na siya palayo sa kaibigan.  Napabalik siya sa huwisyo at nakitang si Joey pala ang humihila sa kanya na hila-hila naman din ito ng rm nila.

Di niya masyadong naintindihan ang sinasabi ni Seth pero parang sinasabi nitong hihintayin siya mamaya.

Wala sa loob na tumango si Dani pero matapos ang kanilang song and dance number bi Joey at nakababa na siya sa stage ay nanatiling sarado na ang room ni Seth.  Nahihiya naman din siyang kumatok at di na rin nabigyan ng pagkakataon dahil may isang Filipino community pa silang pupuntahan na invited naman silang dalawa ni Joey.

Hangga’t makauwi sila ng Pilipinas ay yun lang ang tanging naging communication nila ni Seth.  She never bothered to ask for his whereabouts dahil nirerespeto niya ang loveteam nila ni Joey at nangako si kay Ate K.

Isang buntunghinga muli ang pinakawalan ni Dani at hinawakan ang pahinang may larawan ni Seth.
Chapter 7:

Malakas na musika, ingay at hiyawan, bumabaha ang inumin!  May nagtequila shots, may nag Bong!, may iba na hawak hawak ang bote ng San Mig light.  May mga sumasayaw.  It was a beach party and everyone is instructed to wear white.

“Oh my God!!!!! You’re finally here!!!!!” sigaw ni Analeen nung nakitang dumating sina Joey at Dani.  Patakbo itong yumakap kay Joey at di alintana nitong hawak pala ni Joey si Dani.

Halatang tipsy na si Analeen at may bitbit pa itong wide rimmed glass na may lamang transparent na likido which could be guessed as a vodka.

Medyo biglang nagkaroon ng tension ang mga nandun dahil sa ginawa ni Analeen dahil she’s clinging to Joey and is asking him to dance with her.

“Mamaya na Analeen.  Happy Birthday pala.  We’re starving!” halatang nilihis lang ni Joey ang kwento dahil nakita niya ang pagsama ng timpla ng mood ni Dani.

“Oh I’m so bad.  Halina kayo sa buffet table.  Help yourselves.  Come!”  sabay hawak sa kamay ni Joey at ng dahil dun ay nabitiwan nito ang pagkakahawak kay Dani.

Nababastusan na si Dani sa nangyari pero she doesn’t want to make a scene kaya di na siya kumibo.

“Hi Dani.  Pahiram muna ngayon kay Joey ha.  He’s my special guest!” sabi ni Analeen at halatang lasing na nga ito dahil sa mga kilos.

Tumango na lang si Dani at hindi sumama sa kanila papuntang buffet table kaso hinawakan siya ni Joey so he ended up na dalawa ang ka holding hands.

“Wow pare ang gwapo mo.  Dalawang chix ang dala dala mo!  Kung suswertehin ka nga naman oh!  Pare, exchange naman tayo ng mukha kahit isang gabi lang.” sigaw ni Joe sa kanya.

Isang nakakalokong ngisi lang ang isinukli ni Joey kay Joe.

Habang nasa buffet table ay todo asikaso si Analeen kay Joey at si Joey naman ang inaasikaso ay si Dani.  Nakakatawa silang tingnan tatlo.

Hangga’t sa pag-upo ay di pa rin tinantanan ni Analeen si Joey.  Nandun yung subuan ito at kahit todo tangi ang huli ay minsan nagpapaubaya na rin dahil ayaw mapahiya ang celebrant.

All through out that dinner ay iniignore talaga siya ni Analeen kaya si Joe na lang ang kumakausap kay Dani.

“Dan, are you ok?” tanong ni Joe sa kanya.

Pagtaas ng kilay lang ang nasagot ni Dani kay Joe.
“Pagpasensyahan mo na yan.  Lasing lang yan.  Malakas talaga tama niya kay Joey.” Pagpapaliwanag ni Joe.

“Mukha nga at yung kaibigan mo gustong gusto naman yung ginagawa ng haliparut na iyan.  Sabi na nga bang ayokong pumunta sa party na ito eh pinipilit pa kasi ako eh.” Paghihimutuk ni Dani.

“Nako tama lang na pumunta ka kasi pag hindi patay kang bata ka, baka e take home pa ni Analeen ang Joeyboy mo!” maarteng sabi ni Joe.

Ikot mata lang ang isinagot ni Dani pero hindi na siya natutuwa sa mga pangyayari.  Naiinis siya sa ginagawang pambabastos ni Analeen sa kanya.  Gustong gusto na niyang umuwi kaso wala siyang dalang kotse at nasa malayo at private resort sila so walang taxi na dumadaan.

“Dani, bantayan mo si Joey.  Baka anong gawin ni Analeen sa kanya.” Ang text na natanggap ni Dani galing kay Ate K.

“Ate, malaki na si Joey at dapat alam na niya ang kanyang ginagawa.  Mukha namang ini-enjoy niya ang kahaliparutan ni Analeen.  Pwede na ba akong umuwi?”

“Hindi pwede. Huwag mong iwan si Joey.  Pangit tingnan! Umayos kayong dalawa diyan.” Muling sagot ni Ate K.

“Grrrrrrrrrrr!!!!” sabay hampas ng kamay sa mesa na ikinagulantang ni Joe na umiinum ng sabay sa kasalukuyan.  Napalakas ata ang hampas ni D kasi natapunan ang mukha ni Joe ng sabay.

“Naman Dani, naligo naman ako at nagpabango.!” Sabay punas sa mukha nito.

Imbes na magalit pa si Dani ay natawa siya sa itsura ni Joe kaya napahalakhak na rin ito sabay tinulang sa pagpunas ng mukha si Joe while saying sorry.

“Kung galit ka, yung Joeyboy mo ang hampasin at huwag ang mesa.  Nadidisgrasya kasi ang humihigup ng sabaw eh!” di maiwasang himutok ni Joe.

“Sorry na po.  Na carried away lang.” at humahagikhik pa rin si Joe.

Sa wakas ay umalis si Analeen sa table nila.

“Whew!  Grabeh naman itong si Analeen sa kakulitan.” Sabi ni Joey habang inaayos ang pag-upo paharap kay Dani.

“Baby, do you want anything to drin…” at di na nito natapos ang sasabihin at napabulaghit din ito ng tawa nung makita ang ayos ni Joe.

“Pare, ang sabaw kasi iniinum at hindi hinihilamos!”

“Ay Pare, ang mesa din kasi dapat nilalagyan ng pagkain at hindi hinahampas lalo na’t may umiinum ng sabaw!” sagot ni Joe habang tinitingnan ng masama si Dani.
“Sorry na sabi.  Aminin mo masarap yung sabaw at nagugutum mukha mo kaya pagbigyan mo na.  Tsuri na!” sabi ni Dani habang pinupunasan si Joe.

“Napansin ko nga!” sabi ni Joe na pinalaki pa lalo ang butas ng ilong.

Napahalakhak pa lalo si Joey at di nito alintana ang inis ni Dani.

“Baby, what do you want to drink?  Hoy….” Pagtatanong muli ni Joey kay Dani.  Nakagawian na nitong tawagin siyang baby dahil yun tawagan nila sa una nilang movie.

“Pare, may sumpong na naman ata tong Baby ko.” Sabi ni Joey kay Joe habang pinipilit na yakapin si Dani.

Pilit kumawala ni Dani sa yakap ni Joey at di pa rin nito tinitingnan ang huli.  Patuloy nitong tinutulungan si Joe na linisin ang sarili.

“Baby naman.  Huwag ka ng magalit.  Ganun lang talaga si Analeen.  Makulit at mapagbiro lang talaga yun.  Tsaka lasing na rin yun eh so din a alam ang ginagawa.” Pagpapaliwanag ni Joey.

“Hay nako ewan ko sa inyo.” Pero mayamaya lang ay unti-unti ng nawala ang galit ni Dani sa kapareha.

Pero kung kelan naman nahimasmasan na sana si Dani ay siya namang pagbalik ni Analeen sa table nila at hinihila nito si Joey para sumayaw.

“Later na Analeen.  Busog pa ako eh. Tsaka walang kasama si Dani.”

“Anong walang kasama, hello!  Kahit maitim si Joe kita pa rin siya kaya may kasama si Dani.” Banat nito.

“Ay thank you at ang bait mong talaga Analeen!” sagot naman ni Joe sa banat nito.

“Oi Joe birthday ko kaya pagbigyan mo ako pwede!  Tara na, isayaw mo na ako pleaseeeeee!” paglalambing nito kay Joey.

Di pa rin natinag si Joey at nanatiling tahimik si Dani pero salubong na ang kilay dahil naiirita na kay Analeen

“Dani, may I borrow Joey?  Birthday ko naman ah!  He’s my gift!  Guys, ayaw pumayag ni Dani na makasayaw ko si Joey oh!  Papayag ba kayo?” pag-eeskandalo ni Analeen.

“Tumayo ka na dyan before she makes a scene.” Sa wakas ay kinausap na ni Dani si Joey.

Walang choice si Joey kung di tumayo at magpatianod sa gusto ni Analeen.  Pagdating sa dancefloor ay para itong lintang kumapit kay Joey at mukhang planted na ang gustong mangyari ni Analeen kasi lumapit naman ang mga kaibigan nito at biglang itinali ang dalawa sa isang telang manipis na puti na animo’y mummy silang nakasandwich sa isa’t isa.
Hindi na matagalan ni Dani ang nakikita kaya tumayo na siya sa kinauupuan at lumayo layo sa venue.  Bago siya tuluyang lumayo ay di maiwasang mapalingon siyang muli sa dalawang sumasayaw at nasaksihan niya ang mas ikinangitngit ng bunbunan niya.

Caught in the act niyang nakita ang dalawa o mas tamang sabihing hinalikan ni Analeen sa lips si Joey.




Chapter 8:

Pilit kumakawala si Joey kay Analeen pero the more he resisted the more Analeen held on to him.

“Analeen, stop it!” said Joey in between kisses of Analeen.

“It’s my birthday Joey, pagbigyan mo na ako!”

Hanggang sa nakahanap si Joey ng pagkakataon para mapahinto si Analeen.  Naitulak niya ito para tumigil.

Nawalan ng balanse si Analeen at natumba ito.  Biglang natahimik ang lahat ng nakasaksi.  Taas-baba ang hininga ni Joey at pilit kinakalma ang sarili.  Naiinis siya sa ginagawa ni Analeen.  It was below the belt and alam niyang di nagugustuhan ni Dani ang nangyari.  Pero dala ng kagandahang asal ay itinayo din nito ang natumbang si Analeen at inalalayang umupo sa pwesto nila kanina.

Tahimik ang dalawa at di nagkikibuan.  Dumulong agad ang mga kaibigan ni Analeen para kumustahin siya.

“Ano ba ang ginawa mo Joey?  Bakit mo siya tinulak?” sabi ng isang kaibigan ni Analeen na mataray.

Hindi sumagot si Joey.  Sinisipat lang nito kung may masakit ba kay Analeen.  Ganun si Joey, may pakasuplado ito lalo na pag di niya gusto ang mga pinapagawa sa kanya.

“Are you ok girl?” tanong ng mga kaibigan ni Analeen sa kanya.

“Ano ba kayo, I’m ok!  Tuloy ang party.  Halika na Joey isayaw mo ako ulit.  Promise I won’t kiss you again.  Sorry kanina nadala lang ako.  Just dance with me ok.” Masayang sabi ni Analeen.

Pero tumangi si Joey at gusto nitong hanapin si Dani at alamin kung anong nangyari dito lalo na’t di niya ito makita sa dating kinauupuan.

Pero gayun pa man ay walang nagawa ang pagtanggi ni Joey dahil na rin sa pambubuyo at pangungunsensya sa kanya ng mga kaibigan ni Analeen.  He has to do it.  He has to save Analeen’s face from what happened a while ago.

*******************************************

Naghihyperventilate si Dani sa nasaksihan.  Mas lalo siyang nangigil dahil nakita pa niyang parang nakayakap si Joey kay Analeen.  She stormed out of the venue at lumayo para kumalma.

“Damn!  Nakakainis! Haliparut talaga!” inis na inis si Dani at di niya namalayang tumutulo na pala ang luha niya.

Hindi ito ang unang pagkakataong nangyari ang ganitong kaganapan.  Nung baguhan pa lang si Analeen at tahasan nitong sinasabi lagi na crush nga di umano nito si Joey at nagkaroon sila ng mga followers.  Infact meron ng mga bulong-bulongan na magkakaroon silang tatlo ng pelikula at ang theme ay love triangle.

Sa tuwinang may pagtitipon ng mga Star Magic artist ay parang lintang dumidikit talaga si Analeen kay Joey na lagi namang iniiwasan ng huli.

At one time ay di siya pinaalis ni Joey sa tabi nito at buong gabing hinahawakan ang kamay niya para makaiwas kay Analeen.  Dahil dun ay naging panatag ang loob ni Dani sa animo’y relasyon nila Joey… until what she witnessed tonight.

Nakahanap siya ng isang space na medyo tago sa mga tao at dun niya tuluyang pinakawalan ang mga luhang kanina pa nais lumabas.

Umupo si Dani sa isang malaking bato at tuluyang napahagulgul. 

Nasa ganung estado siya nung may lumapit at nagbigay sa kanya ng isang puting panyo.

Medyo nahirapan si Dani na alamin kung sino ang nag-offer sa kanya ng panyo dahil hilam sa luha ang mga mata kaya tinanggap na muna niya ang puting panyo at pinahiran ang mga luhang sagabal sa paningin.

Muling iniangat ang ulo at tiningnan kung sino ang nagmamagandang loob na nagpahiram sa kanya ng panyo.

“Seth?”

“How are you my friend?” he said flashing his signature cute smile.

Dahil sa pagkakita sa kaibigan ay muling bumalon ang mga luha ni Dani and she covered her face with her hand para maikubli ang pag-iyak and at instinct ay lumuhod si Seth sa tabi niya at niyakap nito ang dalaga to comfort her.

Yumakap na rin si Dani sa kaibigan at humagulgul at inilabas ang totoong nadarama sa mga sandaling iyon.

Ang tagpong iyon ay di nakalampas sa mga umaalab na mata ni Joey na matapos makawala kay Analeen ay dali-daling hinanap si Dani.

Chapter 9:

“Hey…” sabi ni Seth habang inaangat ang mukha ni Dani.

Parang nahiya si Dani sa ginawa dahil sa pag-iyak niya ay nabasa ang puting polo ni Seth.

“Oh my God, I’m so sorry Seth.  Nabasa ang polo mo.” Natatarantang sambit ni Dani habang pinupunasan ng panyo ang nabasang polo ni Seth.

Pinipigilan ni Seth si Dani habang nakasmile ito.

“Don’t worry about that.  It’s ok.  Matutuyo din yan mamaya.” Pag-aasure dito na ok lang ang nangyari.

Pero sige pa rin sa pagpunas si Dani at dun niya natantong yakap pa rin pala siya ni Seth and suddenly she became conscious.

“Ah Seth, you can let go of me na para mapunasa kita ng maayos.” Pagdadahilan ni Dani ng di man lang makatingin ng tuwid kay Seth.

And they both end up laughing and once again Seth embraced her.

“I missed you.” Mahinang sambit ni Seth habang magkayap sila.

“I missed you too.” Ang tanging naisagot din ni Dani sa sinabi ni Seth.  She never felt so secured in her life if she’s in Seth arms.

*****************************************

“Pare, ano nakita mo ba si Dani?” nag-aalalang tanong ni Joe kay Joey.

Di sumagot si Joey at diretso lang ito sa paglakad na tila may hinahanap.  Nung makita ang hinahanap ay agad itong nilapitan at hinalikan na ikinagugulat ng babae.  Sandali lang itong nagulat at biglang pinulupot ang mga braso sa leeg ni Joey.  Flashes were everywhere at lahat ng nandun na nakasaksi ay naghiyawan.

Hanggang sa tantanan ng lalaki ang paghalik sa babae.

“Wow!  Joeyboy that was awesome!” sabi ni Analeen habang nakayakap pa rin kay Joey.

Isang ngiti lang isinagot ni Joey at nakikipag slow dance ito kay Analeen ng di binibitawan ang paghawak ng beywang ng babae habang ang isang kamay ay bitbit ang isang botelya ng San Mig Strong Ice.

“Are you alright?” mayamaya ay tanong ni Analeen dito nung matantong tahimik ito at sige ang tungga ng beer.

Nananatiling tahimik lang si Joey at nangungulit pa rin si Analeen.

“Will you please shut up and stop asking question!  Do you want to dance or not?” iritableng sabi ni Joey.

Na-shock si Analeen pero nakabawi agad ito at muling niyakap si Joey o mas tamang sabihing muling lumandi ito para makuha muli ang attention ni Joey.

And the flashbulbs continues to strike.

********************************************

“You want to take a walk?” yaya ni Seth kay Dani bahang inilahad ang kamay nito.

Tumango si Dani at inabot ang kamay ng kaibigan at hawak kamay silang naglalakad papunta sa dalampasigan ng resort na iyon.

“Do you mind if I’ll ask why you were crying?” mahinang sambit pa rin ni Seth na di pa rin binibitawan ang kamay Dani.

Huminga ng malalim si Dani bago nagsalita.

“Ewan ko ba Seth.  Naguguluhan ako sa arrangement namin ni Joey.”

“Naguguluhang paano?  Pero bago lahat, ano ba talaga kayo ni Joey?  Bakit sinasabi mong arrangement?  You mean to say everything is scripted?” nahihiwagaang sambit ni Seth.
Isa muling buntunghininga ang pinakawalan ni Dani bago sagutin si Seth.

“Scripted.  Arrangement.  Maraming pwedeng itawag sa relasyon namin ni Joey Seth.  Pero aaminin ko na babae lang ako and I get affected or mas tama bang sabihin nakecarried away din ako and somehow nag-iisip din ako na baka nga there’s really something going on between the two of us.”

Umupo silang dalawa may baybayin na naka harap sa dagat.

“Everything was ok naman between us.  We are dating exclusively.  Well I think we both have no choice kasi we need to stick together for our fans I suppose.  Until Analeen came along.”

“What about Analeen?”

“Masyadong aggressive kasi ang babaeng ito.  Liberated.  She speaks her mind.  When she was new in the industry, tahasang niya talagang sinasabi na gusto niya si Joey.  Actually, nagkakagulo nga ang mga fans namin dahil dun.  Lahat ng functions, nandun siya lagi at parang lintang nakadikit kay Joey.”

“Di ko alam kung naiinsulto lang ba ako or nagseselos sa mga ginagawa niya.  And minsan nananadya pa talaga kagaya ngayon.  Alam naman niyang ako ang kasama ni Joey pero para wala ako dun pagkinakausap niya si Joey or mas tamang sabihing nilalandi niya ito.” Pagpapatuloy ni Dani na nababahiran ng inis ang boses.

Nanatiling tahimik lang si Seth at hinyaan ang kaibigan na ilahad ang naramdaman.

“And kanina talaga, di ko nakayanan ang nangyari.” At muling bumalon ang mga luha ni Dani.

“Ssssssshhhhh, huwag ka ng umiyak.  It’s not worth it ok.” Pag-aalo ni Seth muli kay Dani.

“Nakakainis lang kasi eh.  At pagod na pagod na ako Seth.  I’m tied up with this loveteam na alam ko na ako ang talo sa huli eh.”

“Dapat bang ako lang ang mag-aalaga ng relasyong ito?  Hindi lang naman si Analeen ang unang pangyayari.  Merong Trixie, Edrica and God knows kung sino pa but he’s just being discreet about it except nitong kay Analeen na nakita ko talaga kanina na naghalikan sila.  Di ba nakakainis talaga.” At tuluyan ng napahagulgul si Dani sa isiping iyon.

Muling niyakap ni Seth ang kaibigan at inaalo.

“Alam mo Dan, if di mo na kaya, bakit hindi ka bumitiw sa love team niyo.  I think you can go solo or explore on other love teams.” Suhestyon ni Seth sa kaibigan.

Natigilan si Dani sa sinabi ni Seth.  She going solo?  Kakayanin niya kaya?  And explore other loveteams?  Tatangkilikin kaya?  Ang mga katagang bumabagabag sa isip ni Dani matapos sabihin ni Seth iyon.

“I know na natatakot ka na baka hindi e embrace ng mga fans ang ganung set-up pero the question is nasubukan mo na ba?  Unless you will try it then that’s the time you will know if its going to work or not.” Sagot ni Seth sa nababasang pag-aalala na nasa isip ni Dani.

“Just think about it.  Who knows baka mas ikakaganda pa ng career mo ito.” Sabay kindat dito sa kanya.

“Hay nako Seth!  It’s easy for you to say.  Bahala na!  Wow!!!! A shooting star!!!!” napasigaw na parang bata si Dani nung makitang may nahuhulog na bituin.  And she closed her eyes and starting chanting…

“Starlight, starbright.  The first star I see tonight.  Wish I may, wish I might have the wish I wish tonight.”

Pero bago pa sabihin ni Dani ang wish ay hinawakan ni Seth ang kamay niya at muling nagsalita.

“Let me…” pagpapahiwatig nito na siya na ang magwiwish para sa dalaga.

“I wish that Dani will be happy and she find the man that she deserves who will never let her cry.” Sabi ni Seth na nakangiti habang nakatingala sa langit.

Chapter 10:

“Where are you and what is going on???”

Namutla si Dani sa natanggap na MMS galing kay Ate K.

“Are you alright Dan?”

“Oh my God!  Oh my God!” shocked na sabi ni Dani habang hawak ang telepono.

Kinuha ni Seth ang cellphone ni Dani at tiningnan kung ano man ang ikinashock ni Dani.  At tumambad nga sa screen ang picture ni Joey at Analeen intimately kissing in the dance floor.
Napailing si Joey sa nakita at inakbayan nito si Dani to comfort her.

“Halika na, hatid na kita pauwi.  There’s no point of going back there now.  It will just create more controversies.”

Tango lang ang naisagot ni Dani.  Shock pa rin siya sa pangyayari o mas tamang sabihin na natatakot siya sa maaring kahinatnan ng larawang iyon.

Maya-maya at tumunog na ang telepono niya at ang tumatawag ay si Ate K.

“Hello Ate K.”

“Dani, ano bang ang nangyayari sa inyo ha?  Bakit iba ang kalambutchingan ni Joey ha?  Nasaan ka?” sigurado si Dani nangalaiti na ang mga ugat ni Ate K sa mga sandaling iyon.

“Ate, sorry po.  Nagpahangin lang ako sandali at lumayo sa kanila…”

“Bakit mo iniwan si Joey?  Di ba kabilin bilan ko sayo na huwag mong iwan yun lalona’t nandyan si Analeen.” Di na nakatapos mag explain si Dani dahil naglilitanya na si Ate K.

“Ate, ate, teka ate please listen to me!” inilayo ni Dani sa tenga ang telepono dahil sumisigaw na sa galit si Ate K.

Tahimik lang si Seth pero di na rin ito nakatiis dahil bigla nitong kinuha ang telepono sa kanya and he turned it off.

“Seth, what are you doing?  Magagalit si Ate K.  Give me back my phone!” natataranta na si Dani dahil sa ginawa ni Seth.

“Hey, relax!  Alam mo, there’s no point of talking to her now.  Papagalitan ka lang nun.  Hayaan mong lumamig muna ang ulo niya then saka mo kausapin ulit.  Give it another 30 minutes then tawagan mo siya ulit.  And enough is enough, ikaw nga ang dehado dito kung tutuusin.  Pero bakit ikaw pa rin ang pinapagalitan.  Tara, let’s go home.  Let’s get out of this place.” Sabay hila na nito sa dalaga papuntang parking area.

Tahimik silang dalawa habang binabagtas nila ang kahabaan ang highway pauwi ng Maynila.
Halat pa ring tensionado si Dani at di mapakali.  Ugali nitong nagkukutkut ng balat na malapit sa kuku pag nasa ganung sitwasyon at napansin iyon ni Seth kaya kinuha nito ang kaliwang kamay ng dalaga at hinawakan.

Nagulat si Dani sa ginawa ni Seth.

“Baka maubos yang balat mo sa kakakutkut mo kaya hahawakan ko muna.  Di ko man mahawakan yung kabila, atleat yung nahahawakan ko ay safe na.” sabi nito habang nakatutuk ang mga mata sa daan.

Biglang napabulaghit ng tawa si Dani na ikinagulat ni Seth.

“Parang timang ito, now what?  What’s so funny?”

Tawa pa rin ng tawa si Dani pero mayamayang konti ay tumutulo na ulit ang mga luha nito.  Seth had to pull-over the car para ma-alo ang kaibigan.

“Dan, anong nangyayari sa’yo?  Kanina lang tumatawa ka.  Tapos bigla ka na lang umiyak.  Natatakot na ako sayo ah.” Pilit na binahiran ni Seth ng pagbibiro ang tono pero sa totoo ay worried na talaga siya sa kaibigan.

“Pagod na pagod na ako Seth.  Ayoko na.  Gusto ko ng kumalas at umalis.  Gusto kong lumayo.” Hilam sa luha si Dani nung sambitin ang mga iyon.

Muling niyakap ni Seth ang kaibigan at pilit pinapatahan.

“Sssssshhhhhh tahan na.  Ilang beses ka ng umiyak ah.  Tama na.” paulit ulit na pagpapatahan ni Seth kay Dani.

Matagal din na nasa ganung estado ang magkaibigan.  Nung namalayan ni Seth na parang bumibigat na ang niyayakap ay dun niya natantong nakatulog na pala ito.  Dahandahan niyang ibinalik ito sa upuan at muling ikinabit ang seat belt at saka pa ikinabit ang sariling seatbelt.

Muling pina-usad ang sasakyan para makabalik na sila sa Maynila.  Kinuha niya ang telepono at may dinaial na numero.

“Hi Ate.  Yeah it’s me Seth.  Are you busy tomorrow?  I need to ask you something.  Yeah 10 am will be fine with me.  I’ll see you then.  Thanks.  And oo nga pala Ate K, Dani is with me now.  Ihahatid ko siya sa kanila.  No no, it’s ok.  I’ll take care of her.  Don’t worry.  Let’s talk tomorrow ok.  Bye.”

Hustong nasa stop light sila ay muling tinitigan ni Seth ang kaibigang mahimbing na natutulog.  He traced her face with his finger and God knows how he’s trying to stop himself from giving her a kiss right at that moment.

“I promised you Princess, everything will be alright.  Everything will be fine when I’m around.  I will always be around from now on.” At din a rin niya natiis and he planted a kiss on her forehead.


Chapter 11:
Sa isang pagpupulong…

“I have only one request.  I want her to be in my next video.” He said it firmly.

“But we might have a hard time getting her because of her schedule.” Nayayamot na sambit ng isa sa mga staff na kameeting niya.

“That will be your job to convince her.  I want her and only her for this video.” He still said firmly.

“Hay nako naman Seth, you’re giving us a hard time.  I gave you already a list of other options pero bakit gusto mo pa rin na siya ang nasa video?” tanong ng director ng video kay Seth.

Kibit balikat lang ang isinagot ni Seth dito.

“Ganito na lang Seth ha, susubukan naming e convince yung manager na pumayag.  In case di naman mapapayag then lets entertain another option ok?” dagdag ng director.

“No, we will postponed the shoot if di siya papayag dahil busy siya.  But in the event na di niyo mapapayag dahil lang sa issue ng exclusivity, let me talk to her ok.”

“Hay nako ewan ko talaga sayo Seth.  Minsan ang hirap mong espellengin.  Buti na lang cute ka!  Kung hindi, ewan ko.  Siguro titirisin kita ng pinong-pino.” Reklamo ng director sa kanya.

Ngumiti lang si Seth in return at makalipas ng ilang minuto ay natapos na din ang meeting na iyon.

*********************************************

“Where are you?”

“Dito lang sa studio.  Dance rehearsal.”

“Can I see you?  Can we talk?”

“Baka mamaya pa ako matatapos dito eh.”

“Ok lang.  I’ll wait for you.  Can you text me later?”

“Ok.  Magkita na lang tayo sa resto sa baba.”

“Ok.  See you later.”

************************************************

“Hi, I’m glad you can make it.” sabay beso sa bagong dating.

“Sorry ha at medyo natagalan kami.  Maraming pinapagawa eh for this Sunday’s show.” Pag-eexplain na bagong dating.

“Please have a seat.” Turo naman ng nag-imbita sa bakanteng silya.

“Thanks.” At umupo na rin ang bagong dating.

“Anong gusto mong inumin at kainin?”

Orange juice na lang and carbonara.”

Tinawag na nito ang waiter at nag-order para sa kanya at para sa bagong dating.

“So how are you?”

“I’m ok.  Getting by.”

“How about you Joey?  Kumusta ka na?”

“Ito ganun pa din.  Di pa rin tinantanan ng mga reporters tungkol sa ating tatlo ni Analeen.” Malungkot na sambit ni Joey.

Simula ng lumabas yung larawan na naghahalikan si Joey at Analeen ay naging controversial ang love triangle nilang tatlo.  There’s no sense of denying na on the end of Dani kaya inamin na nila ang totoo na wala silang relasyon ni Joey but they’re special friends.

Naging emotional ang pag-aaming iyon lalo na sa mga fans and followers ng dalawa.  It was timely for their movie.  Ang original na gusto ng management sana kung di lang nangyari ang incident ay ipapaalam na sa mga fans na sila na dapat ni Joey pero di iyon natuloy at nag-iba pa nga ang takbo ng estorya.

Kahit papaano ay naging apektado din sandali si Dani pero dahil laging nandun si Seth nung mga panahong iyon ay natutulungan siya nito na para kalimutan ang sakit.  They’re on the process of rebuilding their lost friendship ika nga.

Joey on the other hand was exploring on other options.  He’s been paired with other celebrities as well.  Both are now launched as individual actor and actress.  Matagal tagal na rin silang hindi nagkita dahil umalis si Joey at nagshooting ng isang soap opera abroad at kasama ng nito si Analeen.

“Kumusta kayo ni Analeen.  Nakikita ko sa mga post niya na parang kayo na ah.”

Isang mahinang tawa lang ang isinagot ni Joey.

“Huy, kayo na ba?  Sabagay, patay na patay sayo yun di ba?” natatawang sambit ni Dani pero may konting kurot pa rin siyang nadarama sa isiping iyon.

“Huwag kang magpapaniwala dun.  Makulit lang talaga si Analeen.” Nakangiting sambit ni Joey dito.

“Ows talaga?  Ayaw pa kasing aminin eh.  Aminin mo na.”

“Eh wala nga akong aaminin kasi nga wala.” At hinawakan ni Joey ang kamay ni Dani.  “You know, I miss this.  I miss us.” At biglang naging seryoso ito.

She got her right hand from his grip at ipinatong ito sa kamay ni Joey.  “I miss us too Joey.  Di ko akalaing ganun din ang mararamdaman ko but honestly, I did miss us.” Seryosong sagot ni Dani.

Nasa ganun silang pagkakataon ng biglang may mga nagtiliang fans na lumapit sa kanila at nagpapicture.  Ito yung mga loyalistang kahit nabuag na ang kanilang loveteam ay nanatili pa ring sumusuporta sa kanilang dalawa.

 Chapter 12:

Naka set na ang dining table.  Ready na ang lahat ng pagkain.  Nagmamadali si Dani sa pag-aayos ng sarili dahil anytime soon ay darating na ang kanyang hinihintay.  Muling tiningnan ang table at nahahalata ang excitement sa pagdating ng bisita.  Everything is doing well between them.  Ok na ulit sila and she invited him over for a nice dinner.

This dinner is something special because siya mismo ang nagluto ng lahat ng nakahain sa mesa.  She can’t contain her excitement.  Tiningnan niya ang orasan, she barely has one hour to groom herself.

Masusi niyang inayusan ang sarili and she put on her new dress for the occasion.  She smiled when she saw herself in the mirror.

“Ang ganda ganda mo naman Ning!” at kinidatan pa niya ang sariling repleksyon sa mirror.

Maya-maya ay bumaba na siya at muling pumunta sa dining area.   Alas syete ang usapan nila and it’s already ten minutes before seven kaya she took out the stuff chicken in the oven and placed it in the center of the table.

Everything is perfect.

Five minutes before seven pm.  Di na maiaalis ang excitement ni Dani.  Seven na eksakto sa orasan niya, anytime soon magdodorbell na ang hinihintay.
Pero lumamig na ang pagkain at naupos na ang kandilang nakasindi sa gitna ng lamesa pero bakit wala pa rin ang kanyang hinihintay.

And suddenly reality strikes her.  Hindi pala darating ang kanyang hinihintay.  Muli niyang binasa ang text.

“I’m so sorry….” Paulit-ulit niyang binasa ito habang isa isang lumalandas sa kanyang pisngi ang mga luhang tumutulo.

At tuluyan na siyang napahagulgul while covering her face with her hands.

Makalipas ang ilang araw ay nasa ganung estado si Dani.  Tulala at laging nakatanaw sa kawalan.  Di makausap.  Sa tuwina ay bitbit niya lagi ang isang nakaframe na picture at pagtinititigan niya ang nasa larawan ay napapaiyak siyang muli.

*****************************************************
The road I have traveled on
Is paved with good intentions
It's littered with broken dreams
That never quite came true

When all of my hopes were dying
Her love kept me trying
She does her best to hide
The pain that she's been through

When she cries at night
And she doesn't think that I can hear her
She tries to hide
All the fear she feels inside

So I pray this time
I can be the man that she deserves
'Cos I die a little each time
When she cries

Nakapikit ang mga mata ni Seth habang kinata ang When She Cries ng Restless Heart na siyang bago niyang single sa soon to be released album.

He can feel the song.  

Tagos hanggang buto ang nadarama niya sa lyric ng song.

She's always been there for me
Whenever I've fallen
When nobody else believes
She'll be there by my side

I don't know how she takes it
Just once, I'd like to make it
Then there'll be tears of joy
That fill her lovin' eyes

When she cries at night
And she doesn't think that I can hear her
She tries to hide
All the fear she feels inside

So I pray this time
I can be the man that she deserves
'Cos I die a little each time
When she cries

So I pray this time
I can be the man that she deserves
'Cos I die a little each time
When she cries

He can only wish that if he will be the man in her life that she won’t be crying right now. 

He’s can only imagine that she is in his arms and they’re happy. 

He can only imagine na magkahawak ang kanilang mga kamay at masaya silang nagkwekwentuhan over coffee.

He can only imagine that hindi na silang maghihiwalay.
 
And he can only wish that he will be the man she deserves in her life because indeed he felt like dying everytime he sees her crying.

“And cut!  Good take Seth and Dani!” napapalakpak pa ang lahat ng nasa set nung sumigaw na ang director.  Ito na yung huling araw ng shoot nila sa MTV ng bagong single ni Seth.

Chapter 13:

Niyakap ni Seth si Dani nung mapack-up na ang kanilang shoot.  They might be tired but happy naman of the outcome.  Nagkayayaan ang buong tropa na kumain bago umuwi.

“Guys, guys!  Bago ang lahat, I want to say thank you and job well done sa pagawa natin ng MV ni Seth.  Lahat ng pagod at hirap will surely be worth it.  Cheers to all!” sabi ni Direk as he raised his glass to everyone.

Nagchorus ang lahat ng naroon sa pagsabi ng cheers while raising their glasses as well.

“O Seth, wala na akong utang sa’yo ha!” makahulugang dagdag ni Direk kay Seth sabay kindat dito.

Hindi nakaligtas sa lahat ang pamumula ng mukha ni Seth sa sinabi ni Direk.  Tapos nasundan pa ito ng kantiyawan siya ng iba pang staff na nandun.

Natatawa na lang na binalikan ni Seth ang utang incident na iyon.

“I only want her and no one else in the video.” Sabi ni Seth na halatang determinado ito sa gustong makamtan.

“Seth naman.  Baka mahirapan tayo kasi di nga ba exclusive siya sa loveteam niya.” Frustrated na sambit ng director dito.

Kibit balikat lang si Seth pero ayaw pa rin niyang magpanegotiate.

“Hay nako!  Ewan ko sayo.  Para ko tuloy gustong isipin na iba ang binabalak mo kaya gusto mong si Dani ang nasa MV.” Wala sa loob na nasabi ng kanyang road manager.

Ng bigla na lang namula si Seth sa sinabi nito.

“Teka! Seth ikaw ha!”

“What?” Seth is trying to play innocent pero di maikakaila ang pamumula nito at ang pag-aakto nitong parang school boy na merong crush.

“Hala!!!! Tama ba ang iniisip namin ha Seth?” nag-umpisa ng kantiyawan ito ng mga staff.

“No comment!” natatawang sambit ni Seth.

“Mautak ka rin ano.  O sige ganito na lang.  Pag nagawan ko ng paraan na maging leading lady mo sa video na ito si Dani, sagot mo ang dinner pagkatapos ng shoot ok?” hamon ng director sa kanya.

“Oo ba!  Pero until then, may utang ka pa sa akin!” sabay kindat nito sa director.

“Deal!” at nagkamay pa sila at nagsipagpalakpakan pa ang mga nandun sa meeting.  Piniktyuran pa ang pagkakamay nila to seal the deal daw.

“Ano Seth, happy ka?” ang nagpabalik sa huwisyo kay Seth sa kasalukuyan nung tanungin siya ng director.

Napangiti si Seth at nagpasalamat sa director at as agreed upon, si Seth ang sumagot sa hapunan nilang iyun.

Si Dani ay nanatiling clueless sa nangyari ay nakiki-ayon na rin sa kantiyawan ng grupo.  Hindi natapos ang dinner ng iyon ng hindi sila nagvideoke.

Dani can also sing kaya di pinalampas ng mga iyon na pakantahin siya.

“Dan, this next song is our special request ha.  We’ve heard you sing this song partially but this time gusto namin, buong buo na na ikaw ang kakanta.  Ladies and Gentlemen, please give it up to Daniella!”

Nakangiti si Dani na kinuha ang mic at pinaunlakan ang mga kasamahan na kakantahin ang request nito sa kanya.

Pikit matang nag-umpisang kumanta si Dani.

“Pangarap kong makarating sa buwan at lumipad haggang doon sa kalawakan….” At umindak na ito nung nag chorus na ang kanta at dahil dun ay di na rin naawat ang iba pang kasamahan na makisayaw.

At dahil sa kantiyawan ay nagsalang pa sila ng isang Jollibee theme song na kinanta at sinayaw nilang lahat at syempre pinangungunahan iyon ng Jollibee endorser na si Seth.

Masaya ang gatherirn na iyon at ilang kanta din ang pinakanta sa kanila na duet and their voices are blending really well.

“May potential ang batang ito ah.  Bakit ba hindi na venture sa pagkanta ito?” puna ni Direk kay Dani.

Napa-isip din ang kausap ni Direk sa sinabi nito.

“Oo nga ano.  Parang magandang gawan sila ng kantang dalawa or for a starter, pwede siguro silang magduet.  Subukan kaya natin?” suhenstiyon ng musical director kay Direk.

“Abah magandang project yan.  At yang taong kanina pa kumikinang ang mga mata at di mapawi ang ngiti ay mas lalong ngingiti yan pagnagkataon.  Kasi naman ang torpe ata eh.” Natatawang sambit ni Direk.  Di lang sa professional relationship meron sina Direk at Seth but matalik din silang magkaibigan.  Confidante ni Seth ang director at ever since he started, ito na lagi ang nirerequest niyang magdirect ng kanyang music videos.

************************************************

“Di ka ba nahirapan mag act kanina?  Pasensya na ha, madarama yung concept ng MV.”

“Ano ka ba, enjoy kaya ako sobra.  Ito yung first ever full length MV ko.  Nakakatuwa pala.  Thank you sa pagpili sa akin.  Balita ko na hinaharass mo daw sila ah para ako makuha ah.  Ikaw talaga, nakakahiya.”  Nahihiyang sabi ni Dani pero hindi maikakaila na flattered siya sa nalalaman.

“Ok lang yun.  Hayaan mo silang mamurublema naman minsan.” Bungisngis na sabi ni Seth sa kaibigan.

“Pero seriously, gusto ko talaga or mas tamang sabihin the song is bagay sayo and ikaw lang nakikita kong pwedeng nandun sa MV na iyon.  And I’m glad napapayag ka.”

“Anything for you my friend.  Bayad utang ko na din ito sa mga kabutihan mo sa akin.  You have always been there for me.  Thank you so much Seth.” At hinawakan ni Dani ang kamay ni Seth.

“Anytime my friend.  Anytime and anything for you.” Makahulugang sabi ni Seth at muling ipinatong ang isang kamay nito sa kamay naman ni Dani. 

Biglang nagclick at nabigla silang dalawa.

“Ano ba naman yan.  Magsabi naman kasi at ng di ako magugulat.” Birong sabi ni Seth sa isang fan nila na nagpicture.

“Ay sorry Papa Seth.  You guys look so cute kasi.  Isang pose pa nga.  Sige na please.”

Naiiling na lang tumawa ang dalawa at syempre lagi silang mabait at grateful sa mga fans nila kay ito’y kanilang pinagbibigyan.  Naging mas makulit pa nga ang dalawa dahil umasta ang dalawa na parang magkasintahan daw sa ka sweetan.  Hindi na tuloy mawari ang tili ng kanilang dakilang fan nung nagpipicture ito.

“Dani, pahiram naman kay Papa Seth.  Kunyari kami naman sa ganung pose.  Sige na!” pero di na nito hinintay si Dani na sumagot dahil bigla nitong binigay ang camera sa kanya para sila naman kuhanan nito.


Chapter 14:

Dumating ang araw ng pagrelease ng music video ni Seth at nagkaroon ng press conference to launch his newest single na When She Cries.

“Hi Seth, what made you chose this song pala?  Comparing to your other songs previously, mas makapagbagbag damdamin ang kantang ito ah.” Nag-uumpisang tanong ng mga reporter dito.

“Nung naghanap kami ng kanta para sa album ko, bigla ko naisip itong kantang to when an incident happened to one of my kakilala.”

“And kilala ba namin ang kakilala mong ito?”

Ngiti lang ang isinagot ni Seth.

“Care to give us the name or kahit clue lang Seth kung sino man itong girl na ito?” di maawat na pangungulit ng reporter kay Seth.

“Hayaan niyong akin na lang ang reason na iyon mga kaibigan.” He said shyly.

“Seth, bakit pala si Dani ang leading lady mo sa kantang ito.  Alam naman nating lahat na ka partner siya ni Joey Ricafort and well exclusive sila di ba?”

“I’m pretty much aware of that too but well, this is something new to her din.  So sinubukan lang namin if she’s ok with it and thanks God ok naman ang sched.”

“Pero Seth you haven’t answered our question.  Bakit si Dani ang napili mo?”

“Well…” medyo naging speechless si Joey pero di maikakaila ang pagmumula nito dahil sa kawalan ng maisasagot.

“Well…” inulit ng mga reporters ang sinabi ni Seth.

“Kayo talaga.  Well… di ko rin alam!” sabay tawa nito.

Nakikitawa na rin ang mga reporter sa sinabi ni Seth.

“Dahil ba si Dani ang isa sa mga hinahangaan mong young artista gaya ng sinabi mo on a separate interview?”

Ngiti lang ang isinagot ni Seth at nung sasagot na sana siya ay…

“Nandito na pala si Dani.” At ginuide na si Dani na umupo sa tabi ni Seth.

Habang papalapit na si Dani who is wearing a floral mini skirt with a belt and a white tank top and she’s sporting a curly hair and a simple barely there make-up, napanganga lang si Seth habang sinusundan ito ng tingin.  She’s smiling sweetly to the press people while waving her hand to them.  Everything went like a slowmotion to Seth.

Naputol lang ang pagmuni-muni nito nung tapikin ito ni Dani para magkapagbeso ito sa kanya.

“Seth, bigla kang natulala nung dumating si Dani ah.” Puna na naman nung pinaka malokong reporter dun.

Seth was quick to save his act and said “Oo nga, para akong nakakita ng angel ah!” pabirong sabi nito but it was really have meant.

Tawanan na naman ang mga nandun sa presscon.

“Hi Dani, anong feeling mo nung piliin ka ni Seth to be his leading lady in this video?”

“Good afternoon po.  Happy po kasi dream come true ito sa akin na makagawa ng music video.”
“Ano naman ang reaksyon mo nung nalaman mong isa ka sa mga celebrity crushes ni Seth?”

“Ay talaga po.  Di niya sinabi sa akin yan ah!  Bakit di mo sinabi sa akin?” birong baling ni Dani kay Seth para kahit papaano ay matakpan ang mamumula niya.

“Hiya ako eh!” parang totoy na sambit ni Seth.  At tawanan na naman ang mga reporter dahil dun.

“Dani, balita din namin pala na si Seth din ang iyong celebrity crush when you were starting.  Possible kayang may mabuong magandang kwento sa inyong dalawa gayung pareho niyo palang crush ang isa’t isa?”

“Ay me ganun! Nako po, ewan ko po.  Bahala na po si Bro!  Basta ang alam ko po kaibigan ko si Seth.” Safe na sagot ni Dani.

“Seth, possible kayang magkakaroon ng magandang music kayong dalawa ni Dani in the future?”

Muling nagsmile lang si Seth pero di pa rin siya tinantanan ng mga reporter kaya sumagot na rin ito.

“Hindi natin alam pero sa ngayon eh binata ako, dalaga si Dani so who knows di ba?  Malay nyo baka pwede.  Sabi nga ni Dani, bahala na si Bro.” makahulugang sagot ni Seth.

“Pero paano yan Seth eh merong Joey si Dani?”

Gaya ng sabi ko, binata ako at dalaga siya so bahala na si Bro.” sabay kindat sa mga ito.

At nasundan pa ito ng iba pang tanong patungkol sa ginawa nilang music video hanggang sa nagpromote na si Seth sa single niya at kumanta din ito sa kantang iyon.

Habang kumakanta si Seth at nakaupo sa harapan nito si Dani ay dahil na rin sa udyok ng mga reporters ay kinuha ni Seth si Dani at pina-upo sa inuupuan nito at kunyari ay hinarana.

Hindi magkamayaw ang mga nandun sa ka sweetan na pinapakita ni Seth sa dalaga.  At nung matapos ang kanta ay nagrequest pa ang mga ito na magkiss si Seth kay Dani.

Dahil nakatingin sa kabilang direksyon si Dani at gayun din si Seth at nung sinabihan silang magkiss ng emcee ay sabay na lumingon ang dalawa at sa halip na sa pisngi lang ni Dani maglanding ang lips ni Seth ay dun ito napwesto sa lower lip ni Dani.

Sandaling na bigla ang dalaga pero she was quick to regain it back dahil na rin sa niyakap na siya ni Seth pagkatapos.

Something felt right after that kiss.  Yun ang naramdaman ni Dani.

Something felt nice after that kiss.  Yun naman ang nadarama ni Seth.

Chapter 15:

Pareho silang di pinatulog sa accidental kiss na iyon.

Si Dani habang nakahiga sa kwarto niya ay ilang beses ng dinama ang kanyang lips ng di namamalayan.

Si Seth nakatingin man sa kawalan ay ilang beses ding ngumingiting mag-isa pagnaalala ang nangyari kamakailan lang.

“Hi, watzup?”

“Hello.  Haus lang. U?”

“La lang din. Ice cream???”

“Huh?  When?”

“Now!”

“What?” pero bago pa masend ni Dani ang text ay may narinig na siyang doorbell.  Nakapambahay lang si Dani pero wala pa rin siyang choice kundi bumaba.

Pagkabukas niya ng pintuan ay isang Seth na di magkandaugaga sa bitbit na ice cream at isang box ng pizza ang tumambad sa kanya.  Natatawang pinatuloy ni Dani si Seth at pina-upo sa may dining area habang kumukuha siya ng kubyertos.

Natawa siya nung buksan nito ang pizza dahil super special man ito kaso wala namang green bell pepper. 

“Aha!  Walang bell pepper!”

“Syempre!  Kaya super duper special yan!” hagikhik naman din ni Seth.

Masaya nilang pinagsasaluhan ang dala nitong pagkain habang nagkwekwentuhan ng kung ano ano.

Kahit tapos na silang kumain ay di pa rin sila umalis sa dining table at sige pa rin sila sa kwentuhan nang bigla na lang nag brown-out.

Napasigaw si Dani dahil takot siya sa dilim kaya dali-dali itong hinawakan ni Seth.  He took out his cellphone para maguide si Dani to get the emergency light.  They decided to transfer sa sala at ayaw iwan ni Seth si Dani hangga’t di daw bumalik ang kuryente.

Tulog na ang kasambahay nina Dani at ang Mama niya ay nasa Cebu kasama ng mga kapatid nito.

Nakakabingi ang katahimikan ng paligid dahil nasa isang tahimik din naman na subdivision nakatira sila Dani.  Umupo sina Dani at Seth sa may sofa habang hinihintay ang pagbalik ng ilaw.  Tanging liwanag lang galing sa emergency light ang nakailaw pero bigla itong namatay dahil nakalimutan palang e-charge ng helper nila Dani.  Akmang tatayo si Dani para maghanap ulit ng kandila pero pinigilan ito ni Seth at muling pina-upo.

“Hayaan mo na.  Maliwanag naman ang buwan so ok lang.” sabay turo nito sa pwesto malapit sa bintana kung saan may tumatagos ang liwanag galing sa kalawakan.

“Ok fine.” Natatawang sabi ni Dani.

Muli na namang binalot silang dalawa ng katahimikan.  Pero maya-maya lang ay pinausod ni Seth si Dani sa dulo ng sofa.

“Teka, bakit ba.” Nagkakatakang tanong ni Dani pero nung matantya ang plano ni Seth ay nagmamatigas ito at ayaw umusod kaya bigla itong pinangko ni Seth at inilipat sa dulo ng sofa at mabilis itong humiga sa sofa na nakaunan sa legs ni Dani.

“Ang daya mo talaga.  Naunahan pa ako.  Dinadaan mo sa lakas eh.” Himutok ni Dani.

Tila bingi lang si Seth na nakangisi at nakapikit.  Tila kuntento lang itong nakaunan sa kandungan ni Dani.  Pero di pa rin pala ito nakuntento, inabot nito ang braso ni Dani at niyakap na parang manipis na unan.

Napapailing na lang si Dani sabay tawa ng mahina sa pag-aastang bata ni Seth.  Muli ay nagkaroon na naman ng katahimikan.  Taas baba ang paghaplus ni Seth sa braso ni Dani.

Makalipas ng ilang sandali, nasa estado na si Dani sa pag-idlip nung biglang naramdaman niyang parang unti-unting parang tila hinihila ni Seth ang mga braso niya o mas tamang sabihin yung katawan ni Dani palapit dito.

“Ano ba yang ginagawa mo?”

Hindi sumagot si Seth pero tumayo ito at sa isang iglap ay namalayan na lang ni Dani na nakahiga na rin siya sa tabi nito.  Nagkasya silang dalawa sa maliit na sofa pero dahil sa kalikutan ni Dani at sa hindi nito mapigilang kakatawa ay biglang bumagsak si Seth sahig.

“Aray ko!  Ang likot mo kasi.” Complain ni Seth.

Mas humalagpak ng tawa si Dani sa nasaksihan.  Dali-daling tumayo si Seth at kiniliti si Dani para makabawi dito.

Palaban din si Dani at ganting kinikiliti din si Seth.  Nahawakan ni Seth ang dalawang kamay ni Dani para makaiwas sa pangingiliti din nito nung bigla itong natigilan at napatunghay sa mukha ni Dani halos wala pang dangkal ang pagitan sa mukha nito.

Hinawakan ni Seth ang dalawang kamay ni Dani sa isa niyang kamay habang ang isang kamay ay unti unting lumandas sa pisngi ni Dani.  Natigilan si Dani sa kakagalaw at biglang nagfreeze sa ginagawa ni Seth.

“Seth please let…”

Hindi na natapos ni Dani ang sasabihin dahil Seth covered her mouth with his.  Banayad nitong hinahalikan si Dani.  He let go of her hands and cupped her face with his. 

Ang dating banayad na halik ni Seth ay naging mapaghanap at pilit na binubuhay at pinaparesponde ang nashoshock pang si Dani.

Gusto sanang magsalita pa muli ni Dani pero Seth silenced her by deepening his kiss.  Nawala na rin sa huwisyo si Dani at namalayan na lang niyang tumutugun na din pala siya sa halik ng huli.

Kinuha ni Seth ang mga kamay ni Dani and he encircled it in his neck as he embraced her tightly as well but not letting go of her lips.  Their kissed deepened some more.  Nasa ganoong huwisyo sila nung may ilaw sa isang flashlight na galing sa kusina ang paparating kaya pareho silang natigilan at biglang naghiwalay at umayos ng upo.

“Ate, brown-out pala.  May narinig po akong may malakas na bumagsak.  Ok lang po ba kayo Ate?” nag-aalalang tanong ng kasambahay ni Dani.

Napatawa ng malakas sina Dani at Seth dahil sa sinabi ni Inday.

“Wala Ate Inday.  Ok lang po.  May nahulog lang po sa sofa kanina.  Matulog na po kayo ulit.  Ako na po bahala dito.” Nakangising sambit ni Dani.

“Teka po, bakit di niyo ginamit ang emergency light pala?  Ikuha ko na lang kayo ng kandila muna.” At bigla itong nawala bago pa mapigilan ni Dani.

Nagkatinginan silang dalawa ni Seth at muling nagkatawanan.  Muntik na silang mahuli ika nga.  Pero di pa rin nakatiis si Seth kasi he gave her a quick kiss bago pa makabalik si Ate Inday na may bitbit na na kandila.

Chapter 16:

Isang high beam blink ang pumukaw sa attention ni Dani habang nakatayo siya sa labas ng building.  Tingin siya sa kaliwa, tingin siya sa kanan bago mabilis na pumunta sa kotse na nagbeam.

Pagkalock ng pintuan ay di matigil tigil ang pagtawa ng nasa manibela na pulang pulang na kakahagikhig.

“Ano ba! Tumigil ka na nga!” naiiritang sabi ni Dani sa kasama.

Naluluha na sa kakatawa si Seth sa nakita niyang hitsura ni Dani.  Nakasuot ng PowerPuff Girls si Dani dahil sa isang costume party na dinaluhan sa isang corporate event.  She came as Bubbles kasi yung co-host niya na dalawang artista din ay naka Buttercup at Blossom costume naman.

Pero sige pa rin sa pagtawa si Seth kaya mas lalong nainis si Dani at nanulis na ang nguso sa pagmamaktol.

“Ay hindi ka na nakakatuwa ha.” At akma nitong tangalin ang seatbelt kasi magwawalk-out ito dahil sa pagiging pikon sa kakatawa ni Seth.  Pero hinawakan ni Seth ang kamay ni Dani na nagpupumiglas kaya sa halip na kamay ang hawakan ay nilipat nito ang mga kamay sa mukha ni Dani.

He cupped her face ang gave her a sweet and passionate kiss.  At kahit nagmamatigas si Dani ay napaamo din ito ni Seth kinalaunan.  Natigil lang ang halikan na iyon nung narining nila ang mga busina sa likod.  Buti na lang heavily tinted ang kotse ni Seth.

“Where to?”

“Jo-bee!!!!”

“Sabi ko na nga ba eh.  Tara Bubbles, Jollibee tayo!”

“Oo na Bee!  Punta na tayo sa bahay mo!” ganting biro ni Dani kay Seth.

“Bee! Hahaha!!!! Ikaw lang ang tumatawag sa akin niyan ah.  Bee! Ikaw na aking bay-bee!!!!” sabay kindat dito.

She grinned in return.

Mas naging magulo silang dalawa pagkarating nila sa drive thru ng nadadaang Jollibee.

“Hi Sir, welcome to Jollibee.  May I take your order… hala!  Hi Seth!  Teka lang po Sir ha…” tapos tinawag nito ang branch manager.

Branch manager na ang humarap kina Seth at tinanong sila kung ano ang oorderin.

“Bay-bee Bubbles, anong gusto mo?”

“I Yum!” bungisngis na sabi ni Dani habang ini-imitate nito ang dating commercial ni Seth.

Pinandilatan ni Seth si Dani pero nakabungisngis din ito.  Yung batang manager at yung service crew naman ay parehong kinikilig.

“Isang yum and spaghetti tapos sprite na upsize na and frech fries” nakatawang sabi ni Dani.

“Make that two please.” Sabi naman ni Seth sabay abot ng pera pero hindi tinanggap ng manager ang bayad nila bagkus ay nagpapirma lang ito at humingi ng isang picture nila na bitbit na ang pagkain.

Ang original na planong nasa kotse lang sila dapat ay naiba dahil humingi ng pabor ang manager kung pwede ba daw silang picturan.

Hesistant si Dani na lumabas dahil nga sa costume niya pero dahil na rin sa tawag ng propersyonalismo ay tumalima na din siya.

Ang inaakala nilang simpleng photo op lang with the branch crew ay di nangyari dahil nagkataon na yung isang grupong bagong nabuo na followers nilang dalawa ay kasalukuyang nagmemeeting de abanse pala sa branch na iyon.  Hindi mawari ang bumubulang kaligayahan ng mga nandun at nagkaroon ng pagkakataong makapagpapicture sa dalawang iniidolo.

Ang simpleng meeting na iyon ay tuluyan ng naging bongga at masaya dahil sina Seth at Dani ay imbes na umalis para umuwi na ay naki-upo na rin sa mga ito at nakikipagkwentuhan.

Hindi naman sila dinumog dahil late night na iyon kaya nagkaroon din sila ng privacy.  24 hours naman ang branch na iyon kaya tuloy ang ligaya ng lahat.

Bago matapos ang araw na iyon ay nagkalat na sa lahat ng networking sites ang pictures nila.  And nabuo ng tuluyan ang grupong Bubbles and Bees na nakuha ang kunsepto sa sinuot ni Dani at ang pagiging endorser ni Seth ng Jollibee.


Chapter 17:

“Ladies and Gentleman, please welcome our birthday girl, Daniella!” sabi ng voice over.

Biglang umusok at iniluwa mula sa taas ng stage ang kumakantang si Dani na nakasakay sa isang tila isang duyan.

Pangarap kong makarating sa buwan at
Lumipad hanggang doon sa kalawakan
Nais kong humabol sa pag-ikot ng mundo
Sumabay sa awit ko

Nakalapag na ang mga paa ni Dani sa stage at sinabayan na niya ng mala Rocker Chix na indak at birit ang chorus ng kanta.
           
Sasakay ako sa aking pangarap
Basta't ang kasama ko'y ikaw
May liwanag

May lumabas ang dalawang girls na close sa kanya sa showbiz na sina Auriette and Elaina.  Na shock si Dani kasi akala niya siya lang ang kakanta.

Sasakay ako sa aking pangarap
Hangga't ang laman ng puso ko'y ikaw
May liwanag

At lumabas na din ang mga nakasama niya sa isang teen oriented variety show many years ago.  All girls…

May isang may nanalanagin
Sa tuwing gabi
Hinahangad ko sana
Ako ay mapansinin
           
Humahabol lang
Sa pag-ikot ng mundo
Sumabay sa awit ko

Silang lahat sabay sabay ng kumanta at umindak.  Hindi macontain ni Dani ang excitement pagkakita sa mga kaibigan.

Sasakay ako sa aking pangarap
Basta't ang kasama ko'y ikaw
May liwanag
           
Sasakay ako sa aking pangarap
Hangga't ang laman ng puso ko'y ikaw
May liwanag

“Happy birthday Dani!!!!” sigaw ni Toni G. pagkatapos nilang kumanta at kasama ng iba pang host ng ASAP.  At isa isa ng nagbigay ng greeting ang mga kumanta.  Lahat sila could only wish Dani happiness.

“Magcocommercial lang tayo but stay tuned because hindi lang dun natatapos ang surprise natin kay Dani!”

Pagbukas ulit ng ilaw ay naka-upo na si Dani sa isang high chair facing the audience in her white ball gown and her hair is up.  Kung kanina ay rocker chick siyang tingnan, ngayon naman ay she looks so regal and dainty.

Pagtipa ng introduction ng music ay biglang kinabahan si Dani.  Wala siyang alam sa mga manyayari.

The road I have traveled on
Is paved with good intentions
It's littered with broken dreams
That never quite came true

Napalingon si Dani nung mabosesan ang kumanta.  Si Christian Bautista ang kumanta.  He’s one of her favorite singer.  Nagkiss si Christian sa kanya and handed her a single red rose and he stayed on her side.

When all of my hopes were dying
Her love kept me trying
And she does her best to hide
the pain that she's been through

Sunod namang lumabas ay si Erik Santos, again one of her favorites.  He stayed on the opposite side after giving her a peck in her cheek and handed her another red rose.

When she cries, at night
And she doesn't think that I can hear her
She tries, to hide all the fear she feels inside 
 So I pray, this time

Sabay sabay naman lumabas ang kanto boys to serenade her.  Nagpapaligsahan ang mga ito to get her attention.  Di mawari ang ngiti ni Dani dahil crush din niya ang mga ito.

Naghiyawan ang mga tao nung next na lumabas ay si Sam Milby to serenade her.

She's always been there for me
Whenever I've fallen
When nobody else believed
She'd be there by my side

Mas tumindi ang hiyawan dahil si Papa Piolo na ang sumunod na lumbas.

I don't know how she takes it
Just once I'd like to make it
Then there'll be tears of joy
That fills her loving eyes

At muling di na magkamayaw sa pagtili ang mga fans sa sunod na lumabas na may bitbit na isang boquet ng roses.

When she cries, at night
And she doesn't think that I can hear her
She tries, to hide all the fear she feels inside

Si Joey ang lumabas and naging extra sweet ito kay Dani.  Matagal tagal din silang hindi nagkita kasi nagbakasyon ito ng isang buwan sa Australia kaya nung nakita siya nito ay niyakap siya nito ng mahigpit.  Sobrang tilian ng mga nanunuod sa studio.

Hindi inakala ni Dani ang sunod na mangyayari.  Akala niya tapos na ang surpresa sa kanya kasi impossibleng makakarating ang kanyang inaasam-asam na makita dahil meron itong show abroad at sa makalawa pa makakabalik.

So I pray this time
I can be the man that she deserves
'Cause I die a little each time
When she cries

Pero mali ang inaakala ni Dani dahil laking gulat niya’t si Seth ay biglang sumulpot at may bitbit na isang dosenang pink roses naman.  He handed it to Dani and gave her a kiss on the cheek and niyakap niya ito ng mahigpit during the instrumental.  Seth and Joey were on the opposite sides at napapagitnaan ng dalawa si Dani.  Sobrang lakas ng tiliian ng mga nandun.  Lalong lalo na sa mga fans ng magkabilang kampo.

So I pray this time
I can be the man that she deserves
‘Cause I die a little each time
When she cries

Nag duet si Seth at Joey sa pagkanta at nakikanta na rin sa kanila ang mga kumanta din kanina.

Dani couldn’t contain her happiness of the surprise given to her.  Mas na sorpresa siya sa pagdating ng dalawang taong malapit sa kanya.

“Thank you boys for that wonderful song to our birthday girl.  Ok magsipagbati na kayo.” Sabi ni Toni G.

Nagsipagbatiaan na ang mga kumanta according to the order of who sang first.

“O guys, pakinggan naman natin ang wish ng dalawang taong malapit na lapit literally sa ating birthday girl.  Joey?” sabi naman ni Ms. Zsa Zsa.

“Dani, happy happy birthday.  I wish you happiness and more projects.  Sana makagawa ulit tayo ng project together kasi miss ko na samahan natin.  Always remember that I’m always here for you.” Ang message ni Joey kay Dani.

“Abah abah, may pinapahiwatig ang isang ito.  Namimiss ka daw ha Dani.  Haba ng hair mo Te!” pabirong sambit ni Toni.

“Ikaw naman Seth, what’s your birthday wish for Dani?” ani ni Zsa Zsa.
Sobrang nagtilian ang mga fans ng dalawa.

“Teka Seth, akala ko  ba di ka makakapunta today?  Hmmnnn, nandito ka ngayon ah.  Nilipad mo?” di matiis ni Toni na biruin si Seth.

“Oo Toni nilipad ko talaga literally kasi pagkagaling ng airport diretso agad kami dito.  Dani, first of all happy birthday!  I told you I’ll make it in your birthday kahit ayaw mo akong paniwalaan.  Bago pala ang lahat, thank you so much for everything.  Hindi mo lang alam kung anong impact mo sa buhay ko.  I wish that we will stay this way and basta I’m happy when you’re happy.” Makahulugang bati ni Seth kay Dani.

Mas lalong dumadagungdung ang tilian ng mga fans dahils sa sinabi ni Seth.

“Ehem, parang there’s something going on between you two pero you two lang ba or silang din dalawa.  Hala!” Toni said in PBB style.

Pinamulahan ng mukha si Dani dahil sa sinabi ni Toni.  And she was given the opportunity to thank her greeters.

“Unang una sa lahat, thank you kay Papa Jesus for being so nice to me.  For all his blessings!  And to the management for being so supportive and to my family and friends.  Sa ASAP family and friends, maraming salamat din.  Joey, thank you so much for coming.  Oo nga nakakamiss din gumawa ng project together.  And sana we can do a project again soon.”

“And Seth…” sabay hampas sa braso nito.

“Aray ko!  Ayan na naman po si Gabriela Silang!” biro ni Seth.

“Ikaw kasi sabi mo di ka makakapunta.  Pero thank you so much for being here today.  Basta alam mo na ang gusto kong sabihin and yun na yun.”

“Hala!  Ano kaya yun na yun!” sabat ni Toni sa message ni Dani.

“Ang to our fans, Joeyelle United and Bubbles and Bees!  Maraming maraming salamat sa inyong supporta.  I love you guys!”

At nagtilian na muli ang dalawang kampo dahil sa sinabi ni Dani.

“Happy Birthday Dani and ASAP will be right back!”

Pagdim ng ilaw ay biglang kinabig ni Seth si Dani at niyakap ng mahigpit na para bang miss na miss niya ito at kahit inilim pa nila ang namumuong relasyon ay di nito napigilan ang sariling bigyan ng halik si Dani habang naglalakad sila papunta sa dressing room.

Little did they know that may isang tao palang nakasunod sa likod na nasasaktan sa nasaksihan.

Chapter 18:

“Alis ka na naman?” nakalabing sabi ni Dani.

“Bay-bee, we’ve talked about this remember.  I have to grab the opportunity na nasa limelight pa ako now.  Everything kasi is temporary lang.” pagpapaliwanag ni Seth sa sinisinta.

“Kasi naman if you will only allow us to come out in the open na eh di sana pwede kitang dalhin di ba.  Let’s tell the world about us na Bee para we don’t have to hide please.” Pagpapatuloy ni Seth.

“No Bee, you know na hindi makakaganda sa career mo yan remember.  Tsaka you will be violating your contract to be a solo artist.” Frustrated din na sambit ni Dani.

Laglag balikat lang si Seth na sumandal sa sofa.  Makailang beses na din kasi niyang kinausap ang manager kung pwedeng lumantad na sila pero sa tuwina’y hindi pa rin pumapayag ang mga ito.

Yumakap si Dani kay Seth at niyakap din siya ng huli.

“Bee ok lang yan.  I can still wait.  Our love can still wait.  There’s always a proper time for everything.” Ani ni Dani.

Tinitigan ni Seth ang kasintahan at dahan dahang bumaba ang mukha nito at binigyan ng banayad na halik si Dani.  Tumugun din si Dani sa halik na iyon ni Seth.  Ang banayad na halik ni Seth ay naging mapaghanap at maya-maya ay naging mapusok.  Ang dating nasa tabi lang ni Seth na si Dani ay nakakandong na kay Seth.  Nagawa ni Seth na ilipat si Dani ng hindi nito binibitawan ang mga labi ng dalaga.

Nagsimula ng lumikot ang kamay ni Seth at dinama na nito ang maseselang parte ng katawan ng kasintahan.  Sinimulan na nitong buksan ang mga butones ng blouse ni Dani.  Si Dani ay lasing na lasing sa halik ni Seth kay di nito namalayan ang ginagawa ng binata.

Hustong nalantad na ang mga mapuputing dibdib ni Dani nung biglang nagring ang telepono ni Seth.  Parang binuhusan ng malamig na tubig ang dalawa nung marealize ang muntik na nilang gawin.  Niyakap ni Seth si Dani sabay abot ng kanyang cellphone at binasa ang text na natanggap.  Dani buried her face in Seth’s chest as she started to put back the buttons of her blouse.

“I’m sorry Bay-bee, muntik na akong makalimot.” Paghingi ng paumanhin ni Seth.

“Ako din muntik na makalimut.” Pagsang-ayon naman ni Dani.

“It’s just that I want to hold you all the time.  I want to be with you all the time.” Tapos tinitigan nitong muli si Dani.  “I love you Danielle.  I love you so much.  I have loved you since the first time I laid my eyes on you.” At banayad nitong hinalikan muli si Dani.

Dani can only reciprocate what Seth is doing to show him that he felt the same way.  Nasa ganung huwisyo silang dalawa nung makarinig sila ng pagtili galing sa kusina.  Dali-daling kumalas sa isa’t isa ang magkasintahan at tumakbo papuntang kusina.

“Ate Inday, anong nangyari?  Bakit ka tumili?” pag-aalalang tanong ni Dani sa kasambahay.

“Ay Ati sori po.  Ang gwapo gwapo kasi ni Papa Piolo at ayan na ayan na hinahabol na siya ng aswang.  Aaaaaayyyyy takbo Papa Piolo takboooooo!” maarteng sabi ni Inday.

Napailing na lang na natatawa si Seth sa inasal ng katulong nila Dani.  Samantala, ngitngit na ngitngit naman si Dani sa ginawa ni Inday kaya di nito napigilan ang sarili at nahampas ito.

“Ati naman!  Masakit naman kasi yan!” nayayamot na sabi ni Inday.

“Kasi naman kung makatili ka akala ko kung napaano ka eh.  Pwede ba!” gigil na sambit ni Dani.  Gusto pa talaga niyang kurutin si Inday sa inis dahil totoong pinakaba silang dalawa ni Seth kanina.  OA kasi ang pagkakatili nito kanina.

“Ati naman.  Sori po.  Nakerid awey lang ako.” Tapos nag peace sign na si Inday.  Matanda lang ito sa kanya ng dalawang taon pero parang kung umasta ito’y parang 2 years younger sa kanya.

“Hay nako, ewan ko sayo Inday.  Umayos ka na dyan at matulog ka na kasi maaga ka pa gigising bukas…” at magtatalak pa sana si Dani pero kinabig na siya ni Seth palayo sa kusina at muling dinala sa sala.

“Kasi nakakainis naman.  Kung makatili eh akala mo kung ano nangyari..” inis pa rin si Dani.

“Bee, hayaan mo na si Inday.  She’s human after all.” Natatawang sambit ni Seth sa inis na nadarama ni Dani.

Kaso dahil sa sobrang ngit-ngit ni Dani kay Inday ay muli sana itong magtatalak pero Seth silenced her with his kiss and she melted because of that.

“Feeling better now?” nakangising sabi ni Seth matapos pakawalan ang bibig ni Dani.

Pinalo ni Dani si Seth dahil sa nadaramang pagkapahiya at yumakap ito sa kasintahan.

“Aray ko.  Karinyo brutal ka talaga kahit kailan Bay-bee ko.  Halika ka na nga.  Let’s get out of here.  Nagugutom ako.  Drive thru tayo.” Sabay kindat dito.

Napapalakpak si Dani sa narinig at biglang umabre syete sa kasintahan para sumama palabas.  Bago umalis ay dinaanan nila si Inday at binilinang aalis lang sila sandali.

********************************************************************

Titig na titig siya sa screen.  Ano ba ang nagawa niya?  He has been blind for the longest time at ngayon niya na realize ang nawala sa kanya.

Dahil sa nakaksihan kamakailan lang, ay di na siya nito pinatulog.  Lumagok muna siya ng beer na hawak at muling nag-isip. 

Nitong mga nagdaang buwan ay hindi na sila laging magkasama ni Dani.  Tila balewala lang sa kanya yun and he’s enjoying his freedom pero iyon ang akala niya.  Sa tuwing nag-iisa siya ay naalala niya ang kakulitan ni Dani.  Ang pag-aalaga ni Dani sa kanya.  And then he realized something.  He’s inlove with Dani and he has taken her feeling forgranted for a long time. 
And he decided that he will do something about it.


Chapter 19:

“Hey”

Napa-angat ng tingin si Dani nung marinig ang pamilyar na boses na iyon at tinggap ang coke in can na binigay nito.

“Thanks.  Upo ka.” Sabay turo sa bakanteng upuan sa tabi niya.  Nagbabasa ng script si Dani sa isa sa mga tables na nakalatag sa set while waiting for her take.

“Thanks.  Memorize mo na eksena natin mamaya?”

“Uhuh.  Pero kinakabahan pa din ako.  Medyo mahaba haba yung sasabihin ko.” Napahagikhik pa siya ng konti sa isiping iyon.

Ngumiti lang si Joey sa sinabi ni Dani at lumagok din ng Coke na hawak.

“Thank you ha.” sabi ni Joey.

“For what?”

“For everything.” Makahulugang sabi ni Joey.

“Everything?” naguguluhang sagot naman ni Dani.

“Basta.” And he flashed his signature nice smile to her.

Kung siguro dati yun, Dani would have melted but right now, he just find him cute but din a siya kinikilig.

“Dan, what’s your status with Seth?” seryosong tanong ni Joey dito.

Ngiti lang ang sinagot ni Dani.

“Does that smile mean something?” muling tanong nito.

“Joey…”

Hinawakan ni Joey ang kamay ni Dani. 

“Please answer me Dan.  You’re answer would mean so much to me.” And he brought her hand near his chest.

Parang napaso si Dani sa ginawa ni Joey kaya bigla niyang binawi ang mga kamay.  Pero mahigpit na hinawakan ni Joey ang kamay ni Dani kaya di niya ito mahila.

“Dan, I’m sorry.  It took me a while to realize something but I want you back in my life.  I need you in my life.”

“Joey…” mahinang sambit ni Dani.

“Please give me a chance.  I was a fool to let you go.  I was a fool not to take care of you.  Please give me a chance.” Pagsusumamo ni Joey.

“Joey, bitiwan mo please ang kamay ko.”

Unti-unting binitiwan ni Joey ang kamay ni Dani.

“Joey, what me and Seth have right now is special.  We may not be able to come out of the open but we are together.  Sana respetuhin mo iyon.”

Natahimik si Joey sa sinabi ni Dani pero makikita sa mukha nito ang lungkot at paghihinayang.

“I’m happy with Seth Joey.  He made me complete.  He picked me up when I was in my downest moment.  I have moved on from our so called relationship.  I think I’m liking the thought that we are friends now.  We’re cool like this.  Let’s keep it this way please.”

“I refuse to give up Dani.  I’m getting you back from him in any form I can.  Please give me a chance to redeem myself to you.  I promise to be better this time.  Dan, please give me another chance.” Muling pagsusumamo ni Joey.

“You’re impossible Joey.  Let me and Seth be please.  I’m happy with him now.  Let’s work together na lang for our movie.  And this will be the last time we will discuss this ok.  Ok na kasi tayong magkaibigan eh.  Let’s keep it that way.”

Hindi na nakasagot si Joey dahil pareho na silang tinawag for make-up and mag ta-take na din sila sa scene nila.

***************************************************

Kunot noo si Seth nung mabuksan ang attachment ng email na natanggap galing sa isang random fan lang daw.  Nahawakan niya ang ulo na tila ba ang sakit nito.

May nagpadala sa kanya ng pictures nina Dani at Joey.  Ito yung kuha nung masinsinanang nag-uusap ang dalawa.  May kuhang magkalapit ang mukha nina Dani at Joey.  Meron din yung hinahawakan ni Joey ang kamay ni Dani.  May mga kuha ding parang nabibighani si Dani kay Joey.  Lahat ng pictures na pinadala kay Seth ay pawang provocative at tila ba may relasyon ang dalawa kung tingnan dahil sa sobrang intimate ito.

Selosong tao si Seth lalo na’t alam niya ang dating narararamdaman ni Dani kay Joey.  Dala ng pagod at frustration, ay biglang napaconclude si Seth na nagtataksil sa kanya ang kasintahan lalo na’t di niya ito nakakausap at nung minsang tumawag siya dito ay si Joey ang nakasagot ng telepono at kung hindi man ay lagi niyang naririnig ang boses ni Joey on the background pagkausap niya ito.

Nitong mga araw na nagdaan ay makailang beses din silang nagtatalo at nagkakatampuhan ni Dani dahil sa different timezones at dahil na rin sa sobrang pagkabusy sa trabaho.

At mas tumibay pa ang gulo ng dahil sa natanggap niyang mga larawan.  Hindi na rin makapag-isip ng tuwid si Seth dahil na rin sa mga sagot ni Joey lagi sa interview pagtinatanong ito tungkol sa nararamdaman nito kay Dani.  Sa tuwina’y nagpapahiwatig ito sa nararamdaman kay Dani at dahil tago pa ang relasyon nina Seth at Dani ay mas binigyan ng pansin ng mga tao ang possibleng pagkakabalikan di umano nina Dani at Joey.

Si Dani sa tuwing iniinterview tungkol sa kanila ni Dani ay tipid na ngiti lang lagi ang isinasagot o di kaya’y no comment or magkaibigan lang sila.

Pero si Joey pagtinatanong sa nararamdaman niya kay Dani ay lagi nitong sinasabi na he’s doing all his power to win back her heart.

Galit na galit si Seth at nilunod niya ang sarili sa pag-inom ng alak para mawala ang nadaramang sakit lalo na’t ilang araw na silang hindi nag-uusap ni Dani.

*************************************************

“Dan are you alright?” tanong ni Joey dito nung makitang umiiyak ito sa sulok.

Napasinghot si Dani at pinahiran ang mga luha.

“Wala.  Ok lang ako.” Pero muling tumulo ang mga luha nito kaya tinakpan nito ang mukha ng kamay at tuluyang humagulgul.

At instant ay niyakap ni Joey si Dani to comfort her.  At dahil sa sama ng loob ay napayakap na din si Dani dito.

Hindi nakaligtas ang tagpong iyon sa isang masugit na nagmamasid at kinuhanan ang buong eksena at mabilis pa sa alas kwatro ay nai-email nito ang mga kuha kay Seth.

Saad ng email, “Seth, iniiputan ka na talaga ng sinasamba mong babae.  Kawawa ka naman!”

Chapter 20:

Presscon ng bagong movie nina Dani at Joey.

“Joey and Dani, totoo ba ang balibalitang kayo na ulit na dalawa?”  tanong ng isang reporter.

Hiyawan ang mga fans nila na nasa mall na iyon din.
Di sumagot si Dani but she just smiled.  Si Joey ang sumagot sa tanong na iyon.

“Sabihin na nating ok kami ni Dani.  Let’s leave it that way.  Basta cool kami ni Dani.”

“Hindi kaya dahil lang sa publicity ang lahat ng ito kaya kayo lagi magkasama?” hirit ng isa pang reporter.

“Hindi naman po.  Dani and I are good friends.  Ok naman kaming dalawa now at happy kami sa isa’t isa.  Sana respetuhin na lang natin kung ano man ang meron kami now.”

“Dani, napapansin namin na masyado kang quite sa interviewing ito, are you thinking of something?” puna ng isang reporter kay Dani.

“Ay hindi naman po.  Ay teka yeah I’m thinking of something.  Food.  Nagugutom na po ako eh.” Pabirong sabi ni Dani na ikinabulaghit din ng tawa ng mga nandun. 

Ang mga sumusunod na tanong ay tungkol na sa kanilang movie.  Pero bago mag wrap up ang presscon na iyon ay biglang may nagtanong na isang reporter kay Dani.

“Dani, hindi siguro to alam ng iba pero itatanong ko na rin sa’yo.  From a very reliable souce ha, sabi daw meron kayong lihim na relasyon ni Seth at tila nagkakalabuan na kayo ngayon dahil kay Joey.  How true is this Dani?”

She was caught off-guard sa tinanong ng reporter.  She’s on the verge of crying but she had to control it kasi ayaw niyang gumawa ng eksena  sa presscon na iyon.

“Kung sino man po ang nagsabi sa inyo sa balitang iyan ay gusto ko pong sabihin na mali ang nasagap niya.  Seth and I are friends at hindi po kasali si Seth sa movie namin kaya mas nararapat pong huwag natin siyang isali sa usapan.  Thank you.”

Nagbabanta na talagang tumulo ang luha ni Dani at nararamdaman iyon ni Joey kaya inakbayan nito ang dalaga at muling nagsalita.

“Marami pong salamat sa inyong lahat sa pagdalo ng presscon namin.  Sana po tangkilikin niyo ang aming pelikula.  May premier night po kami sa SM Megamall sa Tuesday na po and regular showing na din sa Wednesday.”

At dun natapos ang presscon at pagkatayo ni Dani ay dumiretso na ito sa sasakyan at doon pinakawalan ang nagbabantang mga luhang kanina pa gustong pumatak.

**************************************************

“Paano yan Seth, dineny ka ni Dani.  Talang kinalimutan ka na ng girlfriend mo.” Saad ng text na natanggap ni Seth. 

Mapasahanggang ngayon ay mysteryo pa rin kay Seth kung sino ang nagpapadala ng mga text na iyon.  Pero gayun pa man ay affected siya masyado and he’s beginning to trust those texts at di na rin siya nagcocommunicate kay Dani.

“Hello Myles, please book me a flight back to the Philippines.  The earliest flight that you can get please.  I think my schedule is clear for the next two weeks right?”

“Seth, is this because of the issue between you, Dani and Joey?” tanong ng manager niya sa Global.

Natahimik si Seth sa kabilang linya.

“If this is because of that issue, may I suggest that you don’t dwell on this things now.  It wouldn’t be right for your career.” Pagpapaliwanag ni Myles.

“No My, I don’t have time anymore.  I need to talk to Dani or my mind will go crazy.  I don’t have peace of mind right now and the issue just keeps on bugging me.  Please book me a flight asap.”

“Oh well.  I’m just reminding you of the possible implications.  While you’re in the Philippines, might as well keep you busy there.  You can extend up to a month and better yet, let’s have an intimate concert for your fans ok?  Will that be ok as a bargain?”

“You don’t really want me to just enjoy my trip do you?  Ok if you say so.  I just want to go home to the Philippines.  I’ll do whatever to take for you to grant me my wish.” Natatawang sambit ni Seth.

“Alright.  Get ready.  You’ll be going to the Philippines in two days.” At tinapos na rin nito ang pag-uusap na iyon.

**********************************************

Binabasa ni Dani ang nadaanang poster sa hallway at napasinghap siya nung nalamang may mini-concert pala si Seth sa Friday.

May biglang umakbay sa kanya galing sa likod at nakikibasa na rin sa poster.

“Nanlalamig ka ah.  Are you ok?” tanong ni Joey sa kanya.

“Ha?  Teka lang Joey ha.  I think I’m gonna be sick…” at bago pa matapos ni Dani ang sasabihin ay matulin na itong tumungo sa ladies room.

Hapong-hapo si Dani na lumabas sa ladies room at nagpahatid na ito kay Joey pauwi kasi di na niya kayang magcommute.  Parang bumabaligktad ang kanyang pakiramdam.  Para siyang lalagnatin.  Ganun ba talaga kalakas ang epekto nung poster ni Seth na nakita niya?

Tulog si Dani habang binabagtas nila ang kahabaan ng EDSA pauwi sa bahay nila Dani.  Pagkapark ni Joey ng kotse sa garahe nila ni Dani ay mahina niya itong niyugyug para gisingin.

Mahinang mahina pa rin si Dani na tumayo mula sa kotse ni Joey habang inaalalalayan siya ng huli.  Hindi ata narinig ni Inday na dumating sila kasi hindi pa ito lumabas para tulungan sila sa mga gamit ni Dani.

Kinuha ni Joey ang mga gamit ni Dani at binitbit na rin ito habang akay akay nito si Dani para makapasok ng bahay.

Pagbukas ng pintuan ay nayanig si Dani sa nakita na ikinawala niyang tuluyan ng mulat.

Parehong napasigaw sina Joey at Seth nung nagcollapse si Dani at walang sabing binuhat ito ni Seth habang nagmamadali naman si Joey na e start ang kotse para dalhin nila si Dani sa ospital.



Chapter 21:


“Pwede ba bilisan mo ang pagmamaneho!” sigaw ni Seth kay Joey.

“Will you please stop whinning!  I’m trying my best to drive as fast as I can you moron!” ganting sigaw naman ni Joey.

Biglang umungol si Dani na nasa kandungan ni Seth.  Hinawakan ni Seth ang mukha nito.

“Bay-Bee, wake up…” mahinang sambit ni Seth.

“Is she awake already?” tanong naman ni Joey pero nakatutuk pa rin sa daan ang mga mata.
Hindi pinansin ni Seth ang tanong ni Joey.  He’s trying his best to get Dani’s attention.

“Bee, please wake up.” Pag-aalala pa ring sabi ni Seth kay Dani.

Sandali lang bumuka ang mga mata ni Dani pero pumikit ulit ito.

“Bee, wake up.  Hurry up!  Bring her to the nearest hospital” muling sigaw ni Seth kay Joey.

Napapalo si Joey sa munubela nung mastuck na naman sila sa traffic.

“God!  Ano ba!” todo busina si Joey na naka hazard lights na.

Parehong halatang kinakabahan ang dalawang lalaki at kahit full blast ang aircon ay pareho ding tagaktak sa pawis ang isa’t isa.

Sa wakas ay nakarating din sila sa ospital.  Si Seth ang nagbitbit kay Dani sa emergency room dahil kailang ipark ni Joey ang kotse.

“Anong nangyari sa pasyente?” tanong ng attending physician kay Seth.

“Nag pass-out po Doc.  Kanina pagdating niya sa bahay ay bigla na lang nawalan ito ng malay.” Sunod sunod na sabi ni Seth.

“Hi I’m Doctora Bite, before the incident na nagpass out siya, may iba bang naramdaman ang pasyente?”

“Hindi ko po alam Doc.  Actually yung isa naming kasama siguro makakasagot niyan kasi sila ata magkasama kanina.  Pagkakita ko lang kasi sa kanya kanina nung bigla siyang nagpass-out.” Pagpapaliwanag ni Seth.

Tyempo namang natanawan niya si Joey na papalapit kaya tinawag niya agad ito para siya ng magsalaysay sa nangyayari.

“Iho, ano ang nangyari?  May naramdaman ba ang pasyente bago siya nagcollapse?” baling naman ni Dra. Bite kay Joey.

“This morning po medyo masama na ang pakiramdam niya.  Pumasok siya kanina sa CR at sabi niya ay naduwal daw siya bago ko hinatid pauwi.  Nung nasa kotse kami ay tulog lang siya at nanghihina.  When we reached home, halos hindi siya makatayo dahil sa naramdamang hilo.  At yun na nga po pagpasok namin sa bahay ay bigla na lang siyang nawalan ng malay.” Pagpapaliwanag naman ni Joey sa nangyari.

“Would you know what were the activities she’s been doing prior of her passing out?”

“It has been a very busy week Doc.  We’re very busy with our promotions at nagshot pa kami ng ilang scenes sa upcoming movie namin.  Puyat po siya lagi.”

“If you don’t mind me asking, sino sa inyong dalawa ang boyfriend or asawa ni Dani?”

Natahimik ang dalawa at nagkatinginan.  Nakita ni Dra. Bite ang tension.

“Oh well, some symptoms shows kasi na baka, baka lang ha na she could be pregnant but there are other possibilities though.  Anyways, para mapanatag ang lahat, we will running down some test and may I request that you guys take some rest muna at dun na kayo maghintay sa lounge.  Mag-iwan kayo ng contact number sa nurse station and we will call you the soonest that we can get the result.  For now, please trust us in taking care of this girl who’s obviously very special to both of you.” Nakangiting sambit ni Dra. Bite.

Matapos magpasalamat ang dalawa ay umalis na ang mga ito at matyagang naghintay ng resulta sa lounge.

Pumunta sa vendo machine para bumili ng coffee si Seth at binigay ang isa kay Joey.  May tension pa ring namumuo sa dalawa.  Hindi sila magkaibigan pero di rin naman sila magkaaway.  Pero iisa lang ang tiyak, pareho silang concern kay Dani at malimit silang nagkakabangga dahil sa babae.

Umupo si Seth sa tabi ni Joey at tahimik na umiinum nung kape.  Nakakabingi ang katahimikan nilang dalawa despite the noise around them.

At sa di inaasan ay kapwa pa sila sabay nagsalita.

“Please go ahead.” Pagpapa-ubaya ni Seth kay Joey.

“No you go ahead first.” Sagot naman ni Joey.

Huminga ng malalim si Seth bago nagsalita.

“Salamat.” Sabi nito ng di man lang tumitingin kay Joey.

“Salamat saan?” nagtatakang tanong ni Joey.

“For taking care of her.”

Kibit balikat lang isinasagot ni Joey.

“Could she really be pregnant?” tanong ni Joey kay Seth.

Natahimik si Seth at di alam ang isasagot.  Napaisip din siya kung possible bang magdadalang tao si Dani.

“Could she be pregnant?” balik tanong ni Seth kay Joey.

“What if she is?” paghahamong sagot naman ni Joey kay Seth.

Bumuntunghininga si Seth at halata ang pagpipigil ng galit kay Joey.  Nung magsasalita na sana ito ay bigla silang tinawag para papuntahin sa emergency room.


Chapter 22:

“There’s nothing to worry guys.  It’s over fatigue and anemic si Dani kaya siya nagpass-out.  She just needs to rest.” Nakangiting sambit ni Dra. Bite sa dalawang nag-alala.

“Is she…” pabitin na tanong ni Seth.  Di nito kayang itanong kung buntis ba talaga si Dani.

“Pregnant? No!” nakangisi pa rin si Dra. Bite ng sabihin iyon.  “You two can rest now.  You can take her home after an hour then let someone take care of her and let he rest.  I mean complete bed rest.  Yung tipong you have to treat her like a queen.” Dagdag pa ni Dra. Bite.

Kung mapipicturan lang ang reaksyon ng dalawa nung nalamang hindi buntis si Dani ay talagang nakakatawa.  Tila ba pareho silang pwedeng nakabuntis dito at nahimasmas nung nalamang hindi pala ito buntis.

“Thank you Lord that she’s not pregnant.  Baka mapatay ko lang si Joey pagnagkataon at sinalisihan ako nung wala ako.” Ani ng isip ni Seth.

“Thanks God that she’s not pregnant.  Akala ko tuluyan na akong mawawalan ng pag-asa kay Dani.” Sambit naman ng isip ni Joey.

“Ok here are the prescription ng gamut na kakailanganin ni Dani.  Make sure to let her take these on time ok and please let her eat well.  Kulang sa sustansya si Dani plus the fact that lagi siyang puyat.  Ok I have to go now.” Pagpapaalam ni Dra. Bite.

Nagpasalamat ang dalawang binata sa butihing doktora.  Si Joey na ang nagvolunteer na bilhin ang mga gamot ni Dani while Seth took care of the hospital bills.

Kapwa na sila pabalik ng pwesto kung saan naka higa si Dani nung nagmulat na ito ng mga mata.

“Uuummmm, anong nangyari?” pilit itong tumayo sa kinahihigaan.

Hindi magkanda-ugaga ang dalawa sa pagdulong kay Dani na siyang ipinagtataka ng dalaga dahil hindi pa rin mawari nito kung saan siya naroroon.

“Nasaan ako?” tanong ni Dani

“You’re in the hospital.  You passed out kanina.” Si Joey na ang sumagot sa tanong ni Dani.

“And why are you here?” hindi mapigilang itanong ni Dani sa dalawa at mas lalo na kay Seth na ipinagtataka ng dalaga kung bakit nandun.

“Hinatid kita pauwi remember then pagpasok natin sa bahay and upon seeing him, bigla ka na lang nawalan ng malay.”

“Ano pala sabi ng doctor?  Pwede na ba akong umuwi?” pag-iiba ni Dani sa topic.  Hindi pa rin kasi niya alam paano pakikiharapan si Seth.  Or mas tamang sabihing ayaw niyang pakiharapan ito at galit siya dito.

“You passed out dahil sa over fatigue and you’re anemic pala.  Someone might not be taking care of you while I was away!” may diing pagkakasabi ni Seth at masama ang tingin nito Joey.

“Or di kaya dahil sa hindi pagcocommunicate sayo ng isang tao dyan ang dahilan kung bakit na sestress ka kaya nagkasakit ka Dani.” May diin ding sagot ni Joey at gayun man ay nakipagtitigan ito ng masama kay Seth.

“Anong ibig mong sabihin dyan sa sinasabi mo ha?” galit na sambit ni Seth.

“Bakit guilty ka? Ha? At for your information, inaalagaan ko si Dani and mas tamang sabihing ikaw ang may kasalan kung bakit siya nagkaganito.” Hindi maawat si Joey sa mga sinasabi niya kay Seth.

Nagsukatan ng tingin ang dalawang lalaki na nasa magkabilang dulo ng kama ni Dani at anytime soon ay mag-aaway na talaga ito ng tuluyan.

“Enough!  Ano ba kayong dalawa!  Stop it!” sabay hawak ni Dani sa noo.  Sumakit ulit ang ulo niya dahil napwersa na naman ito at akma pa itong tatayo nung nahilo ulit ito.

“What are you two doing?  Instead na makapagpahinga ang pasyente ay mas dinagdagan niyo ang problema niya.” Bigla pasok ni Dra. Bite nung marinig ang pagsigaw ni Dani.  Chineck ulit ni Dra. Bite si Dani at napagpasiyahan nitong iconfine na ng tuluyan si Dani para makapagpahinga at meron itong kundisyon.

“I’m sorry Dani but I cannot discharge you today.  The way I see it, you really need a complete bedrest.  I’m going to advised you to be confine for 2 days at minimum or until maging ok ang kalagayan mo.  And the most important is stay away from these two.  Kayong dalawa, pwede ba get out of here and until such time na naresolve na ninyong dalawa ang issue niyo sa isa’t isa then saka kayo bumalik ok?” paglilitanya ni Dra. Bite.

At wala ng nagawa ang dalawa sa sinabi ni Dra. Bite.  Buti na lang at dumating na din ang Mommy ni Dani at ito na nag-asikaso sa dalaga.  Para magpalamig sandal ang dalawang lalaki ay umalis na muna ang mga ito.

Like true gentlemen, pumunta ang dalawa sa isang bar at nagbeer para makapag-usap ng maayos.

**********************************************************

“Shit! Shit! Shit!” galit na galit at nagwawala siya ng di mawari.

Lumipad ang lahat ng laman ng mesa dahil sa pagwawalang iyon.

“This can’t be happening!  Hindi pwede ito!!!!!!!!!!!!!” sigaw niya!

Chapter 23:

“Akala mo ba talaga buntis si Dani?” di nakatiis si Joey na tanungin si Seth habang umiinum sila ng beer.

“Are you thinking of the same thing too?” balik tanong naman ni Seth kay Joey.

Napangiti ng payak si Joey bago nagsalita.

“Yeah I was thinking of that possibility and if she is, I will really hunt you down man!” sabay lagot nito sa beer na hawak.

“You’re crazy!  She can never be pregnant with me yet.” May diin na pagkakasabi ng Yet ni Seth.  “On the contrary, baka nasapak na din kita kung natuklasan kung she’s pregnant with your child.”

“What?   You’re insane!  Kahit naman siguro gago ako sa babae but definetly not Dani.” Natatawang sambit ni Joey.

Biglang nagkatawanan ang dalawa nung marealized na muntik na pala silang magsapakan kanina nang dahil lang sa maling akala.

The night ended for the two na nagkasundo silang parehong aalagaan si Dani and that Joey will not go beyond the line as Dani’s friend and nothing else.  And that Seth will have to do something about hiding his relationship with Dani.

“Pare, bibigyan kita ng ultimatum ha.  Pag di ka pa rin umamin sa relasyon niyo ni Dani, babawiin ko siya sayo!”

“Walang ganyanan Pare!”

Parehong tipsy ang dalawa nung nag-uusap ito kaya di na nagkaintindihan pero iisa lang ang nabuo sa gabing iyon, friendship na may iisang motibo... ang pagtitiyak na nasa mabuting kalagayan lagi si Dani.

*******************************************************

“Bee....” mahinang sambit ni Seth habang may bitbit itong isang stuff toy at bulaklak at ginigising si Dani.

Umalis sandali ang mama ni Dani para bigyan sila ng privacy.

Dahan dahang dumilat si Dani pero nakakunot ang noo nito nung matantong si Seth ang nandyan.  Ang pagkunot ng noo ay napalitan ng mga bumabalong luha.

Niyakap ni Seth si Dani na sa pagkakataong iyon ay napaiyak na rin.  He felt so guilty dahil nagpadala siya sa bugso ng damdamin at naniwala sa mga false emails at pictures na pinadala sa kanya.

Hindi matapos tapos ang paghingi ng sorry ni Seth kay Dani at inilahad na rin niya ang buong pangyayari.

“Sorry Bee, nadala lang ako sa pagseselos and I know mali ako.  Please forgive me.” Paghingi pa rin paumanhin ni Seth kay Dani.

Sa wakas ay tumango na din si Dani at yumakap ng muli sa kasintahan.  Hindi mawari ang kaligayahan ni Seth sa mga oras na iyon.  Nasa ganung akto sila nung pumasok si Joey na may bitbit na flowers.

Nakangiti si Joey sa nakitang magkasundo na ang dalawa at lumapit ito kay Dani at nagbeso at naghand shake naman sila ni Seth.

“Thank you Joey ha.”

“No problem Dani.  Basta ikaw.” Sabay kindat dito.

Nagkatawanan ang tatlo at masayang nagkwentuhan over a box of pizza na pinadeliver naman ni Seth.

************************************************

“You’re such a fool to believe in her ploy.  Pagsisihan mo ang lahat ng ito!” ang kataga ng text na natanggap ni Seth from an unknown sender.

“Tanga ka rin kagaya nila!  Pagsisihan mo ang lahat ng ito!” Just about the same, Joey received the a text from an unknown sender as well.

Parehong napakunot ang noo ng dalawa at napansin iyon ni Dani.

“What’s wrong?” sabi ni Dani sa dalawa.

“Ha? Nothing.  May nabasa lang akong text.  Nothing to worry Bay-Bee” sabay halik ni Seth kay Dani.

“Ikaw naman Joey, bakit ganun din reaction mo?” baling naman ni Dani kay Joey.

“Ha?  Wala, may naiwan lang pala ako sa bahay and tinext ni Auring.” Pero halata pa rin sa mukha ni Joey ang pag-aalala kahit pilit nitong pinasaya ang mukha.  He kept the text to himself dahil ayaw niyang mag-alala si Dani.


Chapter 24:

Matuling lumipas ang mga araw at dumating na din ang pinakahihintay na concert ni Seth.  Ang unang planong gawin itong intimate concert ay naging isang major concert nung mabisitang meron pa palang slot available sa Araneta.  Pero yun nga lang, na postponed ito ng isang buwan para sa preparasyon.

Wala ng naging problema sina Seth at Dani during the preparations of the concert.  Busy din sina Dani at Joey sa pagpromote ng kanilang movie.  May napagkakasunduan na din sina Seth at Joey pertaining to Dani and they respected each others decisions and choices.

“Bilang na ang mga araw mo!”

Napahawak si Dani sa kanyang noo nung basahin ang natangap na text.  Napansin iyon ni Ate K.

“What’s wrong Dani?” tanong nito.

“Wala Ate.  Actually, something is wrong Ate K.  Ilang araw na akong nakakatanggap ng text na ganito using different prepaid numbers.” Sabay pakita dito sa mga text.

Nababahala si K sa nakita.  And she suggested na ipablotter na ang ito.  She said she’ll take care of it.

“Ipaalam natin ito kina Seth.” Suhestyon ni Ate K.

“Huwag na Ate.  Ayoko silang mag-alala.  Ok na sa akin na napablotter na natin.  Baka may nangloloko lang.”

“Kumuha na kaya tayo ng bodyguard mo.  Baka isang fantard ang may gawa nito.”

“Ate di naman siguro ito seryoso.  Hayaan na natin.  Mag-iingat na lang ako lagi.” Tangi ni Dani sa suggestion ni Ate K.

“Hay nako Dani.  Ano ba naman yan.  Na hala sige, ibayong pag-iingat lang lagi ha.  Pagmay problema, don’t forget to call me ok.  Please put me on your speed dial list ok.” Di matapos tapos na bilin ni Ate K.

“Oo nga pala, sino ang susundo sayo to go to Seth’s concert?  You want me to pick you up?”

“I’ll drive myself to the venue na lang Ate K.  Maabala pa kayo.  Alam ko marami kang gagawin dun sa concert.” Si K kasi ang humahawak sa talent coordination ng concert ni Seth.

“I’ll send a driver to pick you up na lang para di ka na magdrive at mahirapan mag park ok.”

She can no longer argue.  Tama din naman si Ate K.  Mas practical nga kung may driver siya kasi mahirap mag park kung gayung punuan talaga.  Dani will be performing in Seth’s concert.  Sasayaw siya kasama sina Seth at Joey.

“O sige alis na ako ha.  See you later.  Ipapasundo kita ng bandang 4 pm.” Sabay beso nito sa kanya.


************************************************

“Puntahan mo ako kung ayaw mong magkakagulo!” saad ng text na natanggap ni Joey.

Napailing lang siya sa natanggap na text and he brushed it off.  He’s got no time for this hullabaloo.

Nakailang missed call na rin ang natanggap niya coming from that number pero di na niya ito nabigyan ng pansin dahil he’s getting ready to go to the concert.

***********************************************

“Bee, wru?”

“I’m waiting for the driver to pick me up.  Good luck in the concert Bee.  I know it will be spectacular.  Can’t wait for our dance number later.” Excited na sagot ni Dani text ni Seth.

“Me too.  I have a surprise for you later.”

“Really?  Ano?”

“Basta!  Surprise nga eh!”

“Ang daya.  Baka naman di ko na makita ang surprise na yan ha.” kunyari may tampong sabi ni Dani.

“Bakit naman?”

“Joke lang!  Ikaw talaga!  O cya sige, get yourself ready na.  See you later.  Luv u!”

“Luv u more Bee.”

“Hey Dan, want me to fetch you later?” text naman galing kay Joey ang natanggap niya.

“Huwag na Joey.  Ipapasundo ako ni Ate K sa driver.  Thanks for the offer.  See you when I see you.”

“Anong see you when I see you… see you later kamo!  Ayt! TC.”

Makalipas ng isang oras ay dumating na ang sundo ni Dani.

Chapter 25:

“Ate K, nasaan na si Dani?” tanong ni Seth.

“She should be here anytime soon.  Tumawag na si Mando na susunduin na daw niya si Dani.  Tawagan kita pag nandito na siya ok?  Bye.”
Muling nagring ang telepono ni K.

“Joey, o bakit?  Papunta na siguro yun kasi sabi ni Mando sa akin susuduin na niya si Dani.  Hay nako sa inyong dalawa ni Seth.  Magkasunod pa talaga kayong tumawag sa akin at hinahanap sa akin si Dani.  O cya, tatawagan din kita pagnandito na siya ok?  Bye!”

“Ano ba itong mga to, hanap ng hanap kay Dani.  Teka nga, matawagan nga ang babaeng iyon.”

Wala sumasagot sa kabilang linya.  Ring lang ng ring ang telepono ni Dani.  Kibit balikat lang si K kasi pag nasa biyahe talaga si Dani, bumabawi ito ng tulog.  Sunod nitong tinawagan si Mando kaso cannot be reach naman ang telepono nito.  Ngitngit tuloy si Ate K.  Tiyak sabon na naman ang aabutin ni Mando mamaya kasi di na naman nakacharge ang telepono nito.

Pero makalipas ang dalawang oras at kalahati, di pa rin dumating si Dani.  Tantiya ni K, kasi Friday kaya natraffic ito pero di naman umaabot ng dalawang oras ang travel time kahit gaano pa ka traffic.

Bigla bugso ng kaba ang nadarama ni K.  Something does not felt right lang talaga.  Tinawagan niya ang bahay nina Dani to check.

“Hello Inday, si Dani?”

“Hi Ati Ke, kanina pa po umalis si Ate Dani.”

“Mga anong oras kaya sila nakaalis?”

“Kanina pa po.  Mga mahigit dalawang oras na ang nakaraan.  Bakit po?  Wala pa po ba siya diyaan?” nag-aalala na rin si Inday sa kalagayan ng amo.

“Wala pa eh.  Sige Inday salamat.  Susubukan kong tawagan sa cellphone niya.  DI kasi sinasagot eh.  Thanks.”

***********************************************

“Ate K nasaan na si Dani.  She’s supposed to be dancing with us now.” Nagpapanic na tanong ni Joey kay K.

“Ewan ko sa batang yun Joey, di pa rin dumarating.  I’ve been trying to call her pero unreachable na ang cellphone niya.  Go dance on stage na.  The show must go on.” Pilit kinakalma ni K ang sarili pero matindi na talaga ang kaba na nadarama niya sa mga sandaling iyon.

“Ladies and Gentlemen, please welcome, international artist and our very own Seth Castro!!!” at biglang dumilim ang buong stage at biglang tumugtug ang intro ng kantang Fireworks at lumabas na ang mga artistang sasayaw kasabay ni Seth at lumabas na din si Seth para umpisahan ang kanta.

Do you ever feel like a plastic bag
Drifting through the wind
Wanting to start again

Tumingin si Seth sa gawang kanan at nagtataka bakit wala si Dani doon.

Do you ever feel, feel so paper thin
Like a house of cards
One blow from craving in

Tumingin naman si Seth sa gawi ni Joey and he was trying to ask him kung nasaan si Dani.  Joey motioned that he doesn’t know either at nakikita sa mukha nito ang kalituhan.

But ika nga, the show must go on kaya todo hataw pa rin ang dalawa sa pagkanta at pagsayaw.

You gotta ingnite the light
And let it shine
Just own the night
Like the fourth of July

Cause baby you’re a firework
Come on show’em what you’re worth
Make ‘em go “Oh! Oh! Oh!”
As you shoot across the sky-y-y-y

Dapat may dance routine si Dani at Joey nung magchorus ang song but he ended up just singing and asking the crowd to participate.

Nung medyo nag instrumental, ma abilidad na nilapitan ni Seth si Joey at tinanong pero yun nga wala ding alam si Joey.  Halata na ang pagkabagabag ng dalawa.

Boom, boom, boom
Even brighther than the moon, moon, moon
It’s always been inside of you, you, you
And now it’s time to let it through…

Cause baby you’re a firework
Come on show’em what you’re worth
Make ‘em go “Oh! Oh! Oh!”
You’re gonna leave ‘em all in awe awe awe

Boom, boom, boom
Even brighther than the moon, moon, moon
Boom, boom, boom
Even brighther than the moon, moon, moon

At hanggang magfade na ang kanta at nag close ang lights.  Instead na magwelcome pa sana si Seth ay bigla itong bumaba sa backstage at kinausap at hinabol si Joey para muling tanungin.

Nagkagulo tuloy ang program at buti na lang magaling sina Pokwang at Chokolait na kapwa guest din sa show na iyon at bigla itong nag-adlib bago tinawag muli sa stage si Seth para magwelcome na sa mga tao na nandun.

********************************************

Nagising si Dani na masakit na masakit ang likod niya.  Bakit di siya makagalaw.  Bakit parang ang dilim dilim at ang hapdi hapdi ng bibig niya.  She tried to scream but hindi niya maibuka ang bibig.

“Nasaan ako?  Help! Help! Tulungan niyo ako!” ang sigaw ng isip ni Dani pero ang lumabas lang sa kanyang bibig ay ungol dahil may parang nakatakip na tape sa bibig niya.

“Ay gising na pala ang ating prinsesa!” saad ng isang pamilyar na boses.

She tried to move.  She tried to struggle.  Pamilyar sa kanya ang boses nito.

“Aray!” sigaw ni Dani nung sapilitan nitong tanggalin ang tape na nasa bibig niya.

Tapos tinanggal din nito ang piring sa kanyang mata at laking mangha ni Dani sa natuklasan.

“Ikaw!” nanlaki ang mga mata ni Dani pagkakita kung sino ang nasa harap niya.

“Ako nga!” sabay halakhak ng abductor niya.

Chapter 26:

“Hello.  Ano kanina ka pa tumatawag ah.  Bakit ba?” di maiwasang tumaas ang boses ni Joey kabilang linya dahil sa tension naramdaman na wala pa si Dani.

Matamang nakikinig si Joey sa kausap sa telepono at nababatid na ang pagkabahala sa mukha niya.

“O sige pupunta ako diyan.  Ngayon na!” at nagmamadali na si Joey sa pag-aayos ng gamit para umalis.

“Joey, saan ka pupunta?  May after concert party pa tayo ah.” Tanong sa kanya ni Ate K.

“Sorry Ate K, may emergency lang.  I need to go.” Pagmamadaling umalis ni Joey.

“Joey!  Joey ano bah!  Paano si Dani!” tili ni Ate K pero frustrated ito kasi di na ata narinig ni Joey ang pagtawag niya.
“Ate K, may balita na ba kay Dani?  Si Mang Mando nasaan na po?  Nakokontak niyo na po ba siya?”

“Ewan ko Seth?  Wala pa rin.  Di ko pa rin sila macontact.  Sige na umakyat ka na ulit sa stage.  Tapusin mo ang concert at rest assured na nagkokocoordinate ako kay Dani now.  Sige na please.  Nakakahiya sa mga fans.  Be an actor tonight.  Please do it for me.” Pagsusumamo ni Ate K.

Tumango si Seth at muling nagperform sa entablado.  Napaiyak na rin si K sa sobrang pag-alala kay Dani at sa kaguluhang nangyayari sa gabing iyon.

Mas lalo siyang napaiyak nung makita ang itsura ni Mang Mando na papunta sa kanya.  May sugat ito sa ulo at putok ang labi nito.  Para itong nabugbug ng mga maton.

“Mang Mando!  Anong nangyari sa inyo?  Nasaan si Dani?” pag-alalang tanong ni Ate K.

Pero bago pa makasagot si Mang Mando ay nagpass-out ito kaya mas lalong napatili si Ate K at humingi ng saklolo para dito.

*************************************************

“Pakawalan mo ako!  Ano ba ang kailangan mo sa akin!” sigaw ni Dani sa kausap.

“Not so fast Dani.  Ano nga ba kailangan ko sayo?  Marami!” may diing sabi ng abductor sabay sampal sa mukha ni Dani.

“Walang hiya kang babae ka!  Inagaw mo ang lahat sa akin.  Matagal na akong nagtitimpi sayo kaya ngayon tingnan natin kung makakaligtas ka pa dito.”

“Bakit ano ba plano mong gawin sa akin ha?  At ano yung mga sinasabi mong inagaw ko ang lahat sayo?” sigaw na ni Dani sa abductor niya.

“Ay oo nga paano mo nga pala malalaman eh di ka naman tumitingin sa iyong paligid.  Inagaw mo ang lahat sa akin!  Ako! Ako ang dapat nasa pwesto mo.  Dalawa tayong pinagpipilian at dahil sa ikaw ang pinili ni Joey kaya nawala ako sa mapa!  Tapos ok na sana lahat eh.  Kuntento na ako na paback-up back-up lang dahil laging nandyan si Seth pero sadya yatang makiri ka dahil pati attention ni Seth nakuha mo din.  Ano bang meron sayo ha?  Kung tatabasan ko yang mukha mo, pag-aagawan ka pa rin kaya ni Seth at Joey?” sabay tumatawa ito na parang buang at pinapadaan sa mukha ni Dani ang patalim na hawak habang tiningala nito ang mukha ni Dani sa pamamagitan ng paghatak ng buhok ng huli.

Kahit nasasaktan si Dani ay pinipilit pa rin niyang magpakatatag.  Kailangang makaalis siya sa impyernong kinalalagyan.  She uttered a short prayer in her mind asking The Almighty for divine intervention.

*************************************************

“Mang Mando, gumising na po kayo.  Mang Mando!” yugyug ni Ate K sa driver.

“Mam…” sa wakas ay nagising na rin si Mang Mando.

“Mang Mando, ano po ba ang nangyari?”

“Mam, may kumidnap po kay Mam Dani.  Pasakay na kami ng kotse nung biglang may nagbukas po ng pintuan ko at pinalo po ako ng baril sa ulo.  Di po agad ako napuruhan kaya nakita ko pa na tinakpan nila ang bibig ni Mam Dani ng puting panyo at bigla ito nakatulog.” Dahan-dahang pagsalaysay ni Mang Mando kay Ate K sa nangyayari.

“Nakita o nakilala niyo po ba kung sino ang mga taong ito Mang Mando?”

“Hindi ko po sila kilala Mam.  Iba din po salita nila.  Parang Ilokano or Bisaya na di ko mawari kaya di ko po sila maintindihan.  Nung namalayan ng kasama nila na di pa ako tulog, binugbug nila ako ulit hanggang mawalan po ako ng malay.” Napaiyak si Mang Mando sa pagsalaysay sa sinapit.

“Nako Mang Mando, tahan na po.  Papunta na po dito ang mga pulis para tulungan tayo sa kasong ito.  Magpahinga muna kayo.  Papasamahan ko muna kayo sa ospital para po mabigyan kayo ng first aide tsaka makuhanan na rin ng statement ng medico legal.”

Umalis na si Mang Mando kasama ng isa pang tao ni Ate K.

Napahagulhul na si Ate K dahil nababahala na siya kay Dani.  And she is so frustrated kasi di niya alam kung saan ito hagilapin at saan kontakin.

“Hello Joey, nasaan ka?” she talked to him in between sobs.

“Ate K, are you ok?  Pasensya na po, nagka emergency lang po si Analeen.  Sinugod ko po sa ospital kasi nagspotting po eh.  Nahulog po sa hagdanan.”

“Ganun ba?  Ok na ba si Analeen?”

“Stable na po.  Naghihintay na lang kami ng kwarto para mailipat siya.  Ano na po ang balita kay Dani?”

“Joey….” Nagsimula ng umiyak si Ate K.

“Ate K bakit po?”

“Joey, si Dani kinidnap.  Nakabalik si Mang Mando at bugbug sarado at sabi niya may dumukot daw kay Dani kanina at nilagyan ng pampatulog ang panyo na tinakip sa bibig niot.  Hanggang ngayon ay wala pa rin tayo lead kung nasaan siya.” Naghihisteryang sabi ni Ate K.

“Oh my God.  Who could have done this to her? Sige Ate, bigyan mo ako ng isang oras and I’ll be there po to help find her.”

“Sige Joey.  Please explain to Analeen na lang muna on what happened.  Selosa pa man din masyado ang asawa mong yan.”

“Sige po.  Ako na po bahala sa kanya.”

***************************************************

“This concert is very special to me because aside from the fact that this is my major concert here in the Philippines, I am announcing something to everyone as well.” Intro ni Seth sa susunod niya na set.

Biglang dumilim ang stage at nakafocus lang ang spotlight sa kanya while he started singing Bruno Mar’s Just the Way You Are and playing on the screen are the pictures of Dani.

Oh her eyes her eyes
Make the stars look like they’re not shinning
Her hair her hair
Falls perfectly without her trying….

When I see your face
There’s not a thing that I would change
Cause you’re amazing just the way you are

When I see your smile
The whole world stops and stares for awhile
Cause Girl you’re amazing just the way you are

The way you are
The way you are
Girl you’re amazing just the way you are

And the song ended with a picture of Seth and Dani dressed in white na magkadikit ang mga makuha at both their fist stretch in front showing the two identical white band signifying that they tied a knot recently.

“Ladies and Gentlemen, I am announcing to the world that I Seth Castro recently married the girl of my dream… my BayBee…. Daniella Senon – Castro!”



Chapter 27:

Chapter 28:

“Hi Seth, what are you doing tonight?  Can I invite you to my birthday party?” sabay bigay ni Korine ng invitation kay Seth.

“Happy Birthday Korine but di ako pwede eh.  May lakad ako.  Some other time siguro.” Nakangiting sagot naman ni Seth dito.

Hindi napansin ni Seth ang hurt na nadarama ni Korine.  He finds Korine a nuisance than be flattered for the attention she’s giving.  Masyado itong maasikaso sa kanya to a point na para na siyang nasasakal.

Korine is beautiful but she’s just not Seth’s type.

“Seth, pupunta din Dani sa birthday party ko?” muling pangungumbinsi ni Korine kay Seth.

Upon hearing Dani’s name, at instinct ay biglang nagsmile si Seth.

“Ah ganun ba?  Sige tingnan ko ha.  No promises.  Bye.” Sabay alis na.

“Bulag ka talaga Seth.  Si Dani pa rin ang gusto mo.  Ayaw mong pumunta pero nung sinabi kong pupunta si Dani ay bigla bigla na lang nagbago ang isip mo.  Pareho naman kami ni Dani ah.  Mas maputi pa nga ako sa kanya.” Himutok ng utak ni Korine. 

Actually, sabay nag-audition sina Dani at Korine para sa isang tv show.  Dating child actress si Korine at galing sa mayamang pamilya.  Kung tutuusin ay pwede na itong di magtrabaho pero mas pinili pa rin nitong mag-artista dahil passion nito iyon.

Unang kita pa lang nito kay Seth ay tinamaan na ito.  Nung una ay pinapakisamahan pa ito ni Seth pero she went over board at para na itong fantard na laging nakasunod kay Seth at nakikipagchummy sa mga friends ng huli at animo’y girlfriend kung makaasta lalo na’t may nalilink dito.  Iisang tao lang di nito maaway-away dahil nawarningan ito ni Seth.  Tanging si Dani lang.

She even befriend Dani para mapalapit kay Seth dahil close si Dani at Seth.  Pero gayun pa man ay umiiwas din si Dani nito kasi she tend to be overbearing and manipulative.

Umaabot sa puntong kinumpronta ito ni Dani kung bakit halos naging pareho na ang mga suot nila at itsura.

Pero dahil sa kabutihang asal ni Dani ay simple lang ang ginagawang pag-iwas niya dito.  Nagsimulang gumulo ang mundo ni Korine nung silang dalawa na lang ni Dani ang pagpipilian para maging new partner ni Joey.

Matindi ang pagod at hirap ang inabot nilang dalawa at sa huli ay si Dani ang pinili ni Joey.

Matagal ng ngitngit si Korine kay Dani.  Mang-aagaw ang turing niya dito.  Nabuhayan siya ng loob nung naging parang mag-MU na si Dani at Joey dahil magkakaroon na siya ng pagkakataon na makuha si Seth.

Pero tumindi ang galit niya nung malamang umuwi si Seth at si Dani pa rin ang gusto nito.  Nabuang ang loveteam nina Joey at Dani at biglang naging Seth at Dani.

Alam din niya na may lihim na relasyon sina Dani at Seth na pilit niyang binubuwag.  Siya din ang responsible dun sa mga larawang pinapadala kay Seth na muntik ng sumira sa relasyon nito kay Dani.  Pati yung kay mga anonymous text na natanggap ni Joey galing din sa kanya.  Gusto niya sanang mag-away away ang dalawa at iiwanan nito si Dani pero laking ngitngit niya nung nagkaayos ang mga ito kaya nagdesisyon siyang kidnapin at pahirapan si Dani.

Hindi niya kinidnap si Dani dahil kailangan niya ng pera.  Marami siya nun.  Kinidnap niya ito dahil gusto niyang pahirapan.  Kinidnap niya ito para puntahan ni Seth.  Si Seth!  Ang pag-ibig ni Seth ang gusto niyang maging kabayaran ng buhay ni Dani.

Naputol ang pagmuni-muni ni Korine nung mabasa niya ang nasa mga social networking sites. 

“RT: @Bubbles&Bees: Seth and Dani are married!  We are happy for you!”

At marami pa siyang mga congratulatory notes and comments na nabasa.  Biglan bumulusok ang galit ni Korine at sinugod nito si Dani at pinasasasampal!

“I hate you!  I hate you!  Mamamatay ka!  I hate you so much!” hiyaw nito habang sinasampal at sinasabunutan ang walang laban na si Dani.


Hindi magkamayaw ang mga taong nandun lalo na ang mga members ng Bubbles and Bees.  Kahit may iilan sa kanila na alam na ang sekretong kasalang iyon ay di pa rin maiwasang maiyak ang mga ito dahil sa revelation na iyon ni Seth.

The wedding happened 3 days ago before the concert.  It happened in a private villa and beach resort in Batangas.  It was a private affair and only selected people and fans were invited.

Ang kantang iyon at ang slide show na iyon na si Seth mismo ang gumawa ay sorpresa niya sana sa asawa at syempre sa mga loyal fans nilang dalawa.  Ang orihinal na plano ni Seth na itutuk ang spotlight sa asawa matapos niyang ideklara sa buong mundo na ikinasal na sila ay di na nangyari dahil mapasahanggang ngayon ay di pa rin bumalik ang asawa niya.

Marahil nagtataka na ang mga tao bakit hindi lumabas o nagpakita si Dani sa buong durasyon ng concert.  Nagdahilan na lang si Seth na may sakit ang asawa at nasa bahay lang para di magpanic ang mga tao.  Kunyari pa si Seth na binate ang asawa at sinabihang get well soon.  He’s a very good actor and he did his part so well even if he is on the verge of breaking down.

Pagkatapos ng kantang iyon ay nagpaalam na si Seth sa mga fans at di na niya ito napagbigyan kahit nagsabi ito ng more pero di naman nila iniwan ang mga fans dahil lumabas ang lahat ng performer at kumanta ng medley of happy songs.

*************************************************

“Ate K, ano na ang balita?  Nakabalik na daw ba si Mang Mando?  Nasaan si Dani?” sunod-sunod na tanong ni Seth dito.

Ang kalamado na sanang si Ate K ay nagbreakdown na naman nung sinalysay kay Seth ang nangyari kay Dani.  Napasuntok si Seth sa dingding dahil sa nangyari.  At sa ganung tagpo siya naabutan ni Joey.

“Pare, tama na.  It’s not helping.  Mag-isip tayo ng paraan on how we can solve this problem.” Awat ni Joey kay Seth.

Naihilamus ni Seth ang kamay sa mukha tanda ng kalituhan.

“Nasubukan niyo bang tawagan siya Ate K?” tanong ni Seth

“Oo Seth but unreachable na ang phone niya.” Naiiyak pa rin si Ate K.

“Sino kaya ang pwedeng gumawa nito sa kanya Ate K?” tanong ni Joey naman.

Naiiling lang na umiiyak si Ate K.

“Wait, give me my bag.  Give me my bag!” sigaw ni Seth at di magkandaugaga ito sa pagtayo para abutin ang kanyang bag.

Pagkakuha ng bag ay naging mabilis ang kilos ni Seth at tila may hinahanap.  And he got his cellphone at bigla itong may ginawa.

“Bingo!  Thanks God for GPS!” Sabay halik sa cellphone nito.

“Joey, tara.  Bring me here!”  sabay turo nito sa location ni Dani.

Buti na lang binigyan niya ng GPS phone ang asawa.  Tanging silang dalawa lang ang gumagamit ng teleponong iyon kaya hindi alam nila K ang number na yun.

Tyempo ang naman ang dating ng mga pulis nung makita ni Seth kung nasaan ang possibleng location ni Dani.
“Hay salamat dumating na kayo Sir.  Sana makatulong tong nakitang posibleng lokasyun ni Seth.” Sabay pakita nito direksyon.

“Men get ready.  Let’s go.  Mr. Castro, I suggest na sumama na lang kayo sa amin kesa magdrive kayo.  Or kung inyong mamarapatin, tao ko na lang sana ang magdidrive ng sasakyan niyo.” Suhestyun ng pulis kay Seth.

Tumango si Seth at niyaya na ang lahat na umalis na sila.  Pero si K ay iniwanan nila dahil delikado at kailangan siya sa logistic.  Media block-out was also ordered for Dani’s safety.

Habang nasa sasakyan sina Seth at Joey ay tahimik lang sila na naka-upo.  Maya-maya lang ay di na rin nakatiis si Seth at bumuntunghininga ito para mawala ang nerbiyos na naramdaman.

“Ok ka lang Pare?” tanong ni Joey sa kasama.

“That’s an understatement Pre.  I’m so nervous now at inis na inis ako.  Sino kaya may gawa nito?” clueless pa din si Seth sa nangyayari.

“I really have no idea as well but lately, I’ve been receiving anonymous texts and emails pertaining to Dani.” Paglalahad ni Joey sa mga nangyayari.

“No shit man!  I’ve been receiving that as well.” Namanghang sabi ni Seth at nagpakitaan silang dalawa ng mga natanggap na text and it seems that iisang tao lang nagpapadala nito sa kanila kahit pa iba’t ibang number ang ginagamit.

Pinakita nila sa mga pulis ang mga natanggap na text at nakumpirma nga ng mga ito na sa iisang tao lang nanggaling ito.

“May alam ba kayo na pwedeng gumawa nito?  Ano ba ang common na nag-uugnay sa inyong dalawa bukod kay Dani?” masusing tanong ng inspector.

Nag-isip ang dalawa at nagkatinginan ang dalawa at sabay binigkas ang pangalan ng possibleng gumawa nito.

“Si… Korine?” manghang sabay na sambit ng dalawa ang hinihinalaang abductor ni Dani.

Chapter 28:

“Hi Seth, what are you doing tonight?  Can I invite you to my birthday party?” sabay bigay ni Korine ng invitation kay Seth.

“Happy Birthday Korine but di ako pwede eh.  May lakad ako.  Some other time siguro.” Nakangiting sagot naman ni Seth dito.

Hindi napansin ni Seth ang hurt na nadarama ni Korine.  He finds Korine a nuisance than be flattered for the attention she’s giving.  Masyado itong maasikaso sa kanya to a point na para na siyang nasasakal.

Korine is beautiful but she’s just not Seth’s type.

“Seth, pupunta din Dani sa birthday party ko?” muling pangungumbinsi ni Korine kay Seth.

Upon hearing Dani’s name, at instinct ay biglang nagsmile si Seth.

“Ah ganun ba?  Sige tingnan ko ha.  No promises.  Bye.” Sabay alis na.

“Bulag ka talaga Seth.  Si Dani pa rin ang gusto mo.  Ayaw mong pumunta pero nung sinabi kong pupunta si Dani ay bigla bigla na lang nagbago ang isip mo.  Pareho naman kami ni Dani ah.  Mas maputi pa nga ako sa kanya.” Himutok ng utak ni Korine. 

Actually, sabay nag-audition sina Dani at Korine para sa isang tv show.  Dating child actress si Korine at galing sa mayamang pamilya.  Kung tutuusin ay pwede na itong di magtrabaho pero mas pinili pa rin nitong mag-artista dahil passion nito iyon.

Unang kita pa lang nito kay Seth ay tinamaan na ito.  Nung una ay pinapakisamahan pa ito ni Seth pero she went over board at para na itong fantard na laging nakasunod kay Seth at nakikipagchummy sa mga friends ng huli at animo’y girlfriend kung makaasta lalo na’t may nalilink dito.  Iisang tao lang di nito maaway-away dahil nawarningan ito ni Seth.  Tanging si Dani lang.

She even befriend Dani para mapalapit kay Seth dahil close si Dani at Seth.  Pero gayun pa man ay umiiwas din si Dani nito kasi she tend to be overbearing and manipulative.

Umaabot sa puntong kinumpronta ito ni Dani kung bakit halos naging pareho na ang mga suot nila at itsura.

Pero dahil sa kabutihang asal ni Dani ay simple lang ang ginagawang pag-iwas niya dito.  Nagsimulang gumulo ang mundo ni Korine nung silang dalawa na lang ni Dani ang pagpipilian para maging new partner ni Joey.

Matindi ang pagod at hirap ang inabot nilang dalawa at sa huli ay si Dani ang pinili ni Joey.

Matagal ng ngitngit si Korine kay Dani.  Mang-aagaw ang turing niya dito.  Nabuhayan siya ng loob nung naging parang mag-MU na si Dani at Joey dahil magkakaroon na siya ng pagkakataon na makuha si Seth.

Pero tumindi ang galit niya nung malamang umuwi si Seth at si Dani pa rin ang gusto nito.  Nabuang ang loveteam nina Joey at Dani at biglang naging Seth at Dani.

Alam din niya na may lihim na relasyon sina Dani at Seth na pilit niyang binubuwag.  Siya din ang responsible dun sa mga larawang pinapadala kay Seth na muntik ng sumira sa relasyon nito kay Dani.  Pati yung kay mga anonymous text na natanggap ni Joey galing din sa kanya.  Gusto niya sanang mag-away away ang dalawa at iiwanan nito si Dani pero laking ngitngit niya nung nagkaayos ang mga ito kaya nagdesisyon siyang kidnapin at pahirapan si Dani.

Hindi niya kinidnap si Dani dahil kailangan niya ng pera.  Marami siya nun.  Kinidnap niya ito dahil gusto niyang pahirapan.  Kinidnap niya ito para puntahan ni Seth.  Si Seth!  Ang pag-ibig ni Seth ang gusto niyang maging kabayaran ng buhay ni Dani.

Naputol ang pagmuni-muni ni Korine nung mabasa niya ang nasa mga social networking sites. 

“RT: @Bubbles&Bees: Seth and Dani are married!  We are happy for you!”

At marami pa siyang mga congratulatory notes and comments na nabasa.  Biglan bumulusok ang galit ni Korine at sinugod nito si Dani at pinasasasampal!

“I hate you!  I hate you!  Mamamatay ka!  I hate you so much!” hiyaw nito habang sinasampal at sinasabunutan ang walang laban na si Dani.

Chapter 29:

“Korine!!!!” sigaw ni Seth!

“Taas ang mga kamay!” sigaw naman ng mga pulis na kasama nila Seth at Joey sa pagpunta sa isang resthouse sa Laguna kung saan dinala ni Korine si Dani.

Natigilan si Korine at bigla itong napatingin kung saan nanggagaling ang boses.  Nakita niyang naka taas na ang mga kamay ng mga alalay na tinututukan na ng mga kasama nila Seth.  Dahil sa adrenalin rush ay nakalipat agad si Korine sa likod ni Dani at nakatutuk na ang dalang baril sa leeg ni Dani.

“Sige lumapit kayo.  Babarilin ko ang babaeng ito!”

“Korine, huminahun ka.  Pag-usapan natin ito.” Mahinahong sabi ni Seth habang si Joey naman ay mataimtim lang na nakamasid sa pangyayari pero alerto ang mga mata nitong naghahanap ng pagkakataong marescue si Dani.

“Huwag kang lumapit Seth!  Babarilin ko si Dani.  I swear!  Babarilin ko talaga si Dani.” Pagbabanta pa rin ni Korine.

“Korine please.  Pag-usapan natin ito ng maayos.  Pakawalan mo na si Dani please.” Pagmamakaawa ni Seth.

“No! No! No!  Stay away! Umalis kayong lahat!”

“Ms. Korine, sumuko na kayo para gagaan ang sentensya niyo.” Maawtoridad na sabi ng pulis sa kanya.

“Korine, what do you want?  Anong pwedeng kapalit sa buhay ni Dani?” hindi na mapigilan ni Seth na sambitin.

Tumawa ng malakas si Korine.  Tawang nakakaloka at nakakamangha na rin ang itsura nito.  Animo’y nasapian na ito ng masamang ispiritu.

“Good thing you ask that Seth!  Ikaw! Ikaw ang gusto kong kabayaran!  Pag-ibig at atensyon mo ang kapalit ng lahat ng ito Seth!  Ang tanga tanga mo kasi.  Ang tanga niyong dalawa!” sabay nguso kay Joey.

“Wala na kayong nakikitang dalawa kundi si Dani.  Puro kayo si Dani si Dani si Dani!  Mga putang-ina ninyong dalawa.  Ano ba ang meron sa babaeng ito ha?” sabay muling tinutukan ang mukha ni Dani na sa pagkakataong iyon ay nawalan na ng malay at maga na ang mukha dahil sa inabot na pagbubugbog at sampal dito ni Korine.  Nakatali pa rin ang mga kamay nito sa likod ng silyang inuupuan.

Awang-awa na si Seth sa inabot ng asawa.  Pero kailangan niya ng presence of mind para maligtas niya ito.

“Korine, nakiki-usap ako sayo.  Pakawalan mo na please si Dani.  Pag-usap natin ng maayos ang mga gusto mo.  Please maawa ka.  Tutuparin ko ang lahat ng sasabihin mo.” Muling pagsusumamo ni Seth.

“Tutuparin mo ang lahat ng gusto ko!” tumawa ito ng malakas muli. “Eh kung sabihin kong hiwalayan mo si Dani at ako ang pakasalan mo?  Pero teka, paano mo nga pala ako papakasalan eh nagpakasal ka na pala sa babaeng ito ha!  Paano?  Mas mabuti pang patayin ko ang babaeng ito para tuluyan ka ng maging akin!” at biglang kinasa ni Korine ang hawak na armas para barilin si Dani pero mabilis na lumapit si Joey at inilihis ang baril na hawak ni Korine kay sa kisame ito tumama.

Ang aksyong iyong ang naging hudyat para lumusob din si Seth para agawin ang baril kay Korine habang si Joey ay nag-umpisang kalagan ang walang malay na si Dani.

Parang ang bilis ng pangyayari at ang magkabilang kampo ay nagkasubukan at nagsapakan.

Nagmamadali si Joey sa pagkakalag ng tali kay Dani samantalang si Seth ay nakikipagbuno kay Korine para maagaw ang hawak nitong baril nung biglang pumutok ang baril na ikinagulantang ng lahat.

Nasa ganung pangyayari nung mahimasmasan si Dani at right before her eye ay nakita niyang tinamaan si Seth.  All she can see is blood.  Lamat ng dugo na unti-unting lumalaki sa suot na puting polo ni Seth.

Tila ba parang tumigil ang ikot ng mundo at biglang nagslow motion ang lahat lahat nung pabagsak na si Seth sa pagtayo.  Tinamaan ito sa bandang upper right chest.  Si Korine ay natulala at lumaki ang mga mata sa nagawa.  Naging hudyat iyon para sa mga awtoridad para maagaw dito ang hawak na baril at mahuli din ito kagaya ng mga tauhan.

“Seeeeeeettttthhhhhh!!!!” sigaw ni Dani sa muli ay pinanawan na naman ito ng ulirat bumagsak na naagapan naman ni Joey. 

“Oh my God!  No! No! No!  Seeethhhh I’m sorry!  I’m sorry Seth!  No! No! No!” paulit ulit na sigaw ni Korin habang kinaladkad na ito ng mga awtoridad palabas ng warehouse.

Pinangko ni Joey si Dani para mabilis na itong makaalis sa warehouse at madala ito sa ospital.  Naka short na puti si Dani kaya kapansinpansin na ang tumatagas na dugo sa mga binti nito.

Kahit may tama si Seth ay nagawa pa rin nitong tumayo at puntahan si Dani pero pinigilan na ito ng mga kasamahan at mabilis na ring nilabas sa warehouse.

Papunta na silang lahat sa ospital na ang tanging nasambit lang ni Seth ay ang pangalan ni Dani nung unti-unti na siyang nawalan ng ulirat at dumilim na ang lahat.

Chapter 30:

Isang batang lalaki na wala pang isang taon ang naglalaro ng isang bola sa kama nito.  Humahagikhik ang bata na tila nakikipaglaro ito sa mga tao na nasa paligid niya.  Bigla itong kinuha ng nanay ng bata who’s wearing white flowy dress at lumapit din ang tatay ng bata at yumakap sa mag-ina nito.

“And cut!  Good take!” sigaw ng director ng commercial na nagshoshoot ng commercial ng isang fabric softener.

“Ang galing mo pa rin Dani!  Wala kang kupas.  Motherhood becomes you talaga.  And your little angel is so cute.  Hay nako, mabuti na lang matindi ang kapit ng bubwit na ito kasi kung nalaglag ito…” at napa sign of the cross ang director sa isiping iyon.

Nakangiti lang si Dani at niyakap ang director matapos nitong ibigay nito ang anak para kandungin.

“Sammy, go to Ninang K muna ha.  Mommy will change prepare you milky.”

Humahagikhik naman si Sammy kasi kinikiliti at nilalaro ito ng Ninang K niya.  Nasa ganung ayus sila nung dumating naman si Seth na sinundan ng iba pang crew na may bitbit ng ilang boxes ng pizza.

Lumapit ito sa asawa at kinatalan ito ng halik at pumunta kay Ninang K at nagbeso tapos hinalikan ang panganay na muling humagikhik pagkakita sa ama.

“How’s my Sammy Boy doing?  Magaling na actor ba ito ha Ninang?”

“Hay nako Seth, manang mana sa nanay ito ha.  Ang galing galing.  Natural na natural umarte.  Nakakagigil sobra!” at muling binalingan nito si Sammy at muling pinangigilan.

“Hello?  Joey!  Yes tuloy tayo tonight.  Papunta na kami mayamaya.  Yeah sasama syempre ang Ninang K.  Yup pack-up na shooting namin.  Tapos na finally ang commercial.” Nakasmile si Dani habang kausap nito si Joey.

“Great!  O kumusta na man actor kong inaanak?” natatawang sambit ni Joey.

“Hay nako mana sa iyo sa pagpapacute at umarte.  Ay nagprotesta ang tatay so let me rephrase that, mana sa inyong dalawang tatay!” at tumawa ito ng malakas matapos yakapin ang asawang si Seth na kunyari nagtatampo dahil sa sinabi niya.

Kinuha ni Seth ang telepono at ito naman kumausap kay Joey.  “Pare, tuloy yung bakbakan tonight ha.  Nanalo ka sa akin last time pero tonight ako naman!” he’s pertaining to the online game they’re playing.

“O sige.  Kitakits tonight.  Can’t wait to eat the famous liempo of Mareng Analeen.  Kiss baby Jessa for us.  See you later.” Pagpapaalam ni Seth kay Joey.

“Ate K, see you tonight ha.  Huwag ka na magdala ng sasakyan.  Susunduin ka na lang namin.  It’s going to be a long drive.  Dun tayo sa bahay bakasyunan sa Tagaytay ng Tita Ruby ni Analeen.” Paalala ni Dani kay Ate K.

Tumatango lang si K at nagpaalam na din ang mag-anak matapos kumain ng pizzang dala ni Seth.

Parehong nakaligtas sina Dani at Seth dun sa nangyari.  Pagising ni Dani sa ospital ay una niyang tinanong kung kumusta ang lagay ng baby niya sa sinapupunan.  That was her surprise for Seth that night to tell him that she was 4 weeks on the way even if 3 days pa lang silang kinasal.

Medyo naging hysterical si Dani nung makitang nasa tabing kama si Seth at may benda ang kanang bahagi ng dibdib.  Pero napacify siya nung dumilat ito at sinabi sa kanya na ok naman siya.

Pununta sa kanila ang magulang ni Korine at humingi ng paumanhin.  Nagkaroon pala ng drug problem si Korine kaya naging ganun ito.  Nasa rehab si Korine sa panahon na iyon bago ilipat sa correctional.   Dani felt so sorry for Korine and would have opted na huwag na itong ipakulong at iparehab na lang pero dapat nilang magpaubaya sa mga awtoridad sa pagdesisyon sa mga bagay na iyon.

Dani quit showbizness and joined Seth in his tours.  Paminsan minsan ay umuuwi sila ng Pilipinas and hindi rin natatangihan ni Dani ang mga offer minsan to do commercials lalo na pagsi Ate K ang director/coordinator.

Samanatala si Joey at Analeen naman ay namumuhay pa rin sa showbiz world.  Nagmature na si Analeen matapos itong mabuntis.  Nung una ay laging nag-aaway dahil sa insekyuridad ni Analeen kay Dani pero nag-usap ng masinsinan ang dalawang babae at nagkaliwanagan kaya naging panatag si Analeen and she turned out to be a good wife to Joey.

Buntis na ulit ito sa pangalawang supling nila ni Joey.
Sina Seth at Joey naman ay naging magkumpare at sanggang dikit na lalo na’t may mga family gathering.  Pareho itong mahilig maglaro ng video games pala kaya nagkakasundo ito.

At kahit hindi na aktibo si Dani sa showbiz, hindi pa rin nawawala ang communication at friendship niya sa mga myembro ng Bubbles and Bees.  When they are in the Philipines, hindi pumapalya ang paggegetogether nito kasama ng mga members ng natural grupo at duon mismo sa Jollibee branch kung saan ito nabuo.

*********************************************

Sa buhay nating ito, when destiny comes knocking in, there’s no way that we can stop it to happen.

Nung gawin ko ang kwentong ito ay muntik ko ng di tapusin dahil sa nawawalaan na ako ng pwedeng gawing story plot.  Maybe because I’ve used most of it already on the 6 fanfics I’ve written previously.  So I thought!  Thanks God that ideas keeps flowing in again.

I personally would like to thank all the “bitin-abangers” for always asking me for the next chapters.  You ignited the fire… you gave me the ideas… you made me fulfill my destiny to finish this story with a BANG!  LYAN BANG! (Sorry I got carried away!)

From the bottom of my heart, thank you very much to all the SAMVONs, Devonairs and subscribers/abangers of ANT COALITION AND JAEVON SCRIBES.  Your comments, anxiousness, pangungulit, panghuhula and mga suggestions matters a lot to me.  It is my gauge to keep the fire burning and to write and write and write beautiful and should I say exciting stories in the future.

Mabuhay ang mga manunulat sa ANT COALITION WRITERS and JAEVON SCRIBES!  Mabuhay kayong lahat ng “bitin-abangers!”

O di ba para lang akong nagspeech sa Oscars!  Don’t worry, BEE happy lang tayo lagi mga kapatid at ituloy natin ang pagkinang ng mga bumubulang pangarap!


********************* E N D **********************

 

51 comments:

  1. ANG GANDA ATE ACHEENA :) :)


    THE BEST KA PO TALAGA

    ReplyDelete
  2. the best talaga...:):):)

    ReplyDelete
  3. wow naman galing nioy po talaga :) keep it up samvon is love

    ReplyDelete
  4. samvon is truelove :)

    ReplyDelete
  5. ate!!! galing galing talaga!! bitin...next chapter na po sana!! =))

    -zeth06

    ReplyDelete
  6. waaaaaaaaaaaaaaaaah!


    next chapter na po please :)

    ReplyDelete
  7. Pakisabi naman po kung sino yung mga caracters! Nalilito ako! Haha! di ko alm kung cnu-cnu sila! xDD PLEASE RESPONSE!

    ReplyDelete
  8. R.I.A.N

    S-eth = Sam
    D-ani/D-anille - Devon
    J-oey = can be James

    Or pwede ding the other way around but this FF is really a samvon ff :-)

    ReplyDelete
  9. WOW! next na po pls :D :D lalo akong naiinlove sa Samvon dahil sa mga ff writers e :D

    ReplyDelete
  10. waaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhh...... nkk-inlove...nxt n po pls............

    ReplyDelete
  11. ai,,talagang nabitin ako teh!! hehehe kailan ba ang next chap nito.. medyo demanding pasensya na ehh!! kaw ba nman ang binitin hehehe... nakakakilig nman.. love it!! ngayon lang aq ulit nagbasa ng FF ,, pagkatpos nung sa JAEVON na "chances" kay ate bite... hehehe kilig talaga :)

    ReplyDelete
  12. But now in certified SamVon Bubbles po talaga,, love them talaga....

    ReplyDelete
  13. waaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh............
    kilig to d bones po tlg....sna evryday my nxt chapter..hahahhaa...demanding mch...thank you po.....

    ReplyDelete
  14. waaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhh...hayloveit, nakakakilig to the maximum level, anu kaya ang mangyayari next chap...waaaaaaaaaaaaaaaa, abangers mode ako, everyday im looking forward for more chap here...im so fan of ate athena pagdating sa ff talaga...waaaaaaaaaaaaaahhhhh...moreeeeeeeeeee!!!:D:D:D

    ReplyDelete
  15. waaaaaaaaaaaahhhh...
    d q mapigilan mapangiti at kiligin while reading dis ff.......
    tenks po ng marami...im 1 of ur avid reader.....
    moreeeeeeeeeeeeeeee.........

    ReplyDelete
  16. wowowow...bubbles and bees, bago 'to ahhh, hehheh:D:D:D, kakakilig...talaga naman...:D:D:Dmoreeeeeeeeeeeeeeeeee....:):):)

    ReplyDelete
  17. aaahh...
    kaya pala yun ung titile :)
    hahaha..
    next chapter na po pls :)

    ReplyDelete
  18. more chapter pls...bubbles and bees love it..galing nyo po talaga!!

    ReplyDelete
  19. i love to read,, and this one is worth to read khit msakit sa mata kakatitig sa comp, heheh love it,, sam and devon....

    ReplyDelete
  20. waaaaaaaaaaaaaahhhh...
    i soooooo love ittttttt......
    tenk you po ng marami.....

    ReplyDelete
  21. waaaaahh ur da best po talaga:)

    more plzz till the end tnx for making us sooo kilig..

    ReplyDelete
  22. Hi Friend!('',)

    Marathon ang beauty ko sa fanfic mo. hehe

    Nice! Bagay din sila. Actually, si "Dani" pwede at bagay kahit kanino i-pair. Kay "Joey", "Seth" or "Ira" (imbento ko lang) at kay "Pierre" (imbento lang uli) hehe Pero si "Joey" kay "Dani" lang bagay. hehe

    Affected ako masyado ng FF mo....kaya sundan mo na agad.

    Princessa8 of PEx

    ReplyDelete
  23. Friend!!!!!

    Teka sino naman itong si Ira and Pierre.... explain to me para maisama ko! hahahaha! Miss texting you!

    ReplyDelete
  24. continuation plz...lizjhen of samvon..tnx po talaga galing nio:)

    ReplyDelete
  25. affected much sa ff mo...hahaa...

    Jaevon aketch pero nakikibasa ng ff ng Samvon..nyahahaha..


    Keep up the good work and the GOOD Vibes... :)

    ReplyDelete
  26. BITIN ULIT ATE

    waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa


    -girlie18

    ReplyDelete
  27. waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhh

    next pls

    nakaka bitin talaga salamat po sa walang sawang paggawa nag ff nakakilig sobra
    :) ♥♥♥ samvon

    ReplyDelete
  28. penny : whaaaah bitiners din aketch...napaano keya si dani baket siya nagcollapased?! feel kow si joey nagpapadala ng emails kay seth...hmmmp ang bad bad niya
    mye:baka buntis
    penny:ai tapos iisipin ni seth si joey tatay naku naku naku...tssssk..
    mye:hahahahahahaha i dont think so
    penny:

    ReplyDelete
  29. OMG - buntis c dani????
    waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhh...
    nxt chapter na po...
    nkkbitin....................................................................

    mj-samvon bubbles...

    ReplyDelete
  30. ...waaah!..ate acheena..pwede hanggang chap25 ang birthday gift mu kai ms. bite?..hehe..bitin much..

    ->janine here.. =)

    ReplyDelete
  31. waaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh.... ano ba yan..wala na akong ibang comment dito kung di 2mili.... hahahahaha.....
    ang ganda po talaga......
    super 2 d highest level...sana soon na ang nxt chapt...

    mj-samvon bubbles.. ;)

    ReplyDelete
  32. Friend!

    Marathon uli ako hehe

    Ira and Pierre, imbento ko lang na names for Ivan and Patrick hehe

    Miss texting you also, sooo busy with work, weekend lang ako nakakabasa ng fanfic mo.

    Kasunod please!('',)

    Princessa8 of PEx

    ReplyDelete
  33. ate grabe naman palage nalang bitin


    waaaaaaaaaaaaaaahhhhhh
    :(

    next pls ♥♥♥

    ReplyDelete
  34. waaaaaaaaahhh sinu si korine..bakit nya kinidnap si dani...i'm so surprise dahil kasal na pala sina seth and dani...cont. po plss..!!

    ReplyDelete
  35. huhuhuhhuhuu...;(
    kawawa nman c dani......
    ang kupet nmn ni korine.........
    parang teleserye lang ang kwe2 ah....
    lab it...
    mj-samvon...

    ReplyDelete
  36. ..cno po c korine?..
    ..can't think of anyone eh..
    ..i know it can't be yen or tippy..
    ..hmmmm..
    ..coleen ba ito?..
    ..aaaaaahhhh!...
    ..cno c korine?..

    ReplyDelete
  37. Maraming maraming salamat guys for your continued patronage of the fanfics I made. I'm so honored and deeply touched.

    For the new characters, I leave all of it to your imagination. Mahirap na magbigay ng names at baka aawayin ako ng mga fans nila especially that the character is kinda challenging.

    Again, thank you so much and kitakits ulit sa mga susunod kong FanFic ok? :-)

    ReplyDelete
  38. nayun ko lang po nabasa ang ending. and waaaaaa! ang ganda!. BIG THUMBS UP!. sana po gagawa pa kayu ng bagon g FF. ang ganda po kasi i. :)

    ReplyDelete
  39. ganda ng ending,.,.,.,.,.

    may new ff po kayu?

    ReplyDelete
  40. waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa....tapos na talaga siya,...sulit din ang mga araw na busy ako, pagbasa ko may ending na, super galing mo ate athena, :):):), expect na babasahin namin every fanfic mo...:):):), muahhhhhhhhhhhh, samvon here nga pala, heheh:D:D:D, thanks so much ate for the beautiful ff of samvon...love it so much...i know more pa in the future, pwede ka na ihanay sa mga PHR writers, galing mo teh....love u...muahhhhhhhhhh

    ReplyDelete
  41. Ang ganda super... kahit Jaevon ako....hindi niyo sinira yung Jaevon friendship.. i love this.. more more ideas pa po sana ang dumating sa inyo. Andito lang kami, abangers sa mga ff mo! :)

    ReplyDelete
  42. hayyssttt...
    ang ganda naman ng ending ms. acheena...
    sana po gawa ulit kayo ng ff ng samvon...
    tenk you so mch!!!

    keep bubbling BUBBLES!

    mj-samvon

    ReplyDelete
  43. waaaaaaaaaaahhhhhhhhh!
    ang gondo ate athena
    kudos to you!
    <3

    ReplyDelete
  44. Thanks you guys for your nice comments!!!!

    Rest muna ako sandali sa pagsusulat (rest means... 2 or 3 days lang hahahahaa)

    About Jaevon friendship...yeah I chose to do it that way...kaya nabuo si Korine.... afterall, my passion in writing started naman with Jaevon di ba.... so mas maganda pa rin maging neutral para sa lahat para...

    EVERYBODY HAPPY! :)

    ReplyDelete
  45. Synopsis pala for the next FF:

    Can friends be lovers?

    Or can ex-lovers be friends?

    Can you really be cool with your ex?

    Or will you stay enemies for life?

    Abangers.....

    ReplyDelete
  46. ang ganda nito! SUBRA <3<3

    ReplyDelete